Home / Fantasy / The Vampire's Tale / MIDNIGHT VISIT

Share

MIDNIGHT VISIT

Author: MD Rosario
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa mga mata kong kakalahati pa lang ang nakabukas. Umaga na pala. Pakiramdam ko kasi ay parang napahaba ang naging tulog ko. Pinakamahaba na kung kumpara nitong nakakaraang araw. Awtomatikong inabot ng kamay ko ang alarm clock sa may bedside table kahit hindi iyon tumutunog. Wala lang. Gusto ko lang tignan ang oras. Hindi na rin kasi ako nagseset ng alarm dahil hindi na ako pumapasok sa trabaho. Masarap sana na hindi ko na kailangang magtrabaho yun nga lang, laging nasa panganib ang buhay ko. 

Hindi na ako nagtaka ng makitang mag-aalas dose na ng tanghali. Tanaw kasi ang tirik na tirik na sikat ng araw mula sa nakabukas na pintuan ng terrace. Nakalimutan ko pala iyong isara kagabi. Pero sa pagkakatanda ko ay isinara ko iyon kagabi dahil nagbukas ako ng aircon. Mabuti na lamang at walang nagtangkang pumasok. 

Agad kong nahigit ang hininga at napabalikwas ng bangon ng maalala ang nangyari kagabi. Si Alaric, nasa kwarto ko kagabi. Totoo nga ba o baka naman parte lamang imahinasyon ko? 

Nilingon ko ang kabilang bahagi ng kama at napatitig sa kung saan ito nakapwesto bago ako tuluyang makatulog kagabi. Malinis iyon at mukhang hindi naman nagalaw ang unan at kumot. Marahil ay parte nga lang ng imahinasyon ko. Napabuga ako ng hangin na hindi ko akalaing pinipigilan ko pala. Hindi ko na naman malaman kung panghihinayang ba o relief ang sanhi noon. 

"Tanghali na, hindi ka pa ba babangon?"

Nanlaki ang mga mata ko pagkadinig ko doon at halos mabali ang leeg sa paghagilap kung saan nanggaling ang nagsalita. Isang lingon pa at natagpuan ko ang pares ng abuhing mga mata na matamang nakatingin sa akin. Hayun siya at prente na namang nakaupo sa single seater sofa malapit sa pintuan. Kung saan malayo sa liwanag na nanggagaling sa malamlam na sikat ng araw na pumapasok kasabay ng malamyos na hangin sa may beranda. 

Hindi ko na naman napigilan ang sarili kong hagurin siya ng tingin. Gwapong-gwapo pa rin kahit sa simpleng kasuotan lang. Casual na casual ito sa suot na white t-shirt na napapaibabawan ng gray na hoodie jacket. Tinernuhan pa ng itim na maong pants at isang pares ng naghuhumiyaw na air jordan white shoes. Kahit simple lang ang porma nya, hindi maikakailang puro branded ang suot niya. Nakakahiya tuloy tumabi. 

"Done checking me out?" tudyo nito na sinamahan pa ng mapanuksong ngiti.

Agad kong naramdaman ang pag-iinit ng mukha ko sa sinabi niya. "Luh! Asa ka," angil ko saka ibinaling sa iba ang tingin. Bigla ay na-conscious ako sa itsura ko. Dahan-dahan kong hinaguran ng tingin ang suot ko saka marahang hinaplos ang mukha para hindi ito makahalata. Baka may bakas pa ng tulo-laway sa pisngi ko, mahirap na. Nakakahiya iyon. 

"Wala namang bakas kaya hindi mo na kailangang punasan."

Nahindik ako nang malingunan ko siya na ilang sentimetro nalang ang layo sa akin. Nakayuko siya habang nakasuksok ang kamay sa magkabilang bulsa ng pantalon. Agad ang kalabog ng dibdib ko na hindi ko malaman kung sa gulat o dahil sa maliit na distansya sa pagitan namin. Dagli akong napaatras kung kaya't hindi ko namalayan na nasa gilid na pala ako ng kama. Dumulas ang kamay kong nakatukod para sana sa suporta at diretchong dumausdos pabagsak sa sahig. Wala na akong nagawa kung hindi ang ipikit ang mata at hintaying maka-face to face ang sahig.

Lumipas ang ilang sandali pa ay wala akong naramdamang masakit o di kaya ay tunog ng pagbagsak ko sa sahig. Nang idilat ko ang mga mata ay abuhing pares ng mga matang nakatunghay ang bumungad sa akin. Muli na namang kumalabog ang dibdib ko sa kaba.  Buhat pala ako nito. Agad akong nailang sa sitwasyon namin.

Hindi ko na siguro kailangan pang magtaka sa mabilis niyang pagresponde dahil na rin sa kakayahan niya bilang bampira. I wander kung marami pa siyang kakayahan na hindi ko pa nakikita. At kung ano ang kaya niya pang gawin. 

Hinamig ko ang sarili ng hindi ko na matagalan ang pagkailang. 

"Maaari mo na akong ibaba," ani ko sabay lingon sa kung saan. Nag-iinit na naman ng pisngi ko.

Hindi naman ako nagdalawang salita at ibinaba rin niya ako agad. Marahil ay nailang din siya dahil ibinaling din niya sa iba ang tingin. Agad akong dumistansya sa kanya ng sumayad ang paa ko sahig. Napakalakas kasi ng kabog ng dibdib ko simula pa kanina at natatakot akong marinig niya iyon. 

Panandalian kaming sinakop ng katahimikan dahil walang gustong magsalita. Agad kong hinalukay ang isip para magbukas ng mapag-uusapan dahil hindi ko na ito kayang tagalan. Pakiramdam ko ay malulusaw na ang likuran ko dahil malakas ang kutob kong nakatitig na naman siya sa akin. Para akong teenager na hindi makatagal sa titig ng crush niya.

"Hindi ka pa ba aalis? Maliligo na ako," pagtataboy ko sa kanya. 

"Meet me in the kitchen after you shower," maawtoridad na utos nito.

Napataas ang kilay ko at wala sa loob na humarap dito. "Ayokong lumabas ng kwartong ito," pagmamatigas ko. Bakit gusto niya akong palabasin dito? Mabigat pa rin ang loob ko sa pamilya niya at ayokong makadaupang palad ang kahit na sino sa kanila. Bukod sa kaniya.

"Well, let me take you there then," anito saka humakbang palapit sa akin. 

Agad naman akong napaatras sa kaba. Hindi ako takot kay Alaric pero lagi akong kinakabahan kapag nandyan siya. 

"Hindi mo ba maintindihan na ayokong lumabas?" angil ko sa kanya. Tila kami naglalaro ng urong-sulong. Bawat hakbang na ay siya namang atras ko. 

"Nobody's outside. They all went to work. There's nothing to worry about," anito saka namulsa. Mukhang gawi na nito iyon.

"Maski na. Ayoko pa rin," pagmamatigas ko sa kahit anong pilit niya. 

"Then, I'll make," anito saka direretchong lumapit sa akin. Kumabog ng husto ang dibdib kaya wala akong ibang nagawa kundi pumayag. 

"Oo na, sige na. Bababa na ako. Umalis ka na," ani ko bago kumaripas ng takbo at tinungo ang banyo. Nahagip pa ng aking tingin ang ngising tagumpay niya bago ko tuluyang maisara ang pinto ng banyo.

Nagdadalawang-isip pa ako kung bababa ba ako o hindi. Kanina pa ako nakatayo sa may pinto at nakikipagdiskusyon sa sarili kung bababa ba o hindi. Kapag bumaba kasi ako, hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin. Kung hindi naman ay baka bigla na lamang sumulpot si Alaric dito at bitbitin ako pababa. 

Nag-isip pa ako sandali pero ginawa ko pa rin ang huli. Dahan-dahan ko pang binubuksan ang pinto saka unti-unting sinisilip ang labas. Tila ako isang kawatan na naglu-look out pa bago sumugod. Nang wala akong makitang tao ay saka ako tuluyang lumabas. Tahimik nga ang paligid. Mukhang totoo ang sinabi ni Alaric na wala dito ang pamilya niya. Mainam na din iyon, hindi ko kailangang bantayan ang kung ano mang naiisip ko dahil wala si Matilde. 

Malapit na ako sa bukana ng kusina nang mapahinto sa paghakbang. Naroon at tila okupado sa isang malalim na pagtatalo si Lenora at Alaric. Masyado iyong mahina para makarating sa aking pandinig. Kung pagbabasehan ang facial expressions nila, masasabi kong nagtatalo nga sila. 

Ito ang unang pagkakataong nakita ko si Lenora matapos ang nangyari. Hindi ko tuloy alam kung paano siya pakikiharapan. Wala na ang mga galos at latay niya sa katawan. Maski ang mukha niya ay wala na ring bahid ng pagpapahirap. Tila walang nangyari. Noon biglang lumingon sa gawi ko si Lenora. Ngingitian ko sana siya kung hindi lamang ako napatda sa nakita kong blangkong expresyon ng kanyang mukha habang direkta itong nakatitig sa akin. Pakiramdam ko ay naitulos ako sa kinatatayuan ng magsimula siyang maglakad palapit sa akin. Hindi pa rin niya binabawi ang tingin. Wala akong ibang makita roon kundi galit. Malayong-malayo sa gawi niya noon na laging nakabungad ang matamis na ngiti sa mala-anghel nitong mukha. Ngayon ay tila magbubuga na ito ng apoy sa kung paano siya nito hagurin ng tingin. 

Magsasalita na sana ako ng magkatapat kami ngunit walang tinig ang lumabas mula sa aking bibig. Gusto ko sana siyang kausapin. Tanungin kung bakit nag-iba siya pero hindi ko magawa. Naumid ang dila ko. Tuluyan na siyang nakalayo pero nanatili pa rin akong nakatayo roon. Sa kabila ng mga nangyari, marahil ay hindi ko na iyon kailangang ipagtaka. Siguro ay sinisisi niya ako sa nangyaring pagpapahirap sa kanya. Bigla ang paglaganap ng lungkot sa kaibuturan ko. Ilan pa ang kailangang magalit sa akin dahil isinakripisyo nila ang buhay nila?

"Don't mind her," untag ni Alaric. Napansin niya marahil ang nangyari. "She's just in a bad mood."

Humugot ako ng buntong hininga upang ibsan ang kung anong nararamdaman ko saka tumango sa kanya. Iginiya niya ako patungo sa lamesa kung saan nakahain ang maraming pagkain. May liempo, hotdog, omelette, bacon at sinangag. Bigla tuloy akong naglaway at nakaramdam ng gutom. Kung sabagay ay pananghalian na kaya siguro nagwawala na ang tiyan ko. Panandalian kong nakalimutan ang nangyari at naupo na saka nagsimulang kumuha ng pagkain.

Isusubo ko na sana ang isang hotdog nang maalala kong kasama ko nga pala si Alaric at kami lamang dalawa roon. Pasimple ko itong sinulyapan. Nahuli ko ang pilyo nitong ngiti habang nakatunghay sa akin. 

"Hindi ka naman gutom, hindi ba?" nang-iinis na turan nito. Naupo ito sa tabi ko saka itinukod ang magkabilang siko sa lamesa. "Eat. Walang lason yan."

Hindi ko na din siya inintindi kaya ipinagpatuloy ko na ang pagkain. Stress ako ngayon kaya kailangan kong kumain. Nasa ganoon akong estado ng may pumasok sa isip ko. Siguro naman ay hindi siya masamang tanungin sa mga bagay-bagay patungkol sa kanila at sa lahi nila. Kailangan kong subukan.

"Paano nyo nagagawang makisalamuha sa mga tao? Hindi ba kayo naaakit sa dugo?"

Ilang sandali pa bago ito nagsalita. "Naaakit syempre but we keep ourselves well fed before we interact with people. Saka isa pa, alam mo naman na ang tungkol sa truce. If the truce is broken, that will be the end."

"Hindi ba pwedeng magkasundo nalang lahat kahit walang Dovana?" I suddenly blurted out.

"That's impossible," anito saka tila napaisip. "You know that vampires were born bloodsuckers. And to drain blood from prey is our nature. That's the cycle, Yueno. We couldn't change the fact that we are made to be like that."

No. I can't accept that. I need to find a way to break this curse. What if I ask him for help, tutulungan kaya niya ako? Kung subukan ko kaya? Pero paano kung sabihin niya sa pamilya niya. Paano kung hindi sila pumayag at pigilan nila ako?

"This world is dangerous, Yueno. Don't try doing something that might hurt you," anito saka ako mataman na namang tinitigan. Hindi na rin ako umimik at isinantabi ang kung ano mang naiisip. Siguro ay hindi pa panahon para sabihin ko kay Alaric.

Kadiliman ang bumungad sa akin pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko. Kung sa bagay ay madilim na rin ng makauwi kami ni Alaric galing sa labas. Inaya kasi ako nitong lumabas pagkatapos kong mananghalian. Hindi na rin ako nakatanggi dahil baka bitbitin nga niya ako katulad ng sinasabi niya. Pumayag na rin ako dahil gusto kong makilala pa ito. Gusto kong malaman kung mapapagkatiwalaan ko nga ito. Hindi na ako nag-abala pang buksan ang ilaw. Nagdiretcho ako sa kama at walang ano-anong ibinagsak ang katawan duon. Hindi ko alam kung katawan o isip ko ba ang napagod. Mukhang parehas yata. 

Dinala ako ni Alaric sa isang talon na may kalayuan sa palasyo nila. Laking pagtataka ko ng sabihin niyang hindi magtatangka ang mga rogues na sundan kami. Nang tanungin ko naman siya kung bakit ay hindi na niya ako sinagot. Malakas ang pakiramdam kong mayroon pa silang hindi sinasabi at pinipigilan nilang malaman ko. Hindi nila maitatago iyon ng matagal. Malalaman ko din iyon. Kailangan ko ngayon alamin ay kung saan ako magsisimula. 

Nasa ganoon akong kaisipan ng biglang umihip ang malamig na hanging nanggagaling sa may beranda. Nagsitayuan yata lahat ng balahibo ko sa katawan ng dumampi ang nakakakilabot na lamig noon sa balat ko. Agad akong tumayo upang isara iyon. Kabilugan pala ng buwan ngunit bahagya iyong natatabingan ng ilang mga ulap kung kaya’t bahagyang liwanag lamang ang naipapamahagi nito sa kapaligiran. Akmang isasara ko na ang pinto ng berenda ng nabaling ang atensyon ko sa animo ay pigura ng isang taong nagtatago sa isang puno sa hindi kalayuan. Out of curiosity ay pilit kong inaninaw iyon. Sa pag-iisip na isa lamang iyon sa mga katulong ng mga Cayman ay panatag ang kalooban kong pinagmasdan iyon. Pilit na inaaninaw ang mukha nito sa kadiliman. Maya-maya pa ay unti-unti nahawi ang ulap at nagliwanag ang paligid. Doon ko nabistahang mabuti ang anyo ng lalaki. 

Dagli ang pagragasa ng takot sa kaloob-looban ko ng unti-unti tumingin sa akin ang pulang-pula nitong mga mata. Atubili akong pumasok sa loob nang umakma itong naglakad papunta sa akin. Doon ko nasigurong hindi ito isang tauhan sa palasyo kundi isang rogue. Paano nakapasok ang isang rogue dito?

Halos lumuwa ang mata ko ng bigla na lamang itong humarang sa harap ko bago ko pa man din maisara ang pinto ng beranda. Sisigaw na sana ako nang bigla ko itong naramdaman sa likod ko kasabay ng matulis na bagay sa leeg ko. Nahigit ko ang hininga ng higpitan nito ang mga kamay kong naipinid na pala niya sa likuran ko. 

“Sisigaw ka o papatayin kita?” bulong nito sa tainga ko na siyang nagdala ng kilabot sa buong katawan ko. Kailangan kong mag-isip ng rasyonal. Kailangan kong makahingi ng tulong at makatakas sa lalaking ito. Nakakasiguro akong maririnig ako ni Alaric kapag nagawa kong maisigaw ang pangalan nito. Ang kailangan ko lang ay malibang ang lalaki para makakawala ako.

“Bampira ka, hindi mo kailangan ng patalim para patayin ako,” ani ko. Nagbabaka-sakaling mabaling sa iba ang atensyon niya.

Narinig ko ang mahina nitong pagtawa. Unti-unti din niyang ibinaba ang hawak na patalim. Nakamasid lang naman ang tingin ko sa mga ginagawa niya. Inaabangan ang susunod nitong gagawin. Nang maramdaman kong bahagya na itong nakalayo sa akin ay agad kong kinuha ang pagkakataon para humingi ng tulong. Ngunit bago pa ako makasigaw ay nasa likuran ko na itong at natakpan na ng palad ang bibig ko. 

“I told not to scream,” pabulong na angil nito. “Hindi ako ang kalaban, Yueno.”

Nahigit ko ang hininga ng marinig kong binanggit niya ang pangalan ko. Napansin ko rin ang gwapo at lalaki niyang boses. Nang bitawan ako nito ay agad akong humarap dito ngunit sa ibang direksyon na ito nakaharap. May katangkaran pala ang lalaki. Malamang na hindi sila nagkakalayo ng taas ni Alaric. Nakatalikod ito sa akin habang nagmamasid sa kwarto ko. 

Kung pagmamasdan ang kilos nito ay kakaiba ang lalaking ito kumpara sa mga rogue na umatake sa akin noong nakaraan. Kung hindi ako nagkakamali ay tila assassin ang porma nito. Katulad ng napapanood ko sa telebisyon. Itim ang kulay ng damit nitong humuhulma sa matikas nitong pangangatawan. May mask din itong suot kung kaya't tanging mga mata lamang nito ang nakalitaw. Ang pulahan nitong mga mata na angat na angat sa dilim. Sa bewang nito ay nakasakbit ang samu't saring patalim na marahil ay ginagamit niya sa pagpatay. Kung isa nga itong assassin, sino ang ipinunta niya dito?

"Bakit alam mo ang pangalan ko? Anong kailangan mo sakin?" 

"Wala akong kailangan sayo pero ikaw marahil ang may kailangan sa akin," anito na hindi pa rin humaharap sa akin. Abala ito sa pagbisita sa mga gamit kong nagkalat sa may vanity table. 

Napakunot ang noo ko. "Bakit ko naman kakailanganin ang tulong mo?" panunubok ko.

Nagkibit-balikat pa ito bago sumagot. "Dunno. Breaking the curse of the Dovana, perhaps?"

Nanlaki ang mga mata sa tinuran niya. Paano niyang nalaman iyon? Wala pa akong pinagsasabihan niyon kahit kanino. Maingat din ako sa mga naiisip dahil alam kong nakakabasa si Mathilde ng isip. Hindi kaya nakakabasa rin ng isip ang isang ito? Katulad din ba siya ni Mathilde?

"Sino ka ba talaga?" balik-tanong ko dito.

Napamaang ako ng bigla itong mawala sa paningin ko. Ililingap ko pa sana ang paningin ngunit nagulat ako sa malamig na bagay na dumampi sa aking leeg. Hindi ko naramdaman ang talim noon kaya nagawa ko iyong hawakan. Kwintas ko iyon na nakalimutan kong isuot kanina pagkatapos maligo. Ngayon ay isinuot nya sa akin. Muling kumabog ang dibdib ko sa hindi ko malamang dahilan. Lalo iyong naghuramentado ng maramdaman kong inilapit nito ang mukha sa may tainga ko at bumulong.

"Better to start checking this family's background and loyalty before anything else."

Related chapters

  • The Vampire's Tale   RESOLVE

    Napagdesisyunan kong lumabas na ng kwarto ng sumunod na araw. Hindi dahil sa palagay na ako kundi nais kong subukan ang sinabi ng lalaki kagabi. I-background check ko daw ang mga Cayman. Bakit kaya? May nagawa ba silang hindi maganda dati? Para tuloy nagatungan ang pagdududa ko sa kanila.Katulad kahapon ay tahimik pa rin sa buong kabahayan. Malamang sa nagsipasok pa rin sa kanya-kanyang trabaho ang iba. Dahil na rin sa wala akong mahagilap na tao ay nagdiretcho na ako sa study room ng palasyo. Ang problema nga lang ay hindi ko alam kung saang lupalop iyon. Hindi ko na kasi matandaan kung aling pinto iyon dito dahil pare-pareho ang kulay at itsura. Mukhang sinadya iyon para lituhin ang kung sino mang hindi taga roon.Marahil kung nandito si Alaric ay siguradong nandoon na ako ngayon. Yun nga lang ay wala siya dito. Hindi ko malaman kung nasaan siya ngayon. Maging kaninang umaga kasi ay hindi ko pa siya nakikita. Baka may emergency sa t

  • The Vampire's Tale   BARGAINS AND BAD DREAMS

    "What made you think that I'll help you?" anito habang mataman akong tinitignan.Muling kumabog ang dibdib ko sa gawi ng pagtitig nito sa akin. Parang inaarok niya ang kaibuturan ng kaluluwa ka. Dahilan para mahigit ko ang hininga at mapatitig na lamang din sa mapupulang mga matang iyon. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na mahagilap ang takot sa kalooban ko na sa tuwina ay lagi kong nararamdaman sa tuwing makakakita ako ng pulang mata. Tila kasi panatag ang kalooban ko sa kanya.Nakapagtatakang kahapon ko pa lamang siya nakilala ngunit nakuha na niya ang loob ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Mas nagtiwala pa ako sa isang estranghero. Nakakatawa. Wala akong tiwala sa mga Cayman, pero dito sa mukhang assassin na ito na malamang na patayin ako ano mang oras ay nagtiwala ako. Kung sabagay, kung talaga ng

  • The Vampire's Tale   KIERAN LINCURT

    Humahangos akong napabalikwas ng bangon. Bangungot na naman. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Madilim pa at bukod tanging ang liwanag lamang ng buwan ang tanging nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto. Tila ako naligo sa pawis ng mapagbalingan ko ang sarili. Ang pisngi naman ay basang-basa sa luha na agad ko ring pinunasan. Noon ko lang din napansin na wala na ang misteryosong lalaki na iyon. Nakatulog akong bigla. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog ngunit ang tangi ko lang naaalala ay noong kalong ako ng lalaking iyon sa mga bisig niya ng aksidentend mawalan ako ng balanse mula sa pagkagulat sa kanya.Nasapo ko ang ulo at ibinalik sa bangungot ang isip. Ang buong akala ko ay hindi na ako muling bibisitahin pa ng mga bangungot ngunit nagkamali ako. Pero kakaiba ang mga pangyayari ngayon. Nandoon na ang papa ko. Muling umahon ang pangungulila sa kalooban ko. Oh how

  • The Vampire's Tale   EMBRACE

    Malayo na kami ay tanaw pa rin ang tuktok ng mansyon ng mga Cayman. Nagbubunyi ngayon ang kalolooban ko dahil lulan kami ngayon ng rolls royce ni Alaric pauwi sa bahay namin. Ilang beses ko pa siyang sinabihan na huwag ito ang gamiting kotse pero wala ring nangyari. Kaninang pagkagising ko pa rin kasi kinukulit si Alaric kung pwede niya akong ihatid sa bahay namin. Mukha namang nakuha ang lalaking ito sa pagmamakaawa ko kaya heto kami at nagbibiyahe. Iyon nga lang ay mananatili rin siya sa bahay bilang kapalit ng pagpayag niya. Gusto ko pa sanang umalma ngunit isinantabi ko nalamang iyon dahil nasasabik na rin akong makauwi. Hindi ko na ipinaalam sa bahay na uuwi ako dahil gusto kong surpresahin si mama at Kirius. Halos isang buwan pa lamang mula ng manirahan ako sa poder ng mga Cayman ngunit pakiramdam ko ay kay tagal na

  • The Vampire's Tale   BREATHTAKING

    Nanatiling nakatitig sa akin si Kieran. Ako naman ay nakatunghay rin sa kanya habang naghihintay sa maaari niyang sabihin."You finally figured that out," kaswal na sagot nito na tila matagal na iyong alam. "Hindi ikaw ang nag-iisang Dovana, Yue. Nandyan din si Kirius. Nakalimutan mo na ba na noong panahong kailangan mong sumama sa mga Cayman at hindi ka pumayag ay si Kirius ang gusto nilang isama?""Paano mo nalaman yon?" gulat kong tanong dito. Hindi pa kami magkakilala noon ni Kieran pero paano niya nalaman ang usapang iyon kung wala siya doon. Bigla akong nahiwagaan sa lalaking nasa harap ko. Kung alam niya ang mga bagay na iyon ibig sabihin ay marami siyang alam tungkol sa akin."I know everything," anito saka ako binitawan.

  • The Vampire's Tale   KISS

    Hindi ako magkamayaw kung paano ko pagpapakalma ng puso ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Akala ko ay may sasabihin siya kaya siya lumapit ngunit iba pala ang plano nitong gawin. Walang sabi-sabi niya akong binuhat saka mabilis na tumalon. Agad kong ipinikit ang mga mata saka agad na nangunyapit sa leeg nito.Nang maramdaman ko ang tila pag-ugoy namin ay agad kong iminulat ang mga mata. Doon ko nakita ang dahilan ng marahan naming pag-ugoy. Narito kami sa bangkang nakadaong sa may bantilan na hindi kalayuan sa parang. Mahahalata naman sa bangka na hindi ito masyadong gamit dahil makinis pa ang pintura nito. Nakukulayan iyon ng brown maski ang sagwang naroon ay ganoon din ang kulay. Malinis din iyon at may kalaparan. Hindi katulad ng ibang mga bangka na ginagamit pangingisda, na makitid ang mahaba. Ito ay malapad at may kaliitan. Wala ring makikita doong mga kagamitan sa

  • The Vampire's Tale   HINDRANCE

    Madilim pa rin ng makarating kami ni Kieran sa likod bahay. Tahimik din sa loob ng kabahayan tanda ng wala pang gising. Nasisiguro ko kasing madaling araw na. Hindi ko pa rin makalimutan kung gaano siya naging possessive kanina. At nang halikan niya akong muli pagkasabi niya na walang ibang pwedeng humalik sa akin kundi siya lang. Pagkarinig ko noon kanina ay parang gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Pero hindi ko iyon maaaring ipakita sa kanya. Nakakahiya iyon.Dahan-dahan niya akong ibinaba pero nanatili pa rin siya sa tabi ko. Ayoko pa sanang humiwalay sa kanya pero kailangan kong pairalin ang pagiging rasyonal. Hinamig ko muna ang sarili bago humarap sa kanya. Malamlam na ngayon ang mga mata nito marahil ay ayaw pa rin niyang humiwalay. Magkagayon man ay nakikita ko pa rin doon ang kislap. Ang mga pulang matang iyon na ngayon ay iba na ang kahulugan sa akin. Hindi ko akalaing mahuhulog ako

  • The Vampire's Tale   THE OTHER SIDE

    Mabigat ang pakiramdam ko ng magising ako kinabukasan. Sobrang bigat ng katawan ko na tila ba may nakapatong na mga hollow blocks doon. Masakit din ang ulo ko na tila ba may masong pilit iyong binibiyak. Magtatanghali na pero nananatili pa rin akong nakahiga sa kama at namamaluktot dahil pakiramdam ko ay nagyeyelo sa labas kung kaya't sobrang lamig. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko na binuksan ang aircon kagabi at nakasara rin ang mga bintana kung kaya't walang pagdadaanan ng hangin. Pero bakit sobrang lamig? Nakatalukbong na ako ng kumot at lahat pero hindi pa rin maibsan ang lamig na nanunuot sa talampakan ko.Maya-maya pa ay may narinig akong kumatok sa pinto pero hindi ko iyon sinagot. Wala akong lakas na magsasagot sa mga pangungulit nila ngayon."Yue," boses iyon ni Alaric.

Latest chapter

  • The Vampire's Tale   EPILOGUE

    Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t

  • The Vampire's Tale   END OF THE BEGINNING

    Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald

  • The Vampire's Tale   BARE

    *Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

  • The Vampire's Tale   A SILENT RIVAL

    Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay

  • The Vampire's Tale   AWAKENING OF THE TRUTH

    *Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi

  • The Vampire's Tale   TREACHERY

    Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs

  • The Vampire's Tale   UNDYING

    *Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun

  • The Vampire's Tale   MISCONCEPTION

    *Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala

  • The Vampire's Tale   UNVEIL

    Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso

DMCA.com Protection Status