Share

Kabanata 55

"Alea," sambit ng dragon.

"Nasaan si Dargon?" tanong ni Alea. Pinunasan niya ang luhang tumulo sa pisngi at diritsong tumingin sa mga mata ng dragon. "Sabihin mo sa akin kung nasaan si Dargon," dugtong niya.

"Mas mabuting huwag ka na lamang magpakita pa kay Haring Dargon kung ayaw mong matulad sa mga farayang iyan," sabi ng dragon.

"Hindi ako natatakot sa kaniya! Haharapin ko siya at lalabanan!"

"Huminahon ka, Alea."

"Ituro mo na kung nasaan si Dargon, aking kaibigan. At si Iris? Nasaan siya? Hindi ba't kasama mo siya?"

"Huwag kang mag-alala, ang iyong kaibigan ay ligtas."

"Isa ka rin ba sa mga lumusob na mga dragon dito?"

"Hindi ko na kailangang sagutin ang tanong mong iyan."

"Bakit? Dahil isa ka rin sa kanila?"

"Hindi ko kayang manakit ng iba, Alea."

Napayuko na lamang si Alea. Naaalala niya ang kanilang unang pagtatagpo at ang pagligtas nito sa kanya at sa kaibigan niyang si Iris.
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status