Lulan kami ngayon ng sasakyan ni Alaric pabalik sa mansyon. Ilang araw na din kaming na-delay bago makabalik sa manyon. Ayaw kasi ni Alaric na ibiyahe agad ako gayong kagagaling ko palang kaya't nagpalipas muna kami ng ilang araw.
Hindi na rin naman namin napag-usapan ni Alaric ang nangyari nang nagdaang gabi. Noong gabing una ko siyang nakitaan ng kahinaan. Hindi na rin iyon naulit. Siguro ay ayaw nalang din niyang maalala iyon. Siya namang ayon sa akin. Pakiramdam ko kasi ng gabing iyon ay magtatapat siya ng nararamdaman niya para sa akin. Hindi ko naman maiwasang iyon ang isipin dahil iyon ang nakaguhit sa mga mata niya ng mga oras na iyon.
Mainam na lamang at hindi niya iyon sinabi kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko. O sasabihin ko. Natatakot akong malaman na baka may nararamdaman na siya para sa akin. Kung ganoon ay mapipilitan akong magsinungaling sa kaniya dahil hindi ko rin pwedeng sabihin ang tungkol kay Kieran.
Nasaan lupalop na kaya ang damuho na iyon? Ilang gabi na siyang hindi nagpapakita. Marahil ay nangangalap ng impormasyon o di kaya ay nakita kami ni Alaric ng gabing iyon. Inakala niya na naghahalikan kami, nasaktan siya kaya't hindi na muling nagpakita. Natigilan ako sa naisip saka napailing.
"May problema ba?" untag ni Alaric.
Marahil ay napansin niya ang bigla kong pag-iling. "W-wala," sagot ko saka sinamahan ng mahinang pagtawa. "Hindi ba nagalit si Cassius dahil na-delay tayo ng uwi?" pag-iiba ko sa usapan.
"Why would he? Wala naman siyang magagawa kung magkasakit ka. Tao ka pa rin naman," sagot nito saka ngumisi.
Nginisian ko lamang din siya. Akala yata nito ay maiinis niya ako. Balik na ulit kami sa kulitan. Mas gusto ko na ang ganito kaysa magkaroon ng lamat ang pagkakaibigan namin.
Ilang sandali pa ay nakalabas na kami sa maingay na siyudad. Kahit papaano kapag matagal kang nalayo ay nakaka-miss din ang ingay nito. Pati ang normal na buhay.
Malayo palang kami ay natatanawan ko na ang mansyon. Parang bumigat ang kalooban ko. Babalik na naman ako sa lugar na nagpapaalala sa akin na lahat ng desisyon at kilos ko ay maaaring magdulot ng kamatayan sa nasa paligid ko.
Isinandal ko ang ulo ko sa salamin saka napaisip sa mga bagay-bagay. Ngayon ko lang napag-isip-isip na napakakomplikado pala ng buhay ni Papa noon. Kailangan niyang lumayo sa pamilya niya at humarap sa naka-ambang na panganib. Panganib na dala ng mga rogue at ng mga nilalang na gusto ring patayin ang Dovana. Speaking of rogue, parang matagal na silang hindi umaatake. Marahil ay napagod na rin sila.
Nang makarating kami sa lugar kung saan kami hinabol noon ng mga rogue ay hindi ko mapigilang mapalingon sa paligid. Mukhang wala namang kakaiba roon. Hindi ko alam pero iba ang kutob ko. Masyado kasing tahimik.
"Alaric," tawag ko sa pansin nito habang nananatiling nasa labas ang tingin ko.
"Yes?"
"Masyadong kalmado," ani ko. "I mean, masyadong tahimik. Parang hindi maganda?"
"Napapraning ka lang," anito na sinabayan ng pagtawa. "Masyado mo na namang pinag-iisip ang sarili mo."
"Ewan ko. Nagtataka kasi ako. Matagal ng hindi umaatake ang mga rogue."
"Kami man ay nagtataka sa biglang pananahimik ng mga rogue," seryosong sagot nito.
Kung ganoon ay matagal na pala nila iyong napapansin. Bakit nga ba hindi ko napansin agad iyon. Naging masyado akong okupado. Isa pa ay naging abala rin ako sa maraming bagay. "Bakit kaya?"
"Hindi ko rin masabi kung bakit bigla silang nanahimik. Pero, hindi ba't maganda na rin iyon?"
Napatango naman ako. "Maganda nga iyon. Kung wala silang binabalak na hindi maganda."
Magtatakip-silim na nang makarating rin kami sa mansyon. Wala namang pinagbago dito. Maganda pa rin. At mga bampira pa rin ang nakatira. Kung sabagay ay ano pa ba ang aasahan kong pagbabago gayong ilang araw lang naman akong nawala.
Ipinagbukas pa ako ni Alaric ng pinto bago bumaba ng sasakyan. Napaka-gentleman talaga nito. Hindi ko tuloy maiwasang hangaan ito. Hindi naman siguro masama iyon kahit na may Kieran na ako. Paghanga lang naman. Wala ng ihihigit pa iyon.
Agad akong nagdiretcho sa kwarto. Wala akong balak na makisalamuha sa ibang Cayman. Bago ako umakyat ay natanawan ko pa ang miyembro ng pamilya nila sa kusina. Nakapagtatakang hindi nandito ulit sila gayong tapos na ang pagdiriwang nila. Hindi naman sa ayaw kong nandito sila, panatag kasi ang loob ko kapag maghapon silang wala dito.
Pagpasok ko sa kwarto ay hindi na ako nag-abalang magbukas pa ng ilaw. Medyo nasasanay na rin naman ako sa dilim. Nagbihis ako agad saka dumiretcho sa paghiga. Minsan nakakasawa na rin ang ganito. Nakakulong sa isang bahay kasama ang mga nilalang na walang ibang dala kundi pasakit at kamatayan. Namimiss ko na tuloy si Kieran. Nakalimutan na kaya niya ako kaya hindi na siya nagpupunta? Kung bakit kasi hinayaan kong halikan niya ako. Paano ko naman siya pipigilan kung ganoong binibigyan niya ako ng hangin? Kung pipigilan ko naman siya ay malulunod ako. Sa inis ay isinubsob ko ang mukha ko sa kama.
Agad din iyong napa-angat ng makarinig ako ng mga nagkakahulog na gamit. Hindi ko na sana iyon papansinin dahil baka aksidente lamang iyong nalaglag ngunit naulit iyon ng makailang beses. Doon ay naalarma na ako. Madali akong tumayo sa pagkakahiga saka lumapit sa pinto. Nag-aaway ba sila kaya nagkakabasag ang mga gamit? Bahagya ko iyong binuksan para sana ay masilip kung anong nangyayari pero walang kahit na sino. Tuluyan na akong lumabas ng makarinig muli ng ingay. Tinungo ko ang hagdan at nagbabaka-sakaling makakita ng kahit na sinong pwede kong pagtanungan.
Natulos ako sa kalagitnaan ng hagdan nang biglang may sumulpot na rogue sa harapan ko. At hindi lang iyon nag-iisa. Tatlo sila. Mabilis na gumapang ang takot ko sa katawan ko. Paanong nakapasok ang mga rogue dito? Sa pagkakaalam ko ay takot ang mga ito sa mga Cayman. Agad kong naisip na bumalik nalang sa kwarto pero kung gagawin ko iyon ay maaari akong makulong doon. Isa pa ay siguradong madali nila akong mahahabol kung tatakbo lamang ako. Mas mabilis sila sa akin. Sa pagkakataong ito ko kailangan si Kieran pero hindi ko siya maaaring hingan ng tulong. Pumasok sa isip ko si Alaric. Nasaan kaya ito. Kung sisigaw ako ay maaari iyong mag-trigger sa kanila para dambahin ako. Anong gagawin ko? Bigla akong nakaranig ng mga ungol ng tila mga galit na hayop at muling pagkasira ng mga gamit. Nang matingin ako sa ibaba ay nagkalat ang mga basag na gamit. Mga sirang upuan at lamesa. Pati ang mga portrait ay mga sira-sira na sa sahig. Nagkalat din doon ang katawan ng mga rogue na wala nang buhay.
Tila naman mga bulang biglang nawawala ang bawat miyembro ng pamilya Cayman habang nakikipambuno sa mga rogue na nakapasok roon. Maging ang mga katulong ay mga nakikipaglaban din. Bigla kong naramdaman ang panginginig ng tuhod ko. Ano ang maaari kong gawin para makatakas dito. Ibinalik ko ang tingin sa mga hayok sa dugong nilalang na nasa harapan ko. Unti-unti akong umatras habang hindi nag-aalis ng tingin sa kanila. Pakiramdam ko ay may kakaiba sa kanila na hindi ko mawari kung ano. Sa mata? Hindi. Sa kilos? Marahil. Hindi sila ganoon kaagresibo ngayon hindi tulad noong huli na bigla-bigla nalamang silang susugod. Ngayon ay nakatayo lamang sila sa harapan ko habang tila mga hayop na panay ang angil sa akin. Ano kayang kailangan nila? Ako ba?
Nabaling ang atensyon ko sa kung anong lumipad sa ibaba galing sa kusina. Tumama iyon sa sa dingding at nag-iwan duon ng bakas. Nang bumagsak ito sa lupa ay nakita kong sinugod ito ng isang babae. Si Lenora. Nahigit ko ang hininga at halos bumaliktad ang sikmura nang masaksihan ko ang sunod nitong ginawa. Galit na galit nitong kinagat ang rogue sa leeg saka tila papel iyong pinilas ang balat dahilan para sumulak ang kulay berdeng likido mula roon.
Ang pagkamatay ng rogue na iyon ang tila nagbunsod sa tatlong rogue sa harapan ko para maging agresibo. Parang naging hudyat iyon para atakihin ako. Nang makita ko ang mga itong sumugod ay napaupo na lamang ako doon at wala nang nagawa kundi ang pumikit at sumigaw na lamang habang naghihintay ng katapusan.
Nang hindi ako makaramdam ng kahit ano ay agad akong nagmulat ng mga mata. Natagpuan ko sa harap ko si Alaric na nakikipagbuno sa mga rogue na sumugod sa akin. Narinig ko pa siyang dumaing. Mabilis naman akong napaatras. Hindi ko na rin kayang tumayo dahil wala ng lakas ang mga tuhod ko. Gusto kong maluha ngunit hindi ito ang pagkakataon. Kailangan kong tulungan si Alaric pero paano? Ano ang maitutulong ko?
Nahigit kong muli ang hininga sa nakitang sitwasyon ni nito. Tatlo iyon laban sa isa. Ang isa ay hawak ni Alaric sa ulo, ang isa ay nakakagat sa braso nitong nakasangga sa kalaban at ang isa nakahawak sa leeg niya na animo ay papalipitin iyon. Naalarma akong bigla kaya pinilit kong makatayo. Hindi ito ang panahon para maging mahina. Isa beses pang napadaing si Alaric bago lumingon sa akin. Doon ko namasdan sa unang pagkakataon ang pula niyang mga mata. Nakakatakot ang mga iyon ngunit pilit kong pinatatag ang sarili.
“Run, Yue,” anitong nahihirapan na sa sitwasyon.
Hindi ako tatakbo. Siya nalang ang laging nagliligtas sa akin, ano ba naman iyong ako naman ang magligtas sa kanya sa pagkakataong ito. Mabilis akong naghagilap ng matigas na bagay na maaaring ihampas sa ulo ng kalaban nito ngunit wala akong makita. Kung susugatan ko naman ang sarili ko para makuha ang atensyon ng mga iyon ay nasisiguro kong pati ang mga Cayman ay maaakit din.
Wala na akong choice kundi gawin ang pinakahuling pumasok sa isip ko. Alam kong delikado pero ito nalang ang naiisip kong solusyon. Sa nangangatog na tuhod ay tinakbo ko ang rogue na nakahawak sa leeg ni Alaric saka nangalambitin sa leeg din noon. Nagtagumpay naman ako ng agad iyong napabitaw sa leeg ni Alaric saka pilit akong inaalis sa leeg noon. Para akong nasa rides sa isang amusement park nang iwinasiwas ako nito na parang isang papel. Lalo ko namang hinigpitan ang kapit sa leeg nito upang hindi nito maabot ng bibig ang braso ko.
Narinig ko pa ang pagsigaw ni Alaric sa pangalan ko. Madali naman nitong nalaban ang mga rogue ng makakawala. Nakita ko pa ang galit sa mukha ni niya ng walang awang sinakal ang rogue sa isang kamay lamang. Sa sobrang higpit noon ay nagawa noong putulin ang leeg ng kalaban. Pagkatapos noon ay buong pwersa niyang hinablot ang ulo ng rogue na nakakagat sa braso niya dahilan para humiwalay din ang ulo nito sa katawan. Nanlaki naman ang mata ko nang masaksihan. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Alaric. I just can’t believe what I just saw. Sabagay. Kung tutuusin ay nature nila ang pumatay.
Lalong napahigpit ang kapit ko sa leeg ng rogue ng buong lakas ako nitong iwinasiwas. Para itong asong nauulol. Hindi ko na mapigilan ang mapasigaw. Nanghihina na rin ang mga braso kong nakapulupot dito. Nagulat nalamang ako ng biglang sumulpot sa harap nito si Alaric. Madilim ang mukha at nakamamatay ang mga tingin. Kumabog sa takot ang dibdib ko. Para kasing hindi ako nito nakikita. O nakikilala man lang.
Walang ano-ano’y hinablot niya ang buhok ng rogue saka buong lakas na hinila iyon kaya napugot ang ulo nito. Sa sobrang gulat ko sa ginawa nito ay napasigaw ako. Tila tubig na sumulak ang berdeng likido mula roon kaya’t hindi maiiwasang masabuyan ako noon. Dumausdos na rin ang mga braso kong nakakapit sa leeg noon kaya’t hindi ko na napigilan nang tuluyan akong mahulog. Tila noon lang natauhan si Alaric sa ginawa.
“Yue,” sigaw nito ng sinubukang abutin ang kamay ko ngunit hindi na iyon umabot.
Pakiramdam ko bigla na lamang akong humalo sa hangin bago ko pa maramdaman ang matigas na sementong dapat ay kababagsakan ko. Ramdam ko na may sumalo sa akin. Mabilis kong iminulat ang mata at nasalubong ang mukha ni Mathilde na nakatunghay sa akin. Buhat-buhat niya ako habang nakatayo di kalayuan sa mga tila mga aninong naglalaban. Hindi ko siya nakita sa malapit pero nagawa niya akong iligtas. Kung sabagay ay hindi ko nga sila makita sa sobrang bilis. Hindi na ako nakaimik sa kanya at tumingin nalang din sa mga mata nito. Nababaghan ako sa kung ano ang iniisip niya at mataman siyang nakatingin sa akin.Nang daluhan kami ni Alaric ay saka lamang niya ako ibinaba. Hindi pa man din ako nakakapagpasalamat sa kaniya ay bigla na siyang nawala. Marahil ay nabasa na niya ang isip ko pero gusto ko pa ding sabihin iyon.“Are you alrigh
Mainit na sa labas kaya't minabuti ko ng pumasok sa loob ng bahay. Masakit na sa balat na para bang kapag nagtagal pa ako roon ay masusunog na ang balat ko. Hindi naman ako bampira. Sadya lang hindi ako mahilig magbabad sa init ng araw. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit ako maputi.Kaya ko lang naman naisipang lumabas ay para magpahangin. Hindi kasi ako gaanong nakatulog kagabi dahil pagising-gising ako. Isa pa ay binangungot na naman ako. Ngunit kakaiba ang kagabi. Nababalot pa rin ng kadiliman ang paligid pero sa pagkakataong iyon ay bigla na nalamang iyong nagliwanag. Sobrang liwanag na masakit na sa mata. At sa kung anong dahilan ay tila ba nagmistulang mga lazer beams ang sinag noon. Unti-unti kong nararamdaman ang hapdi at pagkalapnos na nanunoot sa laman. Napadaing ako sa sakit. Pakiramdam ko ay lapnos na ang buong katawan ko. Makalipas ang ilang sandali ay nawala na ang liwanag. Nang muli kong tignan ang pinanggalingan ng liwana
"Ayoko, ate," matigas na sabi ng kapatid ko saka lumabas sa kusina. Mabilis ko naman siyang sinundan. Agad kaming umuwi ni Alaric sa bahay pagkatapos kong banggitin sa kaniya ang tungkol sa imbitasyon na pinadala ng Älteste. Nasiguro ko namang sinabi na ni Mathilde ang bagay na iyon kay Cassius kaya't pumayag agad ito. Nakapagtataka ang gulat sa mga mukha nila ng malamang iniimbitahan ako. Na para bang ayaw nilang makaharap ko ang mga iyon. Bigla kong naaalala ang sinabi ni Kieran tungkol sa loyalty ng mga Cayman. Ang Kieran na iyon. Nagpupuyos ang kalooban ko sa tuwing naaalala ko ang lalaking iyon. Parang gusto ko siyang bugbugin kapag nakita ko siya. Matapos niya akong halikan ay hindi na siya muling nagpakita. Ano iyon? Kiss and run? Napabuntong-hininga ako. Nauwi na naman kay Kieran ang isip ko. Namimiss ko na kasi siya. Pero kailangan ko muna iyong isantabi d
Agad na nilukob ng takot at kaba ang pagkatao ko ng huminto ang butler sa harap ng isa na namang malaking pinto. Alam kong sa likod ng malaking pinto na ito ay nasa likod ang pinakamakapangyaring nilalang sa kanilang uri.Pilit kong pinatatapang ang sarili dahil ayokong makita ni Kirius na natatakot ako pero hindi ko mapigilan. Panandaliang nawala sa isip ko ang tunay na dahilan ng pagpunta namin dito dahil sa ganda ng lugar at sa hindi sinasadyang engkwentro ko kay Thana. Sayang at maganda pa naman ito. Kung hindi nga lang maldita. Tingin ko ay may malalim itong pinaghuhugutan para magpakita ito ng ganoong pag-uugali. Isa pa ay wala naman akong naaalalang nakita o nakasalubong man lang ito dati."The Ältestes are waiting for the Dovanas," anunsiyo ng butler saka yumuko sa amin.Napahugot ako ng malalim na hininga ng tila nag-slow motion sa pagbukas ang pinto at dahan-
"Yue," boses iyon ni Mama.Kanina pa nila ako binubulabog ni Alaric pero ni isa sa kanila ay hindi ko sinasagot. Ayoko munang makipag-usap kahit kanino. Kahit kay mama. Ilang araw na ang nakakalipas pero nananatili pa ring malinaw sa ala-ala ko ang nangyari. At sa tuwing maaalala ko iyon, hindi ko mapigilang mapaluha.Ang sakit. Sobrang sakit makitang namatay sa harapan mo ang taong mahalaga sa iyo. Iyong unti-unti siyang pinapatay. At kahit anong subok kong iligtas siya ay wala akong magawa. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa sobrang lungkot. Na tila nilulunod na ako noon at wala na akong balak umahon pa."Yue," bakas ang lungkot sa boses ni Mama. "kausapin mo naman si Mama."Lalo
Hindi naging madali para sa akin na kumbinsihin si Mama na tumuloy sa mansyon ng mga Cayman. Abot-abot ang pamimilit ko sa kaniya mapapayag lang siya pero naging matigas siya. Ayoko rin naman iwan ang pamamahay na ito dahil dito kami lumaki pero hindi ko kayang iwanan siya dito.Sa bawat sulok ng bahay ay nagpapaalala sa akin kay Papa at lalo na rin kay Kirius. At sa tuwing maaalala ko iyon ay hindi ko mapigilang mapaluha. Alam kong ganoon din ang nararamdaman ni Mama pero kailangan naming umusad. Kailangan naming magpatuloy sa buhay. Alam kong hindi madali. I know it may sounds unfair, pero ayokong manatiling malungkot dahil alam kong hindi rin iyon magugustuhan nila Papa at Kirius kapag nalaman nilang narito pa rin kami at nangangapa sa dilim. Baka kung nandito lang sila ay sinermonan na ako ng mga iyon dahil hindi ko mapilit si Mama.
Habol-habol ko ang hininga at nanlalaki ang mga mata nang bigla ko nalang maramdaman ang mga paa kong nakatapak na sa lupa. Nakahinga ako ng maluwag habang pinakikiramdaman ang sarili. Bahagya akong nakaramdam ng pagkahilo. Pakiramdam ko ay hinigop ako ng isang wormhole saka biglang iniluwa kung saan. Was that magic? Pero, wala akong magic.Agad akong napatingin sa katabi ko. Hanggang ngayon ay hawak pa rin niya ako sa isang braso. Maalaiwas na ang mukha niya ngayon kumpara kanina. Kakaiba rin ang ngiti nya habang pinagmamasdan ang paligid. Ngayon ko lang ulit nakitang ganito kasaya si Mama."Welcome to Magji, Yue," sabi ni Mama.Nang balingan ko ng tingin ang tinitignan nito ay hindi ko mapigilang humanga sa lugar. Napakaaliwalas noon tignan na pakiramdam ko ay safe ako sa lugar na ito. Na walang bampirang
Pipikit-pikit pa ang mata ko ng maisipan kong bumaba sa kusina. Magmumuni-muni pa sana ako kaya lang ay kung ano-ano na ang pumasok sa isip ko. Tahimik pa sa buong kabahayan kaya nakasisiguro ako na mga tulog pa ang mga tao ng makarating ako sa kusina. Masyado pa rin naman kasing maaga. Kung hindi ako nagkakamali ay alas kuwatro palang ng madaling araw kaya may kadiliman pa sa labas.Agad kong nayakap ang sarili ng umihip ang malamig na hangin. Nang hanapin ko ang pinanggagalingan ng hangin ay nakita ko ang bintanang nakabukas sa may sala. Maganda ang bahay ni Arsellis. Gawa lamang iyon sa kahoy pero napakaganda noon. Simple lamang ngunit puno ng mga makukulay na dekorasyon na lalong nagpapaganda sa bahay. Ang ilang kagamitan pa niyang kahoy ay nauukitan ng iba't ibang disenyo. Pero ang pinakapaborito ko sa lahat ang ang hagdan nito. Tuwang-tuwa kasi ako sa kakaibang style noon na
Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t
Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald
*Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.
Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay
*Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi
Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs
*Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun
*Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala
Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso