Share

KISS

Author: MD Rosario
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Hindi ako magkamayaw kung paano ko pagpapakalma ng puso ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Akala ko ay may sasabihin siya kaya siya lumapit ngunit iba pala ang plano nitong gawin. Walang sabi-sabi niya akong binuhat saka mabilis na tumalon. Agad kong ipinikit ang mga mata saka agad na nangunyapit sa leeg nito. 

Nang maramdaman ko ang tila pag-ugoy namin ay agad kong iminulat ang mga mata. Doon ko nakita ang dahilan ng marahan naming pag-ugoy. Narito kami sa bangkang nakadaong sa may bantilan na hindi kalayuan sa parang. Mahahalata naman sa bangka na hindi ito masyadong gamit dahil makinis pa ang pintura nito. Nakukulayan iyon ng brown maski ang sagwang naroon ay ganoon din ang kulay. Malinis din iyon at may kalaparan. Hindi katulad ng ibang mga bangka na ginagamit pangingisda, na makitid ang mahaba. Ito ay malapad at may kaliitan. Wala ring makikita doong mga kagamitan sa pangingisda. Marahil ay ginagamit lamang ito sa pamamasyal sa maliit na look na iyon. Tila kasi nakakaakit ngang mamasyal doon lalo na at kitang-kita ko mula sa kinalulugaran namin na napapalibutan iyon ng mga parang na natataniman ng mga moonflowers sa iba't ibang kulay. Nakakamangha ang lugar na ito. Napaka-romantic.

Natigilan na naman ako sa naisip. Hindi kaya napapansin ni Kieran ang ambience dito? Masyadong romantic na tila sinasabi ng kapaligiran na nababagay lamang iyon sa mga magkakasintahan. Nakapagtatakang dito niya ako dinala. Hindi kaya--

Nanlalaki ang matang napatingin ako dito. Magsasalita na sana ako nang bigla siyang naupo habang kalong pa rin ako sa mga bisig niya. Lahat na yata ng dugo ko sa katawan ay umakyat na sa ulo sabayan pa ng walang humpay na paglagabog ng puso ko.

"T-teka, K-kieran!" magkandautal na sabi ko sa kanya. 

Mabilis akong kumawala sa kanya ngunit hindi pa ako tuluyang nakakalayo ay hinigit na niya ako pabalik. 

"Huwag kang malikot, Yue, kung ayaw mong tumaob tayo," babala nito ngunit hindi ako nakinig.

Kusang nag-react ang katawan ko at nagpumiglas sa kanya. Nagdulot iyon ng malakas na pag-ugoy ng bangka kaya't nawalan ako ng balanse. Sunod ko nalang narinig ay ang pagsigaw nito sa pangalan ko at ang malakas na ingay dulot ng pagbagsak ko sa tubig.

Agad akong nilukob ng takot at sinubukang lumangoy bago ko naalalang hindi nga pala ako marunong. Pinilit kong magpapasag ngunit pakiramdam ko ay may mga kamay na humihila sa akin pababa na siyang nagpapabilis ng paglubog ko. Kinakapos na ako ng hininga. Dito na yata ako mamamatay. 

Kieran

Unti-unti ko ng nararamdaman ang pagkawala ng aking kamalayan. Tuluyan na rin akong hindi makahinga. Ngunit sa kabila noon ay nagawa ko pang maaninagan ang isang pigura ng taong mabilis na lumalangoy papunta sa akin. Si Kieran. Susuko na sana ako ngunit ng makita ko siya ay bigla akong nagkaroon ng pag-asa. 

Nang makalapit siya sa akin ay agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinila palapit sa kaniya. Ilang beses na nga ba niya akong kinakabig palapit sa kaniya ngayong gabi? Hindi ko na yata mabilang. Ngunit tila hindi lang pag-asa ang nabuhay sa akin kundi ang puso ko. Na lalong tumindi ng mabanaagan ko ang takot at pag-aalalang nakaguhit sa mukha nito. Para sa akin ba ang mga iyon? Bakit? 

Tuluyan ng nagdilim ang paningin ko at tinatangay na ako sa kawalan nang may malamdaman akong malamig at malambot na bagay sa bibig ko na siyang nagbibigay ng hangin sa akin. Agad akong napadilat. Halos lumuwa ang mata ko ng makitang ang malambot at malamig na bagay pala na iyon ay walang iba kundi ang mapupulang labi ni Kieran. At binibigyan niya ako ng hangin sa pamamagitan ng bibig. Libo-libong kuryente ang mabilis na kumalat sa bawat himaymay ng katawan ko. 

Maya-maya pa ay naramdaman kong humigpit ang yakap nito sa akin. Lalong naalarma ang sistema ko ng marahang gumalaw ang labi nito. Hindi na niya ako binibigyan ng hangin kundi isa na iyong ganap na halik. Marahan. Maingat. Pakiramdam ko tuloy ay para akong isang babasaging kristal na kapag nagkamali siya ng hawak ay mababasag. Damang-dama ko rin ang kasabikan niya sa bawat paghagod ng malalambot niyang labi sa akin. Pakiramdam ko ay hinihigop ni Kieran ang buong lakas ko at wala akong ibang magawa kundi ang ipaikot sa leeg nito ang mga kamay ko. Hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para tugunin ito basta ang alam ko lang ay napakasarap ng halik nito. Hindi pa ako marunong noong una kaya ginaya ko na lamang kung paano siya gumalaw. Para namang nagustuhan nito iyon dahil bigla itong umungol kaya’t lalo ko pang pinagbuti. Tila ba may magnet ang mga labi nito at hinihila akong lalo palapit dito. 

Ganito pala ang pakiramdam ng halik. Para kang nasa cloud nine.Parang naglahong parang bula ang lahat ng bagay sa paligid ko at tuluyan ko ng nakalimutan ang kasalukuyang sitwasyon. Hindi ko rin sukat akalaing aksidente ang magiging daan para makuha ko ang first kiss ko. 

Nang bumitaw si Kieran ay mataman ako nitong tinitigan sa mga mata. Nailang na naman ako lalo na ng mag-replay sa utak ko ang pinagsaluhan naming halik. Nang hindi ako makatagal ay yumakap na ako dito at isiniksik sa leeg nito ang ulo. Naramdaman ko nalang na lumalangoy na siya paitaas. 

Uubo-ubo ako ng tuluyang makalitaw na kami sa tubig. Mahigpit pa rin akong nakayakap sa leeg ng lalaking ito na tila ba walang balak na umahon. 

“Hingal na hingal?” tudyo nito ngunit hindi ko naman nililingon. Ayoko siyang harapin. Nakakahiya. Gusto ko man din siyang soplahin ay habol-habol ko pa rin ang hininga at nahihirapan pang magsalita. 

Nang makaahon ay ibinaba niya ako sa may damuhan. Yakap-yakap ko naman ang sarili dahil nanunuot na lamig sa aking kalamnan. Si Kieran naman ay nanatiling nakatayo sa harapan ko. Walang umiimik sa amin. Hindi ko alam kung anong iniisip niya ngayon? Basta ayokong tumingin sa kaniya. Tanging sa peripheral vision ko lamang siya tinitignan dahil ayokong masalubong ang mapanudyo niyang mga mata. O kung hindi man nanunudyo ay malamang sa nagtatanong. Kung ganoon man ang nasa isip niya ay hindi kami nagkakalayo. Ako man ay maraming tanong. Mga tanong na gustong-gusto ko ng isatinig. Kung bakit niya ako hinalikan ng ganoon? Kung para sa akin ang pag-aalala at takot na nakita ko sa mga mata niya. O kaya lamang ba niya ako tuluyang hinalikan ay dahil nadala nalang siya ng pagkakataon. Bigla akong nanlumo sa naisip. Parang gusto ko ng kainin ng lupa. 

Nang umihip ang hangin ay lalo kong nayakap ang sarili. Maski ang mga tuhod ko ngayon ay nangangatog na pero wala akong balak tuminag. Hindi ko na rin magagawang makalakad. Nagtatakang napatingin ako sa balikat ko ng may nakalagay na roong jacket. Tuyo iyon, marahil ay naiwan ni Kieran sa bangka ng bigla siyang tumalon para iligtas ako. Sa pagkakatanda ko kasi ay nakasampay lamang iyon sa balikat niya. 

Kung gayon ay nakaalis na ito sa harap ko kanina ng hindi ko man lang namamalayan. Perks of being a vampire. Nagulat ako ng umupo si Kieran sa harap ko. Hindi naman ako magkandatuto sa pagbaling kung saan ng tingin huwag lamang mapatingin dito.

Napasinghap ako ng magsimula ko na namang maramdaman ang mga mumunting kuryenteng galing malamig nitong kamay sa baba ko. Wala na akong nagawa ng ipaharap niya ako sa kanya. 

“Stop avoiding me and face me,” seryosong turan nito. 

Hindi naman ako makapagsalita. Napakaraming bagay ang tumatakbo sa isip ko na hindi ko na alam kung ano ang mas iintindihin. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa akin kanina basta ang alam ko lang ay gusto ko ang nangyari. Oo, inaamin ko. Marahil ay bugso na rin ng damdaming pilit kong inuunawa pero hindi ko matanggap. Dahil mali ito. Hindi dapat. Galit ako sa mga bampira, pero bakit ko hinayaan ang sarili kong mahulog sa isa sa mga ito? 

Napayuko ako. Ngunit agad din akong pinatingin ni Kieran sa kanya. Concern evident in his eyes. Walang ni katiting na panunudyo roon. Gusto kong itanong kung bakit niya ako hinalikan pero natatakot akong iba ang maging sagot niya. 

Ipinikit ko ang mga mata at hinamig ang sarili. Mas mainam na iba ang isagot niya kaysa maging ugat iyon ng mas malalim pang ugnayan. 

“Bakit Kieran?” buong tapang kong tanong sa kanya. “Bakit mo ako hinalikan?”

Hindi naman ito natinag sa pagtitig sa akin na siyang unti-unting bumubuhay sa maliit na pag-asang pinipilit kong patayin sa puso ko. Ilang sandali pa itong nanahimik bago nagsalita.

“Because I want to.”

Natigilan ako sa sagot niya. Ayaw magproseso ng utak ko. Napasukan yata iyon ng tubig kaya ayaw mag-function ng maayos. O baka masyado lang nadala sa masarap na halik ng lalaking ito. Hindi. Dahil daw sa gusto niya? 

“Kung ganoon ay hahalikan mo lang kung sino ang gusto mong halikan, ganoon ba?” angil ko dito. Hindi ko mapigilang tumaas ang boses sa pagkaasar. Parang ngayon palang unti-unting napoproseso iyon ng utak ko at sa mga oras na ito ay parang gusto ko siyang sapakin. 

Gusto ko sanang kiligin ng ngimisi ito saka lumapit sa akin ngunit hindi ito ang tamang pagkakataon para doon kaya’t pilit kong hinahamig ang sarili. Aatras na sana ako palayo sa kanya pero maagap na niya akong nakulong sa bisig niya. Bigla ay parang nawala ang lamig na kanina ko pa nararamdaman. Nang akmang tatayo ako ay hinila naman niya ako. Heto na naman kami sa hilahan. 

“Why do I smell jealousy?” muling tudyo nito.

I was caught off guard. But am I really jealous? Heck! He will never know. Naasar ako bigla hindi lang sa sarili ko kundi pati sa kaniya. Bakit ba hindi nalang niya ako sagutin ng diretcho. Bilang sagot sa kanya ay ibinalik ko ang ngisi niya at sinakyan ang panunudyo niya.

“Why would I?” ani ko saka pilit pinatatag ang tinging ipinukol sa kanya. Kung akala niya ay mahuhuli niya ako. Nagkakamali siya.

Biglang napalis ang ngisi nito at naging seryoso. Tingin ko ay nabaliktad na ang laro. Pagkakataon ko na ito para malaman ang saloobin niya sa sarili kong paraan. Lalong lumawak ang pakakangisi ko na tila ikinainis naman ng kaharap ko. Kahit na gaano kalakas ang lagabog ng puso ko ay hindi ko hahayaan madehado ako.

“Just because I kissed back doesn’t mean I have feelings for you,” pagsisinungaling ko na mukha namang binibili nito. “After all, it’s just a kiss. Maybe I just want it too.”

Napasinghap ng ako ng biglang dumilim ang anyo nito. Ngunit kahit na nakakatakot ang awra nito ay hindi ko iyon maramdaman. Sa halip ay nagbubunyi ang puso ko sa naging reaksyon nya. The possibility was there. But maybe what I told him triggered his ego. Maybe I was the only one who feels this way. And he just can’t rub it to my face. 

My thoughts brushed away when he pulled me even closer. So close that our faces were only centimeters apart, almost giving me a heart attack. But what he said hits my heart the most.

“No one can kiss you aside from me, Yueno. Remember that.” 

Related chapters

  • The Vampire's Tale   HINDRANCE

    Madilim pa rin ng makarating kami ni Kieran sa likod bahay. Tahimik din sa loob ng kabahayan tanda ng wala pang gising. Nasisiguro ko kasing madaling araw na. Hindi ko pa rin makalimutan kung gaano siya naging possessive kanina. At nang halikan niya akong muli pagkasabi niya na walang ibang pwedeng humalik sa akin kundi siya lang. Pagkarinig ko noon kanina ay parang gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Pero hindi ko iyon maaaring ipakita sa kanya. Nakakahiya iyon.Dahan-dahan niya akong ibinaba pero nanatili pa rin siya sa tabi ko. Ayoko pa sanang humiwalay sa kanya pero kailangan kong pairalin ang pagiging rasyonal. Hinamig ko muna ang sarili bago humarap sa kanya. Malamlam na ngayon ang mga mata nito marahil ay ayaw pa rin niyang humiwalay. Magkagayon man ay nakikita ko pa rin doon ang kislap. Ang mga pulang matang iyon na ngayon ay iba na ang kahulugan sa akin. Hindi ko akalaing mahuhulog ako

  • The Vampire's Tale   THE OTHER SIDE

    Mabigat ang pakiramdam ko ng magising ako kinabukasan. Sobrang bigat ng katawan ko na tila ba may nakapatong na mga hollow blocks doon. Masakit din ang ulo ko na tila ba may masong pilit iyong binibiyak. Magtatanghali na pero nananatili pa rin akong nakahiga sa kama at namamaluktot dahil pakiramdam ko ay nagyeyelo sa labas kung kaya't sobrang lamig. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko na binuksan ang aircon kagabi at nakasara rin ang mga bintana kung kaya't walang pagdadaanan ng hangin. Pero bakit sobrang lamig? Nakatalukbong na ako ng kumot at lahat pero hindi pa rin maibsan ang lamig na nanunuot sa talampakan ko.Maya-maya pa ay may narinig akong kumatok sa pinto pero hindi ko iyon sinagot. Wala akong lakas na magsasagot sa mga pangungulit nila ngayon."Yue," boses iyon ni Alaric.

  • The Vampire's Tale   CHAOS AT THE MANOR

    Lulan kami ngayon ng sasakyan ni Alaric pabalik sa mansyon. Ilang araw na din kaming na-delay bago makabalik sa manyon. Ayaw kasi ni Alaric na ibiyahe agad ako gayong kagagaling ko palang kaya't nagpalipas muna kami ng ilang araw.Hindi na rin naman namin napag-usapan ni Alaric ang nangyari nang nagdaang gabi. Noong gabing una ko siyang nakitaan ng kahinaan. Hindi na rin iyon naulit. Siguro ay ayaw nalang din niyang maalala iyon. Siya namang ayon sa akin. Pakiramdam ko kasi ng gabing iyon ay magtatapat siya ng nararamdaman niya para sa akin. Hindi ko naman maiwasang iyon ang isipin dahil iyon ang nakaguhit sa mga mata niya ng mga oras na iyon.Mainam na lamang at hindi niya iyon sinabi kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko. O sasabihin ko. Natatakot akong malaman na baka may nararamdaman na siya

  • The Vampire's Tale   MISSING

    Pakiramdam ko bigla na lamang akong humalo sa hangin bago ko pa maramdaman ang matigas na sementong dapat ay kababagsakan ko. Ramdam ko na may sumalo sa akin. Mabilis kong iminulat ang mata at nasalubong ang mukha ni Mathilde na nakatunghay sa akin. Buhat-buhat niya ako habang nakatayo di kalayuan sa mga tila mga aninong naglalaban. Hindi ko siya nakita sa malapit pero nagawa niya akong iligtas. Kung sabagay ay hindi ko nga sila makita sa sobrang bilis. Hindi na ako nakaimik sa kanya at tumingin nalang din sa mga mata nito. Nababaghan ako sa kung ano ang iniisip niya at mataman siyang nakatingin sa akin.Nang daluhan kami ni Alaric ay saka lamang niya ako ibinaba. Hindi pa man din ako nakakapagpasalamat sa kaniya ay bigla na siyang nawala. Marahil ay nabasa na niya ang isip ko pero gusto ko pa ding sabihin iyon.“Are you alrigh

  • The Vampire's Tale   INVITATION

    Mainit na sa labas kaya't minabuti ko ng pumasok sa loob ng bahay. Masakit na sa balat na para bang kapag nagtagal pa ako roon ay masusunog na ang balat ko. Hindi naman ako bampira. Sadya lang hindi ako mahilig magbabad sa init ng araw. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit ako maputi.Kaya ko lang naman naisipang lumabas ay para magpahangin. Hindi kasi ako gaanong nakatulog kagabi dahil pagising-gising ako. Isa pa ay binangungot na naman ako. Ngunit kakaiba ang kagabi. Nababalot pa rin ng kadiliman ang paligid pero sa pagkakataong iyon ay bigla na nalamang iyong nagliwanag. Sobrang liwanag na masakit na sa mata. At sa kung anong dahilan ay tila ba nagmistulang mga lazer beams ang sinag noon. Unti-unti kong nararamdaman ang hapdi at pagkalapnos na nanunoot sa laman. Napadaing ako sa sakit. Pakiramdam ko ay lapnos na ang buong katawan ko. Makalipas ang ilang sandali ay nawala na ang liwanag. Nang muli kong tignan ang pinanggalingan ng liwana

  • The Vampire's Tale   PALAZZO DEI POTENTEI

    "Ayoko, ate," matigas na sabi ng kapatid ko saka lumabas sa kusina. Mabilis ko naman siyang sinundan. Agad kaming umuwi ni Alaric sa bahay pagkatapos kong banggitin sa kaniya ang tungkol sa imbitasyon na pinadala ng Älteste. Nasiguro ko namang sinabi na ni Mathilde ang bagay na iyon kay Cassius kaya't pumayag agad ito. Nakapagtataka ang gulat sa mga mukha nila ng malamang iniimbitahan ako. Na para bang ayaw nilang makaharap ko ang mga iyon. Bigla kong naaalala ang sinabi ni Kieran tungkol sa loyalty ng mga Cayman. Ang Kieran na iyon. Nagpupuyos ang kalooban ko sa tuwing naaalala ko ang lalaking iyon. Parang gusto ko siyang bugbugin kapag nakita ko siya. Matapos niya akong halikan ay hindi na siya muling nagpakita. Ano iyon? Kiss and run? Napabuntong-hininga ako. Nauwi na naman kay Kieran ang isip ko. Namimiss ko na kasi siya. Pero kailangan ko muna iyong isantabi d

  • The Vampire's Tale   DEVASTATION

    Agad na nilukob ng takot at kaba ang pagkatao ko ng huminto ang butler sa harap ng isa na namang malaking pinto. Alam kong sa likod ng malaking pinto na ito ay nasa likod ang pinakamakapangyaring nilalang sa kanilang uri.Pilit kong pinatatapang ang sarili dahil ayokong makita ni Kirius na natatakot ako pero hindi ko mapigilan. Panandaliang nawala sa isip ko ang tunay na dahilan ng pagpunta namin dito dahil sa ganda ng lugar at sa hindi sinasadyang engkwentro ko kay Thana. Sayang at maganda pa naman ito. Kung hindi nga lang maldita. Tingin ko ay may malalim itong pinaghuhugutan para magpakita ito ng ganoong pag-uugali. Isa pa ay wala naman akong naaalalang nakita o nakasalubong man lang ito dati."The Ältestes are waiting for the Dovanas," anunsiyo ng butler saka yumuko sa amin.Napahugot ako ng malalim na hininga ng tila nag-slow motion sa pagbukas ang pinto at dahan-

  • The Vampire's Tale   VENGEANCE

    "Yue," boses iyon ni Mama.Kanina pa nila ako binubulabog ni Alaric pero ni isa sa kanila ay hindi ko sinasagot. Ayoko munang makipag-usap kahit kanino. Kahit kay mama. Ilang araw na ang nakakalipas pero nananatili pa ring malinaw sa ala-ala ko ang nangyari. At sa tuwing maaalala ko iyon, hindi ko mapigilang mapaluha.Ang sakit. Sobrang sakit makitang namatay sa harapan mo ang taong mahalaga sa iyo. Iyong unti-unti siyang pinapatay. At kahit anong subok kong iligtas siya ay wala akong magawa. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sobrang lungkot. Na tila nilulunod na ako noon at wala na akong balak umahon pa."Yue," bakas ang lungkot sa boses ni Mama. "kausapin mo naman si Mama."Lalo

Latest chapter

  • The Vampire's Tale   EPILOGUE

    Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t

  • The Vampire's Tale   END OF THE BEGINNING

    Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald

  • The Vampire's Tale   BARE

    *Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

  • The Vampire's Tale   A SILENT RIVAL

    Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay

  • The Vampire's Tale   AWAKENING OF THE TRUTH

    *Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi

  • The Vampire's Tale   TREACHERY

    Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs

  • The Vampire's Tale   UNDYING

    *Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun

  • The Vampire's Tale   MISCONCEPTION

    *Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala

  • The Vampire's Tale   UNVEIL

    Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso

DMCA.com Protection Status