Niyakap nang mahigpit ni Alea ang batang kasama ni Avaleighra. "Boboy, kamusta ka na? Akala ko ay nakauwi ka na sa mundo ng mga tao."
"Hindi ako sumama sa kanila, Ate Alea dahil hinihintay kita.""Masaya akong nagkita tayo ulit, Boboy.""Ako rin, Ate Alea.""Gusto mo na bang umuwi?""Gusto ko nang makita ulit ang pamilya ko po."Humarap si Alea kay Avaleighra. "Maraming salamat sa pagsundo mo kay Boboy.""Walang anuman, Alea."Muling niyakap ni Alea ang kanyang lola at si Avaleighra nang mahigpit. "Paalam, kami ay babalik na sa aming mundo," wika ni Alea."Mag-iingat kayo, Alea," wika ni Avaleighra.Aalis na sana sila nang pigilan sila ni Freya. "Sandali lamang.""Bakit po, lola?" tanong ni Alea."Sa paglabas ng iyong kaibigan at ng batang iyan ay makakalimutan nila ang mundong ito. Lahat ng kanilang nasaksihan dito sa mundo ay mabubura sa kanilang isipan."N"Mabuti naman at hindi itinapon ni itay at inay ang aking mga damit," wika ni Alea habang sinusuri ang laman ng kanyang cabinet sa kwarto. "Alea, may dapat ka pang i-kwento sa akin."Pinili ni Alea ang kanyang pinakamagandang damit at inilahad sa harapan ni Iris. "Ito, suotin mo. Magbihis ka na muna.""Alea, ipaliwanag mo na sa akin ang lahat.""Oo na, sige na. Sasabihin ko na sa iyo ang lahat-lahat."Saglit na natahimik si Iris pagkatapos niyang marinig ang kwento ni Alea. "Hindi talaga ako makapaniwala. Talaga bang napunta ako roon? Ang daya naman! Bakit kailangan ko pang makalimot?""Alea, anak! Lumabas na kayo riyan dahil kakain na!" pagtawag ni Milagros."Opo, inay. Lalabas na po kami.""Si Ash, Alea? Anong nangyari sa kanya?" biglang tanong ni Iris."Ah, Iris. Gutom na gutom na kasi ako. Kumain na muna tayo." Lumabas kaagad si Alea sa kanyang kwarto upang iwasan ang tanong ni Iris.Lahat
Nagising si Alea dahil sa katok ng pintuan ng kanyang kwarto. "Anak, gumising ka na dahil kakain na," boses ng kanyang ina. "Opo, inay. Lalabas na po."Nakapikit pa ang kanyang mga mata nang siya ay bumangon. Bumaba siya sa kama at nagpunta sa banyo upang manghilamos. Nasa isip niya pa rin ang kaibigang si Iirs. Kilala niya ang kanyang kaibigan. Alam niyang magtatanong iyon tungkol sa nangyari kagabi kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon."Anak, bilisan mo na riyan. Nakahanda na ang pagkain.""Opo, itay." Binuhos niya kaagad ang tubig na nasa tabo at pagkatapos ay pinunasan niya ang mukha gamit ang telang nakasabit sa kanyang balikat.Tahimik lamang si Alea habang kumakain. Iniisip niya pa rin ang kaibigang si Iris. "Anak, pagkatapos mong kumain ay maghanda ka na dahil magsisimba tayo.""Sige po, 'nay."Nang makarating sa simbahan ay nakita kaagad ni Alea ang maraming tao. Nilingon niya ang upuan kung saan sila unang nagkita ni Yulan. "Ano ang in
Nakatitig lang si Alea sa kisame habang nakahiga sa kanyang kama. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ni Ash. "Tinatanong ka niya sa akin nang magkita kami, Alea. Ang sabi ko ay narito ka na sa mundo ng mga tao.""Siya nga ba talaga 'yong nakita ko sa labas ng simbahan? Naalala mo na ba ako, Yulan?" tanong niya sa isipan.Tumingin siya sa orasan at nakita niyang alas dose na pala ng gabi. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinilit ang sarili na matulog. "Alea," sambit ng isang boses. Agad na niyakap ni Alea ang babaeng tumatawag sa kanyang pangalan. "Avaleighra. Kamusta ka na?""Ayos lang ako, Alea." Inilahad ni Avaleighra sa harapan ni Alea ang isang tela. Nakaburda sa tela ang pangalan na "Alea"."Tanggapin mo, Alea. Pasensya na kung kinuha ko ito sa iyo. Ngayon ay isinasauli ko na. Alam kong napaka importante ng taong nagbigay nito sa 'yo.""Ito ang telang binigay sa 'kin ni Yulan." Malungkot na tumitig s
Huminto si Alea sa tapat ng kanilang bahay. "Dito ako nakatira. Ito ang aming bahay," sabi niya sabay turo sa bahay nila."Ngayon ay alam ko na kung saan kita dadalawin, Alea," sabi ni Yulan."Yulan, magpaalam ka na. Kailangan na nating bumalik sa ating mundo," wika ni Leo."Sige na, Yulan. Papasok na ako sa loob. Mag-ingat kayo pauwi.""Alea!" Napalingon kaagad si Alea nang marinig ang sigaw ng kanyang itay. Kalalabas lamang nito ng bahay. "Aba'y gabi na! Saan ka ba nanggaling? At sino ang lalaking ito?" tanong ni Jose."Itay, siya po si Yulan, kasintahan ko po.""Magandang gabi po, itay," wika ni Yulan."Anong itay? At kailan ka pa nagka nobyo, Alea? Naglilihim ka na pala sa amin ng iyong inay?""Pasensya na po, itay.""Halika na! Pumasok ka na sa bahay, Alea!" Hinila ni Jose si Alea. "At ikaw lalaki! Umuwi ka na sa inyo! Ayaw kong palihim kayong nagkikita nitong anak ko. Naiintindihan mo ba?"
"Itay? Inay?" pagtawag ni Alea sa mga magulang."Mahal na prinsesa, halika rito sa kusina dahil kakain na," nakangiting sabi ni Iris habang nakatingin kay Alea."Tigil-tigilan mo nga ako sa kakaprinsesa mo, Iris.""Ito naman! Hindi mabiro!" sabi ni Iris at tumawa. Napahinto na lamang ito nang may mapansin sa mukha ng kaibigan. "Sandali! Umiiyak ka ba kagabi?" tanong nito nang mapansin ang namamagang mga mata ni Alea. "Halata ba?""Halatang-halata, girl!"Babalik na sana si Alea sa kanyang kwarto nang bigla siyang hinila ni Iris papunta sa kusina. "Saan ka pupunta? Huwag kang magpapalipas ng gutom. Kakain na daw sabi ng nanay mo."Nagpahila na lamang si Alea sa kaibigan. Nadatnan niyang nag-uusap si Ash at ang kanyang ina. "Inay, nasaan po si itay? tanong ni Alea sa ina na naghahanda ng pagkain."Nasa labas siya, Alea.""Nakita ko po si Yulan sa labas, 'nay. Ano po ba ang nangyayari?" kinakab
Araw-araw ay pumupunta si Yulan sa mundo ng mga tao upang ipakita sa mag-asawang Jose at Milagros na tunay ang kanyang pagmamahal para sa anak na si Alea. Ngayon ang ika-sampung araw ng pagpunta ni Yulan sa bahay nina Alea. Palulubog na ang araw at tapos na rin si Yulan sa mga gawaing pinapagawa ni Jose sa kanya. Nagpaalam siya na aalis na upang bumalik na sa mundo ng mga diwata ngunit pinigilan siya ni Jose. "Dito ka na lang muna maghapunan, Yulan. Malapit na rin namang maluto ang pagkaing niluluto ng aking asawa.""Sige po, itay," sagot ni Yulan.Napailing na lamang si Jose sabay ngisi. "Ikaw talagang bata ka. Napapadalas na ang pagtawag mo sa akin ng itay.""Ayaw niyo po ba na itay ang itawag ko sa iyo, itay?" Natawa nang tuluyan si Jose. "Mas mabuting pumasok na tayo upang makakain na," pag-aya nito kay Yulan.Umupo si Yulan sa tabi ni Alea. "Kumain ka lang ng marami, iho," sabi ni Milagros."Masasarap ang mga 'to,
SA MUNDO NG MGA DIWATA"Prinsipe! Saan ka pupunta?" tanong ng reyna."Sa mundo ng mga tao, ina.""Susuwayin mo talaga kami, Yulan?" galit na tanong ng hari. "Ina, ama, mahal ko si Alea.""Paano kami, Yulan?" tanong muli ng reyna."Ikaw ang susunod na magiging hari sa kahariang ito, anak. Kung gusto mo siyang makasama ay kailangan mo siyang kumbinsihin na mamuhay dito sa ating mundo. Hindi ako makakapayag na mamuhay ka sa mundo ng mga tao, Yulan," sabi ng hari."Hayaan niyo na lamang ako, ama." Tumalikod si Yulan at nagsimulang maglakad ngunit napatigil na lamang siya nang may mga kamay na yumakap sa kanya mula sa likuran. "Anak ko, huwag kang umalis," pagmamakaawa ng reyna. Umiiyak ito kaya hindi na nagpumiglas pa si Yulan. "Ina, tahan na." Hinarap niya ang ina at niyakap."Kaya ko namang mamuno sa kahariang ito, ama," biglang sabi ni Prinsesa Yolanda. "Anak, isa kang babae," sabi ng hari."A
"Bakit tayo umalis?" tanong ni Avaleighra."Avaleighra, nakita mo rin naman, 'di ba? Makakagulo lamang ako kung lalapit pa ako.""Mas mabuting linawin natin ang lahat kaya halika na. Balikan na natin ang dalawang iyon." Hinawakan ni Avaleighra ang kamay ni Alea upang muling pumasok sa mundo ng mga diwata. Ngunit agad ring napatigil. "Narinig ko na may babaeng ipapakasal kay Yulan," wika ni Alea. Nakita ni Avaleighra ang malungkot na mga mata ni Alea. Binitawan niya ang kamay nito at niyakap. "Akala ko pa naman ipaglalaban niya ang aming pagmamahalan. Mukhang nakalimutan na niya yata ako nang dahil sa babaeng iyon."Kumalas si Avaleighra sa pagkakayakap kay Alea at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi nito. "Alea, mas mabuti kung iyong kakausapin si Yulan.""Hihintayin ko na lamang siya rito sa aming mundo. Kung talagang mahal niya ako, babalik siya rito upang makita ako."Maraming nakahandang pagkain sa mesa. Mag