Agad din namang bumangon at tumayo si Alea. Hinarap niya ang babae na nakangising tumingin sa kanya. "Ikaw na naman? Hindi mo talaga ako tatantanan, ah! inis niyang wika at agad na naglaho. Sumulpot siya sa likuran nito at hinampas sa ulo gamit ang bakal na hawakan ng kanyang espada. Natumba ang babae at nawalan ng malay. Nakita niyang naglalaban pa rin si Yulan at Dargon kaya agad siyang naghanap ng pantali. Dinala niya ang babae sa lugar kung saan itinali ang kanyang Lola Freya. Nang makakita ng lubid ay agad niya itong kinuha at ginapos ang babae nang napakahigpit sa malaking bato.
Tinalikuran niya ang babae ngunit nagulat na lamang siya nang sa kaniyang pagharap ay nakita niya si Avaleighra na nakatayo at umiiyak. "Avaleighra, kayrami ng iyong sugat," nag-aalalang wika niya."Alea, tulungan mo ako," usal nito at agad na yumakap kay Alea."Huwag kang mag-alala, gagamutin kita," sagot naman ni Alea. Ramdam niya ang higpit ng pagkakayakap nito sa kanya.Muli na namang gumalaw ang mga bato."Umatras kayo!" utos ni Alea sa mga kasamahan upang hindi ang mga ito mapahamak kung tunay ngang buhay pa ang magkapatid at sila ngang gumagalaw ngayon sa ilalim ng nagkukumpulan na mga bato. Nag-atrasan naman ang lahat gaya ng sinabi ni Alea.Humakbang si Alea upang lumapit doon ngunit may kamay na humawak sa kanyang braso. Nilingon niya ito at kanyang nakita ang seryosong mukha ni Yulan. "Huwag kang lumapit," sabi ni YulanSumunod naman si Alea at nanatili lamang sa tabi ng prinsipe. Ang lahat ay nagulat nang biglang tumilapon ang mga bato dahil sa biglaang pag-ahon ng dragon mula sa ilalim ng mga bato. Umungol ito nang napakalakas at bumuga ng napakalaking apoy. Nag-atrasan naman ang iba at nagsitakbuhan upang hindi masunog sa apoy na ibinuga nito. "Huwag kayong matakot! Lalaban tayo!" Sigaw ng isang kawal. "Ahhh! Sigaw ng karamihan at patakbong lumapit sa napakalaking dragon upang laba
"Saan ka pupunta?" tanong ni Yulan nang makita si Alea na tumayo."Kailangan kong lumaban. Hindi ko kayang manatili rito at pagmasdan lamang ang ating mga kasamahan na patuloy na nakikipaglaban.""Dito ka na lamang. Ako na lamang ang tutulong sa ating mga kasamahan.""Kaya ko, Yulan. Huwag mo na lamang akong pigilan.""Kung gano'n ay kumapit ka sa akin."Humawak naman si Alea kay Yulan at sabay na naglakad.Bumuga na naman ng apoy si Dagorn habang naglabas naman ng hangin sa bibig si Dargon. Hinipan nito ang apoy na ibinuga ng kapatid kaya mas naging malaki ang apoy nito. Napatakbo naman paatras ang mga kasamahan nila Alea dahil talagang maabutan sila ng apoy ni Dagorn dahil mas kumalat at lumago ito.Hindi paman tuluyang nakalapit si Alea at Yulan sa kalaban ay nakita na nilang tumilapon ang kanilang ibang mga kasamahan. "Hinding-hindi niyo kami matatalo! Kami ang pinakamalakas na nilalang sa mundong ito!" sa
Biglang huminto ang malakas na ulan at sumikat nang matindi ang araw. Naramdaman ng lahat ang init nito sa kanilang mga balat. Lahat ng mga sumasalubong na mga dragon sa magkakapatid na higantes ay kanilang hinahampas. Bumagbagsak ang mga ito sa lupa at hindi na muli pang nakakabangon.Nakita ni Alea na ngumisi lamang si Dargon. "Kung inaakala niyo na matatalo niyo ako, nagkakamali kayo. Kahit na magsama-sama pa kayo, hinding-hindi niyo ako matatalo," mayabang na wika ni Dargon. Hinugot nito ang palasong nakabaon sa kanyang braso at binali gamit lamang ang mga kamay. Diritso niya itong itinapon pabalik sa papalapit na mga higantes. Tatamaan na sana nito si Axel mabuti na lamang at agad siyang hinablot ni Noah."Ahhh!" biglang sigaw ni Dargon. Nanigas ang katawan nito at mas lumaki. Parang may mga bato sa loob ng katawan nito. "Ahhh!" Biglang umapoy ang katawan nito habang nanlilisik ang mga matang tumingin kay Arde. Napahinto naman si Arde
Ipinikit ni Alea ang kanyang mga mata at ninanamnam ang malamig na hanging yumakap sa kanya na parang pinapakalma ang nagagalit niyang puso. Parang ang panahon at siya ay naging iisa. "Huminahon ka na, Alea. Tapos na ang laban," wika ng isang tinig mula sa kalangitan. Tumingala si Alea at muli niyang nakita ang mukha ng isang babae na binubuo ng mga ulap. Minsan na niyang nakita ito noon. Namangha man noon sa nakita ngunit ngayon ay may katanungan na nabubuo sa kanyang isipan. Ang boses na kanyang narinig ay nagmumula sa wangis ng isang babae na binubuo ng mga ulap. "Sino ka?" "Ako ang iyong karamay."Gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Alea. Halos maiyak siya dahil sa kabutihang pinapakita nito. Ngayon ay napagtanto niya na sa mga panahon na siya ay malungkot ay hindi siya palaging nag-iisa. Kasama niya ito at isa ito sa mga naging karamay niya. Ang diyosa ng panahon sa mundong iyon ay naging karamay niya. "Maraming salamat sa iyong kabutihan.""P
Sa palasyo, ang mga tagasilbi ay nagtungo sa labas upang saluhin ang umuulan na mga kumikinang na bagay. "Napakaganda! Parang umuulan ng mga bituin!" manghang sabi ng mga tagasilbi."Prinsesa Yolanda! Saan ka po pupunta?" tanong ni Orilla nang makitang lumabas ng silid ang prinsesa. Dadalhan niya sana ito ng pagkain sa loob. "Tayo'y magdiwang, Orilla. Ating namnamin ang kapayapaan sa mundong ito," nakangiting wika ni Yolanda.Sumunod si Orilla sa prinsesa bitbit pa rin ang mga hinandang pagkain para rito. Nais man niyang sundan ito ngunit bigla na lamang itong naglaho. "Mahal na prinsesa!" Sigaw niya. Agad siyang tumakbo palabas ng palasyo upang magtungo sa hardin. Alam niyang mahilig sa mga halaman ang prinsesa kaya ang lugar na iyon ang unang pumasok sa kanyang isipan.Nang makalabas si Orilla ay hindi niya mapigilan ang sarili na mamangha sa nakita. "Ang ganda," sambit niya. Inilahad niya ang nakabukas niyang palad upang saluhin ang
Nilisan ni Alea ang silid na kinaroroonan ng kaibigan niyang si Ash at nagtungo sa Kaharian ng Turingga. "Alea, kamusta ang iyong kaibigan?" bungad na tanong ni Avaleighra nang makita si Alea na pumasok sa kanyang silid."Alea!" Sigaw naman ni Iris at agad na tumakbo palapit kay Alea. "Ayos ka lang ba?" tanong niya at niyakap nang mahigpit si Alea. "Bakit napakatamlay ng iyong mukha?" tanong ni Avaleighra. "Hindi ba't ikaw ay dapat na maging masaya dahil muli niyo nang makakasama ang inyong kaibigan?" dugtong nito."Hindi pa rin siya nagigising," mahinang sabi ni Alea. "Sinong kaibigan ang iyong tinutukoy?" tanong ni Iris."Si Prinsipe Akillus," sagot ni Avaleighra. "May pag-asa ba na muli siyang mabuhay?"Nanatiling tahimik si Alea. Hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong ng kaibigan."Maiwan ko na muna kayo rito. Magpahinga ka na muna, Alea." Tumalikod si Avaleighra sa dalawa at agad na n
Niyakap nang mahigpit ni Alea ang batang kasama ni Avaleighra. "Boboy, kamusta ka na? Akala ko ay nakauwi ka na sa mundo ng mga tao.""Hindi ako sumama sa kanila, Ate Alea dahil hinihintay kita.""Masaya akong nagkita tayo ulit, Boboy.""Ako rin, Ate Alea.""Gusto mo na bang umuwi?""Gusto ko nang makita ulit ang pamilya ko po."Humarap si Alea kay Avaleighra. "Maraming salamat sa pagsundo mo kay Boboy.""Walang anuman, Alea."Muling niyakap ni Alea ang kanyang lola at si Avaleighra nang mahigpit. "Paalam, kami ay babalik na sa aming mundo," wika ni Alea. "Mag-iingat kayo, Alea," wika ni Avaleighra. Aalis na sana sila nang pigilan sila ni Freya. "Sandali lamang." "Bakit po, lola?" tanong ni Alea. "Sa paglabas ng iyong kaibigan at ng batang iyan ay makakalimutan nila ang mundong ito. Lahat ng kanilang nasaksihan dito sa mundo ay mabubura sa kanilang isipan."N
"Mabuti naman at hindi itinapon ni itay at inay ang aking mga damit," wika ni Alea habang sinusuri ang laman ng kanyang cabinet sa kwarto. "Alea, may dapat ka pang i-kwento sa akin."Pinili ni Alea ang kanyang pinakamagandang damit at inilahad sa harapan ni Iris. "Ito, suotin mo. Magbihis ka na muna.""Alea, ipaliwanag mo na sa akin ang lahat.""Oo na, sige na. Sasabihin ko na sa iyo ang lahat-lahat."Saglit na natahimik si Iris pagkatapos niyang marinig ang kwento ni Alea. "Hindi talaga ako makapaniwala. Talaga bang napunta ako roon? Ang daya naman! Bakit kailangan ko pang makalimot?""Alea, anak! Lumabas na kayo riyan dahil kakain na!" pagtawag ni Milagros."Opo, inay. Lalabas na po kami.""Si Ash, Alea? Anong nangyari sa kanya?" biglang tanong ni Iris."Ah, Iris. Gutom na gutom na kasi ako. Kumain na muna tayo." Lumabas kaagad si Alea sa kanyang kwarto upang iwasan ang tanong ni Iris.Lahat