Share

ENCOUNTER

Author: MD Rosario
last update Last Updated: 2021-05-30 22:01:11

*Yueno*

Napabalikwas ako ng bangon ng tumunog ang alarm clock ko. Umaga na pala. Padabog na pinatay ko ang alarm saka napahawak sa ulo. Totoo ba yon? Hindi. Panaginip lang yon. Bangungot. Tama. Bangungot lang iyon. Niyakap ko ang sarili ko at wala sa loob na kinapa ang katawan ko. Basang-basa ako ng pawis. Medyo nanginginig pa ang katawan ko habang bumabalik sa akin ng paunti-unti lahat ng nangyari sa panaginip ko. 

Ang mga pulang mata na iyon. Hindi tulad dati, may kakaiba doon ngayon. Kung dati ay hanggang tingin lang siya, ngayon ay nilapitan na nya ako. Dati ang batang babae ang hinaplos niya sa pisngi, ngayon ay ako na. 

Humagod ang kilabot sa katawan ko nang bumalik ang pakiramdam ng pagdampi ng kamay nya. Bakit parang gusto ko ang pakiramdam ng haplos nya? Sa kabila ng pula niyang mga mata tulad ng mga humahabol sakin sa panaginip, bakit hindi ako makaramdam ng takot? Para pa nga akong naeexcite sa sinabi niya na parang totoong darating siya para sa akin. Bakit?

Kinapa ko ang dibdib ko na hanggang ngayon ay kumakabog ng malakas. Para siyang totoo. Huminga ako ng malalim saka tinampal ang magkabilang pisngi. Baka premonition lang yon. Baka masyado ko lang pinag-iiisip ang sarili ko. Panaginip lang iyon. Tinampal-tampal ko ang pisngi ko. Gising!

Akmang baba na ako sa kama nang magulantang ako sa biglang pagbukas ng pinto. Iniluwa noon ang may saltik kong kapatid na si Kirius. May malaking ngisi sa mukha nang makita akong gulat na gulat. Malamang ay pinagplanuhan nito iyon. Sira ulo talaga. Agad akong dumampot ng unan ay ibinalibag sa kanya. Hindi nya marahil inaasahan iyon kaya sapul sya sa mukha. Victory for Yueno!

"Ano bang problema mo?!" singhal nya. Nawala na rin ang ngisi sa mukha at napalitan ng inis. "Pinapagising ka lang ni mama."

"Gising na ako. Lumayas ka na."

Padabog niyang isinara ang pinto. Napatawa ako. Mukha na naman siyang talunan. Wag nya kasi akong uumpisahan pag ganitong nadadalas ang mga bangungot ko.  Napabuntong-hininga ako. Ayoko na munang isipin iyon. Inayos ko na lang ang mga kagamitan ko at nagdirecho na sa banyo para maligo. Naalala ko ulit ang ginawa ng kapatid ko. May toyo talaga yun kahit kailan. Hindi naman talaga kami nag-aaway. Ganun lang talaga kaming dalawa. Nagbabangayan. Nakalakihan na rin siguro namin. Well, maybe that's our own simple way to show each other affection.

Nang makaligo ay bumaba na agad ako. Nasa taas kasi ang kwarto namin ni Kirius. Nasa baba naman ang kila mama. Hindi kalakihan ang bahay namin dahil hindi naman kami mayaman. Kaayusan lamang iyon para sa hindi kalakihang pamilya.

Hindi pa ako tuluyang nakakababa ng hagdan ng maabutan kong nagcecellphone ang kapatid ko sa sofa habang nakabukas ang tv. Ngaling-ngaling ko siyang bulyawan para sana gumanti sa panggugulat niya kanina kaso ay nakita ko na may nakapasak na headset sa tenga nya. 

Nakarinig ako ng kalansing ng kaldero sa kusina. Akmang pupunta na ako doon ng marinig ko ang balita sa tv. May nangyari na namang patayan. Oo nga at normal na lamang iyon sa balita pero nitong huling buwan kasi ay napapadalas na lalo pa't hindi nila matukoy-tukoy ang mga bumibiktima. 

Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon at dumiretcho sa kusina. Nadatnan ko agad doon si mama na abalang-abala sa paglilinis. Maaga pa pero kung ano-ano na ang pinaggagawa niya. Sabagay, iyon na lang naman ang libangan niya kapag naiwan mag-isa. Palagi kase kaming nasa trabahong tatlo nila papa at si mama lang ang naiiwan sa bahay. Sinuggest na din namin sa kanya na pabalikin nalang si yaya Lisa para may katulong at kasama sya pero ayaw naman nya. Okay naman na daw sya dun kahit mag-isa. Kung sabagay ay matanda na din si yaya Lisa.

I wonder kung bakit bigla nalang nilang pinaalis si yaya Lisa. Nasa edad na rin ako nung umalis siya kaya nalungkot talaga ako nun. She's been working for us since I was a baby. I miss her though. Si papa kasi ay laging nandoon sa mga Cayman. Inabot na ako ng twenty five years pero hanggang ngayon, hindi ko pa rin alam ang trabaho niya don. Kapag naman tinatanong namin si mama, di naman nya sinasagot. Kaya hinayaan nalang din namin ng kapatid ko. As long as okay naman kasi si papa, okay na din kami. Si Kirius naman, kahit na ganoong malakas ang toyo ay nagtatrabaho na din sa isang kilalang shipping company. Matagal na rin sya dun dahil simula ng maka-graduate ay doon na siya nagtatrabaho. Palibhasa ay magna cum laude kaya sya agad ang nilapitan ng trabaho. Habang ako naman ay nagtatrabaho sa isang publishing company. 

"Ma, pasok na po ako," kuha ko sa atensyon nya. Agad din naman syang tumingin sa akin.

"Kumain ka muna bago ka umalis."

"Hindi na po. Sa office nalang." Humalik ako sa kanya saka naglakad palayo.

"Yung kwintas mo, Yueno," sigaw pa ni mama pero di ko na inintindi dahil kumaripas agad ako ng alis. Sigurado kasing katakot-takot na litanya na naman ang aabutin ko kay mama kapag hindi pa ako umalis. Dire-direcho akong lumabas ng pinto at nagpunta sa garahe para ilabas ang kotse ko. 

Finally, the long day is over. Minamasahe ko ang batok ko habang naglalakad papuntang bus stop. Madalang na kasi ang mga nagdadaang taxi kaya napilitan akong maglakad. Napahugot ako ng malalim na hininga. Pakiramdam ko ay hapong-hapo ako. Hindi naman talaga ako gagabihin dapat kung hindi lang naghabol pa ng mga papeles ang boss namin. Kailangan na daw iyon bukas kaya tinapos ko na lang din agad. Mabuti nalang at hindi ako inabot ng umaga doon kung hindi ay hindi ko papasukan si boss bukas. 

Nabalik ang atensyon ko sa kalsadang dinadaanan nang may natanawan akong mga lalaking nagkukumpulan hindi kalayuan sa akin. Nagkukwentuhan sila sa pwestong hindi gaanong abot ng liwanag ng poste. Na parang sinadya nilang doon lumugar para di gaanong makita. Kinutuban ako ng kakaiba. Agad na gumapang ang kaba sa dibdib ko nang maalala ang nakita ko sa tv kaninang umaga. Paano kung hindi lang pala mga tambay ang mga iyon. Paano kung sila yung mga hindi matukoy na nambibiktimang nababalita sa tv.  Hindi ko na tuloy alam kung hihinto ba ako at babalik, o didiretso. Malayo-layo na rin ang nararating ko kung babalik ako. Kung didiretcho naman ay hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin. 

Hinagod ko ng tingin ang mga lalaki. Ayoko sanang mag-isip ng hindi maganda sa kanila kaso kung mga kilos at pananamit nila ang pagbabasehan ay siguradong kahina-hinala ang mga galawan. May finesse sa kanilang kilos at malinis manamit. Kung titignan ay hindi sila mukhang mga simpleng tambay lang. Para silang may mga kaya sa buhay. Pero nakakapagtaka ang pagkukulumpungan nila sa gilid lang ng kalsada sa dis oras ng gabi.

Habang palapit ako sa kanila ay lalong nadadagdagan ang kaba ko na hinaluan pa ng takot. Lumingap ako sa paligid. Nagbabakasakaling may iba pang tao na pwede kong hingan ng tulong kung sakali mang may mangyari sa akin. Kaso ay wala. Walang ibang nandoon kundi aso. Wala rin gaanong dumadaang sasakyan. Huminga ako ng malalim. Malapit na ako sa kanila. Wala na akong choice. Lumalalim na rin ang gabi. 

Hinalukay ko ang isip sa mga natutunan kong self-defense noong nasa college pa ako saka isa-isang ginagawa sa isip. Binalik ko ang tingin sa mga lalaki at inestima kung paano ang pwede kong gawin. Apat ang lalaking nandun. Tatlong nakatayo at ang isa ay nakaupo. Hindi ko masabi kung ilang taon na ang mga ito pero kung sa tindig ang pagbabasehan, tantya ko ay hindi nalalayo sa edad ko ang mga ito. 

Hindi pa rin nila ako napapansin kaya may pagkakataon pa akong mag-isip ng plano. Pwede ko pang pabagsakin ang dalawa at takbuhan ang dalawa. Napatingin ako sa sapatos ko saka nanlumo. Naka-heels nga pala ako ngayon. Tumakbo man ako ay siguradong aabutan din nila ako. Nangingilid na ang mga luha ko. I'm feeling hopeless. 

Huminga ulit ako ng malalim. It's not the right time to lose hope. Baka naman masyado lang akong napaparanoid. Wala pa man ding nangyayari kung ano-ano na naiisip ko. Baka mga tambay lang talaga ang mga iyon at walang gagawing masama. 

Bahagyang kumalma ang utak ko at naisipang tumawid sa kabilang kalsada. Baka sakaling maiwasan ko sila at hindi nalang nila ako mapansin o pansinin. Tama. Ganun nalang ang gagawin ko. Nang akmang tatawid na ako sa kabila ay biglang lumingon sakin ang lalaking nakaupo. Nakita ko pang bumuka ang bibig nya marahil ay may sinabi sa mga kasama kaya naglingunan ang tatlo sa direksyon ko. 

Hindi yata ako nagkamali ng hinala. Mga masasamang tao nga sila. Halos magwala na sa ribcage ang puso ko. Wala na akong kawala. Eto na yun. 

Binilisan kong maglakad habang hinahanda ang sarili ko para sa self-defense na gagawin. Inilagay ko ang bag ko sa harap ko. Leather iyon at sapat ang laki para magamit panghampas sa kanila. 

"Miss, uuwi ka na?"

Nagsipagtindigan lahat ng balahibo ko ng marinig ang boses nya sa likod ng tenga ko na halos parang bulong. Wala sa loob na natakpan ko ang tenga ko at napalingon sa kanya nang nanlalaki ang mata. Paano siya nakalapit sa akin ng ganun kabilis? Sa pagkakatanda ko ay patawid palang sya kanina. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko.

"A-anong kailangan nyo?" Hindi ko mapigilang mautal sa takot. Bakit ba kasi sa akin pa ito natapat?

Napaatras ako nang bigla niya akong amuyin. 

"Napakabango ng dugo mo, Miss. Kakaiba."

Ano daw? Dugo? Kakaiba?

Agad akong napalingon sa harap ko nang may maramdaman akong presensya. Hindi ko napansin ang paglapit niya tulad ng ginawa ng lalakeng nasa likod ko. May katangkaran ang dalawang lalaki kaya nakatingala ako. Bagay na gusto kong pagsisihan. Lalong gumapang ang kilabot sa katawan ko nang mabistahan ko ang mga mata nilang kasing pula ng lipstick ng boss ko. Para silang mga adik na nanlilisik ang mga mata, pulang pula na parang sumisigaw ng karahasan. 

Napaatras agad ako palayo sa kanila nang magsimula silang humakbang palapit sa akin. Tinantya ko ang sarili ko. Sa estado ng tuhod ko ngayon, hindi ako nakakasigurong makakatakbo ako ng direcho. Grabe ang panginginig nito na ultimo pagtayo ay nahihirapan na akong bumalanse.

"Pwede ka bang tikman, miss?" Nanunuyang sabi nang lalaking papalapit saken.

"Liu, wag mo nang paglaruan para hindi na mahirapan si miss ganda."

Nanlaki ang mata ko nang sa isang kisap-mata lang ay nasa likuran ko na ang lalaking kanina lang ay nakaupo sa kabilang kalsada.

Paano nangyari yon? Paano siya nakapunta sa likuran ko ng hindi ko nararamdaman? 

Hindi ako pwedeng mamatay dito. Kailangan ako ng pamilya ko. Kailangan kong makaalis kahit na anong mangyare. Paglalaruan? Para di na mahirapan? Kung balak nila akong patayin, hindi ako papayag na ganun lang kadali. Hinamig ko ang sarili at hinanda para sa pagtakbo. Buong lakas kong ihinampas ang bag sa lalaking nasa harap ko para sana ay mahawi sya at makatakbo ako pero laking gulat ko nang hindi man lang siya natinag. Para siyang bato na wala man lang naramdaman. Walang kagatol-gatol na bumagsak ang bag sa sementong kalsada kasabay ko.

Anong nangyari?

Umalingawngaw ang matinis na tunog sa kanang tenga ko at nawalan ng pakiramdam ang kaagapay na pisngi. Nanlabong bigla ang paningin ko. Napahawak ako sa pisngi ng humapdi iyon at nakaramdam ng likido galing doon. Sinampal niya lang ako pero halos lumipad ako palayo base na rin sa halos dalawang metrong layo ng pinagbagsakan ko mula sa kanya.

Nanggigilalas na binalik ko ang tingin sa kanila. Hindi sila tao. Yon ang tanging bagay na nasisiguro ko. Hindi sila normal na tao. Mga halimaw sila. 

Ang kaninang matitino nilang mga ayos, ngayon ay animo mga hayop na unang beses pa lang nakakita ng pagkain. At ang pagkain na yon ay walang iba kundi, ako. Nangilid ang luha ko pero hindi ko inaalis ang tingin sa kanila. Natatakot ako na baka ano mang oras ay bigla nalang nila akong sunggaban at lapain. Napailing ako sa isip. Hindi ito pwede. Hindi ako dito mamamatay. Pero paano ako tatakas sa kanila? 

Pasimple kong nilingap ang mata. Naghahanap ng mahihingan ng tulong habang unti-unting tumatayo. Nanghihina ang tuhod ko at lalo pang nanghina nang wala man lang kahit isang maligaw sa lugar na yon para hingan ko ng tulong. Napasinghap ako nang sa pag-ihip ng hangin ay nasa harap ko na ang lalaking sumampal saken. Nanginig ako.

"Wag ka ng maghanap ng tulong miss, walang makakatulong sayo."

Iyon lang at sa isang iglap ay naramdaman ko nalang ang matinding kirot sa likod ko lalong-lalo na sa ulo. Nanlalabo na naman ang paningin ko. Napigil ko ang aking hininga nang magsimula akong lukubin ng sobrang sakit. Hindi ko na napigilan ang pagdaing. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari. Napakabilis. Sa isang iglap lang ay humampas ako sa poste. Nalasahan ko ang kalawang sa bibig ko na unti-unting umaagos sa aking baba.

Habang walang patid ang pagdaing ko ay wala namang ibang ginawa ang mga lalaking iyon kundi ang tumawa. Mga mukha silang sira ulo na tuwang-tuwa habang nakikita akong nahihirapan at nasasaktan.

Doon na tumulo ang luha ko. Ayoko pa sanang mamatay pero anong gagawin ko? Masyadong malakas ang mga lalaking iyon kaya kahit anong gawin ko ay hindi ko sila magagawang takasan. Lalong rumagasa ang luha ko ng maalala ko ang pamilya ko. Hindi na ako makukulit ni mama ko na kumain bago umalis. Hindi ko na din makikita si papa. Kung bakit kasi napakadalang nyang umuwi. Hindi ko na din maaaway ang kapatid ko. Lalong hindi na ako makakapag-asawa. Eto na ba talaga ang huli? Mamamatay akong virgin? Pero 25 palang ako.

Pinilit kong ibangon ang sarili ko paunti unti. Halos pangapusan ako ng hininga sa konting galaw lang. Nasisiguro ko na may bali akong buto. Hindi ko namalayang nakalapit na pala sakin ang isa sa mga lalaki. Bigla nyang pinahid ang tumulong dugo mula sa bibig ko saka diretchong dinala sa bibig nya para tikman iyon. Nangilabot ako sa ginawa niya. Ayoko sanang maniwala pero harap-harapan nyang tinikman ang dugo ko.

"You have an extraordinary taste, miss," sabi nya. "A delicious one." Ang pula niyang mga mata ay lalong tumingkad pagkasabi noon. Parang lalo siyang nasabik at nauhaw.

Nahintakutan akong lalo pero wala na akong magawa. Nahihirapan na akong huminga at nanlalabo na rin ang paningin ko. Unti-unti nang bumabagsak ang talukap ng mata ko. Gusto ko nalang matulog. Nakita ko pang sumugod papunta sa akin ang mga mukhang hayok na mga lalake. Hindi ko na mapagwari kung ano-ano ang mga sumunod na nangyari. Ang rumehistro nalang sa isip ko ay ang marahang pagbuka ng bibig ng lalaking katabi ko. Ang matutulis niyang ngipin na nakaumang sa braso kong hawak nya. Hindi na ako makapalag. Hinintay ko na lang kung ano ang susunod niyang gagawin sa akin.

Sa muling pagbukas ko ng mga mata ay may isang lalaki na parang hangin sa bilis na isa-isang hinahablot sa dilim ang mga lalaking susunggab dapat sa akin. Nakakamangha. How can a person moves swiftly like that? Para na siyang humahalo sa hangin. Si flash ba siya?

Nang maubos ang mga kasama ng lalaking nasa tabi ko ay naglakad ang lalaki palapit sa amin. Naramdaman ko ang panginginig ng katabi ko. Natakot siya? Nanghihina na ako at blurr na ang paningin ko kaya marahil ay hindi ko na masabi kung nakakatakot nga ba siya. 

Nang makalapit ito ay marahas nyang hinablot ang katabi ko at pinutol ang ulo. Sumulak ang dugo nito sa leeg at bumagsak sa lupa. Bumaliktad ang sikmura ko sa nasaksihan. Gusto ko sanang masuka pero hindi na ako makakilos. Ngunit sa kabila ng ginawa nya ay hindi ako nakakaramdam ni katiting na takot.

"You're safe now," sabi nito saka umupo sa tabi ko. Sinubukan kong aninawin ang mukha nya pero tanging ang pulang pula niyang mata lang ang naaninag ko.

Maya-maya pa ay naramdaman ko nalang ang pag-angat ko sa semento. Marahil ay binuhat niya ako. Nakaramdam ako ng kakaiba. Bakit ang sarap sa pakiramdam na nasa bisig nya? Parang nawala lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Don't scare me again." 

Narinig ko pa ang sinabi niya bago ako tuluyang mawalan ng malay. Bakit siya natakot? Para sa akin ba yon? Hindi ko na maidilat ang mata ko. Naramdaman ko nalang ang malamig na bagay na dumampi sa noo ko. 

"Sleep now."

Related chapters

  • The Vampire's Tale   SHADOW

    Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa mga mata ko nang magawa ko iyong maimulat. Itatabing ko sana ang kanang braso ko sa mata pero agad din akong napadaing. Nuon ko nakitang may nakakunektang swero roon. Nagtatakang inilingap ko ang mga mata. Maputing paligid, puting kama, amoy gamot, nasa ospital nga ako. Ano nga ba ang nangyari?Hinalukay ko ang utak ko at inisa-isa ang mga pangyayari. Mula sa paglalakad ko ng late night pauwi, hanggang sa nakasalubong ko ang mga halimaw na iyon. Gumapang na naman ang pamilyar na kilabot sa katawan ko nang buong-buong isinalarawan ng utak ko ang mga itsura nila. Walang dudang sila ang mga pumapatay na napapabalita. Gusto ko sanang isiping parte lang sila ng imagination ko pero hindi. Nagpapatunay na roon ang sugat

    Last Updated : 2021-05-30
  • The Vampire's Tale   ENTRAPPED

    Hindi alam ni mama na na-discharge na ako sa ospital. Kinulit ko kasi yung doctor pagkauwi nya kaya hindi nya alam. Mabuti nalang at napilit ko yung doctor. Kung ano-ano pang drama ang ginawa ko, payagan lang nila ko. Isa pa, baka maulit yung nangyari kagabi kaya mainam na din ito. Sinabi ko naman sa doktor na weekly akong magpapa-check up.Tahimik ang naging biyahe namin ni Kir. Hindi ko pa din sinasabi sa kanya kung ano ang nangyari kagabi kahit na anong pangungulit nya. It's better for him not to know. The lesser you know, the safer you will be. I don't want to drag them into this.

    Last Updated : 2021-05-30
  • The Vampire's Tale   THE MANOR

    "You ready?"Napatango nalang ako saka muling tumingin sa kabahayan. Mukhang matatagalan bago ako makauwi ulit.It's been a week mula nang mailibing si papa. Hindi rin namin nahanap ang katawan nya. I wonder what happens to papa. Kung buhay pa ba sya at kinuha lang sya ng mga masasamang bampira o wala na talaga siya. Well, I will figure it out. Sigurado akong may kinalaman ang mga Cayman dito. Malapit ko na ding malaman yun total mapapalapit naman ako sa kanila.

    Last Updated : 2021-05-30
  • The Vampire's Tale   CAYMANS

    Matatanaw ang malapalasyong bahay ng mga Cayman, di kalayuan pagpasok sa napakalaking gate ng mga ito. I've never imagine them to lived in a palace-like-house. Near the gate is a park like garden with a small fountain in the midst. Ang ilang mga halaman ay hitik sa iba't ibang uri ng mga bulaklak at ang iba ay napapalibutan ng bermuda grass. Nakapagitna iyon sa napakalaking driveway papunta sa mismong bahay. Sa gawing gilid naman ay ang garahe para sa di mabilang na sasakyan. Along the driveway in front of the house stands another fountain. A huge and stunning one."We're here," excited na sabi ni Lenora saka dali-daling bumaba nang maihinto ang sasakyan sa harap ng main door.Bumaba din ako agad pagkatanggal ko ng seatbelt. This is it. There's no turning back

    Last Updated : 2021-05-31
  • The Vampire's Tale   PRIORITY

    It's been two days since I arrived at the Cayman's manor. At magsimula ng pumasok ako dito sa kwarto ko ay never pa kong lumabas. I don't feel like walking around knowing that every person in this house were all bloodsuckers.Well, okay pa naman ako sa lumipas na 48 hours. Wala pa namang nabawas sa katawan ko lalo na sa dugo ko. Dinadalan nila ako ng pagkain ng mga maids nila pero pinapaiwan ko lang iyon sa pinto saka ko kukunin. So far, di pa naman nila ako inaabala sa pananahimik ko dito. Pero minsan nagugulat nalang ako dahil sa pagkatok bigla kundi si Mathilde, ay si Lenora.And speaking of maids, well, they absolutely have maids. Of their kind. Hindi sila kakaunti. Marami sila. Noong una ay nagugulat pa ako pero ngayon nabawasan na. This is not an o

    Last Updated : 2021-05-31
  • The Vampire's Tale   ALARIC CAYMAN

    Malamig ang hangin na dumadampi sa mga balat ko. Hindi ko minumulat ang mga mata ko dahil sa takot sa nakaambang mangyari sakin. Pero lumipas na ang ilang sandali ay wala pa rin akong sakit na nararamdaman. Namanhid na ba ako? Pinakiramdaman ko pa lalo ang sarili ko habang nananatiling nakapikit ang mga mata ko ngunit wala talaga akong maramdaman bukod sa para akong nakalutang sa hangin. Am I already dead? "You're safe now. You can open your eyes." Halos magkasabay na nagreact ang mata at puso ko ng marinig iyon. As my eyes snapped open, I was greeted by a pair of hypnotizing bluish gray eyes. Lalong nagwala ang puso ko at nahigit ang hininga ko.

    Last Updated : 2021-06-08
  • The Vampire's Tale   DOVANA

    Maaga akong nagising ng sumunod na araw. Sinadya ko iyon dahil ngayon araw ay kakausapin ko ang pamilya. Gusto kong malaman kung bakit ako nandito. Gusto kong masagot na ang mga katanungan ko at lalong gusto ko ng matapos ang lahat ng ito at bumalik na sa normal. Sa tahimik kong buhay na kahit trabaho bahay at walang jowa ay masaya pa rin ako. Oo at may nakikilala akong mga nag-gugwapuhang mga lalaki pero hindi ko ipagpapalit ang tahimik kong buhay para lang sa kanila lalo na ang kaligtasan ng pamilya ko. Kailangan kong malaman ang kung anong nagkokonekta sa akin, ng pamilya ko, sa mundong ito. I need to be armed before I charge in the battle.Nakaupo lang ako sa gilid ng kama nang may maramdaman akong kaluskos. Tumatalas na rin yata ang mga senses ko. Well, sino ba naman hindi tatalas ang senses kung ilang beses ng nakaligtas sa kamatayan. I became aware of everything after those multiple incidents. Kaya hindi na ako nagulat ng biglang may kumatok sa pinto.

    Last Updated : 2021-06-12
  • The Vampire's Tale   DUNGEON

    Agad akong tumakbo palapit sa kulungan."Lenora!"Gulat itong napatingin sa akin pati ang katulong sa tabi ko. Halata sa mukha nila na hindi nila ako inaasahan sa lugar na ito."Yue-""What are you doing here, Yueno?" Kinilabutan ako sa lamig ng boses na nanggaling sa likuran ko. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nagulat at napaharap doon. Natagpuan ko roon ang nakahalukipkip na si Damien na direktang nakatingin sa akin.Hindi naman ako nagpatinag kahit nagsisimula na namang kumabog ang dibdib ko."Bakit nakakulong dito si Lenora?" sigaw ko. Kumulo ang dugo ko sa isiping, kaya nakakulong dito si Lenora ay dahil sa akin."This is her punishment," walang buhay na sagot ni Damien sa akin. Nakaka-sense ako ng disgusto sa kanya. Malakas ang kutob kong ayaw nya sakin. Maya-maya ay naglakad ito palapit sa kinalulugaran namin. Yumu

    Last Updated : 2021-07-05

Latest chapter

  • The Vampire's Tale   EPILOGUE

    Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t

  • The Vampire's Tale   END OF THE BEGINNING

    Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald

  • The Vampire's Tale   BARE

    *Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

  • The Vampire's Tale   A SILENT RIVAL

    Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay

  • The Vampire's Tale   AWAKENING OF THE TRUTH

    *Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi

  • The Vampire's Tale   TREACHERY

    Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs

  • The Vampire's Tale   UNDYING

    *Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun

  • The Vampire's Tale   MISCONCEPTION

    *Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala

  • The Vampire's Tale   UNVEIL

    Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso

DMCA.com Protection Status