Sumilip si Alea sa silid kung saan huli niyang nakita si Boboy at si Avaleighra. Nakita niyang natutulog pa ang mga ito. Nang makitang maayos naman ang dalawa ay napagpasyahan na niyang umalis sa kahariang iyon.
Bumalik si Alea sa kubo ng kaniyang Lola Freya. Hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin. Wala na ang kaniyang kaibigan na si Ash at hindi pa niya nakikita ang kaibigang si Iris. Walang ganang kinatok ni Alea ang pinto ng kubo ni Freya. "Lola?"
Nang bumukas ang pinto ay hindi agad nakakilos si Alea nang makita ang babaeng nasa kaniyang harapan. Nakita niyang umiiyak ito kaya agad niya itong niyakap. "Iris, salamat at ligtas ka," wika ni Alea.
"Patawarin mo ako, Alea. Sana mapatawad mo ako," umiiyak na sabi ni Iris.
"Shhh, tahan na." Tiningnan ni Alea sa mga mata ang kaibigan. "Wala kang kasalanan. Saan ka ba nagpunta?"
"Hindi ko alam. Isang umaga nagising na lang ako na nasa ilalim na ako ng puno. Kung saan-saan ako napun
Lakad-takbo ang ginawa ni Alea habang hinahanap ang kaibigang si Iris. "Iris!" Sigaw niya nang makita ang kaibigan na kasama ng mga tagasilbi at tumatakbo palayo. "Iris!" muling sigaw niya ngunit nagpatuloy lamang ito sa pagtakbo. Hahabulin na sana ni Alea ang kaibigan ngunit nakarinig siya ng isang iyak at humihingi ng tulong. Nais niyang sundan ang kaibigan ngunit hindi niya magawang balewalain lamang ang narinig. Agad niyang nilapitan ang pinanggalingan ng boses. Nakita niya ang isang babae na nakaupo sa sahig at napapaatras dahil may isang dragon sa harapan nito. Napaka kalat ng buong paligid. May mga butas at sira na rin ang iilang parte ng pader."Ahhh! Sigaw ng babae nang tuluyan na ngang nakalapit ang dragon at pinagkatitigan siya. Nanginginig ang kanyang mga kamay dahil sa sobrang takot. "Maawa ka, huwag mo akong saktan," wika ng babae habang wala pa ring tigil sa pag-iyak."Hoy, batang dragon! Ako Ang harapin mo!" Sigaw ni Alea. Inangat ng dragon ang ka
Naglalakad si Alea na parang walang buhay. Lakad lang siya nang lakad na walang pakialam kung saan man siya dalhin ng kaniyang mga paa. Nang makaramdam ng pagod ay huminto siya at umupo sa ilalim ng punong kahoy. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata, ninanamnam ang presko't malamig na hangin. Hindi nagtagal, siya ay nakatulog. "Alea, bumalik ka na. Huwa ka sanang sumuko, Alea," rinig niyang sabi ng kanyang lola. Hinarap niya ito at nginitian. "Wala akong balak na sumuko, lola. Napagod lang po ako ngunit wala akong balak na takasan ang suliraning kinakaharap ko ngayon. Nais ko lamang pong mapag-isa at pakalmahin ang sarili," sagot niya. "Ako ay magtutungo riyan." "Huwag na po, lola. Magpagaling na lang po kayo. Huwag po kayong mag-alala, babalik po ako." "Mag-iingat ka, Alea." "Lola, may paraan po ba upang matalo ko si Dargon?" "Alea, huwag na huwag kang magpapakita sa hari ng mga dragon." "Lola, handa ko pong harapin ang problema kahit gaano paman iyan kahirap. Naniniwala po ak
Unang nagpunta si Alea sa Kaharian ng Turing upang hanapin si Reyna Theodora. Isa ang reyna sa mga nakapulot sa nagkapira-pirasong brilyante. Nang makita ang hinahanap ay agad niya itong nilapitan."Ano ang iyong ginagawa rito? Hindi ba't pinauwi mo na ang lahat ng mga aliping tao rito? Ano pa ang iyong kailangan?" tanong ng reyna."Mahal na reyna, may nais lang sana akong hingin sa iyo."Ngumisi ang reyna sa narinig mula kay Alea. "Ginto ba, Alea?""Hindi po, mahal na reyna.""At sa tingin mo ba ay ibibigay ko sa iyo ang iyong hinihingi? Nagkakamali ka, Alea. Kung ano man iyan ay hinding-hindi ko ibibigay sa iyo!""Nagmamakaawa ako. Ibigay mo sa akin ang kapiraso ng nabasag na brilyante, mahal na reyna.""Umalis ka na," mariing sabi ng reyna."Mahal na reyna, nagmamakaawa ako sa 'yo.""At bakit ko naman ibibigay sa iyo? Isa kang kalaban! Kaya huwag kang umasa na ibibigay ko sa iyo ang iyong hinihingi!"
Maagang gumising si Alea kinabukasan at nagpunta sa ilog. Ninanamnam niya ang lamig ng tubig na yumayakap sa kaniyang katawan. Nakapikit ang kaniyang mga mata, iniisip kung ano ang mga gagawing hakbang upang makuha ang dalawa pang natitirang piraso ng nabasag na brilyante.Nang makaramdam ng gutom ay agad siyang naghanap ng prutas na mapipitas upang may makain. Lumapit siya sa isang malaking puno ng kahoy na may maraming bunga. Hindi niya maabot ang mga bunga nito kaya napilitan siyang umakyat sa puno. Umupo siya sa isang sanga habang kumakagat sa prutas na kaniyang nakuha. "Akala ko, mag-isa lang akong kakain ngayon. Mabuti na lamang at nandito kayo para ako'y sabayan sa pagkain," nakangiting sabi ni Alea. Natutuwa siyang pagmasdan ang mga maiingay at malilit na ibon na nakatungtong sa maliliit na sanga. Kumakain din ang mga ito kagaya niya.Tumayo si Alea at umakyat sa pinaka-itaas na bahagi ng puno. Pinagmamasdan niya ang kulay asul na kalangitan. Ipinikit niya ang
Napatitig si Yulan sa mga mata ni Alea.Nang makita ng hari si Alea ay agad itong lumapit sa dalaga. "Ano ang iyong ginagawa rito? Hindi ba't may kasunduan tayo?" bulong nito. Hinawakan ng hari ang braso ni Alea at inilayo sa prinsipe."Sandali lamang, ama. Nais ko muna siyang makausap," sabi ng prinsipe.Napatigil ang hari at dahan-dahang bumitaw sa pagkakahawak sa braso ni Alea. Humarap si Alea sa prinsipe at naghihintay sa sasabihin nito."Ano ang iyong pangalan? Parang nakita na kita dati ngunit hindi ko maalala kung saan."Hindi kaagad nakapagsalita at nakagalaw si Alea. Nakaramdam siya ng kirot sa puso na parang tinusok-tusok ito ng mga karayom nang marinig niya ang sinabi ng prinsipe."Hindi mo siya nakikilala, mahal na prinsipe?" tanong ng babae ngunit hindi man lang ito pinansin ni Yulan. Nakatitig lamang ang prinsipe sa mukha ni Alea."Nagkita na ba tayo noon, binibini?" tanong ni Yulan kay Alea
Agad na tumakbo si Alea nang makarating sa kaharian ng mga faraya. "Maghanda kayo! Paparating na si Dargon! Sigaw niya."Ano ang iyong sinasabi?" tanong ng isang babae na kaniyang nakasalubong."Paparating na ang hari ng mga dragon kaya maghanda na kayo."Agad na tumalikod ang babae at mabilis na naglakad papalayo kay Alea. "Sabihan mo ang mahal na reyna na may kalaban na paparating," utos nito sa kasamahang faraya. "Kailangan nating maghanda para sa pagsalakay ng ating mga kalaban," dugtong pa nito.Susundan sana ni Alea ang babaeng inutusan ngunit bigla na lamang itong naglaho na parang bula. "Hintayin mo ako!" Sigaw niya ngunit hindi siya nito narinig."Ano ang iyong kailangan?"Agad na napalingon si Alea nang marinig ang nagtatanong na boses sa kaniyang likuran. "Hindi ba't ikaw si Alea? Ang apo ng aming reyna na si Freya? tanong ng babae nang makita nito ang mukha ni Alea."Oo, ako nga."Agad na y
Tinaasan ng prinsesa ng kilay ang lalaking kaharap. "At sa tingin mo, matatalo mo kami gamit ang palakol na iyong hawak?" tanong nito.Hinila ni Alea si Areya paatras at siya na ang humarap sa lalaki. "Kasamahan ka ni Dargon, hindi ba? Nasaan ang inyong hari?"Biglang tumawa ang lalaki. "Nais mo yatang mapadali ang iyong kamatayan. Huwag kang mag-alala, ako na ang tatapos sa inyo." Tumakbo ang lalaki papalapit sa kanila. Agad din namang sumeryoso ang mukha ni Alea. Hinawakan niya ang kamay ng prinsesa at sinama sa paglaho. Lumitaw sila sa likuran ng lalaki at agad na sinipa ni Alea ang likod nito. Nawalan ng balanse ang lalaki at tuluyang nasubsob sa lupa. Tumama naman sa likod ng hita nito ang palaso na pinakawalan ni Areya. Sinundan pa nito ng isa pang tira at tumama naman ito sa braso ng lalaki. "Ahhh!" Sigaw ng lalaki."Hindi na ba iyan makakatayo?" tanong ni Alea."Pinahiran ko ng lason ang dulo ng aking mga palaso. Nakakasiguro akong hind
Paika-ikang naglakad si Alea palapit sa halaman. Hapdi, kirot at pagod ang kaniyang nararamdaman. Nang makakuha ng dahon ay agad niya itong dinikdik at dinurog. Umupo siya sa ilalim ng puno at nilagyan ang bawat sugat sa kanyang katawan. Gusto niyang bumalik sa kaharian ng mga faraya ngunit alam niyang hindi pa sapat ang kaniyang lakas upang muling sumabak sa laban. Lalagyan na niya sana ng gamot ang isa pang sugat sa kaniyang binti nang biglang gumalaw ang kaniyang kinauupuan. Agad niyang binitiwan ang gamot at pinakiramdaman ang buong paligid. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Bigla na lamang siyang umangat. Muntik pa siyang mahulog nang mawalan ng balanse mabuti na lamang at nakahawak siya sa isang hibla ng buhok. Nagulat si Alea sa kaniyang napagtanto. Nakatayo pala siya sa balikat ng isang higanteng engkantado. Isang higanteng bumangon at tumayo mula sa pagkakahiga sa lupa.Napakamot sa ulo ang higante at nagsimula na itong maglakad. Hindi man lang p