Lilingon na sana si Ash sa kaniyang likuran ngunit nakita niyang agad na bumangon si Iris at kinuha ang espada para saktan si Alea kaya wala siyang ibang nagawa kundi unahin ang kaligtasan ng dalaga. Binaliktad niya ang kaniyang hawak na espada at ibinato kay Iris upang patamaan ito ng hindi natutusok ng patalim nito. Tumama ang ulo ng espada sa leeg ni Iris at hinimatay ito dahil kahit na may anino sa loob ng katawan nito ay tao parin ito. Napasigaw si Alea sa kaniyang nakita at agad na dinaluhan ang nakahandusay na si Iris.
Sabay sa pagbagsak ni Iris sa lupa ay nakaramdam din si Ash ng sakit dulot ng pagkatusok ng espada sa kaniyang likuran. Hinugot ng anino ang espadang nakabaon sa katawan ni Ash at muli sana itong sasaksakin mabuti na lamang at dumating si Yulan para iligtas si Ash.
Napaluhod si Ash habang nakatingin sa mga kaibigang nasa kaniyang harapan. Unti-unting lumalabo ang kaniyang paningin at ang boses ng kaibigan ay unti-unting humihina sa kaniyang pandin
Habang naglalakad ay palinga-linga sa paligid si Yulan na parang may hinahanap. Hanggang sa may nilapitan itong isang halaman at kumuha ng mga dahon nito. Hindi pamilyar si Alea sa halamang nilapitan ng lalaki. Malapad ang mga dahon nito at makapal. Ang katawan naman nito ay may mga tinik. "Ano ang gagawin mo sa dahong 'yan, Yulan?" tanong ni Alea. "Mabisa itong panggamot para sa sugat, Alea." Nais din sanang kumuha ng dahon ni Alea para gamutin din ang kaniyang sugat sa binti ngunit nagsimula ng maglakad ang prinsipe. Ayaw din naman niyang mapalayo sa lalaki kaya agad niyang sinundan ito. Nakaramdam na ng labis na pagkapagod at kirot sa binti si Alea dahil sa sugat na natamo niya mula sa matulis na kuko ng mga malilit na nilalang ngunit pilit niya itong tinitiis at nanahimik na lamang dahil ayaw niyang maging pabigat sa prinsipeng kasama. Malapit ng mag-gabi. Ang liwanag ay inaagaw na ng dilim. Niyaya ni Yulan si Alea na magpahinga
Nagising si Yulan at Alea dahil sa ingay ng paligid. Nakita nilang magkayakap pa rin sila sa isa't-isa nang sila'y magising. Nagtatawanan at ang lalakas ng boses ng kung sino man ang nasa kanilang paligid. Agad na bumangon si Yulan at agad na kinuha ang kaniyang espada ngunit ang naaalarma niyang mukha ay napalitan ng pagtataka. "Anong ginagawa niyo rito?" "Kamusta na aking kaibigan? Mukhang maayos ka naman, pinag-alala mo pa kami! Sino ba iyang kasama mo?" tanong ng isang lalaki na kulay asul ang buhok. Hindi pinansin ni Yulan ang mga matang nakatitig sa kaniya. Naghihintay ng sagot ang apat niyang mga kaibigan ngunit wala siyang ganang sagutin ang mga tanong nito. Hinarap ni Yulan si Alea na nakayuko kaya umupo siya upang magpantay ang kanilang mga mukha. Dahan-dahan namang inangat ni Alea ang kaniyang mukha at nagkatitigan ang kanilang mga mata. Gumuhit ang ngiti sa labi ng lalaki at tinulungan siya nitong tumayo at iniharap sa mga kaibigan na
Patuloy na tumatakbo nang mabilis ang kabayong kanilang sinasakyan. Nakakapit nang napakahigpit si Alea kay Yulan at wala na siyang ibang narinig pa kundi ang dumadagundong na tunog nang pagtakbo ng kabayo kasabay ng mabilis na pagkabog ng kaniyang dibdib. Natatakot siya na baka mabugahan sila ng apoy ng dragon. Kinalma ni Alea ang kaniyang sarili ipinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata. Naniniwala siyang hindi siya pababayaan ng lalaking kasama. "Handa ka na ba, Spedd?" rinig niyang tanong ni Yulan sa kabayo. Binuksan ni Alea ang kaniyang mga mata at nakitang lumiko sila at bumalik sa dating dinaanan. Sinalubong nila ang dragon imbis na tumakbo palayo rito. Mas lalong lumakas ang kabog sa dibdib ni Alea at pakiramdam niya ay mas mabilis pa ang pagtibok nito kaysa sa takbo ng kabayong sinasakyan. Akala ni Alea ay mauulam na sila ng dragon ngunit bago paman sila mabugahan ng apoy ay ibinato na ni Yulan ang kaniyang espada at tumusok ito sa puso ng
Dahan-dahang minulat ni Alea ang kaniyang mga mata. Iba na ang nakikita niya sa paligid. Hindi na mga nyebe ang makikita sa paligid kundi puro mga bato at tubig na umaagos. Hinanap ng kaniyang mga mata si Yulan ngunit hindi niya ito makita. Tinawag niya ang pangalan nito ngunit walang Yulan na sumasagot. Nagpalakad- lakad siya habang tinatawag ang pangalan ng lalaki hanggang sa may nakita siyang lalaking nakatayo sa di kalayuan. Ang kasuotan nito, tindig at hubog ng katawan ay kapareho kay Yulan. "Yulan!" Sigaw ni Alea ngunit hindi man lang ito lumingon. Agad niya itong nilapitan. Tinakbo niya ang kanilang pagitan at nang makalapit ay hinila niya ang braso nito upang maiharap niya ito sa kaniya. "Yulan!" Tumingin ito sa kaniya at agad na ngumiti nang siya ay makita. Ngunit parang kakaiba ang kaniyang nararamdaman sa mga ngiti ng lalaki. "Alea, kanina pa kita hinahanap. Mabuti na lamang at ako'y iyong nakita." "Ano ba ang nangyari, Yulan?"
Hindi agad nakapagsalita si Alea sa nakita. Akala niya ay isang napakalaking palasyo ang kanilang madadatnan ngunit hindi. Isang napakaliit na kubo lamang ang laman ng napakalaking gintong tarangkahan. Ang paligid ay napapaligiran ng mga naglalakihang mga punong-kahoy.Lumapit sila sa kubo at pinakiramdaman ang paligid. Napakatahimik ng buong lugar. Tanging mga huni lamang ng ibon ang kanilang naririnig. Kinatok ni Alea ang pinto ng kubo sabay sabing, "Tao po?" May tao ba diyan?" ngunit walang sumasagot."Alea, sa tingin mo ba ay isang tao ang nagmamay-ari ng lugar na ito?" tanong ni Yulan na nagpipigil ng tawa. Napaisip si Alea at napagtantong mali nga pala ang kaniyang nasabi. Imposible naman kasi na isang tao ang naroon sa lugar na iyon. Nasanay kasi siya sa mundo ng mga tao. "Ano ba ang dapat kung sabihin?" tanong ni Alea kay Yulan ngunit nagkibit balikat lang ito.Muling humarap si Alea sa pintuan. "Magandang araw po!" muling sabi ni Alea sabay
Niyakap ni Yulan si Alea dahil alam niyang kinakabahan ito. "Huwag kang matakot, ako'y nandito lamang upang ika'y protektahan," sabi ni Yulan kay Alea. "Hindi ako natatakot para sa aking sarili kundi natatakot ako para sa aking mga magulang. Baka kung ano na ang gagawin ni Avaleighra sa kanila." "Ako'y sasama sa inyo at tutulong na iligtas ang kapwa mo tao na nakulong sa mundong ito, Alea. Ako'y magtutungo sa mundo ng mga tao," sabi ni Freya. "Si Avaleighra po ba 'yung nakasama kong babae kanina bago paman kami nakapasok dito, lola?" "Hindi, Alea. Siya ay ang aking kaibigan na oso. Isa siyang napaka espesyal na oso. May kakayahan siyang magbago ng wangis. Siya ang nagbabantay doon sa gintong tarangkahan. Kung sino man ang nais na pumasok ay dapat munang dumaan sa isang pagsubok. At kailangan munang malampasan ang mga iyon bago makapasok." "Paano kami makakasiguro na ikaw na nga talaga si Freya?" tanong ni Alea. "Hawakan mo ang ak
Sa kalagitnaan ng gabi ay bumangon si Alea at lumabas ng silid. Nakapikit lamang ito habang naglalakad. May ibang mga nakakakita sa kaniya ngunit hindi lamang siya pinapansin ng mga ito. Nagtataka man ang iba ngunit walang naglakas loob na lumapit sa kaniya at kausapin. "Halika, Alea. Sumama ka sa akin," sabi ng isang tinig na siyang sinusunod ni Alea. Nakalabas si Alea sa palasyo at nagpatuloy pa rin sa paglalakad hanggang sa mapunta siya sa isang napakatahimik at madilim na bahagi ng kakahuyan. Huminto si Alea at biglang nagising. Pagmulat ng kaniyang mga mata ay laking pagtataka niya na wala siyang ibang makita. Napakadilim ng buong paligid. "Nasaan ako?" tanong niya sa sarili. "Yulan? Iris? Ash?" pagtawag niya sa mga ito ngunit walang sumasagot. "Ako, Alea. Hindi mo ba kailangan ng aking tulong?" rinig niyang sabi ng isang boses. Kahit na hindi niya nakikita ito ay alam niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. "Avaleighra? Ikaw ba ang nagdala
Ang takot ay pilit na tinataboy ni Alea. Pumasok siya sa kaharian at agad na hinanap ang hari. "Ama!" pagtawag niya rito. Agad na lumapit sa kaniya ang hari at yumakap. "Mabuti't nakabalik ka na, aking anak." Nagpalinga-linga ang hari sa paligid. " Nasaan si Prinsipe Akillus? Bakit hindi mo siya kasama?" tanong nito."Pinatawag siya ng kaniyang ama kaya umuwi siya kaagad pagkatapos niya akong ihatid dito sa ating kaharian, ama." Napatango-tango na lamang ang hari nang marinig ang sagot ni Alea.Lihim na tiningnan ni Alea ang setro na dala ng hari. Pursigido na siyang makuha iyon sa lalong madaling panahon. Ngunit ang minsang pagsulyap ni Alea sa setro ay napansin ng hari."Ika'y hindi pa rin talaga nagbabago. Mula nang ika'y bata pa lamang ay nais mo na talagang makuha ito at paglaruan," sabi ng hari.Napatitig si Alea sa mukha ng hari. Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Tinago niya ang nanginginig niyang mga kamay sa kaniyang liko