Home / Fantasy / Kakambal Sa Ibang Mundo / Chapter 11 - Chapter 20

All Chapters of Kakambal Sa Ibang Mundo: Chapter 11 - Chapter 20

76 Chapters

Kabanata 10

Saan ka galing, Alea?" tanong kaagad ni Avaleighra nang makita si Alea na tumatakbo papalapit sa kaniyang kinaroroonan. Ang liwanag ay inaagaw na ng dilim dahil magagabi na.Nakatayo lamang si Avaleighra sa gilid ng malaking bato kung saan niya nakita si Alea noong gabi ng pagdiriwang. "Namamasyal lang sa kagubatan Prinsesa Avaleighra," sagot niya at pilit itinatago ang kabang nararamdaman."At umalis ka na walang takip ang iyong mukha? Kung may makakita sa'yo rito at malaman ang tunay mong pagkatao ay tiyak na ikaw ay ikukulong kagaya ng iyong ama!""Hindi man ako nakakulong sa lugar na kung saan nakulong ang aking itay ngunit habang ako'y hindi makakaalis sa lugar na ito ay para na rin akong bilanggo, Avaleighra!" sabi niya at naramdamang may luhang tumulo galing sa kaniyang mga mata."May kasunduan tayo, Alea! Alam mo na kung ano ang mangyayari kung hindi ka tutupad sa kasunduan.""Ikaw ba ang nagkulong sa aking itay Avaleighra? Ika
Read more

Kabanata 11

Agad na tinanggal ni Alea ang tali nang makita ang mukha ng lalaki. "Itay, anong nangyari sa'yo?" "Alea, ano ang iyong ginagawa? Kapag nagising iyan ay tiyak na ikaw ay sasaktan! Kaya itali mo na siya muli, Alea!" nag-aalalang sabi ng ibon ngunit hindi nakinig si Alea sa sinasabi nito.  Labis siyang nababahala kung ano ang nangyari sa ama."Hindi, Prexius. Siya ay ang aking itay!""Alea, hindi iyan ang iyong ama. Hindi ka nga man lang niya nakilala at muntik ka na nga niyang saktan!""Pero kamukha niya si itay!""Pakiramdaman mo ang iyong puso, Alea. Siya ba talaga ang iyong ama?""Hindi ko naramdaman na siya ang aking itay, Prexius. Pero nangangamba ako na baka nasa ilalim lang siya ng black magic!""Ano ang ibig mong sabihin, Alea?""Baka nasa ilalim ng itim na kapangyarihan ang aking itay, Prexius. Iyan ang napapanuod ko sa telebisyon."  Gumalaw ang ulo ng lalaking kamukha ng itay
Read more

Kabanata 12

Nagising si Alea at nakita si Avaleighra sa kama nito na mahimbing na natutulog. Tahimik na bumangon si Alea at nagtungo sa beranda ng kwarto ng prinsesa. Madilim pa ang paligid at ramdam niya ang lamig ng hangin. Nakatayo lang siya at nakatunganga sa kawalan, hinihintay ang pagsikat ng araw. Niyakap niya ang kaniyang sarili nang umihip ang napakalamig na hangin. "Alea." Nilingon niya ang pinanggalingan ng boses na tumatawag sa kaniyang pangalan. "Prexius?" Nakadapo lang ito sa may bintana ng kwarto at sa tabi nito ay may puti na tela. Kinuha ito ng ibon gamit ang kaniyang paa at lumipad papunta kay Alea at dumapo sa balikat nito. "Para sa'yo, Alea. Pinabibigay iyan ni Prinsipe Yulan." Kinuha ni Alea ang tela na dala nito. Sa gilid nito ay nakaburda ang kaniyang pangalan.  "Alea," pagbasa niya. Sumilay ang ngiti sa kaniyang labi. Ngayon lamang niya naramdaman kung gaano ka-espesyal at kaganda ang kaniyang ngalan."Maaari mo iyang gamitin upang t
Read more

Kabanata 13

Nang makalabas ay nagpalinga-linga si Alea sa paligid. Hindi niya alam kung saan siya tutungo para maghanap ng mga prutas na mapipitas at tubig na makukuha. Nilingon niya ang isang kawal at sinabihang, "Maaari mo ba akong tulungang kumuha ng prutas na makakain at tubig na maiinom?"Pumayag naman ito at agad na naglakad. Sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa isang napakalinaw na lawa."Mahal na prinsesa, dito ka na lamang at ako na ang magpapatuloy upang mamitas ng prutas na makakain." Binigyan siya nito ng bote na kulay ginto. "Gamitin mo ito upang makakuha ka ng tubig na maiinom, mahal na prinsesa."Tinanggap niya ito at agad na kumuha ng tubig sa lawa at uminom din doon. Umupo siya sa bato na nasa gilid ng lawa habang hinihintay ang kawal na bumalik. Nakita niya ang isang may edad na babae na papalapit sa kaniyang kinaroroonan at may dala itong banga. Kumuha rin ito ng tubig mula sa lawa."Manang, saan niyo po 'yan d
Read more

Kabanata 14

Bumalik sila sa palasyo pagkatapos makakuha ng tubig sa lawa. Nababahala si Alea dahil hindi niya maaaring isama ang kaibigan. Natatakot siya na makita ito ng prinsesa dahil baka gawin itong bihag at hindi na kailanman makabalik pa sa mundo nila. Kaya nagpresinta si Isabel na isasama niya si Iris. Pinagbihis nila ito ng kasuotan kagaya ng kay Isabel. Isang simpleng damit na lagpas tuhod ang taas. "Alam mo ba kung nasaan ang lagusan para makabalik sa mundo natin, Manang Isabel?""Hindi ko alam, iha. Pero may nakapunta na doon. Isa sa mga kasamahan ko, si Nestor. Pero hindi ito nakalabas. Sinabi niya sa amin ang dahilan kaya hindi na rin namin sinubukan pang magtungo roon at baka kami pa ay mahuli ng mga kawal at maparusahan."Maaari ko po ba siyang makita bukas? Pakisabi nalang po sa kaniya, maghihintay ako sa hardin. Doon na lang po tayo magkita. Bago pa sumikat ang araw bukas ay naroon na ako.""Wait, Alea. Hindi ko gets. Required ba talaga na gani
Read more

Kabanata 15

Hinatid ni Alea si Iris kasama si Nestor sa kinaroroonan ni Isabel. "Alea, hindi mo ba napansin na kamukha siya ng tatay mo?" tanong ni Iris na ang tinutukoy ay si Nestor. "Akala ko talaga si tito Jose siya nang makita ko siya kanina," dugtong pa nito."Akala ko nga rin eh. Pero mukhang mas matanda naman siya ng konti kay itay kung pagmasdan mo ng mabuti.""Tao rin siya, hindi ba? Baka magkadugo talaga kayo niyan, Alea. Hindi mo alam, lolo mo pala 'yan."Agad silang sinalubong ni Isabel ng makita sila. "Anong nangyari? Hindi rin ba siya makalabas?""Hindi manang Isabel. Ayaw ko lang po talagang iwan 'tong kaibigan ko rito. Hindi niyo rin naman kasi sinabi kaagad kung saan tayo pupunta. Kaya dito muna ako sa'yo manang Isabel ha? Promise tutulong po ako sa mga gawain. Hindi po ako magiging pabigat po sa inyo." Tumutulong si Iris sa mga gawain kagaya ng ginagawa ng ibang mga alipin. Nang makita ni Alea na maayos naman ang ka
Read more

Kabanata 16

Abala na ang nasa paligid, naghahanda para sa gagawing salu-salo mamaya. Darating ang mga namumuno sa iba't-ibang kaharian lalong-lalo na ang prinsipe na napagkasunduang ipapakasal kay Prinsesa Avaleighra. Iniimbitahan kasi ang mga ito ng hari para masaksihan ng karamihan ang unang pagtatagpo ng dalawa."Handa ka na ba, Alea?" "Kinakabahan ako, Avaleighra."Hinawakan ng prinsesa ang mga kamay ni Alea. "Huwag kang mag-alala, nasa paligid lang ako magmamasid sa iyo."Pilit na ngumiti si Alea. Napakalakas ng kabog ng kaniyang dibdid kahit na hindi pa man ito nagsisimula."Maaari ba akong maglakad-lakad muna, Avaleighra? Nais ko lamang magliwaliw sa labas," pagpapaalam niya at pinayagan naman siya nito.Nakasandal sa puno ng kahoy si Alea at nakatingin sa kawalan. "Tama ba ang naging desisyon ko?" tanong ni Alea sa sarili."Ano ang iyong iniisip?"Napatalon bigla si Alea dahil sa gulat. "Nakakagulat ka naman, Prexius!" Napaha
Read more

Kabanata 17

Pumasok si Alea sa silid ng prinsesa at nakita ang napakagandang damit na nakapatong sa ibabaw ng kama. Kulay asul ito at kumikinang ang kabuohan nito. "Ang ganda naman ng gown na 'to," sambit ni Alea sa sarili."Iyan ang iyong susuotin, Alea," sabi ni Avaleighra na kakapasok lang sa kaniyang silid. "Ngunit bago mo iyan isuot ay maligo muna tayo sa batis," dugtong nito. Naglakad ito palabas at sumunod naman si Alea. "Bakit ang tagal mong bumalik? Saan ka ba nagpunta, Alea?" tanong ng prinsesa. Pareho na silang nakababad sa tubig."Namasyal lang sa kagubatan, Avaleighra.""Di magtatagal at magsisimula na ang salu-salo, Alea. At dadaluhan ito ng mga taga ibang kaharian kaya ihanda mo ang iyong sarili. Ang lalaking ipinagkasundo para sa akin ay iyong makakaharap. Simula ngayon, ikaw ay mamumuhay bilang prinsesa sa kahariang ito.""Naiintindihan ko, Avaleighra." Nang makabalik sa palasyo ay agad na nagbihis sina Alea at Avale
Read more

Kabanata 18

Nagsiuwian na ang ibang mga panauhin. Ang iba naman ay nananatili sa kanilang inuupuan at masayang nakikipagkwentuhan sa ibang mga kasamahan sabay lagok ng alak. Nakaupo lamang si Alea sa tabi ng kaniyang kaibigang si Ash habang nakatayo naman si Iris sa kaniyang gilid. Nanunuod  lamang ang mga ito sa mga diwatang nagsasayawan at nagkakantahan. Nakatingin man si Alea sa mga nagsasaya ngunit ang kaniyang paningin ay lumalagpas sa mga ito. Ang kaniyang isip ay naglalakbay sa kung saan kaya hindi niya namalayang nakatulala na pala siya. Napansin siya ni Iris kaya kinilabit siya nito at siya ay nabalik sa huwisyo."Wala ka yata sa mood, Alea?" bulong ni Iris. "Inaantok lang, Iris.""Okay ka lang ba talaga, Alea?" "Oo, Iris. Huwag kang mag-alala, okay lang ako. Nangangawit na ang mga paa ni Iris dahil kanina pa siya nakatayo at gusto na niyang umupo kahit saglit man lang. "Di ba talaga ako pwedeng
Read more

Kabanata 19

Hindi alam ni Alea kung saang bahagi ng lugar siya napunta. Kakaiba ang kapaligiran doon. May mga kahoy sa paligid ngunit walang mga dahon. May mga usok na bumabalot sa paligid ngunit hindi niya ito napansin dahil madilim. Babalik na sana si Alea ngunit may nakita siyang maliit na ilaw sa 'di kalayuan. Naglakad siya papalapit doon at nang makalapit ay nakita niyang isa pala itong maliit na kubo.Biglang bumuhos ang ulan kaya napilitan siyang kumatok sa kubong iyon para makisilong. "Tao po?" Kinatok niya ito ng tatlong beses at naghintay na may magbubukas ng pinto. Lumipas ang ilang segundo ay bumukas ang pintuan at dumungaw ang isang matandang babae. "Magandang gabi po sa'yo, lola. Pwede po ba akong makisilong saglit?""Halika, pumasok ka sa aking munting tahanan," sabi nito at nilakihan ang pagkakabukas ng pinto. Agad siyang pumasok dito at naupo sa sahig nitong kahoy. Tanging maliit na lampara lamang ang ginagamit nitong pang-ilaw sa madilim na gabi.
Read more
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status