Share

NOSTALGIA

Author: MD Rosario
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Hindi ko sukat akalain na mangyayari pa ang bagay na ito pagkatapos ng lahat ng sakit at pighating pinagdaanan ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin patid sa pagkalabog ang puso ko. Para akong nananaginip. Parang bang napakahirap paniwalaan pero heto kami ngayon. Magkasabi. Magkatabi. Magkayakap.

Ramdam ko ang maya't mayang paghagod ng malakas na pintig ng puso ko sa bawat paghalik ni Kieran sa ulo ko. Nakasandal siya sa isang puno roon habang ako naman ay nasa pagitang ng mga braso niya't nakasandal sa matipuno niyang dibdib. 

Pilitin ko mang itanggi pero ramdam ko pa rin ang galak sa puso ko nang muli kong maramdaman ang init ng yakap niya. Pakiramdam ko ay muling nabuhay ang damdaming inakala kong patay na. 

Ayoko pang maniwala sana sa kaniya. Pero sa kung anong dahilan ay hindi ko mapigilang maniwala sa kanya. Kahit hindi ako sigurado na nagsasabi siya ng totoo ay heto pa rin ang puso ko at naniwala agad sa kaniya. Hindi man lang siya pinagdudahan kahit na saglit lang at muli na namang nagpa-alipin sa mga bisig nito.

Kung tutuusin naman kasi ay may punto naman talaga ang sinasabi niya. Sa pagnanais kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid ko at sa sobrang sakit na makita siyang duguan at walang buhay ay mabilis akong nagdesisyon at sinisi agad siya. Marahil ay siya ang bukod tanging naroon kung kaya't naibunton ko sa kaniya ang galit ko sa mga rogue. Naghanap agad ako ng mapapagbuntunan ng sisi pero sa totoo lang ay may kasalanan din ako sa nangyari. Nang sabihin iyon ni Kieran kanina ay hindi maiwasang mainis sa sarili ko. Alam ko sa sarili kong may pagkakamali ako pero mas pinili kong hindi tanggapin iyon at ibinaling ko sa kaniya lahat. Sa takot kong masisi ay hinayaan kong sa kanya iyon mapunta. 

Naramdaman ko na naman ang pag-iinit ng mga mata ko. Panandalian lamang iyon nahinto pero heto na naman at nagbabanta sa pag-agos. Hindi na yata ako naubusan ng luha. 

Mula pa kanina ng hinayaan kong yakapin niya ako ay hindi na siya bumitaw sa akin. Maging ng mapagdesisyunan niyang maupo dito ay agad nalang niya akong binuhat papunta rito at hindi na ako hinayaang makalayo sa kanya. Kung sabagay ay ayoko ring lumayo muna sa kaniya. Gusto ko munang mapaloob sa mga bisig niya at maramdaman muli ang init noon. Matagal ko ring hindi pinangulilaan iyon. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit agad akong naniwala sa kanya.

"Sorry," anas ko sa mahinang tinig.

Muli niya akong hinalikan sa tuktok. "How many times do I have to tell you to stop apologizing about what happened?"

"Hindi ko mapigilan. Sa tuwing naaalala ko kung ano ang nangyari--"

"Shhh!" anito saka bahagyang bumangon. 

Umiling ako. "I'm sorry. Sa galit ko sa mga rogue, ikaw ang sinisi ko. Sa takot kong mapunta sa akin ang bintang sayo ko ibinunton ang lahat. I'm sorry, Kieran. Nabulag ako ng galit at takot. Hindi ko man lang naisip kung anong mararamdaman mo. I'm so selfish." Tuluyan ng umagos ang luha ko. "Pero sa kabila ng lahat ng ginawa ko nandito ka pa rin. Nananatili sa tabi ko."

"Yue-"

"I don't deserve it, Kieran," humihikbi kong pagpapatuloy. Tama. Hindi ako nararapat para sa kanya. Masyado akong makasarili samantalang siya ay ako pa rin ang inaalala. 

"Stop it, Yue. Hindi ko na nagugustuhan ang patutunguhan ng usapang ito."

Umiling ako ulit. "Tama naman ako. Hi-hindi ko deserve ito, Kieran--"

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng ilapat niya ang daliri niya sa bibig ko at tinitigan ako ng mariin. Kumabog ng matindi ang dibdib ko dahil napakalapit na ng mukha niya sa akin. 

"I didn't exert too much effort crossing the line and search for you in Magji just to hear you breaking up with me," mariing sabi nito.

Napatigil ako sa pag-iyak at napatitig na rin sa kanya. "B-breaking up with you?"

 "You seemed to have forgotten it," mischief evident in his eyes. "Do you want me to remind you, My lady?"

Mabilis na namula ang pisngi ko ng mapagtanto ko kung ano ang nais niyang sabihin. Agad akong tumayo saka lumayo sa kanya nang maisip na baka halikan na naman niya ako. Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko habang tumatakbo sa isip ko kung paano niya ako ilang beses na hinalikan noon. 

"Scared, My lady?" anitong tumayo na rin. Sumeryoso rin ang mga mata nitong matamang nakatingin sa akin. "Have you forgotten how I marked you as mine?"

He looked predatorial as he started taking steps towards me. Hindi ko malaman kung natatakot ba ako o natutuwa. Hindi rin ako makaimik.

"As I watched over you recently, I've noticed how you behave mischievously behind my back, My lady. Should I punish you for that?"

Napakunot ang noo ko. "Binabantayan mo ako?"

"Yes. I've been keeping an eye on you since the day I came to Magji. And how lucky of me to catch a naughty miss interacting with some yellow-headed guy."

Napanganga nalang ako nang tuluyan siyang makalapit sa akin. Si Oswald ba ang tinutukoy niya? Bigla kong naalala ang unang pagkikita namin ni Oswald at nang kargahin ako nito noong napilayan ako.

Kung ganoon ay totoo pala ang kutob kong may mga matang tila nakamasid sa akin ng mga panahong iyon. Nang masdan ko ang mga mata nito ay bigla akong nakaramdam ng kilig. Malinaw kasing nakaguhit ang pagseselos sa mga mata nito. Kaya kahit na anong galit niya ay hindi ko mapigilang mapangiti.

"And why are you smiling?" may bahid ng pagkainis sa tono nito. "Are you thinking of that guy?"

Lalo yatang lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya. Para tuloy akong naaakit na panindigan ang sinabi niya para lalo pa itong pagselosin. 

"Ano bang pinagsasabi mo?" kaila ko. "Si Oswald ba ang tinutukoy mo?"

"Don't you dare speak of that man's name in front of my face, lady, if you want him to remain breathing," banta pa nito.

Kinabahan ako sa sinabi niya. Bigla akong nag-alala para kay Oswald. Nagdadalawang-isip tuloy ako kung itutuloy ko ba ang panggagatong ko sa selos niya o huwag nalang. Mukhang nakakatakot itong magselos.

"Walang ginagawang masama si Oswald, Kieran. Bakit ba galit na galit ka?"

Tumawa pa ito ng pagak. "At ngayon ay ipinagtatanggol mo pa ang lalaking iyon. Bakit? Mahal mo na ba siya? Nagawa ka ba niyang pasayahin noong mga panahon na nalulungkot ka? Noong mga panahong wala ako sa tabi mo."

Agad akong nakaramdam ng guilt sa sinabi niya. Saglit pa akong natahimik dahil doon. "Totoong naging masaya ako kay Oswald noong mga panahong wala ka," mahina kong sagot. "Pero hindi ko kailanman naramdaman sa kaniya ang mga naramdaman ko para sayo," pagtatapat ko. Wala na rin naman kailangan pang itago. 

Mataman pa rin itong nakatitig sa akin at mas pinaliit pa ang distansya sa pagitan namin. Gumapang ang kilabot sa katawan ko ng hawakan niya ang baba ko saka ipinaharap sa kanya. "Good. Cause from now on, I won't let anything come between us."

Nahigit ko ang hininga ng maramdaman ko ang malamig at malambot niyang labi sa labi ko. Kusang pumikit ang mga mata ko at napakapit sa dibdib niya. Pakiramdam ko ay nagbubunyi ang puso ko sa ginawa niya. 

Agad na lumalim ang halik na iyon at marahang gumalaw ang mga labi niya. Oh, how I miss his lips. Ngayon ay aaminin ko ng sobrang nasabik ako sa kanya. Sa araw-araw nalang na ginawa ng Diyos ay hindi ko maialis sa isip at puso ko ang maliit na parte hinahanap-hanap siya. Ang init ng yakap niya. Ang malambot niyang mga labi na tila ba nakaka-adik kapag hinalikan ka. Aaminin ko nang kahit gaano katindi ang galit na nararamdaman ko ay mas nangingibabaw roon ang damdamin ko para kay Kieran. 

Naramdaman ko ang pagpalibot ng mga braso niya sa bewang ko at mas hinapit palapit sa kanya. Mas lalo rin niyang pinalalim ang halik at nagsimula na ring gumalaw ang mga labi niya na mas lalong nagpabaliw sa akin. Buong kasabikan ko iyong tinugon na nagsanhi ng mahina niyang pag-ungol. Nararamdaman ko rin ang kasabikan niyang ipinaparating sa pamamagitan ng halik. Bawat hagod, pagsipsip at marahang pagkagat ay sadyang nakakapagpawala ng lahat ng inhibisyon sa katawan. Nakakawala sa katinuan. Nakakakapos ng hininga. 

Sa tuwing gagawa ako ng maliit na distansya para sumagap ng hangin ay agad niyang hinahabol ang labi ko at susubasubin ng halik. Para siyang bata na takam na takam sa chocolate na kapag inilayo mo ay agad na hahabulin. 

Ilang sandali pa ay dahan-dahan na siyang huminto at naglagay ng maliit na distansya sa pagitan namin. Habol ko ang hininga ng tuluyang maghiwalay ang labi namin. Isinandig pa niya ang noo sa noo ko at ang mga mata ay nanatili sa mga labi ko. 

"I've been longing to kiss you again just like that," namamaos na bulong nito.

Nananatiling nasa bewang ko ang mga braso at mahigpit na nakayakap sa akin. Tila yata naumid ang dila ko sa mga sinabi niya. Kung ganoon ay hindi lang pala ako ang nakakamiss sa kanya, maging siya ay ganoon din. Kung hindi lang sana naging malupit ang tadhana ay baka masaya pa rin kami ngayon at walang sakit na pinagdaanan. 

"Kung alam mo lang kung gaano kita namiss. Kung gaano ko kagustong puntahan ka, lapitan ka noong mga panahong iyon."

Parang gustong pumalakpak ng tainga ko sa mga naririnig ko sa kaniya. Kung alam lang din sana niya kung gaano ko rin ginustong makita siya kasabay ng pilit na pagkitil sa damdaming iyon. 

Gusto ko sanang tignan siya sa mata ngunit may kung ano sa mga labi niya na hindi ko maalisan ng tingin. Para kasing naaakit akong haplusin iyon ng daliri. Nagtaka ako ng may sumungaw na ngisi doon. 

"Eyes up, lady," pilyo nitong sabi. "I'm already tempted to ravish you again."

Pati yata tainga ko ay namula. Imbis na matakot ay lumamang ang pagkasabik sa sinabi nito. Mukha yatang tuluyan na akong naadik sa mga labi niya. 

Hindi pa man din ako nakakahuma sa sinabi niya ay mabilis na naman niya akong sinubasob ng halik. Ngunit sa pagkakataong ito ay naging mabilis lamang iyon. Sa sobrang bilis ay parang gusto ko pang umungot ng isa dahil hindi ko naramdaman.

"Can't help it," anito saka ako muling niyakap ng mahigpit. 

"Paano mo nalamang nasa Magji ako," pag-iiba ko ng subject. Masyado na kasi akong na-o-overwhelm ng mga bagay-bagay na halos hindi ko na mapaniwalaan na totoong nangyayari. 

"I followed your scent. And I also heard the Cayman's talk about it."

"Paano kang nakarating doon?" usisa ko pa ng maalala kung paano kami nakarating ni Mama noon doon.

"Vampires have ways to get to Magji whenever they want to. But that was restricted. We are prohibited to cross the line. But guess, kapag gusto mo talagang puntahan ang isang tao, kahit ano ay gagawin mo para lang mapuntahan siya."

I was speechless at his remarks. I've never expected him to be like this. To be someone who will do everything to get the person he wants. Nakaramdaman na naman ako ng init na tila bumalot sa puso ko. Ngunit agad na bumangon ang pag-aalala doon.

"Kung ipinagbabawal iyon, anong mangyayari sa mga mahuhuling lumabag?"

Sandali niya pa akong tinitigan bago nagsalit. "They were sentenced to death."

Nahigit ko ang hininga. Muling nabuhay ang takot ko, ngunit hindi na para sa sarili kung para kay Kieran. Paani kung mahuli ito? Papatayin nila si Kieran dahil sa paglabag na iyon. 

"Bakit mo ginawa iyon?" hindi ko napigilang pagalitan siya. "Paano kung nahuli ka? Paano kung patayin ka nila?"

Hinaplos niya ang pisngi ko. "You don't have to worry. Buhay pa ako, Yue."

Nag-init ang ulo ko sa isinagot niya kaya't mabilis na pinalis ang kamay niya. "Hindi mo man lang ba naisip na papatayin ka nga nila kapag nahuli ka? Wala ka bang pakialam kahit patayin ka nila?"

"Wala akong pakialam kahit na ilang beses nila akong patayin. Ang mahalaga lang sa akin ay ang makita ka at mapatunayan sa iyo na wala akong kasalanan sa pagkamatay ng kapatid mo. Isa pa ay nasasabik na akong makita ka. Mayakap. Mahalikan."

"Kieran-"

"I love you, Yueno."

Saglit pa akong napatanga at hinintay na rumehistro sa utak ko ang sinabi niya. Nang unti-unti iyong maproseso ay hindi na ako nakapagsalita. Pakiramdam ko ay biglang tumahimik ang paligid at wala akong ibang narinig ng mga oras na iyon kundi ang sinabi lang niya. Parang biglang huminto ang oras at lahat ng bagay ay naglaho na. At ang tanging natira lamang doon ay si Kieran at ako. 

Nag-init bigla ang mga mata ko at mistulang may mga kabayong naghabulan sa dibdib ko. Sa kabila ng lahat ng pinagdaanan namin ay ito ang pinakahihintay kong marinig mula sa kanya. 

Sa sobrang tuwa ay ginawa ko ang pinaka-unang bagay na pumasok sa isip ko. Agad ko siyang nilundag ng yakap saka sinubasob ng halik. Hindi pa niya iyon inaasahan noong una ngunit mabilis din itong nakahuma at ginantihan din ako ng halik.

Saglit lamang iyon ngunit sapat na iyon para iparamdam ko sa kanya ang nararamdaman ko. At bago pa man siya magsalita ay agad ko nang sinabi ang matagal ko ng kinikimkim sa dibdib na mukhang hindi rin niya inaasahang marinig.

"I love you too, Kieran."

Related chapters

  • The Vampire's Tale   VERACITY

    Parang gusto kong matawa sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Nakatulala lang kasi siya sa akin. Ganoon din ba ang reaksyon ko kanina?Ilang sandali pa ay nagsimula ng sumungaw ang ngisi sa mga labi nito saka ako hinapit papalapit sa kanya."What did you just say?" anito na may ngiti ng tagumpay sa labi. Animo ay para siyang nanalo ng malaking papremyo sa gawi ng pagngiti niya.Bigla ko tuloy siyang naisipang asarin. Bahagya ko pa siyang itinulak para makagawa ng maliit na distansya. "Sinabi ko na. Wala na akong balak ulitin pa." Sinabayan ko pa iyon ng halukipkip at bahagya pang paglayo sa kanya.Sa pagkabigla ko ay bigla nalang niya akong hinapit muli palapit sa kanya at sa pag

  • The Vampire's Tale   MAGES OF MAGJI

    “Y-you can erase memories?”Tumango ito. “That was the only memory I wiped out of Kirius but the most were yours.” hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya. “Nagsimula iyon nang isang beses kang maka-encounter ng isang pack ng rogue. Maliit ka pa noon and you were on a camping trip. Sa pagkakatanda ko ay girls scout nga ba ang tawag doon? Whatever you call that. Late night na iyon at sa kung anong dahilan ay bigla ka nalang lumabas ng tent nyo. Hindi ka napansing lumabas ng mga teachers kaya’t walang nakakaalam na umalis ka. Aalis na dapat ako noon dahil ipinapatawag daw ako ng amain ko pero ng makita kitang nag-i-sleep walking ay masyado akong natuwa sa pinaggagawa mo kaya pinanood muna kita. Until you came to your senses and started crying. Takbo ka ng takbo sa kung saan-saan, naghahanap ng daan pabalik pero paikot-ikot ka lang. Pinag-iisipan ko pa kun

  • The Vampire's Tale   DIVULGENCE

    Agad akong sinalubong ng yakap ni Mama nang makarating kami sa bahay. Sa higpit ng yakap niya ay nakasisiguro akong masyado siyang nag-alala. Kung sa bagay ay kamamatay lang ni Kirius, marahil ay natakot din niya para sa akin.Gumanti ako ng yakap kay Mama para iparamdam na hindi na niya kailangan pang mag-alala. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang mga nangyari. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko maialis ang nararamdaman kong galit sa mga mages. At mula ng dumating kami ay hindi ko pa rin kinakausap si tiya. Maging si Oswald ay sinusubukan akong lapitan pero lumalayo ako. Hindi ko kasi alam kung paanong pakikitungo ang gagawin ko sa kanila.Sa makailang beses na nagmakaawa akong itigil na nila ang pananakit kay Kieran ay hindi sila tumigil. Kung alam lang nila kung paano nila unti-unting dinud

  • The Vampire's Tale   GRIEF

    Hindi ko alam kung ano ang iisipin at mararamdaman ko sa mga sinabi ni Mama. Hindi ko rin malaman kung makikinig pa ba ako o hindi. Kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin. Alam kong si Cassius ang unanng lalaking minahal niya pero ang lalaking pinakamamahal? Hindi ba't si Papa iyon?"Ikinuwento ko na sa iyo ang tungkol sa amin ni Cassius pero hindi ko nabanggit sa iyo na siya ang lalaking pinakamamahal ko. Hindi ko na iyon binanggit dahil natatakot akong isipin mo na pinagtataksilan ko ang Papa mo. Pero hindi. Nanatili akong tapat sa Papa mo."Tama nga ako ng hinala pero nabibigla pa rin ako sa sinasabi niya. "Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin ang lahat ng ito, Ma?"“Nang sinabi ni Arsellis na dinukot ka ng mga bampira ay na

  • The Vampire's Tale   RECONCILE

    "Sa nakikita ko sa mga mata, Yueno, may palagay akong may alam ka sa mga iyon. Don't stick your nose too much, Yue. Baka hindi mo alam ang pinapasok mo," may himig ng pagbababala sa tinig nito."Too late, tiya. I already did.""Huwag mo nang ituloy, Yue. Malaking pader ang babanggain mo," matigas na saas niya.Natahimik ako. Iyon din ang sinabi sa akin ni Kieran. "Sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo tiya."Bigla itong tumayo kaya't naalarma agad ako. Nasa mukha niya ang pagtutol. "Hindi. Mukhang nagkamali ako ng sabihin ko sa iyo ang tungkol sa mga Cayman. Kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata mo, Yue. At iyang determinasyon mong iyan ang papatay sa iyo," anito saka umiling. "Hindi ko hahayaang magdusa na naman ang kapatid ko sa pagkamatay ng isa pang anak."Iyon lamang at dire-dir

  • The Vampire's Tale   ARCANA

    Tahimik sa buong kabahayan at mukhang umalis si tiya at Mama kaya kinuha ko ang pagkakataon para makapasok sa study room ni tiya. Mag-isa lamang ako sa bahay ngayon. Hindi na naman dumating si Ada at si Oswald naman ay kaaalis lang. Naiilang pa rin ako kapag kasama si Oswald pero pinipilit ko pa ring baliwalain.Sa totoo lang ay speechless ako noong sinabi niyang ipagpapatuloy daw niya ang pagmamahal niya sa akin. Tututol pa sana ako para sa huli sinabi rin niyang hayaan ko nalang daw siya. Kaya hayun at magkasama na naman kami. Hindi ko alam kung paanong pakikitungo ang gagawin ko noong una ngunit sinabi rin niya sa akin na tulad lang din daw ng dati. Mukha siyang okay pero nasisiguro kong may lungkot pa rin siyang itinatago sa loob. Alam ko namang hindi magiging madali iyon lalo pa at magkasama na naman kami. Pero magiging panandalian nalang iyon dahil babalik na ako sa ma

  • The Vampire's Tale   ENTANGLEMENT

    Galit ang unang rumehistro sa mukha ni tiya nang marinig ang sinabi ko. Kumuyom din ng mariin ang kamao niya na bukod sa pinipigil na galit ay tila nagpipigil din sa kung anong maaari nitong gawin."Kasalanan ko din ito," maya-maya ay saad niya. "Alam ko nang delikado sila kay Cassius pero wala man lang akong ginawa."Hinamas ko ang likod nito para iparating ang simpatya. Kung ako man ay sinisisi ko rin ang sarili ko sa naging pagkamatay ni Kirius. "Huwag mong sisihin ang sarili mo, tiya. Walang may gusto sa mga nangyari.""Hindi, Yue. Masyado akong nagpakakampante na hindi sila gagalawin ng mga Cayman dahil sa mga Älteste. Hindi ko man lang naisip may kakayahan si Cassius para manipulahin ang mga pangyayari."

  • The Vampire's Tale   LAVALIER

    “Pero tiya--”“Tama na, Yue,” matigas na sabi ni tiya Arsellis na ngayon ay nakaupo na sa likod ng lamesa niya. “Napagkasunduan na rin namin dalawa na hindi na makikialam pa sa isa’t isa kaya tigilan mo na. Nakapagdesisyon na kami. Isa na ako ngayon sa mga elder mage na namamahala sa bayang ito, kaya tama na ang mga pantasya. Masyado na kaming matatanda para sa ganoong mga bagay.”Nagitla ako sa naging reaksyon niya. Hindi ko inaasahang tatalikuran na lamang niya ang pagmamahalan nila ngayong may pag-asa na.“Kung ikaw na ang namamahala, ibig sabihin ay may kakayahan ka ng baguhin ang mga baluktot na pamamahala ng nakaraang mga elder mage. Bakit hindi mo subukang baguhin iyon?”“Hindi iyon ganoon kadali, Yue. Masyadong komplikado para usisain mo pa. Sapat na ang mga sinabi ko sa iyong i

Latest chapter

  • The Vampire's Tale   EPILOGUE

    Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t

  • The Vampire's Tale   END OF THE BEGINNING

    Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald

  • The Vampire's Tale   BARE

    *Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

  • The Vampire's Tale   A SILENT RIVAL

    Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay

  • The Vampire's Tale   AWAKENING OF THE TRUTH

    *Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi

  • The Vampire's Tale   TREACHERY

    Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs

  • The Vampire's Tale   UNDYING

    *Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun

  • The Vampire's Tale   MISCONCEPTION

    *Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala

  • The Vampire's Tale   UNVEIL

    Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso

DMCA.com Protection Status