"Welcome back, Yueno," bungad ni Idris nang tuluyan na kaming malalapit. Agad itong tumayo at lumapit para salubungin kami samantalang ang tatlo ay nagsitayo na rin. "Natutuwa ako at ligtas kang nakabalik sa amin. Ang balita namin ay inatake ng mga rogue ang Magji."Hindi ko naman magawang pagdudahan ang pag-alalang nasa mga mata niya. Ngayong alam ko na ang buong istorya ng nakaraan nila ni tiya ay di ko mapigilang matuwa sa kanya. Alam kong hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si tiya Arsellis. Nakakalungkot lang napakaraming humahadlang sa pag-iibigan nila. Kaya't kung sakali man sigurong humingi siya sa akin ng tulong upang makita si tiya ay hindi ako magdadalawang-isip na tutulungan siya. "Ayos lang ako. Maraming salamat," sagot ko rito na sinamahan pa ng maliit na ngiti. Gusto ko sanang isago
Read more