Paika-ikang naglakad si Alea palapit sa halaman. Hapdi, kirot at pagod ang kaniyang nararamdaman. Nang makakuha ng dahon ay agad niya itong dinikdik at dinurog. Umupo siya sa ilalim ng puno at nilagyan ang bawat sugat sa kanyang katawan. Gusto niyang bumalik sa kaharian ng mga faraya ngunit alam niyang hindi pa sapat ang kaniyang lakas upang muling sumabak sa laban.
Lalagyan na niya sana ng gamot ang isa pang sugat sa kaniyang binti nang biglang gumalaw ang kaniyang kinauupuan. Agad niyang binitiwan ang gamot at pinakiramdaman ang buong paligid. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. Bigla na lamang siyang umangat. Muntik pa siyang mahulog nang mawalan ng balanse mabuti na lamang at nakahawak siya sa isang hibla ng buhok. Nagulat si Alea sa kaniyang napagtanto. Nakatayo pala siya sa balikat ng isang higanteng engkantado. Isang higanteng bumangon at tumayo mula sa pagkakahiga sa lupa.Napakamot sa ulo ang higante at nagsimula na itong maglakad. Hindi man lang pNamangha si Alea sa nakita nang sila ay makapasok. "Ikaw pa lamang ang diwatang nakakapasok dito, Alea," wika ni Axel. Nilibot ni Alea ng tingin ang paligid. Hindi niya inakala na gano'n pala kalaki ang lugar sa likod ng mga dahong nakaharang. Ang buong lugar ay napapalibutan ng mga naglalakihang mga dahon. May mga pasikot-sikot rin sa lugar. Mga naglalakihang mga bato na pinagpatong-patong ang ginawang pangharang. May matatayog na mga punong kahoy rin siyang nakikita na siyang nagproprotekta sa kanila sa ulan at init dahil sa makakapal at malalapad na mga dahon nito. Huminto si Axel sa paglalakad at humarap sa mga dahon na kung titingnan ay parang nakadikit sa pader. Hinawi niya ito at bumungad sa kanila ang lalaking nakahiga at walang malay. "Siya si Noah, ang aming panganay na kapatid." Lumapit si Axel at umupo sa gilid ng nakahigang kapatid. Naawa si Alea sa kanyang nakita. Ang katawan nito ay may mga sugat. "Bakit nagkaganyan ang kaniyang katawan?
"Alea," sambit ng dragon."Nasaan si Dargon?" tanong ni Alea. Pinunasan niya ang luhang tumulo sa pisngi at diritsong tumingin sa mga mata ng dragon. "Sabihin mo sa akin kung nasaan si Dargon," dugtong niya. "Mas mabuting huwag ka na lamang magpakita pa kay Haring Dargon kung ayaw mong matulad sa mga farayang iyan," sabi ng dragon."Hindi ako natatakot sa kaniya! Haharapin ko siya at lalabanan!""Huminahon ka, Alea.""Ituro mo na kung nasaan si Dargon, aking kaibigan. At si Iris? Nasaan siya? Hindi ba't kasama mo siya?""Huwag kang mag-alala, ang iyong kaibigan ay ligtas.""Isa ka rin ba sa mga lumusob na mga dragon dito?""Hindi ko na kailangang sagutin ang tanong mong iyan.""Bakit? Dahil isa ka rin sa kanila?""Hindi ko kayang manakit ng iba, Alea."Napayuko na lamang si Alea. Naaalala niya ang kanilang unang pagtatagpo at ang pagligtas nito sa kanya at sa kaibigan niyang si Iris.
Nalilito si Alea sa lugar na kanyang pinasok. Ang tahanan ng mga dragon ay parang isang napakalaking kweba na may napakaraming pasikot-sikot. Posible siyang maligaw doon at ang daan palabas ay hindi matunton. Ngunit kahit na gano'n ay pinagpatuloy niya pa rin ang paglalakad. Sa Bawat gilid ng daang kanyang tinatahak ay may apoy na sa paligid ay nagbibigay liwanag. Tahimik lamang siyang naglalakad, minsan ay tumatago sa madilim na sulok upang hindi makita ng mga kalabang palakad-lakad.Hindi pa nahahanap ni Alea ang kanyang lola nang marinig na niya ang sigawan mula sa labas. Huminto siya saglit at pinakiramdaman ang paligid. "May mga kalaban!" rinig niyang sigaw ng isang boses lalaki na malapit lamang sa kanyang kinatatayuan.Agad siyang nagtago sa likod ng bato nang makita ang isang lalaking tumatakbo papalapit sa kanya. Nang malampasan siya nito ay tahimik niya itong sinundan. Pumasok ito sa isang silid. "Nilusob tayo ng mga kalaban, mahal na hari," rinig niyang
Hinugot ni Alea ang espada sa sisidlan nito na nakasabit lamang sa kanyang likuran. Hinawakan niya ito nang mahigpit at itinutok sa lalaking papalapit. Nakatutok lamang ang kanyang mga mata rito. Ngunti nagulat na lamang siya nang bigla na lamang itong nawala sa kanyang harapan. Lilingon na sana siya nang maramdaman niyang nasa likuran niya ito ngunit hindi paman siya nakakilos ay naramdaman na niya ang malakas na sipa nito. Muntik pa siyang masubsob sa lupa dahil sa napalakas na sipa na tumama sa kanya mula sa likuran.Umayos siya ng tayo at agad na umikot upang harapin si Dargon ngunit hindi niya ito nakita. Isang sipa na naman sa kanyang likuran ang kanyang natanggap at tuluyan na nga siyang natumba sa lupa. "Ang bilis niya," sambit niya sa isipan. Agad siyang tumayo at hindi na muling kumilos pa. Nanatili lamang siyang nakatayo ngunit ang kanyang isipan ay nasa kalaban. Pinakiramdaman niya nang maigi ang bawat galaw nito. Alam niya na nasa likuran niya pa rin
Agad din namang bumangon at tumayo si Alea. Hinarap niya ang babae na nakangising tumingin sa kanya. "Ikaw na naman? Hindi mo talaga ako tatantanan, ah! inis niyang wika at agad na naglaho. Sumulpot siya sa likuran nito at hinampas sa ulo gamit ang bakal na hawakan ng kanyang espada. Natumba ang babae at nawalan ng malay. Nakita niyang naglalaban pa rin si Yulan at Dargon kaya agad siyang naghanap ng pantali. Dinala niya ang babae sa lugar kung saan itinali ang kanyang Lola Freya. Nang makakita ng lubid ay agad niya itong kinuha at ginapos ang babae nang napakahigpit sa malaking bato.Tinalikuran niya ang babae ngunit nagulat na lamang siya nang sa kaniyang pagharap ay nakita niya si Avaleighra na nakatayo at umiiyak. "Avaleighra, kayrami ng iyong sugat," nag-aalalang wika niya. "Alea, tulungan mo ako," usal nito at agad na yumakap kay Alea. "Huwag kang mag-alala, gagamutin kita," sagot naman ni Alea. Ramdam niya ang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya.
Muli na namang gumalaw ang mga bato."Umatras kayo!" utos ni Alea sa mga kasamahan upang hindi ang mga ito mapahamak kung tunay ngang buhay pa ang magkapatid at sila ngang gumagalaw ngayon sa ilalim ng nagkukumpulan na mga bato. Nag-atrasan naman ang lahat gaya ng sinabi ni Alea.Humakbang si Alea upang lumapit doon ngunit may kamay na humawak sa kanyang braso. Nilingon niya ito at kanyang nakita ang seryosong mukha ni Yulan. "Huwag kang lumapit," sabi ni YulanSumunod naman si Alea at nanatili lamang sa tabi ng prinsipe. Ang lahat ay nagulat nang biglang tumilapon ang mga bato dahil sa biglaang pag-ahon ng dragon mula sa ilalim ng mga bato. Umungol ito nang napakalakas at bumuga ng napakalaking apoy. Nag-atrasan naman ang iba at nagsitakbuhan upang hindi masunog sa apoy na ibinuga nito. "Huwag kayong matakot! Lalaban tayo!" Sigaw ng isang kawal. "Ahhh! Sigaw ng karamihan at patakbong lumapit sa napakalaking dragon upang laba
"Saan ka pupunta?" tanong ni Yulan nang makita si Alea na tumayo."Kailangan kong lumaban. Hindi ko kayang manatili rito at pagmasdan lamang ang ating mga kasamahan na patuloy na nakikipaglaban.""Dito ka na lamang. Ako na lamang ang tutulong sa ating mga kasamahan.""Kaya ko, Yulan. Huwag mo na lamang akong pigilan.""Kung gano'n ay kumapit ka sa akin."Humawak naman si Alea kay Yulan at sabay na naglakad.Bumuga na naman ng apoy si Dagorn habang naglabas naman ng hangin sa bibig si Dargon. Hinipan nito ang apoy na ibinuga ng kapatid kaya mas naging malaki ang apoy nito. Napatakbo naman paatras ang mga kasamahan nila Alea dahil talagang maabutan sila ng apoy ni Dagorn dahil mas kumalat at lumago ito.Hindi paman tuluyang nakalapit si Alea at Yulan sa kalaban ay nakita na nilang tumilapon ang kanilang ibang mga kasamahan. "Hinding-hindi niyo kami matatalo! Kami ang pinakamalakas na nilalang sa mundong ito!" sa
Biglang huminto ang malakas na ulan at sumikat nang matindi ang araw. Naramdaman ng lahat ang init nito sa kanilang mga balat. Lahat ng mga sumasalubong na mga dragon sa magkakapatid na higantes ay kanilang hinahampas. Bumagbagsak ang mga ito sa lupa at hindi na muli pang nakakabangon.Nakita ni Alea na ngumisi lamang si Dargon. "Kung inaakala niyo na matatalo niyo ako, nagkakamali kayo. Kahit na magsama-sama pa kayo, hinding-hindi niyo ako matatalo," mayabang na wika ni Dargon. Hinugot nito ang palasong nakabaon sa kanyang braso at binali gamit lamang ang mga kamay. Diritso niya itong itinapon pabalik sa papalapit na mga higantes. Tatamaan na sana nito si Axel mabuti na lamang at agad siyang hinablot ni Noah."Ahhh!" biglang sigaw ni Dargon. Nanigas ang katawan nito at mas lumaki. Parang may mga bato sa loob ng katawan nito. "Ahhh!" Biglang umapoy ang katawan nito habang nanlilisik ang mga matang tumingin kay Arde. Napahinto naman si Arde