Nakatulala pa rin ako sa kawalan habang ang utak ko ay kusang bumalik sa ala-ala kung kailan nangyari ang trahedyang iyon, wala pang isang taon ang nakararaan. Noong gabing nasa kagubatan din kami at nakikipagbuno sa mga rogue. Noong gabing hindi ko man lang namalayang, huling pagkakataon ko na pala na makikitang buhay ang kapatid ko. Umagos ang mainit na luha sa pisngi ko habang animo ay pinagpipyestahan ng mga rogue. Hindi ko na napigilang mapahagulgol. Ramdam ko ang animo patalim na humihiwa ng paunti-unti sa puso ko. Damang-dama ko ang sakit. Una, ang kapatid ko, tapos ngayon ay si mama naman. Hindi ako makakapayag kung may mangyayaring masama sa kanya. Kailangan kong mahanap si mama hangga't maaga. Kailangan kong makaalis dito. Bago pa mahuli ang lahat. Hindi ko kakayanin kung pati si mama ay mawawala rin sa akin. Agad kong inilibot ang tingin ko sa paligid upang maghanap ng
Baca selengkapnya