Nang sumunod na araw, si Neal na may dalang malaking bouquet ng dilaw na rosas ang bumungad sa pintuan ng condo. Sobrang aga pa! Alas sais pa lang ng umaga at halos kagigising ko lang. Puting t-shirt at khaki shorts ang kaniyang suot. Nanlaki ang mga mata ko nang niyapos niya ang baywang ko at mahigpit akong niyakap. "Neal." Kumunot ang noo ko, hindi malaman kung yayakapin ko ba siya pabalik. "H-Hindi ko na iyon uulitin, Marwa. Hindi na ako magseselos. I'm sorry. Ayaw kong galit ka sa akin," punung-puno ng lambing ang boses niya habang patuloy akong niyayakap. "Neal, okay lang. Kinalimutan ko na iyon." Hinaplos ko ang kaniyang likod. Ilang sandali pa siyang nanatiling nakayakap sa akin bago ako pinakawalan. Bagsak ang kaniyang tingin sa sahig. Tumikhim siya at nag-angat ng tingin sa akin. "This is my peace offering. H-Hindi ko na iyon uulitin. I shou
Huling Na-update : 2021-10-31 Magbasa pa