Share

DUNGEON

Author: MD Rosario
last update Last Updated: 2021-07-05 14:47:40

Agad akong tumakbo palapit sa kulungan. 

"Lenora!"

Gulat itong napatingin sa akin pati ang katulong sa tabi ko. Halata sa mukha nila na hindi nila ako inaasahan sa lugar na ito.

"Yue-"

"What are you doing here, Yueno?" Kinilabutan ako sa lamig ng boses na nanggaling sa likuran ko. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nagulat at napaharap doon. Natagpuan ko roon ang nakahalukipkip na si Damien na direktang nakatingin sa akin.

Hindi naman ako nagpatinag kahit nagsisimula na namang kumabog ang dibdib ko. 

"Bakit nakakulong dito si Lenora?" sigaw ko. Kumulo ang dugo ko sa isiping, kaya nakakulong dito si Lenora ay dahil sa akin.

"This is her punishment," walang buhay na sagot ni Damien sa akin. Nakaka-sense ako ng disgusto sa kanya. Malakas ang kutob kong ayaw nya sakin. Maya-maya ay naglakad ito palapit sa kinalulugaran namin. Yumuko at umatras ang katulong pero nanatili akong nakatayo roon. Ngayong alam ko na ang katayuan ko dito sa mundong ito ay nabawasan na kahit papaano ang takot ko. Nang makalapit sa pinto ng selda ay binuksan nito iyon. 

"Pwede ka nang lumabas," malamig na turan nito sa kapatid. 

Nakahinga ako ng maluwat sa sinabi nito kahit na medyo nainis ako sa tono ng pananalita nito. Pagkasabi noon ay agad ding tumalikod ang huli saka parang bula na bigla nalang nawala. 

Nang mawala ito sa paningin namin ay doon lang lumabas ang paika-ikang si Lenora na siya ko namang ipinagtaka. Agad akong lumapit sa tabi nya at inalalayan siya. Doon ko namasdan ang itsura nito sa malamlam na ilaw ng mga kandila na nagsisilbing liwanag sa paligid. 

Nahigit ko ang hininga ng mamasdan ko ang aktwal na itsura ni Lenora. 

"Anong nangyari sayo?" nag-aalalang tanong ko dito pero wala akong nakuhang sagot. Nakatulala lamang siya. 

Kahit na galing sa labanan kahapon ay hindi ganito kalala ang sinapit niya non. Namumutla ang mukha, sandamakmak na galos sa binti, braso at mukha. Putok din ang dating pulang-pula nyang labi na ngayon ay maputla pa sa suha. Ang buhok nitong sabog-sabog ay tumatabing sa dating maamo niyang mukha na ngayon ay animo gusgusing bata sa kalsada. Para syang pinahirapan. Eto ba ang sinasabi nilang nagpapagaling? Dahil ba ito sa akin? Bakit nila kailangang gawin ito sa pamilya nila?

Bigla ay parang gusto kong manlumo. How can they do this to her? 

Hindi pa kami nakaka-ilang hakbang ng sa isang kisap-mata ay nasa harap ko na si Alaric. Nakatayo lamang siya sa harap ko habang nakatitig sa mga mata ko. Bigla kong naramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko na hindi ko malaman kung dahil sa tinitimpi kong galit o dahil sa mariing pagtitig ng lalaking nasa harap ko. Parang mas nakakalamang ang una.

Walang sali-salitang kinuha nya si Lenora saka binuhat. Ngunit hindi ito umalis at nanatili pa rin sa harap ko. Nabaling ang tingin ko kay Lenora na ngayon ay nakapikit na sa bisig ni Alaric. Doon na nagsiklab ang galit ko.

"Akala ko ba pamilya kayo?" hindi ko napigilan ang pagtaas ng boses ko. Kahit na pakiramdam ko na hindi si Alaric ang may gawa nito, hindi ko pa din mapigilan ang sarili ko na maibunton sa kanya ang sama ng loob at guilt na nararamdaman ko.

"Bakit ganito ang sinapit ni Lenora? Dahil lang ba sa inilabas nya ako kaya nyo sya pinahirapan ng ganito? Anong klaseng nilalang kayo?" Hindi ko napigilan ang pag-alpas ng ilang butil ng luha sa mga mata ko. Naaawa ako kay Lenora. Halos ibuwis nya ang buhay mailigtas lang ako pero heto pa din ang sinapit niya. "Bakit kailangang umabot sa ganito?"

It’s been four days since that horrible incident happened. Since Lenora got imprisoned by her so-called family. Mula ng araw na yun, hindi na ulit ako nagtangkang lumalabas pa ng kwarto. Although, hindi naman nila ini-invade ang space ko. Magkagayunman, masama pa rin ng loob ko sa mga Cayman dahil sa ginawa nila kay Lenora. Oo at may utang na loob ako sa kanila dahil sa pagliligtas nila sa buhay ko pero si Lenora ang may malaking part sa pagliligtas sakin. Hindi ba dapat na pasalamatan pa nila ito dahil ginawa pa rin nito ang makakaya para iligtas ako? Bakit kailangan nilang ikulong at pahirapan pa si Lenora na para siyang hindi parte ng pamilya? 

Nagpupuyos pa rin ang kalooban ko sa tuwing naaalala ko ang itsura nito. Humugot ako ng malalim na hininga. Noong isang araw lang ay sinubukan akong kausapin ni Cassius pero hindi ko siya hinarap. Nanatili lang sya sa labas ng pinto ko. Although he didn’t try to barge in, he remained standing there talking. Explaining their side of why they did that to Lenora but I didn’t listen. Sabagay, habang panahon naman na akong walang tiwala sa kanila. Why bother trusting them now?

Kaya heto ako ngayon, mag-gagabi na pero nakahilata pa rin sa kama. Kakatapos ko lang basahin ang librong ipinakuha ko sa isang maid kahapon pagkatapos niya akong dalhan ng pagkain. Well, I prefer this though kaysa makihalubilo sa pamilya na iyon. I don’t even care if Mathilde hears my thoughts, I just loothe them. Hindi makatao ang ginawa nila. Kahit na hindi sila tao. 

Nasa ganoon akong kaisipan ng bigla kong maramdaman ang paglundo ng kama. Mabilis pa sa alas kwatro akong napabangon sa kama habang nanlalaki ang mata. Sino ba naman ang hindi magugulat at matatakot kung biglang lumundo ang kama mo samantalang nag-iisa ka lang sa kwarto. Naibuga ko ang hiningang kanina ko pa pala pinipigilan ng makita ko ang prenteng si Alaric na nakaupo sa kanto ng kama ko habang nagpipigil ng tawang nakatingin sa akin. Ngaling-ngaling ko sanang singhalan ang lalaking ito kung hindi lang ako napigilan ng nakakatulala nyang ngiti. Teka, parang ngayon ko lang nakitang nakangiti ito aa? Lalo pala siyang gumagwapo kapag nakangiti. 

Bigla akong natauhan ng makitang unti-unting napapalitan ng pilyong ngisi ang kaninang pigil na tawa nya. Maya-maya ay inabot nito ang baba ko saka kunwa’y isinara ang bibig ko. Nakaramdam ako ng pagkapahiya. Parang bigla ko tuloy gustong batukan ang sarili ko. Galit ka sa pamilya nila self, ano ba? Wag marupok! Nakakita ka lang ng gwapo bumigay ka na agad!

“Baka pasukan ng langaw,” anito na sinundan ng malakas na pagtawa. Takte, lalo yata akong natulala. He is a greek god indeed. Pati tunog ng tawa niya ay nakakadagdag sa kagwapuhan ng lalaking ito. How can he be so handsome naman?

Literal na napailing ako sa sarili. “Anong ginagawa mo dito?” singhal ko bilang pagtatakip sa kahihiyan. “Hindi ba malinaw na ayokong makausap ang kahit na sino sa inyo?”

Hindi naman ito natinag sa pagsinghal ko. Sa halip ay tumayo lang ito saka naglibot sa kwarto ko. Pinagmamasdan ang mga dekorasyong nandoon. Mabuti nalang at nagawa ko iyong ayusin noong ikalawang araw na nagkulong ako dito kung hindi ay nakakahiya kung makikita niyang kalat-kalat ang mga gamit ko. 

“Well I just want to check on you since from now on I will be in charge to watch over you,” anito ng biglang sumulpot sa harap ko. Laking gulat ko nang ilang sentimetro nalang ang layo ng mga mukha namin. My breath hitched as my eyes landed on his. Napakaganda noon sa malapitan. It felt as though it was luring me, pulling me till I drowned in it. But there was something hidden beneath its depth that can’t be easily deciphered. There was darkness in the midst of it, telling you that you can no longer turn back. 

Kagad akong nagbaling sa iba ng tingin. Bigla kasi akong nailang. Nakita kong ganoon din ang ginawa niya mula sa sulok ng aking mata. Marahil ay naramdaman din niya ang awkwardness kaya siya tumayo ng tuwid at ipinagpatuloy ang pagmamasid sa sillid. Did he do that on purpose? Or on impulse? 

I still can't help but admire his well built physique while he had his back at me. Kung hindi lang sana ako nabubwisit sa pamilya hindi ko pipigilan ang sarili kong pagpantasyahan ito ee. It's not that I blame him. Well, he still saved my life many times. Sayang nga lang at hindi nya iyon ginawa out of his own will kung hindi ay dahil sa obligasyon. 

"Go to sleep now. I'll watch over you." He suddenly turns to me. His voice snapped me out of my reverie. What did he just say? 

Bigla akong kinabahan sa realisasyon. Gusto nya na akong matulog? Para ano? Para gawan ng masama? Ano kayang binabalak nya? 

"Don't give me that look," he said as he walked towards me. Hindi ko alam kung aatras ba ako o matutulala nalang sa kanya habang unti-unti syang papalapit sa akin. 

"Wala akong gagawin sa iyo," anito saka bahagyang humagikgik. "You're thinking too much that it corrupts your head." 

"W-wala naman akong sinabi," kaila ko kahit masyadong obvious ang naging reaksyon ko. Nag-init bigla ang pisngi ko sa pagkapahiya. I boldly thought that Alaric would kill me. Despite the fact na siya ang naging tagapagligtas ko. Pero nakita nga lang ba niya sa reaksyon ko, o dahil nababasa nya rin ang nasa isip ko?

Bago pa man ito tuluyang makalapit sa akin ay dali-dali kong hinablot ang kumot saka diretchong nahiga at nagtalukbong. I don't want to see his face. Nakakailang. Lalo na ang mga titig nya na tila ba hinahalukay ang kaloob-looban ko. 

Pinakiramdaman ko ang paligid ng makalipas ang ilang sandali ay wala akong naramdamang lumapit sa akin. Umalis na kaya sya? Kung umalis na sya ay mainam dahil hindi ko nasisigurong makakatulog ako habang nandito siya. Dahan-dahan kong inalis ang kumot na nakataklob sa akin saka unti-unting iginala ang tingin sa kwarto. 

"You're looking for me?" 

Halos mapatalon ako pababa ng kama dahil sa gulat ng makita syang nasa kabilang dulo noon. Nakaupo habang nakasandal ang likod sa headboard ng kama at hawak ang isa sa mga libro ko. Wala sa loob na napahawak pa ako sa dibdib. Napakalakas ng kabog noon na tila ba gusto ng lumabas. Gusto yata akong magkasakit sa puso nito.

"Umalis ka na, Alaric. Magpapahinga na ako."

"Go ahead and sleep. I'll stay here watching you," anito sabay lipat ng pahina sa hawak na libro. 

Tinitigan ko siya at ganun din ang ginawa nya. Nailang ako pero hindi ako nagbaba ng tingin. Nais kong ipakitang hindi ko siya uurungan. 

Maya-maya pa'y siya ang unang nagbaba ng tingin at ibinaling muli sa libro ang atensyon. 

"Matulog ka na. Hindi ako aalis kahit anong gawin mo," pinal na sabi nito. 

Mukhang wala na akong magagawa kundi ang hayaan nalang siya. Mukha rin naman siyang hindi papatinag. Muli akong bumalik sa paghiga saka nagtalukbong ng kumot. Good thing na aircon dito kung hindi siguradong huhulas ako. Wala pa naman akong balak magtanggal ng talukbong. Baka mamaya makita pa nya akong tulo-laway habang natutulog, mahirap na. Sana nga lang ay makatulog ako kahit nandito siya. Kung sa bagay, kahit na hindi naging maganda ang impresyon ng pamilya nya, hindi ko pa rin maikakaila na palagay pa rin ang kalooban ko kay Alaric. Marahil ay dahil na rin sa siya ang laging nagliligtas sa akin.

Related chapters

  • The Vampire's Tale   MIDNIGHT VISIT

    Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa mga mata kong kakalahati pa lang ang nakabukas. Umaga na pala. Pakiramdam ko kasi ay parang napahaba ang naging tulog ko. Pinakamahaba na kung kumpara nitong nakakaraang araw. Awtomatikong inabot ng kamay ko ang alarm clock sa may bedside table kahit hindi iyon tumutunog. Wala lang. Gusto ko lang tignan ang oras. Hindi na rin kasi ako nagseset ng alarm dahil hindi na ako pumapasok sa trabaho. Masarap sana na hindi ko na kailangang magtrabaho yun nga lang, laging nasa panganib ang buhay ko.Hindi na ako nagtaka ng makitang mag-aalas dose na ng tanghali. Tanaw kasi ang tirik na tirik na sikat ng araw mula sa nakabukas na pintuan ng terrace. Nakalimutan ko pala iyong isara kagabi. Pero sa pagkakatanda ko ay isinara ko iyon kagabi dahil nagbukas ako ng aircon. Mabuti na lamang at walang nagtangkang pumasok.

    Last Updated : 2021-07-12
  • The Vampire's Tale   RESOLVE

    Napagdesisyunan kong lumabas na ng kwarto ng sumunod na araw. Hindi dahil sa palagay na ako kundi nais kong subukan ang sinabi ng lalaki kagabi. I-background check ko daw ang mga Cayman. Bakit kaya? May nagawa ba silang hindi maganda dati? Para tuloy nagatungan ang pagdududa ko sa kanila.Katulad kahapon ay tahimik pa rin sa buong kabahayan. Malamang sa nagsipasok pa rin sa kanya-kanyang trabaho ang iba. Dahil na rin sa wala akong mahagilap na tao ay nagdiretcho na ako sa study room ng palasyo. Ang problema nga lang ay hindi ko alam kung saang lupalop iyon. Hindi ko na kasi matandaan kung aling pinto iyon dito dahil pare-pareho ang kulay at itsura. Mukhang sinadya iyon para lituhin ang kung sino mang hindi taga roon.Marahil kung nandito si Alaric ay siguradong nandoon na ako ngayon. Yun nga lang ay wala siya dito. Hindi ko malaman kung nasaan siya ngayon. Maging kaninang umaga kasi ay hindi ko pa siya nakikita. Baka may emergency sa t

    Last Updated : 2021-07-13
  • The Vampire's Tale   BARGAINS AND BAD DREAMS

    "What made you think that I'll help you?" anito habang mataman akong tinitignan.Muling kumabog ang dibdib ko sa gawi ng pagtitig nito sa akin. Parang inaarok niya ang kaibuturan ng kaluluwa ka. Dahilan para mahigit ko ang hininga at mapatitig na lamang din sa mapupulang mga matang iyon. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na mahagilap ang takot sa kalooban ko na sa tuwina ay lagi kong nararamdaman sa tuwing makakakita ako ng pulang mata. Tila kasi panatag ang kalooban ko sa kanya.Nakapagtatakang kahapon ko pa lamang siya nakilala ngunit nakuha na niya ang loob ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Mas nagtiwala pa ako sa isang estranghero. Nakakatawa. Wala akong tiwala sa mga Cayman, pero dito sa mukhang assassin na ito na malamang na patayin ako ano mang oras ay nagtiwala ako. Kung sabagay, kung talaga ng

    Last Updated : 2021-07-13
  • The Vampire's Tale   KIERAN LINCURT

    Humahangos akong napabalikwas ng bangon. Bangungot na naman. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Madilim pa at bukod tanging ang liwanag lamang ng buwan ang tanging nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto. Tila ako naligo sa pawis ng mapagbalingan ko ang sarili. Ang pisngi naman ay basang-basa sa luha na agad ko ring pinunasan. Noon ko lang din napansin na wala na ang misteryosong lalaki na iyon. Nakatulog akong bigla. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog ngunit ang tangi ko lang naaalala ay noong kalong ako ng lalaking iyon sa mga bisig niya ng aksidentend mawalan ako ng balanse mula sa pagkagulat sa kanya.Nasapo ko ang ulo at ibinalik sa bangungot ang isip. Ang buong akala ko ay hindi na ako muling bibisitahin pa ng mga bangungot ngunit nagkamali ako. Pero kakaiba ang mga pangyayari ngayon. Nandoon na ang papa ko. Muling umahon ang pangungulila sa kalooban ko. Oh how

    Last Updated : 2021-07-14
  • The Vampire's Tale   EMBRACE

    Malayo na kami ay tanaw pa rin ang tuktok ng mansyon ng mga Cayman. Nagbubunyi ngayon ang kalolooban ko dahil lulan kami ngayon ng rolls royce ni Alaric pauwi sa bahay namin. Ilang beses ko pa siyang sinabihan na huwag ito ang gamiting kotse pero wala ring nangyari. Kaninang pagkagising ko pa rin kasi kinukulit si Alaric kung pwede niya akong ihatid sa bahay namin. Mukha namang nakuha ang lalaking ito sa pagmamakaawa ko kaya heto kami at nagbibiyahe. Iyon nga lang ay mananatili rin siya sa bahay bilang kapalit ng pagpayag niya. Gusto ko pa sanang umalma ngunit isinantabi ko nalamang iyon dahil nasasabik na rin akong makauwi. Hindi ko na ipinaalam sa bahay na uuwi ako dahil gusto kong surpresahin si mama at Kirius. Halos isang buwan pa lamang mula ng manirahan ako sa poder ng mga Cayman ngunit pakiramdam ko ay kay tagal na

    Last Updated : 2021-07-15
  • The Vampire's Tale   BREATHTAKING

    Nanatiling nakatitig sa akin si Kieran. Ako naman ay nakatunghay rin sa kanya habang naghihintay sa maaari niyang sabihin."You finally figured that out," kaswal na sagot nito na tila matagal na iyong alam. "Hindi ikaw ang nag-iisang Dovana, Yue. Nandyan din si Kirius. Nakalimutan mo na ba na noong panahong kailangan mong sumama sa mga Cayman at hindi ka pumayag ay si Kirius ang gusto nilang isama?""Paano mo nalaman yon?" gulat kong tanong dito. Hindi pa kami magkakilala noon ni Kieran pero paano niya nalaman ang usapang iyon kung wala siya doon. Bigla akong nahiwagaan sa lalaking nasa harap ko. Kung alam niya ang mga bagay na iyon ibig sabihin ay marami siyang alam tungkol sa akin."I know everything," anito saka ako binitawan.

    Last Updated : 2021-07-15
  • The Vampire's Tale   KISS

    Hindi ako magkamayaw kung paano ko pagpapakalma ng puso ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Akala ko ay may sasabihin siya kaya siya lumapit ngunit iba pala ang plano nitong gawin. Walang sabi-sabi niya akong binuhat saka mabilis na tumalon. Agad kong ipinikit ang mga mata saka agad na nangunyapit sa leeg nito.Nang maramdaman ko ang tila pag-ugoy namin ay agad kong iminulat ang mga mata. Doon ko nakita ang dahilan ng marahan naming pag-ugoy. Narito kami sa bangkang nakadaong sa may bantilan na hindi kalayuan sa parang. Mahahalata naman sa bangka na hindi ito masyadong gamit dahil makinis pa ang pintura nito. Nakukulayan iyon ng brown maski ang sagwang naroon ay ganoon din ang kulay. Malinis din iyon at may kalaparan. Hindi katulad ng ibang mga bangka na ginagamit pangingisda, na makitid ang mahaba. Ito ay malapad at may kaliitan. Wala ring makikita doong mga kagamitan sa

    Last Updated : 2021-07-16
  • The Vampire's Tale   HINDRANCE

    Madilim pa rin ng makarating kami ni Kieran sa likod bahay. Tahimik din sa loob ng kabahayan tanda ng wala pang gising. Nasisiguro ko kasing madaling araw na. Hindi ko pa rin makalimutan kung gaano siya naging possessive kanina. At nang halikan niya akong muli pagkasabi niya na walang ibang pwedeng humalik sa akin kundi siya lang. Pagkarinig ko noon kanina ay parang gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Pero hindi ko iyon maaaring ipakita sa kanya. Nakakahiya iyon.Dahan-dahan niya akong ibinaba pero nanatili pa rin siya sa tabi ko. Ayoko pa sanang humiwalay sa kanya pero kailangan kong pairalin ang pagiging rasyonal. Hinamig ko muna ang sarili bago humarap sa kanya. Malamlam na ngayon ang mga mata nito marahil ay ayaw pa rin niyang humiwalay. Magkagayon man ay nakikita ko pa rin doon ang kislap. Ang mga pulang matang iyon na ngayon ay iba na ang kahulugan sa akin. Hindi ko akalaing mahuhulog ako

    Last Updated : 2021-07-17

Latest chapter

  • The Vampire's Tale   EPILOGUE

    Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t

  • The Vampire's Tale   END OF THE BEGINNING

    Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald

  • The Vampire's Tale   BARE

    *Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

  • The Vampire's Tale   A SILENT RIVAL

    Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay

  • The Vampire's Tale   AWAKENING OF THE TRUTH

    *Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi

  • The Vampire's Tale   TREACHERY

    Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs

  • The Vampire's Tale   UNDYING

    *Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun

  • The Vampire's Tale   MISCONCEPTION

    *Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala

  • The Vampire's Tale   UNVEIL

    Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status