Share

BLOOD TRAITOR

Author: MD Rosario
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

"Elyxald Von," usal ko na halos pabulong na. 

Naalala kong bigla ang sinabi ni tiya na madalas na pagpunta ni Cassius sa Palazzo noon. Kung ganoon ay si Elyxald pala ang pinupuntahan nito. Ibig sabihin ay matagal na siyang nagtatraydor. Ito rin ang pinuno ng mga rogue. Sa mas lalo ko pang pagtataka ay hindi lumuhod dito si Kieran.

"Maligayang pagdating," bati ni Cassius habang nakayuko pa rin. 

Hindi naman iyon pinansin ni Elyxald sa halip ay tinapik sa balikat si Kieran nang makapasok sa kulungan at makalapit dito. 

"Magaling, anak. Hindi ako nagkamali sa iyo."

Natigagal ako ng marinig ang tinuran nito. "A-anak?" Hindi ko namalayang dumulas sa dila ko. 

"Hindi mo ba alam na

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Ann Kalinawan
Author bakit ang Sakiit! Looking forward to Kieran,Ada, Oswald, and Alaric to protect Yue the Dovana..
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • The Vampire's Tale   LIKE CLOCKWORK

    *Kieran*Abot-abot ang pagpipigil ko sa sarili huwag lamang daluhugin si Elyxald sa ginagawa nitong pagpapahirap kay Yueno. Kung kanina ay nagawa ko pang magtimpi kay Lenora, ngayon ay parang hindi ko na kakayanin. Hindi maatim ng kalooban ko ang nakikita ko ngayong sitwasyon ng babaeng pinakamamahal ko. Nahihirapan man ako ay kailangan ko iyong tanggapin dahil ako ang nagdala sa kanya sa sitwasyong ito.Nang marinig ko itong sumisigaw kanina ay para na akong dinudurog. Kitang-kita ko ang sakit na nakabalatay sa mga mukha niya habang si Elyxald naman ay parang demonyong tuwang-tuwa sa nakikita. Parang gusto ko tuloy palipitin ang leeg nito at iparanas dito ang kaparehas na sakit na pinagdadaanan ni Yue. Pagkatapos nito ay malamang sa hindi na niya ako mapatawad. Kung sakaling magkagayunman ay tatanggapin ko. Mailigtas ko lamang siya.

  • The Vampire's Tale   SEIZE

    Gulong-gulo ang isip ko kung paano ang gagawin para maibigay lang ang hinihiling ni Elyxald na dugo ni Yue. Ang tuso na iyon. Talagang sinusubukan niya ako. Nakuyom ng madiim ang kamao ko.Kung bibigyan ko naman siya ng ibang dugo ay siguradong malalaman niya dahil iba ang dugo ng Dovana sa dugo ng isang normal na tao. Kung gagamitan naman ng mahika ni Ada ay hindi rin ako nakakasigurong hindi niya iyon malalaman. Isa pa ay hindi siya ganoon kadaling malilinlang. Masyadong matalas si Elyxald sa mga ganoong bagay kaya't hindi kami maaaring makipagsapalaran.Na sobrang pag-iisip ay hindi ko namalayang kusa na pala akong dinala ng mga paa ko sa mansyon ng mga Cayman. Tulad ng dati ay nakapalibot pa rin sa buong mansyon ang mga pinadalang rogue ni Elyxald. Ang kaibahan lang ay mas marami ngayon kaysa sa nakasanayan. Mukhang hiniling ito ni Cassius. Marahil ay natatakot ang mga i

  • The Vampire's Tale   MAD LOVE

    *YuenoMalamig na bagay na panaka-nakang dumadampi sa pisngi ko ang siyang nagpagising sa akin. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata saka inilingap iyon para hanapin ang kung ano mang bagay na gumising sa akin. Namulatan ko sa aking harapan ang isang bulto ng lalaki. Hindi ko pa maaninaw kung sino ito noong una dahil sa nanlalabong paningin ngunit unti-unti ko rin iyong nakilala.Animo kidlat sa bilis akong napabangon ng makitang kong si Alaric iyon na nakaupo sa mismong harapan ko. Agad na kumalat ang takot sa dibdib ko para dito nang maalala ko ang ginawa ni Lenora at mas lalo na si Cassius. Dali-dali akong napaatras ng tangkain muli nito ang pag-abot sa pisngi ko. Ni sa hinagap ay hindi ko na gugustuhin pang muli ang mahawakan ng mga Cayman. Gusto ko mang paniwalaan na hindi kasama sa lahat ng kabalbalang ginawa ng pamilya nito si Alaric ay alam kong malabo iyong mangyari. Ngunit magkagayo

  • The Vampire's Tale   PUZZLED

    "What d'you think you're doing?" Narinig kong tanong ni Kieran kay Alaric na ngayon ay tila nahihirapan na sa pagkakasakal dito ng una. Halata ang galit at panggigigil doon na tila ba pilit pa nitong pinipigilan. Ang mga mata rin nito ay naniningkad sa tindi ng galit. Maging ako ay pigil rin ang hininga sa mga nangyayari. Wala akong ibang nagawa kundi ang mapatitig nalamang sa mga ito at magtaka sa kung ano ang nangyayari. Hindi ko rin maialis ang tingin sa dalawa dahil baka kung ano nalang ang gawin nila. May kung ano kasi sa loob ko na natatakot sa kung ano ang maaaring kahinatnan ng pag-aabot ng dalawa. Ayoko man sanang maramdaman ito pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-alala lalo na sa bagong dating. Nakapagtatakang bigla-bigla nalang itong sumusugod ngunit magkagayonman ay malaking pasasalamat ko na din dahil dumating siya

  • The Vampire's Tale   THE BREAKOUT PLAN

    Ilang ulit na akong paikot-ikot dito sa loob ng kulungan. Hindi ko na rin malaman kung ano ang gagawin ko. Pakiramdam ko ay napakatagal ko ng nakakulong dito. Hindi ko na nga malaman kung kailan nga ba iyong huling pagkakataon na nagpunta rito sila Kieran at Alaric. Kung kahapon ba iyon o noong isang araw. Hindi ko na rin alam kung kailan ako unang nakarating dito. I already lost count of the date. Sa tuwing tatanungin ko naman ang mga bantay ay hindi naman sila nagsisisagot.At magpahanggang sa ngayon ay hindi pa rin ako nakakabuo ng plano kung paano tatakas dito. Paano ay pulos si Kieran ang naiisip ko. Malapit ko na ngang iuntog ang ulo ko sa pader. Sa tuwing pag-iisipan ko kasi kung paano aalis dito ay laging sumasagi sa isip ko ang tungkol sa lalaking iyon.Nabaling ang tingin ko sa pader kung saan nakabakas pa rin ang hulma ng katawan ni Alaric na isinadlak ni Kieran. Hangga

  • The Vampire's Tale   NIGHTMARE OR PREMONITION

    Mabilis na nawala si Mathilde sa paningin ko. Pagkatapos ng usapan naming iyon ay hindi naman naglipas ang segundo at bumalik rin agad ang mga bantay. Kung tunay nga ang intensyon ni Mathilde na tulungan ako ay mas mainam nang hindi natuloy ang pagtakas ngayong gabi. Magiging kahina-hinala pa iyon kung umalis kami habang wala ang mga bantay. Pero hindi ko pa rin maiwasang mapaisip kung hindi ba nito naisip na maaari siyang paghinalaan kung sakali.Bakit nga ba hindi ko iyon naisip agad kanina? Kung ganoon nga ang maaaring mangyari ay bakit pa iyon ginawa ni Mathilde? Inaasahan na kaya niya na tatanggihan ko siya?Kung ano man ang maging kasagutan doon ay mas maganda siguro kung isasantabi ko muna. Ang kailangan kong pagtuunan ng pansin ngayon kung paano ang gagawin pagkaalis ko dito. Dapat ay makarating ako ng Magji bago pa m

  • The Vampire's Tale   STRIVE TO SURVIVE

    Nakatulala lamang ako sa kawalan habang hinihintay ang pagdating ni Mathilde. Kanina pa ako nakahiga at nagpapanggap na tulog upang hindi maghinala ang mga bantay sa binabalak naming mangyari.Mula pa rin kanina ng umalis sila Elyxald ay hindi na ako mapakali. Hindi ko alam kung ma-e-excite ba ako o matatakot sa paglipas ng oras. Habang iniisip ko kung ano ang maaaring mangyari mamaya ay lalong hindi ako mapalagay.Ilang sandali pa ang lumipas nang makarinig ako ng mahihinang kaluskos. Agad akong nagbangon at napalingon sa bukana at nakita doon ang pigura ni Mathilde. Tulad ng nakagawian ay hindi pa rin makikitaan ng kahit anong ekspresyon ang mukha nito. Diretcho lamang itong nakatingin habang naglalakad papalapit sa kulungan.Una itong huminto sa mga bantay at kinausap ang mga

  • The Vampire's Tale   ACT OF BRAVERY

    Habol ang hiningan ngunit takbo pa rin ako ng takbo. Hindi ko na tinangka pang huminto dahil baka magkaroon pa ng pagkakataon ang mga rogue na maabutan ako. Mga bampira pa rin sila at hindi pwedeng balewalain ang lakas. Sa normal kong pagtakbo ay nasisiguro ko na madali nila akong maaabutan sakali mang huminto ako. Kaya kahit ayaw ng tumakbo ng mga tuhod ko ay pilit ko pa rin iyong inihahakbang. Isang maling hakbang at mabilis akong lumagapak sa lupa. Umalingawngaw sa kapaligiran ang maikling sigaw at daing ko. Hindi ko kasi agad nakita ang nakausling ugat ng puno kaya sumabit doon ang paa ko. Nang igalaw ko ang natalisod na paa ay laking pasalamat ko ng hindi iyon naapektuhan. Kung hindi ay mas lalo akong mahihirapan. Hindi ako pwedeng magpahinga. Itinukod ko ang tuhod kahit ramdam na ramdam ko na ang pangangatog noon. Gustong-gusto na ng katawan kong mamahinga pero hindi pa ma

Pinakabagong kabanata

  • The Vampire's Tale   EPILOGUE

    Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t

  • The Vampire's Tale   END OF THE BEGINNING

    Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald

  • The Vampire's Tale   BARE

    *Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.

  • The Vampire's Tale   A SILENT RIVAL

    Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay

  • The Vampire's Tale   AWAKENING OF THE TRUTH

    *Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi

  • The Vampire's Tale   TREACHERY

    Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs

  • The Vampire's Tale   UNDYING

    *Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun

  • The Vampire's Tale   MISCONCEPTION

    *Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala

  • The Vampire's Tale   UNVEIL

    Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso

DMCA.com Protection Status