Share

Kabanata 1

Alea, halika!" tawag sa'kin nung babae. Tinitigan ko lang siya. Bakit magkamukha kami? Sino siya? Ako ba siya?

"Alea! Halika sumama ka sa'kin," muling tawag nito. Nakangiti itong nakatingin sa kanya. 

Sasama na sana siya nang bigla siyang tinawag ng kaniyang mga magulang.

"Anak! Sa'n ka pupunta? Tara uwi na tayo." 

Nakita niya ang kaniyang mga magulang. Nasa likod niya lang ang mga ito kaya dali niya itong nilapitan. At ang babae ay 'di niya na nalingunan pa dahil bigla na lang siyang nagising.

"Panaginip lang pala," sambit niya sa sarili.

"Hoy! Anong iniisip mo diyan, ha?" tanong ng kaibigan niyang si Iris nang malapitan siya nito.

Nakaupo lang siya sa bench ng school nila. Hindi pa naman din kasi nagsisimula ang kaniyang klase.

"Iniisip ko lang yung panaginip ko kagabi," sagot niya.

"Iyon na naman bang babae na kamukha mo?" 

Alam ni Iris ang tungkol sa babaeng palaging napapanaginipan ni Alea dahil lagi siyang nagsasabi dito.

"Yes. You know what, siya nalang palagi ang napapaginipan ko."

"Baka ikaw 'yon sa past life mo then nakagawa ng mali kaya may gustong sabihin para hindi maulit yung nagawa niya noon."

"Hindi rin naman kasi siya nagpapakilala sa akin. Pero alam niya ang pangalan ko. Lagi niya akong tinatawag sa panaginip ko. Pero alam mo lagi siyang naka-dress sa panaginip ko. Baka nga sinauna talaga siya."

"Kailan ba nagsimula 'yang panaginip mong 'yan about that girl?"

"Last week. Tsaka parang familiar sa'kin yung lugar kung saan ko siya laging nakikita sa panaginip ko. 

"Anong lugar ba?"

"Malaking punong-kahoy na napapalibutan ng mga alitaptap."

"Naku, girl baka na engkanto ka!"

Napaisip si Alea sa sa sinabi ng kaibigan. Alam niyang may koneksyon siya sa babaeng napapaginipan niya. Pero hindi niya matukoy kung sino nga ba ito.

▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎▪︎

Nagsisimula na ang klase kaya tahimik lang siya at nakikinig sa kanilang professor. Nakabuklat ang book niya sa mesa para may guide sa sinasabi nito.

Hindi sila magkatabi ni Iris dahil nasa pinakaharapan ito nakaupo. 

"Mr Villarde! Why are you late?" tanong ng prof nila nang mapansin  ang estudyanteng lalaki na nakatayo sa may pintuan.

"Ahm sorry sir may inasikaso lang na napakaimportante," sagot nito.

Pinapasok naman siya ng kanilang professor at dali-daling umupo sa kaniyang upuan na nasa tabi ni Alea. 

"Late ka rin?" tanong agad niya kay Alea.

"Maaga ako palagi 'no, takot akong ma late," sagot niya.

"Hoy nagtatampo ka ba sa'kin? Bakit 'di mo ako pinapansin kanina?" bulong nito kay Alea.

Tinaasan lang niya ito ng kilay dahil sa pagkakaalam niya ay hindi sila nagkita kanina.

Magsasalita sana siya ngunit takot siya na baka mapagalitan ng prof. Napaka-strict pa naman nito.

Kumuha nalang siya ng isang pirasong papel para do'n sila mag-usap sa pamamagitan ng pagsulat. "What do you mean? Hindi naman tayo nagkita kanina," simula niya at pagkatapos ay ibinigay niya kay Mr. Ash Villarde na kaniyang boy best friend.

"Nakita kita kanina. Tawag ako nang tawag sa'yo pero 'di mo'ko pinapansin," reply nito.

"Sa'n mo'ko nakita?

"Do'n sa lumang library. Tumakbo pa nga sana ako para malapitan ka pero bigla ka nalang nawala. Ano bang ginagawa mo do'n?"

Naguguluhan si Alea sa narinig. Hindi naman siya nagpunta sa lumang library nila kanina. 

"Sigurado ka ba?"

"Oo. Papunta na ako dito sa room natin nang makita kita do'n. Nagulat nga ako nandito ka na pala. Ang bilis mo naman yatang maglakad."

"Di ako nagpunta sa lumang library." 

Kumunot ang noo ni Ash dahil sigurado naman siyang nakita niya ito doon.

Napa-isip si Alea at ang babae sa kaniyang panaginip ang unang pumasok sa kaniyang isipan.

"Posible kayang siya 'yong nakita ni Ash sa lumang library?" tanong nito sa sarili.

"Sorry nga pala 'di kita nasundo kanina,"  reply nalang ni Ash.

    

Sanay na sila na laging magkasabay papuntang school kasi lagi siyang sinusundo ni Ash at ihahatid din pauwi. May sarili kasi itong sasakyan kaya nakikisakay nalang si Alea. Si Iris naman ay iba ang daan pauwi kaya hindi sila nagkakasabay.

Kumuha ng bagong papel si Alea para do'n mag sulat ulit. Nilakihan niya talaga ang pagsulat ng "BAKIT MO'KO KINALIMUTAN?"

Pagkatapos mabasa ni Ash ang laman ng papel ay agad din naman itong nagsulat sa likod niyon. "Grabe 'di lang nasundo nakalimutan na agad? Soryy late nagising, eh. Huwag kanang magtampo ikaw lang naman mahal ko haha." Pagkatapos ay ibinalik niya kay Alea ang papel para mabasa ang kaniyang sagot.

Napangiti na lang si Alea. Sina Ash at Iris ay matalik niyang mga kaibigan. Mahal na mahal niya rin ang mga ito.

Inipit na lang ni Alea ang papel sa book na nasa mesa niya pagkatapos mabasa ang reply ng kaibigan at nag-focus sa pakikinig sa prof na nasa harapan.

Hapon na at tapos na ang kanilang klase. Ang mga estudyante ay nagsi uwian na rin.

"Hoy Alea mauna ka na muna may kakausapin lang muna ako. Hintayin mo nalang ako sa loob ng sasakyan," sabi ni Ash.

"Okay, sige."

Si Iris ay nauna na rin dahil may emergency sa bahay nila. Bitbit ni Alea ang books niya dahil hindi kasya sa bag niya. Sobrang liit kasi nito. Habang naglalakad, nag-message siya kay Iris para kamustahin. Tutok na tutok lang siya sa kaniyang phone kaya 'di niya nakita ang batong nakaharang sa kaniyang harapan at napatid siya nito. Nadapa siya kaya nabitawan niya ang mga gamit na bitbit at nahulog sa lupa.

Tatayo na sana siya nang may nakalahad na kamay sa harap niya. Tinanggap niya ito at tiningnan kung sino. Laking gulat na lamang niya nang mamukhaan ito. Ang babaeng nasa panaginip niya na kamukhang-kamukha niya ay nasa harapan na niya ngayon. Naka school uniform din ito kagaya ng sa kaniya. Tinitigan niya ito ng mabuti. Magkamukha man sila pero magkaiba ang kulay ng kanilang mga mata. Itim ang kulay ng mga mata nito samantalang ang sa kaniya ay kayumanggi.

Nginitian lang siya nito habang siya ay nakatulala lamang na nakatingin dito. Pinulot ng babae ang isang pirasong papel na nasa lupa at ibinigay sa kaniya. Tinanggap niya ito at nakita niya ang sinulat niya dito kanina, "BAKIT MO'KO KINALIMUTAN?" 

Kahit na siya ang nagsulat nun ay pakiramdam niya ay para talaga sa kaniya ang mga katagang iyon. Tiningnan niya ang babae na naglalakad na palayo. Dali-dali niyang pinulot ang iba pa niyang mga gamit na nasa lupa at hahabulin na niya sana ang babae ngunit wala na ito. Nilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid ngunit hindi niya na ito makita. Agad siyang tumakbo palabas ng school nagbabakasakaling makita niya ito doon ngunit wala.

"Sino ka ba talaga? Kilala ba kita? Talaga bang nakalimutan kita?"

Ang daming mga katanungan ang nabuo sa kaniyang isipan at alam niyang ang babae lang na iyon ang makakasagot sa kaniyang mga tanong. 

"Kailangan ko siyang mahanap. Pero saan ko siya hahanapin?"

Naguguluhan man ngunit pursigido na siyang hanapin ito. 

"Hoy, Alea halika na! Uuwi na tayo!" pagtawag ni Ash. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status