"Welcome back, Yueno," bungad ni Idris nang tuluyan na kaming malalapit. Agad itong tumayo at lumapit para salubungin kami samantalang ang tatlo ay nagsitayo na rin. "Natutuwa ako at ligtas kang nakabalik sa amin. Ang balita namin ay inatake ng mga rogue ang Magji."
Hindi ko naman magawang pagdudahan ang pag-alalang nasa mga mata niya. Ngayong alam ko na ang buong istorya ng nakaraan nila ni tiya ay di ko mapigilang matuwa sa kanya. Alam kong hanggang ngayon ay mahal pa rin niya si tiya Arsellis. Nakakalungkot lang napakaraming humahadlang sa pag-iibigan nila. Kaya't kung sakali man sigurong humingi siya sa akin ng tulong upang makita si tiya ay hindi ako magdadalawang-isip na tutulungan siya.
"Ayos lang ako. Maraming salamat," sagot ko rito na sinamahan pa ng maliit na ngiti. Gusto ko sanang isago
Nakaupo lang ako sa gitna ng kama habang nakayukyok sa mga braso. Naririto ako sa kwartong inilaan sa akin ng mga Ȁlteste. Malalim na rin ang gabi pero hindi ko parin magawang makatulog. Malaki ang kwarto ngunit hindi ko ma-appreciate dahil ginugulo ang isip ko ng mga salitang binitiwan ni Alaric. Maging ang itsura niya kanina ay hindi ko makalimutan. Kanina pa rin ako isip ng isip kung paano ko sasabihin sa kanya na hindi talaga pwede pero hanggang ngayon ay blangko pa rin ang utak ko. Imbes na sa plano na sana naroon ang isip ko ay dumadagdag pa si Alaric. Ayoko namang umabot kami sa puntong iiwasan ko nalang siya.Napahugot ako ng malalim na hininga saka bumaba sa kama. Lalabas na muna siguro ako at magpapahangin. Baka sakaling umayos ang utak ko. Sana nga lang ay hindi ko makasalubong si Alaric. Hindi ko alam kung nasaang kwarto ito namamahinga pero sana hindi niya ako maisipa
Tanghali na ng magising ako kinabukasan. Mag-uumaga na rin kasi ng makabalik ako sa kwarto. Masyadong napalalim ang usapan namin ni Idris kagabi. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ngunit nanatili lamang doong nakaupo. Hindi ko sukat akalaing ganoon pala magmahal si Idris. Napapangiti pa rin ako kapag naiisip ko kung gaano kalalim ang pagmamahal niya kay tiya. Nakakatuwang isipin na sa kabila ng pagkakaiba ng mga lahi ay may nabubuo pa rin ganito. Isang wagas na pagmamahal na handang gawin ang lahat para sa taong mahal niya. Sa panahon ngayon ay napakahirap ng makahanap ng totoong pagmamahal. Napakaswerte ni tiya.Pero nakakalungkot lang isipin na kailangan nilang magkahiwalay dahil sa kaguluhan at hindi pagkakaintindihan ng mga lahi. Ang pagkahayok nila sa kapangyarihan ang siyang nagiging dahilan ng lahat. Ano bang mayroon sa mundo at gustong-gusto nilang mapasakanila?"Yue.
Madilim ang paligid. Wala akong makita. Patay na ba ako? Pero pakiramdam ko ay napakakirot ng katawan ko. Hindi dapat kung patay na ay wala ng nararamdamang sakit? Isa pa ay bakit madilim? Hindi ba ako sa langit napunta? Siguro ay masyado ng mabigat ang mga kasalanan ko kaya ganoon.Nakakarinig din ako ng mga ingay na hindi ko alam kung saan nanggagaling. Noong una ay mahina lamang iyon hanggang sa palakas ng palakas. Talaga bang maingay ang paligid pag namatay na? Kung hindi ako nagkakamali ay mga boses ng lalaki ang naririnig ko. Pero hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila.Sinubukan kong igalaw ang katawan ko para lang mapadaing sa tindi ng sakit na gumapang sa kabuuan ko. Pakiramdam ko ay para akong na-hazing. Kahit saang parte ay kumikirot. Pigil-pigil ko rin ang hininga matiis lamang ang sakit.Lalon
"Elyxald Von," usal ko na halos pabulong na.Naalala kong bigla ang sinabi ni tiya na madalas na pagpunta ni Cassius sa Palazzo noon. Kung ganoon ay si Elyxald pala ang pinupuntahan nito. Ibig sabihin ay matagal na siyang nagtatraydor. Ito rin ang pinuno ng mga rogue. Sa mas lalo ko pang pagtataka ay hindi lumuhod dito si Kieran."Maligayang pagdating," bati ni Cassius habang nakayuko pa rin.Hindi naman iyon pinansin ni Elyxald sa halip ay tinapik sa balikat si Kieran nang makapasok sa kulungan at makalapit dito."Magaling, anak. Hindi ako nagkamali sa iyo."Natigagal ako ng marinig ang tinuran nito. "A-anak?" Hindi ko namalayang dumulas sa dila ko."Hindi mo ba alam na
*Kieran*Abot-abot ang pagpipigil ko sa sarili huwag lamang daluhugin si Elyxald sa ginagawa nitong pagpapahirap kay Yueno. Kung kanina ay nagawa ko pang magtimpi kay Lenora, ngayon ay parang hindi ko na kakayanin. Hindi maatim ng kalooban ko ang nakikita ko ngayong sitwasyon ng babaeng pinakamamahal ko. Nahihirapan man ako ay kailangan ko iyong tanggapin dahil ako ang nagdala sa kanya sa sitwasyong ito.Nang marinig ko itong sumisigaw kanina ay para na akong dinudurog. Kitang-kita ko ang sakit na nakabalatay sa mga mukha niya habang si Elyxald naman ay parang demonyong tuwang-tuwa sa nakikita. Parang gusto ko tuloy palipitin ang leeg nito at iparanas dito ang kaparehas na sakit na pinagdadaanan ni Yue. Pagkatapos nito ay malamang sa hindi na niya ako mapatawad. Kung sakaling magkagayunman ay tatanggapin ko. Mailigtas ko lamang siya.
Gulong-gulo ang isip ko kung paano ang gagawin para maibigay lang ang hinihiling ni Elyxald na dugo ni Yue. Ang tuso na iyon. Talagang sinusubukan niya ako. Nakuyom ng madiim ang kamao ko.Kung bibigyan ko naman siya ng ibang dugo ay siguradong malalaman niya dahil iba ang dugo ng Dovana sa dugo ng isang normal na tao. Kung gagamitan naman ng mahika ni Ada ay hindi rin ako nakakasigurong hindi niya iyon malalaman. Isa pa ay hindi siya ganoon kadaling malilinlang. Masyadong matalas si Elyxald sa mga ganoong bagay kaya't hindi kami maaaring makipagsapalaran.Na sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayang kusa na pala akong dinala ng mga paa ko sa mansyon ng mga Cayman. Tulad ng dati ay nakapalibot pa rin sa buong mansyon ang mga pinadalang rogue ni Elyxald. Ang kaibahan lang ay mas marami ngayon kaysa sa nakasanayan. Mukhang hiniling ito ni Cassius. Marahil ay natatakot ang mga i
*YuenoMalamig na bagay na panaka-nakang dumadampi sa pisngi ko ang siyang nagpagising sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata saka inilingap iyon para hanapin ang kung ano mang bagay na gumising sa akin. Namulatan ko sa aking harapan ang isang bulto ng lalaki. Hindi ko pa maaninaw kung sino ito noong una dahil sa nanlalabong paningin ngunit unti-unti ko rin iyong nakilala.Animo kidlat sa bilis akong napabangon ng makitang kong si Alaric iyon na nakaupo sa mismong harapan ko. Agad na kumalat ang takot sa dibdib ko para dito nang maalala ko ang ginawa ni Lenora at mas lalo na si Cassius. Dali-dali akong napaatras ng tangkain muli nito ang pag-abot sa pisngi ko. Ni sa hinagap ay hindi ko na gugustuhin pang muli ang mahawakan ng mga Cayman. Gusto ko mang paniwalaan na hindi kasama sa lahat ng kabalbalang ginawa ng pamilya nito si Alaric ay alam kong malabo iyong mangyari. Ngunit magkagayo
"What d'you think you're doing?" Narinig kong tanong ni Kieran kay Alaric na ngayon ay tila nahihirapan na sa pagkakasakal dito ng una. Halata ang galit at panggigigil doon na tila ba pilit pa nitong pinipigilan. Ang mga mata rin nito ay naniningkad sa tindi ng galit. Maging ako ay pigil rin ang hininga sa mga nangyayari. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapatitig nalamang sa mga ito at magtaka sa kung ano ang nangyayari. Hindi ko rin maialis ang tingin sa dalawa dahil baka kung ano nalang ang gawin nila. May kung ano kasi sa loob ko na natatakot sa kung ano ang maaaring kahinatnan ng pag-aabot ng dalawa. Ayoko man sanang maramdaman ito pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-alala lalo na sa bagong dating. Nakapagtatakang bigla-bigla nalang itong sumusugod ngunit magkagayonman ay malaking pasasalamat ko na din dahil dumating siya
Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t
Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald
*Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.
Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay
*Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi
Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs
*Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun
*Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala
Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso