Share

SHADOW

Author: MD Rosario
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Nakakasilaw na liwanag ang sumalubong sa mga mata ko nang magawa ko iyong maimulat. Itatabing ko sana ang kanang braso ko sa mata pero agad din akong napadaing. Nuon ko nakitang may nakakunektang swero roon. Nagtatakang inilingap ko ang mga mata. Maputing paligid, puting kama, amoy gamot, nasa ospital nga ako. Ano nga ba ang nangyari?

Hinalukay ko ang utak ko at inisa-isa ang mga pangyayari. Mula sa paglalakad ko ng late night pauwi, hanggang sa nakasalubong ko ang mga halimaw na iyon. Gumapang na naman ang pamilyar na kilabot sa katawan ko nang buong-buong isinalarawan ng utak ko ang mga itsura nila. Walang dudang sila ang mga pumapatay na napapabalita. Gusto ko sanang isiping parte lang sila ng imagination ko pero hindi. Nagpapatunay na roon ang sugat ko sa ulo, mga pasa at lalong-lalo na ang sugat sa mukha ko. Nakakasiguro akong mag-iiwan ng pilat iyon. Salamat sa matalim nilang kuko. 

Wala sa loob na napahawak ako duon. Akala ko yun na ang katapusan ko.

"Don't scare me again"

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. His words. His husky voice. Why am I feeling like this? I felt a sudden longing. Na parang habang panahon ng may kulang sa buhay ko at noon lang napunan ng marinig ko ang boses nya. Sino ba siya? 

I felt my cheeks burned at the thought of him. Parang bigla akong kinilig. Hindi pa ko nagkakaboyfriend ever pero hindi naman ako inosente sa mga ganung bagay. Naliligawan naman ako. At syempre nagkaron din naman ako ng ka-fling. Yun nga lang hindi ko dinidirecho sa pagboboyfriend. Ayoko kasi ng paiba-iba ng boyfriend. 

Teka nga, pinaglololoko ba niya ako? Baka naman bigla nalang niya iyon nasabi? Pero mukhang sinadya niya iyon. Maiisip pa ba niya akong lokohin sa ganung seryosong sitwasyon? It's a life and death situation, Matisse, for goodness sake. Ngayon inaaway ko na ang sarili ko. 

Nakikipagtalo pa ako sa sarili ko nang pumasok si mama na may dalang prutas. Kasunod niya si Kirius na akala mo ay napakatino sa suot na corporate attire. I felt relieved. Akala ko hindi ko na sila makikita. Nangilid ang luha ko. Parang gusto ko na tuloy silang yakapin. Nakatuon ang tingin ni Kirius sa cellphone at si mama naman ay mukhang wala sa loob ang pagpasok kaya hindi nila ako agad napansin. Paglapit ni mama ay saka nya halos mabitawan ang dala niyang prutas.

"Yue!" bulalas ni mama na nakakuha ng atensyon ni Kirius. "Kir, tumawag ka ng nurse o kaya ng doctor," nagmamadaling utos ni mama saka ako dali-daling nilapitan pagkababa ng prutas. Mangiyak-ngiyak siya at nasa mga mata niya ang pag-aalala.

"Ano bang nangyari, ma?" nagtatakang tanong ko.

"Isang buwan kang walang malay, Yueno. Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Isang buwan? Isang buwan na mula nang mangyari ang insidenteng iyon? Yung lalake?!

"Isang buwan?" bulalas ko. "Pa-paano raw ako nakarating dito, ma?"

"Ang sabi ng mga doctor ay may taxi driver daw na nagdala sayo dito."

Taxi driver? Pero hindi naman mukhang taxi driver yung nagligtas saken? Parang mali yata. Nakakapagtaka naman.

"Nasa sala ako noon nang makareceive ako ng tawag na nandito ka daw at malala daw ang lagay mo. Tinawagan ko ang papa mo at hinila ko agad si Kir papunta rito," kwento ni mama. "Pagkadating namin dito, ang sabi ng mga doktor ay nasa operating room ka daw dahil kailangang tahiin ang sugat mo sa ulo para maampat ang pagdurugo."

Nakatulala lang ako sa kanya habang unti-unting inaabsorb ang mga kwento niya. Mangiyak-ngiyak na rin si mama habang nagkukwento. I tried comforting her. Gusto ko sana siyang yakapin pero hindi ko magawa dahil mababanat ang suwero ko. Ayoko siyang pinag-aalala ng ganito.

"I'm alright now, ma. You don't have to worry."

"No!" may awtoridad na sabi ni mama. "Magreresign ka na sa trabaho mo, Yue."

"What?! No-"

"Napag-usapan na namin ng Papa mo yan. You will resign right after you discharge," pinal nyang salita.

Bago pa ako makasagot ay pumasok na si Kirius kasunod ang isang doktor. Chineck up agad ako nito at kinamusta ang pakiramdam. Kahit sinabi kong okay na ako ay hindi pa rin nila ako pinayagang makalabas dahil kailangan pa daw icheck-up ang ulo ko. 

Habang tinitingnan ako ng doktor ay hindi ko maiwasang maisip ang nangyari sakin lalo na ang sinabi ni mama. Isang buwan ako sa ospital. Sa makatuwid, na-comatose ako. Paano na ang trabaho ko? Ayokong magresign dahil mahal ko ang trabaho ko kahit na partly ng nangyari sakin ay dahil sa boss ko. Napabuntong hininga ako. Ngayon sinisisi ko ang boss ko. Siguro naman bibigyan niya ako ng konsiderasyon para sa nangyari sakin.

Ano kayang nangyari dun sa mga lalaking umatake saken? Buhay pa kaya sila? Pero, ano ba talaga sila? Nakakasiguro naman akong totoo silang nilalang dahil hindi naman ako hahantong sa ganitong sitwasyon kung hindi sila totoo, di ba?

Kahina-hinala din ang impormasyong ibinigay ng lalaking tumulong sakin sa mga doctor dito. Tinatago marahil ang identity ng mga nilalang na yun. O ang identity nya. Ayokong papaniwalain ang sarili ko sa katotohanan sa kung ano sila pero hindi ako pwedeng maging naive. I know what they are based on their appearance pero wala akong hawak na evidence. At isa pa, sa libro lang sila nag-eexist, hindi ba? Sinong maniniwala sa akin? Kailangan ko ng impormasyon. Kapahamakan ang dadalin nila sa mga tao. I have to stop them. 

Nang makaalis ang doctor ay binalingan ko si mama na nakaupo sa tabi ko. Kami lang dalawa dahil lumabas si Kirius para bumili ng makakain.

"Ma," tawag ko sa pansin niya. "Nag-report na ba kayo sa pulis tungkol sa nangyari sakin?"

"Oo. Kaso ang problema, anak, hindi pa natutunton ng mga pulis ang naka-hit and run say-"

"Hit and run?" gulat na putol ko sa sasabihin nya.

"Na-hit and run ka, anak. Nakalimutan mo na ba?"

Ibig sabihin itinago talaga ang tunay na dahilan ng nangyari sakin. Ang lalaking yun. Gumawa siya ng kwento? Bakit? Sino kaya siya?

"Yueno?" untag ni mama.

"Ma!"

"You're spacing out. May masakit ba sayo?"

Umiling ako. Hindi na dapat nila malaman ang totoo. Ayoko na silang mag-alala. Lalong ayoko silang mapahamak. Hahanapin ko ang lalaking yun sa kahit anong paraan.

"I'll come for you."

Napabalikwas ako ng bangon at halos mapadaing nang hindi sinasadyang mahila ang suwero ko. Umalpas ang kaunting dugo roon dahil sa pagkabirat. Habol ko ang hininga ko na parang kanina ko pa pinipigilan. Napalinga ako sa paligid. Patay na ang ilaw pero buhay ang lampshade sa ulunan ko kaya hindi ganun kadilim ang paligid. Wala namang kakaiba bukod sa ingay ng paghihilik ni Kirius na nagpaiwan para daw may kasama ako. Si mama naman ay kanina pa umuwi.

Binalik ko ang tingin sa katawan ko. Bahagyang nanginginig ang mga kamay ko at basang basa ako ng pawis. Daig ko pa yata ang nagtatakbo ng ilang kilometro. Nasapo ko ang ulo ko. Binangungot na naman ako. Iyon ulit. Pero bakit parang totoo yung boses? 

Sa panaginip ko ay lumapit sa akin ang lalaking kausap ng bata at saka bumulong. Pero bakit pakiramdam ko ay totoo siyang bumulong sa akin? Na parang napakalapit nya at nandito lang sya sa tabi ko?

Nayakap ko ang sarili ko. Wala sa loob na napatingin ako sa mga kurtinang iniihip ng hangin. Nakabukas ang bintana? Bakit? Malabong buksan ni Kir ang bintana dahil mahigpit na ipinagbabawal ng ospital. Nakabukas din ang aircon kaya't hindi maiisip ng kapatid ko na magbukas ng bintana. 

Napatingin ako sa sahig na nasisinagan ng buwan. Malamang kabilugan ng buwan ngayon dahil napakaliwanag ng sinag noon. Hahanga na sana ako sa ganda nito kung hindi ko lang napansin ang anino ng taong nakatayo sa railings ng bintana.

Kumabog ng malakas ang dibdib ko. Sino iyon? Sino ang hibang na magtatangkang tumayo roon? Delikadong tumayo sa railings ng bintanang nasa ika- siyam na palapag. Hindi kaya siya yon? Anong kailangan nya saken?  Nagpapakamatay ba siya? Pero kung siya man iyon, paano siya nakarating dun?

Natatakot man ay bumaba pa rin ako sa kama at tinanggal ang pagkakakabit ng swero ko. Napangiwi ako ng matanggal ko iyon. Infairness, masakit. Hinimas ko pa ang kamay ko bago nagsimulang lumapit sa bintana. 

Nililipad pa rin ng hangin ang kurtina. Nilingap ko ang kapatid ko, tulog pa rin. 

Hindi ko alam kung ano ang nasa likod ng kurtina na yon pero kailangan kong malaman. Kung siya man iyon, baka may alam siya sa mga taong umatake sa akon.

Dinig na dinig ko ang kalabog ng dibdib ko ng makalapit ako sa bintana. Habang pilit kong inaalis sa isip na baka isa sa mga halimaw ang nasa likod, kusang kumilos ang mga kamay ko at hinawi ang kurtina. Gumapang ang kilabot sa katawan ko nang wala akong taong naabutan sa likod ng noon. Walang ibang nandoon kundi isang uwak. Nahindik ako. Parang natulos ako sa kinatatayuan ko. Pinaglalaruan ba ako ng mga mata ko? Pero hindi. Hindi ako pwedeng magkamali. May nakita talaga akong anino ng tao doon. Anino ng lalaki. 

Kinilabutan na naman ako lalo ng napatingin ako sa uwak na matamang nakatitig saken. Talaga bang ganito tumitig ang mga ibon? O kung tumititig ba sila? First time kong makakita ng uwak pero hindi naman ako ignorante. Kung makatingin kasi yung ibon, parang hindi siya normal na ibon. There was something in this bird that gives me chills. Parang any moment ay susunggaban ako nito.

Akmang ihahakbang ko ang mga paa ko pero hindi ko maigalaw. Anong nangyari? Gawa ba to ng ibon? Paano? Nag-iimagine pa din ba ako? Kailangan kong gumising kung imagination lang ito. Kinagat ko ang labi ko hanggang sa magdugo iyon. Napadaing ako sa sakit pero walang lumabas na boses. Walang duda, hindi ito parte ng imahinasyon ko. Kinabahan ako. Gusto ko na sanang gisingin at sigawan si Kirius pero hindi ko magawa. Ano ba tong nangyayari sa akin?

Ibinalik kong muli ang tingin sa ibon. Nanlaki ang mga mata ko ng umilaw ang mga mata nito. Saglit lamang iyon saka ito lumipad paalis.

Nang makalayo ang ibon ay saka lang ako nakagalaw. Napaluhod ako habang habol ang hininga. Ramdam ko ang panlalambot ng mga tuhod ko. What's just happened? Did that happen? 

Ramdam na ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko na halos hindi ko magawang tumayo. Nanghihina ako.

"Ate!" Agad na nagbangon ang kapatid ko at dinaluhan ako. "What the heck are you doing? Bakit tinanggal mo ang swero mo?"

"W- wala." Hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang nangyari. Siguradong hindi sya maniniwala saken.

Napapalatak sya saka ako itinayo. "Pinatay mo yung aircon saka mo binuksan yung bintana, may toyo ka ba ate? Ano bang pumasok sa isip mo?"

Hindi ako makaimik. Wala sa mga sermon niya ang isip ko kundi nandoon sa anino at sa ibon. Anino ng tao yung nakita ko pero ibon yung nadatnan ko. Paano nangyari yun? Imposible namang yung tao naging ibon? Unless, hindi sya tao. Napasinghap ako at nanlaki ang mata. 

"Hoy, ate! Ano bang nangyayari sayo?" nag-aalalang tanong ni Kir. "Kailangan ko na bang tumawag ng doktor?"

"Hindi. Okay lang ako." Nginitian ko pa sya para mas effective. Mas lalo yatang syang nagduda.

"Mukha ngang hindi ka okay, iba ka kung makangiti ee."

"Hindi na, Kir. Matulog ka na, okay lang ako. Saka wag mo ng ipakabit ang suwero ko tutal uuwi naman na tayo bukas."

"Sige. Sabi mo ee." Bumalik na din sya sa sofa saka nahiga. Mabuti na lang at hindi na siya nakipagtalo. 

Nahiga na din ako at hinila ang kumot. Hindi parin maalis sa isip ko yung nangyari. Parang may mystery sa mga nangyayari. Nahihiwagaan ako masyado, to the point that curiosity is killing me. Bago pa man din ako hilahin ng antok ay nakipagkompromiso ako sa sarili ko. I will find it. Whoever those creatures are. Hindi ako makakapayag na maipagpatuloy pa nila ang pagpatay nila. At lalong hindi ko hahayaang masaktan nila ang pamilya ko. I will unravel their secret. I'll expose them.

Related chapters

  • The Vampire's Tale   ENTRAPPED

    Hindi alam ni mama na na-discharge na ako sa ospital. Kinulit ko kasi yung doctor pagkauwi nya kaya hindi nya alam. Mabuti nalang at napilit ko yung doctor. Kung ano-ano pang drama ang ginawa ko, payagan lang nila ko. Isa pa, baka maulit yung nangyari kagabi kaya mainam na din ito. Sinabi ko naman sa doktor na weekly akong magpapa-check up.Tahimik ang naging biyahe namin ni Kir. Hindi ko pa din sinasabi sa kanya kung ano ang nangyari kagabi kahit na anong pangungulit nya. It's better for him not to know. The lesser you know, the safer you will be. I don't want to drag them into this.

  • The Vampire's Tale   THE MANOR

    "You ready?"Napatango nalang ako saka muling tumingin sa kabahayan. Mukhang matatagalan bago ako makauwi ulit.It's been a week mula nang mailibing si papa. Hindi rin namin nahanap ang katawan nya. I wonder what happens to papa. Kung buhay pa ba sya at kinuha lang sya ng mga masasamang bampira o wala na talaga siya. Well, I will figure it out. Sigurado akong may kinalaman ang mga Cayman dito. Malapit ko na ding malaman yun total mapapalapit naman ako sa kanila.

  • The Vampire's Tale   CAYMANS

    Matatanaw ang malapalasyong bahay ng mga Cayman, di kalayuan pagpasok sa napakalaking gate ng mga ito. I've never imagine them to lived in a palace-like-house. Near the gate is a park like garden with a small fountain in the midst. Ang ilang mga halaman ay hitik sa iba't ibang uri ng mga bulaklak at ang iba ay napapalibutan ng bermuda grass. Nakapagitna iyon sa napakalaking driveway papunta sa mismong bahay. Sa gawing gilid naman ay ang garahe para sa di mabilang na sasakyan. Along the driveway in front of the house stands another fountain. A huge and stunning one."We're here," excited na sabi ni Lenora saka dali-daling bumaba nang maihinto ang sasakyan sa harap ng main door.Bumaba din ako agad pagkatanggal ko ng seatbelt. This is it. There's no turning back

  • The Vampire's Tale   PRIORITY

    It's been two days since I arrived at the Cayman's manor. At magsimula ng pumasok ako dito sa kwarto ko ay never pa kong lumabas. I don't feel like walking around knowing that every person in this house were all bloodsuckers.Well, okay pa naman ako sa lumipas na 48 hours. Wala pa namang nabawas sa katawan ko lalo na sa dugo ko. Dinadalan nila ako ng pagkain ng mga maids nila pero pinapaiwan ko lang iyon sa pinto saka ko kukunin. So far, di pa naman nila ako inaabala sa pananahimik ko dito. Pero minsan nagugulat nalang ako dahil sa pagkatok bigla kundi si Mathilde, ay si Lenora.And speaking of maids, well, they absolutely have maids. Of their kind. Hindi sila kakaunti. Marami sila. Noong una ay nagugulat pa ako pero ngayon nabawasan na. This is not an o

  • The Vampire's Tale   ALARIC CAYMAN

    Malamig ang hangin na dumadampi sa mga balat ko. Hindi ko minumulat ang mga mata ko dahil sa takot sa nakaambang mangyari sakin. Pero lumipas na ang ilang sandali ay wala pa rin akong sakit na nararamdaman. Namanhid na ba ako? Pinakiramdaman ko pa lalo ang sarili ko habang nananatiling nakapikit ang mga mata ko ngunit wala talaga akong maramdaman bukod sa para akong nakalutang sa hangin. Am I already dead? "You're safe now. You can open your eyes." Halos magkasabay na nagreact ang mata at puso ko ng marinig iyon. As my eyes snapped open, I was greeted by a pair of hypnotizing bluish gray eyes. Lalong nagwala ang puso ko at nahigit ang hininga ko.

  • The Vampire's Tale   DOVANA

    Maaga akong nagising ng sumunod na araw. Sinadya ko iyon dahil ngayon araw ay kakausapin ko ang pamilya. Gusto kong malaman kung bakit ako nandito. Gusto kong masagot na ang mga katanungan ko at lalong gusto ko ng matapos ang lahat ng ito at bumalik na sa normal. Sa tahimik kong buhay na kahit trabaho bahay at walang jowa ay masaya pa rin ako. Oo at may nakikilala akong mga nag-gugwapuhang mga lalaki pero hindi ko ipagpapalit ang tahimik kong buhay para lang sa kanila lalo na ang kaligtasan ng pamilya ko. Kailangan kong malaman ang kung anong nagkokonekta sa akin, ng pamilya ko, sa mundong ito. I need to be armed before I charge in the battle.Nakaupo lang ako sa gilid ng kama nang may maramdaman akong kaluskos. Tumatalas na rin yata ang mga senses ko. Well, sino ba naman hindi tatalas ang senses kung ilang beses ng nakaligtas sa kamatayan. I became aware of everything after those multiple incidents. Kaya hindi na ako nagulat ng biglang may kumatok sa pinto.

  • The Vampire's Tale   DUNGEON

    Agad akong tumakbo palapit sa kulungan."Lenora!"Gulat itong napatingin sa akin pati ang katulong sa tabi ko. Halata sa mukha nila na hindi nila ako inaasahan sa lugar na ito."Yue-""What are you doing here, Yueno?" Kinilabutan ako sa lamig ng boses na nanggaling sa likuran ko. Sa pagkakataong ito ay ako naman ang nagulat at napaharap doon. Natagpuan ko roon ang nakahalukipkip na si Damien na direktang nakatingin sa akin.Hindi naman ako nagpatinag kahit nagsisimula na namang kumabog ang dibdib ko."Bakit nakakulong dito si Lenora?" sigaw ko. Kumulo ang dugo ko sa isiping, kaya nakakulong dito si Lenora ay dahil sa akin."This is her punishment," walang buhay na sagot ni Damien sa akin. Nakaka-sense ako ng disgusto sa kanya. Malakas ang kutob kong ayaw nya sakin. Maya-maya ay naglakad ito palapit sa kinalulugaran namin. Yumu

  • The Vampire's Tale   MIDNIGHT VISIT

    Nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa mga mata kong kakalahati pa lang ang nakabukas. Umaga na pala. Pakiramdam ko kasi ay parang napahaba ang naging tulog ko. Pinakamahaba na kung kumpara nitong nakakaraang araw. Awtomatikong inabot ng kamay ko ang alarm clock sa may bedside table kahit hindi iyon tumutunog. Wala lang. Gusto ko lang tignan ang oras. Hindi na rin kasi ako nagseset ng alarm dahil hindi na ako pumapasok sa trabaho. Masarap sana na hindi ko na kailangang magtrabaho yun nga lang, laging nasa panganib ang buhay ko.Hindi na ako nagtaka ng makitang mag-aalas dose na ng tanghali. Tanaw kasi ang tirik na tirik na sikat ng araw mula sa nakabukas na pintuan ng terrace. Nakalimutan ko pala iyong isara kagabi. Pero sa pagkakatanda ko ay isinara ko iyon kagabi dahil nagbukas ako ng aircon. Mabuti na lamang at walang nagtangkang pumasok.

Latest chapter

  • The Vampire's Tale   EPILOGUE

    Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t

  • The Vampire's Tale   END OF THE BEGINNING

    Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald

  • The Vampire's Tale   BARE

    *Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

  • The Vampire's Tale   A SILENT RIVAL

    Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay

  • The Vampire's Tale   AWAKENING OF THE TRUTH

    *Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi

  • The Vampire's Tale   TREACHERY

    Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs

  • The Vampire's Tale   UNDYING

    *Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun

  • The Vampire's Tale   MISCONCEPTION

    *Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala

  • The Vampire's Tale   UNVEIL

    Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso

DMCA.com Protection Status