Niyakap ni Yulan si Alea dahil alam niyang kinakabahan ito. "Huwag kang matakot, ako'y nandito lamang upang ika'y protektahan," sabi ni Yulan kay Alea.
"Hindi ako natatakot para sa aking sarili kundi natatakot ako para sa aking mga magulang. Baka kung ano na ang gagawin ni Avaleighra sa kanila."
"Ako'y sasama sa inyo at tutulong na iligtas ang kapwa mo tao na nakulong sa mundong ito, Alea. Ako'y magtutungo sa mundo ng mga tao," sabi ni Freya.
"Si Avaleighra po ba 'yung nakasama kong babae kanina bago paman kami nakapasok dito, lola?"
"Hindi, Alea. Siya ay ang aking kaibigan na oso. Isa siyang napaka espesyal na oso. May kakayahan siyang magbago ng wangis. Siya ang nagbabantay doon sa gintong tarangkahan. Kung sino man ang nais na pumasok ay dapat munang dumaan sa isang pagsubok. At kailangan munang malampasan ang mga iyon bago makapasok."
"Paano kami makakasiguro na ikaw na nga talaga si Freya?" tanong ni Alea.
"Hawakan mo ang ak
Sa kalagitnaan ng gabi ay bumangon si Alea at lumabas ng silid. Nakapikit lamang ito habang naglalakad. May ibang mga nakakakita sa kaniya ngunit hindi lamang siya pinapansin ng mga ito. Nagtataka man ang iba ngunit walang naglakas loob na lumapit sa kaniya at kausapin. "Halika, Alea. Sumama ka sa akin," sabi ng isang tinig na siyang sinusunod ni Alea. Nakalabas si Alea sa palasyo at nagpatuloy pa rin sa paglalakad hanggang sa mapunta siya sa isang napakatahimik at madilim na bahagi ng kakahuyan. Huminto si Alea at biglang nagising. Pagmulat ng kaniyang mga mata ay laking pagtataka niya na wala siyang ibang makita. Napakadilim ng buong paligid. "Nasaan ako?" tanong niya sa sarili. "Yulan? Iris? Ash?" pagtawag niya sa mga ito ngunit walang sumasagot. "Ako, Alea. Hindi mo ba kailangan ng aking tulong?" rinig niyang sabi ng isang boses. Kahit na hindi niya nakikita ito ay alam niya kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon. "Avaleighra? Ikaw ba ang nagdala
Ang takot ay pilit na tinataboy ni Alea. Pumasok siya sa kaharian at agad na hinanap ang hari. "Ama!" pagtawag niya rito. Agad na lumapit sa kaniya ang hari at yumakap. "Mabuti't nakabalik ka na, aking anak." Nagpalinga-linga ang hari sa paligid. " Nasaan si Prinsipe Akillus? Bakit hindi mo siya kasama?" tanong nito."Pinatawag siya ng kaniyang ama kaya umuwi siya kaagad pagkatapos niya akong ihatid dito sa ating kaharian, ama." Napatango-tango na lamang ang hari nang marinig ang sagot ni Alea.Lihim na tiningnan ni Alea ang setro na dala ng hari. Pursigido na siyang makuha iyon sa lalong madaling panahon. Ngunit ang minsang pagsulyap ni Alea sa setro ay napansin ng hari."Ika'y hindi pa rin talaga nagbabago. Mula nang ika'y bata pa lamang ay nais mo na talagang makuha ito at paglaruan," sabi ng hari.Napatitig si Alea sa mukha ng hari. Huminga siya ng malalim upang pakalmahin ang sarili. Tinago niya ang nanginginig niyang mga kamay sa kaniyang liko
Umupo si Avaleighra sa kama at nakangisi pa ring nakatingin kay Alea. "Nandito lang naman ako para ika'y kamustahin, Alea.""Ayos lang naman ako," walang ganang sagot ni Alea."Alam mo ba, Alea. Paniwalang-paniwala talaga sila na ako ay ikaw. Hindi man lang nila alam na ika'y naririto," sabi ng prinsesa at humalakhak pa."Dito nga rin eh, paniwalang-paniwala rin sila na ako nga talaga ang prinsesa. Kahit katiting na pagdududa ay hindi ko man lang nakita sa kanila."Ang ngiti ng prinsesa ay biglang napawi. "Masarap ba ang buhay prinsesa, Alea? Parang wala ka na yatang balak na umuwi sa mundo niyo?""Alam mo sa sarili mo kung gaano ko kagusto na makabalik sa'min at makasama ang aking mga magulang. Mas nanaisin ko pang makasama sila kaysa magpanggap dito bilang ikaw!""Kung gano'n ay kunin mo na ang setro ni ama sa lalong madaling panahon upang makauwi ka na.""Naghahanap pa ako ng tyempo.""Kung makuha mo
Nagising si Alea dahil sa malamig na tubig na ibinuhos sa kaniyang mukha. Nakaramdam siya ng hapdi sa kaniyang labi. Naramdaman niya rin na parang namamaga ang kaniyang mukha. Dahan-dahan niyang minulat ang kaniyang mga mata. Nag-angat siya ng tingin at nasilayan niya ang pagsikat ng arawHalos hindi siya makagalaw dahil sa labis na pananakit ng kaniyang buong katawan. Inikot niya ang kaniyang paningin at nakita niyang napakaraming nanonood sa kaniya. Pinagtatawanan siya ng karamihan ngunit may iba rin naman na naaawa sa kaniya lalong-lalo na ang mga taong naroon na nakakakilala sa kaniya.Dala-dala ni Avaleighra ang setro ng ama nitong hari. Papalapit ito sa kinaroroonan ni Alea. Sa kanang kamay nito ay bitbit nito ang isang espada."Ngayon! Inyong saksihan ang kaparusahang aking ipapataw sa babaeng ito! Ang kaparusahang kamatayan!" Sigaw ni Avaleighra.Tumayo ang reyna sa pagkakaupo sa gintong upuan at lumapit sa anak. "Ako'y labis na nalulu
Agad na tumakbo si Yulan upang saluhin ang batang si Boboy kahit na alam niyang hindi sapat ang kaniyang liksi upang masalo ito. Pabagsak na ang bata sa lupa at imposible na itong maabutan ni Yulan. Mabuti na lamang at dumating kaagad si Prexius at nasalo ang batang si Boboy. Gagamitin na sana ng reyna ang kaniyang kapangyarihan upang pabagsakin ang ibon pero agad din naman itong sinipa ni Yulan kaya natumba ito. Tuluyan nang napalayo ang ibon dala ang batang sugatan. Hinugot ni Yulan ang kaniyang espada at itinutok ito sa leeg ng reyna. Ngunit sa sandaling iyon ay may kung anong masakit ang tumama sa kaniyang likod na nakapanghihina sa kaniyang buong katawan. Nawalan ng lakas ang kaniyang mga tuhod. Napaluhod si Yulan at lumingon sa kaniyang likuran. Kaniyang nakita ang bagong hari na hawak-hawak ang setro at ito'y nakatutok sa kaniya. Pero kahit na nanghihina na ang prinsipe ay hindi pa rin nito binitawan ang kaniyang espada. Hinawakan niya ito nang napakahigpit at i
Wala ng sakit na nararamdaman si Alea sa kaniyang katawan. Pakiramdam niya ang lakas-lakas niya. Tumayo siya at naglakad patungo sa kinaroroonan ng prinsipe. Hinaplos niya ang mukha nito at hinalikan sa noo. Kinuha niya ang espadang pagmamay-ari ni Yulan at mahigpit itong hinawakan. "Magbabayad sila sa kanilang kasamaan. Sisiguraduhin kong magbabayad sila, Yulan." Walang tigil sa pag-agos ang mga luha sa mga mata ni Alea."May Mga faraya! Maghanda kayo! May mga faraya!" Sigaw ng isang kawal.Sa paglingon ni Alea ay nakita niya ang napakaraming paparating. Kagaya niya ay nakasuot din ang mga ito ng pulang balabal.May ibon na dumating at kinuha si Yulan gamit ang mga kuko nito. "Gamutin niyo sana siya kaibigan. Huwag niyong hayaang mawala ang mahal na prinsipe, nagmamakaawa ako." Hinatid ng tanaw ni Alea ang ibong nagdala kay Yulan hanggang sa mawala na ito sa kaniyang paningin.Ang kaninang malungkot na mukha ni Alea ay napalitan ng sery
Dahan-dahang lumapit si Avaleighra habang mahigpit na hinawakan ang kaniyang espada. Napaatras naman si Alea dahil ayaw na niya sanang kalabanin ang prinsesa. "Avaleighra, magsimula tayo ulit. Maaayos din natin ang lahat," wika ni Alea."Tapusin na natin ang lahat ng ito, Alea. Kung hindi mo ako kayang paslangin, ako ang papaslang sa iyo.""Avaleighra, makinig ka sa akin. Alam kong nasaktan ka sa mga nangyayari, pero malalampasan din natin ang lahat ng ito. Maniwala ka sa akin.""Huwag kang makinig sa kaniya, anak. Siya ay ating kalaban. Walang magandang naidulot sa iyo ang babaeng iyan. Sana'y hindi na lamang namin siya ipinakilala sa iyo bilang iyong kapatid!" sabi ng reyna."Alam ng hari at reyna ang tungkol sa akin?" mahinang tanong ni Alea."Tumahimik na lamang kayo, ina. Hindi ko alam kung dapat pa ba kitang paniwalaan," wika ni Avaleighra sa malungkot na boses."At sino ang iyong paniniwalaan? Ang babaeng iyan? Kasamaan lamang a
Patuloy lang sa pag-iwas ang magkakaibigan sa mga atake na ibinabato ni Iris sa kanila. Lumayo ng kaunti si Alea at lumingon kay Lucas. "Ash, ikaw na muna ang bahala kay Iris," sabi ni Alea na ang paningin ay nakatutok lamang kay Lucas."Bakit? Saan ka pupunta?""Kakausapin ko lang si Lucas."Agad na hinawakan ni Ash ang kamay ni Alea para pigilan ito. "Ako na ang bahala, Alea. Mas mapanganib 'yang Lucas na 'yan." Naglaho agad si Ash at biglang sumulpot sa harapan ni Lucas.Agad na sinipa ni Ash si Lucas at natapon ang kinakain nitong mansanas. "Mabilis ka, hindi ko inaasahan ang iyong pag-atake," nakangising sabi ni LucasSi Lucas naman ang sunod na umatake at naging alerto naman kaagad si Ash. Nagbanggaan ang kanilang mga sandatang hawak, sinasangga ang atake ng bawat isa. Kahit na nakaramdam na ng pagod si Ash ay patuloy pa rin ito sa pakikipaglaban. Matapang niyang sinangga ang patalim na paparating sa kaniya gamit ang