Parang gusto kong matawa sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Nakatulala lang kasi siya sa akin. Ganoon din ba ang reaksyon ko kanina?
Ilang sandali pa ay nagsimula ng sumungaw ang ngisi sa mga labi nito saka ako hinapit papalapit sa kanya.
"What did you just say?" anito na may ngiti ng tagumpay sa labi. Animo ay para siyang nanalo ng malaking papremyo sa gawi ng pagngiti niya.
Bigla ko tuloy siyang naisipang asarin. Bahagya ko pa siyang itinulak para makagawa ng maliit na distansya. "Sinabi ko na. Wala na akong balak ulitin pa." Sinabayan ko pa iyon ng halukipkip at bahagya pang paglayo sa kanya.
Sa pagkabigla ko ay bigla nalang niya akong hinapit muli palapit sa kanya at sa pagkakataong ito ay maski hangin ay hindi na rin makadaan sa pagitan namin. Nang mabaling sa mga mata nito ang tingin ko ay purong kaligayahan na may bahid ng kapilyuhan ang naroroon. Sinong mag-aakala na ang mga pulang matang iyon ay makikitaan ko ng kaligayahan. O baka naman nakikita ko nalang din doon ang repleksyon ng sa akin.
"Say it again," pangungulit nito.
"Ayoko," pagmamatigas ko dito.
"Hahalikan kita kapag hindi mo inulit."
Panibagong kabog na naman iyon para puso kong walang pagod. Gustuhin ko man ay itatanggi ko pa rin dahil baka akalain niyang gusto ko siyang laging halikan. Na totoo naman.
Tinitigan ko siya sa mata saka hinawakan ang magkabila niyang pisngi. Malamig man iyon ay wala akong pakialam. "I love you, Kieran."
Kitang-kita ko kung paano kumislap ang kasiyahan sa mga mata niya. At kung paano siyang tumitig sa akin na puno ng lambing. Mabilis ako nitong sinunggaban ng isang mabilisang halik sa labi, sa ilong, sa noo, sa pisngi. Napahagikgik naman ako sa ginawa nito.
Sobrang saya ko. Sa sobrang sayang nararamdaman ko parang natatakot na akong matapos pa ito. Natatakot na ako sa maaaring maging kapalit ng kasiyahang ito. Parang gusto ko na lang talagang pahintuin ang oras at manatili nalang sa piling niya. Kung maaari nga lang.
Nasa ganoon akong pag-iisip nang walang sabi-sabi niya akong buhatin saka siya mabilis na kumilos. Hindi ko naman na nakita kung ano ang sunod niyang ginawa dahil ipinikit ko nalang ang mga mata at mahigpit na nangunyapit sa balikat nito.
Saglit lamang iyon. Huminto na rin siya sa paggalaw ngunit nanatili akong nakapikit. Pakiramdam ko kasi ay nasa mataas kaming lugar at kahit nakapikit ako ay ramdam ko ang pagkalula. Maging ang malakas na hangin ay tila nagsasabing nasa ganoon nga kaming sitwasyon.
"Open your eyes, tesoro," malambing na sabi nito.
Ano daw? Toro? Mukha ba akong toro? Napadilat ako at napatingin dito. Nasalubong ko ang seryoso niyang tingin sa akin. Nagtaka naman akong bigla dahil wala akong makitang kalokohan doon. Magkagayon man ay hindi ko napigilang taasan ito ng kilay. Para yatang pinagloloko ako nito.
"Anong toro?" angil ko dito.
Napatanga nalang ako ng bigla itong tumawa. Lalo tuloy siyang gumwapo sa paningin ko. Tumigil lang ito nang mapansin akong nakatingin sa lang kanya. Ngunit hindi rin niya sinagot ang tanong ko sa halip ay naupo habang kalong ako nito sa bisig niya.
Wala naman talaga akong balak ilingap ang tingin sa paligid ngunit hindi ko na iyon naiwasan. Napahigpit ang kapit ko kay Kieran ng agad na makaramdam ng lula. Hindi nga ako nagkamali ng maramdamang nasa mataas kaming lugar dahil heto kami sa sanga ng pinakamalaking at pinakamataas na punong mayabong na nakatayo malapit sa parang. Nakaupo siya sa isang malaking sanga na halos nasa tuktok na ng puno. Nahihilo man sa pagkalula ay hindi ko maiwasang humanga sa ganda ng papalubog na araw. Kulay kahel iyon na animo ay parang apoy na naglalagablab sa langit. Napakaganda nitong tignan. Ngayon ko lang na-realize na napakarami palang magaganda sa mundong ito na naghihintay lang matuklasan.
"D'you like it?" bulong nito.
Napatango lang naman ako habang nakatingin pa rin sa araw. Maya-maya pa biglang tumayo si Kieran at saka umayos ng pwesto. Muntik pa akong mapasigaw ng ibinaba niya akong bigla. Sa sobrang takot na mahulog ay hindi ako bumibitaw sa kanya. Tatawa-tawa lang naman siya habang umaayos ng upo sa tabi ko. Nang makapwesto ay agad din akong hinapit at isinandal sa kanya. Nakaharap na ako ngayon sa papalubog na araw. Bigla naman akong may naalala.
"Hindi ba kayo nalulusaw sa sikat ng araw?" takang tanong ko saka tumingala sa kanya. Sa tinagal-tagal kong kasama ang mga bampira ay ngayon ko lang talaga naisipang itanong ang bagay na iyon.
Ngumiti ito sa akin saka hinalikan ako sa noo. "No. That was only in books nowadays, tesoro," anito habang hinahagod ang buhok ko. Ayun na naman yung toro. "It was centuries ago, when there was still peace between different creatures, Mages decided to create an unbreakable spell that will protect vampires from the rays of the sun."
Napaangat ang ulo ko sa pagkakasandal sa kanya. "Kung ganoon ay dati ng magkakasundo ang iba't ibang nilalang? Bakit nagkaroon ng gulo? Anong nangyari?"
"Long story," anito habang mataman pa rin akong tinitignan. "But to make the story short, a pack of blood traitors caused harm on both sides. Creating chaos that leads to a bloody war."
"Sino ang mga blood traitors?"
"Nobody knows. The Älteste have been searching all over the world for centuries but no traces of them. But there's one thing I know off." Bigla akong kinabahan ng tila ba naging madilim ang anyo niya. “Cayman’s were all behind this.”
"Paano mo nasabi?” takang tanong ko. Naalala ko nang hingin ko ang tulong ng mga Cayman para hanapin si Kieran, buhay man o patay. Agad akong nakaramdam ng guilt habang nakatingin sa mga mata nito. Kailangan kong sabihin iyon sa kaniya.
“Noong gabi bago ako maikulong ay nakita ko si Cassius sa palasyo. Hindi ko nakita kung sino ang kausap niya dahil nakatago iyon pero naririnig ko ang pinag-uusapan nila. At tungkol iyon sa Dovana, Yue. Nabanggit din nila ang tungkol sa Papa mo. “
Tama nga ang hinala ko noong una palang. Hindi ako nagkamali ng kutob. “A-anong nalaman mo?”
“Ipinasunog ni Cassius ang katawan ng papa mo kaya hindi na iyon na-recover pa. Pati ang gamit na dala-dala nito noong panahong tatakas ang papa mo. Marahil ay nalaman nito ang plano nila sa mga Dovana kung kaya’t napagdesisyunan nilang iligpit ang papa mo. Sila ang may gustong magpapatay sa mga Dovana, Yue.”
Pakiramdam ko ay biglang nagsikip ang dibdib ko sa mga impormasyong sinabi ni Kieran. Tanggap ko na ang pagkamatay ng Papa pero ang kaalamang ipinasunog siya ay parang gusto kong magwala. Gusto ko silang sugurin. At sunugin. Iparamdam sa kanila ang sakit na naramdaman ni Papa. At kung hindi ako nagkakamali ay baka ininom pa nila ang dugo niya. Nagpuyos lalo ang kalooban ko sa naisip at naikuyom ang kamao.
“Ngayon ay ako naman ang isusunod nila.”
“I’ll never let that happen,” anito saka ako ipinaharap sa kanya. “Whatever happens Yue, I will never let you die. Never, tesoro.” Hinalikan akong muli nito sa ulo saka niyakap..
Bahagyang napanatag ang loob ko sa mga halik at yakap ni Kieran. Kung sabagay ay sa kanya nalamang ako nakakaramdam ng kaligtasan. Na walang makakapanakit sa akin hangga’t naririto siya.
Muli kong inangat ang ulo ng maalala ko ang mga tulong na hiningi ko sa mga Cayman. Kahit nagdadalawang-isip ay ipinagtapat ko pa rin. Karapatan niya iyong malaman. “Kieran, I'm sorry,” hingi ko ng tawad. Nagawa kong magbawi ng tingin dito dahil hindi ko makayanang sabihin iyon ng direkta sa kaniya. “Ka-kahit na nagdududa ako noon sa mga Cayman ay nagawa kong humingi ng tulong sa kanila dahil sa sobrang galit ko. I’m so sorry. Hindi ko sinasadya.”
“What did you do?” takang tanong nito.
“I a-ask them to catch you, dead or alive,” saad ko na parang hindi ko na maituloy. Nangilid ang mga luha ko. Gusto kong maiyak sa sobrang guilt na nararamdaman ko ngayon at sa lungkot na nakikita ko sa mga mata ngayon ni Kieran. “I’m so sorry. Hindi ko sinasadya. Masyado akong nabulagan ng galit ko. I’m sorry. I’m so sorry.”
Ilang sandali itong hindi umimik na lalong nagpakaba sa akin. Natatakot man sa kung anong sasabihin niya ay wala akong magagawa kung tuluyan na siyang magagalit sa akin. Kung mas pipiliin na niyang lumayo sa akin ngayon. Ramdam ko ang pagkirot ng puso ko sa isipin magkakalayo kaming muli pero kasalanan ko naman iyon. Basta-basta na lang akong gumawa ng desisiyon na hindi man lang iniisip kung tama ba iyon o hindi.
Napayuko ako. Hindi ko na naman mapigilang bumagsak ang mga luhang walang patid na umaagos sa pisngi ko at siyang bumabasa sa damit ko.
“Ku-kung nagagalit ka man at gu-gugustuhin mo ng lumayo sa akin, tatanggapin ko,” humihikbing sabi ko nang hindi lumilingon sa kanya.
Nagulat ako ng maramdaman ko ang paghaplos niya sa buhok ko kaya mabilis akong napalingon dito. Lalo akong napaiyak ng makitang hindi galit ang nasa mga mata niya kundi pag-unawa. Nang marahil ay hindi siya makuntento ay kinabig niya na ako palapit sa kaniya. Patuloy pa rin niyang hinihimas ang buhok ko na tila pinapakalma ako noon sa pag-iyak.
“I understand, tesoro,” bulong nito. “I know how much you love your brother and I can’t blame you for that. Gusto kong malaman mong nasaktan ako sa ginawa mo pero hindi ako lalayo. Ayoko ng lumayo sayo, Yue.”
Hindi na ako nakapagsalita. He loved me so much to understand and forgive me even if I wanted him dead by then. Parang mas lalo kong gustong maiyak. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at agad na yumakap sa kanya. Mas mahigpit kaysa kanina. Mas mahigpit kaysa sa mga yakap na ibinigay ko sa kanya dati. I want to convey my love for him through this hug. I know I don’t deserve this love but I will always be thankful to God for giving me Kieran. I’ve been through pain and despair but He still blessed me.
“I don’t deserve this love,” anas ko.
“Heto na naman ba tayo sa usapang iyan?” may paninita sa boses ni Kieran ngunit hindi ko naman inintindi.
“You deserve everything, My lady,” malambing na sabi nito.
Ilang sandali pa ay tumahan na rin ako. Madilim na sa paligid pero nanatili pa rin kami sa tuktok ng puno. Kitang-kita ko tuloy ang bilog na buwan sa maaliwalas na kalangitan. Wala namang tigil si Kieran sa paghimas ng buhok ko. Mukhang nakakagawian na rin niya iyon. Tahimik lang din siya at hindi nagsasalita kaya’t nanahimik nalang din ako habang ang isip ko ay kung saan-saan na nakakarating. Pinagmumunihan ang mga bagay-bagay. Ngayon ko lang napag-isip-isip na may maganda rin palang naidulot sa akin ang pagiging Dovana. At iyon ay nang makilala ko si Kieran. Things may have gotten worse but him beside me, things became bearable.
Habang inaalala ko ang mga nangyari ay naalala ko ang nangyaring gulo sa mansyon ng mga Cayman. Nagbangon ako mula sa pagkakasandal at tumingin sa kaniya.
“I lost my necklace,” saad ko sa kanya.
Sa pagtataka ko ay mukha naman siyang hindi nagulat. “I know,” sagot nito at bahagyang tumindig ng upo.
Naguluhan naman ako.”Why'd you always know everything about me?” kuryosong tanong ko.
Tumitig pa ito ng matiim bago ako sagutin. “Because I’ve been with you ever since.”
“What?” naguguluhan pa ring tanong ko.
“I’ve been watching you since you were little, tesoro. I am an assassin and I was ordered to kill the Dovana’s offspring.” Nahigit ko ang hininga at hindi mapigilang kung ano-ano ang isipin pero gusto ko pa rin siyang pakinggan. Ilang sandali pa bago siya magsalitang muli. “Binantayan kita mula pagkabata, Yue, hanggang sa magsimula kang mag-aral. Nandoon ako sa may eskwelahan, sa labas, sa bahay niyo. Napakarami kong pagkakataon noon na patayin ka pero hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit. I even got a hold on your brother back then when he fell from a tree trying to save a bird from falling off its nest. Hahayaan ko nalang sana siyang mahulog noon, but the look on your face back then makes me do something that’s not supposed to happen. If you could only see your face back then,” tatawa-tawa pa ito habang tila inaalala ang mga nangyari. Naglaho naman na lahat ng agam-agam ko at napalitan agad iyon ng pagkapahiya.
“Pero bakit hindi ko matandaang ikaw ang nagligtas sa kaniya?” takang tanong ko kahit na medyo naiinis.
“Because I erased your memories.”
“Y-you can erase memories?”Tumango ito. “That was the only memory I wiped out of Kirius but the most were yours.” hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya. “Nagsimula iyon nang isang beses kang maka-encounter ng isang pack ng rogue. Maliit ka pa noon and you were on a camping trip. Sa pagkakatanda ko ay girls scout nga ba ang tawag doon? Whatever you call that. Late night na iyon at sa kung anong dahilan ay bigla ka nalang lumabas ng tent nyo. Hindi ka napansing lumabas ng mga teachers kaya’t walang nakakaalam na umalis ka. Aalis na dapat ako noon dahil ipinapatawag daw ako ng amain ko pero ng makita kitang nag-i-sleep walking ay masyado akong natuwa sa pinaggagawa mo kaya pinanood muna kita. Until you came to your senses and started crying. Takbo ka ng takbo sa kung saan-saan, naghahanap ng daan pabalik pero paikot-ikot ka lang. Pinag-iisipan ko pa kun
Agad akong sinalubong ng yakap ni Mama nang makarating kami sa bahay. Sa higpit ng yakap niya ay nakasisiguro akong masyado siyang nag-alala. Kung sa bagay ay kamamatay lang ni Kirius, marahil ay natakot din niya para sa akin.Gumanti ako ng yakap kay Mama para iparamdam na hindi na niya kailangan pang mag-alala. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang mga nangyari. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko maialis ang nararamdaman kong galit sa mga mages. At mula ng dumating kami ay hindi ko pa rin kinakausap si tiya. Maging si Oswald ay sinusubukan akong lapitan pero lumalayo ako. Hindi ko kasi alam kung paanong pakikitungo ang gagawin ko sa kanila.Sa makailang beses na nagmakaawa akong itigil na nila ang pananakit kay Kieran ay hindi sila tumigil. Kung alam lang nila kung paano nila unti-unting dinud
Hindi ko alam kung ano ang iisipin at mararamdaman ko sa mga sinabi ni Mama. Hindi ko rin malaman kung makikinig pa ba ako o hindi. Kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin. Alam kong si Cassius ang unanng lalaking minahal niya pero ang lalaking pinakamamahal? Hindi ba't si Papa iyon?"Ikinuwento ko na sa iyo ang tungkol sa amin ni Cassius pero hindi ko nabanggit sa iyo na siya ang lalaking pinakamamahal ko. Hindi ko na iyon binanggit dahil natatakot akong isipin mo na pinagtataksilan ko ang Papa mo. Pero hindi. Nanatili akong tapat sa Papa mo."Tama nga ako ng hinala pero nabibigla pa rin ako sa sinasabi niya. "Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin ang lahat ng ito, Ma?"“Nang sinabi ni Arsellis na dinukot ka ng mga bampira ay na
"Sa nakikita ko sa mga mata, Yueno, may palagay akong may alam ka sa mga iyon. Don't stick your nose too much, Yue. Baka hindi mo alam ang pinapasok mo," may himig ng pagbababala sa tinig nito."Too late, tiya. I already did.""Huwag mo nang ituloy, Yue. Malaking pader ang babanggain mo," matigas na saas niya.Natahimik ako. Iyon din ang sinabi sa akin ni Kieran. "Sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo tiya."Bigla itong tumayo kaya't naalarma agad ako. Nasa mukha niya ang pagtutol. "Hindi. Mukhang nagkamali ako ng sabihin ko sa iyo ang tungkol sa mga Cayman. Kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata mo, Yue. At iyang determinasyon mong iyan ang papatay sa iyo," anito saka umiling. "Hindi ko hahayaang magdusa na naman ang kapatid ko sa pagkamatay ng isa pang anak."Iyon lamang at dire-dir
Tahimik sa buong kabahayan at mukhang umalis si tiya at Mama kaya kinuha ko ang pagkakataon para makapasok sa study room ni tiya. Mag-isa lamang ako sa bahay ngayon. Hindi na naman dumating si Ada at si Oswald naman ay kaaalis lang. Naiilang pa rin ako kapag kasama si Oswald pero pinipilit ko pa ring baliwalain.Sa totoo lang ay speechless ako noong sinabi niyang ipagpapatuloy daw niya ang pagmamahal niya sa akin. Tututol pa sana ako para sa huli sinabi rin niyang hayaan ko nalang daw siya. Kaya hayun at magkasama na naman kami. Hindi ko alam kung paanong pakikitungo ang gagawin ko noong una ngunit sinabi rin niya sa akin na tulad lang din daw ng dati. Mukha siyang okay pero nasisiguro kong may lungkot pa rin siyang itinatago sa loob. Alam ko namang hindi magiging madali iyon lalo pa at magkasama na naman kami. Pero magiging panandalian nalang iyon dahil babalik na ako sa ma
Galit ang unang rumehistro sa mukha ni tiya nang marinig ang sinabi ko. Kumuyom din ng mariin ang kamao niya na bukod sa pinipigil na galit ay tila nagpipigil din sa kung anong maaari nitong gawin."Kasalanan ko din ito," maya-maya ay saad niya. "Alam ko nang delikado sila kay Cassius pero wala man lang akong ginawa."Hinamas ko ang likod nito para iparating ang simpatya. Kung ako man ay sinisisi ko rin ang sarili ko sa naging pagkamatay ni Kirius. "Huwag mong sisihin ang sarili mo, tiya. Walang may gusto sa mga nangyari.""Hindi, Yue. Masyado akong nagpakakampante na hindi sila gagalawin ng mga Cayman dahil sa mga Älteste. Hindi ko man lang naisip may kakayahan si Cassius para manipulahin ang mga pangyayari."
“Pero tiya--”“Tama na, Yue,” matigas na sabi ni tiya Arsellis na ngayon ay nakaupo na sa likod ng lamesa niya. “Napagkasunduan na rin namin dalawa na hindi na makikialam pa sa isa’t isa kaya tigilan mo na. Nakapagdesisyon na kami. Isa na ako ngayon sa mga elder mage na namamahala sa bayang ito, kaya tama na ang mga pantasya. Masyado na kaming matatanda para sa ganoong mga bagay.”Nagitla ako sa naging reaksyon niya. Hindi ko inaasahang tatalikuran na lamang niya ang pagmamahalan nila ngayong may pag-asa na.“Kung ikaw na ang namamahala, ibig sabihin ay may kakayahan ka ng baguhin ang mga baluktot na pamamahala ng nakaraang mga elder mage. Bakit hindi mo subukang baguhin iyon?”“Hindi iyon ganoon kadali, Yue. Masyadong komplikado para usisain mo pa. Sapat na ang mga sinabi ko sa iyong i
Mabigat ang pakiramdam ko habang nag-aayos ng sarili. Ngayong araw na ako aalis ng Magji. Kanina pa ganito ang pakiramdam ko simula nang gumising ako. Ewan ko ba. Para kasing ayokong umalis. Mabigat ang loob ko. Pati katawan ko mabigat. Parang ayaw kumilos.Saglit ko pang pinagmasdan ang paligid habang nakaupo sa kanto ng kama. Hindi ko maalis sa isip ko si mama. Nag-aalala ako sa kanya. Kagabi ay tinabihan pa niya ako sa pagtulog, baka daw kasi ma-miss ko siya. Pero sa kabila noon ay alam kong labag sa kalooban niyang umalis ako.Kung maaari ko nga lang talikuran ang pagiging Dovana at tumira nalang dito ay matagal ko na sanang ginawa. Kaso hindi pwede. Pakiramdam ko ay para akong may tali sa leeg na at kailangang bumalik sa may-ari. Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko hahayaang tuluyan akong mawalan ng karapatang magdesisyon para sa sarili ko.&nb
Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t
Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald
*Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.
Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay
*Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi
Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs
*Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun
*Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala
Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso