Nakakabingi ang alingawngaw ng pagtawa ng tatlong Szeiah sa buong silid. Napakalakas noon at tila ba may halong pang-uuyam na siyang ikinadiin ng pagkakakuyom ng kamay ko. Nakakasidhi ng galit ang gawi nila ng pagtawa. Pinagtawanan lamang nila ang suhestiyon ko. Para bang gusto nilang iparating na kalokohan lang ang gusto kong mangyari at wala iyong patutunguhan. Mukhang buo na nga ang desisyon nila. "Ipagpatawad mo, Dovana Yueno," ani Dario habang nagpupunas pa ng luha sa sobrang pagtawa. "Sadyang hindi ko lamang napigilan ang sarili ko.""Anong nakakatawa sa sinabi ko?" Usal ko na may bahid ng tinitimping galit.Tumawang muli si Ino. "Mukhang gustong iligtas ng Dovana ang sarili nya," pang-iinis pa nito na tila sinasadyang gatungan
Read more