Natigilan ako pagkarinig sa sinabi ni Ada. Hindi agad ako nakaimik. May katotohanan naman kasi ang sinabi niya. Nitong huli ay hindi ko maiwasang hindi isipin si Yueno. Sa mahabang panahon ng pagbabantay ko sa kanya at ngayong nalalapitan ko na sya ay hindi ko hahayaang mawala nalamang siya sa akin ng ganun-ganun nalang.
Nang makita niya ako sa gubat habang kalong-kalong ko si Kirius ay nasisiguro kong ako ang sinisisi ni Yue sa pagkamatay nito. Naikuyom ko ang kamao. Alam kong si Elyxald ang may kagagawan ng biglaang pag-atake ng mga rogue ng gabing pauwi na sila Yue. At alam ko ring kaya niya ako binigyan ng ibang misyon ay para hindi ako maging sagabal sa binabalak niya.
Ang tuso na yun.
"Siguro naman ay hindi mo nakakalimutan ang dahilan ng pagkupkop sa iyo," muling turan ni Ada.
Huminga ako ng malalim. Hindi ko na gaanong nararamdaman ang sugat kaya't nasisiguro kong magaling na iyon. Itinigil na rin ni Ada ang ginagawa saka umayos ng upo at tinitigan ako ng matiim. Ako naman ay nagbangon at akmang tatayo na nang may kumatok sa pinto. Base sa amoy nito ay si Henry iyon na dala ang ilang kopita ng dugo.
Hindi pa man kami nakakasagot ay binuksan na nito ang pinto at iniluwa noon ang inaasahan ko. Ibinaba nito ang dala sa bedside table na nasa gilid ko saka yumuko. Hindi namna ito umimik.
Nakaramdam akong muli ng pagkauhaw nang mabaling ang tingin ko sa tatlong kopita ng dugo sa tabi ko. Agad ko iyong dinampot at inisang lagok. Ramdam ko naman ang mapanuring mata ni Ada sa akin.
"Walang kailangang ipag-alala, Ada," paniniguro ko sa kanya. "Hindi ko nakakalimutan ang misyon ko."
Hindi naman siya umimik at nanatili lang na nakatitig sa akin. Marahil ay tinatimbang kung nagsasabi nga ako ng totoo. Alam ko namang hindi iyon ipipilit sa akin ni Ada kahit sa tingin niya ay hindi totoo ang sinasabi ko.
Sa mahabang panahon ng pagsisilbi ko kay Elyxald ay natuklasan ko ang mga masasama niyang balakin. Pati na rin ang tunay na motibo niya sa pagkupkop sa akin. Hindi niya ako tinanggap upang maging parte ng pamilya niya kundi, tulad din ng mga blood servant na iyon at ni Ada, para maging kasangkapan niya upang maisakatuparan ang matagal na niyang plano. Ang ubusin ang lahi ng Dovana at sakupin ang Magji at mundo ng mga tao. Gusto niyang maghari ang mga bampira at gawing mga blood servant ang ibang mga lahi.
Lumaki kaming nasa ilalim ng purong pagsasanay lamang. Ginawa niya kaming mga laruan na pinagsanay ng walang katapusan at pinilit alisan ng pakiramdam. Ngunit sa lahat ng iyon ay ang huli ang hindi niya napagtagumpayan.
"Mainam naman," ani Ada bago tumayo. "Hindi ko na kailangan pang ipaalala sa iyo."
Walang paalam na dumiretcho na ito sa pinto at umalis. Si Henry naman ay naiwan lang doon na nakatayo at walang imik. Hindi na rin ako nagsalita.
Tumayo ako at naglakad patungo sa terrace. Gusto kong sumagap ng sariwang hangin, pakiramdam ko ay hindi ako makahinga sa loob.
Agad na sumalubong sa akin ang malamig na hangin nang mabuksan ko ang pinto. Masyadong payapa ang gabi. Bukod tanging ang pagaspas ng dahon at mga kuliglig lamang ang maririnig. Ang liwanag naman ng buwan ang siyang nagsisilbing tanglaw sa kadiliman ng gabi. Na tila ba tahimik nitong sinasakop ang mundo sa kadiliman.
"Master?" Untag ni Henry. Mukhang kailangan ko na ngang ayusin ang sarili ko, hindi ko man lang napansing nakalapit na siya sa akin. Siguro nga ay nagiging pabaya na ako.
"Makakaalis ka na, Henry. Magpahinga ka na. Ako na ang bahala kung may kakailanganin pa ako," utos ko dito.
Mula ng dumating ako dito ay hindi ko nakasanayang pag-uutusan ang mga katulong. Hanggat magagawa ko ay ako ang gumagawa. Sa tuwina naman ay pagagalitan naman ako ni Henry kapag ganoon ang nangyayari na para bang hindi niya alintana na bampira ako at maaari ko siyang paslangin anumang oras na gustuhin ko.
Marahil ay nasanay na rin siya sa lahi ko. Ang sabi niya ay habang panahon na siyang naninilbihan sa pamilya ni Elyxald. At tulad ng lahat ay kinupkop din siya nito. Ngunit hanggang doon lang ang nalalaman ko kay Henry. Ang ibang detalye ukol sa kanya ay mariin niyang inililihim sa hindi ko malamang kadahilanan. Hinayaan ko nalang naman at hindi ko na rin pinilit alamin.
"Masusunod po." Iyon lamang at narinig ko na ang mga papaalis niyang yabag. Hindi na ako nag-abala pang lingunin siya maging ng sumara ang pinto ng silid.
Humugot ako ng malalim na hininga at inalala ang sinabi ni Ada. Pakiramdam ko ay nahahati ang kalooban ko. Ang isa ay ang responsibilidad na kaakibat ng misyong ibinigay sa akin ni Elyxald at ang isa ay ang kagustuhang makapiling at protektahan si Yueno.
Panibagong buntong-hininga ang pinakawalan ko at pilit kinalma ang isip. Pero wala rin iyong nagawa nang kusa na itong maglakbay pabalik sa nakaraan. Sa panahong inihayag ni Elyxald sa akin ang buong plano niya at iniatang sa akin ang pinakaimportanteng parte ng plano niya. Ang patayin ang lahat ng Dovana.
Dahil sa buong tiwala ni Elyxald sa akin ay ginawa ko ang lahat para maisakatuparan ang misyon. Mariing ibinilin nito na kailangang malinis ang trabaho kung kaya't pinagplanuhan kong mabuti ang lahat at kinalkula ang mga bagay-bagay. At nang maisaayos ko na ang lahat ay kumilos na ako.
Maliit pa si Yueno noon nang simulan ko siyang matyagan. Para akong anino noon na lihim na nakasunod kahit saan sila magpunta. Nag-aabang ng pagkakataong maisagawa ang planong mabusisi kong binuo.
Ngunit tila nabago ang takbo niyon nang sinubukan ko sa unang pagkakataon na isakatuparan ang balak. Sanggol pa si Yueno noon at mag-isa lamang sa silid na karugtong ng kwarto ng mga magulang niya. Malalim na ang gabi noon at bukod tanging ang atungal lamang ng pag-iyak ng sanggol ang maririnig. Ilang sandali kong minatyagan ang silid na iyon bago sumilip sa silid ng magulang nito. Tanging ina lamang nito ang naroon at mukhang malalim ang tulog kaya't hindi naririnig ang pag-iyak ng sanggol. Iyon ang panahong nasa pangangalaga na ng mga Cayman ang ama nito.
Walang kahirap-hirap akong nakapasok sa bintana at maingat na nilapitan ang sanggol sa kuna nito. Maging nang makalapit ako ay wala pa ring tigil ang pag-iyak nito. Nakakairita sa pandinig at tila ba lalo pa nitong nilalakasan upang makatawag ng pansin. Nang marahil ay mapansin ako nito ay bigla itong tumahan at tumingin sa direksyon ko.
Mula sa malapit ay noon ko lang napagmasdan nang mabuti ang susunod na Dovana. Napakaliit at walang kalaban-laban kung sakali mang maisipan ko nalamang itong sakalin o tabunan man lang ng unan. Tahimik lamang ito habang nakatitig sa akin ang brown nitong mga mata. Maputi ang kutis nito at makapal ang itim na itim na buhok. Bahagya namang namumula ang ilong at pisngi nito na marahil ay dala ng walang humpay na pag-iyak.
Napakagandang bata. Kung sana nga lang ay hindi siya ipinanganak sa lahi ng Dovana ay nakasisiguro akong mas maganda pa ito paglaki. Marahil ay marami ring lalaki ang magkakandarapa dito. Iyon nga lang ay hindi na rin magtatagal ang buhay niya.
Iniumang ko ang hawak kong patalim ngunit bago ko pa man din iyon maitarak dito ay bigla nitong itinaas ang dalawang kamay na tila ba inaabot ang hawak ko. Natigilan pa ako noong una ngunit nang mahawakan nito iyon ay mabilis ko iyong binawi dahilan para mahiwa ang maliliit na kamay nito. Umagos sa patalim ang dugo ng sanggol at kumalat sa paligid ang mabangong amoy noon. Hindi ko napigilang mapalunok. Nakakatakam ang amoy noon na tila ba inaakit akong tikman. Biglang nabuhay ang isang parte ng katawan kong nasasabik sa dugo. Alam kong hindi ako nauuhaw ngunit nang maamoy ko ang dugo nito ay tila ba muli akong nagutom.
Noon ko lang napagtantong kakaiba ang dugo ng Dovana kumpara sa ibang tao. Mas nakakaakit ang dugo nito at mas mabango. Kung naiba lamang ang sitwasyon ko ngayon ay hindi ako basta-basta maaakit dahil well fed ako. Sinisiguro kong hindi ako gutom bago sumabak sa kahit anong misyon ngunit para bang nawalan iyon ng saysay ngayon.
Tila ba may sariling isip ang katawan ko at kusang dinala ng kamay ko ang hawak na patalim sa ilong. Para akong adik na napapapikit pa habang sinisinghot ang bahid ng dugo nitong naiwan doon. Agad akong naglaway at napalunok. Nang hindi na ako nakatiis pa ay dinilaan ko na ang talim noon na siyang lalong nagpasidhi sa kasabikang pilit kong pinipigilan.
Hindi ko maintindihan kung bakit pinipigilan ko pa ang sarili na sunggaban ito at sipsipin ang dugo gayong papatayin ko rin lang naman ito. Naglalaban ang isip ko sa kung ano ang dapat gawin. Na para bang may munting boses sa loob ko na siyang nagsasabi na huwag itong patayin.
Sa sobrang gulo ng isip ko ay wala sa loob na nasapo ko nalamang ang mukha habang hindi inaalis ang tingin sa sanggol na walang tigil pa rin ang pag-iyak. Namumula na ang mukha nito at basang-basa na rin ang unan. Umaagos na rin sa braso nito ang dugo galing sa nasugatang kamay. Nakapagtataka man na hindi pa rin nagigising ang ina nito ay hindi ko na inintindi. Wala na akong pakialam. Kayang-kaya ko itong patayin ano mang oras ko gustuhin.
Hindi ito maaari. Nagugulo ang isip ko ng isang sanggol. Ilang saglit ko pa itong pinagmasdan bago muling gumalaw ang kamay ko at dahan-dahang inabot ang leeg nito. Ngunit bago ko pa man iyon mahawakan ay kumapit sa kamay ko ang maliit nitong kamay. Natigilan akong bigla at nakaramdam ng hindi maipahiwatig na damdaming noon ko lang naramdaman. Babawiin ko na sana ang kamay ko ngunit mahigpit ang kapit ng sanggol dito na animo ay humihingi ng tulong.
May kung anong mainit na bagay akong naramdaman sa loob ko. Naalarma ako sa pag-aakalang mahika iyon at mayroong mage doon kaya’t nagpalinga-linga pa ako ngunit wala. Bukod tanging ako lamang ang nandoon at ang sangol na Dovana. Nang ibaling kong muli ang tingin sa sanggol ay hindi pa rin ito tumatahan. Para akong natulos sa kinatatayuan at tinitigan ang paslit.
Makalipas ang ilang minuto ng walang humpay na pag-iyak ay lumuhod ako sa harap nito. Hinawakan ko ang sugatan nitong kamay at inilapit sa ilong. Sinamyo ko pa nang ilang sandali ang dugo nitong walang tigil sa pagdanak bago inilapit sa bibig. Naaakit akong sipsipin ito ngunit mas malakas ang kung ano mang pumipigil sa akin para gawin iyon. Humugot pa ako ng malalim na hininga bago dilaan ang sugat nito. Maging ang dugong umagos sa munti nitong palad hanggang sa maliit nitong braso ay dinilaan ko rin. Maya-maya pa ay tumahimik na ang paligid. Unti-unting naghilom ang sugat at tumahan na rin ang sanggol. Nawala na rin ang amoy ng dugo.
Nang balingan ko ito ng tingin ay nasa akin na muli ang atensyon ng musmos. Mahigpit pa rin ang hawak nito sa kamay ko habang gumagawa ng mumunting ingay na tila ba tuwang-tuwa at parang walang nangyari.
“Anong ginawa mo sakin?” bulong ko. Tila naman naintindihan nito ang sinabi ko at gumawa muli ng munting ingay na animo ay parang sinasagot ako. Dahan-dahan kong binawi ang kamay at inabot ang ulo nito. Magaan kong hinimas ang may kakapalang buhok nito na mas lalong ikinatuwa ng sanggol.
“Sleep,” bulong ko. Unti-unti naman itong pumikit at naging banayad ang paghinga.
Ilang sandali pa akong nakatitig sa mukha nito bago makarinig ng alingasngas mula sa kabilang silid. Kasing bilis ng hangin akong lumabas ng kwartong iyon at nagtago sa isang sanga ng puno sa di kalayuan. Mula roon ay tanaw ko pa rin ang silid at ang pagsilip ng ina nito sa sanggol na mahimbing nang natutulog.
“Palalagpasin ko ang pagkakataong ito, munting Dovana, ngunit hindi na sa susunod.”
Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makalimutan kung paano ginulo ng paslit na iyon ang isip ko sa unang pagkakataon. Napangisi ako sa sarili habang nakatanaw sa malayo at muling magbalik sa pag-alala sa nakaraan.Ilang taon na ang lumipas ngunit hindi ko pa rin malaman ang dahilan kung bakit hindi ko naisagawa ang plano ko ng gabing iyon. Tila ba may kung ano sa batang Dovana na siyang pumipigil sa mga balakin ko. Marahil ay mahika dahil sa dating mage ang ina niya ngunit kung titignan naman ay mukhang hindi pa rin ganoon kalakas ang kapangyarihan nito para maramdaman ako nang gabing iyon.Sa nakalipas na apat na taon ay wala akong ibang ginawa kundi ang bantayang lumaki ang paslit mula sa malayo. At hanggang ngayon ay nag-aabang pa rin ako ng pagkakataon p
Nakakumpol sa paanan ang kumot. Nakalilis ang damit at nakalitaw na ang pusod habang nakalaylay naman sa kama ang braso at nakabuhaghag ang buhok sa unan. Iyon ang palaging ayos ni Yueno sa umaga. Kung minsan naman ay tumutulo pa ang laway nito at nahuhulog pa sa kama sa sobrang likot matulog. Ngunit may pagkakataon ding sumisigaw pa ito at umiiyak o di kaya ay humahangos itong bigla nalang babangon. Lalo na kapag dinadalaw ito ng mga bangungot nitong nagsimula noong maliit pa ito.Katulad nalamang ngayon. Pawis na pawis itong bigla nalang nagbangon saka maya-maya ay nagpapahid na ng luha sa pingin. Sa nakalipas na ilang taon ay nakasanayan ko na rin ang ganuong tanawin niya kung kaya't hindi na ako nagugulat sa tuwing mangyayari iyon. Nga lang ay tila nabubuhay niyon palagi ang isang parte sa akin na gustong daluhan siya at aluin. Bagay na matagal ko nang gustong patayin sa loob ko ngun
Nagdilim bigla ang paningin ko. Kusang kumilos ang katawan ko, inilabas ang patalim na nasa tagiliran ko at sinugod ang mga bampirang may kagagawan sa nangyari kay Yueno.Mabilis na umatake rin ang mga bampira ngunit di hamak na mas mabilis ako sa kanila. Bawat indayog ng mga suntok nila ay madali kong naiilagan. Masyadong mabagal ang mga galaw nila. Gigil na gigil kong iwinasiwas ang hawak kong patalim ay pinuntirya ang leeg ng mga ito saka buong lakas na hinablot ang mga ulo.Napugot ko na ang ulo ng tatlo ngunit hindi pa rin ako makontento. Hindi pa iyon sapat para mapawi ang galit na nag-uumalpas sa loob ko. Galit na lalong nagsisidhi kapag nakikita ko ang dugong nakakalat sa paligid at ang lupaypay na nitong katawang nakahandusay sa semento. Mayroon pang isang natira. Naroon at nasa tabi ng da
"Mukhang malalim ang iniisip mo."Nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ng taong hindi ko ninais na makaharap ngayon."Umaasa akong sa ikabubuti ng plano natin ang kung ano mang tumatakbo sa isip mo," ani pa nito ngunit nananatili pa rin akong nakatalikod sa kanya.Hindi ko man lang namalayang nakapasok na siya sa kwarto. Magkagayonman ay hindi ko pa rin siya hinaharap. Pinapakiramdaman ko lamang kung ano ang gagawin niya o kung saan siya pupunta. Ngayon pa lamang ay may hinala na akong nakarating na sa kanya ang nangyari sa akin. Kung hindi ako nagkakamali ay nais niya akong hulihin upang sa akin mismo manggaling.Naramdaman ko ang paghinto ng yabag ni
Parang lalong ginatungan ang nagliliyab na galit na nararamdaman ko nang makita ko nang malapitan ang estado ni Yueno. Mistula itong lantang gulay na nakahiga sa harap ko at hirap na hirap kumilos. Lumuhod ako sa harap niya at inabot ang pisngi nito saka mabilis na hinagod ng tingin ang kabuuan nito. Isang tingin ko pa lamang dito ay masasabi ko ng marami itong natamong sugat. Nagngalit ang mga ngipin ko.Hindi naman inaalis ni Yueno ang tingin sa akin na animo ay hindi makapaniwalang naroroon ako. Ang mga matang iyon na ilang araw ko nang pinanabikang makita. Maging ang maamo nitong mukha na ni sa hinagap ay hindi ko ninais na madatnan sa ganitong sitwasyon. Puno ng galos, hindi lang ang mukha nito, pati na rin ang buong katawan. Duguan naman ang ulo nito na siyang pinagmumulan ng mabangong amoy. Napalunok pa ako nang matuon ang tingin ko sa nagkalat na dugo sa semento. Wal
"Kamusta na siya?" Bungad ko kay Ada nang makabalik ako galing kay Elyxald. Makalipas ang ilang araw mula ng maging maayos ang lagay ni Yue ay agad akong nagpunta kay Elyxald. Mahirap kung hihintayin ko pang magkamalay si Yueno. Kung matatagalan pa bago magpakita dito ay siguradong makakahalata ito sa kung anong nangyayari. Alam kong hindi magtatagal ay makakarating sa kanya ang balitang nawawala ang Dovana. Hindi niya ako dapat mapaghinalaan.Naging maingat din ako sa pagbalik dito. Sinigurado ko munang hindi ako nasundan at dahil sa may kalayuan ang gubat na ito ay inabot pa ako ng ilang araw bago makarating. Tama si Ada. Masyado ngang malayo ang lugar na ito. Hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung paano nalaman ni Ada ay lugar na ito.Bago ako umalis ay iniwan ko si Ada rito. Naglagay din
*Yueno*Dinala ako ni Kieran sa kwarto saka dahan-dahang ibinaba sa kama na tila ba babasagin ang hawak niya at anumang oras ay maaaring mabasag. Napansin ko pang sa iba siya nakatingin at nang susundan ko na kung saan iyon nakatuon ay mabilis na nitong naisaklob sa akin ang kumot. Saglit pa akong nagtaka bago maisipang sipatin ang sarili.Bahagyang nakalilis ang nightgown kaya't halos nakalantad na ang hita ko. Nanlaki ang mga mata ko sa realisasyon. Umakyat na yata lahat ng dugo ko sa ulo. Noon ko lamang napagtantong iba na pala ang damit ko. Nakasuot na ako ng nightgown. Ang bastus na lalaking ito, sa hita ko pala nakatingin kanina. At sinong nagpalit sa akin? Si Kieran? Pinagsamantalahan ba niya ako habang wala akong malay? Bakit hindi ko alam? Nakaramdam ako ng inis. Dapat alam ko! Ngaling-ngaling k
*Yueno*Sinuklay ko pa ng isang beses ang buhok bago ko marinig ang mahinang pagkatok sa pinto. Agad naman akong napalingon doon at natagpuan ang pinakagwapong bampira na nakilala ko. Nakasandal pa ito sa hamba ng pinto habang walang kiming hinahagod ang mga mata nitong punong-puno na naman ng pagnanasa sa kabuuan ko. Kung hindi ko lang ito mahal ay baka naibalibag ko na rito ang salaming nasa harap ko.Tulad ng nakasanayan ay pormang assassin pa rin ito. Pulos itim ang suot. Ngunit sa kabila noon ay nangingibabaw ang matikas nitong pangangatawan na sinamahan pa ng tangkad nitong kung hindi ako nagkakamali ay aabot na ng six feet. At ang mga pulang mata na iyon. Ni sa hinagap ay hindi ko naisip na darating ang araw na titingin sa akin ang mga iyon na puno ng pagmamahal. Hindi yata ako kahit kailan makakahuma sa kagwapuhan ng isang ito.&nbs
Nahaplos ko ang braso ng umihip ang malamig na panggabing hangin. May kalaliman na din ng gabing pero naisipan ko pa ring maglakad-lakad dito. Humugot ako ng malalim na hininga at sinamyo ang sariwang amoy ng paligid. Kahit na paulit-ulit akong nagpapabalik-balik sa lugar na ito ay hindi ko pa rin maiwasang hindi humanga sa lugar. Para bang may kung anong humahalina sa akin sa lugar na ito at hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagpunta dito.Kung sabagay ay mayroon ngang sentimental value ang lugar na ito dahil dito ko kami madalas magkita noon ni Idris. Mula kasi ng ipakita niya sa akin ang lugar na ito noon ay dito na niya ako lagi nakikita.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Natutuwa talaga ako sa mga bulaklaking halaman sa lugar. Hindi kasi iyon nawawalan ng bulaklak. Laging hitik ang nga ito kaya't napakaraming nagliliparang paru-paro dito t
Pakiramdam ko ay para akong naparalisado. Na parang wala na akong maramdamang kahit ano bukod sa galit at sakit habang nakikita ko kung paano mamatay ay natatanging babaeng minahal ko sa buong buhay ko. Tila ba may video recording sa utak ko na pini-play ang lahat ng pagkakataong kasama ko siya at nadarama ang init ng katawan niya.Biglang nagdilim ang paningin ko nang daluhugin ni Elyxald si Yueno at sabik na sabik na sipsipin ang dugo nito. Mabilis pa sa hangin at kidlat na sinakyan ko sa balikat si Elyxald saka hinawakan ang baba at ulo nitong nakahugpong sa leeg ni Yue. Wala na akong pakialam pa sa amoy ng dugo ni Yue na nagkalat sa paligid. Wala na rin akong pakialam sa mga bampirang naakit sa amoy nito. Kahit anong mangyari ay sisiguruhin kong walang sino mang bampira ang makakalapit at makakatikim ng dugo ng aking Yue. Papatayin ko ang lahat ng magtatangkang tumikim sa dugo niya. At uumpisahan ko kay Elyxald
*Kieran*Kulang nalang ay galugarin ko ang buong Magji makita lamang si Elyxald. Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko siya makita. Naririto na ang mga Älteste ngunit maski ni anino nito ay wala pa ring senyales. Hindi kaya hinahanap niya ang katawan ni Yueno? Marahil ay nakarating na dito ang balitang at ngayon ay nagbubunyi na. Hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala para kay Yue kahit na alam kong nasa ligtas na lugar siya. Mukhang masyadong palagay ang loob ni Arsellis para iwan duon mag-isa si Yue.Habang walang tigil ang paghahanap ko ay samu't saring amoy ng dugo ang nagkalat sa paligid. Maging ang daing at sigaw ang naririnig ko ay nagkalat din ngunit isang matinis na sigaw ang nakakuha ng atensyon ko. Boses iyon ng batang babae na tila ba takot na takot. Animo ay nagkaroon ng sariling isip ang katawan ko at tinungo ang pinanggagalingan ng boses na iyon.
Mabilis ang mga kilos na hinagilap ko kung saan nanggagaling ang boses ni Alaric. Lakad-takbo ang ginawa ko sa pangambang baka naroon din si Kieran at si Elyxald ang narinig kong dumadaing. Lalong lumalakas ang lagabog ng dibdib sa halo-halong kaba at takot kaya't mas madali akong hingalin. Hindi ko kasi mapigilan. Napakaraming bagay ang pumapasok sa isip ko na maaaring kahantungan ni Kieran oras na mahuli ako ng dating. Abot-abot ang panalangin ko huwag lamang iyon mangyari.Hindi naman magtagal ay nakita ko na ang nakatalikod nitong bulto, hindi kalayuan sa akin kaya't mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Nang tuluyan akong makalapit ay napahawak nalamang ako sa puno sa sobrang pagod. Habol-habol ko ang hininga na animo ay tumakbo ako ng ilang kilometro.Mukhang kulang na sa exercise ang katawan ko kaya madali na akong mapagod o marahil ay
*Yueno*Agad akong tumayo at dinaluhan si Ada. Wala siyang malay kaya't kinanlong ko siya sa hita ko. Hindi ko alam kung ano nangyari ngunit may palagay akong naubos ang lakas ni Ada kaya siya pinanawan ng ulirat. Kahit mabigat ito ay dahan-dahan ko siyang itinayo at isinukbit sa balikat ang isa nyang braso saka dahan-dahang dinala sa batong pinagbangunan ko kanina. Unti-unti ko siyang inihiga duon saka naupo sa gilid niya nang tuluyan na siyang maisaayos. Humihingal pa ako habang pinagmamasdan siya.Inilibot ko ang tingin sa paligid. Hindi ako pamilyar sa lugar na ito ngunit hindi naman ako nakakaramdam ng pagkabahala o anumang panganib. Tahimik rin sa paligid na animo ay walang kaguluhang nagaganap sa labas. Natigilan pa ako ng maalala ang kaguluhan. Akmang tatayo na sana ako nang sumagi sa isip ko si Ada. Sa ganitong hindi ko kabisado ang paligid ay hindi
Mabilis kong tinakbo si Ada at kinanlong sa hita ko. Isang nakamamatay na spell ang asul na mahika na iyon na siyang ipinagbabawal sa Magji kaya't hindi nakapagtatakang mabilis na bumagsak si Ada nang tamaan noon.Nanginginig ang mga kamay ko at hindi malaman kung ano ang gagawin upang mailigtas si Ada. Walang ano-ano ay naramdaman ko nalamang ang pag-uunahan sa pagpatak ng mga luha ko ng makita ko ang pagtulo ng dugo mula sa bibig nito. Matagal kong nakasama si Ada at kahit na palagi itong tahimik ay hindi naging problema para mapalapit dito. Isa pa ay matagal ko na rin itong pinaghihinalaan na nagtatraydor sa akin ngunit sa kabila noon ay hindi ko siya kailanman itinuring na iba.Unti-unti nitong iminulat ang mga mata at una nitong hinagilap si Idris na nakaupo sa tabi ko. Inabot nito ang kamay ng huli at ngumiti bago ibinaling ang tingin sa akin.&nbs
*Arsellis*Kulang na lamang ay mapanganga ako nang masalubong ng dalawa kong mata ang lalaking nasa harapan ko ngayon. Parang gusto ko pang kurutin ang pisngi ko para malaman kung totoo nga ba ito o panaginip lamang. Ang buong akala ko kanina ay mamamatay na ako nang hindi ko namalayan ang pagsugod ng dalawang rogue ngunit mas ikamamatay ko yata ang pagkikita naming ito ni Idris.Bigla sumayaw sa pamilyar na ritmo ang puso ko. Sana lamang ay hindi niya iyon marinig. Kung gaano ko katagal pinilit na kalimutan ang damdaming ito, sa isang sulyap lamang sa mga mata niya ay bumalik agad iyon na tila walang nangyari. Parang gusto ko tuloy dukutin ang puso ko sa pagtaliwas nito sa iniuutos ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagpaikot ng kamay nito sa baywang ko na tila ba inaalalayan akong tumayo. Animo ay nabato na ako sa kinatatayuan nang titigan ako ng matiim ng mga mata nitong punong-pun
*Ada*Kanina pa ako nakatayo sa likod ng puno na di kalayuan sa yungib na nakita kong pinasukan ni Arsellis. Mariing bilin iyon ni Elyxald bago pa man din maganap ang lahat ng ito. Hindi na niya sinabi pa ang dahilan pero alam kong naghihinala na siya kay Kieran. Tingin ko ay may palagay siyang makikipagtulungan si Kieran kay Arsellis kaya't nais nitong bantayan ko ang elder ng Magji.Noong una ay bukal pa sa kalooban ko ang tanggapin ang misyon ngunit ng magtagal iyon ay tila gusto ko ng talikuran. Pero kahit na gustuhin ko man ay hindi ko rin naman magagawa dahil hindi basta-basta si Elyxald. Siya ang kumupkop at nagligtas sa akin noong panahong muntik na akong patayin ng mga tao. Magmula ng araw na iyon ay isinumpa kong paglilingkuran si Elyxald.Bata pa ako noon nang mangyari ang insidenteng iyon na siyang nagdulot ng mala
Narinig ko pang nagdiwang ang mga rogue at maging si Damien ng malagutan ng hininga si Yue. Hindi ko naman na sila inintindi at mabilis na umalis sa lugar na iyon habang buhat-buhat si Yue bago pa man makahuma si Alaric at Oswald at daluhugin ako. Ramdam ko ang sakit na nakabakas sa mukha nila at alam kong magdudulot iyon ng matinding galit na siyang magtutulak sa kanila upang patayin ako. Pero wala na akong pakialam. Para kay Yueno ang ginagawa ko at wala akong panahong makipagbuno sa kanila. Kailangan kong unahin si Elyxald bago ko sila kaharapin. Mabilis kong tinungo ang yungib na pinag-usapan namin ni Arsellis. Nang makarating ako doon ay nakahinga ako ng maluwag ng wala akong makitang tao sa paligid. Marahil ay masyadong masukal sa gawing ito kung kaya't hindi na naisipan ng mga mages na gumawi dito. Agad akong pumaso