Share

DEVASTATION

Author: MD Rosario
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Agad na nilukob ng takot at kaba ang pagkatao ko ng huminto ang butler sa harap ng isa na namang malaking pinto. Alam kong sa likod ng malaking pinto na ito ay nasa likod ang pinakamakapangyaring nilalang sa kanilang uri. 

Pilit kong pinatatapang ang sarili dahil ayokong makita ni Kirius na natatakot ako pero hindi ko mapigilan. Panandaliang nawala sa isip ko ang tunay na dahilan ng pagpunta namin dito dahil sa ganda ng lugar at sa hindi sinasadyang engkwentro ko kay Thana. Sayang at maganda pa naman ito. Kung hindi nga lang maldita. Tingin ko ay may malalim itong pinaghuhugutan para magpakita ito ng ganoong pag-uugali. Isa pa ay wala naman akong naaalalang nakita o nakasalubong man lang ito dati.

"The Ältestes are waiting for the Dovanas," anunsiyo ng butler saka yumuko sa amin.

Napahugot ako ng malalim na hininga ng tila nag-slow motion sa pagbukas ang pinto at dahan-dahan noong itinambad sa amin ang isang napakalaking bulwagan. Katulad sa labas ay mataas din ang kisame noon at kinasasabitan ng mga naggagandahang chandelier. Napapalibutan din ang lugar na iyon ng mga naglalakihang bintana na siyang tanging pinagmumulan ng liwanag at sa dulo noon ay mayroong mahabang platapormang kinatitirikan ng apat trono. 

Gusto ko pa sanang i-appreciate ang lugar kung hindi lamang iyon natatabunan ng malakas na presensiya ng apat na lalaking nakatayo sa dulong bahagi ng silid. Ramdam ko ang pangangatog ng tuhod ko habang hindi ko maialis ang tingin sa mga iyon. Malayo palang ang ramdam ko na ang mabigat na atmosphere sa loob. 

Ayoko pa sanang pumasok pero iminuestra na ng butler na maaari na kaming pumasok. Pinanindigan ko na talagang isa siyang butler. Hindi rin kasi siya nagpakilala. 

Naunang maglakad si Alaric bago kami sumunod ni Kirius. Nang tignan ko si Kirius ay kita ko ang talim sa mga mata niya. Hindi ko man lang makitaan ng kahit katiting na takot sa mukha ang kapatid ko. Siguro ay ganoon katindi ang nararamdaman niyang galit sa mga ito. Bigla akong nahiya sa sarili ko. Heto ako't nanginginig sa takot samantalang siya ay buo ang loob na haharapin ang mga nilalang na di hamak ay mas malakas sa kanya. Nakaramdam ako ng paghanga sa kapatid ko. Siguro nga ay kailangan ko siyang gayahin at buong loob na harapin ang mga nilalang na siyang pinagmulan ng lahat.

"Welcome Dovanas," bulalas ng ikalawang lalaking nasa gawing kaliwa. 

Huminto si Alaric ng may ilang metro sa harap ng mga ito kaya't napahinto na rin kami. Sa panggigilalas ko ay bigla itong yumukod na tila ba mga hari iyon na kailangang magbigay galang. Ganito ba talaga ito katataas? Naikuyom ko ang kamao. Kung inaasahan nilang yuyuko kami sa harap nila ay nagkakamali sila. 

Pinasadahan ko ng tingin ang mga ito. Una iyong natuon sa mga mata nitong katulad ng kay Kieran. Pulang-pula ang mga iyon. Sa malapitan ay hindi ko sukat akalaing ganito kagugwapo ang mga Älteste. They all looked so proud and dashing debonairs. Smiling like there's nothing wrong in the world. But I couldn't be deceived with such explicit looks and remarks. They were all wolves in silk clothing. 

Diretcho lamang kaming nakatingin sa mga ito. Maya-maya pa ay nakangiti pa ring bumaba sa trono ang isa sa mga iyon at lumapit sa amin. 

"You may rise, Alaric. You don't have to vow like that every time you meet us," anito na tinapik pa ang balikat ni Alaric saka lumapit sa akin. "You must be Yueno ang Kirius?" 

Tumango lang ako. Hindi ko maialis ang tingin sa mga mata nito. Naaalala ko kasi doon si Kieran na pilit ko namang inaalis sa isip ko. I don't know what abilities they possess. If they can read minds, they might know about him. I need to be extra careful.

Inabot nito ang isang kamay. "It's so nice to meet Arthur's offspring."

Ramdam ko ang natigilan si Kirius nang mabanggit ang pangalan ni Papa. Nagdadalawang isip man ay napilitan na rin akong abutin ang kamay nito. Bilang pagpapakita na rin sa kapatid kong kailangan niyang kalmahin ang sarili niya.

"I hope you have a safe ride coming here. Oh! How bad of me. Let me introduce myself first. I am Idris Morelli," dire-diretchong litanya nito. Hindi ko alam pero may nakikita akong sinseridad sa mga kinikilos nito. Para bang totoo ang mga iyon. "In the middle is Elyxald Von, on his right is Deandro Cohen, and on the left is Baldik Sullivan."

Kung ganoon ay ito pala ang ama ni Thana. Kung sabagay ay hindi sila nagkakalayo ng wangis ng mukha. 

"Narinig namin na inatake daw ng rogue ang bahay ng mga Cayman," ani Idris na lumingon pa sa gawi ni Alaric. Yumuko nalang naman ang huli. "Hindi ka ba nasaktan?"

Agad naman akong kinabahan sa sinabi nito. Malalaman kasi ni Kirius iyon. Hindi ko na ipinaalam pa sa pamilya ko ang nangyaring insidente noong nakaraang gabi dahil ayokong mag-alala ang mga ito. 

"Hindi naman. Nanduon naman si Alaric at ang mga Cayman para iligtas ako," sagot ko habang lihim na nananalangin na sana ay hindi na nito uriratin ang mga nangyari. 

"Nagustuhan mo ba Yueno ang munti naming hardin sa harap?" untag ng ipinakilalang Deandro. 

"A-a oo," magkandautal na sagot ko. Hindi ko alam kung paano ko sila sasagutin. Nakaka-intimidate ang presensya nila to the point na nakakailang makipag-usap sa kanila. "Maganda."

"Natutuwa naman kami at nagustuhan mo iyon," anas ng ama ni Thana. "Araw-araw iyong dinidiligan at tini-trim ng aming hardinero."

"Gusto ka sana naming imbitahang manirahan dito Yueno, at kung maaari ay pati na rin si Kirius, kung inyong gugustuhin," ani Elyxald.

Natigilan ako sa narinig. Ramdam kong ganoon din ang dalawang lalaki sa magkabilang gilid ko. Hindi ako makapaniwalang aalukin ako ng mga ito. Kung ganoong ay ito talaga ang dahilan kung bakit nila kami pinapapunta dito. Para alukin ng paninirahan sa palasyo. Gusto nilang pati si Kirius ay isama ko dito. Hindi ba nila iniisip ang mama ko?

"Kung dito kami titira, paano ang Mama namin?" diretchahang tanong ko. Were they taking my mother for granted? Napakuyom ang kamao ko. 

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang naging reaksyon ng mga Älteste bago sumagot si Idris. "Of course, you can bring your mother here with you."

Ilang sandali pa akong nanahimik pero bago oa man din ako makasagot ay naunahan na ako ni Kirius.

"We're not staying here with you," matalim na sagot ng kapatid ko. Naalerto akong bigla dahil baka hindi iyon magustuhan ng mga Älteste.

"Pasensya na pero ayos na sa akin ang manirahan kasama ang mga Cayman," segunda ko. "Tutal ay ako naman ang tumatayong Dovana at hindi ang kapatid ko, mas mabuti ng ako nalang ang masangkot sa gulong ito. Nananatili naman silang ligtas hanggat ako ang Dovana. Isa pa ay gusto ng pamilya ko ang mamuhay ng normal at tahimik kaya't mainam na doon nalamang sila sa bahay. Maraming salamat sa alok nyo." Sinamahan ko pa iyon ng ngiti.

Napalitan ng blankong ekspresyon ang mukha ng tatlo sa trono ngunit nanatiling mainit ang pakikitungo ni Idris. Nakangiti pa rin ito sa akin sa kabila ng pagtanggi ko. Naalala ko ang bilin ni Cassius na huwag kokontrahin ang Älteste dahil magdudulot iyon ng kapahamakan. Pero huli na. Nakatanggi na ako sa kanila.

"Kung ganoon ay, kung hindi ka namin mapipilit ay wala kaming magagawa. Hangad lang namin ang iyong kaligtasan," saad ni Idris.

"Ipagpatawad nyo po ang aming kapabayaan," paumanhin bigla ni Alaric saka yumukod muli.

"How can you be so reckless?" galit na sigaw ni Elyxald dito. "You put the Dovana's life in danger."

Nakita ko kung paanong nanigas sa kinaluluhuran si Alaric. Kinabahan akong bigla. Ganito ba nakakatakot ang Älteste? Magsasalita na sana ako ngunit naunahan naman ako ni Deandro.

"Oh, please, Elyxald. Stop shouting. You might scare them," awat ng Deandro dito.

"But Elyxald is right, Deandro," gatong ni Baldik sa umiinit na usapan. "Kung hindi biglang nawalang parang bula ang mga rogue ay hindi natin alam kung makakaharap pa natin ang Dovana tulad ngayon."

"Please, gentlemen, stop arguing in front of the Dovanas," putol ni Idris sa mga ito. "Don't show such rude behaviors of yours in front of them. That's disrespectful. You may rise, Alaric, there's no point in apologizing. It's good enough to know that nobody got hurt. I'm sorry, Yueno, Kirius, for witnessing such attitudes of these brutes. Perhaps, we prepared lunch for you. If you happen to have to spend the night here, don't hesitate to inform us. We can offer you a comfortable place. The night is too dangerous for you. Forgive us but you may take your leave. Thank you for accepting our invitation," dire-diretchong turan nito. "Esteban," tawag nito. Agad namang sumulpot ang lalaking nagdala sa amin dito kanina. "Please take them to the dining hall and attend to their needs. Thank you."

Agad naman kaming tumalima sa tinawag na Esteban at lumabas na sa silid. Agad akong napabuga ng hininga ng tuluyang maisara ang pinto noon. Hindi ko inaasahan na marunong palang magpasalamat ang Älteste. O si Idris lamang iyon. Mukhang mainitin ang ulo ng Elyxald at Baldik. Mukha ring mabait si Idris. Pakiramdam ko masyado ko silang hinusgahan. 

Maggagabi na pero nagpumilit pa rin akong umuwi. Ayaw rin kasi ni Kirius na doon magpalipas ng gabi. Kanina lamang ng dalhin kami ng butler sa hapagkainan ay ayaw na niyang kumain at ang gusto ay umalis na agad. Tila kasi sinisilihan ang pwitan nito hanggat nagtatagal kami doon. Pero napilit ko parin itong magtagal hanggang sa makakain kami. Dinahilan ko nalang na nagugutom na ako kaya marahil ay pumayag na ito. Nagdududa kasi ito na baka daw may halong lason ang ihahaing pagkain sa amin. Hindi ko naman siya masisisi kung matindi ang pagdududa nito. Mainam nalamang at sinegundahan ko siya kanina dahil kung hindi ay baka di na kami makalabas doon ng buhay.

Katakot-takot namang sermon ang inabot ko dito ng ipinaliwanag ko ang nangyari sa mansyon ng nagdaang gabi. Nagpumilit din itong umiwi na ako pero pinangatwiran ko nalang na ayoko silang madamay sa gulong ito.

Takip-silim na ng makalabas kami sa compound ng Palazzo. Nang sulyapan ko iyon ay sadya ngang bagay ang pangalan nito dito. Isa nga pala iyong palasyo mula sa labas. Napakaganda nitong tignan sa labas. Kung hindi lang puro bampira ang nakatira doon. 

Hindi pa kami nakakalayo sa palasyo ay bigla akong kinutuban ng hindi maganda sa hindi ko malamang dahilan. Nang mapansin ko si Alaric ay kunot na kunot ang noo nito at halatang hindi rin ito mapakali. Kinabahan ako. Ganito rin ang naramdaman ko noong huli kong nakasama si Lenora. Noong panahong inatake kami ng napakaraming rogue. 

Gumapang ang takot sa kaibuturan ko. Ayos lamang sana kung kami lang ni Alaric. Ang problema ay kasama pa namin si Kirius. 

Napasigaw ako ng biglang yumugyog ang sinasakyan namin kotse. 

"Anong nangyayari?" alalang tanong ni Kirius. 

"Rogues," pagkasabi ko noon ay isa-isang nagsilabasan ang mga rogue sa harapan namin. Humaharang sa dadaanan namin. 

"Masama ito. Marami sila," ani Alaric na tumingin sa labas kaya't napalingon din ako.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang napakaraming pulang matang nangingibabaw sa kadiliman ng gabi. Napakarami noon at kahit saan ako malingon ay mayroon nagtatago sa dilim.

"Anong gagawin natin Alaric?" natataranta ng tanong ko. Natatakot ako, hindi para sa sarili ko kundi para kay Kirius. 

"You'll drive and I'll distract them."

"No! Ganoon na ang ginawa ni Lenora, Alaric. Hindi na ako makapapayag na ganoon din ang gawin mo.

"But that's the only way."

"No. Bakit hindi tayo humingi ng tulong sa Älteste?"

Napasigaw akong muli ng kumalog na naman ang sasakyan. Sa pagkakataong iyon ay nakita namin ang paggulong ng isang rogue galing sa bubungan ng kotse.

"They're here." 

"Who?" tanong ni Kirius na aligaga na rin sa likod.

"Palazzo's army."

Lumingon ako sa labas para tignan ang sinasabi nito. Nakahinga ako ng maluwag ng makumpirma iyon. Nahagip ng mata ko ang mga puting parang kidlat sa bilis na humahawi sa mga rogue na ngayon ay nagsisipaglabasan na sa dilim. 

Ngunit naging panandalian lamang iyon ng makita ko kung gaano karami ang rogue na naroon. Di hamak na mas marami iyon sa bilang ng army na dumulog sa amin. 

"Alaric."

Agad namang napansin iyon ni Alaric. Mas binilisan pa nito ang pagmamaneho ngunit biglang may mga rogue na sumulpot sa harapan namin. Napasigaw na lamang ako at napakapit sa upuan at sa dashboard ng kabigin ni Alaric pakaliwa ang manibela. Para kaming nasa rides ng umikot-ikot ang kotse. Muntik na akong masubsob sa dashboard ng bigla itong humampas sa kung saan. 

Pakiramdam ko ay parang pinaghapasan ang katawan ko dahil sa impact ng pagbangga noon. Nahihilo man ay una kong hinagilap si Kirius. Nang masiguro kong ayos lang ito ay saka ko pa lamang binalingan si Alaric na mukha namang maayos din ang lagay ngunit namumula na ang mga mata nito. Naglaho na naman ang abuhin nitong mga mata. 

"Saan ka pupunta?" tanong ko dito. Hinawakan ko pa ito sa braso ng akmang lalabas ito ng kotse.

"I'll prevent them from getting near the car," sagot nito saka ako tinignan ng pula nitong mga mata. 

Narinig kong napasinghap si Kirius pero hindi ko na iyon inintindi. Hindi ito ang tamang panahon para magpaliwanagan. "Delikado, Alaric."

"Mas malalagay kayo sa peligro kung mananatili ako rito. Isa pa ay hindi na gagana ang kotse dahil sa natamo nitong damage."

Noon ako napatingin sa harapan ng kotse at agad na nanlumo sa nakita. Kuping ang halos kalahati noon at maging ang makina nito ay kulang nalang sa lumuwa.

Nabitawan ko ang braso ni Alaric ng biglang yumugyog na naman ang sasakyan dahilan para makalabas ito ng mabilis at tunguhin ang dahilan noon. Nakita ko siya sa labas na nakikipagbuno sa mga rogue. Two at a time.

"Lock the door," pasigaw na utos nito pa nito. Ngunit bago ko mapindot ang lock noon ay may sumulpot na rogue sa gilid ko at pilit na binubuksan ang pinto. 

Buong lakas akong nakipaghilahan doon pero huli na nang matanggal nito ang pinto at mahila ako palabas. Napabitaw ako doon at humampas sa malapit na puno. Bumagsak akong padapa sa lupa at hindi agad makabangon sa sakit ng katawan.

"Ate!" 

Narinig ko pang sigaw ni Kirius. Nang tignan ko ito ay nakikipagbuno na ito sa rogue na naghagis sa akin. Natakot ako sa nakita kaya inipon ko ang lahat ng lakas para makatayo.

"Yue," sigaw ni Alaric mula sa malayo. Hindi nito magawang makalapit dahil sa dalawang rogue na nakakapit dito. 

Narinig kong sumigaw si Kirius. Inihagis din ito ng rogue at katulad ko ay humampas din ito sa puno dahilan para mawalan ito ng malay. 

"Kirius! Kirius!"

Pinilit kong tumayo at sa kabila ng pangangatog ng tuhod ay nagawa ko iyon. Ngunit hindi pa man din ako nakakalapit kay Kirius ay nakatayo na ang rogue sa paanan nito. Nanggilalas ako sa nakita ng hawakan nito sa leeg si Kirius at parang papel na itinaas. 

"Huwag! Huwag ang kapatid ko," pagmamakaawa ko doon habang dahan-dahang lumalapit sa kanila. Agad na nag-unahan ang mga luha ko sa pagbagsak. Kita ko pang napadaing ang kapatid ko dahil sa pagkakasakal nito. "Parang awa mo na, huwag ang kapatid ko. Ako nalang."

Sa lalo kong pangingilabot ay ngumisi ito ng nakakatakot. Saka biglang nawala sa harapan ko. Abot-abot ang takot sa dibdib ko na halos magpanginig sa kalamnan ko. 

"Kir! Kir!" sigaw ko. "Kirius!"

Mabilis akong tumakbo papasok sa mapunong parte doon. Hindi alintana ang masasakit na pagkawit ng mga sanga ng halaman doon. Tumakbo ako ng tumakbo habang isinisigaw ang pangalan ni Kirius. Ang kapatid ko. Parang awa nyo na. Huwag ang kapatid ko. Kahit magkandarapa ako sa pagtakbo ay hindi ko iniintindi. Wala akong pakialam kahit paglabas ko rito ay puro na ako sugat at latay basta ang mahalaga ay makita kong buhay ang kapatid ko. Hilam na ng luha ang mga mata ko at nanlalabo na ang paningin ko pero diretcho lang ako. I know it's not their nature to spare lives but please just this one. Please. Not Kirius. 

Malapit na ako sa bukana ng kagubatang iyon ng may makita akong pigura ng lalaki sa di kalayuan. Umusbong ang pag-asa sa puso ko at abot-abot ang panalangin ko habang papalapit na ako doon. Sana ay ligtas si Kirius. Please. Please.

Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo ko nang madatnan doon ang lalaking ilang araw ko ng hindi nakikita. Madilim ang mukha at diretchong nakatitig sa akin. Agad na nanlambot ang tuhod ko at nawalan ng gana. Napaupo akong bigla at tila ba papanawan ng ulirat. Lalo akong napahagulgol nang makita ang mga bakas ng dugong mula sa kagubatang pinanggalingan ko papunta sa kinatatayuan ng lalaking iyon hindi kalayuan sa akin. Ramdam na ramdam ko ang tila kamay na bakal na unti-unting dumurog sa puso ko. Bakit siya pa? Bakit? Ang lalaking kinasasabikan kong makita sa nakalipas na araw ngayon ay buhat-buhat ang duguan at walang buhay kong kapatid.

Related chapters

  • The Vampire's Tale   VENGEANCE

    "Yue," boses iyon ni Mama.Kanina pa nila ako binubulabog ni Alaric pero ni isa sa kanila ay hindi ko sinasagot. Ayoko munang makipag-usap kahit kanino. Kahit kay mama. Ilang araw na ang nakakalipas pero nananatili pa ring malinaw sa ala-ala ko ang nangyari. At sa tuwing maaalala ko iyon, hindi ko mapigilang mapaluha.Ang sakit. Sobrang sakit makitang namatay sa harapan mo ang taong mahalaga sa iyo. Iyong unti-unti siyang pinapatay. At kahit anong subok kong iligtas siya ay wala akong magawa. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sobrang lungkot. Na tila nilulunod na ako noon at wala na akong balak umahon pa."Yue," bakas ang lungkot sa boses ni Mama. "kausapin mo naman si Mama."Lalo

  • The Vampire's Tale   SKELETONS

    Hindi naging madali para sa akin na kumbinsihin si Mama na tumuloy sa mansyon ng mga Cayman. Abot-abot ang pamimilit ko sa kaniya mapapayag lang siya pero naging matigas siya. Ayoko rin naman iwan ang pamamahay na ito dahil dito kami lumaki pero hindi ko kayang iwanan siya dito.Sa bawat sulok ng bahay ay nagpapaalala sa akin kay Papa at lalo na rin kay Kirius. At sa tuwing maaalala ko iyon ay hindi ko mapigilang mapaluha. Alam kong ganoon din ang nararamdaman ni Mama pero kailangan naming umusad. Kailangan naming magpatuloy sa buhay. Alam kong hindi madali. I know it may sounds unfair, pero ayokong manatiling malungkot dahil alam kong hindi rin iyon magugustuhan nila Papa at Kirius kapag nalaman nilang narito pa rin kami at nangangapa sa dilim. Baka kung nandito lang sila ay sinermonan na ako ng mga iyon dahil hindi ko mapilit si Mama.

  • The Vampire's Tale   MAGJI

    Habol-habol ko ang hininga at nanlalaki ang mga mata nang bigla ko nalang maramdaman ang mga paa kong nakatapak na sa lupa. Nakahinga ako ng maluwag habang pinakikiramdaman ang sarili. Bahagya akong nakaramdam ng pagkahilo. Pakiramdam ko ay hinigop ako ng isang wormhole saka biglang iniluwa kung saan. Was that magic? Pero, wala akong magic.Agad akong napatingin sa katabi ko. Hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ako sa isang braso. Maalaiwas na ang mukha niya ngayon kumpara kanina. Kakaiba rin ang ngiti nya habang pinagmamasdan ang paligid. Ngayon ko lang ulit nakitang ganito kasaya si Mama."Welcome to Magji, Yue," sabi ni Mama.Nang balingan ko ng tingin ang tinitignan nito ay hindi ko mapigilang humanga sa lugar. Napakaaliwalas noon tignan na pakiramdam ko ay safe ako sa lugar na ito. Na walang bampirang

  • The Vampire's Tale   EERIE

    Pipikit-pikit pa ang mata ko ng maisipan kong bumaba sa kusina. Magmumuni-muni pa sana ako kaya lang ay kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko. Tahimik pa sa buong kabahayan kaya nakasisiguro ako na mga tulog pa ang mga tao ng makarating ako sa kusina. Masyado pa rin naman kasing maaga. Kung hindi ako nagkakamali ay alas kuwatro palang ng madaling araw kaya may kadiliman pa sa labas.Agad kong nayakap ang sarili ng umihip ang malamig na hangin. Nang hanapin ko ang pinanggagalingan ng hangin ay nakita ko ang bintanang nakabukas sa may sala. Maganda ang bahay ni Arsellis. Gawa lamang iyon sa kahoy pero napakaganda noon. Simple lamang ngunit puno ng mga makukulay na dekorasyon na lalong nagpapaganda sa bahay. Ang ilang kagamitan pa niyang kahoy ay nauukitan ng iba't ibang disenyo. Pero ang pinakapaborito ko sa lahat ang ang hagdan nito. Tuwang-tuwa kasi ako sa kakaibang style noon na

  • The Vampire's Tale   OSWALD GUILERT

    "Yue," narinig ko ang pagsigaw ni Ada mula sa taas.Well, hindi naman ganoon kataas ang binagsakan ko, sadyang masakit lang sa balakang ang naging pagbagsak ko. Idagdag pa ang pagkapahiya ng makita ng lalaking nasa harapan ang naging pagbagsak ko."Yueno, ayos ka lang?" humihingal na tanong ni Ada na sumulpot sa pagitan ng mga halaman sa itaas."Yueno pala ang pangalan mo," ani ng gwapong lalaki saka umupo sa harapan ko.Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko sa gawi ng pagtingin niya. Nakakahiya at nakita niya ang pagbagsak ko. Pakiramdam ko tuloy ay gusto ko ng magpalamon sa lupa.Maya-maya pa ay naroon n

  • The Vampire's Tale   VINDICATION

    Hindi dumating ngayong araw si Ada. Marahil ay nainis na rin siguro sa akin. Ilang araw ko na kasi siyang kinukulit dahil palagi nalang akong bumubuntot sa kaniya. Noong una ay iniiwasan pa niya ako pero hindi ko rin siya tinantanan hanggang sa pumayag na rin siya. Pero ngayon ay parang hindi na niya ako nakayanan. Hindi rin naman siya nagpaalam na hindi siya darating ngayon. Napag-alaman ko rin nitong nakakaraan na apprentice pala siya ni tiya Arsellis kaya lagi siyang narito. Maging si Oswald ay ganoon din kaya mukha silang malapit sa isa’t isa.Sina tiya Arsellis at Mama naman ay umalis. Ang sabi ay may aasikasuhin lamang daw na importante. Nang tanungin ko naman sila ay hindi naman nila sinabi. Mukhang may inililihim na naman sa akin ang dalawang iyon. Hindi ko tuloy maiwasang magduda dahil naglihim na rin kasi sila noong nakaraan.

  • The Vampire's Tale   NOSTALGIA

    Hindi ko sukat akalain na mangyayari pa ang bagay na ito pagkatapos ng lahat ng sakit at pighating pinagdaanan ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin patid sa pagkalabog ang puso ko. Para akong nananaginip. Parang bang napakahirap paniwalaan pero heto kami ngayon. Magkasabi. Magkatabi. Magkayakap.Ramdam ko ang maya't mayang paghagod ng malakas na pintig ng puso ko sa bawat paghalik ni Kieran sa ulo ko. Nakasandal siya sa isang puno roon habang ako naman ay nasa pagitang ng mga braso niya't nakasandal sa matipuno niyang dibdib.Pilitin ko mang itanggi pero ramdam ko pa rin ang galak sa puso ko nang muli kong maramdaman ang init ng yakap niya. Pakiramdam ko ay muling nabuhay ang damdaming inakala kong patay na.Ayoko pang maniwala sana sa kaniya. Per

  • The Vampire's Tale   VERACITY

    Parang gusto kong matawa sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Nakatulala lang kasi siya sa akin. Ganoon din ba ang reaksyon ko kanina?Ilang sandali pa ay nagsimula ng sumungaw ang ngisi sa mga labi nito saka ako hinapit papalapit sa kanya."What did you just say?" anito na may ngiti ng tagumpay sa labi. Animo ay para siyang nanalo ng malaking papremyo sa gawi ng pagngiti niya.Bigla ko tuloy siyang naisipang asarin. Bahagya ko pa siyang itinulak para makagawa ng maliit na distansya. "Sinabi ko na. Wala na akong balak ulitin pa." Sinabayan ko pa iyon ng halukipkip at bahagya pang paglayo sa kanya.Sa pagkabigla ko ay bigla nalang niya akong hinapit muli palapit sa kanya at sa pag

Latest chapter

  • The Vampire's Tale   EPILOGUE

    Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t

  • The Vampire's Tale   END OF THE BEGINNING

    Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald

  • The Vampire's Tale   BARE

    *Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

  • The Vampire's Tale   A SILENT RIVAL

    Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay

  • The Vampire's Tale   AWAKENING OF THE TRUTH

    *Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi

  • The Vampire's Tale   TREACHERY

    Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs

  • The Vampire's Tale   UNDYING

    *Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun

  • The Vampire's Tale   MISCONCEPTION

    *Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala

  • The Vampire's Tale   UNVEIL

    Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso

DMCA.com Protection Status