"Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Alea.
"Hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong mong iyan, Avaleighra."
"Huwag mo ring sagutin ang mga tanong niya, mahal na prinsesa," sabi ni Iris.
"Huwag kang sumingit sa aming usapan, alipin! Wala kang respeto!" pagalit na sabi ng babae kay Iris.
"Paumahin, pero wala kang karapatang sigawan ang aking kaibigan. Kung wala kang importanteng sasabihin ay aalis na kami," sabi ni Alea. Niyaya niya ang kaniyang mga kaibigan at tinalikuran ang babae.
"Salamat friend, ha. Ayiee the best ka talaga!" sabi ni Iris sabay kapit sa braso ni Alea. Nakangiti lang si Ash habang pinagmamasdan ang dalawa.
"Tingin niyo narinig niya ang pinag-uusapan natin? Baka magsumbong siya sa hari at malaman ang totoo," nababahalang sabi ni Alea.
"Manalig na lang tayo na sana wala siyang narinig. Pero ihanda niyo na lang palagi ang mga sarili niyo. Hindi natin alam ang takbo ng isip ng mga nandito," sabi ni Ash.
Nang
Bumangon si Alea sa pagkakatumba sa lupa. Tiningnan niya isa-isa ang mga maliliit na nilalang at pinakiramdaman ang mga ito. Isa-isa naman itong napapaatras at pumunta sa likuran ng kanilang hari."Mga tauhan! Hanapin ninyo ang babaeng taong iyon at dalhin rito!" Utos ng hari. Agad na nagsialisan ang mga ito at hindi na pinansin pa si Alea.Dahan-dahan naman na naglakad si Alea papalayo sa lugar na iyon. Naglalakad siya habang nakatingin sa mapa. Hindi niya alam kung nasaan na ang kaniyang mga kaibigan. Nag-aalala na siya sa mga ito.Nakarating si Alea sa isang mas nakakatakot na bahagi ng lugar. Napakalaki ng mga punong-kahoy na nakapaligid ngunit wala namang mga dahon. May mga usok pang makikita sa paligid. Napatigil siya sa paglalakad at hindi kaagad nakakilos dahil sa sobrang takot at pagkagulat. May bigla kasing lumitaw sa kaniyang harapan na napakaitim na nilalang. Maitim ang buong katawan nito at pula ang ang kulay ng mga mata. Nakatingi
Lilingon na sana si Ash sa kaniyang likuran ngunit nakita niyang agad na bumangon si Iris at kinuha ang espada para saktan si Alea kaya wala siyang ibang nagawa kundi unahin ang kaligtasan ng dalaga. Binaliktad niya ang kaniyang hawak na espada at ibinato kay Iris upang patamaan ito ng hindi natutusok ng patalim nito. Tumama ang ulo ng espada sa leeg ni Iris at hinimatay ito dahil kahit na may anino sa loob ng katawan nito ay tao parin ito. Napasigaw si Alea sa kaniyang nakita at agad na dinaluhan ang nakahandusay na si Iris.Sabay sa pagbagsak ni Iris sa lupa ay nakaramdam din si Ash ng sakit dulot ng pagkatusok ng espada sa kaniyang likuran. Hinugot ng anino ang espadang nakabaon sa katawan ni Ash at muli sana itong sasaksakin mabuti na lamang at dumating si Yulan para iligtas si Ash.Napaluhod si Ash habang nakatingin sa mga kaibigang nasa kaniyang harapan. Unti-unting lumalabo ang kaniyang paningin at ang boses ng kaibigan ay unti-unting humihina sa kaniyang pandin
Habang naglalakad ay palinga-linga sa paligid si Yulan na parang may hinahanap. Hanggang sa may nilapitan itong isang halaman at kumuha ng mga dahon nito. Hindi pamilyar si Alea sa halamang nilapitan ng lalaki. Malapad ang mga dahon nito at makapal. Ang katawan naman nito ay may mga tinik. "Ano ang gagawin mo sa dahong 'yan, Yulan?" tanong ni Alea. "Mabisa itong panggamot para sa sugat, Alea." Nais din sanang kumuha ng dahon ni Alea para gamutin din ang kaniyang sugat sa binti ngunit nagsimula ng maglakad ang prinsipe. Ayaw din naman niyang mapalayo sa lalaki kaya agad niyang sinundan ito. Nakaramdam na ng labis na pagkapagod at kirot sa binti si Alea dahil sa sugat na natamo niya mula sa matulis na kuko ng mga malilit na nilalang ngunit pilit niya itong tinitiis at nanahimik na lamang dahil ayaw niyang maging pabigat sa prinsipeng kasama. Malapit ng mag-gabi. Ang liwanag ay inaagaw na ng dilim. Niyaya ni Yulan si Alea na magpahinga
Nagising si Yulan at Alea dahil sa ingay ng paligid. Nakita nilang magkayakap pa rin sila sa isa't-isa nang sila'y magising. Nagtatawanan at ang lalakas ng boses ng kung sino man ang nasa kanilang paligid. Agad na bumangon si Yulan at agad na kinuha ang kaniyang espada ngunit ang naaalarma niyang mukha ay napalitan ng pagtataka. "Anong ginagawa niyo rito?" "Kamusta na aking kaibigan? Mukhang maayos ka naman, pinag-alala mo pa kami! Sino ba iyang kasama mo?" tanong ng isang lalaki na kulay asul ang buhok. Hindi pinansin ni Yulan ang mga matang nakatitig sa kaniya. Naghihintay ng sagot ang apat niyang mga kaibigan ngunit wala siyang ganang sagutin ang mga tanong nito. Hinarap ni Yulan si Alea na nakayuko kaya umupo siya upang magpantay ang kanilang mga mukha. Dahan-dahan namang inangat ni Alea ang kaniyang mukha at nagkatitigan ang kanilang mga mata. Gumuhit ang ngiti sa labi ng lalaki at tinulungan siya nitong tumayo at iniharap sa mga kaibigan na
Patuloy na tumatakbo nang mabilis ang kabayong kanilang sinasakyan. Nakakapit nang napakahigpit si Alea kay Yulan at wala na siyang ibang narinig pa kundi ang dumadagundong na tunog nang pagtakbo ng kabayo kasabay ng mabilis na pagkabog ng kaniyang dibdib. Natatakot siya na baka mabugahan sila ng apoy ng dragon. Kinalma ni Alea ang kaniyang sarili ipinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata. Naniniwala siyang hindi siya pababayaan ng lalaking kasama. "Handa ka na ba, Spedd?" rinig niyang tanong ni Yulan sa kabayo. Binuksan ni Alea ang kaniyang mga mata at nakitang lumiko sila at bumalik sa dating dinaanan. Sinalubong nila ang dragon imbis na tumakbo palayo rito. Mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ni Alea at pakiramdam niya ay mas mabilis pa ang pagtibok nito kaysa sa takbo ng kabayong sinasakyan. Akala ni Alea ay mauulam na sila ng dragon ngunit bago paman sila mabugahan ng apoy ay ibinato na ni Yulan ang kaniyang espada at tumusok ito sa puso ng
Dahan-dahang minulat ni Alea ang kaniyang mga mata. Iba na ang nakikita niya sa paligid. Hindi na mga nyebe ang makikita sa paligid kundi puro mga bato at tubig na umaagos. Hinanap ng kaniyang mga mata si Yulan ngunit hindi niya ito makita. Tinawag niya ang pangalan nito ngunit walang Yulan na sumasagot. Nagpalakad- lakad siya habang tinatawag ang pangalan ng lalaki hanggang sa may nakita siyang lalaking nakatayo sa di kalayuan. Ang kasuotan nito, tindig at hubog ng katawan ay kapareho kay Yulan. "Yulan!" Sigaw ni Alea ngunit hindi man lang ito lumingon. Agad niya itong nilapitan. Tinakbo niya ang kanilang pagitan at nang makalapit ay hinila niya ang braso nito upang maiharap niya ito sa kaniya. "Yulan!" Tumingin ito sa kaniya at agad na ngumiti nang siya ay makita. Ngunit parang kakaiba ang kaniyang nararamdaman sa mga ngiti ng lalaki. "Alea, kanina pa kita hinahanap. Mabuti na lamang at ako'y iyong nakita." "Ano ba ang nangyari, Yulan?"
Hindi agad nakapagsalita si Alea sa nakita. Akala niya ay isang napakalaking palasyo ang kanilang madadatnan ngunit hindi. Isang napakaliit na kubo lamang ang laman ng napakalaking gintong tarangkahan. Ang paligid ay napapaligiran ng mga naglalakihang mga punong-kahoy.Lumapit sila sa kubo at pinakiramdaman ang paligid. Napakatahimik ng buong lugar. Tanging mga huni lamang ng ibon ang kanilang naririnig. Kinatok ni Alea ang pinto ng kubo sabay sabing, "Tao po?" May tao ba diyan?" ngunit walang sumasagot."Alea, sa tingin mo ba ay isang tao ang nagmamay-ari ng lugar na ito?" tanong ni Yulan na nagpipigil ng tawa. Napaisip si Alea at napagtantong mali nga pala ang kaniyang nasabi. Imposible naman kasi na isang tao ang naroon sa lugar na iyon. Nasanay kasi siya sa mundo ng mga tao. "Ano ba ang dapat kung sabihin?" tanong ni Alea kay Yulan ngunit nagkibit balikat lang ito.Muling humarap si Alea sa pintuan. "Magandang araw po!" muling sabi ni Alea sabay
Niyakap ni Yulan si Alea dahil alam niyang kinakabahan ito. "Huwag kang matakot, ako'y nandito lamang upang ika'y protektahan," sabi ni Yulan kay Alea. "Hindi ako natatakot para sa aking sarili kundi natatakot ako para sa aking mga magulang. Baka kung ano na ang gagawin ni Avaleighra sa kanila." "Ako'y sasama sa inyo at tutulong na iligtas ang kapwa mo tao na nakulong sa mundong ito, Alea. Ako'y magtutungo sa mundo ng mga tao," sabi ni Freya. "Si Avaleighra po ba 'yung nakasama kong babae kanina bago paman kami nakapasok dito, lola?" "Hindi, Alea. Siya ay ang aking kaibigan na oso. Isa siyang napaka espesyal na oso. May kakayahan siyang magbago ng wangis. Siya ang nagbabantay doon sa gintong tarangkahan. Kung sino man ang nais na pumasok ay dapat munang dumaan sa isang pagsubok. At kailangan munang malampasan ang mga iyon bago makapasok." "Paano kami makakasiguro na ikaw na nga talaga si Freya?" tanong ni Alea. "Hawakan mo ang ak