Mainit na sa labas kaya't minabuti ko ng pumasok sa loob ng bahay. Masakit na sa balat na para bang kapag nagtagal pa ako roon ay masusunog na ang balat ko. Hindi naman ako bampira. Sadya lang hindi ako mahilig magbabad sa init ng araw. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit ako maputi.
Kaya ko lang naman naisipang lumabas ay para magpahangin. Hindi kasi ako gaanong nakatulog kagabi dahil pagising-gising ako. Isa pa ay binangungot na naman ako. Ngunit kakaiba ang kagabi. Nababalot pa rin ng kadiliman ang paligid pero sa pagkakataong iyon ay bigla na nalamang iyong nagliwanag. Sobrang liwanag na masakit na sa mata. At sa kung anong dahilan ay tila ba nagmistulang mga lazer beams ang sinag noon. Unti-unti kong nararamdaman ang hapdi at pagkalapnos na nanunoot sa laman. Napadaing ako sa sakit. Pakiramdam ko ay lapnos na ang buong katawan ko. Makalipas ang ilang sandali ay nawala na ang liwanag. Nang muli kong tignan ang pinanggalingan ng liwanag ay nakita ko roon ang nawawala kong kwintas. Kahit nagtataka sa nangyari ay sinubukan ko pa rin iyong abutin. Nang tuluyan ko iyong maabot ay biglang may lumabas na itim na bagay na animo ay mga galamay at hinihop ang mga kamay ko. Napasigaw ako sa takot at doon na ako nagising.
Napabuntong-hininga ako. Marahil ay dahil sa pag-iisip ko sa kwintas kaya ko iyon napanaginipan. Lalo tuloy akong napapa-isip sa kung ano ang meron sa kwintas na iyon para pag-interesan ng mga rogue. Naalala ko si Mama. Kaya ba lagi nalang niyang pinapaalala sa akin na huwag na huwag kakalimutang isuot iyon ay dahil ganoon iyon kaimportante? Pero bakit hindi man lang niya iyon sinabi sa akin? Sa amin? Nawala naman sa loob ko na banggitin iyon kay Mama ng makauwi ako sa bahay. Isa pa ay ayoko iyong pag-usapan na kaharap namin si Alaric.
Dumiretcho ako sa kusina ng makapasok sa kabahayan. Kukuha lamang ako ng makakakain at libro saka lalabas ulit. Doon nalang muna siguro ako sa kubong nakita ko habang naglilibot ako kanina sa labas. Malapit iyon sa pool sa kabilang gilid ng mansyon ngunit hindi naman kalayuan sa kabahayan. Nasisiguro ko namang hindi na aatake ang mga rogue dahil nakuha na nila ang kailangan nila. Isa pa ay maingay rin kasi sa mansyon. Abala ang mga tao. Nagkakagulo sa pagkukumpuni ng mga nasirang gamit. Tingin ko ay matatagalan pa bago maibalik sa dati ang lahat. Mga mortal din ang mga gumagawa roon. Nang pinagmasdan ko naman ang mga katulong ay tila balewala lang sa kanila ang mga tao. Mukhang sanay ang mga ito sa pakikisalamuha sa mga mortal. Kung sabagay ay matagal na panahon na rin silang nakikisalamuha sa tao. At hindi rin nila iyon pwedeng galawin dahil sa akin.
Natigil ang paghakbang ko papasok ng kusina ng makita ko doon si Mathilde. Nakaramdam agad ako ng pagkailang. Walang tao roon kundi siya lang. Nakaupo ito sa isang stool doon habang nakatitig sa kopitang may laman ng pulang likod. Malamang sa dugo iyon. Parang gusto ko na namang masuka. Aatras na sana ako ng umangal ang tiyan ko.
"Bakit hindi ka tumuloy? Hindi naman kita kakainin."
Nagulat pa ako ng magsalita si Mathilde. Narinig marahil ang tiyan ko. Kung sabagay ay matalas nga pala ang pandinig nito. Na kahit malayo ako ay maririnig pa rin niya ako. Sa pagkakaalam ko ay ganoon iyon dahil ganoon ang napapanood ko sa mga movies at nababasa sa libro. Hindi ko lang alam kung totoo. May palagay din akong alam na niyang nandoon ako. Pinili lang niyang balewalain.
Kung ganoon ay pumasok na ako sa loob saka kumuha ng isang basong tubig. Dumiretcho ako sa lababo saka hinugasan iyon. Hindi ko mapigilang rumagasa ang mga bagay sa isip ko. Kahit anong pilit kong blangkuhin iyon ay naiisip ko pa rin noong iniligtas niya ako. Hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapagpasalamat. Kaya lang ay nahihiya ako. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan. Naiilang din kasi ako sa gawi niya ng pagtingin at sa mga kinikilos niya sa akin.
"You're welcome," walang ano-ano'y sabi nito na ikinagulat ko. Mainam na lang at hindi ko nabitawan ang baso.
Mariin kong naipikit ang mga mata. Nabasa na ni Mathilde ang iniisip ko. Bakit ba hindi ko mapigilan?
Wala na akong nagawa kaya humarap na ako dito. Humugot ako ng malalim na hininga bago ito kinausap.
"Sa-salamat," naiilang na sabi ko. "Sa pagliligtas sa akin."
"Yeah. I heard that. And I said you're welcome," anas nito saka tumingin sa akin.
"Alam ko pero gusto ko pa ring sabihin sa iyo."
Tumango lang ito at tila binalewala lang ang sinabi ko. "It's my job anyway."
Pinagmasdan ko lang siya ng ibalik niyang muli sa kopita ang tingin. Napangalahatian na niya. Gusto ko sanang magsimula ng mapag-uusapan dahil nagsisimula na naman akong mailang pero mukha namang hindi niya ako gustong kausap. Napalingon ako ng may isang trabahador na dumaan kausap ang isang tauhan ng mga Cayman.
"I heard you lost your necklace?"
Nabalik dito ang tingin ko. Hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman. Hindi rin ako agad nakasagot. Nagdadalawang isip kasi ako kung sasabihin ko sa kanya o hindi. May palagay akong, ano man ang piliin ko sa dalawa ay may alam na siya.
"Oo," maikli kong sagot.
Ngumisi siya ng tumingin sa akin. "Hindi ka ba nagtataka kung bakit nila kinuha ang kwintas mo?"
Naguluhan naman ako sa sinabi niya. Gusto ba niyang itanong ko sa kanya kung bakit?
"Not exactly," anitong tila sinasagot ang tanong sa isip ko. Napakamot ako sa ulo. Useless din kung itatago ko pa ang iniisip kay Mathilde.
"May alam ka ba kung bakit nila iyon kinuha?"
"Wala. Pero alam kong mapanganib ang kwintas na iyon. Lalo na para sa iyo." Parang may gustong ipahiwatig ang salita nito. Lalo akong na-curious sa sinabi niya.
"Kung mapanganib iyon para sa akin, bakit pa iyon ipinapasuot sa akin ng Mama ko?"
Naging matalim ang tingin nito sa akin ngunit saglit lamang iyon. Napalitan din agad ng blankong ekspresyon ang mga mata nito. May problema ba sa sinabi ko? Mukhang hindi nito nagustuhan ng banggitin ko si Mama. Nagbawi rin siya ng tingin at ibinaling ulit iyon sa kopita. Nangunot ang noo ko sa pagtataka.
"May kakayahan ang kwintas na iyon para itago ang amoy ng dugo ng Dovana. Iyon marahil ang dahilan kung kaya't ipinapasuot iyon sa inyo," dire-diretchong litanya nito. "Hindi naman lingid sa kaalaman mo na nasa panganib ang mga buhay niyo ng kapatid mo. To think of that, pagkakataon na ng mga rogue kagabi na patayin ka pero mas inintindi nilang kuhanin ang kwintas mo."
"Parang may kakaiba sa mga rogue kagabi."
"They were stronger. Hindi namin alam pero mas lumakas sila. Nahirapan kaming lahat na labanan sila lalo na at habang may napapatay kami ay siya namang nadadagdag sa kanila," ani Mathilde na tila ba sinasabi rin sa sarili.
Napapaisip din ako sa nangyari. Kung ngayon palang ay nahihirapan na ang mga Cayman, paano po kapag nagtagal. Mukhang kailangan ko ng bilisan ang pagresolba kung paanong puputulin ang sumpa kung hindi ay lalo kaming maiipit sa pagitan nila.
"Napansin mo pala," untag nito na pumutol sa pag-iisip ko. "Mukhang nagiging alerto na rin ang pakiramdam mo."
Nagkibit-balikat na lamang ako. "Marahil siguro ay lagi ko kayong kasama kaya ko ganito ang nagiging resulta."
Maya-maya pa ay may pumasok na katulong doon at nilapitan ako. May hawak itong magandang sobre na siya namang ipinagtaka ko. Nang lingunin ko naman si Mathilde ay naging seryoso na ang itsura niya. Agad akong kinabahan dahil doon.
"Para sa inyo daw po, Miss," anitong iniabot pa sa akin ang sobre. Nag-aaalangan naman akong kuhanin iyon. Kung titignan kasi ay mukhang hindi sa isang normal na tao lang nanggaling iyon. Kakaiba kasi ang papel niyon at eleganteng tignan.
"Galing kanino daw?" tanong ko na ikinailing naman ng katulong. Hindi ko masabi kung alam ba niya kung kanino ito nanggaling o basta nalamang iyong iniabot sa kaniya. Tinanggap naman nito.
Ibinaba ko ang basong hawak ko saka kinuha iyon sa katulong. Mabilis naman itong nawala pagkaabot sa akin. Hindi ko agad binuksan ang sulat at ibinaba iyon sa kitchen counter di kalayuan kay Mathilde. Nagdududa ako. Sino namang magbibigay ng sulat sa akin na ganoong ka-eleganteng tignan. Nang ininspeksyon ko naman ay wala namang naka-address doon kung isa iyong imbitasyon sa binyag o kasal. Wala naman akong kilalang mga mayayamang taong kasing tayog ng mga Cayman. Mukha rin kasing may kakaiba sa sulat na iyon na hindi ko malaman.
"Oh come one, Yueno!" angal ng babaeng katapat ko. "Stop thinking too much, your thoughts are pissing me off."
Inosente naman akong napatingin dito. Hindi ko naman kasalanan kung mainis man siya sa mga iniisip ko. Kung tutuusin nga ay trespassing iyon.
"I never want it too," pagtataray nitong sagot sa iniisip ko. Para tuloy gusto kong matawa sa reaksyon nya.
"Can't you just read it?"
Dinampot ko nalang iyon saka binuklat. Hindi nga ako nagkamali. Pati ang loob noon ay elegante rin tignan. Kahanga-hanga rin ang pagkakasulat ng mga letra. Dinaig pa nito ang computer sa ganda ng font pero nasisiguro kong sulat-kamay ang mga iyon at hindi lang pinrint. Napakaganda ng pagkakasulat doon. Kitang-kita ang pag-iingat sa bawat kurba ng letra. Parang nakakahiya tuloy hawakan. Nang masilip ko naman ang kasama ko ay mukhang nag-aabang din sa magiging reaksyon ko sa babasahin.
Babasahin ko na sana ang nakasulat ng mapansin ko at tila ba logo sa ibabang parte noon. Hindi ko napigilang manlaki ang mga mata ng makita iyon. Bagay na pilit kong itinago sa mapanuring tingin ni Mathilde. Kumabog ang dibdib mo sa kaba. Kinalma ko ang sarili at binlangko ang isip. Huminga ako ng malalim para kalmahin ang sarili bago binasa ang laman ng sulat.
Naramdaman ko ang biglang pagtayo ni Mathilde. Nang iangat ko ang tingin ay gulat niyang mukha ang nabungaran ko. Pakiramdam ko ay nakikita ko ang sariling reaksyon sa kanya.
"Älteste," bulong niya.
"They are--"
"Inviting you."
"Ayoko, ate," matigas na sabi ng kapatid ko saka lumabas sa kusina. Mabilis ko naman siyang sinundan. Agad kaming umuwi ni Alaric sa bahay pagkatapos kong banggitin sa kaniya ang tungkol sa imbitasyon na pinadala ng Älteste. Nasiguro ko namang sinabi na ni Mathilde ang bagay na iyon kay Cassius kaya't pumayag agad ito. Nakapagtataka ang gulat sa mga mukha nila ng malamang iniimbitahan ako. Na para bang ayaw nilang makaharap ko ang mga iyon. Bigla kong naaalala ang sinabi ni Kieran tungkol sa loyalty ng mga Cayman. Ang Kieran na iyon. Nagpupuyos ang kalooban ko sa tuwing naaalala ko ang lalaking iyon. Parang gusto ko siyang bugbugin kapag nakita ko siya. Matapos niya akong halikan ay hindi na siya muling nagpakita. Ano iyon? Kiss and run? Napabuntong-hininga ako. Nauwi na naman kay Kieran ang isip ko. Namimiss ko na kasi siya. Pero kailangan ko muna iyong isantabi d
Agad na nilukob ng takot at kaba ang pagkatao ko ng huminto ang butler sa harap ng isa na namang malaking pinto. Alam kong sa likod ng malaking pinto na ito ay nasa likod ang pinakamakapangyaring nilalang sa kanilang uri.Pilit kong pinatatapang ang sarili dahil ayokong makita ni Kirius na natatakot ako pero hindi ko mapigilan. Panandaliang nawala sa isip ko ang tunay na dahilan ng pagpunta namin dito dahil sa ganda ng lugar at sa hindi sinasadyang engkwentro ko kay Thana. Sayang at maganda pa naman ito. Kung hindi nga lang maldita. Tingin ko ay may malalim itong pinaghuhugutan para magpakita ito ng ganoong pag-uugali. Isa pa ay wala naman akong naaalalang nakita o nakasalubong man lang ito dati."The Ältestes are waiting for the Dovanas," anunsiyo ng butler saka yumuko sa amin.Napahugot ako ng malalim na hininga ng tila nag-slow motion sa pagbukas ang pinto at dahan-
"Yue," boses iyon ni Mama.Kanina pa nila ako binubulabog ni Alaric pero ni isa sa kanila ay hindi ko sinasagot. Ayoko munang makipag-usap kahit kanino. Kahit kay mama. Ilang araw na ang nakakalipas pero nananatili pa ring malinaw sa ala-ala ko ang nangyari. At sa tuwing maaalala ko iyon, hindi ko mapigilang mapaluha.Ang sakit. Sobrang sakit makitang namatay sa harapan mo ang taong mahalaga sa iyo. Iyong unti-unti siyang pinapatay. At kahit anong subok kong iligtas siya ay wala akong magawa. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sobrang lungkot. Na tila nilulunod na ako noon at wala na akong balak umahon pa."Yue," bakas ang lungkot sa boses ni Mama. "kausapin mo naman si Mama."Lalo
Hindi naging madali para sa akin na kumbinsihin si Mama na tumuloy sa mansyon ng mga Cayman. Abot-abot ang pamimilit ko sa kaniya mapapayag lang siya pero naging matigas siya. Ayoko rin naman iwan ang pamamahay na ito dahil dito kami lumaki pero hindi ko kayang iwanan siya dito.Sa bawat sulok ng bahay ay nagpapaalala sa akin kay Papa at lalo na rin kay Kirius. At sa tuwing maaalala ko iyon ay hindi ko mapigilang mapaluha. Alam kong ganoon din ang nararamdaman ni Mama pero kailangan naming umusad. Kailangan naming magpatuloy sa buhay. Alam kong hindi madali. I know it may sounds unfair, pero ayokong manatiling malungkot dahil alam kong hindi rin iyon magugustuhan nila Papa at Kirius kapag nalaman nilang narito pa rin kami at nangangapa sa dilim. Baka kung nandito lang sila ay sinermonan na ako ng mga iyon dahil hindi ko mapilit si Mama.
Habol-habol ko ang hininga at nanlalaki ang mga mata nang bigla ko nalang maramdaman ang mga paa kong nakatapak na sa lupa. Nakahinga ako ng maluwag habang pinakikiramdaman ang sarili. Bahagya akong nakaramdam ng pagkahilo. Pakiramdam ko ay hinigop ako ng isang wormhole saka biglang iniluwa kung saan. Was that magic? Pero, wala akong magic.Agad akong napatingin sa katabi ko. Hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ako sa isang braso. Maalaiwas na ang mukha niya ngayon kumpara kanina. Kakaiba rin ang ngiti nya habang pinagmamasdan ang paligid. Ngayon ko lang ulit nakitang ganito kasaya si Mama."Welcome to Magji, Yue," sabi ni Mama.Nang balingan ko ng tingin ang tinitignan nito ay hindi ko mapigilang humanga sa lugar. Napakaaliwalas noon tignan na pakiramdam ko ay safe ako sa lugar na ito. Na walang bampirang
Pipikit-pikit pa ang mata ko ng maisipan kong bumaba sa kusina. Magmumuni-muni pa sana ako kaya lang ay kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko. Tahimik pa sa buong kabahayan kaya nakasisiguro ako na mga tulog pa ang mga tao ng makarating ako sa kusina. Masyado pa rin naman kasing maaga. Kung hindi ako nagkakamali ay alas kuwatro palang ng madaling araw kaya may kadiliman pa sa labas.Agad kong nayakap ang sarili ng umihip ang malamig na hangin. Nang hanapin ko ang pinanggagalingan ng hangin ay nakita ko ang bintanang nakabukas sa may sala. Maganda ang bahay ni Arsellis. Gawa lamang iyon sa kahoy pero napakaganda noon. Simple lamang ngunit puno ng mga makukulay na dekorasyon na lalong nagpapaganda sa bahay. Ang ilang kagamitan pa niyang kahoy ay nauukitan ng iba't ibang disenyo. Pero ang pinakapaborito ko sa lahat ang ang hagdan nito. Tuwang-tuwa kasi ako sa kakaibang style noon na
"Yue," narinig ko ang pagsigaw ni Ada mula sa taas.Well, hindi naman ganoon kataas ang binagsakan ko, sadyang masakit lang sa balakang ang naging pagbagsak ko. Idagdag pa ang pagkapahiya ng makita ng lalaking nasa harapan ang naging pagbagsak ko."Yueno, ayos ka lang?" humihingal na tanong ni Ada na sumulpot sa pagitan ng mga halaman sa itaas."Yueno pala ang pangalan mo," ani ng gwapong lalaki saka umupo sa harapan ko.Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa gawi ng pagtingin niya. Nakakahiya at nakita niya ang pagbagsak ko. Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko ng magpalamon sa lupa.Maya-maya pa ay naroon n
Hindi dumating ngayong araw si Ada. Marahil ay nainis na rin siguro sa akin. Ilang araw ko na kasi siyang kinukulit dahil palagi nalang akong bumubuntot sa kaniya. Noong una ay iniiwasan pa niya ako pero hindi ko rin siya tinantanan hanggang sa pumayag na rin siya. Pero ngayon ay parang hindi na niya ako nakayanan. Hindi rin naman siya nagpaalam na hindi siya darating ngayon. Napag-alaman ko rin nitong nakakaraan na apprentice pala siya ni tiya Arsellis kaya lagi siyang narito. Maging si Oswald ay ganoon din kaya mukha silang malapit sa isa’t isa.Sina tiya Arsellis at Mama naman ay umalis. Ang sabi ay may aasikasuhin lamang daw na importante. Nang tanungin ko naman sila ay hindi naman nila sinabi. Mukhang may inililihim na naman sa akin ang dalawang iyon. Hindi ko tuloy maiwasang magduda dahil naglihim na rin kasi sila noong nakaraan.
Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t
Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald
*Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.
Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay
*Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi
Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs
*Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun
*Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala
Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso