"Ano 'yan? Ayaw ko n'yan Almina!" reklamo ko kay Almina, lahat ng mga damit na ipinakita niya sa'kin ay pang losyang. Naring ko pa ang tawanan ng tatlo kong kaibigan, sina Fresha, Munique at Jersey. "Bitch, you need to wear that. Good bye sexy outfits ka muna," sabi ni Fresha habang tumatawa. Padabog kong kinuha ang isang damit at tiningnan ito, napangiwi na lang ako sa hitsura ng damit. "Ano bang gagawin ko?" Nakasimangot kong tanong kay Almina. "You just need to pretend a poor lady, magiging kasambahay ka for a months at kapag tapos na ang trabaho mo puwede ka nang umalis." Nakangiting sabi niya. Hindi ko siya pinakinggan nang mabuti, alam ko naman na magagawa ko kung ano man ang ipapatrabaho sa'kin pero 'yong pasuotin ako ng ganitong damit, it's a fucking no to me. "Pero bakit naman kasi ganito ang ipapasuot n'yo sa'kin? Masisira 'yong kurba ng katawan ko!" nakakainis lang, ang panget kasi talaga. "Girl, mayaman naman magiging amo mo.
Last Updated : 2021-04-23 Read more