Home / Fantasy / The Vampire's Tale / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of The Vampire's Tale: Chapter 1 - Chapter 10

84 Chapters

PROLOGUE

Habol ko ang hininga habang patuloy pa ring tumatakbo sa kawalan. Hindi ko alam kung ano ang mga humahabol sa akin basta ang alam ko lang ay nasa panganib ang buhay ko.      Tagaktak na ang pawis at basang basa na rin ang pisngi ko ng luhang hindi maampat-ampat. Halo-halong pagod at takot ang nagpapakabog sa dibdib ko. Hindi ako makapag-isip ng maaaring gawin. Blangko ang utak ko. Basta ang alam ko lang papatayin nila ako kapag naabutan nila ako.   Nila. Wala akong ideya kung ilan silang humahabol sa akin. Nahihirapan na rin akong ihakbang ang mga paa ko. Hindi ko na kaya pang tumakbo. Gaano na ba ako katagal tumatakbo? Nauubusan na ako ng lakas pero hindi nila ako pwedeng abutan. Gusto ko sanang humingi ng tulong pero wala akong ibang makita kundi puro kadiliman. Kahit saan ako tumingin ay pawang napakadilim.   Nasaan ba ako? Anong lugar ba ito? Ibinuka ko ang bibig para sumigaw pero wala ni is
Read more

ENCOUNTER

*Yueno*     Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ang alarm clock ko. Umaga na pala. Padabog na pinatay ko ang alarm saka napahawak sa ulo. Totoo ba yon? Hindi. Panaginip lang yon. Bangungot. Tama. Bangungot lang iyon. Niyakap ko ang sarili ko at wala sa loob na kinapa ang katawan ko. Basang-basa ako ng pawis. Medyo nanginginig pa ang katawan ko habang bumabalik sa akin ng paunti-unti lahat ng nangyari sa panaginip ko.    Ang mga pulang mata na iyon. Hindi tulad dati, may kakaiba doon ngayon. Kung dati ay hanggang tingin lang siya, ngayon ay nilapitan na nya ako. Dati ang batang babae ang hinaplos niya sa pisngi, ngayon ay ako na.    Humagod ang kilabot sa katawan ko nang bum
Read more

SHADOW

Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa mga mata ko nang magawa ko iyong maimulat. Itatabing ko sana ang kanang braso ko sa mata pero agad din akong napadaing. Nuon ko nakitang may nakakunektang swero roon. Nagtatakang inilingap ko ang mga mata. Maputing paligid, puting kama, amoy gamot, nasa ospital nga ako. Ano nga ba ang nangyari? Hinalukay ko ang utak ko at inisa-isa ang mga pangyayari. Mula sa paglalakad ko ng late night pauwi, hanggang sa nakasalubong ko ang mga halimaw na iyon. Gumapang na naman ang pamilyar na kilabot sa katawan ko nang buong-buong isinalarawan ng utak ko ang mga itsura nila. Walang dudang sila ang mga pumapatay na napapabalita. Gusto ko sanang isiping parte lang sila ng imagination ko pero hindi. Nagpapatunay na roon ang sugat
Read more

ENTRAPPED

Hindi alam ni mama na na-discharge na ako sa ospital. Kinulit ko kasi yung doctor pagkauwi nya kaya hindi nya alam. Mabuti nalang at napilit ko yung doctor. Kung ano-ano pang drama ang ginawa ko, payagan lang nila ko. Isa pa, baka maulit yung nangyari kagabi kaya mainam na din ito. Sinabi ko naman sa doktor na weekly akong magpapa-check up. Tahimik ang naging biyahe namin ni Kir. Hindi ko pa din sinasabi sa kanya kung ano ang nangyari kagabi kahit na anong pangungulit nya. It's better for him not to know. The lesser you know, the safer you will be. I don't want to drag them into this.  
Read more

THE MANOR

"You ready?" Napatango nalang ako saka muling tumingin sa kabahayan. Mukhang matatagalan bago ako makauwi ulit.  It's been a week mula nang mailibing si papa. Hindi rin namin nahanap ang katawan nya. I wonder what happens to papa. Kung buhay pa ba sya at kinuha lang sya ng mga masasamang bampira o wala na talaga siya. Well, I will figure it out. Sigurado akong may kinalaman ang mga Cayman dito. Malapit ko na ding malaman yun total mapapalapit naman ako sa kanila. 
Read more

CAYMANS

Matatanaw ang malapalasyong bahay ng mga Cayman, di kalayuan pagpasok sa napakalaking gate ng mga ito. I've never imagine them to lived in a palace-like-house. Near the gate is a park like garden with a small fountain in the midst. Ang ilang mga halaman ay hitik sa iba't ibang uri ng mga bulaklak at ang iba ay napapalibutan ng bermuda grass. Nakapagitna iyon sa napakalaking driveway papunta sa mismong bahay. Sa gawing gilid naman ay ang garahe para sa di mabilang na sasakyan. Along the driveway in front of the house stands another fountain. A huge and stunning one."We're here," excited na sabi ni Lenora saka dali-daling bumaba nang maihinto ang sasakyan sa harap ng main door.Bumaba din ako agad pagkatanggal ko ng seatbelt. This is it. There's no turning back
Read more

PRIORITY

It's been two days since I arrived at the Cayman's manor. At magsimula ng pumasok ako dito sa kwarto ko ay never pa kong lumabas. I don't feel like walking around knowing that every person in this house were all bloodsuckers. Well, okay pa naman ako sa lumipas na 48 hours. Wala pa namang nabawas sa katawan ko lalo na sa dugo ko. Dinadalan nila ako ng pagkain ng mga maids nila pero pinapaiwan ko lang iyon sa pinto saka ko kukunin. So far, di pa naman nila ako inaabala sa pananahimik ko dito. Pero minsan nagugulat nalang ako dahil sa pagkatok bigla kundi si Mathilde, ay si Lenora.And speaking of maids, well, they absolutely have maids. Of their kind. Hindi sila kakaunti. Marami sila. Noong una ay nagugulat pa ako pero ngayon nabawasan na. This is not an o
Read more

ALARIC CAYMAN

Malamig ang hangin na dumadampi sa mga balat ko. Hindi ko minumulat ang mga mata ko dahil sa takot sa nakaambang mangyari sakin.    Pero lumipas na ang ilang sandali ay wala pa rin akong sakit na nararamdaman. Namanhid na ba ako?    Pinakiramdaman ko pa lalo ang sarili ko habang nananatiling nakapikit ang mga mata ko ngunit wala talaga akong maramdaman bukod sa para akong nakalutang sa hangin. Am I already dead?   "You're safe now. You can open your eyes."   Halos magkasabay na nagreact ang mata at puso ko ng marinig iyon. As my eyes snapped open, I was greeted by a pair of hypnotizing bluish gray eyes. Lalong nagwala ang puso ko at nahigit ang hininga ko.  
Read more

DOVANA

Maaga akong nagising ng sumunod na araw. Sinadya ko iyon dahil ngayon araw ay kakausapin ko ang pamilya. Gusto kong malaman kung bakit ako nandito. Gusto kong masagot na ang mga katanungan ko at lalong gusto ko ng matapos ang lahat ng ito at bumalik na sa normal. Sa tahimik kong buhay na kahit trabaho bahay at walang jowa ay masaya pa rin ako. Oo at may nakikilala akong mga nag-gugwapuhang mga lalaki pero hindi ko ipagpapalit ang tahimik kong buhay para lang sa kanila lalo na ang kaligtasan ng pamilya ko. Kailangan kong malaman ang kung anong nagkokonekta sa akin, ng pamilya ko, sa mundong ito. I need to be armed before I charge in the battle. Nakaupo lang ako sa gilid ng kama nang may maramdaman akong kaluskos. Tumatalas na rin yata ang mga senses ko. Well, sino ba naman hindi tatalas ang senses kung ilang beses ng nakaligtas sa kamatayan. I became aware of everything after those multiple incidents. Kaya hindi na ako nagulat ng biglang may kumatok sa pinto.
Read more

DUNGEON

Agad akong tumakbo palapit sa kulungan.  "Lenora!" Gulat itong napatingin sa akin pati ang katulong sa tabi ko. Halata sa mukha nila na hindi nila ako inaasahan sa lugar na ito. "Yue-" "What are you doing here, Yueno?" Kinilabutan ako sa lamig ng boses na nanggaling sa likuran ko. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nagulat at napaharap doon. Natagpuan ko roon ang nakahalukipkip na si Damien na direktang nakatingin sa akin. Hindi naman ako nagpatinag kahit nagsisimula na namang kumabog ang dibdib ko.  "Bakit nakakulong dito si Lenora?" sigaw ko. Kumulo ang dugo ko sa isiping, kaya nakakulong dito si Lenora ay dahil sa akin. "This is her punishment," walang buhay na sagot ni Damien sa akin. Nakaka-sense ako ng disgusto sa kanya. Malakas ang kutob kong ayaw nya sakin. Maya-maya ay naglakad ito palapit sa kinalulugaran namin. Yumu
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status