Share

ACT OF BRAVERY

Habol ang hiningan ngunit takbo pa rin ako ng takbo. Hindi ko na tinangka pang huminto dahil baka magkaroon pa ng pagkakataon ang mga rogue na maabutan ako. Mga bampira pa rin sila at hindi pwedeng balewalain ang lakas. Sa normal kong pagtakbo ay nasisiguro ko na madali nila akong maaabutan sakali mang huminto ako. Kaya kahit ayaw ng tumakbo ng mga tuhod ko ay pilit ko pa rin iyong inihahakbang.

Isang maling hakbang at mabilis akong lumagapak sa lupa. Umalingawngaw sa kapaligiran ang maikling sigaw at daing ko. Hindi ko kasi agad nakita ang nakausling ugat ng puno kaya sumabit doon ang paa ko. Nang igalaw ko ang natalisod na paa ay laking pasalamat ko ng hindi iyon naapektuhan. Kung hindi ay mas lalo akong mahihirapan.

Hindi ako pwedeng magpahinga. Itinukod ko ang tuhod kahit ramdam na ramdam ko na ang pangangatog noon. Gustong-gusto na ng katawan kong mamahinga pero hindi pa ma

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status