Malayo na kami ay tanaw pa rin ang tuktok ng mansyon ng mga Cayman. Nagbubunyi ngayon ang kalolooban ko dahil lulan kami ngayon ng rolls royce ni Alaric pauwi sa bahay namin. Ilang beses ko pa siyang sinabihan na huwag ito ang gamiting kotse pero wala ring nangyari.
Kaninang pagkagising ko pa rin kasi kinukulit si Alaric kung pwede niya akong ihatid sa bahay namin. Mukha namang nakuha ang lalaking ito sa pagmamakaawa ko kaya heto kami at nagbibiyahe. Iyon nga lang ay mananatili rin siya sa bahay bilang kapalit ng pagpayag niya. Gusto ko pa sanang umalma ngunit isinantabi ko nalamang iyon dahil nasasabik na rin akong makauwi.
Hindi ko na ipinaalam sa bahay na uuwi ako dahil gusto kong surpresahin si mama at Kirius. Halos isang buwan pa lamang mula ng manirahan ako sa poder ng mga Cayman ngunit pakiramdam ko ay kay tagal na noon. Nagtataka man sa mabilis na pagpayag ni Alaric na iuwi ako ay hindi ko na muna inintindi. Nasasabik na rin kasi akong makita ang mama at ang kapatid. Hindi ko naman sila magawang kontakin dahil naging abala rin ako nitong mga huling araw.
Saan ka naging abala, Yueno?
Nakagat ko ang labi sa naisip. Naging abala rin naman ako sa pangongolekta ng impormasyong makakatulong sa akin sa pagputol sa sumpa ng Dovana. Iyon nga lang ay kasama na rin doon ang issue ko kay Kieran. Hindi ko rin kasi maintindihan na kahit na abala ako ay hindi ko makalimutan ang nangyari ng gabing nagpakilala siya sa akin. Mukhang nakatatak na iyon sa utak ko.
Ilang linggo na ang nakakaraan mula ng mangyari ang tagpong iyon pero hanggang ngayon ay hindi ko pa din makalimutan. Malinaw na malinaw pa rin sa ala-ala ko kung gaano siya kaganda ng gabing iyon. At hanggang ngayon, ang hamak kong puso ay ayaw pa ring tumigil sa pagkalabog sa tuwing naaalala ko iyon. Hindi ko nga malaman kung paano ko nakakausap at natitignan sa mata si Kieran ng hindi naiilang. Mabuti na rin na hindi natuloy ang dapat na pag-uusap namin matapos ang pangyayaring iyon. Kung dadating man kasi siya ay laging saglit lang. Kung tutuusin ay wala pa yatang kinse minutos ay umaalis na agad siya. Hindi ko napigilang mapabuntong-hininga.
“What are you thinking?”
Nasalubong ko nagtatanong nitong mga mata. “Wala naman,” kaswal kong sagot. Laking pasasalamat ko at hindi niya nababasa ang isip ko. “Ano nga pala ang meron at nasa bahay ang buong pamilya mo?” pag-uusisa ko.
Isa iyon sa dahilan ng pag-aaya kong umuwi. Bukod sa ayokong makasalamuha ang kahit isa sa kanila ay natatakot akong mabasa ni Mathilde ang isip ko lalo na ngayong hindi ito mapakali. Nasisiguro kong malalaman agad nila ang tungkol kay Kieran kung hindi ako magdodoble ingat.
Bigla kong naalala ang pagkukumpulan ng ilan sa kanila sa may sala kanina ng makababa ako galing sa kwarto. Halos magkakadikit na ang mga mukha nila habang nag-uusap ngunit nang makita ako ay bigla silang tumigil at umalis. Iba tuloy ang kutob ko roon. Naku-curious tuloy ako kung ano ang pinag-uusapan nila at kailangan nilang manahimik ng dumaan ako.
“It’s the end of the month,” sagot nito saka ibinalik sa daan ang tingin.
Napakunot-noo ako at naguluhan. “Anong meron sa end of the month?”
Minani-obra muna nito ang steering wheel bago sumagot. “It’s feeding day,” balewalang sagot nito saka tumingin ulit sa akin.
Awtomakitong nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Kung ganoon ay kaya pala pumayag ito agad ay dahil doon. “Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan pa ring tanong ko.
“Gatherings occurred at the end of the month,” paliwanag nito. “Lahat ng bampira sa bansang ito ay nagpupulong sa araw na iyon. Pinagdiriwang ang natatanging araw kung saan maaari silang uminom ng dugo kahit gaano pa karami ang gustuhin nila.”
Nahindik ako ng ma-imagine ko kung gaano karaming bampira ang naroon habang walang sawang lumalaklak ng dugo. “Dugo ng tao?”
“No. Ng hayop,” sagot nito saka dahan-dahang iniliko ang sasakyan.
Napahalukipkip ako saka ibinaling ang tingin sa labas. “Pwede naman pala ang ganoon, bakit kailangan pang pumatay ng mga inosenteng tao at sipsipin ang mga dugo nila?”
“Magkaiba kasi iyon, Yue. And it’s not that easy,” bulong nito kahit nakarating iyon sa pandinig ko. Nang malingunan ko siya ay seryoso na ang mukha niya habang tutok pa rin sa daan. “Imagine yourself hungry and you get to eat only a pinch of the burger. And you are prohibited from taking a huge bite to fully savour the taste. You’ll feel frustrated. Although you can have something for your mouth but your stomach is still empty.”
“So, are you hungry now?” bigla kong naisip.
Ngumisi naman ito saka tumingin sa akin. “What if I am?”
Nakakaloko ang ngiting iginawad sa akin nito. Kung hindi nga lang si Kieran ang nasa isip ko ay marahil si Alaric iyon. Siya pa rin ang unang nagpakilig sa akin.
“You don’t look one,” sagot ko saka ibinalik ang ngisi sa kanya.
Muli na naman itong ngumiti na siyang lalong nakagwapo rito. "No worries. I'm already full. Required iyon dahil ako ang nagbabantay sa iyo."Naipit man kami sa traffic ay nakarating din naman kami agad sa bahay. Umahon ang kasabikan sa loob ko ng makitang muli ang bahay namin. Ilang sandali ko pa iyong pinagmasdan. Natanawan ko rin sa garahe ang kotse ng kapatid ko kaya’t nasisiguro kong naroon ang mga pakay ko. Bubusina na sana si Alaric ngunit agad ko siyang pinigilan. Ayokong ipaalam ang aming pagdating. Sa halip ay ibinaba ko ang bintana sa gilid ko saka sinitsitan si Niqs na kumakanta-kanta pa habang abala sa pagdidilig. Lumingon naman ito kaagad saka ngumiti ng malaki nang makita ako.
Agad itong sumenyas papasok kaya ganoon ang ginawa ni Alaric. Nang maka-park ito ay dali-dali akong bumaba saka diretchong pumasok sa kabahayan. Oh how I miss this place. Sandali pa akong nanatili sa may pintuan bago nagtungo sa kusina. Hindi pa man din ako nakakarating doon ay nasamyo ko na ang masarap na bicol express ni mama na siyang paborito namin ni Kirius. Naalala ko pa kung paano kami mag-agawan sa ulam at dahil mas matanda ako at mas matangkad dito noon ay palaging ako ang nakalalamang. Sa huli naman ay pagagalitan ako ni mama dahil pinaiyak ko na naman si Kirius.
Nang maulinigan ko ang boses ni mama ay agad akong nagtago sa gilid. Naghahain na ito habang nakaupo na sa hapag si Kirius ay nakatunghay dito.
“I miss your ate, Kir. This is your favorite,” matamlay ang boses ni mama nang marinig ko.
Napangiti naman ako doon. Sobrang miss ko na si mama. Nang mangillid ang luha ko ay hindi ko na natiis at nagpakita na rin ako sa kanila.
“Favorite ko nga iyan, Ma,” bungad ko na agad ikinalingon ng dalawa. Sinugod ko agad si Mama ng yakap ng hindi ito makapagsalita sa gulat. Isang mahigpit na yakap ang iginawad ko dito. Miss na miss ko siya. Kung alam lamang niya kung gaano ako nangulila sa kaniya lalo na noong mga panahong napakaraming nangyari sa akin. Ngunit malaki na rin ang pasasalamat ko dahil hindi ko itinuloy ang pag-uwi kung hindi ay baka hindi ko mapatawad ang sarili ko kapag may nangyari sa kanilang dalawa ni Kirius.
“Anong ginagawa mo dito ate?” maang na tanong ni Kir habang nananatiling nakatingin lang sa amin ni mama nang maghiwalay kami.
“A, bumibisita?” sarkastikong sagot ko. “Ayaw mo ba?”
“Hindi naman sa ganon, baka lang kasi malagay sa kapahamakan ang buhay mo. Lalo na kung ikaw lang mag-isa ang bumiyahe pauwi dito.”
“I’m with her.”
Napalingon kaming lahat sa bukana ng kusina ng magsalita si Alaric. Nawala na sa loob ko na kasama ko nga pala siya dahil masyado akong na-excite na makita ang pamilya ko.
Ramdam kong natigilan si mama ng makita si Alaric. Maging si Kirius ay ganoon din ang naging reaksyon. Nawala sa loob kong isa pa rin palang Cayman si Alaric at hindi komportable ang pamilya ko sa kanila. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano na kalapit ang loob ko kay Alaric. Unti-unti na palang nakukuha ng Cayman na ito ang tiwala ko. Sana lamang ay hindi ko iyon pagsisihan sa huli.
Biglang bumigat ang tensyon sa paligid kaya’t nagdesisyon na akong basagin ang katahimikan. “Si Alaric ang naghatid sa akin dito, Ma. Siya rin ang tagapagbantay ko,” nakangiti kong paliwanag kay Mama. Nagbabakasakaling maibsan noon ang pag-aalalang nakikita ko sa mga mata niya.
“Kung ganon-” umpisa ni Mama. “Salamat sa pagdadala sa kaniya dito.”
Nakahinga ako ng maluwag ng ngumiti dito si mama. Alaric smiled back politely. Marahil ay kung malalaman lang ni mama na si Alaric ang naging tagapagligtas ko noong mga panahong nasa kapahamakan ako, nasisiguro kong gagaan din ang loob niya dito.
“Kumain na kaya tayo at baka lumamig pa ang ulam. Namimiss ko na ang luto mo, Mama,” pag-iiba ko sa usapan.
Pinakitunguhan naman ng maayos ni Kirius si Alaric kahit na makikitaan ng pagkailang ang una. Parehas kasi kami ni Kirius ng tingin sa mga Cayman kung kaya’t hindi ko rin siya masisisi sa mga kinikilos niya. Naging tahimik lang si Alaric sa buong durasyon ng pananghalian namin at maging nang lumipat kami sa sala.
Lumipas ang maghapon na kaming dalawa lang ni mama halos ang nag-uusap. Si Kirius ay naging abala sa pakikipagkwentuhan kay Niqs sa kusina. Tingin ko ay may pagkakaintindihan na ang dalawa. Samantalang si Alaric ay abala sa pagbabasa ng libro at kung minsan ay paglilibot sa labas. Magkagayonman ay mukha namang hindi ito nabo-bored sa ginagawa at tila sanay na sanay sa ganoon.
Nang mag-aya itong umuwi ay nagpumilit akong manatili muna roon habang abala pa sa okasyon ang pamilya nito. Iyon din ang ginawa kong dahilan para mapapayag ito. Laking tuwa ko ng pumayag din ito sa huli.
Madilim ang kwarto ko ng umakyat ako roon matapos ang mahaba-haba naming kwentuhan ni mama. Inabot na kami ng alanganing oras kaya pinagpahinga ko na rin siya pati na rin si Alaric na siyang umokupa sa guest room na nasa kabilang kwarto. Agad akong dumiretso sa cr para makapagpalit ng pantulog. Nang makalabas ako ng cr ay hindi ko naiwasang pagmasdan ang lugar. Hindi ko maikakailang namiss ko ito. Kahit di hamak na mas maliit ito kaysa sa kwarto ko sa mansyon ng mga Cayman ay hindi ko pa rin ito ipagpapalit. Pagkabukas ng ilaw ay inilibot ko ang tingin sa paligid. Nasisiguro kong lagi itong ipinalilinis ni mama kaya’t wala akong makitang agiw o alikabok man lamang. Paupo na ako sa kama ng umihip ang malamig na hangin. Bigla kong naalala si Kieran. Nasaan kaya ito? Pinuntahan kaya niya ako sa kwarto ko?
Isasara ko na sana ang bintana nang may matanawan akong isang pigura ng babae sa di kalayuan. Pamilyar ito kaya pilit ko iyong inaninaw. Nang siguro ay nakita ako nitong nakasilip sa may bintana ay bigla itong nawala. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Lenora iyon. Pero anong ginagawa niya dito gayong nandito naman si Alaric? Minamatyagan ba niya ang pamilya ko? Bakit?
Nasa ganoon akong pag-iisip ng may mapansin na naman akong anino sa may hardin papunta sa likod-bahay. Agad ang kabang naramdaman ko ng maalala ko ang mga rogue. Nakalabas kami ng masyon at nakarating dito ng ligtas at tahimik. Paano kung kaya pala hindi kami inatake ng mga rogue ay dahil hinihintay nila kaming makarating dito.
Kinabahan ako ng maisip ang backdoor. Tanda kong nailock ang front door pero ang backdoor ay hindi ko masiguro. Natatakot akong baka nakalimutan iyong isara ni Niqs kaya't dali-dali akong bumaba para makasigurong nakasarado nga iyon.
Nakalimutan kong hindi nga lang pala ako ang Dovana kundi pati ang kapatid ko. Mamatay man ako ay siguradong si Kirius ang papalit sa akin. Kung ganoon ay hindi lang ako ang maaaring pakay nila kundi ang kapatid ko. Pati si Kirius ay nasa panganib.
Sinakop ako ng takot ng makita kong nakabukas ang pinto sa kusina. Agad akong dumampot ng kutsilyo upang kahit papaano ay maipanlaban man lang sa mga iyon. Kumakabog ng malakas ang dibdib ko habang dahan-dahan akong sumisilip sa labas. Nang tuluyan akong makalabas ay wala akong naabutang kahit ano. Tahimik doon at walang kahit anong alingasngas na may ibang tao. Takot man pero gusto ko pa ring makasigurong hindi kami nasundan.
Ilang sandali pa akong nagmasid at nang masiguro kong wala nga talagang mga rogue ay napagdesisyunan ko na ring pumasok. Hahakbang na sana ako ng may biglang tumakip sa bibig ko at mabilis akong hinila sa madilim na parte. Abot-abot ang pagpupumiglas ko makawala lamang ako dito ngunit masyado itong malakas. Gustuhin ko mang magsisigaw ay wala ring saysay dahil masyadong mahigpit ang pagkakatakip nito sa bibig ko.
Fighting him is hopeless. Kailangan kong makagawa ng kahit anong ingay para maalerto si Alaric at hanapin ako. Naisip kong ipanglaban ang kutsilyong dala ko kanina ngaunit agad akong nanlumo ng makitang nasa damuhan na iyon. Nalaglag marahil dahil sa pagpupumiglas ko. Nangingilid na ang luha ko sa takot nang huminto ito.
“Calm down, Yue. It’s me.”
Nang makilala ko ang boses nito ay agad akong napahinto sa pagpupumiglas. Sandali akong kumalma ngunit kabaliktaran noon ang puso ko. Mas lalo iyong nagwala ng maamoy ko ang pamilyar na pabango nito. Nang alisin nito ang pagkakatakip ng bibig ko ay agad akong humarap dito. Doon ko nasalubong ang gwapong mukha nito. Halos naghalo-halo na lahat ng nararamdaman ko kanina kaya’t hindi ko na napigilan pa ang mapaluha. Nang nakita naman nito iyon ay agad akong kinabig saka niyakap ng mahigpit.
“Sorry. I didn’t mean to scare you,” bulong nito na siyang nagpatindig ng balahibo ko.
Napayakap din ako dito. Maya-maya pa naramdaman ko ang marahang paghagod niya sa likod ko. Na tila ba iyon ang paraan niya para mapatahan ako. Hindi naman ito nagkamali dahil tuluyan na akong kumalma. Pakiramdam ko ay ito talaga ang kailangan ko. Sa unang pagkakataon ay niyakap niya ako. Masarap palang makulong sa yakap nito. Despite his cold skin, his embrace brought strange warmth that slowly creeps to my heart. Para tuloy ayaw ko ng bumitaw. Sa kabila ng samu't saring bagay na naiisip ko kanina, nong makita ko lamang siya ay saka lamang napanatag ang kalooban ko. Talaga bang hindi ko na maiiwasan ang damdaming ito?
“Masyado ka yatang nasarapan?” maya-maya pa ay tudyo nito.
Saglit naman akong natigilan at ng makahuma ay mabilis pa sa alas kuatro akong lumayo ako sa kaniya. Ngunit hindi pa man din ako nakakalayo ay mabilis niya na akong kinabig pabalik sa bisig niya saka niyakap ako ng mahigpit. Bagay na siyang nagpakabog ng husto sa puso ko. Tutol man ang utak ko ay hindi ko mapilit ang sariling itulak ito palayo.
“Anong ginagawa mo dito?” basag ko sa katahimikan.
“Nakakita ako ng rogue sa paligid ngunit ng sundan ko ito ay bigla iyong nawala,” anito saka ipinagpatuloy ang paghagod sa likod ko.
Bigla akong napatingin sa kanya ng magbanggit siya ng tungkol sa rogue. Pero ang mas ikinabigla ko ay ang maliit na distansya sa pagitan ng mga mukha namin. Nahigit ko ang hininga nang mapatitig sa mapupulang labi nitong ilang sentimetro na lamang ang layo sa akin. Nakakaakit. Ngunit mas lalo tumindi iyon ng makita kong humagod ang adam’s apple nito. Was he anticipating something too?
Napailing ako sa isip at hinamig ang sarili. Hindi pa ito ang tamang panahon, Kieran. Agad kong hinamig ang sarili at inalala ang dapat ay sasabihin ko kanina. Nang maalala ko iyon ay napatingin ako ng direkta sa mga mata niya.
“Ang mga rogue. Hindi lang ako ang gusto nila, Kieran, pati ang kapatid ko. Pati si Kirius.”
Nanatiling nakatitig sa akin si Kieran. Ako naman ay nakatunghay rin sa kanya habang naghihintay sa maaari niyang sabihin."You finally figured that out," kaswal na sagot nito na tila matagal na iyong alam. "Hindi ikaw ang nag-iisang Dovana, Yue. Nandyan din si Kirius. Nakalimutan mo na ba na noong panahong kailangan mong sumama sa mga Cayman at hindi ka pumayag ay si Kirius ang gusto nilang isama?""Paano mo nalaman yon?" gulat kong tanong dito. Hindi pa kami magkakilala noon ni Kieran pero paano niya nalaman ang usapang iyon kung wala siya doon. Bigla akong nahiwagaan sa lalaking nasa harap ko. Kung alam niya ang mga bagay na iyon ibig sabihin ay marami siyang alam tungkol sa akin."I know everything," anito saka ako binitawan.
Hindi ako magkamayaw kung paano ko pagpapakalma ng puso ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Akala ko ay may sasabihin siya kaya siya lumapit ngunit iba pala ang plano nitong gawin. Walang sabi-sabi niya akong binuhat saka mabilis na tumalon. Agad kong ipinikit ang mga mata saka agad na nangunyapit sa leeg nito.Nang maramdaman ko ang tila pag-ugoy namin ay agad kong iminulat ang mga mata. Doon ko nakita ang dahilan ng marahan naming pag-ugoy. Narito kami sa bangkang nakadaong sa may bantilan na hindi kalayuan sa parang. Mahahalata naman sa bangka na hindi ito masyadong gamit dahil makinis pa ang pintura nito. Nakukulayan iyon ng brown maski ang sagwang naroon ay ganoon din ang kulay. Malinis din iyon at may kalaparan. Hindi katulad ng ibang mga bangka na ginagamit pangingisda, na makitid ang mahaba. Ito ay malapad at may kaliitan. Wala ring makikita doong mga kagamitan sa
Madilim pa rin ng makarating kami ni Kieran sa likod bahay. Tahimik din sa loob ng kabahayan tanda ng wala pang gising. Nasisiguro ko kasing madaling araw na. Hindi ko pa rin makalimutan kung gaano siya naging possessive kanina. At nang halikan niya akong muli pagkasabi niya na walang ibang pwedeng humalik sa akin kundi siya lang. Pagkarinig ko noon kanina ay parang gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Pero hindi ko iyon maaaring ipakita sa kanya. Nakakahiya iyon.Dahan-dahan niya akong ibinaba pero nanatili pa rin siya sa tabi ko. Ayoko pa sanang humiwalay sa kanya pero kailangan kong pairalin ang pagiging rasyonal. Hinamig ko muna ang sarili bago humarap sa kanya. Malamlam na ngayon ang mga mata nito marahil ay ayaw pa rin niyang humiwalay. Magkagayon man ay nakikita ko pa rin doon ang kislap. Ang mga pulang matang iyon na ngayon ay iba na ang kahulugan sa akin. Hindi ko akalaing mahuhulog ako
Mabigat ang pakiramdam ko ng magising ako kinabukasan. Sobrang bigat ng katawan ko na tila ba may nakapatong na mga hollow blocks doon. Masakit din ang ulo ko na tila ba may masong pilit iyong binibiyak. Magtatanghali na pero nananatili pa rin akong nakahiga sa kama at namamaluktot dahil pakiramdam ko ay nagyeyelo sa labas kung kaya't sobrang lamig. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko na binuksan ang aircon kagabi at nakasara rin ang mga bintana kung kaya't walang pagdadaanan ng hangin. Pero bakit sobrang lamig? Nakatalukbong na ako ng kumot at lahat pero hindi pa rin maibsan ang lamig na nanunuot sa talampakan ko.Maya-maya pa ay may narinig akong kumatok sa pinto pero hindi ko iyon sinagot. Wala akong lakas na magsasagot sa mga pangungulit nila ngayon."Yue," boses iyon ni Alaric.
Lulan kami ngayon ng sasakyan ni Alaric pabalik sa mansyon. Ilang araw na din kaming na-delay bago makabalik sa manyon. Ayaw kasi ni Alaric na ibiyahe agad ako gayong kagagaling ko palang kaya't nagpalipas muna kami ng ilang araw.Hindi na rin naman namin napag-usapan ni Alaric ang nangyari nang nagdaang gabi. Noong gabing una ko siyang nakitaan ng kahinaan. Hindi na rin iyon naulit. Siguro ay ayaw nalang din niyang maalala iyon. Siya namang ayon sa akin. Pakiramdam ko kasi ng gabing iyon ay magtatapat siya ng nararamdaman niya para sa akin. Hindi ko naman maiwasang iyon ang isipin dahil iyon ang nakaguhit sa mga mata niya ng mga oras na iyon.Mainam na lamang at hindi niya iyon sinabi kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko. O sasabihin ko. Natatakot akong malaman na baka may nararamdaman na siya
Pakiramdam ko bigla na lamang akong humalo sa hangin bago ko pa maramdaman ang matigas na sementong dapat ay kababagsakan ko. Ramdam ko na may sumalo sa akin. Mabilis kong iminulat ang mata at nasalubong ang mukha ni Mathilde na nakatunghay sa akin. Buhat-buhat niya ako habang nakatayo di kalayuan sa mga tila mga aninong naglalaban. Hindi ko siya nakita sa malapit pero nagawa niya akong iligtas. Kung sabagay ay hindi ko nga sila makita sa sobrang bilis. Hindi na ako nakaimik sa kanya at tumingin nalang din sa mga mata nito. Nababaghan ako sa kung ano ang iniisip niya at mataman siyang nakatingin sa akin.Nang daluhan kami ni Alaric ay saka lamang niya ako ibinaba. Hindi pa man din ako nakakapagpasalamat sa kaniya ay bigla na siyang nawala. Marahil ay nabasa na niya ang isip ko pero gusto ko pa ding sabihin iyon.“Are you alrigh
Mainit na sa labas kaya't minabuti ko ng pumasok sa loob ng bahay. Masakit na sa balat na para bang kapag nagtagal pa ako roon ay masusunog na ang balat ko. Hindi naman ako bampira. Sadya lang hindi ako mahilig magbabad sa init ng araw. Iyon din marahil ang dahilan kung bakit ako maputi.Kaya ko lang naman naisipang lumabas ay para magpahangin. Hindi kasi ako gaanong nakatulog kagabi dahil pagising-gising ako. Isa pa ay binangungot na naman ako. Ngunit kakaiba ang kagabi. Nababalot pa rin ng kadiliman ang paligid pero sa pagkakataong iyon ay bigla na nalamang iyong nagliwanag. Sobrang liwanag na masakit na sa mata. At sa kung anong dahilan ay tila ba nagmistulang mga lazer beams ang sinag noon. Unti-unti kong nararamdaman ang hapdi at pagkalapnos na nanunoot sa laman. Napadaing ako sa sakit. Pakiramdam ko ay lapnos na ang buong katawan ko. Makalipas ang ilang sandali ay nawala na ang liwanag. Nang muli kong tignan ang pinanggalingan ng liwana
"Ayoko, ate," matigas na sabi ng kapatid ko saka lumabas sa kusina. Mabilis ko naman siyang sinundan. Agad kaming umuwi ni Alaric sa bahay pagkatapos kong banggitin sa kaniya ang tungkol sa imbitasyon na pinadala ng Älteste. Nasiguro ko namang sinabi na ni Mathilde ang bagay na iyon kay Cassius kaya't pumayag agad ito. Nakapagtataka ang gulat sa mga mukha nila ng malamang iniimbitahan ako. Na para bang ayaw nilang makaharap ko ang mga iyon. Bigla kong naaalala ang sinabi ni Kieran tungkol sa loyalty ng mga Cayman. Ang Kieran na iyon. Nagpupuyos ang kalooban ko sa tuwing naaalala ko ang lalaking iyon. Parang gusto ko siyang bugbugin kapag nakita ko siya. Matapos niya akong halikan ay hindi na siya muling nagpakita. Ano iyon? Kiss and run? Napabuntong-hininga ako. Nauwi na naman kay Kieran ang isip ko. Namimiss ko na kasi siya. Pero kailangan ko muna iyong isantabi d
Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t
Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald
*Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.
Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay
*Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi
Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs
*Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun
*Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala
Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso