Home / Fantasy / The Vampire's Tale / BARGAINS AND BAD DREAMS

Share

BARGAINS AND BAD DREAMS

Author: MD Rosario
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

"What made you think that I'll help you?" anito habang mataman akong tinitignan. 

Muling kumabog ang dibdib ko sa gawi ng pagtitig nito sa akin. Parang inaarok niya ang kaibuturan ng kaluluwa ka. Dahilan para mahigit ko ang hininga at mapatitig na lamang din sa mapupulang mga matang iyon. Sa pagkakataong ito ay hindi ko na mahagilap ang takot sa kalooban ko na sa tuwina ay lagi kong nararamdaman sa tuwing makakakita ako ng pulang mata. Tila kasi panatag ang kalooban ko sa kanya. 

Nakapagtatakang kahapon ko pa lamang siya nakilala ngunit nakuha na niya ang loob ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Mas nagtiwala pa ako sa isang estranghero. Nakakatawa. Wala akong tiwala sa mga Cayman, pero dito sa mukhang assassin na ito na malamang na patayin ako ano mang oras ay nagtiwala ako. Kung sabagay, kung talaga ngang papatayin ako nito, bakit hindi pa niya ginawa kahapon?

"Alam kong tutulungan mo ako," diretchong sagot ko dito. Hindi ko man siya kilala ay nararamdaman kong tutulungan niya ako. Hindi siya kalaban. May kung ano sa loob ko na nagsasabing hindi niya ako kayang saktan. Kung saan nanggagaling iyon ay hindi ko alam.

Tuluyan na itong humarap sa akin. "Did I give you that impression?" nakangising tanong nito na tila sinusubukan ako. "What if I told you that my service is not for free, how will you repay me?"

Napamaang ako sandali. "Just name your price," ani ko habang ang isip ay Agad na nagtungo sa kung magkano na nga ba ang naipon ko at kung sasapat ba iyon pambayad dito. O kung hindi man ay kung saan ako hahagilap ng pera pambayad dito. 

Unti-unting napalis ang ngisi nito saka ako tinitigan. Mas matiim kaysa kanina. Tila ako nabato sa kinatatayuan ng dahan-dahan siyang lumapit hanggang sa ilang sentimetro nalang ang layo namin sa isa't isa. Doon lalong naghuramentado ang puso ko. Parang gusto na yata nitong lumabas sa rib cage ko. 

Noon ko lang napagtanto kung gaano ito katangkad. Nagmistula akong unano sa harapan nito nang halos umabot lamang ako sa balikat nito. He was towering over me but that's not what scares me the most. My heart. It pounds so hard that I'm scared he might hear it. Mas malakas pa ang pagwawala nito kumpara sa mga pagkakataong kasama ko si Alaric. 

"Paano kung hindi pera ang hingin ko--" anito saka yumuko para magpantay ang mga mukha namin. "Ibibigay mo ba?"

Ano ang ibig nitong sabihin? Ilang sandali pa ang lumipas bago sumagi sa isip ko ang isang bagay. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng dugo ko sa ulo kasabay ng pag-iinit ng pisngi ko. Wala sa loob na naitulak ko siya. Ngaling-ngaling kong yakapin ang sarili ko. May pagkabastos pala ang lalaking ito. Nakakainis.

"Pervert!" Hindi ko na napigilang sumigaw. 

Agad ko ring tinakpan ang bibig ko ng ma-realize na hindi dapat ako makatawag ng pansin dahil hindi dapat malaman ng mga Cayman na may bumibisita sa akin. Nang hagilapin ko ang lalaki ay wala na ito kasabay ng biglang pagsulpot ni Alaric sa likuran ko.

"What's the problem?" alalang tanong nito na parang handa na ring sumabak sa labanan.

Agad naman akong nag-isip ng idadahilan. "Wala. May naalala lang akong palabas sa tv. Nakakainis kasi yung lalaking iyon. Pervert."

Mukha naman itong kumalma at tila naniwala sa pagdadahilan ko. "Akala ko ay may sumugod na sayo."

Umiling naman ako bilang sagot dito. Lumipad na naman ang isip ko sa lalaking iyon. Saan kaya nagpunta ang pervert na iyon? Muli kong naalala ang sinabi nito. Totoo kaya iyon? O pinaglalaruan lang niya ako?

"Yueno, are you alright?" nagtatakang tanong nito.

Naputol naman ako sa pag-iisip at tumango nalang dito. "Oo, okay lang ako," sagot ko saka alangang ngumiti. "Sige na Alaric, matutulog na ako. Okay lang ako dito. Wala kang dapat ipag-alala."

Hindi sana siya makahalata sa pagtataboy ko sa kanya. Sinamahan ko pa iyon ng ngiti. Bakas man ang pagtataka sa mukha nito ay hindi na ito muli pang nagtanong.

"Okay. Goodnight."

"Goodnight."

Napabuga ako ng hininga ng tuluyang maisara ni Alaric ang pinto. Naiwan akong nakatayo pa rin duon habang isa-isang bumabalik sa isip ko ang mga nakita kong mga dokumento kanina. Ang presensiya ni Alaric ang nagpaalala sa akin noon. Balak ba nila kaming patayin isa-isa? Alam kaya ito ng Älteste? Mukhang kakailanganin ko talaga ang tulong ng bastos na lalaking iyon. Kahit na nakakainis siya. Hindi nga niya ako papayin, pagsasamantalahan naman niya ako. 

Lalong nag-init ang ulo ko ng maalala ko kung gaano siya kalapit ng mga oras na iyon at kung paano niya ako titigan. Those red eyes. Why does it seem to be mesmerizing? 

Bigla ay parang gusto kong sampalin ang sarili para magising. Kailan pa naging kaakit-akit ang mga pulang mata? Hindi ba galit ka sa mga iyon, Yueno? Ngayon ay kinakastigo ko na ang sarili ko. Ano ba ang nangyayari sa akin? 

Napailing ako sa sarili ko. Mas mainam siguro kung itulog ko na muna ito at kung saan-saan na nakakarating ang utak ko. Tama! Kailangan ko ng pahinga dahil bukas ay kailangan kong maghanap ng panibagong impormasyon. 

Nagawa ko ng maisampa ang isang paa sa kama ng bigla akong nakaramdam ng malamig na hangin. Napatigil ako sa pag-akyat ng gumapang ang kilabot sa buong katawan ko. 

"That was close." Awtomatikong napabalikwas ako sabay takip ng tenga paharap sa taong iyon ng maramdaman ang pagbulong. Nawalan ako ng balanse kaya wala akong nagawa kundi ang kumapit sa lalaking ito para mapigil ang pagbuwal. Hindi ko na kailangan pang magtaka at magulat kung sino iyon pero hindi ko mapigilang kumabog ang dibdib pagkarinig sa boses ng lalaking ito. 

Napakapit nalang ako sa damit nito. Naging maagap naman ito sa pagpalibot ng braso sa bewang ko para pigilan ako sa pagbagsak. Wala na akong nagawa kundi ang mas kumapit pa dito. 

Hindi ako nakapalag ng maramdaman ko ang mas lalo niyang paghapit sa bewang ko palapit sa kanya. Malapitan ko tuloy na natititigan ang mga mata nitong kulay dugo na siyang lalong nagpapabilis sa pagkalabog ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ko man lang maisipang itulak siya. Para kasing may pwersang humihila sa akin palapit sa kaniya. Pamilyar ang pakiramdam na ito na hindi ko maipaliwanag. Na parang matagal ko na itong hinahanap. 

Tila may sariling isip ang palad kong hinaplos ang pisngi niya. I was taken aback as I watched how his bright red eyes turned into a darker one. Nagtagis ang mga bagang niya na tila pinipigilan ang sarili sa bagay na gustong gawin. Maya-maya pa ay inilapit nitong muli ang mukha sa aking tenga. May ibinulong itong salita na hindi ko maintindihan. 

Ang alam ko lang ay bigla nalang akong nakaramdam ng antok at parang gusto nalang matulog. Nangunot ang noo ko sa pamilyar na pangyayaring hindi ko matandaan kung saan naganap. Hindi ko na sinubukan pang isipin iyon dahil hindi ko na mapaglabanan pa ang antok at kusa nalang akong nagpatangay sa kawalan.

Madilim ang kapaligirang bumungad sa akin ng imulat ko ang mga mata ko. Hindi ko makita kung nasaan ako. Hindi ko ba nabuksan ang ilaw ng kwarto? O kung nasa kwarto ba ako? 

Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa semento. Nabalot ako ng pagtataka. Hindi ko naman siguro babalaking matulog sa semento kung nasa kwarto ako. Kung ganoon ay nasaan ako? Inilibot ko ang tingin sa paligid ngunit wala pa rin akong makita. Kinapa ko pa ang mga mata para makasigurong nakadilat na ako.  

“Yueno.” 

Sa gitna ng katahimikan ay bigla kong narinig ang boses ng papa ko. Mahina lamang iyon ngunit sapat ang lakas upang makarating sa aking pandinig. Kumabog ng malakas ang puso ko at umahon ang emosyong matagal ko ng pinipigilan. Ang pagkasabik sa papa ko. Hindi ko na napigilan ang pagragasa ng mga luha sa aking mga mata. 

“Pa!” balik-sigaw ko. Umaasang sasagot siyang muli.

“Yueno.” 

Napahagulgol na ako pagrinig noon. Mas malakas na iyon kaysa noong una. Agad akong tumakbo kahit hindi ko makita ang dinadaanan ko. Patuloy kong tinatawag ang pangalan niya at bawat pagsagot niya ay sinusundan ko ang pinanggagalingan noon. Kahit halos magkandadapa na ako sa pagtakbo ay pilit kong hinahanap sa kadiliman ang tinig ng papa. Gusto ko na siyang makita. Gusto ko siyang mayakap. Miss na miss ko na ang papa ko. Habol-habol ko ang hininga dahil sa pagod at sa paghikbi nang may makita akong liwanag sa hindi kalayuan. Sa sobrang liwanag noon ay natakpan ko ang mga mata.

“Yueno.” 

Agad kong inalis ang pagkakatakip sa aking mata pagkarinig ko noon. Wala na ang liwanag at ang tanging nandoon ay ang papa ko. Nakatayo ito habang nakatingin sa akin. Nakabuka ang mga braso nito na tila ba inaaya akong yakapin siya. Lalo akong napahagulgol. Hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at tumakbo na agad palapit dito. Ngunit ng malapit ko ng maabot ang mga kamay nito ay bigla itong naglaho na parang bula. 

Nagtatakang inilibot ko ang paningin habang tinatawag siya. Nayakap ko ang sarili ko sa halo-halong emosyong hindi ko na makayanang pigilan. Pangungulila, takot, pag-aalala. Isang lingap pa sa paligid at may nakita akong bagay sa lupa sa malayo. Lalong nag-umapaw ang takot ko ngunit lakas-loob ko iyong lapitan. Dahan-dahan ang bawat hakbang ko habang ang mga luha ko ay walang patid sa pagbuhos. 

Nanlalambot ang tuhod ko habang papalapit ng papalapit sa bagay na iyon. Na kung tutuusin ay hindi bagay kundi tao. Nakahandusay ito sa lupa at naliligo sa sarili nitong dugo. Parang huminto sa pag-ikot ang mundo ko ng makilala ko ang suot na damit noon. Nang tuluyan na akong makalapit ay halos panawan ako ng ulirat. Ayaw ko pang maniwala noong nasa malayo ako ngunit ngayong nasa harapan ko na ito ay parang dinudurog ang puso ko. Doon na ako tuluyang nawalan ng lakas at napaupo nalang. Isinubsob ko ang ulo sa braso saka ibinuhos ang lahat ng nararamdaman sa pag-iyak.

Alam kong wala na ang papa ko pero hindi ko parin matanggap na ganito ang kinahantungan niya. Hindi niya deserve ito. Muling umahon ang galit sa puso ko. Ang mga nilalang na iyon ang may kasalanan kaya namatay ang papa ko. 

“Yueno.” 

Nanggaling iyon sa likuran ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay isang lalaking nasa di kalayuan ang tangi kong nakita. Wala na sa paligid ang papa ko. Agad kong inilingap ang paningin para hanapin ito ngunit pawang kadiliman ang naroon. Nang ibalik ko sa lalaki ang tingin ay unti-unti itong naglalakad palapit sa akin. Ang dugong umaagos sa kamay nito ang unang nakatawag ng atensyon ko. Nang umangat sa mukha nito ang tingin ko ay nahigit ko ang hininga at nagsimula na namang umagos ang luha sa mga mata ko. Duguan ang bibig nito na kung hindi ako nagkakamali ay sa papa ko. Natatabingan ng anino ang buong mukha nito ngunit ang boses ng tumawag sa akin ay pamilyar. Na parang narinig ko na iyon kung saan. 

Huminto ito hindi kalayuan sa akin. Saka itinaas ang isang kamay na nababalutan ng dugo. Agad akong napaurong at biglang napatayo. Nang humakbang siya ay napaatras ako. Ito ang pumatay sa papa ko. 

“Yueno.”  

Narinig kong muli ang pamilyar na boses nito na tinatawag ako pero umiling ako. “Huwag kang lalapit,” sigaw ko na binalewala naman sa kanya dahil tuloy pa rin siya sa paglapit. Doon na ako nagsimulang tumakbo. 

“Hindi mo ako matatakasan, Yueno.”

Hindi ko na iyon pinakinggan at nagpatuloy sa pagtakbo. Kahit nanginginig ang mga tuhod ay pinilit kong makalayo. Kahit hindi ko alam ang patutunguhan ko ay tumakbo pa rin ako. Kailangan kong makalayo roon. Makalayo sa halimaw na iyon.

“I’ll come for you, Yueno.”

Paulit-ulit iyong umalingawngaw sa buong paligid na halos mabingi na ako sa sobrang lakas. Napahinto ako sa pagtakbo at wala ng ibang nagawa kundi ang magtakip ng tainga. Madiin ko iyong tinakpan huwag ko lamang marinig ang boses nito ngunit walang epekto. Hindi. Ayoko. 

AYOKO.

Related chapters

  • The Vampire's Tale   KIERAN LINCURT

    Humahangos akong napabalikwas ng bangon. Bangungot na naman. Inilibot ko ang tingin sa buong paligid. Madilim pa at bukod tanging ang liwanag lamang ng buwan ang tanging nagbibigay ng liwanag sa buong kwarto. Tila ako naligo sa pawis ng mapagbalingan ko ang sarili. Ang pisngi naman ay basang-basa sa luha na agad ko ring pinunasan. Noon ko lang din napansin na wala na ang misteryosong lalaki na iyon. Nakatulog akong bigla. Pilit kong inalala ang nangyari bago ako nakatulog ngunit ang tangi ko lang naaalala ay noong kalong ako ng lalaking iyon sa mga bisig niya ng aksidentend mawalan ako ng balanse mula sa pagkagulat sa kanya.Nasapo ko ang ulo at ibinalik sa bangungot ang isip. Ang buong akala ko ay hindi na ako muling bibisitahin pa ng mga bangungot ngunit nagkamali ako. Pero kakaiba ang mga pangyayari ngayon. Nandoon na ang papa ko. Muling umahon ang pangungulila sa kalooban ko. Oh how

  • The Vampire's Tale   EMBRACE

    Malayo na kami ay tanaw pa rin ang tuktok ng mansyon ng mga Cayman. Nagbubunyi ngayon ang kalolooban ko dahil lulan kami ngayon ng rolls royce ni Alaric pauwi sa bahay namin. Ilang beses ko pa siyang sinabihan na huwag ito ang gamiting kotse pero wala ring nangyari. Kaninang pagkagising ko pa rin kasi kinukulit si Alaric kung pwede niya akong ihatid sa bahay namin. Mukha namang nakuha ang lalaking ito sa pagmamakaawa ko kaya heto kami at nagbibiyahe. Iyon nga lang ay mananatili rin siya sa bahay bilang kapalit ng pagpayag niya. Gusto ko pa sanang umalma ngunit isinantabi ko nalamang iyon dahil nasasabik na rin akong makauwi. Hindi ko na ipinaalam sa bahay na uuwi ako dahil gusto kong surpresahin si mama at Kirius. Halos isang buwan pa lamang mula ng manirahan ako sa poder ng mga Cayman ngunit pakiramdam ko ay kay tagal na

  • The Vampire's Tale   BREATHTAKING

    Nanatiling nakatitig sa akin si Kieran. Ako naman ay nakatunghay rin sa kanya habang naghihintay sa maaari niyang sabihin."You finally figured that out," kaswal na sagot nito na tila matagal na iyong alam. "Hindi ikaw ang nag-iisang Dovana, Yue. Nandyan din si Kirius. Nakalimutan mo na ba na noong panahong kailangan mong sumama sa mga Cayman at hindi ka pumayag ay si Kirius ang gusto nilang isama?""Paano mo nalaman yon?" gulat kong tanong dito. Hindi pa kami magkakilala noon ni Kieran pero paano niya nalaman ang usapang iyon kung wala siya doon. Bigla akong nahiwagaan sa lalaking nasa harap ko. Kung alam niya ang mga bagay na iyon ibig sabihin ay marami siyang alam tungkol sa akin."I know everything," anito saka ako binitawan.

  • The Vampire's Tale   KISS

    Hindi ako magkamayaw kung paano ko pagpapakalma ng puso ko nang tuluyan na siyang makalapit sa akin. Akala ko ay may sasabihin siya kaya siya lumapit ngunit iba pala ang plano nitong gawin. Walang sabi-sabi niya akong binuhat saka mabilis na tumalon. Agad kong ipinikit ang mga mata saka agad na nangunyapit sa leeg nito.Nang maramdaman ko ang tila pag-ugoy namin ay agad kong iminulat ang mga mata. Doon ko nakita ang dahilan ng marahan naming pag-ugoy. Narito kami sa bangkang nakadaong sa may bantilan na hindi kalayuan sa parang. Mahahalata naman sa bangka na hindi ito masyadong gamit dahil makinis pa ang pintura nito. Nakukulayan iyon ng brown maski ang sagwang naroon ay ganoon din ang kulay. Malinis din iyon at may kalaparan. Hindi katulad ng ibang mga bangka na ginagamit pangingisda, na makitid ang mahaba. Ito ay malapad at may kaliitan. Wala ring makikita doong mga kagamitan sa

  • The Vampire's Tale   HINDRANCE

    Madilim pa rin ng makarating kami ni Kieran sa likod bahay. Tahimik din sa loob ng kabahayan tanda ng wala pang gising. Nasisiguro ko kasing madaling araw na. Hindi ko pa rin makalimutan kung gaano siya naging possessive kanina. At nang halikan niya akong muli pagkasabi niya na walang ibang pwedeng humalik sa akin kundi siya lang. Pagkarinig ko noon kanina ay parang gusto ko nang magtatalon sa tuwa. Pero hindi ko iyon maaaring ipakita sa kanya. Nakakahiya iyon.Dahan-dahan niya akong ibinaba pero nanatili pa rin siya sa tabi ko. Ayoko pa sanang humiwalay sa kanya pero kailangan kong pairalin ang pagiging rasyonal. Hinamig ko muna ang sarili bago humarap sa kanya. Malamlam na ngayon ang mga mata nito marahil ay ayaw pa rin niyang humiwalay. Magkagayon man ay nakikita ko pa rin doon ang kislap. Ang mga pulang matang iyon na ngayon ay iba na ang kahulugan sa akin. Hindi ko akalaing mahuhulog ako

  • The Vampire's Tale   THE OTHER SIDE

    Mabigat ang pakiramdam ko ng magising ako kinabukasan. Sobrang bigat ng katawan ko na tila ba may nakapatong na mga hollow blocks doon. Masakit din ang ulo ko na tila ba may masong pilit iyong binibiyak. Magtatanghali na pero nananatili pa rin akong nakahiga sa kama at namamaluktot dahil pakiramdam ko ay nagyeyelo sa labas kung kaya't sobrang lamig. Sa pagkakatanda ko ay hindi ko na binuksan ang aircon kagabi at nakasara rin ang mga bintana kung kaya't walang pagdadaanan ng hangin. Pero bakit sobrang lamig? Nakatalukbong na ako ng kumot at lahat pero hindi pa rin maibsan ang lamig na nanunuot sa talampakan ko.Maya-maya pa ay may narinig akong kumatok sa pinto pero hindi ko iyon sinagot. Wala akong lakas na magsasagot sa mga pangungulit nila ngayon."Yue," boses iyon ni Alaric.

  • The Vampire's Tale   CHAOS AT THE MANOR

    Lulan kami ngayon ng sasakyan ni Alaric pabalik sa mansyon. Ilang araw na din kaming na-delay bago makabalik sa manyon. Ayaw kasi ni Alaric na ibiyahe agad ako gayong kagagaling ko palang kaya't nagpalipas muna kami ng ilang araw.Hindi na rin naman namin napag-usapan ni Alaric ang nangyari nang nagdaang gabi. Noong gabing una ko siyang nakitaan ng kahinaan. Hindi na rin iyon naulit. Siguro ay ayaw nalang din niyang maalala iyon. Siya namang ayon sa akin. Pakiramdam ko kasi ng gabing iyon ay magtatapat siya ng nararamdaman niya para sa akin. Hindi ko naman maiwasang iyon ang isipin dahil iyon ang nakaguhit sa mga mata niya ng mga oras na iyon.Mainam na lamang at hindi niya iyon sinabi kung hindi ay hindi ko na alam ang gagawin ko. O sasabihin ko. Natatakot akong malaman na baka may nararamdaman na siya

  • The Vampire's Tale   MISSING

    Pakiramdam ko bigla na lamang akong humalo sa hangin bago ko pa maramdaman ang matigas na sementong dapat ay kababagsakan ko. Ramdam ko na may sumalo sa akin. Mabilis kong iminulat ang mata at nasalubong ang mukha ni Mathilde na nakatunghay sa akin. Buhat-buhat niya ako habang nakatayo di kalayuan sa mga tila mga aninong naglalaban. Hindi ko siya nakita sa malapit pero nagawa niya akong iligtas. Kung sabagay ay hindi ko nga sila makita sa sobrang bilis. Hindi na ako nakaimik sa kanya at tumingin nalang din sa mga mata nito. Nababaghan ako sa kung ano ang iniisip niya at mataman siyang nakatingin sa akin.Nang daluhan kami ni Alaric ay saka lamang niya ako ibinaba. Hindi pa man din ako nakakapagpasalamat sa kaniya ay bigla na siyang nawala. Marahil ay nabasa na niya ang isip ko pero gusto ko pa ding sabihin iyon.“Are you alrigh

Latest chapter

  • The Vampire's Tale   EPILOGUE

    Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t

  • The Vampire's Tale   END OF THE BEGINNING

    Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald

  • The Vampire's Tale   BARE

    *Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

  • The Vampire's Tale   A SILENT RIVAL

    Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay

  • The Vampire's Tale   AWAKENING OF THE TRUTH

    *Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi

  • The Vampire's Tale   TREACHERY

    Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs

  • The Vampire's Tale   UNDYING

    *Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun

  • The Vampire's Tale   MISCONCEPTION

    *Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala

  • The Vampire's Tale   UNVEIL

    Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso

DMCA.com Protection Status