Share

Kabanata 40

Patuloy lang sa pag-iwas ang magkakaibigan sa mga atake na ibinabato ni Iris sa kanila. Lumayo ng kaunti si Alea at lumingon kay Lucas. "Ash, ikaw na muna ang bahala kay Iris," sabi ni Alea na ang paningin ay nakatutok lamang kay Lucas. 

"Bakit? Saan ka pupunta?"

"Kakausapin ko lang si Lucas."

Agad na hinawakan ni Ash ang kamay ni Alea para pigilan ito. "Ako na ang bahala, Alea. Mas mapanganib 'yang Lucas na 'yan." Naglaho agad si Ash at biglang sumulpot sa harapan ni Lucas. 

Agad na sinipa ni Ash si Lucas at natapon ang kinakain nitong mansanas. "Mabilis ka, hindi ko inaasahan ang iyong pag-atake," nakangising sabi ni Lucas

Si Lucas naman ang sunod na umatake at naging alerto naman kaagad si Ash. Nagbanggaan ang kanilang mga sandatang hawak, sinasangga ang atake ng bawat isa.  

Kahit na nakaramdam na ng pagod si Ash ay patuloy pa rin ito sa pakikipaglaban. Matapang niyang sinangga ang patalim na paparating sa kaniya gamit ang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status