Share

BREATHTAKING

Author: MD Rosario
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Nanatiling nakatitig sa akin si Kieran. Ako naman ay nakatunghay rin sa kanya habang naghihintay sa maaari niyang sabihin.

"You finally figured that out," kaswal na sagot nito na tila matagal na iyong alam. "Hindi ikaw ang nag-iisang Dovana, Yue. Nandyan din si Kirius. Nakalimutan mo na ba na noong panahong kailangan mong sumama sa mga Cayman at hindi ka pumayag ay si Kirius ang gusto nilang isama?"

"Paano mo nalaman yon?" gulat kong tanong dito. Hindi pa kami magkakilala noon ni Kieran pero paano niya nalaman ang usapang iyon kung wala siya doon. Bigla akong nahiwagaan sa lalaking nasa harap ko. Kung alam niya ang mga bagay na iyon ibig sabihin ay marami siyang alam tungkol sa akin.

"I know everything," anito saka ako binitawan. 

Kinuha ko ang pagkakataong iyon para gumawa ng distansya sa pagitan namin. Biglang humupa ang kung anong nararamdaman ko sa kanya at napalitan iyon ng pagdududa. Marami pa akong hindi alam kay Kieran. At gusto kong malaman ang mga iyon.

"I even know that your father didn't die in a car crash."

"Kung ganon ay saan namatay ang papa ko?" Para akong nakakita ng liwanag sa katauhan ni Kieran dahil sa sinabi niya. Marahil ay alam niya kung ano ang totoong dahilan ng pagkamatay ni Papa. 

"Bakit hindi mo subukang alamin sa mga Cayman?" sarkastikong sagot niya na sinamahan pa ng ngisi. 

Alamin sa mga Cayman? "Pero ang sabi nila ay pinatay si Papa ng mga rogue vampires?" puno ng pagtatakang sabi ko habang inaalala ang mga pangyayari noong kinompronta ko sila sa study room. 

"There were skeletons in their closet, Yueno. Lots of them," misteryosong sabi nito.

Napaisip akong bigla. He was puzzling me. Mukhang marami itong nalalaman sa mga Cayman pero paano ko siya mapipilit na sabihin sa akin. O kung kailangan ko pa siyang pilitin para lang magsalita siya. Kieran isn't the kiss and tell type. He never wanted it to be that easy. All this time, he was never straight to the point. He's always into hide and seek. He'd rather give me clues to find it myself than tell me everything right away. He wants me to do the hard work. To see it for myself. I wonder why he wants it the hard way. What is there to find? Whether it is a treasure or a bomb, I don't know. 

One thing is for sure. I have to dig deeper. Malakas ang kutob kong may itinatago sila sa study room. Lalo kung kilos ni Damien ang pagbabasehan ko. Kailangan kong makita iyon agad. 

Nasa ganoon akong pag-iisip nang maramdaman ko ang malamig na kamay ni Kieran sa pisngi ko. Marahan iyong humaplos sa pisngi ko na parang mayroon siyang pinahid doon. Bigla naman akong na-conscious at hinawakan din iyon. Nawala agad sa isip ko kung paano ang gagawin kong aksyon dahil sa ikinilos nito. Nang matingin ako dito ay mataman na naman siyang nakatitig sa akin. Naiilang tuloy akong salubungin iyon. Ano na naman kaya ang pinaplano ng lalaking ito at kakaiba na naman ang kinikilos? Hindi ba niya nararamdaman ang malakas na pagkabog ng puso ko?

Natigilan ako sa naisip. Isa siyang bampira at natural na malakas ang pakiramdam nila. Kung ganon, kung hindi ako nagkakamali ay naririnig niya ang heartbeat ko. Ibig sabihin, all this time-- 

Napahawak ako sa pisngi at napaatras dahil sa naiisip. Nakakahiya. Parang gusto ko nalang magpakain sa lupa. Paano kung isipin niyang may nararamdaman ako para sa kanya? Napakalakas pa naman ng kalabog nito kanina ng yakapin na ako. 

“What happened?” takang tanong nito. 

Iling lang ang isinagot ko at saka tumalikod sa kanya. Ayokong makita niya ang mukha ko. Nang ihakbang ko ang mga paa para sana pumasok na sa loob ay agad naman niyang hinila ang braso ko. 

“Where are you going?” 

“Papasok na ako sa loob. Baka malaman ni Alaric na wala ako sa kwarto. Ayokong malaman nila ang existence mo,” pagdadahilan ko ngunit hindi pa rin niya ako binitawan. 

Sinubukan kong bawiin ang braso ko pero lalong humigpit ang paghawak niya. Nagwala na naman ang puso ko na siyang lalo kong ikinatakot. 

“Stay.”

Halos bulong lamang iyon ngunit sapat ang lakas noon para makarating sa aking pandinig. Nais kong pagdudahan ang narinig pero nang matingin ako sa mata nito ay naroon ang sinseridad sa sinabi niya. Wala na roon ang misteryoso at malokong kislap. Napalitan na iyon ng emosyong hindi ko mapangalanan. Hindi na ako nakasagot pa kaya tumango na lang ulit ako. Naumid na yata ang dila ko.  

“Come with me.” 

Pagkasabi noon ay agad niya akong hinila palapit sa kanya. Hindi pa man din ako nakakasagot ay kumilos na agad ito. Sa sobrang bilis ay napapikit na lamang ako at hindi na nakaalma pa. Naisin ko mang tumili ng maramdaman itong tumalon ay hindi ko magawa dahil na rin sa ayokong gumawa ng ingay. Nang iminulat ko ang mga mata ay natagpuan ko na lamang ang sariling buhat-buhat niya ng pa-bridal style. Nagulat ako nang makitang nasa tuktok kami ng isang poste. Sa lula ay atubili akong napayapos sa leeg nito at isiniksik ang ulo doon. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa sa ginawa ko. 

“Open your eyes, Yue,” bulong nito.

Humagod ang kilabot na dala noon sa kasuluk-sulukang parte ng katawan ko. Nagsipag tindigan na yata lahat ng balahibo ko sa katawan. Ramdam na ramdam ko kasi ang mga labi niyang nakadikit na sa tainga ko. 

Kuntodo iling naman ang isinagot ko sa kaniya. Ayokong lumingon dahil natatakot akong baka mga labi niya ang masalubong ko. Sa pagkakataong ito ay mas natatakot pa yata ako sa pagharap sa kaniya kaysa sa taas ng kinalulugaran namin.

“Ihuhulog kita kapag hindi mo iminulat ang mga mata mo,” banta nito. Sa takot ko na baka seryosohin nito iyon ay mahigpit akong nangunyapit sa leeg niya. Narinig ko na naman ang mahina niyang pagtawa. 

“My lady is afraid of heights,” tudyo pa nito. 

Agad na sumagi sa isip ko ang nangyari noong huli niyang sinabi iyon. Naaakit akong tignan siya. Nagbabaka-sakaling makita ko ulit ang kagandahan tulad ng mga panahong iyon. Hindi pa man din ako nakakapagdesisyon ay bumulong ulit siya.

“Open your eyes, my lady. I want to show you something.”

Sa lamyos ng boses niya ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na mag-angat ng tingin. Kahit nag-aalangan ako ay nakakalamang pa rin sa akin ang kagustuhang mamasdan ang gwapo nitong mukha. 

Nang imulat ko ang mga mata ay hindi lang sa kagwapuhan ako nito namangha. Kundi pati na rin sa liwanag na taglay ng buwan. Bilog na bilog iyon at napakalaki. Animo ay abot-kamay lamang sa lapit. Ang liwanag nitong taglay ay nakakadagdag sa angkin nitong kagandahan. Napakaganda niya. Kailan ko nga ba na-appreciate ang ganda ng buwan? Ngayon nalang yata ulit. Sa dami ng nangyayari sa buhay ko ngayon ay nakakalimutan ko ng pahalagahan ang ibang bagay. 

“Beautiful,” muli ay bulong ni Kieran na siyang nakakuha ng pansin ko. Wrong timing yata ang paglingon ko dito dahil nakatingin din ito sa akin. Seryosong-seryoso ang anyo nito to the point na nakakailang na. Naroon na naman sa mga mata nito ang samu’t saring emosyon. Magsasalita na sana ako nang ibaling niyang muli ang tingin niya sa buwan. 

“Let’s go. I know a beautiful place at night,” anito makailapas ang ilang sandali. “Close your eyes.”

Mabilis ko naman itong sinunod. Nararamdaman ko ang bawat hampas ng hangin sa balat ko dahil sa sobrang bilis niya. Mukhang hindi rin nito alintana ang bigat ko. 

“We’re here,” anunsyo nito. Hindi ko man lamang namalayang nakarating na kami. Sa tantya ko ay wala pang bente minutos ng magsimula siyang maglakbay pero heto na agad kami. 

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata. Nais ko munang makasigurong maayos ang pinagdalhan niya sa akin at hindi kung saan lang. Baka kasi dahil niya ako sa ilog na puno ng buwaya at ipakain sa mga iyon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang buong lugar. Hindi niya ako dinala sa ilog at lalong malayo niya akong ipakain sa mga buwaya. Dahil ang lugar na iyon ay hindi nauukol para sa buwaya.

Isang malawak na parang na natataniman ng napakaraming lavender moonflower na nagsasayaw sa malumanay na ihip ng hangin habang nakatunghay sa liwanag ng buwan. May mga alitaptap din doon na lumiligid at tila ba mga naglalaro sa ibabaw ng bawat bulaklak. Sa di kalayuan naman ay may maliit na look na kitang-kita ang malinaw na repleksyon ng kalangitan na tila nakikiayon sa sitwasyon. Mangilan-ngilan lamang ang ulap na makikita sa kalangitan kung kaya’t kitang-kita ang napakaraming bituin na tila nagpapaligsahan sa pagkislap.

Nakatulala lamang ako sa ganda noon kaya hindi ko na namalayan pa na tuluyan na akong naibaba ni Kieran. Wala sa loob na naglakad ako papunta sa gitna noon habang hindi ko maialis ang mga mata sa ganda ng paligid. 

“Napakaganda,” wala sa loob na sabi ko saka umikot paharap kay Kieran. Hayun na naman siya at mataman na naman ang tingin sa akin. Bakit ba napakahilig niya akong tignan ng ganoon? Kung ano-ano tuloy ang binubuhay niyang emosyon.

“Kieran,” untag ko sa kanya. Hindi man lang kasi ito matinag. 

“You need me, my lady?” sagot nito saka dahan-dahang naglakad papunta sa akin. 

Habang pinagmamasdan ko siyang papalapit ay hindi ko maiwasang humanga. Kasabay ng paghangang iyon ay ang pagwawala ng puso ko. Kung sabagay ay kanina pa naman iyon hindi mapakali. Nga lang ay lalong nagwawala sa paglipas ng mga oras na kasama ko siya. 

Hindi ko mapigilang mahigit ang hininga sa bawat galaw nya. Hayun na naman at tila siya prinsipeng lumabas sa isang story book. Napakaganda niyang tignan. Ang itim na itim nitong buhok ay tinatangay ng hangin na tila nakikipagsabayan sa pagsayaw ng mga bulaklak doon. Nakadagdag lalo sa ganda nito ang pagkinang ng balat nito sa liwanag ng buwan. Hindi ko akalaing ganito pala kagandang nilalang ang mga bampira. Kung hindi nga lamang sila pumapatay ng mga inosenteng tao.

Hinamig kong pilit ang sarili. Bakit ba sa tuwina ay puro ganoon ang tingin ko sa kanya? Talaga bang iba na itong nararamdaman ko? Pero paanong nangyaring--

Kahit naglalakad ito ay hindi pa rin napupugto ang pagtitig niya sa akin. Parang gusto ko na tuloy malusaw. Tila ba unti-unti nasagot ng utak ko ang katanungan iyon ng matingin akong muli sa mga mata niya. Naghuhumiyaw man ang ebidensya sa kung ano siya ay hindi ko maaaring itangging nagugustuhan ko na siya. Yata. 

Related chapters

  • The Vampire's Tale   KISS

    Hindi ako magkamayaw kung paano ko pagpapakalma ng puso ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Akala ko ay may sasabihin siya kaya siya lumapit ngunit iba pala ang plano nitong gawin. Walang sabi-sabi niya akong binuhat saka mabilis na tumalon. Agad kong ipinikit ang mga mata saka agad na nangunyapit sa leeg nito.Nang maramdaman ko ang tila pag-ugoy namin ay agad kong iminulat ang mga mata. Doon ko nakita ang dahilan ng marahan naming pag-ugoy. Narito kami sa bangkang nakadaong sa may bantilan na hindi kalayuan sa parang. Mahahalata naman sa bangka na hindi ito masyadong gamit dahil makinis pa ang pintura nito. Nakukulayan iyon ng brown maski ang sagwang naroon ay ganoon din ang kulay. Malinis din iyon at may kalaparan. Hindi katulad ng ibang mga bangka na ginagamit pangingisda, na makitid ang mahaba. Ito ay malapad at may kaliitan. Wala ring makikita doong mga kagamitan sa

  • The Vampire's Tale   HINDRANCE

    Madilim pa rin ng makarating kami ni Kieran sa likod bahay. Tahimik din sa loob ng kabahayan tanda ng wala pang gising. Nasisiguro ko kasing madaling araw na. Hindi ko pa rin makalimutan kung gaano siya naging possessive kanina. At nang halikan niya akong muli pagkasabi niya na walang ibang pwedeng humalik sa akin kundi siya lang. Pagkarinig ko noon kanina ay parang gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Pero hindi ko iyon maaaring ipakita sa kanya. Nakakahiya iyon.Dahan-dahan niya akong ibinaba pero nanatili pa rin siya sa tabi ko. Ayoko pa sanang humiwalay sa kanya pero kailangan kong pairalin ang pagiging rasyonal. Hinamig ko muna ang sarili bago humarap sa kanya. Malamlam na ngayon ang mga mata nito marahil ay ayaw pa rin niyang humiwalay. Magkagayon man ay nakikita ko pa rin doon ang kislap. Ang mga pulang matang iyon na ngayon ay iba na ang kahulugan sa akin. Hindi ko akalaing mahuhulog ako

  • The Vampire's Tale   THE OTHER SIDE

    Mabigat ang pakiramdam ko ng magising ako kinabukasan. Sobrang bigat ng katawan ko na tila ba may nakapatong na mga hollow blocks doon. Masakit din ang ulo ko na tila ba may masong pilit iyong binibiyak. Magtatanghali na pero nananatili pa rin akong nakahiga sa kama at namamaluktot dahil pakiramdam ko ay nagyeyelo sa labas kung kaya't sobrang lamig. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko na binuksan ang aircon kagabi at nakasara rin ang mga bintana kung kaya't walang pagdadaanan ng hangin. Pero bakit sobrang lamig? Nakatalukbong na ako ng kumot at lahat pero hindi pa rin maibsan ang lamig na nanunuot sa talampakan ko.Maya-maya pa ay may narinig akong kumatok sa pinto pero hindi ko iyon sinagot. Wala akong lakas na magsasagot sa mga pangungulit nila ngayon."Yue," boses iyon ni Alaric.

  • The Vampire's Tale   CHAOS AT THE MANOR

    Lulan kami ngayon ng sasakyan ni Alaric pabalik sa mansyon. Ilang araw na din kaming na-delay bago makabalik sa manyon. Ayaw kasi ni Alaric na ibiyahe agad ako gayong kagagaling ko palang kaya't nagpalipas muna kami ng ilang araw.Hindi na rin naman namin napag-usapan ni Alaric ang nangyari nang nagdaang gabi. Noong gabing una ko siyang nakitaan ng kahinaan. Hindi na rin iyon naulit. Siguro ay ayaw nalang din niyang maalala iyon. Siya namang ayon sa akin. Pakiramdam ko kasi ng gabing iyon ay magtatapat siya ng nararamdaman niya para sa akin. Hindi ko naman maiwasang iyon ang isipin dahil iyon ang nakaguhit sa mga mata niya ng mga oras na iyon.Mainam na lamang at hindi niya iyon sinabi kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko. O sasabihin ko. Natatakot akong malaman na baka may nararamdaman na siya

  • The Vampire's Tale   MISSING

    Pakiramdam ko bigla na lamang akong humalo sa hangin bago ko pa maramdaman ang matigas na sementong dapat ay kababagsakan ko. Ramdam ko na may sumalo sa akin. Mabilis kong iminulat ang mata at nasalubong ang mukha ni Mathilde na nakatunghay sa akin. Buhat-buhat niya ako habang nakatayo di kalayuan sa mga tila mga aninong naglalaban. Hindi ko siya nakita sa malapit pero nagawa niya akong iligtas. Kung sabagay ay hindi ko nga sila makita sa sobrang bilis. Hindi na ako nakaimik sa kanya at tumingin nalang din sa mga mata nito. Nababaghan ako sa kung ano ang iniisip niya at mataman siyang nakatingin sa akin.Nang daluhan kami ni Alaric ay saka lamang niya ako ibinaba. Hindi pa man din ako nakakapagpasalamat sa kaniya ay bigla na siyang nawala. Marahil ay nabasa na niya ang isip ko pero gusto ko pa ding sabihin iyon.“Are you alrigh

  • The Vampire's Tale   INVITATION

    Mainit na sa labas kaya't minabuti ko ng pumasok sa loob ng bahay. Masakit na sa balat na para bang kapag nagtagal pa ako roon ay masusunog na ang balat ko. Hindi naman ako bampira. Sadya lang hindi ako mahilig magbabad sa init ng araw. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit ako maputi.Kaya ko lang naman naisipang lumabas ay para magpahangin. Hindi kasi ako gaanong nakatulog kagabi dahil pagising-gising ako. Isa pa ay binangungot na naman ako. Ngunit kakaiba ang kagabi. Nababalot pa rin ng kadiliman ang paligid pero sa pagkakataong iyon ay bigla na nalamang iyong nagliwanag. Sobrang liwanag na masakit na sa mata. At sa kung anong dahilan ay tila ba nagmistulang mga lazer beams ang sinag noon. Unti-unti kong nararamdaman ang hapdi at pagkalapnos na nanunoot sa laman. Napadaing ako sa sakit. Pakiramdam ko ay lapnos na ang buong katawan ko. Makalipas ang ilang sandali ay nawala na ang liwanag. Nang muli kong tignan ang pinanggalingan ng liwana

  • The Vampire's Tale   PALAZZO DEI POTENTEI

    "Ayoko, ate," matigas na sabi ng kapatid ko saka lumabas sa kusina. Mabilis ko naman siyang sinundan. Agad kaming umuwi ni Alaric sa bahay pagkatapos kong banggitin sa kaniya ang tungkol sa imbitasyon na pinadala ng Älteste. Nasiguro ko namang sinabi na ni Mathilde ang bagay na iyon kay Cassius kaya't pumayag agad ito. Nakapagtataka ang gulat sa mga mukha nila ng malamang iniimbitahan ako. Na para bang ayaw nilang makaharap ko ang mga iyon. Bigla kong naaalala ang sinabi ni Kieran tungkol sa loyalty ng mga Cayman. Ang Kieran na iyon. Nagpupuyos ang kalooban ko sa tuwing naaalala ko ang lalaking iyon. Parang gusto ko siyang bugbugin kapag nakita ko siya. Matapos niya akong halikan ay hindi na siya muling nagpakita. Ano iyon? Kiss and run? Napabuntong-hininga ako. Nauwi na naman kay Kieran ang isip ko. Namimiss ko na kasi siya. Pero kailangan ko muna iyong isantabi d

  • The Vampire's Tale   DEVASTATION

    Agad na nilukob ng takot at kaba ang pagkatao ko ng huminto ang butler sa harap ng isa na namang malaking pinto. Alam kong sa likod ng malaking pinto na ito ay nasa likod ang pinakamakapangyaring nilalang sa kanilang uri.Pilit kong pinatatapang ang sarili dahil ayokong makita ni Kirius na natatakot ako pero hindi ko mapigilan. Panandaliang nawala sa isip ko ang tunay na dahilan ng pagpunta namin dito dahil sa ganda ng lugar at sa hindi sinasadyang engkwentro ko kay Thana. Sayang at maganda pa naman ito. Kung hindi nga lang maldita. Tingin ko ay may malalim itong pinaghuhugutan para magpakita ito ng ganoong pag-uugali. Isa pa ay wala naman akong naaalalang nakita o nakasalubong man lang ito dati."The Ältestes are waiting for the Dovanas," anunsiyo ng butler saka yumuko sa amin.Napahugot ako ng malalim na hininga ng tila nag-slow motion sa pagbukas ang pinto at dahan-

Latest chapter

  • The Vampire's Tale   EPILOGUE

    Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t

  • The Vampire's Tale   END OF THE BEGINNING

    Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald

  • The Vampire's Tale   BARE

    *Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

  • The Vampire's Tale   A SILENT RIVAL

    Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay

  • The Vampire's Tale   AWAKENING OF THE TRUTH

    *Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi

  • The Vampire's Tale   TREACHERY

    Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs

  • The Vampire's Tale   UNDYING

    *Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun

  • The Vampire's Tale   MISCONCEPTION

    *Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala

  • The Vampire's Tale   UNVEIL

    Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso

DMCA.com Protection Status