Home / Fantasy / The Vampire's Tale / PALAZZO DEI POTENTEI

Share

PALAZZO DEI POTENTEI

Author: MD Rosario
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"Ayoko, ate," matigas na sabi ng kapatid ko saka lumabas sa kusina. Mabilis ko naman siyang sinundan.

Agad kaming umuwi ni Alaric sa bahay pagkatapos kong banggitin sa kaniya ang tungkol sa imbitasyon na pinadala ng Älteste. Nasiguro ko namang sinabi na ni Mathilde ang bagay na iyon kay Cassius kaya't pumayag agad ito. Nakapagtataka ang gulat sa mga mukha nila ng malamang iniimbitahan ako. Na para bang ayaw nilang makaharap ko ang mga iyon. Bigla kong naaalala ang sinabi ni Kieran tungkol sa loyalty ng mga Cayman. 

Ang Kieran na iyon. Nagpupuyos ang kalooban ko sa tuwing naaalala ko ang lalaking iyon. Parang gusto ko siyang bugbugin kapag nakita ko siya. Matapos niya akong halikan ay hindi na siya muling nagpakita. Ano iyon? Kiss and run?

Napabuntong-hininga ako. Nauwi na naman kay Kieran ang isip ko. Namimiss ko na kasi siya. Pero kailangan ko muna iyong isantabi dahil mayroong mas kailangang pagtuunan ang atensyon ko. At kailangang pilitin.

"Saglit lang naman iyon, Kir." pangungulit ko dito. 

"Hindi maganda ang kutob ko doon, ate. At isa pa, it's a place full of bloodsuckers," anitong dumiretcho ng upo sa sofa. Nailang naman ako sa sinabi niya dahil naroon din sa sala si Alaric kausap si Mama. Nilingon naman agad ni Kirius si Alaric ng mapansing nakatingin ito. "No offense meant."

Umiling lang naman ang huli. Binalingan kong muli si Kirius. "Kir, we have to go. Ang Älteste ang pinakamataas na bampira sa mundo. We couldn't take the risk of trying to defy them." 

Mukha namang natauhan doon ang kapatid ko. At nag-isip ng malalim. "Kung ako man ang tatanungin ay ayoko ring magpunta roon pero tingin ko ay kailangan."

Ilang oras na ang lumilipas at hindi pa rin sumasagot si Kirius. Marahil ay pinag-iisipan niyang mabuti kung ano ang magiging resulta ng pagpunta namin doon. Hindi ko na rin muna siya kinulit at hinayaang mag-isip. Kung sa akin kasi ay ayos lang dahil tila sanay na akong napapaligiran ng mga bampira na siyang salungat naman kay Kirius. Hindi siya kailanman nakasalamuha ng mga bampira at lalong hindi pa siya nagawang atakihin ng mga ito kung kaya naiintindihan ko ang takot niya. Kung talaga namang hindi siya mapipilit ay hindi ko na rin pipilitin pa. 

"Okay," biglang sabi ni Kirius. Agad naman akong napalingon dito.

"Payag ka na?" nagtatakang tanong ko. Kung makahindi kasi siya kanina ay parang malabong mapapayag ko siya. 

"Hindi tayo magtatagal doon," pinal na sagot nito.

Napagkasunduan naming kinabukasan nalang pumunta sa Palazzo. Ang Palazzo dei Potenti. Sabi sa ni Alaric ay sa Palazzo daw na iyon namamalagi ang mga Älteste. Isang tagong lugar iyon kung saan hindi maaaring makapasok ang mga tao. Nang tanungin ko naman siya kung saan iyon ay hindi na niya sinabi. Basta ang sabi lamang niya ay malayo daw iyon. At lalong matatagalan daw ang biyahe namin dahil mga tao kami.

Tahimik lang sa loob ng sasakyan habang nagbibiyahe kami. May limang oras na rin kaming nagbibiyahe sakay ng ford ni Alaric. Maaga kasi kaming umalis dahil nga sa sinabi ni Alaric na malayo ang bibyahehin namin. Kaya madaling araw pa lamang ay nanggigising na ito. Hindi naman maipinta ang mukha ni Kirius ng malaman iyon. Hindi ko na kasi binanggit sa kanya. Mukha kasing hindi mangyayari ang plano niyang saglit lang kami doon. 

Malapit na rin akong mapanisan ng laway sa dalawang ito. Mukha kasing mga wala silang balak magsalita. Isa pa ay masyado ring mabigat ang atmosphere dito sa loob. At dahil iyon kay Kirius na nakabusangot pa rin ang mukha hanggang ngayon. 

"Pwede ka pa namang bumalik, Kir, kung gusto mo?" pang-iinis ko lalo dito. Mas maganda ng magbwisitan kaming dalawa kaysa naman mapanisan kami ng laway. 

"Seriously?" Kulang nalang ay sumigaw ito. 

Napangisi naman ako ng makita kong lalong nalukot ang mukha niya mula sa rearview mirror. Namiss kong bwisitin ang kapatid ko. Sa shotgun seat kasi ako naupo dahil ayaw din ni Kirius makatabi si Alaric. Hindi naman iyon inintindi ng huli. Mukha namang hindi pinapansin ni Alaric si Kirius. 

"Bumaba ka lang dyan, saka ka mag-abang ng magsasakay sayo," gatong ko na sinabayan ko pa ng pagtawa. 

Nasa kalagitnaan kasi kami ng highway sa kung saang hindi ko malaman. Madadalang din ang dumadaang sasakyan at kung mayron man ay mga pribadong sasakyan lang. Mukhang hindi ito daanan ng mga pampasaherong sasakyan. Sa paligid naman noon ay puro puno at walang matatanaw na kabahayan. Para kaming nasa probinsya. 

Napalingon ako sa katabi kong tahimik lang na nagdadrive. Hindi kaya siya naiinip? Balak ko sanang itanong kung nasaan na kami pero hindi ako nakakasigurong sasabihin niya iyon. Masyado niyang nililihim ito. Kanina pa ako naghahanap ng kahit na anong signage na pwedeng magsabi kung nasaan na kami pero wala akong nakita. Sa susunod na stop over namin ay susubukan kong magtanong.

"Yue."

"Yue."

Pupungas-pungas na idinilat ko ang mga mata. Una kong nabungaran si Alaric na nakaupo sa harap ko. Nakabukas na ang pinto sa gilid ko at mukhang kanina pa niya ako ginigising. Napatingin naman ako sa nakaputing unipormadong lalaki na nasa likod niya. Mukha siyang royal guard sa mga napapanood kong movies. 

Nang ilingap ko ang mga mata ay saka ko lang napansin ay kulay puti at gintong kapaligiran. Sa harap namin ay isang malawak na driveway at sa kaliwa naman ay makukulay na halamang nakapalamuti sa lugar. Napaka-aliwalas noong tignan. 

"Gising ka na ba?" tanong ng katabi kong tila tuwang-tuwa sa nagiging reaksyon ko. 

"Hindi pa yata."

Doon na ito bumunghalit ng tawa. Iningusan ko muna siya bago ko tinignan si Kirius sa likod ko. Wala na doon ito. 

"He's there. Probably calling someone," anito na nakalingon sa direksyon ni Kirius. Sinundan ko na lamang iyon. Nakatayo ito hindi kalayuan sa amin at may dina-dial sa cellphone. Mukha na naman siyang hindi matae sa itsura niya. 

Ibinaling kong muli kay Alaric ang tingin ng mabalik sa lalaking nasa likod nito ang pansin ko. 

"Sino siya?" usisa ko. Lumingon naman si Alaric sa akin.

"Oh! He's the valet. He's waiting for the car."

"Ay sorry!" Dali-dali naman akong lumabas ng sasakyan.

Yumuko lamang ang valet bago umikot sa driver's seat. Nang ilibot ko ang tingin ay hindi ko maiwasang mamangha. Napapaligiran ang lugar ng mga hedges na ang ilang ay hugis ibon, kuneho at kung ano-ano pa. Hindi nagtagal ay may lumapit naman sa amin na hindi katandaang lalaki. Mukha itong nasa kuwarenta lang. Kung titignan ay tila naka-uniporme din ito ngunit hindi katulad ng sa valet. Nakasuot ito ng itim na coat at pulang bow. Mukha tuloy itong butler sa ayos ng pananamit nito. 

Tulad ng valet ay yumuko din ito kay Alaric bilang pagbibigay galang. Kailangan yata sa lugar na ito ay palaging pormal. Nakakailang tuloy. 

"Shall we?" nakangiting turan nito saka nanguna na sa paglalakad. 

Agad na binuksan ng mga nakatayong guardya, na sumblero nalang ang kulang ay mukha nang mga nutcracker, ang malaking pinto na kung hindi ako nagkakamali ay mahogany. 

Bumungad sa amin ang isang mahabang at napakalawak na pasilyong napapalamutian ng iba't ibang muebles na kulay ginto. Dire-diretcho lang naman ang lakad ng butler kung kaya't sumunod lang kami. 

Napaka-elegante ng lugar. Kung magarbo na ang sa mga Cayman, ay walang sinabi iyon sa kung gaano naghuhumiyaw sa karangyaan ang may-ari ng palasyo na ito. Halos lumuwa ang mga mata habang naglalakad sa kahabaan noon. Parang gusto ko tuloy huminto sa paglalakad at tignan kung totoo ngang ginto ang mga iyon. 

Ang mga bintana ay nasasabitan ng puting mga kurtina na nagbibigay liwanag sa lugar. Masyadong maliwanag para sa inaasahan kong tirahan ng mga bampira. Sa dingding naman ay puro naglalakihang mga paintings ng magagandang scenery ang nakasabit. Ang ilan naman ay mga painting ng mga taong kahit sa history books ay hindi ko pa nakikita. May hinala akong ang Älteste ang mga iyon. At hindi lang iyon isa kundi apat sila.

Kung titingala ka naman ay mapapanganga ka nalang sa napakalaking mural sa mataas na kisame. Pakiramdam ko tuloy ay para kaming nasa western country. Sabagay ay halata naman nga dito na western style ang disenyo ng palasyo, kung bakit nagtataka pa ako. Kung tutuusin ay hindi ito mukhang palasyo ng mga bampira sa sobrang aliwalas ng lugar.

Papaliko na kami sa dulo ng pasilyo ng may isang magandang babae bigla nalang sumulpot sa harap namin. Napakaganda ng mukha nito. Kung ihahalintulad kila Lenora, masasabi kong mas maganda ang babaeng ito. Mukha itong manika. Itim na itim ang buhok na binagayan naman ng asul nitong mga mata. Malalantik ng mga pilik nuon. Maliit na matangos ang ilong at mapupula ang mga labi. Balingkinitan ang katawan nito at medyo may katangkaran. Nakasuot ito ng flowy dress na kulay pula na umabot lang bago magtuhod at tinernohan ng black heeled boots na lagpas lamang sa bukong-bukong nito. Pasimple ko namang sinipat ang sariling damit. Simpleng pantalon at blouse lamang ang napili kong suotin kanina. Bigla tuloy akong nahiyang lumapit dito. 

"Mas maganda siya sayo," bulong ni Kirius na agad kong sinuklian ng mabilis na siko sa tiyan. Mahina naman itong napadaing.

"Alaric," magiliw na tawag nito sa binata.

Agad itong lumapit dito saka yumakap. Sinuklian din naman nito iyon. 

"It's been so long," masaya pa rin turan ng magandang babae. "I heard you came with the Dovanas."

"Yes," tipid na sagot ni Alaric saka iminuestra kami. 

Una itong tumingin kay Kirius pero hindi naman nito binati ang babae. At nang mabaling ang tingin nito sa akin ay tila ba nag-iba ang gawi ng pang-ngiti nito. Ngingiti pa sana ako ngunit nauwi iyon sa ngiwi ng makita ang pagguhit ng disgusto sa mga mata nito ng hagurin ako ng tingin mula ulo hanggang paa. 

"So, you are Yueno. The Dovana," anitong tila may halong panunuya sa tinig. Ang kaninang paghanga ko dito ay biglang napalitang ng pagkairita sa hindi ko malamang dahilan. 

"I'm Thana," pakilala nito saka inabot ang kamay. "Thana Sullivan, daughter of Baldik Sullivan. One of the Älteste."

Nagtatalo ang isip ko kung aabutin ang kamay nito pero ayoko namang magkaroon ng masamang impresyon dito. Pinili ko na lamang na abutin ang kamay nito. 

"Nice to meet you," pormal na sagot ko dito. Hindi ko na siguro kailangan pang magpakilala dahil sa ako ang Dovana. 

"No," agap nito. "Nice to meet you." Tila sinadya nitong bigyan ng diin ang bawat salitang binitiwan. Parang may nais itong ipahiwatig sa akin na hindi ko maintindihan.

Natigil ang pag-iisip ko ng maramdaman ko ang unti-unti nitong paghigpit sa magkahugpong naming kamay. Sinubukan ko iyong hilahin pero mahigpit ang pagkakahawak nito. Mahina akong napadaing ng mas humigpit pa iyon. Parang balak nitong baliin ang buto ko doon. 

"Thana, let go," babala ni Alaric na agad hinawakan ang braso ng babae nang marahil ay marinig ang pagdaing ko. 

Nakita ko ang pagdaan ng galit sa mga mata ni Thana bago tuluyang bitawan iyon. Agad kong nahimas ang nasaktang kamay. 

"Ow, I'm so sorry," nang-uuyam na anito. 

"You--," angil ni Kirius na agad kong pinigilan. Walang mapapala ang pagkikipag-away ni Kirius dito. Isa pa ay wala rin itong laban kung sakali. 

Ngumisi lang ang babae bago bumaling muli kay Alaric. Tinignan lang niya ito bago tuluyang nawala sa harap namin. Ano kaya ang ikinagagalit ng babaeng iyon sa akin? Mukha kasing matindi ang pinaghuhugutan nito.

"You alright?" nag-aalalang tanong kapatid ko. Tumango lang naman ako saka ngumiti. Ayokong mag-alala ang kapatid ko. Hindi ko hahayaang makita ni Kirius kung ano ang mga pinagdadaanan ko sa mundo ng mga bampira.

Related chapters

  • The Vampire's Tale   DEVASTATION

    Agad na nilukob ng takot at kaba ang pagkatao ko ng huminto ang butler sa harap ng isa na namang malaking pinto. Alam kong sa likod ng malaking pinto na ito ay nasa likod ang pinakamakapangyaring nilalang sa kanilang uri.Pilit kong pinatatapang ang sarili dahil ayokong makita ni Kirius na natatakot ako pero hindi ko mapigilan. Panandaliang nawala sa isip ko ang tunay na dahilan ng pagpunta namin dito dahil sa ganda ng lugar at sa hindi sinasadyang engkwentro ko kay Thana. Sayang at maganda pa naman ito. Kung hindi nga lang maldita. Tingin ko ay may malalim itong pinaghuhugutan para magpakita ito ng ganoong pag-uugali. Isa pa ay wala naman akong naaalalang nakita o nakasalubong man lang ito dati."The Ältestes are waiting for the Dovanas," anunsiyo ng butler saka yumuko sa amin.Napahugot ako ng malalim na hininga ng tila nag-slow motion sa pagbukas ang pinto at dahan-

  • The Vampire's Tale   VENGEANCE

    "Yue," boses iyon ni Mama.Kanina pa nila ako binubulabog ni Alaric pero ni isa sa kanila ay hindi ko sinasagot. Ayoko munang makipag-usap kahit kanino. Kahit kay mama. Ilang araw na ang nakakalipas pero nananatili pa ring malinaw sa ala-ala ko ang nangyari. At sa tuwing maaalala ko iyon, hindi ko mapigilang mapaluha.Ang sakit. Sobrang sakit makitang namatay sa harapan mo ang taong mahalaga sa iyo. Iyong unti-unti siyang pinapatay. At kahit anong subok kong iligtas siya ay wala akong magawa. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sobrang lungkot. Na tila nilulunod na ako noon at wala na akong balak umahon pa."Yue," bakas ang lungkot sa boses ni Mama. "kausapin mo naman si Mama."Lalo

  • The Vampire's Tale   SKELETONS

    Hindi naging madali para sa akin na kumbinsihin si Mama na tumuloy sa mansyon ng mga Cayman. Abot-abot ang pamimilit ko sa kaniya mapapayag lang siya pero naging matigas siya. Ayoko rin naman iwan ang pamamahay na ito dahil dito kami lumaki pero hindi ko kayang iwanan siya dito.Sa bawat sulok ng bahay ay nagpapaalala sa akin kay Papa at lalo na rin kay Kirius. At sa tuwing maaalala ko iyon ay hindi ko mapigilang mapaluha. Alam kong ganoon din ang nararamdaman ni Mama pero kailangan naming umusad. Kailangan naming magpatuloy sa buhay. Alam kong hindi madali. I know it may sounds unfair, pero ayokong manatiling malungkot dahil alam kong hindi rin iyon magugustuhan nila Papa at Kirius kapag nalaman nilang narito pa rin kami at nangangapa sa dilim. Baka kung nandito lang sila ay sinermonan na ako ng mga iyon dahil hindi ko mapilit si Mama.

  • The Vampire's Tale   MAGJI

    Habol-habol ko ang hininga at nanlalaki ang mga mata nang bigla ko nalang maramdaman ang mga paa kong nakatapak na sa lupa. Nakahinga ako ng maluwag habang pinakikiramdaman ang sarili. Bahagya akong nakaramdam ng pagkahilo. Pakiramdam ko ay hinigop ako ng isang wormhole saka biglang iniluwa kung saan. Was that magic? Pero, wala akong magic.Agad akong napatingin sa katabi ko. Hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ako sa isang braso. Maalaiwas na ang mukha niya ngayon kumpara kanina. Kakaiba rin ang ngiti nya habang pinagmamasdan ang paligid. Ngayon ko lang ulit nakitang ganito kasaya si Mama."Welcome to Magji, Yue," sabi ni Mama.Nang balingan ko ng tingin ang tinitignan nito ay hindi ko mapigilang humanga sa lugar. Napakaaliwalas noon tignan na pakiramdam ko ay safe ako sa lugar na ito. Na walang bampirang

  • The Vampire's Tale   EERIE

    Pipikit-pikit pa ang mata ko ng maisipan kong bumaba sa kusina. Magmumuni-muni pa sana ako kaya lang ay kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko. Tahimik pa sa buong kabahayan kaya nakasisiguro ako na mga tulog pa ang mga tao ng makarating ako sa kusina. Masyado pa rin naman kasing maaga. Kung hindi ako nagkakamali ay alas kuwatro palang ng madaling araw kaya may kadiliman pa sa labas.Agad kong nayakap ang sarili ng umihip ang malamig na hangin. Nang hanapin ko ang pinanggagalingan ng hangin ay nakita ko ang bintanang nakabukas sa may sala. Maganda ang bahay ni Arsellis. Gawa lamang iyon sa kahoy pero napakaganda noon. Simple lamang ngunit puno ng mga makukulay na dekorasyon na lalong nagpapaganda sa bahay. Ang ilang kagamitan pa niyang kahoy ay nauukitan ng iba't ibang disenyo. Pero ang pinakapaborito ko sa lahat ang ang hagdan nito. Tuwang-tuwa kasi ako sa kakaibang style noon na

  • The Vampire's Tale   OSWALD GUILERT

    "Yue," narinig ko ang pagsigaw ni Ada mula sa taas.Well, hindi naman ganoon kataas ang binagsakan ko, sadyang masakit lang sa balakang ang naging pagbagsak ko. Idagdag pa ang pagkapahiya ng makita ng lalaking nasa harapan ang naging pagbagsak ko."Yueno, ayos ka lang?" humihingal na tanong ni Ada na sumulpot sa pagitan ng mga halaman sa itaas."Yueno pala ang pangalan mo," ani ng gwapong lalaki saka umupo sa harapan ko.Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa gawi ng pagtingin niya. Nakakahiya at nakita niya ang pagbagsak ko. Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko ng magpalamon sa lupa.Maya-maya pa ay naroon n

  • The Vampire's Tale   VINDICATION

    Hindi dumating ngayong araw si Ada. Marahil ay nainis na rin siguro sa akin. Ilang araw ko na kasi siyang kinukulit dahil palagi nalang akong bumubuntot sa kaniya. Noong una ay iniiwasan pa niya ako pero hindi ko rin siya tinantanan hanggang sa pumayag na rin siya. Pero ngayon ay parang hindi na niya ako nakayanan. Hindi rin naman siya nagpaalam na hindi siya darating ngayon. Napag-alaman ko rin nitong nakakaraan na apprentice pala siya ni tiya Arsellis kaya lagi siyang narito. Maging si Oswald ay ganoon din kaya mukha silang malapit sa isa’t isa.Sina tiya Arsellis at Mama naman ay umalis. Ang sabi ay may aasikasuhin lamang daw na importante. Nang tanungin ko naman sila ay hindi naman nila sinabi. Mukhang may inililihim na naman sa akin ang dalawang iyon. Hindi ko tuloy maiwasang magduda dahil naglihim na rin kasi sila noong nakaraan.

  • The Vampire's Tale   NOSTALGIA

    Hindi ko sukat akalain na mangyayari pa ang bagay na ito pagkatapos ng lahat ng sakit at pighating pinagdaanan ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin patid sa pagkalabog ang puso ko. Para akong nananaginip. Parang bang napakahirap paniwalaan pero heto kami ngayon. Magkasabi. Magkatabi. Magkayakap.Ramdam ko ang maya't mayang paghagod ng malakas na pintig ng puso ko sa bawat paghalik ni Kieran sa ulo ko. Nakasandal siya sa isang puno roon habang ako naman ay nasa pagitang ng mga braso niya't nakasandal sa matipuno niyang dibdib.Pilitin ko mang itanggi pero ramdam ko pa rin ang galak sa puso ko nang muli kong maramdaman ang init ng yakap niya. Pakiramdam ko ay muling nabuhay ang damdaming inakala kong patay na.Ayoko pang maniwala sana sa kaniya. Per

Latest chapter

  • The Vampire's Tale   EPILOGUE

    Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t

  • The Vampire's Tale   END OF THE BEGINNING

    Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald

  • The Vampire's Tale   BARE

    *Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

  • The Vampire's Tale   A SILENT RIVAL

    Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay

  • The Vampire's Tale   AWAKENING OF THE TRUTH

    *Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi

  • The Vampire's Tale   TREACHERY

    Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs

  • The Vampire's Tale   UNDYING

    *Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun

  • The Vampire's Tale   MISCONCEPTION

    *Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala

  • The Vampire's Tale   UNVEIL

    Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso

DMCA.com Protection Status