Home / Fantasy / The Vampire's Tale / Chapter 31 - Chapter 40

All Chapters of The Vampire's Tale: Chapter 31 - Chapter 40

84 Chapters

NOSTALGIA

Hindi ko sukat akalain na mangyayari pa ang bagay na ito pagkatapos ng lahat ng sakit at pighating pinagdaanan ko. Hanggang ngayon ay wala pa rin patid sa pagkalabog ang puso ko. Para akong nananaginip. Parang bang napakahirap paniwalaan pero heto kami ngayon. Magkasabi. Magkatabi. Magkayakap.Ramdam ko ang maya't mayang paghagod ng malakas na pintig ng puso ko sa bawat paghalik ni Kieran sa ulo ko. Nakasandal siya sa isang puno roon habang ako naman ay nasa pagitang ng mga braso niya't nakasandal sa matipuno niyang dibdib. Pilitin ko mang itanggi pero ramdam ko pa rin ang galak sa puso ko nang muli kong maramdaman ang init ng yakap niya. Pakiramdam ko ay muling nabuhay ang damdaming inakala kong patay na. Ayoko pang maniwala sana sa kaniya. Per
Read more

VERACITY

Parang gusto kong matawa sa naging reaksyon niya sa sinabi ko. Nakatulala lang kasi siya sa akin. Ganoon din ba ang reaksyon ko kanina?Ilang sandali pa ay nagsimula ng sumungaw ang ngisi sa mga labi nito saka ako hinapit papalapit sa kanya. "What did you just say?" anito na may ngiti ng tagumpay sa labi. Animo ay para siyang nanalo ng malaking papremyo sa gawi ng pagngiti niya. Bigla ko tuloy siyang naisipang asarin. Bahagya ko pa siyang itinulak para makagawa ng maliit na distansya. "Sinabi ko na. Wala na akong balak ulitin pa." Sinabayan ko pa iyon ng halukipkip at bahagya pang paglayo sa kanya.Sa pagkabigla ko ay bigla nalang niya akong hinapit muli palapit sa kanya at sa pag
Read more

MAGES OF MAGJI

“Y-you can erase memories?” Tumango ito. “That was the only memory I wiped out of Kirius but the most were yours.” hindi agad ako nakapagsalita sa sinabi niya. “Nagsimula iyon nang isang beses kang maka-encounter ng isang pack ng rogue. Maliit ka pa noon and you were on a camping trip. Sa pagkakatanda ko ay girls scout nga ba ang tawag doon? Whatever you call that. Late night na iyon at sa kung anong dahilan ay bigla ka nalang lumabas ng tent nyo. Hindi ka napansing lumabas ng mga teachers kaya’t walang nakakaalam na umalis ka. Aalis na dapat ako noon dahil ipinapatawag daw ako ng amain ko pero ng makita kitang nag-i-sleep walking ay masyado akong natuwa sa pinaggagawa mo kaya pinanood muna kita. Until you came to your senses and started crying. Takbo ka ng takbo sa kung saan-saan, naghahanap ng daan pabalik pero paikot-ikot ka lang. Pinag-iisipan ko pa kun
Read more

DIVULGENCE

Agad akong sinalubong ng yakap ni Mama nang makarating kami sa bahay. Sa higpit ng yakap niya ay nakasisiguro akong masyado siyang nag-alala. Kung sa bagay ay kamamatay lang ni Kirius, marahil ay natakot din niya para sa akin. Gumanti ako ng yakap kay Mama para iparamdam na hindi na niya kailangan pang mag-alala. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kaniya ang mga nangyari. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko maialis ang nararamdaman kong galit sa mga mages. At mula ng dumating kami ay hindi ko pa rin kinakausap si tiya. Maging si Oswald ay sinusubukan akong lapitan pero lumalayo ako. Hindi ko kasi alam kung paanong pakikitungo ang gagawin ko sa kanila. Sa makailang beses na nagmakaawa akong itigil na nila ang pananakit kay Kieran ay hindi sila tumigil. Kung alam lang nila kung paano nila unti-unting dinud
Read more

GRIEF

Hindi ko alam kung ano ang iisipin at mararamdaman ko sa mga sinabi ni Mama. Hindi ko rin malaman kung makikinig pa ba ako o hindi. Kinakabahan ako sa susunod niyang sasabihin. Alam kong si Cassius ang unanng lalaking minahal niya pero ang lalaking pinakamamahal? Hindi ba't si Papa iyon?"Ikinuwento ko na sa iyo ang tungkol sa amin ni Cassius pero hindi ko nabanggit sa iyo na siya ang lalaking pinakamamahal ko. Hindi ko na iyon binanggit dahil natatakot akong isipin mo na pinagtataksilan ko ang Papa mo. Pero hindi. Nanatili akong tapat sa Papa mo."Tama nga ako ng hinala pero nabibigla pa rin ako sa sinasabi niya. "Bakit ngayon mo lang sinasabi sa akin ang lahat ng ito, Ma?"“Nang sinabi ni Arsellis na dinukot ka ng mga bampira ay na
Read more

RECONCILE

"Sa nakikita ko sa mga mata, Yueno, may palagay akong may alam ka sa mga iyon. Don't stick your nose too much, Yue. Baka hindi mo alam ang pinapasok mo," may himig ng pagbababala sa tinig nito.  "Too late, tiya. I already did."  "Huwag mo nang ituloy, Yue. Malaking pader ang babanggain mo," matigas na saas niya.  Natahimik ako. Iyon din ang sinabi sa akin ni Kieran. "Sabihin mo sa akin ang lahat ng nalalaman mo tiya."  Bigla itong tumayo kaya't naalarma agad ako. Nasa mukha niya ang pagtutol. "Hindi. Mukhang nagkamali ako ng sabihin ko sa iyo ang tungkol sa mga Cayman. Kitang-kita ko ang determinasyon sa mga mata mo, Yue. At iyang determinasyon mong iyan ang papatay sa iyo," anito saka umiling. "Hindi ko hahayaang magdusa na naman ang kapatid ko sa pagkamatay ng isa pang anak."   Iyon lamang at dire-dir
Read more

ARCANA

Tahimik sa buong kabahayan at mukhang umalis si tiya at Mama kaya kinuha ko ang pagkakataon para makapasok sa study room ni tiya. Mag-isa lamang ako sa bahay ngayon. Hindi na naman dumating si Ada at si Oswald naman ay kaaalis lang. Naiilang pa rin ako kapag kasama si Oswald pero pinipilit ko pa ring baliwalain. Sa totoo lang ay speechless ako noong sinabi niyang ipagpapatuloy daw niya ang pagmamahal niya sa akin. Tututol pa sana ako para sa huli sinabi rin niyang hayaan ko nalang daw siya. Kaya hayun at magkasama na naman kami. Hindi ko alam kung paanong pakikitungo ang gagawin ko noong una ngunit sinabi rin niya sa akin na tulad lang din daw ng dati. Mukha siyang okay pero nasisiguro kong may lungkot pa rin siyang itinatago sa loob. Alam ko namang hindi magiging madali iyon lalo pa at magkasama na naman kami. Pero magiging panandalian nalang iyon dahil babalik na ako sa ma
Read more

ENTANGLEMENT

Galit ang unang rumehistro sa mukha ni tiya nang marinig ang sinabi ko. Kumuyom din ng mariin ang kamao niya na bukod sa pinipigil na galit ay tila nagpipigil din sa kung anong maaari nitong gawin. "Kasalanan ko din ito," maya-maya ay saad niya. "Alam ko nang delikado sila kay Cassius pero wala man lang akong ginawa."Hinamas ko ang likod nito para iparating ang simpatya. Kung ako man ay sinisisi ko rin ang sarili ko sa naging pagkamatay ni Kirius. "Huwag mong sisihin ang sarili mo, tiya. Walang may gusto sa mga nangyari.""Hindi, Yue. Masyado akong nagpakakampante na hindi sila gagalawin ng mga Cayman dahil sa mga Älteste. Hindi ko man lang naisip may kakayahan si Cassius para manipulahin ang mga pangyayari."
Read more

LAVALIER

“Pero tiya--”  “Tama na, Yue,” matigas na sabi ni tiya Arsellis na ngayon ay nakaupo na sa likod ng lamesa niya. “Napagkasunduan na rin namin dalawa na hindi na makikialam pa sa isa’t isa kaya tigilan mo na. Nakapagdesisyon na kami. Isa na ako ngayon sa mga elder mage na namamahala sa bayang ito, kaya tama na ang mga pantasya. Masyado na kaming matatanda para sa ganoong mga bagay.”  Nagitla ako sa naging reaksyon niya. Hindi ko inaasahang tatalikuran na lamang niya ang pagmamahalan nila ngayong may pag-asa na.  “Kung ikaw na ang namamahala, ibig sabihin ay may kakayahan ka ng baguhin ang mga baluktot na pamamahala ng nakaraang mga elder mage. Bakit hindi mo subukang baguhin iyon?”  “Hindi iyon ganoon kadali, Yue. Masyadong komplikado para usisain mo pa. Sapat na ang mga sinabi ko sa iyong i
Read more

SEERS OF MAGJI

Mabigat ang pakiramdam ko habang nag-aayos ng sarili. Ngayong araw na ako aalis ng Magji. Kanina pa ganito ang pakiramdam ko simula nang gumising ako. Ewan ko ba. Para kasing ayokong umalis. Mabigat ang loob ko. Pati katawan ko mabigat. Parang ayaw kumilos.   Saglit ko pang pinagmasdan ang paligid habang nakaupo sa kanto ng kama. Hindi ko maalis sa isip ko si mama. Nag-aalala ako sa kanya. Kagabi ay tinabihan pa niya ako sa pagtulog, baka daw kasi ma-miss ko siya. Pero sa kabila noon ay alam kong labag sa kalooban niyang umalis ako.    Kung maaari ko nga lang talikuran ang pagiging Dovana at tumira nalang dito ay matagal ko na sanang ginawa. Kaso hindi pwede. Pakiramdam ko ay para akong may tali sa leeg na at kailangang bumalik sa may-ari. Napakuyom ako ng kamao. Hindi ko hahayaang tuluyan akong mawalan ng karapatang magdesisyon para sa sarili ko.  &nb
Read more
PREV
1234569
DMCA.com Protection Status