Agad akong sinalubong ng yakap ni Mama nang makarating kami sa bahay. Sa higpit ng yakap niya ay nakasisiguro akong masyado siyang nag-alala. Kung sa bagay ay kamamatay lang ni Kirius, marahil ay natakot din niya para sa akin.
Gumanti ako ng yakap kay Mama para iparamdam na hindi na niya kailangan pang mag-alala. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang mga nangyari. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko maialis ang nararamdaman kong galit sa mga mages. At mula ng dumating kami ay hindi ko pa rin kinakausap si tiya. Maging si Oswald ay sinusubukan akong lapitan pero lumalayo ako. Hindi ko kasi alam kung paanong pakikitungo ang gagawin ko sa kanila.
Sa makailang beses na nagmakaawa akong itigil na nila ang pananakit kay Kieran ay hindi sila tumigil. Kung alam lang nila kung paano nila unti-unting dinudurog ang puso ko nang ipakita nila sa akin kung gaano sila kalupit para pahirapan si Kieran kahit na hindi ito lumalaban.
Kung mga rogue iyon ay maiintindihan ko pa sana. Pero hindi. Hindi ko kailanman maiintindihan na kung sino pa ang inakala kong mababait ay siya pang hindi marunog makinig sa pakiusap.
"Yue, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Mama. Namumula ang mga mata niyang tanda ng walang tigil na pag-iyak. "Hindi ka ba nasaktan? Wala bang masakit sayo?"
Humiwalay siya sa akin at ininspeksyon. Tinitignan kung mayroon akong sugat o bugbog. Nanlaki ang mga mata niya ng makita ang bakas ng hiwa sa leeg ko dala ng punyal na itinutok ko doon.
"Anong nangyari dito? Kinagat ka ba ng bampirang iyon? Halika at gagamutin natin."
"Hindi ako kinagat, Ma. At mas lalong hindi niya ako sinaktan," walang buhay kong turan.
"Mabuti na lamang at dumating kami sa oras kung hindi ay baka nahu--"
"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na hindi niya ako sasaktan?" singhal ko kay tiya.
"Isa siyang bampira, Yueno. At kahit bali-balikrarin mo man ang mundo ay bampira pa rin siya. Pumapatay ng mga inosente," balik nito sa akin.
Lalong nag-init ang ulo ko. "Hindi lang bampira ang pumapatay ng inosente. Kayo rin."
Nakita kong natilihan si Mama. Gulat ang nakarehistro sa mga mata niya. Hindi ko naman na hinintay na sumagot si tiya. Agad akong tumakbo papunta sa kwarto ko saka ini-lock ang pinto.
Ayoko silang makausap. Ayoko silang makita. Hindi ba nila naiintindihan ang mga sinasabi ko? O baka hindi nila ako naririnig. O kaya naman ay iba ang lenggwaheng lumalabas sa bibig ko sa tuwing sinasabi ko sa kanila na hindi ako kayang saktan ni Kieran. Mahirap bang intindihin iyon? Ganoon ba kalalim ang galit nila sa mga bampira at makakita lamang sila ng isa, kahit hindi lumalaban sa kanila ay papatayin na nila. Kung ganoon naman pala ay ano pa ang pinagkaiba nila sa mga bampira?
Ibinagsak ko ang katawan sa kama at duon ibinuhos lahat ng nararamdaman ko. Galit, takot, pag-aalala. Paulit-ulit na bumabalik sa ala-ala ko ang mukha ni Kieran habang pinapahirapan ng mga mages na iyon. Naramdaman ko ang pag-agos ng luha sa pisngi ko na siyang ring bumabasa sa unan. Pakiramdam ko ay parang tumatarak sa puso ko ang bawat sugat na tinatamo ni Kieran. Na tila tumatagos sa akin ang bawat talim noon. At ang pinakamasakit pa ay wala man lang akong nagawa.
Muli kong isinubsob sa unan ang mukha ko kaya't lalong nabasa iyon ng bumulwak ang panibago yugto ng mga luha.
"Kieran!"
Humahangos na napabangon akong bigla sa kama. Akala ko totoo na. Basang-basa ng luha ang aking pisngi at pawis na pawis ang aking katawan. Nasapo ko ang ulo at muling naluha. Ramdam ko na ang pamamaga ng mga mata ko. Bangungot na naman.
Naroon na naman ako sa karimlan at walang tigil sa paglalakad hanggang sa biglang lumitaw si Kieran mula sa kung saan. Nang lalapitan ko na siya ay unti-unti naman siyang lumalayo. At sa paglayo niya tila may kung anong tumatama sa kanya at nag-iiwan iyon ng sugat. Para bang katulad iyon ng nangyari. Binilisan ko pa ang pagtakbo para sana maabutan siya pero sa kung anong dahilan ay hindi ko pa rin siya maabutan. Ramdam ko ang pag-agos ng luha sa pisngi ko pero hindi ko na iyon inintindi. Basta takbo lang ako ng takbo habang pilit siyang inaabot.
Nanlaki ang mata ko nang makitang bigla nalang may bumulwak na dugo sa tagiliran niya. Natakot ako para kay Kieran pero wala akong magawa. Kahit bilisan ko ng takbo ay wala pa ring nangyayari. Nanghihina na rin ako at nauubusan na ng lakas. Dahil sa panghihina ng tuhod ay nadapa ako. Masakit iyon pero mas masakit na wala man lang akong magawa kundi ang isigaw ang pangalan niya. Ni hindi ko man lang siya mahawakan. Mas lalo akong nilukob ng takot ng unti-unting nilalamon ng kadiliman si Kieran. Iniangat pa niya ang isang kamay na tila ba humihingi ng tulong. Kahit nanginginig na ang tuhod sa pagod ay pinilit kong tumayo at tumakbong muli papunta sa kanya. Hilam na ng luha ang mga mata at nanlalabo na ang paningin pero mas nanlabo iyon nang kung kailan maaabot ko na ang kamay ni Kieran ay saka ito tuluyang nilamon ng kadiliman. Doon na ako nagising.
Hindi na ako lumabas ng kwarto buong araw. Nakaupo lamang ako sa may bintana habang pinagmamasdan ang pagbuhos ng ulan. Maghapon na rin kasing umuulan na tila ba dinadamayan ako sa kalungkutan. Hindi ko rin maialis sa isip ko si Kieran. Hindi ako matahimik sa pag-aalala sa kanya. Gustong-gusto kong malaman kung maayos lang ba ang lagay niya, kung may gumagamot ba sa kanya, kung malalim ba ang naging sugat niya. Pero heto ako, nakakulong at nakatulala sa ulan.
Salit-salitan naman ang pagkatok si Mama at tiya pero hindi ko sila sinasagot. Wala akong balak na sagutin ni isa sa kanila mas lalo na si tiya. Malinaw pa sa ala-ala ko kung paano akong nagmakaawa sa kanya pero hindi niya ako pinakinggan. Para tuloy akong teenager nito na pinagbawalang makita ang kasintahan kaya nagkukulong sa kwarto.
Ang bigat kasi sa pakiramdam iyong nagmamakaawa na ako na huwag nilang saktan si Kieran pero naging sarado ang tainga niya. Sumama ang loob ko dahil sa ginawa niya. Kaya hindi ko pa siya kayang harapin.
"Yue," mahinang tawag mula sa pinto. Boses iyon ni Oswald.
Marahil ay humingi na ng tulong sila Mama para kausapin ako. Pero maging kay Oswald ay masama ang loob ko.
"Maaari ba akong pumasok?"
Hindi pa rin ako sumagot. Bahala siya sa kung anong gusto niyang gawin.
"Papasok na ako."
Hinayaan ko na lamang siya. Pakiramdam ko ay nagtago na sa kung saan ang boses ko at wala ng lumabas kahit na maliit na tinig.
Narinig ko ang paglangitngit ng pinto pero hindi ko siya nilingon. Wala akong balak. Nanatili lamang sa labas ang tingin ko. Nakikiramdam lang ako sa gagawin niya. Maging ng lumakad siya palapit sa akin ay pinabayaan ko lang. Ngunit bago pa man siya makalapit ay huminto na siya. Mabuti naman.
Lumangitngit ang kama, tanda na naupo ito doon. Lumipas ang ilan pang sandali ay nanatili lamang siyang tahimik. Marahil ay tinatantya niya ang magiging reaksyon ko sa kung anong sasabihin niya.
"Kamusta ka na?" maya-maya ay untag niya.
Hindi ako sumagot.
"Kumain ka na ba?" tanong ulit niya.
Hindi pa rin ako sumagot.
"Nagugutom ka ba? Gusto mo bang ikuha kita ng makakain?"
Tahimik pa rin ako.
"Ang sabi ng Mama mo at ni guro ay hindi ka pa raw lumalabas ng kwarto mo magbuhat kagabi. Nag-aalala na sila sa iyo."
Alam ko iyon pero talagang hindi ko lang mapilit ang sarili kong pakiharapan sila ngayon.
"Nag-aalala na rin ako, Yue. Natatakot ang Mama at tiya mo na baka minanipula ka na ng bampira na iyon kaya't ganito ang nangyayari sa iyo."
Naikuyom ko ang kamao sa sinabi niya pero nanatili pa rin akong tahimik.
"Yu--" Marahil ay nakita niya ang pagkuyom ng kamao ko kaya't hindi na niya itinuloy ang sasabihin.
"Mahal mo ba ang bampira na iyon?" may bahid ng lungkot sa tanong niya. "Nakita ko kung gaano mo siya pinrotektahan ng mga oras na iyon. Na kahit buhay mo ay kaya mong itaya para sa kaniya. Ganoon mo ba siya kamahal?"
Oo. Ganoon ko siya kamahal para ialay ko ang buhay ko mailigtas lang siya.
"Alam mo bang mahigpit na ipinagbabawal ang relasyon sa pagitan ng mages at bampira?"
Hindi ako isang mage. Pero mage si Mama. Ibig sabihin ba noon ay isa rin akong mage? Natigilan ako. Kung ganoon ay mariing ipinagbabawal iyon noong panahon na iyon. Si Mama at si Cassius.
"Anak ka ng isang mage, Yue, kaya't isa ka na ring mage. At sakop ka ng restriksyong iyon. Ang kaibahan nga lang ay ikaw ang Dovana," pagpapatuloy ni Oswald. Bumuntong hininga pa ito bago nagpatuloy. Animo ay nahihirapan sa sasabihin. "Pero kapag pala talagang mahal mo ang isang tao ay gagawin mo ang lahat para sa kanya."
"Alam mo bang natakot ako noong pagbalik ko ay bigla kang nawala. Sinubukan kitang hanapin kung saan-saan pero hindi kita makita." Bahagya itong natawa. Gusto ko sana siyang patigilin sa sasabihin niya dahil alam ko na ang patutunguhan noon pero hindi ko magawang maibuka ang bibig ko.
"Akala ko nga ay mababaliw na ko sa kakaisip kung saan ka maaaring magpunta. Halos malibot ko ang buong bayan kakahanap sa iyo pero hindi kita makita. Nagpa-panic na ako noon, takot na takot na baka kung napaano ka na. Kaya't nang dumating sila guro at ang Mama mo ay sinabi ko agad ang nangyari sayo. Mainam nalang at ginamitan ka ng tiyahin mo ng tracking spell ng hindi mo nalalaman. Noon namin napag-alamang dinukot ka ng isang bampira. Nagtataka man kami kung paanong nakapasok sa Magji ang bampirang iyon ay hindi na muna namin inintindi sa halip ay tinipon namin ang mga sundalong Magji at pinuntahan ka."
Lumipas pa ang ilang sandali bago siya muling nagsalita. "Akala ko noon ay wala na akong takot. Na naubos na dahil na rin sa lahat ng napagdaanan kong pagsasanay pero nang makita kita kaharap ang bampirang iyon na nakayuko sa harap mo at animo'y kakagatin ka na ay noon ko lang nakilalang muli ang salitang takot. Hindi ko na nakontrol ang sarili kong magpakawala ng spell. Pero nang makita kita kung paano mo pinrotektahan ang bampirang iyon, pakiramdam ko ay gumuho ang lahat ng pag-asa ko."
"Kahit ayaw mong magsalita o kausapin ako ay sasabihin ko na ito. Mahal kita, Yueno. Kahit sa sandaling panahon na magkasama tayo ay nahulog agad ang loob ko sayo. Na maski sa kabila ng nakita kong pagpapahalaga mo sa bampirang iyon ay hindi nagbago ang pagtingin ko para sayo, Yue. Sa halip ay mas tumindi pa iyon."
Lumangitngit muli ang kama, marahil ay tumayo na ito. Kinabahan ako ng maramdaman ko siyang lumapit sa akin ngunit hindi ko pa rin siya nilingon. Sa halip ay mas itinago ko ang mukha sa kaniya. Ayokong tumingin sa mga mata niya. Alam kong mabait na tao si Oswald, at ramdam ko ay sinseridad sa mga sinabi niya pero ayokong makita ang damdaming naroon sa mga mata niya. Naging mabuti siya sa akin at ayokong saktan ang damdamin niya.
Para akong nabato sa kinauupuan ng maramdaman kong hinalikan niya ako sa ulo. Alam kong nanlalaki ang mga mata ko pero hindi ako gumalaw. Hinayaan ko nalamang siya.
Maya-maya pa ay naramdaman ko nalang ang paglayo niya at ang paglangitngit naman ng pinto. Marahil ay lalabas na siya.
"Sa ngayon ay aalis na muna ako, Yue. Ngunit kung sakali mang hindi pa ako huli, gusto ko sanang pag-isipan mo pa rin ang sinabi ko. Maghihintay pa rin ako sayo."
Iyon lang at narinig ko na ang pagsara ng pinto. Napabuga ako ng hangin na hindi ko namalayang pinipigalan ko pala. Ramdam ko na ang pagtingin ni Oswald noong una palang pero binalewala ko lang iyon. Sa kabila ng kaalamang iyon ay nakipaglapit pa rin ako sa kaniya. Hindi ko man lang inisip ang mararamdaman niya. At ngayong nagtapat na siya ay ayoko namang saktan ang damdamin niya. Parang gusto kong iuntog ang sarili ko. Napakatanga ko. Dapat noong umpisa palang ay nilayuan ko na si Oswald pero hindi ko ginawa. Sa kagustuhan kong sumaya, ngayon ay makakasakit na naman ako ng iba.
Sa sobrang frustration ay naisubsob ko nalang sa mga braso ang ulo ko.
Hindi pa naglilipas ang sandali ay may kumatok na naman sa pinto. Napaangat ang ulo ko at nakita ko ang pagsilip doon ni Mama. Nasa mga mata niya ang pag-aalala. Napabuntong-hininga na naman ako. Sa pagmumukmok ko ay heto na naman at pinag-aalala ko na naman si Mama. Hindi pa man din siya nakakaahon sa pagkamatay ni Kirius, ngayon naman ay pinag-aalala ko na naman siya.
"Maaari ba akong pumasok, anak?"
Hindi ako sumagot pero tumuloy pa rin siya. Nakatingin lamang ako sa kanya ng dire-diretcho siyang naupo sa tabi ko.
"Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan niyo ni Oswald," aniya na nasa paanan ang tingin. Para siyang nag-aalinlangan sa sasabihin niya. Gusto ko sanang itanong ang tungkol sa sinabi ni Oswald kanina na ipinagbabawal ang pakikipagrelasyon sa mga bampira pero nag-aalinlangan din ako.
Humugot pa ito ng hininga bago nagsalita. Para bang nag-iisip pa siya kung itutuloy niya ang sasabihin o hindi.
"Alam mo ba kung ano ang pinakamabigat na desisyong ginawa ko sa buong buhay ko, anak?" Mariin pa niya akong tinignan pagkasabi noon.
Nakatitig lamang ako sa kaniya. Kita-kita ko ang samu't saring emosyong naroroon sa mga mata niya. Pag-aalinlangan. Pag-aalala. Lungkot. Panghihinayang. Malamlam ang mga mata niyang nananatiling nakatunghay sa akin. Lagi nalang siyang malungkot. Kailan ko na nga ba siya nakitang masaya? Iyong saya na masasalamin sa mga mata niya at hindi iyong pilit lamang.
"Iyon ay ang talikuran ang lalaking pinakamamahal ko."
Hindi ko alam kung ano ang iisipin at mararamdaman ko sa mga sinabi ni Mama. Hindi ko rin malaman kung makikinig pa ba ako o hindi. Kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin. Alam kong si Cassius ang unanng lalaking minahal niya pero ang lalaking pinakamamahal? Hindi ba't si Papa iyon?"Ikinuwento ko na sa iyo ang tungkol sa amin ni Cassius pero hindi ko nabanggit sa iyo na siya ang lalaking pinakamamahal ko. Hindi ko na iyon binanggit dahil natatakot akong isipin mo na pinagtataksilan ko ang Papa mo. Pero hindi. Nanatili akong tapat sa Papa mo."Tama nga ako ng hinala pero nabibigla pa rin ako sa sinasabi niya. "Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin ang lahat ng ito, Ma?"“Nang sinabi ni Arsellis na dinukot ka ng mga bampira ay na
"Sa nakikita ko sa mga mata, Yueno, may palagay akong may alam ka sa mga iyon. Don't stick your nose too much, Yue. Baka hindi mo alam ang pinapasok mo," may himig ng pagbababala sa tinig nito."Too late, tiya. I already did.""Huwag mo nang ituloy, Yue. Malaking pader ang babanggain mo," matigas na saas niya.Natahimik ako. Iyon din ang sinabi sa akin ni Kieran. "Sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo tiya."Bigla itong tumayo kaya't naalarma agad ako. Nasa mukha niya ang pagtutol. "Hindi. Mukhang nagkamali ako ng sabihin ko sa iyo ang tungkol sa mga Cayman. Kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata mo, Yue. At iyang determinasyon mong iyan ang papatay sa iyo," anito saka umiling. "Hindi ko hahayaang magdusa na naman ang kapatid ko sa pagkamatay ng isa pang anak."Iyon lamang at dire-dir
Tahimik sa buong kabahayan at mukhang umalis si tiya at Mama kaya kinuha ko ang pagkakataon para makapasok sa study room ni tiya. Mag-isa lamang ako sa bahay ngayon. Hindi na naman dumating si Ada at si Oswald naman ay kaaalis lang. Naiilang pa rin ako kapag kasama si Oswald pero pinipilit ko pa ring baliwalain.Sa totoo lang ay speechless ako noong sinabi niyang ipagpapatuloy daw niya ang pagmamahal niya sa akin. Tututol pa sana ako para sa huli sinabi rin niyang hayaan ko nalang daw siya. Kaya hayun at magkasama na naman kami. Hindi ko alam kung paanong pakikitungo ang gagawin ko noong una ngunit sinabi rin niya sa akin na tulad lang din daw ng dati. Mukha siyang okay pero nasisiguro kong may lungkot pa rin siyang itinatago sa loob. Alam ko namang hindi magiging madali iyon lalo pa at magkasama na naman kami. Pero magiging panandalian nalang iyon dahil babalik na ako sa ma
Galit ang unang rumehistro sa mukha ni tiya nang marinig ang sinabi ko. Kumuyom din ng mariin ang kamao niya na bukod sa pinipigil na galit ay tila nagpipigil din sa kung anong maaari nitong gawin."Kasalanan ko din ito," maya-maya ay saad niya. "Alam ko nang delikado sila kay Cassius pero wala man lang akong ginawa."Hinamas ko ang likod nito para iparating ang simpatya. Kung ako man ay sinisisi ko rin ang sarili ko sa naging pagkamatay ni Kirius. "Huwag mong sisihin ang sarili mo, tiya. Walang may gusto sa mga nangyari.""Hindi, Yue. Masyado akong nagpakakampante na hindi sila gagalawin ng mga Cayman dahil sa mga Älteste. Hindi ko man lang naisip may kakayahan si Cassius para manipulahin ang mga pangyayari."
“Pero tiya--”“Tama na, Yue,” matigas na sabi ni tiya Arsellis na ngayon ay nakaupo na sa likod ng lamesa niya. “Napagkasunduan na rin namin dalawa na hindi na makikialam pa sa isa’t isa kaya tigilan mo na. Nakapagdesisyon na kami. Isa na ako ngayon sa mga elder mage na namamahala sa bayang ito, kaya tama na ang mga pantasya. Masyado na kaming matatanda para sa ganoong mga bagay.”Nagitla ako sa naging reaksyon niya. Hindi ko inaasahang tatalikuran na lamang niya ang pagmamahalan nila ngayong may pag-asa na.“Kung ikaw na ang namamahala, ibig sabihin ay may kakayahan ka ng baguhin ang mga baluktot na pamamahala ng nakaraang mga elder mage. Bakit hindi mo subukang baguhin iyon?”“Hindi iyon ganoon kadali, Yue. Masyadong komplikado para usisain mo pa. Sapat na ang mga sinabi ko sa iyong i
Mabigat ang pakiramdam ko habang nag-aayos ng sarili. Ngayong araw na ako aalis ng Magji. Kanina pa ganito ang pakiramdam ko simula nang gumising ako. Ewan ko ba. Para kasing ayokong umalis. Mabigat ang loob ko. Pati katawan ko mabigat. Parang ayaw kumilos.Saglit ko pang pinagmasdan ang paligid habang nakaupo sa kanto ng kama. Hindi ko maalis sa isip ko si mama. Nag-aalala ako sa kanya. Kagabi ay tinabihan pa niya ako sa pagtulog, baka daw kasi ma-miss ko siya. Pero sa kabila noon ay alam kong labag sa kalooban niyang umalis ako.Kung maaari ko nga lang talikuran ang pagiging Dovana at tumira nalang dito ay matagal ko na sanang ginawa. Kaso hindi pwede. Pakiramdam ko ay para akong may tali sa leeg na at kailangang bumalik sa may-ari. Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko hahayaang tuluyan akong mawalan ng karapatang magdesisyon para sa sarili ko.&nb
Agad na gumapang ang kaba sa kaibuturan ko pagkarinig sa boses na iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay tinig iyon ng babae. Mabilis akong napalingon sa pinanggalingan noon at natagpuan ang mga ilaw sa dingding na isa-isang nagliliwanag at dahan-dahang kumakalat iyon sa bawat sulok ng silid.Hindi ko mapigilang ilibot ang tingin sa paligid ng tuluyan na iyong maliwanagan. Kung titignan mula sa labas ay hindi ko sukat akalaing napakalawak pala sa loob nito. Mula sa napakataas nitong kisame na nasasabitan ng isang napakalaking chandelier hanggang sa naglalakihang mga bintana na natatabingan ng makakapal na kulay maroon na kurtina na siyang nagiging dahilan kung kaya’t hindi makapasok ang sinag ng araw. Sa bandang dulo ng silid ay mayroong hagdan sa magkabilang gilid patungo sa hindi kalakihang aklatan sa taas.Hin
Nakakabingi ang alingawngaw ng pagtawa ng tatlong Szeiah sa buong silid. Napakalakas noon at tila ba may halong pang-uuyam na siyang ikinadiin ng pagkakakuyom ng kamay ko. Nakakasidhi ng galit ang gawi nila ng pagtawa. Pinagtawanan lamang nila ang suhestiyon ko. Para bang gusto nilang iparating na kalokohan lang ang gusto kong mangyari at wala iyong patutunguhan. Mukhang buo na nga ang desisyon nila."Ipagpatawad mo, Dovana Yueno," ani Dario habang nagpupunas pa ng luha sa sobrang pagtawa. "Sadyang hindi ko lamang napigilan ang sarili ko.""Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Usal ko na may bahid ng tinitimping galit.Tumawang muli si Ino. "Mukhang gustong iligtas ng Dovana ang sarili nya," pang-iinis pa nito na tila sinasadyang gatungan
Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t
Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald
*Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.
Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay
*Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi
Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs
*Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun
*Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala
Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso