Dahan-dahang lumapit si Avaleighra habang mahigpit na hinawakan ang kaniyang espada. Napaatras naman si Alea dahil ayaw na niya sanang kalabanin ang prinsesa. "Avaleighra, magsimula tayo ulit. Maaayos din natin ang lahat," wika ni Alea.
"Tapusin na natin ang lahat ng ito, Alea. Kung hindi mo ako kayang paslangin, ako ang papaslang sa iyo."
"Avaleighra, makinig ka sa akin. Alam kong nasaktan ka sa mga nangyayari, pero malalampasan din natin ang lahat ng ito. Maniwala ka sa akin."
"Huwag kang makinig sa kaniya, anak. Siya ay ating kalaban. Walang magandang naidulot sa iyo ang babaeng iyan. Sana'y hindi na lamang namin siya ipinakilala sa iyo bilang iyong kapatid!" sabi ng reyna.
"Alam ng hari at reyna ang tungkol sa akin?" mahinang tanong ni Alea.
"Tumahimik na lamang kayo, ina. Hindi ko alam kung dapat pa ba kitang paniwalaan," wika ni Avaleighra sa malungkot na boses.
"At sino ang iyong paniniwalaan? Ang babaeng iyan? Kasamaan lamang a
Patuloy lang sa pag-iwas ang magkakaibigan sa mga atake na ibinabato ni Iris sa kanila. Lumayo ng kaunti si Alea at lumingon kay Lucas. "Ash, ikaw na muna ang bahala kay Iris," sabi ni Alea na ang paningin ay nakatutok lamang kay Lucas."Bakit? Saan ka pupunta?""Kakausapin ko lang si Lucas."Agad na hinawakan ni Ash ang kamay ni Alea para pigilan ito. "Ako na ang bahala, Alea. Mas mapanganib 'yang Lucas na 'yan." Naglaho agad si Ash at biglang sumulpot sa harapan ni Lucas.Agad na sinipa ni Ash si Lucas at natapon ang kinakain nitong mansanas. "Mabilis ka, hindi ko inaasahan ang iyong pag-atake," nakangising sabi ni LucasSi Lucas naman ang sunod na umatake at naging alerto naman kaagad si Ash. Nagbanggaan ang kanilang mga sandatang hawak, sinasangga ang atake ng bawat isa. Kahit na nakaramdam na ng pagod si Ash ay patuloy pa rin ito sa pakikipaglaban. Matapang niyang sinangga ang patalim na paparating sa kaniya gamit ang
Ginamit ni Lucas ang pagkakataong ibinigay ni Alea sa kaniya upang tumakas. Naiwan nito ang setro ng hari dahil sa pagmamadali. Pinulot ito ni Alea at mariing hinawakan.Pinagmasdan ni Alea ang setro na nasa kamay. "Pinag-aagawan ka ng iba at ginamit sa kasamaan. Kaya mula ngayon, wala ng ibang makakahawak pa sa iyo." Itinaas ni Alea ang setro at lumiwanag ang bilog na bagay na nasa dulo nito. Napatigil ang lahat at tumingin sa bilog na lumiliwanag. Ang kulay ng mga mata ni Alea ay muling naging kulay asul. "Ahhh!" Sigaw niya sabay hampas ng setro nang napakalakas sa malaki at matigas na bato."Alea, huwag!" Sigaw ni Freya ngunit huli na ang lahat dahil nabiyak na ang bilog na brilyante na nasa dulo ng setro. Sabay na natumba ang lahat ng naroon dahil sa napakalakas na pwersang lumabas mula sa brilyante.Napahawak si Alea sa kaniyang dibdib at napaubo. Pati siya ay hindi nakatakas sa napakalakas na pwersang yumanig sa karamihan.Nagsiban
Naguguluhan si Alea kung sino ang una niyang pupuntahan. Hindi na niya nakita pa si Iris nang matapos ang digmaan. At ang dalawang lalaking malapit sa kaniya ay parehong sugatan.Sa huli ay napagpasyahan niya na puntahan muna si Yulan dahil naroon din ang ibang mga sugatan lalong-lalo na ang si Boboy at si Avaleighra.Nagpunta si Alea sa isang silid kung saan naroon ang mga sugatan at kasalukuyang ginagamot. Nakita niya ang nakahigang si Avaleighra at Boboy. Magkatabi ang dalawaat parehong walang malay. "Lumaban kayo. Sana ay gumaling na kayo at magising," sabi ni Alea sa dalawa habang nakahawak sa kamay ng mga ito.Nagpalinga-linga si Alea sa paligid. Hinahanap ng kaniyang mga mata si Yulan ngunit hindi niya ito makita roon. Nilapitan ni Alea ang isang kawal. "Magtatanong lang sana ako. Saan ko po makikita ang prinsipe?" tanong niya sa kawal."Paumanhin ngunit sa ngayon ay walang sino man ang pinahihintulutan ng hari na lumapit sa
Nang makarating siya sa kaharian ay napansin niya kaagad ang kalungkutan na bumabalot sa buong paligid. Nilapitan niya ang isang kawal na nakatayo at nagtanong dito, "Alam mo ba kung saan ko makikita si Prinsipe Akillus?""Dinala ng mahal na hari ang mahal na prinsipe sa hardin ng kalayaan," sagot ng kawal."Sige po. Maraming salamat."Agad naglaho si Alea upang puntahan ang lugar na sinasabi ng kawal. Alam niya ang lugar na iyon dahil naipasyal na siya ng kaibigan doon.Pagkarating pa lang niya ay dinig na niya ang iyakan ng mga naroon. Dahan-dahan siyang lumapit, nanginginig ang kaniyang mga tuhod at mga kamay. Taimtim siyang nagdadasal na sana mali ang kaniyang naiisip, na sana ayos lang ang kaniyang kaibigan at patuloy pa rin ito sa paglaban.Nang tuluyang makalapit ay nakita niya ang kaibigan na nakahiga sa isang puting higaan. Napapalibutan ito ng mga magagandang bulaklak na kulay puti. Ang nakababatang kapatid nit
Sumikat muli ang araw at humalik ito sa pisngi ni Alea. Nagising naman ang dalaga dahil sa nararamdamang init sa mukha. "Nasaan ako?" tanong niya sa kaniyang isipan. Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at napansin ang pamilyar na bahay. Dahan-dahan siyang bumangon at napansing iba na ang kaniyang suot na damit. "Lola?" pagtawag niya kay Freya."O, Alea. Mabuti't gising ka na. Nagluto ako ng masarap na pagkain. Halika na't kumain," sabi ni Freya."Salamat, lola pero busog pa po ako.""Alea, dapat kang kumain upang tuluyan ka nang gumaling. Alam mo bang napakataas ng iyong lagnat kagabi?""Wala po talaga akong gana, lola.""Kung hindi ka kakain ay hindi na rin ako kakain. Ako'y magtitiis na lang din sa gutom."Walang nagawa si Alea kundi ang sumunod na lamang kay Freya. Pilit siyang kumain kahit na parang hindi niya nalalasahan ang kaniyang kinakain."Lola, aalis lang po ako. Matatagalan po siguro ako sa pag-uwi," pagpa
Sumilip si Alea sa silid kung saan huli niyang nakita si Boboy at si Avaleighra. Nakita niyang natutulog pa ang mga ito. Nang makitang maayos naman ang dalawa ay napagpasyahan na niyang umalis sa kahariang iyon.Bumalik si Alea sa kubo ng kaniyang Lola Freya. Hindi niya alam kung ano ang susunod na gagawin. Wala na ang kaniyang kaibigan na si Ash at hindi pa niya nakikita ang kaibigang si Iris. Walang ganang kinatok ni Alea ang pinto ng kubo ni Freya. "Lola?"Nang bumukas ang pinto ay hindi agad nakakilos si Alea nang makita ang babaeng nasa kaniyang harapan. Nakita niyang umiiyak ito kaya agad niya itong niyakap. "Iris, salamat at ligtas ka," wika ni Alea."Patawarin mo ako, Alea. Sana mapatawad mo ako," umiiyak na sabi ni Iris."Shhh, tahan na." Tiningnan ni Alea sa mga mata ang kaibigan. "Wala kang kasalanan. Saan ka ba nagpunta?""Hindi ko alam. Isang umaga nagising na lang ako na nasa ilalim na ako ng puno. Kung saan-saan ako napun
Lakad-takbo ang ginawa ni Alea habang hinahanap ang kaibigang si Iris. "Iris!" Sigaw niya nang makita ang kaibigan na kasama ng mga tagasilbi at tumatakbo palayo. "Iris!" muling sigaw niya ngunit nagpatuloy lamang ito sa pagtakbo. Hahabulin na sana ni Alea ang kaibigan ngunit nakarinig siya ng isang iyak at humihingi ng tulong. Nais niyang sundan ang kaibigan ngunit hindi niya magawang balewalain lamang ang narinig. Agad niyang nilapitan ang pinanggalingan ng boses. Nakita niya ang isang babae na nakaupo sa sahig at napapaatras dahil may isang dragon sa harapan nito. Napaka kalat ng buong paligid. May mga butas at sira na rin ang iilang parte ng pader."Ahhh! Sigaw ng babae nang tuluyan na ngang nakalapit ang dragon at pinagkatitigan siya. Nanginginig ang kanyang mga kamay dahil sa sobrang takot. "Maawa ka, huwag mo akong saktan," wika ng babae habang wala pa ring tigil sa pag-iyak."Hoy, batang dragon! Ako Ang harapin mo!" Sigaw ni Alea. Inangat ng dragon ang ka
Naglalakad si Alea na parang walang buhay. Lakad lang siya nang lakad na walang pakialam kung saan man siya dalhin ng kaniyang mga paa. Nang makaramdam ng pagod ay huminto siya at umupo sa ilalim ng punong kahoy. Ipinikit niya ang kaniyang mga mata, ninanamnam ang presko't malamig na hangin. Hindi nagtagal, siya ay nakatulog. "Alea, bumalik ka na. Huwa ka sanang sumuko, Alea," rinig niyang sabi ng kanyang lola. Hinarap niya ito at nginitian. "Wala akong balak na sumuko, lola. Napagod lang po ako ngunit wala akong balak na takasan ang suliraning kinakaharap ko ngayon. Nais ko lamang pong mapag-isa at pakalmahin ang sarili," sagot niya. "Ako ay magtutungo riyan." "Huwag na po, lola. Magpagaling na lang po kayo. Huwag po kayong mag-alala, babalik po ako." "Mag-iingat ka, Alea." "Lola, may paraan po ba upang matalo ko si Dargon?" "Alea, huwag na huwag kang magpapakita sa hari ng mga dragon." "Lola, handa ko pong harapin ang problema kahit gaano paman iyan kahirap. Naniniwala po ak
Nakaramdam na ng pananakit ng tiyan si Alea. "Yulan! Mukhang manganganak na yata ako," sabi niya sa asawa habang nakahawak sa tiyan.Agad na pinatay ni Yulan ang shower at dali-daling lumabas ng banyo nang nakatapis lang ng tuwalya. Nang makalapit sa asawa ay agad niya itong binuhat. "Dadalhin na kita sa hospital," sabi ni Yulan. "Sandali! Ibaba mo ako! Dadalhin mo ako sa hospital nang naka tuwalya ka lang?" Napatingin si Yulan sa kanyang sarili at kanya ngang nakita na wala siyang suot na damit. Dahan-dahan niyang binaba si Alea sa kama at dali-daling nagbihis."Bilisan mo, Yulan!" Tumakbo naman kaagad si Yulan palapit sa asawa. "Tayo na." Binuhat muli ni Yulan ang asawa at agad na lumabas ng bahay."Ahhh!" Sigaw ni Alea.Si Yulan ay hindi mapakali sa kanyang kinatatayuan habang naghihintay sa labas. Nais man niyang pumasok sa loob upang samahan ang asawa ngunit hindi siya pinayagan ng doctor. "Huminah
"Sandali!" Sigaw ni Flora at agad na tumakbo upang lapitan si Yulan.Agad naman na napahinto si Yulan nang marinig ang sigaw ni Flora. Hinarap ni Alea ang kaibigan ng kanyang ina ngunit si Yulan ay nanatiling nakatalikod lamang dito."Ano ang iyong pangalan, iho?" tanong ni Flora. Dahan-dahan namang humarap si Yulan sa ina at nagtagpo ang kanilang mga mata. "Ako po si Yulan," sagot niya at tipid na ngumiti. Nanatiling nakatitig lamang si Flora sa mukha ni Yulan. "Saan ka nakatira?" muling tanong ni Flora. "Ang aming bahay ay malapit lamang sa bahay nila Alea. Sige po, kami ay aalis na." Yumuko muli si Yulan sa harap ng ina at muling nagpatuloy sa paglalakad."Maaari ba kayong bumisita ulit dito?""Sige po, tita. Susubukan po namin," sagot ni Alea. Patuloy lang sila sa paglalakad. Si Yulan ay nanatiling tahimik lamang habang hawak-hawak ang kamay ni Alea."Bakit tayo umalis? Hindi mo ba gusto na mak
"Bakit tayo umalis?" tanong ni Avaleighra."Avaleighra, nakita mo rin naman, 'di ba? Makakagulo lamang ako kung lalapit pa ako.""Mas mabuting linawin natin ang lahat kaya halika na. Balikan na natin ang dalawang iyon." Hinawakan ni Avaleighra ang kamay ni Alea upang muling pumasok sa mundo ng mga diwata. Ngunit agad ring napatigil. "Narinig ko na may babaeng ipapakasal kay Yulan," wika ni Alea. Nakita ni Avaleighra ang malungkot na mga mata ni Alea. Binitawan niya ang kamay nito at niyakap. "Akala ko pa naman ipaglalaban niya ang aming pagmamahalan. Mukhang nakalimutan na niya yata ako nang dahil sa babaeng iyon."Kumalas si Avaleighra sa pagkakayakap kay Alea at pinunasan ang luhang tumulo sa pisngi nito. "Alea, mas mabuti kung iyong kakausapin si Yulan.""Hihintayin ko na lamang siya rito sa aming mundo. Kung talagang mahal niya ako, babalik siya rito upang makita ako."Maraming nakahandang pagkain sa mesa. Mag
SA MUNDO NG MGA DIWATA"Prinsipe! Saan ka pupunta?" tanong ng reyna."Sa mundo ng mga tao, ina.""Susuwayin mo talaga kami, Yulan?" galit na tanong ng hari. "Ina, ama, mahal ko si Alea.""Paano kami, Yulan?" tanong muli ng reyna."Ikaw ang susunod na magiging hari sa kahariang ito, anak. Kung gusto mo siyang makasama ay kailangan mo siyang kumbinsihin na mamuhay dito sa ating mundo. Hindi ako makakapayag na mamuhay ka sa mundo ng mga tao, Yulan," sabi ng hari."Hayaan niyo na lamang ako, ama." Tumalikod si Yulan at nagsimulang maglakad ngunit napatigil na lamang siya nang may mga kamay na yumakap sa kanya mula sa likuran. "Anak ko, huwag kang umalis," pagmamakaawa ng reyna. Umiiyak ito kaya hindi na nagpumiglas pa si Yulan. "Ina, tahan na." Hinarap niya ang ina at niyakap."Kaya ko namang mamuno sa kahariang ito, ama," biglang sabi ni Prinsesa Yolanda. "Anak, isa kang babae," sabi ng hari."A
Araw-araw ay pumupunta si Yulan sa mundo ng mga tao upang ipakita sa mag-asawang Jose at Milagros na tunay ang kanyang pagmamahal para sa anak na si Alea. Ngayon ang ika-sampung araw ng pagpunta ni Yulan sa bahay nina Alea. Palulubog na ang araw at tapos na rin si Yulan sa mga gawaing pinapagawa ni Jose sa kanya. Nagpaalam siya na aalis na upang bumalik na sa mundo ng mga diwata ngunit pinigilan siya ni Jose. "Dito ka na lang muna maghapunan, Yulan. Malapit na rin namang maluto ang pagkaing niluluto ng aking asawa.""Sige po, itay," sagot ni Yulan.Napailing na lamang si Jose sabay ngisi. "Ikaw talagang bata ka. Napapadalas na ang pagtawag mo sa akin ng itay.""Ayaw niyo po ba na itay ang itawag ko sa iyo, itay?" Natawa nang tuluyan si Jose. "Mas mabuting pumasok na tayo upang makakain na," pag-aya nito kay Yulan.Umupo si Yulan sa tabi ni Alea. "Kumain ka lang ng marami, iho," sabi ni Milagros."Masasarap ang mga 'to,
"Itay? Inay?" pagtawag ni Alea sa mga magulang."Mahal na prinsesa, halika rito sa kusina dahil kakain na," nakangiting sabi ni Iris habang nakatingin kay Alea."Tigil-tigilan mo nga ako sa kakaprinsesa mo, Iris.""Ito naman! Hindi mabiro!" sabi ni Iris at tumawa. Napahinto na lamang ito nang may mapansin sa mukha ng kaibigan. "Sandali! Umiiyak ka ba kagabi?" tanong nito nang mapansin ang namamagang mga mata ni Alea. "Halata ba?""Halatang-halata, girl!"Babalik na sana si Alea sa kanyang kwarto nang bigla siyang hinila ni Iris papunta sa kusina. "Saan ka pupunta? Huwag kang magpapalipas ng gutom. Kakain na daw sabi ng nanay mo."Nagpahila na lamang si Alea sa kaibigan. Nadatnan niyang nag-uusap si Ash at ang kanyang ina. "Inay, nasaan po si itay? tanong ni Alea sa ina na naghahanda ng pagkain."Nasa labas siya, Alea.""Nakita ko po si Yulan sa labas, 'nay. Ano po ba ang nangyayari?" kinakab
Huminto si Alea sa tapat ng kanilang bahay. "Dito ako nakatira. Ito ang aming bahay," sabi niya sabay turo sa bahay nila."Ngayon ay alam ko na kung saan kita dadalawin, Alea," sabi ni Yulan."Yulan, magpaalam ka na. Kailangan na nating bumalik sa ating mundo," wika ni Leo."Sige na, Yulan. Papasok na ako sa loob. Mag-ingat kayo pauwi.""Alea!" Napalingon kaagad si Alea nang marinig ang sigaw ng kanyang itay. Kalalabas lamang nito ng bahay. "Aba'y gabi na! Saan ka ba nanggaling? At sino ang lalaking ito?" tanong ni Jose."Itay, siya po si Yulan, kasintahan ko po.""Magandang gabi po, itay," wika ni Yulan."Anong itay? At kailan ka pa nagka nobyo, Alea? Naglilihim ka na pala sa amin ng iyong inay?""Pasensya na po, itay.""Halika na! Pumasok ka na sa bahay, Alea!" Hinila ni Jose si Alea. "At ikaw lalaki! Umuwi ka na sa inyo! Ayaw kong palihim kayong nagkikita nitong anak ko. Naiintindihan mo ba?"
Nakatitig lang si Alea sa kisame habang nakahiga sa kanyang kama. Hindi pa rin mawala sa isip niya ang sinabi ni Ash. "Tinatanong ka niya sa akin nang magkita kami, Alea. Ang sabi ko ay narito ka na sa mundo ng mga tao.""Siya nga ba talaga 'yong nakita ko sa labas ng simbahan? Naalala mo na ba ako, Yulan?" tanong niya sa isipan.Tumingin siya sa orasan at nakita niyang alas dose na pala ng gabi. Ipinikit niya ang kanyang mga mata at pinilit ang sarili na matulog. "Alea," sambit ng isang boses. Agad na niyakap ni Alea ang babaeng tumatawag sa kanyang pangalan. "Avaleighra. Kamusta ka na?""Ayos lang ako, Alea." Inilahad ni Avaleighra sa harapan ni Alea ang isang tela. Nakaburda sa tela ang pangalan na "Alea"."Tanggapin mo, Alea. Pasensya na kung kinuha ko ito sa iyo. Ngayon ay isinasauli ko na. Alam kong napaka importante ng taong nagbigay nito sa 'yo.""Ito ang telang binigay sa 'kin ni Yulan." Malungkot na tumitig s
Nagising si Alea dahil sa katok ng pintuan ng kanyang kwarto. "Anak, gumising ka na dahil kakain na," boses ng kanyang ina. "Opo, inay. Lalabas na po."Nakapikit pa ang kanyang mga mata nang siya ay bumangon. Bumaba siya sa kama at nagpunta sa banyo upang manghilamos. Nasa isip niya pa rin ang kaibigang si Iirs. Kilala niya ang kanyang kaibigan. Alam niyang magtatanong iyon tungkol sa nangyari kagabi kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon."Anak, bilisan mo na riyan. Nakahanda na ang pagkain.""Opo, itay." Binuhos niya kaagad ang tubig na nasa tabo at pagkatapos ay pinunasan niya ang mukha gamit ang telang nakasabit sa kanyang balikat.Tahimik lamang si Alea habang kumakain. Iniisip niya pa rin ang kaibigang si Iris. "Anak, pagkatapos mong kumain ay maghanda ka na dahil magsisimba tayo.""Sige po, 'nay."Nang makarating sa simbahan ay nakita kaagad ni Alea ang maraming tao. Nilingon niya ang upuan kung saan sila unang nagkita ni Yulan. "Ano ang in