Agad na napa-iwas ng tingin si Alea at sunod-sunod na sumubo ng pagkain.
"Gusto ko na ang aking anak ang pipili ng kaniyang mapapangasawa. Si Yulan na ang magpapasya para sa kaniyang sarili," sagot ng ama ni Yulan.
"Kung gano'n, may nahahanap ka na bang babaeng papakasalan, Prinsipe Yulan?" tanong ng ama ni Ash.
"May napupusuan akong isang babae. Ngunit ikakasal na siya sa iba," sagot ni Yulan.
Napahinto sa pagkain si Alea ngunit nanatili pa rin itong nakayuko.
"Hindi ko alam ang bagay na iyan, Yulan. Maaari mo bang sabihin ang kaniyang pangalan?" sabi ng kaniyang ama.
Napa-ubo si Alea sa narinig. Napatingin siya sa dalawang baso na nasa kaniyang harapan. Inangat niya ang kaniyang ulo at nakita na sina Ash at Yulan pala ang may hawak ng mga iyon. Sabay ang mga ito na nag-alok sa kaniya ng basong may lamang tubig. Nagpalipat-lipat ang kaniyang paningin sa dalawang baso ngunit wala siyang pinili sa mga ito. Kinuha niya ang baso ng
Maagang nagising si Alea. Nakarinig siya ng katok sa pinto ng silid kaya nilapitan niya ito. Ang kaibigan niyang si Iris ay hindi pa nagigising at humihilik pa nga ito. Nang mabuksan ang pintuan ay agad niyang nakita ang kaibigang si Ash na nakatayo sa labas ng pintuan."Kumain na kayo para maihatid ko na kayo pabalik," walang emosyong sabi ni Ash."Okay ka lang ba, Ash? Bakit parang ang tamlay mo yata ngayon?""Ha? Ah pagod lang siguro.""Ah sige, susunod na lang kami. Gigisingin ko muna si Iris.""Sige." Agad na tumalikod si Ash at naglakad paalis. Nagtataka si Alea sa inaakto ng kaibigan. Hindi siya sanay na gano'n ang lalaki. Sanay siya na masayahin lang ito at mapagbiro.Ginising ni Alea ang kaibigang si Iris. Hindi pa sana ito babangon ngunit pinilit niya ito. Tinapik-tapik niya ang mukha nito para magising."Ano ba, Alea inaantok pa ako eh," reklamo ng kaibigan."Gising na! Hinihintay na tayo ni Ash!"
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Alea."Hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong mong iyan, Avaleighra.""Huwag mo ring sagutin ang mga tanong niya, mahal na prinsesa," sabi ni Iris."Huwag kang sumingit sa aming usapan, alipin! Wala kang respeto!" pagalit na sabi ng babae kay Iris."Paumahin, pero wala kang karapatang sigawan ang aking kaibigan. Kung wala kang importanteng sasabihin ay aalis na kami," sabi ni Alea. Niyaya niya ang kaniyang mga kaibigan at tinalikuran ang babae."Salamat friend, ha. Ayiee the best ka talaga!" sabi ni Iris sabay kapit sa braso ni Alea. Nakangiti lang si Ash habang pinagmamasdan ang dalawa."Tingin niyo narinig niya ang pinag-uusapan natin? Baka magsumbong siya sa hari at malaman ang totoo," nababahalang sabi ni Alea."Manalig na lang tayo na sana wala siyang narinig. Pero ihanda niyo na lang palagi ang mga sarili niyo. Hindi natin alam ang takbo ng isip ng mga nandito," sabi ni Ash.Nang
Bumangon si Alea sa pagkakatumba sa lupa. Tiningnan niya isa-isa ang mga maliliit na nilalang at pinakiramdaman ang mga ito. Isa-isa naman itong napapaatras at pumunta sa likuran ng kanilang hari."Mga tauhan! Hanapin ninyo ang babaeng taong iyon at dalhin rito!" Utos ng hari. Agad na nagsialisan ang mga ito at hindi na pinansin pa si Alea.Dahan-dahan naman na naglakad si Alea papalayo sa lugar na iyon. Naglalakad siya habang nakatingin sa mapa. Hindi niya alam kung nasaan na ang kaniyang mga kaibigan. Nag-aalala na siya sa mga ito.Nakarating si Alea sa isang mas nakakatakot na bahagi ng lugar. Napakalaki ng mga punong-kahoy na nakapaligid ngunit wala namang mga dahon. May mga usok pang makikita sa paligid. Napatigil siya sa paglalakad at hindi kaagad nakakilos dahil sa sobrang takot at pagkagulat. May bigla kasing lumitaw sa kaniyang harapan na napakaitim na nilalang. Maitim ang buong katawan nito at pula ang ang kulay ng mga mata. Nakatingi
Lilingon na sana si Ash sa kaniyang likuran ngunit nakita niyang agad na bumangon si Iris at kinuha ang espada para saktan si Alea kaya wala siyang ibang nagawa kundi unahin ang kaligtasan ng dalaga. Binaliktad niya ang kaniyang hawak na espada at ibinato kay Iris upang patamaan ito ng hindi natutusok ng patalim nito. Tumama ang ulo ng espada sa leeg ni Iris at hinimatay ito dahil kahit na may anino sa loob ng katawan nito ay tao parin ito. Napasigaw si Alea sa kaniyang nakita at agad na dinaluhan ang nakahandusay na si Iris.Sabay sa pagbagsak ni Iris sa lupa ay nakaramdam din si Ash ng sakit dulot ng pagkatusok ng espada sa kaniyang likuran. Hinugot ng anino ang espadang nakabaon sa katawan ni Ash at muli sana itong sasaksakin mabuti na lamang at dumating si Yulan para iligtas si Ash.Napaluhod si Ash habang nakatingin sa mga kaibigang nasa kaniyang harapan. Unti-unting lumalabo ang kaniyang paningin at ang boses ng kaibigan ay unti-unting humihina sa kaniyang pandin
Habang naglalakad ay palinga-linga sa paligid si Yulan na parang may hinahanap. Hanggang sa may nilapitan itong isang halaman at kumuha ng mga dahon nito. Hindi pamilyar si Alea sa halamang nilapitan ng lalaki. Malapad ang mga dahon nito at makapal. Ang katawan naman nito ay may mga tinik. "Ano ang gagawin mo sa dahong 'yan, Yulan?" tanong ni Alea. "Mabisa itong panggamot para sa sugat, Alea." Nais din sanang kumuha ng dahon ni Alea para gamutin din ang kaniyang sugat sa binti ngunit nagsimula ng maglakad ang prinsipe. Ayaw din naman niyang mapalayo sa lalaki kaya agad niyang sinundan ito. Nakaramdam na ng labis na pagkapagod at kirot sa binti si Alea dahil sa sugat na natamo niya mula sa matulis na kuko ng mga malilit na nilalang ngunit pilit niya itong tinitiis at nanahimik na lamang dahil ayaw niyang maging pabigat sa prinsipeng kasama. Malapit ng mag-gabi. Ang liwanag ay inaagaw na ng dilim. Niyaya ni Yulan si Alea na magpahinga
Nagising si Yulan at Alea dahil sa ingay ng paligid. Nakita nilang magkayakap pa rin sila sa isa't-isa nang sila'y magising. Nagtatawanan at ang lalakas ng boses ng kung sino man ang nasa kanilang paligid. Agad na bumangon si Yulan at agad na kinuha ang kaniyang espada ngunit ang naaalarma niyang mukha ay napalitan ng pagtataka. "Anong ginagawa niyo rito?" "Kamusta na aking kaibigan? Mukhang maayos ka naman, pinag-alala mo pa kami! Sino ba iyang kasama mo?" tanong ng isang lalaki na kulay asul ang buhok. Hindi pinansin ni Yulan ang mga matang nakatitig sa kaniya. Naghihintay ng sagot ang apat niyang mga kaibigan ngunit wala siyang ganang sagutin ang mga tanong nito. Hinarap ni Yulan si Alea na nakayuko kaya umupo siya upang magpantay ang kanilang mga mukha. Dahan-dahan namang inangat ni Alea ang kaniyang mukha at nagkatitigan ang kanilang mga mata. Gumuhit ang ngiti sa labi ng lalaki at tinulungan siya nitong tumayo at iniharap sa mga kaibigan na
Patuloy na tumatakbo nang mabilis ang kabayong kanilang sinasakyan. Nakakapit nang napakahigpit si Alea kay Yulan at wala na siyang ibang narinig pa kundi ang dumadagundong na tunog nang pagtakbo ng kabayo kasabay ng mabilis na pagkabog ng kaniyang dibdib. Natatakot siya na baka mabugahan sila ng apoy ng dragon. Kinalma ni Alea ang kaniyang sarili ipinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata. Naniniwala siyang hindi siya pababayaan ng lalaking kasama. "Handa ka na ba, Spedd?" rinig niyang tanong ni Yulan sa kabayo. Binuksan ni Alea ang kaniyang mga mata at nakitang lumiko sila at bumalik sa dating dinaanan. Sinalubong nila ang dragon imbis na tumakbo palayo rito. Mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ni Alea at pakiramdam niya ay mas mabilis pa ang pagtibok nito kaysa sa takbo ng kabayong sinasakyan. Akala ni Alea ay mauulam na sila ng dragon ngunit bago paman sila mabugahan ng apoy ay ibinato na ni Yulan ang kaniyang espada at tumusok ito sa puso ng
Dahan-dahang minulat ni Alea ang kaniyang mga mata. Iba na ang nakikita niya sa paligid. Hindi na mga nyebe ang makikita sa paligid kundi puro mga bato at tubig na umaagos. Hinanap ng kaniyang mga mata si Yulan ngunit hindi niya ito makita. Tinawag niya ang pangalan nito ngunit walang Yulan na sumasagot. Nagpalakad- lakad siya habang tinatawag ang pangalan ng lalaki hanggang sa may nakita siyang lalaking nakatayo sa di kalayuan. Ang kasuotan nito, tindig at hubog ng katawan ay kapareho kay Yulan. "Yulan!" Sigaw ni Alea ngunit hindi man lang ito lumingon. Agad niya itong nilapitan. Tinakbo niya ang kanilang pagitan at nang makalapit ay hinila niya ang braso nito upang maiharap niya ito sa kaniya. "Yulan!" Tumingin ito sa kaniya at agad na ngumiti nang siya ay makita. Ngunit parang kakaiba ang kaniyang nararamdaman sa mga ngiti ng lalaki. "Alea, kanina pa kita hinahanap. Mabuti na lamang at ako'y iyong nakita." "Ano ba ang nangyari, Yulan?"