Matatanaw ang malapalasyong bahay ng mga Cayman, di kalayuan pagpasok sa napakalaking gate ng mga ito. I've never imagine them to lived in a palace-like-house. Near the gate is a park like garden with a small fountain in the midst. Ang ilang mga halaman ay hitik sa iba't ibang uri ng mga bulaklak at ang iba ay napapalibutan ng bermuda grass. Nakapagitna iyon sa napakalaking driveway papunta sa mismong bahay. Sa gawing gilid naman ay ang garahe para sa di mabilang na sasakyan. Along the driveway in front of the house stands another fountain. A huge and stunning one.
"We're here," excited na sabi ni Lenora saka dali-daling bumaba nang maihinto ang sasakyan sa harap ng main door.
Bumaba din ako agad pagkatanggal ko ng seatbelt. This is it. There's no turning back now.
Inilibot ko ang tingin sa paligid bago hinarap si Lenora. She was there standing at the main door, waiting for me. Tiningnan ko ang kabuuan ng bahay. Everything screams wealth and luxury. Well, they're not billionaires for nothing. Di ko mapigilang mapabuntong hininga. Kailangan ko ng tanggapin sa sarili ko na dito na ko titira mula ngayon. I could feel nothing but the warmth of my father. The living memories of papa. I hope you're still alive papa. I'm coming for you.
Kinurap kurap ko ang mga mata ng maramdamang namamasa na iyon. Mabilis akong umakyat at lumapit kay Lenora. Sinalubong naman nya ako ng ngiti. From the first moment that we met, she was always like this towards me. It makes me want to succumb myself in the warmth of her presence. It calms the storm in me. Huminga muna ako ng malalim habang binubuksan niya ang pinto. Unang nakaagaw sa akin ng pansin ang grand staircase. Literal akong napanganga. It was like those staircases on the movies where princes and princesses lived. I even started imagining Cinderella running down, chased by her prince charming. The walls were painted in white and gold making it looks even more elegant. It was decorated with paintings of different shapes and sizes. Kung titignan ay wala namang kakaiba sa bahay. Hindi naman kasi ako ngayon lang nakakita ng magarbong bahay, yun nga lang ay mas bongga ang bahay na ito.
As I look around the house, I felt four pairs of glimmering eyes focused on me. Naiilang na hinanap ko ang mga matang iyon na natagpuan ko din sa mismong sala nila. There standing in their full glory.
The Cayman's.
"Come!" untag ni Lenora saken.
Lumapit naman kami sa pamilya nya. I still can't help but to stare at their staircase. But before we passed I saw a man standing at the foot of the stairs looking straight to my eyes.
Sino yon? Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Pero hindi sa takot, kundi dahil sa kaba at excitement. I felt longing deep within me. Parang kilala ko siya. Matagal na.
"Meet the family, Yue." Lenora announced that caught my attention.
Ngumiti ako ng matipid at pasimpleng nilibot ang paningin sa kanila. They're all looking at me like I was some kind of food. Or maybe I was exaggerating things. Well, after being chased by bloodsuckers, sino ba naman ang hindi mapapraning.
Nailang ako though they all looked like gods and goddesses. Walang itulak kabigin. Napakaganda ng lahi nila na parang kumikinang sila. Feeling ko tuloy, nagmukha akong maid sa harap ng mga ito. Napakakikinis ng kutis, tatangos ng ilong. Parang gusto kong salatin yung ilong ko kung ganun din ba katangos. Medyo nahiya tuloy akong humarap sa kanila.
"Welcome, Yueno Matisse." the father greeted me.
"It's good to finally have you here. I'm Mrs. Cayman, but Lucinda will be nice," sabi ng maybahay ni Mr. Cayman saka lumapit sakin at inabot ang kamay ko. She look like a queen. Finesse and sophisticated. She was all smiles at me. Nakakailang ang gawi ng tingin sa akin ng brown niyang mga mata. Parang hinahalukay ang kaloob-looban ko.
I averted my gaze and look at our hands instead. Makinis ang balat niya kumpara sa balat kong halata ang hirap ng pinagdaanan sa buhay. Nakakahiya tuloy tanggapin.
"T-thank you." Di ko napigilang magstammer.
Di ko naman napansin ang paglapit ng isang babae, na tingin ko ay ang bunsong anak ng mga ito. Nagulat ako ng bigla akong yakapin nito at amuyin. Kinilabutan ako sa ginawa niya. Bakit mo aamoyin yung taong niyakap mo? Agad din naman siyang humiwalay.
"It's nice to finally meet you," ngiting ngiti nyang bati saken.
Why does she look familiar? Napakunot noo ako. Pero hindi ko matandaan kung saan. Kasing taas ko lang sya at kulay burgundy ang hanggang bewang niyang buhok. May bahagyang kulot iyon sa dulo na bagay na bagay sa kanya. Nakukulayan naman ng maputlang asul ang napakaganda niyang mata. Kahit babae ako ay hindi ko mapigilang mabighani sa ganda nya.
"Oh, I can see admiration in your eyes, it's flattering," she giggled. Napakurap kurap ako. Hindi ko napansin na kanina pa pala ko nakatitig sa kanya.
"Nagkita na ba tayo dati?"
Biglang naging misteryoso ang aura nya saka ngumisi ng nakakaloko. "Maybe," sabi nya sabay talikod.
Naguluhan ako sa gesture at sinabi nya. Pero hindi ako pwedeng magkamali. Nakita ko na sya. Kailangan kong alalahanin kung saan ko sya nakita.
"Maybe you're tired, Matilde, please accompany her to her room. Lenora, we'll talk," may awtoridad ngunit malumanay na utos ni Mr. Cayman.
"Let's go," excited akong hinila ni Matilde paakyat sa hagdan.
Matilde pala pangalan ng bunso nila. Sumagi sa isip ko ang lalake sa may hagdan kanina. Sya marahil ang pangalawang anak ng mga Cayman.
Those piercing grey eyes. What a mysterious man. Hindi man lang sya bumaba para igreet ako katulad ng pamilya nya. Not that I care but out of politeness. Maybe he doesn't me here.
Umakyat kami sa engrandeng hagdan ng mga ito. Di ko maiwasang pasadahin ang daliri sa kulay ginto nitong railings. Napakasopistikado ng lugar. Kahit saan ka tumingin ay naghuhumiyaw ang karangyaan. Nakakailang gumalaw.
Sumagi sa isip ko ang nangyari kanina habang nasa byahe kami. Napatingin ako kay Matilde. Alam kaya nya ang tungkol sa mga humahabol sa amin kanina?
"Matilde, right?" tawag ko sa kanya. Ayokong maging feeling close but I have to try. Lumingon naman sya agad saken na seryoso ang mukha. Wala na ang kaninang friendly na aura niya.
"You wanna know why they're following you?"
Napanganga ako. How'd--
"I can basically read your mind and you sure have a lot of things going in your head," walang kagatol gatol na sabi nya. "Now, you're wondering why I can read your mind."
Bumuntong hininga siya. Napatulala ako sa mga sinasabi nya habang lalong nagagatungan ang tanong sa utak ko.
"Cassius should be the one to tell you this. But I guess, I shall tell you now. We were vampires, Yueno."
Nahigit ko ang hininga ko kasabay ng malakas na kabog ng dibdib ko. I just run away from bloodsuckers and now ended up here. Standing in front of me is the same kind to those who attacked me months ago. Di kaya sila ang talagang pumatay kay papa? Pero bakit? Masyadong loyal ang papa ko sa kanila para gawan nila ng masama. Napailing ako saka napaatras.
"Oh no! Hey, hey, hey! You stop right there! It's not what you think." Akmang lalapit sya saken ng umatras ako.
That's when I remember her. She's the one who killed those vampires at the cliff. Sya yung babaeng kasama nung nagligtas saken. Ibig sabihin, nandito rin sa bahay na to ang lalaking yon. Kung ganun, hindi kaya sya yung lalaking nakatayo kanina sa hagdan. Nilingon ko ang dinaanan namin. Little did I know, I was just one step away from him.
"There's no turning back, Yueno." Nilingon ko sya saka tinignan sa mata. Her eyes isn't red kaya marahil ay napapanatag pa ko. Or maybe the other way around. She was calming me. Maybe it's one of her ways to calm my senses.
Her face mirrored amazement. "Damn! You're brilliant." Huminga sya ng malalim. "Take a rest. We'll talk about this later."
Tinuro niya ang isa sa mga magkakamukhang pinto roon. Hindi ko napansin kung gaano kalayo ang narating namin dahil sa lawak ng lugar. "Your luggage were already in there so there's nothing to worry about."
Pagkasabi noon ay saka niya ako nilagpasan. Para akong napapasong agad na napaiwas ng matapat siya sakin dahil na rin siguro sa takot na baka bigla nalang niya akong dambahin. Pero hindi pa man din siya nakakalayo ay tinawag na niya akong muli. Nilingon ko naman sya agad.
"Don't think of running away. Though I can hear your thoughts, it is much safer here than the outside. And you know that, Yueno."
Hindi ko alam kung naglakad ba siya o tumakbo dahil bigla nalang siyang nawala pagkasabi non. Napalinga ako sa paligid. It was deserted. Nahaplos ko ang mga braso ko dahil sa lamig ng hanging hindi ko alam kung saan nanggaling. Kinilabutan ako kaya dali dali akong pumasok sa kwartong itinuro ni Matilde.
Binuksan ko agad ang ilaw duon. Hindi na dapat ako magulat sa laki noon pero hindi ko pa rin mapigilan. Doble ang laki nito sa dati kong kwarto pero imbes na matuwa ako ay nabalot ako ng lungkot. Nilock ko ang pinto saka ko nilibot ang lugar. Pinagbubuksan ko ang mga pinto roon. Ang isa ay napakalaking banyo at ang isa ay walk in closet. Nang makasigurong walang secret passage ay saka ako naupo sa kama. Naroon nga ang dalawang maleta ko sa may pinto ng closet tulad ng sinabi ni Matilde.
With all of these extravagance I know I should be happy, pero hindi. I can't be happy with what's going on in my life. I miss my family. I miss papa. Nanubig ang mga mata ko pero pinigilan ko iyon sa pagtulo. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at isa-isang inisip ang mga nangyari sa buhay ko. Unti-unti na ring namigat ang mata ko. Sa lahat ng nangyari sa buhay ko, napakaswerte ko naman na siguro kung bakit hanggang ngayon buhay pa rin ako. At sa sitwasyon ko ngayon, mukhang kakailanganin ko ng maraming lakas para makatagal sa mga Cayman at sa mundong nag-aabang sa akin.
It's been two days since I arrived at the Cayman's manor. At magsimula ng pumasok ako dito sa kwarto ko ay never pa kong lumabas. I don't feel like walking around knowing that every person in this house were all bloodsuckers.Well, okay pa naman ako sa lumipas na 48 hours. Wala pa namang nabawas sa katawan ko lalo na sa dugo ko. Dinadalan nila ako ng pagkain ng mga maids nila pero pinapaiwan ko lang iyon sa pinto saka ko kukunin. So far, di pa naman nila ako inaabala sa pananahimik ko dito. Pero minsan nagugulat nalang ako dahil sa pagkatok bigla kundi si Mathilde, ay si Lenora.And speaking of maids, well, they absolutely have maids. Of their kind. Hindi sila kakaunti. Marami sila. Noong una ay nagugulat pa ako pero ngayon nabawasan na. This is not an o
Malamig ang hangin na dumadampi sa mga balat ko. Hindi ko minumulat ang mga mata ko dahil sa takot sa nakaambang mangyari sakin. Pero lumipas na ang ilang sandali ay wala pa rin akong sakit na nararamdaman. Namanhid na ba ako? Pinakiramdaman ko pa lalo ang sarili ko habang nananatiling nakapikit ang mga mata ko ngunit wala talaga akong maramdaman bukod sa para akong nakalutang sa hangin. Am I already dead? "You're safe now. You can open your eyes." Halos magkasabay na nagreact ang mata at puso ko ng marinig iyon. As my eyes snapped open, I was greeted by a pair of hypnotizing bluish gray eyes. Lalong nagwala ang puso ko at nahigit ang hininga ko.
Maaga akong nagising ng sumunod na araw. Sinadya ko iyon dahil ngayon araw ay kakausapin ko ang pamilya. Gusto kong malaman kung bakit ako nandito. Gusto kong masagot na ang mga katanungan ko at lalong gusto ko ng matapos ang lahat ng ito at bumalik na sa normal. Sa tahimik kong buhay na kahit trabaho bahay at walang jowa ay masaya pa rin ako. Oo at may nakikilala akong mga nag-gugwapuhang mga lalaki pero hindi ko ipagpapalit ang tahimik kong buhay para lang sa kanila lalo na ang kaligtasan ng pamilya ko. Kailangan kong malaman ang kung anong nagkokonekta sa akin, ng pamilya ko, sa mundong ito. I need to be armed before I charge in the battle.Nakaupo lang ako sa gilid ng kama nang may maramdaman akong kaluskos. Tumatalas na rin yata ang mga senses ko. Well, sino ba naman hindi tatalas ang senses kung ilang beses ng nakaligtas sa kamatayan. I became aware of everything after those multiple incidents. Kaya hindi na ako nagulat ng biglang may kumatok sa pinto.
Agad akong tumakbo palapit sa kulungan."Lenora!"Gulat itong napatingin sa akin pati ang katulong sa tabi ko. Halata sa mukha nila na hindi nila ako inaasahan sa lugar na ito."Yue-""What are you doing here, Yueno?" Kinilabutan ako sa lamig ng boses na nanggaling sa likuran ko. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nagulat at napaharap doon. Natagpuan ko roon ang nakahalukipkip na si Damien na direktang nakatingin sa akin.Hindi naman ako nagpatinag kahit nagsisimula na namang kumabog ang dibdib ko."Bakit nakakulong dito si Lenora?" sigaw ko. Kumulo ang dugo ko sa isiping, kaya nakakulong dito si Lenora ay dahil sa akin."This is her punishment," walang buhay na sagot ni Damien sa akin. Nakaka-sense ako ng disgusto sa kanya. Malakas ang kutob kong ayaw nya sakin. Maya-maya ay naglakad ito palapit sa kinalulugaran namin. Yumu
Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa mga mata kong kakalahati pa lang ang nakabukas. Umaga na pala. Pakiramdam ko kasi ay parang napahaba ang naging tulog ko. Pinakamahaba na kung kumpara nitong nakakaraang araw. Awtomatikong inabot ng kamay ko ang alarm clock sa may bedside table kahit hindi iyon tumutunog. Wala lang. Gusto ko lang tignan ang oras. Hindi na rin kasi ako nagseset ng alarm dahil hindi na ako pumapasok sa trabaho. Masarap sana na hindi ko na kailangang magtrabaho yun nga lang, laging nasa panganib ang buhay ko.Hindi na ako nagtaka ng makitang mag-aalas dose na ng tanghali. Tanaw kasi ang tirik na tirik na sikat ng araw mula sa nakabukas na pintuan ng terrace. Nakalimutan ko pala iyong isara kagabi. Pero sa pagkakatanda ko ay isinara ko iyon kagabi dahil nagbukas ako ng aircon. Mabuti na lamang at walang nagtangkang pumasok.
Napagdesisyunan kong lumabas na ng kwarto ng sumunod na araw. Hindi dahil sa palagay na ako kundi nais kong subukan ang sinabi ng lalaki kagabi. I-background check ko daw ang mga Cayman. Bakit kaya? May nagawa ba silang hindi maganda dati? Para tuloy nagatungan ang pagdududa ko sa kanila.Katulad kahapon ay tahimik pa rin sa buong kabahayan. Malamang sa nagsipasok pa rin sa kanya-kanyang trabaho ang iba. Dahil na rin sa wala akong mahagilap na tao ay nagdiretcho na ako sa study room ng palasyo. Ang problema nga lang ay hindi ko alam kung saang lupalop iyon. Hindi ko na kasi matandaan kung aling pinto iyon dito dahil pare-pareho ang kulay at itsura. Mukhang sinadya iyon para lituhin ang kung sino mang hindi taga roon.Marahil kung nandito si Alaric ay siguradong nandoon na ako ngayon. Yun nga lang ay wala siya dito. Hindi ko malaman kung nasaan siya ngayon. Maging kaninang umaga kasi ay hindi ko pa siya nakikita. Baka may emergency sa t
"What made you think that I'll help you?" anito habang mataman akong tinitignan.Muling kumabog ang dibdib ko sa gawi ng pagtitig nito sa akin. Parang inaarok niya ang kaibuturan ng kaluluwa ka. Dahilan para mahigit ko ang hininga at mapatitig na lamang din sa mapupulang mga matang iyon. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na mahagilap ang takot sa kalooban ko na sa tuwina ay lagi kong nararamdaman sa tuwing makakakita ako ng pulang mata. Tila kasi panatag ang kalooban ko sa kanya.Nakapagtatakang kahapon ko pa lamang siya nakilala ngunit nakuha na niya ang loob ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Mas nagtiwala pa ako sa isang estranghero. Nakakatawa. Wala akong tiwala sa mga Cayman, pero dito sa mukhang assassin na ito na malamang na patayin ako ano mang oras ay nagtiwala ako. Kung sabagay, kung talaga ng
Humahangos akong napabalikwas ng bangon. Bangungot na naman. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Madilim pa at bukod tanging ang liwanag lamang ng buwan ang tanging nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto. Tila ako naligo sa pawis ng mapagbalingan ko ang sarili. Ang pisngi naman ay basang-basa sa luha na agad ko ring pinunasan. Noon ko lang din napansin na wala na ang misteryosong lalaki na iyon. Nakatulog akong bigla. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog ngunit ang tangi ko lang naaalala ay noong kalong ako ng lalaking iyon sa mga bisig niya ng aksidentend mawalan ako ng balanse mula sa pagkagulat sa kanya.Nasapo ko ang ulo at ibinalik sa bangungot ang isip. Ang buong akala ko ay hindi na ako muling bibisitahin pa ng mga bangungot ngunit nagkamali ako. Pero kakaiba ang mga pangyayari ngayon. Nandoon na ang papa ko. Muling umahon ang pangungulila sa kalooban ko. Oh how
Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t
Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald
*Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.
Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay
*Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi
Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs
*Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun
*Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala
Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso