Nagsiuwian na ang ibang mga panauhin. Ang iba naman ay nananatili sa kanilang inuupuan at masayang nakikipagkwentuhan sa ibang mga kasamahan sabay lagok ng alak.
Nakaupo lamang si Alea sa tabi ng kaniyang kaibigang si Ash habang nakatayo naman si Iris sa kaniyang gilid. Nanunuod lamang ang mga ito sa mga diwatang nagsasayawan at nagkakantahan. Nakatingin man si Alea sa mga nagsasaya ngunit ang kaniyang paningin ay lumalagpas sa mga ito. Ang kaniyang isip ay naglalakbay sa kung saan kaya hindi niya namalayang nakatulala na pala siya. Napansin siya ni Iris kaya kinilabit siya nito at siya ay nabalik sa huwisyo.
"Wala ka yata sa mood, Alea?" bulong ni Iris.
"Inaantok lang, Iris."
"Okay ka lang ba talaga, Alea?"
"Oo, Iris. Huwag kang mag-alala, okay lang ako.
Nangangawit na ang mga paa ni Iris dahil kanina pa siya nakatayo at gusto na niyang umupo kahit saglit man lang.
"Di ba talaga ako pwedeng
Hindi alam ni Alea kung saang bahagi ng lugar siya napunta. Kakaiba ang kapaligiran doon. May mga kahoy sa paligid ngunit walang mga dahon. May mga usok na bumabalot sa paligid ngunit hindi niya ito napansin dahil madilim. Babalik na sana si Alea ngunit may nakita siyang maliit na ilaw sa 'di kalayuan. Naglakad siya papalapit doon at nang makalapit ay nakita niyang isa pala itong maliit na kubo.Biglang bumuhos ang ulan kaya napilitan siyang kumatok sa kubong iyon para makisilong. "Tao po?" Kinatok niya ito ng tatlong beses at naghintay na may magbubukas ng pinto. Lumipas ang ilang segundo ay bumukas ang pintuan at dumungaw ang isang matandang babae."Magandang gabi po sa'yo, lola. Pwede po ba akong makisilong saglit?""Halika, pumasok ka sa aking munting tahanan," sabi nito at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Agad siyang pumasok dito at naupo sa sahig nitong kahoy. Tanging maliit na lampara lamang ang ginagamit nitong pang-ilaw sa madilim na gabi.
Nang makarating si Alea sa palasyo ay may sumalubong kaagad sa kaniya na isang kawal. "Mahal na prinsesa, kanina pa po kayo pinapahanap ng iyong amang hari." sabi ng kawal. "Sabihin mo sa kaniya na ako'y nakabalik na. Namamasyal lamang ako sa kagubatan kanina at nais kong magpahinga muna sa aking silid." "Masusunod po, mahal na prinsesa." Tinalikuran siya ng kawal at agad na nagtungo sa kinaroroonan ng hari. Hindi niya nadatnan ang prinsesa nang siya ay makapasok sa silid. Hindi niya alam kung saan ito nagpunta. Iniisip niya na baka tuluyan na ngang umalis ang prinsesa sa palasyo para puntahan ang minamahal. Nakahiga lamang si Alea sa kama at nakatulala. Wala siyang ganang kumain at lumabas ng silid. Pumasok si Iris ngunit hindi man lang niya ito napansin. "Hoy, Alea! Anong problema, ha? Kanina ka pa namin hinahanap. Saan ka ba nagpunta? Pinag-aalala mo na naman kami, alam mo ba 'yon? Syempre hindi mo alam. Lagi ka na lang umaalis ng walang pa
"Oh my God! Siya nga 'yon Alea! Naaalala ko na! Siya 'yong matandang lalaki na nakita natin sa kagubatan noong sinusundan natin ang itay mo, hindi ba?""Oo, Iris. At siya rin 'yong nanakot sa'kin noon nang matagpuan ko si itay!""Ano? Tinakot mo si Alea, Lucio?" singit na tanong ni Ash."Paumanhin sa aking nagawa," sabi ng matanda sabay yuko."Ayos lang po. Matagal na naman po 'yon. Kalimutan na lang po natin," sabi ni Alea."Siya nga pala 'yong nagsabi sa'kin na nandito ka sa mundong ito, Alea. Sinundo niya ako sa mundo ng mga tao at dinala rito."Umupo ang dalawa at si Iris ay nanatiling nakatitig pa rin sa matandang nakatayo sa kanilang harapan."Huwag mo nga siyang titigan ng ganiyan Iris," pagsaway ni Alea.&nb
Agad na napa-iwas ng tingin si Alea at sunod-sunod na sumubo ng pagkain. "Gusto ko na ang aking anak ang pipili ng kaniyang mapapangasawa. Si Yulan na ang magpapasya para sa kaniyang sarili," sagot ng ama ni Yulan. "Kung gano'n, may nahahanap ka na bang babaeng papakasalan, Prinsipe Yulan?" tanong ng ama ni Ash. "May napupusuan akong isang babae. Ngunit ikakasal na siya sa iba," sagot ni Yulan. Napahinto sa pagkain si Alea ngunit nanatili pa rin itong nakayuko. "Hindi ko alam ang bagay na iyan, Yulan. Maaari mo bang sabihin ang kaniyang pangalan?" sabi ng kaniyang ama. Napa-ubo si Alea sa narinig. Napatingin siya sa dalawang baso na nasa kaniyang harapan. Inangat niya ang kaniyang ulo at nakita na sina Ash at Yulan pala ang may hawak ng mga iyon. Sabay ang mga ito na nag-alok sa kaniya ng basong may lamang tubig. Nagpalipat-lipat ang kaniyang paningin sa dalawang baso ngunit wala siyang pinili sa mga ito. Kinuha niya ang baso ng
Maagang nagising si Alea. Nakarinig siya ng katok sa pinto ng silid kaya nilapitan niya ito. Ang kaibigan niyang si Iris ay hindi pa nagigising at humihilik pa nga ito. Nang mabuksan ang pintuan ay agad niyang nakita ang kaibigang si Ash na nakatayo sa labas ng pintuan."Kumain na kayo para maihatid ko na kayo pabalik," walang emosyong sabi ni Ash."Okay ka lang ba, Ash? Bakit parang ang tamlay mo yata ngayon?""Ha? Ah pagod lang siguro.""Ah sige, susunod na lang kami. Gigisingin ko muna si Iris.""Sige." Agad na tumalikod si Ash at naglakad paalis. Nagtataka si Alea sa inaakto ng kaibigan. Hindi siya sanay na gano'n ang lalaki. Sanay siya na masayahin lang ito at mapagbiro.Ginising ni Alea ang kaibigang si Iris. Hindi pa sana ito babangon ngunit pinilit niya ito. Tinapik-tapik niya ang mukha nito para magising."Ano ba, Alea inaantok pa ako eh," reklamo ng kaibigan."Gising na! Hinihintay na tayo ni Ash!"
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Alea."Hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong mong iyan, Avaleighra.""Huwag mo ring sagutin ang mga tanong niya, mahal na prinsesa," sabi ni Iris."Huwag kang sumingit sa aming usapan, alipin! Wala kang respeto!" pagalit na sabi ng babae kay Iris."Paumahin, pero wala kang karapatang sigawan ang aking kaibigan. Kung wala kang importanteng sasabihin ay aalis na kami," sabi ni Alea. Niyaya niya ang kaniyang mga kaibigan at tinalikuran ang babae."Salamat friend, ha. Ayiee the best ka talaga!" sabi ni Iris sabay kapit sa braso ni Alea. Nakangiti lang si Ash habang pinagmamasdan ang dalawa."Tingin niyo narinig niya ang pinag-uusapan natin? Baka magsumbong siya sa hari at malaman ang totoo," nababahalang sabi ni Alea."Manalig na lang tayo na sana wala siyang narinig. Pero ihanda niyo na lang palagi ang mga sarili niyo. Hindi natin alam ang takbo ng isip ng mga nandito," sabi ni Ash.Nang
Bumangon si Alea sa pagkakatumba sa lupa. Tiningnan niya isa-isa ang mga maliliit na nilalang at pinakiramdaman ang mga ito. Isa-isa naman itong napapaatras at pumunta sa likuran ng kanilang hari."Mga tauhan! Hanapin ninyo ang babaeng taong iyon at dalhin rito!" Utos ng hari. Agad na nagsialisan ang mga ito at hindi na pinansin pa si Alea.Dahan-dahan naman na naglakad si Alea papalayo sa lugar na iyon. Naglalakad siya habang nakatingin sa mapa. Hindi niya alam kung nasaan na ang kaniyang mga kaibigan. Nag-aalala na siya sa mga ito.Nakarating si Alea sa isang mas nakakatakot na bahagi ng lugar. Napakalaki ng mga punong-kahoy na nakapaligid ngunit wala namang mga dahon. May mga usok pang makikita sa paligid. Napatigil siya sa paglalakad at hindi kaagad nakakilos dahil sa sobrang takot at pagkagulat. May bigla kasing lumitaw sa kaniyang harapan na napakaitim na nilalang. Maitim ang buong katawan nito at pula ang ang kulay ng mga mata. Nakatingi
Lilingon na sana si Ash sa kaniyang likuran ngunit nakita niyang agad na bumangon si Iris at kinuha ang espada para saktan si Alea kaya wala siyang ibang nagawa kundi unahin ang kaligtasan ng dalaga. Binaliktad niya ang kaniyang hawak na espada at ibinato kay Iris upang patamaan ito ng hindi natutusok ng patalim nito. Tumama ang ulo ng espada sa leeg ni Iris at hinimatay ito dahil kahit na may anino sa loob ng katawan nito ay tao parin ito. Napasigaw si Alea sa kaniyang nakita at agad na dinaluhan ang nakahandusay na si Iris.Sabay sa pagbagsak ni Iris sa lupa ay nakaramdam din si Ash ng sakit dulot ng pagkatusok ng espada sa kaniyang likuran. Hinugot ng anino ang espadang nakabaon sa katawan ni Ash at muli sana itong sasaksakin mabuti na lamang at dumating si Yulan para iligtas si Ash.Napaluhod si Ash habang nakatingin sa mga kaibigang nasa kaniyang harapan. Unti-unting lumalabo ang kaniyang paningin at ang boses ng kaibigan ay unti-unting humihina sa kaniyang pandin