Isang buwan na ako rito sa mansyon pero hindi ko pa rin nahahanap ang bagay na 'yon. Sa laki ba naman kasi ng bahay na 'to paano ko 'yon mahahanap.
"Ilang kwarto ulit nandito, Len?" tanong ko sa kasama kong naglilinis dito sa sala. Hindi naman siya huminto sa paglilinis at sinagot lang din ang tanong ko.
"Kung kasama sa bilang ang mga kwarto natin, 25 lahat." grabe, ang yaman talaga, kahit isang buwan na ako rito hindi ko pa rin maiwasan mamangha sa katayuan nila Tucker.
"May kwarto pa ba tayong hindi napapasukan maliban kay sir Tucker?" pasimple kong tanong.
"Napasukan na natin lahat, kay Sir lang talaga hindi pa. Siya mismo ang naglilinis ng kwarto niya," sagot nito. "Bakit?" tanong niya pa. Umiling lang ako sa kanya bilang sagot.
Kung gano'n, nasa kwarto niya ang hinahanap ko.Nang matapos ko ang trabaho ko, pumunta muna ako sa kwarto ko para tawagan si Almina. Baka kasi may isa na ang nakatapos sa trabaho.
"Yoh bitch, how are you?" ayan agad ang bungad sa'kin ni Almina nang masagot niya ang tawag ko.
"Potek na man, isang buwan na ako rito hindi ko pa rin mahanap ang pesting diamond na 'yon," reklamo ko kaagad. Dapat kasi kay Fresha nalang 'to, mas mabilis maghanap ang babaeng 'yon.
"Oh, ano ba usapan? Kapag hindi mahanap agad do the plan B, make him fall in love to you and boom that's it," she said na para bang ang dali-dali lang talaga magpa-fall. "But remember, do—"
"Yeah, yeah I know. Don't fall in love," patuol ko sa kataga niya pagkatapos umirap kahit hindi niya nakikita. "By the way, may nakauwi na ba sa tatlo?" tanong ko.
"Wala pa, tatawagan ko rin sila," she answered. Nagpaalam na ako at binaba ang tawag dahil kanina pa may kumakatok na epal sa pinto. Padabog akong naglakad papuntang pinto at huminga nang malalim para ikalma ang sarili ko.
Pagkabukas ko, bumungad sa'kin si Tucker na naka topless. Halos manlaki ang mga mata ko at napa-awang ang labi nang makita siya sa harapan ko. Potakte, ulam naman pala talaga ang isang 'to. Pawis na pawis ang kanyang katawan, dumadaloy ang tubig pawis papunta sa abs niya. Shit, ang swerte naman ng mata ko, nakakita ako ng masarap na puwedeng ula—
"Would you mind if I will come in?" Natigilan ako sa sinabi niya, bakit siya papasok sa kwarto ko, ang laki-laki ng kwarto niya eh.
"S-sir?" paninigurado ko pero imbis na sagutin niya, agad nga siyang pumasok sa loob at sinarado ang pinto. Naghanap siya ng kung ano. Halos manlaki ang mga mata ko nang hilahin niya ang tuwalya kong nakasabit, nahulog ang mga kasama nitong underwears. What the hell?! Agad kong kinuha ang mga gamit ko.
"Oh, is that panty and bra?" potangina, nagtanong pa. Tinago ko agad ito sa likod ko.
"A-ano po bang ginagawa niyo rito?" kinakabahan kong tanong, pakiramdam ko ay namumula na ang pisngi ko sa kahihiyan.
"Kanina pa ako nagtatawag ng katulong pero walang lumalapit, pagkapasok ko sa hallway ninyo itong kwarto agad ang pinaka-malapit sa'kin, kaya I knocked, why? Masama ba?" oo pota, masama. Amo ka, bakit ka papasok sa kwarto ng katulong mo?
"P-po? Ahh, h-hindi po," sagot ko sabay iwas ng tingin sa kanya, naiilang ako sa mga tingin nito lalo nang sulyapan niya ang nasa likod ko.
"May kailangan pa po ba kayo?" tanong ko ulit, hindi niya kasi ulit ginamit ang tuwalya ko.
"Wala na, kailangan ko lang talaga ng tuwalya," he said at binalik niya ang tuwalya sa kama ko. Pinagmasdan ko lang siyang naglalakad papunta sa pinto. Akmang lalabas na siya nang lumingon ulit 'to sa'kin.
"By the way, you have a big cup." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at tuloyan na siyang lumabas. Naiwan akong hindi makagalaw sa kinakatayuan ko.
Shit, ano 'yon? Teka lang, kailangan kong huminga. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Pinagpapawisan ako sa sinabi niya, what the fuck is that?
Halos mapatalon ako nang may kumatok na naman. Bumalik ba siya? Inayos ko muna ang sarili ko bago buksan ang pinto.
"M-manang," si Manang lang pala.
"Anong nangyari sa'yo? Bakit ang pula ng mukha mo?" Napahawak ako bigla sa pisngi ko, nakaramdam nga ako ng init. Napaiwas ako ng tingin kay Manang.
"Ah, w-wala po." Ngumiti ako sa kanya at pinakalma ang sarili. Nakikita ko na naman ang hubad na katawan ni Tucker sa isipan ko, delikado.
"Pinapatawag ka ni Tucker sa kwarto niya." Gulat akong tumingin kay Manang. "P-po?" paninigurado kong tanong.
"Oo, hindi ko alam kung bakit ka niya pinapunta sa mismong kwarto nito, hala sige bilisan mo na lang." after of what she said, tinalikuran niya na ako. Nanlaki pa rin ang mga mata ko sa sinabi niya, hindi makapaniwala. Bigla tuloy akong kinabahan.
Huminga ako nang malalim at hinanda ang sarili. Naglakad ako sa pasilyo patungo sa kwarto ni Tucker, hindi ko parin alam kung bakit niya naisipang papuntahin ako sa kwarto niya. But, at the same time ito na rin ang pagkakataon na masaksihan at mapagmasdan ng mabuti ang loob ng kwarto nito, sigurado akong nandoon ang hinahanap ko at ang mismong pakay ko sa kanya. Kailangan kong mahanap iyon para maka-alis na ako rito, kapag siguro nagtagal pa ako lalo, naisip ko pa lang hindi ko na kakayanin.
Huminga ako ng dalawang beses bago kumatok na agad din namang binuksan, napatulala ako sa lalaking kaharap ko, bumaba ang tingin ko sa nakahubad niyang katawan. Tanging puting tuwalya lang ang nakatakip, bastos bakit tinakpan niya pa!
"Tapos ka na bang mag-imagine?" Otomatikong bumalik ang tingin ko sa mukha nito, basa pa ang kanyang buhok. Lumunok ako ng dalawang beses at tinatagan ang loob ko. Baka bumigay ako at makagat ko ang isang 'to.
"Pinapatawag niyo raw po ako?" tanong ko sa kanya, I saw him smirked.
"Yeah, pakilinisan 'yong kwarto ko." pagkasabi niya ay agad siyang tumalikod. Nagtataka pa rin akong nakatingin sa likod niya. All of the sudden pinapunta niya ako sa kwarto niya, bakit?
"Uhm excuse me po sir? B-bakit niyo po naisipan na palinisan ng iba ang kwarto niyo?" diretsong tanong ko.
"Hindi ka binayaran para magtanong ng walang kwentang bagay." Napanguso ako dahil sa sinagot niya. Napaka sungit, kung wala lang akong kailangan sa lalaking 'to matagal ko na siyang tinumba.
Huminga muna ako nang malalim bago ko simulan ang paglilinis sabay pagmamasid. Sana talaga may makita akong suspicious dito. Lahat na ng pwedeng hanapan ay pinuntahan ko, kahit mga maliliit na kabinet. Gaano ba 'yon kalaki? Saan kaya nagkasya 'yon? Bakit ba kasi ang daming gamit dito, tinaggal ko lahat ng nasa maliliit na lamesa para tignan kung nandito ba. Inalis ko rin lahat ng damit niya sa cabinet. Potek naman, saan ba nakalagay—
"What the hell are you doing!" Nataranta agad ako nang marinig ang sigaw niya sa buong paligid. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, tiningnan ko ang mga gamit na nagkalat sa loob ng kwarto. Pati ang mga damit niya na maaayos naman kanina ay nagkalat.
Shit, ano bang ginagawa ko. "A-ah, naglilinis po," taranta kong sabi. Agad kong inayos ang mga kinalat ko, hindi ko napansin ang ginagawa ko habang naka focus ako sa paghahanap.
"Nililinis mo o kinalat mo lang?" tanong niya. Nilingon ko siya at ngumiti ako sa kanya kahit na binalutan ako ng kaba.
"Sayang naman po kasi ang pagpunta ko rito kung maglilinis ako ng malinis na, kaya po kinalat ko para naman masabi na may lilinisin po ako." sana naman pumasa ang kawalang kwentang rason ko.
"Get out!" I looked at him nang sabihin niya iyon, hindi pa nga ako tapos maglinis.
"Sige po mamaya, linisin ko lang p—"
"Tawagin mo na lang ang isa pang katulong para maglinis ng kalat mo," sabi nito at tumalikod sa akin.
"Hindi na po sir, pasensya na po. Ako na ang maglili—"
"I SAID, GET OUT!" Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa pagsigaw niya. Hindi naman ako natatakot pero ayaw ko lang talagang ginigulat ako.
Masama ko siyang tiningnan nang maka-ayos ako ng tayo. "HINDI MO NAMAN KAILANGAN SUMIGAW, POTANGINA KA!" sigaw ko pabalik.
Kita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya dahil sa sigaw ko. "D-did you just, did you curse me?" parang hindi niya mapaniwalang tanong. Doon ko lang napagtanto na minura ko nga pala siya, shit!
"Hala, sorry, sorry po. Hindi ko po sinasadya, sorry." paulit-ulit akong humingi ng sorry sa kanya, tangina bakit ba ako sumigaw at nagmura? Sinigawan niya rin ako kaya ko nagawa 'yon, tama. Self defense ang tawag kapag gumanti ka, wala akong kasalanan. Hindi pa ako makukulong dahil lang minura ko ang amo ko.
"Sorry po talaga." Kunyari naiiyak ako, bumaba pa ako para lumuhod sana nang hinila niya ako palabas ng kwarto. Nang bitawan niya ang kamay ko, hinaplos ko agad ang namumulang balat ko gawa nang mahigpit na hawak niya.
Napaka brutal talaga ng lalaking 'to. Hindi niya ba alam na ang mahal magpaputi at magpaayos ng kutis tapos ganito lang gagawin niya sa kutis ko, namumula!
Tumingin ako sa kanya na masamang nakatingin din sa akin. "S-sir, sorry po talaga. Nadala lang po ako ng emosyon ko." ikaw naman kasi Klai, hindi ka talaga nag-iingat.
"Lumayas ka sa pamamahay ko!" hala gago, bakit?
Gulat akong tumingin sa kanya, "Sir, pasensya na po talaga. Hindi ko naman po sinasadya." Naiiyak na ako, ramdam ko nang may tumulong luha mula sa mata ko.
Hindi ako puwedeng mapalayas dito ng maaaga, hindi ko pa nakukuha ang gusto ko. At saka lagot ako kay boss kapag hindi ko nadala ang bagay na 'yon.
"Lumayas ka na!" Tinulak niya ako at nakita kong lumapit na rin ang ibang katulong at si Manang. Agad niya akong inalayan papalayo sa demonyong 'yon.
"Manang hindi ko naman po sinadya eh," iyak ko. Yumakap ako kay Manang baka sakaling makausap niya si Tucker na 'wag akong paalisin.
"Ano ba kasing nangyari, bata ka?" tanong niya.
"S-sinigawan niya kasi ako kaya gano'n din ang ginawa ko at minura ko siya, pero Manang hindi ko talaga sinandya. Maniwala ka po." Umiyak ako pagkatapos kong sabihin. Nanlaki pa ang mga mata niya.
"Diyos ko! Bakit mo naman minura, nako naman. Paano 'yan?" bakas sa mukha niya na hindi rin alam ang gagawin. Magsasalita pa sana ako nang may biglang dumating na katulong at dala ang mga gamit ko. For real na ba talaga 'to?
Hindi puwedeng umalis agad ako. "Kakausapin ko si Sir, wala po akong mapuntahan, Manang," pagsusumamo ko, galingan mo pa umarte Klai baka yumaman ka bigla.
"Lumayas ka na! I don't want to see her face in my house! Sa oras na papasukin n'yo siya sa bahay ko lahat kayo ay makakaalis na!" Lumingon ako sa gago na masama na ang aura. Tsk, patayin na kaya agad kita.
Inalayan ako ng dalawang katulong papalabas pero nagpupumilit akong bumalik sa loob. "Come here!" bigla akong hinila ni Tucker, kinuha niya rin ang bag kong dala ng isang katulong. Ang sakit talaga humawak ng lalaking 'to.
"S-sir, sorry na nga po eh. Hindi naman po k-kayo mabiro sir." Umiyak pa ako habang kinakausap siya.
"I don't play some jokes on shits as you miss, now get the hell out of here!" he said at tinulak ako, ang sakit ng pwet ko ah. Tinapon niya rin ang dala kong damit, buti nalang hindi tumama sa mukha ko.
Dahan-dahan akong tumayo, mukhang wala na talaga akon magagawa. Sinarado na ang buong mansion, lahat sila ay pumasok na. Inantay ako ng guard na makalabas sa gate. Napabuntong hininga ako, akala ko naman mabait na ang gagong 'yon dahil sinama at binilhan niya ako ng damit, grabe kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sa'kin, sana kinalmahan ko pa lalo ang sarili ko.
Kinuha ko ang cellphone ko pagkalayo ko sa gate. Tinawagan ko si Almina. "Pinalayas ako," sabi ko bago siya sumigaw. Ang OA.
"Bakit? Gaga ka, paano 'yan? 'Yong singsing, nakuha mo ba bago ka pinalayas?" sunod-sunod niyang tanong.
"Hindi nga," nanghihina kong sagot. Nakaramdam ako na may butil na tubig ang dumapo sa katawan ko, uulan pa nga.
"Gawan ko na lang ng paraan, pero wala akong matutuluyan ngayon. Kunin mo naman ako rito." sabi ko.
"Gorl, I'm on my way to airport. Kukunin ko si Munique. After namin pupuntahan ka namin okay?" she said. "Huwag kang aali—" hindi ko pinatapos ang sasabihin niya nang bigla kong pinatay ang tawag.
Bumuhos ang ulan kaya tumakbo ako para maghanap nang masisilungan. Nang may makita akong malaking puno na malapit lang sa mansion, umupo ako at binalutan ang sarili. Pota, ang lamig.
"Kapag nagising na siya pakainin mo na lang ha?" "Opo Manang, ako na po bahala sa kaniya." Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang makarinig ng ingay. Ang sakit ng ulo ko. Para akong galing sa hang-over na matagal mawawala. "Ay nako, Alora. 'Wag ka munang tumayo." Tiningnan ko ang babaeng nagsasalita. Si Lina. Tumingin din ako sa paligid at nagtataka kung bakit nasa kwarto na ako. Naalala ko ang nangyari kagabi, pinalayas ako at nakatulog sa ilalim ng malaking puno habang umuulan. "Kinuha niyo ako sa labas?" tanong ko. "Si Sir ang kumuha sayo." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Imposible! "M-masakit lang ang ulo ko Lina pero hindi ako lasing. Huwag mo akong lokohin." "Hindi kita niloloko, Alora. Siya nga ang kumuha sa'yo. Magpagaling ka na para pagbayaran mo ang ginawa mo sa kaniya." Mas lalong napakunot ang noo ko. Anong bayad? Ako na nga ang pinalayas at nabasa sa ulan ako pa ang magbababayad. Baka sa damit na sinabi niya o
"Good morning, Sir!" masayang bati ko nang makita siyang bumaba at bihis na bihis. Time to work niya na yata. "Breakfast po," aya ko pa pero hindi niya ako pinansin. Dire-diretso lang ang lakad niya na para bang wala ako sa harap nito. Sungit sa umaga! Sinundan ko pa rin siya, hindi ako nakapunta sa kwarto niya kahapon para raw alagaan kuno. Tinatamad ako maglambing, hindi ko naman siya jowa. "Sir, baka po may nakalimutan ka bago mag work?" malambing kong sabi. Wow Klai, ayaw mo maglambing ha! "What?" he coldly said. "Hindi ko po alam, baka lang naman po may nakali-" "Wala akong nakalimutan, umalis ka sa harap ko." Napahinto ako dahil sa biglaang paglingon niya sa akin,
"So, you have an additional mission? Exciting, isn't?" Hindi ako sumagot sa nakangiting Jersey. After the meeting with the organization, umalis kaagad kami. Why would boss will give us a mission na konetkado rin sa una kong mission? At bakit sinasabi niyang sila Tucker ang magpapabagsak sa amin in the future? Gano'n ba ka delikado si Tucker. "Hey, huwag mo muna isipin 'yon." Lumingon ako kay Fresha. I smiled at her. Of course, basic ang pumatay. Hindi na dapat isipin kung paano namin patayin si Tucker kasama ang mga kaibigan nito. "O to the M and to G, fucking OMG!" Napakunot ang noo ko nang tumili si Munique. We looked at her, waiting her to say something. "Look! Gosh!" Pinakita niya sa amin ang litrato ng mga lalaki. Napa-awang ang bibig ko at halos manlaki ng mga mata. Ulam, tangina! "Sure ba tayo na kaya nating patayin mga 'yan? Parang gust ko muna magpalahi bago putulin ang pangpalahi nil---" "Jersey!" "
"Where have you been?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses niya. Dahan-dahan akong lumingon, kinakabahan. Nang makaharap na siya, ngumiti ako ng napaka-tamis. "Magandang araw Sir. Umuwi lang po ako sa amin dahil kailangan po ako ng pamilya ko. Pasensya na po." sambit ko at yumuko. Ayaw ko siyang kaharap ng matagal, naiisip ko lang ang mission ko. "Really?" Nanlaki ang mga mata ko sa tono niya, tonong hindi naniniwala. Bakit niya ba ako pinapakaba lalo. "O-opo," sambit ko nalang. "Pasok na po ako." dagdag ko at mabilis nang naglakad. May kakaiba sa kanya ngayon. Dapat na ba talaga akong matakot sa kanya? Hindi, hindi dapat ako matakot. Dapat lang mag-ingat pa lalo. Kinabukasan, maaga kaming nagising lahat dahil kagabi ay sinabihan na kaming dapat kaming maghanda para sa welcome party ng isang tao na hindi ko kilala. Aligaga kaming lahat sa pag-aasikaso. Mamayang 7 PM pa
Napamulat ako nang may marinig akong mga boses. Nakita ko si Tucker at isang doctor."She's fine now, don't worry." sambit ng doctor.Ano ba ang nangyari? Nawalan ba talaga ako ng malay nang mangyari ang pagsabog? Damn you, Jersey!Dahan-dahan kong iginilaw ang aking mga kamay, kumikirot pa ang ito. Akma kong tatanggalin ang mga naka dikit nang may pumigil."What are you doing?" Tucker asked. Kinunotan ko siya ng noo. Buhay ba talaga siya? Paano ang mga kaibigan niya? Nagtagumbay ba sila Almina?"What are you looking at? Are you okay?" he asked again kaya binawi ko ang tingin ko."A-ano po bang nangyari?" I asked. Naalala kong siya ang huli kong nakita nang mawalan ako ng malay, siya rin ba ang nagdala sa akin dito?"Nawalan ka ng malay, sa sobrang daming usok ang napunta sa katawan mo." ang doctor na mismo ang sumagot. "Maiiwan ko muna kayo," dagdag nito at luma
Papunta na kami ngayon sa mansion ni Chairman. Kanina ay nagtagal siya dahil pinuntahan niya rin si Waylon pagkatapos kay Braxton. Habang inaantay ko siya kanina ay nag-usap pa kami ng matagal ni Erikiar. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Akala niya siguro ay boyfriend ko si Tucker, hindi ko nalang sinabi iyon dahil hindi naman mahalaga."Are you now okay?" Lumingon ako sa kanya.Bumabakas at bumabagay ang kanyang adams apple. At ang makinis na mukha nito ay kumikinang, ano kaya ang skin care niya? Wala manlang balbas sa mukha. Napakagandang lalaki."You're looking at me again," hindi ko siya pinansin. Paano ko kay 'to mapapatay? Sa sarap? Lagyan ko ng lason? Or diretsong saksakin? Kung ngayon nalang kaya? Guluhin ang pagmamaneho niya."You're scary, you know?" I know.Umiwas ako ng tingin sa kanya at umayos ng upo. "Ayos na po ako. By the way Sir, puwede po tayong dumaan sa bahay ninyo? Kukunin ko lan
After what happened earlier nagpaalam ako na may bibilhin muna, I said to him na ang bibilhin ko ay mga gamit ko sa pagpapanggap na ito. Pero gusto ko talagang pumunta sa hide out namin, I want to talk with them. "Maayos ka na ba? I am so sorry, Klai." sambit ni Jersey nang ma-e-kuwento ko sa kanila ang nangyari sa akin, nagsisi pa sila dahil hindi nila alam. Pero si Fresha ako ang sinisi dahil daw alam ko naman na mangyayari iyon at pumasok pa raw talaga ako sa loob. "Ayos na ako ngayon, usok lang 'yon ni Jersey." Nakangiti kong sabi. They all just nodded at nakaramdam ng kaginhawaan. "What brings you here? Sayang hindi namin napatay ang iba sa kanila," wika naman ni Munique kaya tiningnan ko sila ng seryoso. They don't know? "Hindi ba talaga kayo ang dahilan kung bakit sila nasa hospital?" I asked. They all shrugged their heads. Sino kaya? "Actually, I was about to stab the other guy named Braxton but someone grabbed me and he did me
"Alo—Ay este, Ma'am. Nag-aantay po sa'yo si Sir sa salas." Bungad sa akin ng isang katulong. Gusto ko siyang sabunutan dahil sa pagtawag niya sa akin. Anong Ma'am?"Okay, magbibihis lang ako ng uniform. Pupunta ri—""Bakit uniform? Hindi ka na po katulong dito. Mamaya po ay babalik na raw tayo sa bahay ni Sir kaya." Napairap ako sa kawalan nang bigla itong kinuha ang mga dala kong paper bags at umalis na.Kanina, pagkatapos naming mag-usap nila Fresha ay sinamahan nila akong bumili ng mga gamit ko. Dapat nga ay mga damit ko ang dadalhin ko rito pero ayaw nila dahil baka raw mahalata ni Tucker ang pagkatao ko. Pang bayarang babae naman kasi mga damit ko iba sa hide out namin.Bumuntong hininga muna ako bago tuluyang pumasok, inalis ko muna ang kaba sa dibdib ko. Kailangan kong umartenh normal.Nakita ko si Tucker na busy sa pagbabasa kaya lumapit kaagad ako ngunit hindiya niya yata ako pinansin ko sinadya niyang hindi ako lingunin. I hea
After 9 months "Hindi ba bagay ito sa'yo?" "Buntis siya, Jersey! Paano siya magsusuot ng ganyan? Gusto mo bang patayin tayo ni Tucker? "Anong mali rito, Almina? Dati naman ay gsuto ito ni Klai e." "Dati iyon, Jersey. Hindi na ngayon na kasal siya at magiging dalawa na ang anak niya." Pinakinggan ko lang ang mga kaibigan ko habang namimili ng mga damit na para sa akin. Ngayon ang araw ng baby shower na plinano namin. Kaunting araw na lang ay manganganak na ako. Nagpakasal na nga kami ni Tucker pagkatapos kong punitin ulit ang sarili ko when Fresha died, totoong kasal na ang nangyari sa aming dalawa ni Tucker. Walang nangyaring masama dahil kahit ako ay pinapabantayan niya na hindi makakatakas. Akala siguro ng lalaking iyon ay uulitin ko na naman ang pagkakamali ko sa kanya. "What do you think, Klai?" Bumaling ako kay Munique na pinakita sa akin ang isang dress na pambuntis, kulay pula ito at halatang pang mayaman ang datingan. "Gusto ko iyan, bagay sa amin ng anak ko." Nakangiti
Nanghihina ako dahil sa narinig mula kay Almina. "You're lying..." "Klai...kahit kami nahihirapan---" "But you came here, smiling. How sure are you na pinatay niya ang sarili niya?" "Kasi naroon kami mismo sa harap niya! Hindi namin pwedeng i-spoil ang announcement ni Tucker. It's been days, nilibing na namin agad siya dahil iyon ang sabi niya. Nag-iwan siya ng sulat bago niya gawin sa harap namin. He killed herself using her gun..." Bakas sa boses ni Jersey na nahihirapan siyang magsalita. Ayaw kong maniwala pero sa pinakita nila sa akin ngayon, sa mga sinasabi niya. Nagtatalo ang isipan ko. "Pupuntahan ko siya. Hindi ko alam kung nagsasabi kayo ng totoo pero gusto kong dalhin niyo ako sa kanya." Hindi ko na maiwasan ang hindi umiyak. "Klai..." Bumaling ako kay Tucker, he hugged me. He knew. Hindi niya sinabi sa akin, hindi nila sinabi sa akin. "I'm sorry..." "Gusto ko siyang puntahan." Hagulhol ko. No, it can't be. Hindi pwedeng mawala siya, hindi pa kami nag-uusap. Sinuno
Nang umayos na ang pakiramdam ko, sinabi ko kay Tucker na bibisitahin ko ang mga kaibigan ko. Hindi na rin naman siya umepal pa at sinamahan na lang din ako. May pasok ang anak namin kaya nagkaroon kami ng oras na umalis, mamaya pa namin siya susunduin."Wala ka bang trabaho?" tanong ko sa kanya. Simula kasi noong nasa bahay niya lang ako, hindi ko siya napansin na lumabas. Panay utos lang sa mga tauhan niya."I am the boss of my company, kaya malaya akong mag-break from work kung gusto ko. And besides, naroon si East para maging substitute ko sa mga meetings." Walang ganang sabi niya.Hindi naman porket siya ang boss ay aalis na siya para rito. Huminga ako nang malalim at humarap sa kanya. "You know what? You should go, kaya ko naman na ako lang ang pupunta sa kanila.""No." Umiling siya. "Paano kung lapitan ka ng mga tauhan ni Alessandra na tumakas—""Oh Tucker. Tumakas nga e, hindi na babalik ang mga iyon dahil sa takot. Nakulong na rin naman si Alessandra, ako na lang ang aalis."
Nagising ako nang hindi alam kung nasaan. Bumungad sa akin ang puting kisame at ang maliit na kamay na nakahawak sa kamay ko. Bumaling ako roon at nakita ang anak kong natutulog, nagulat pa ako nang bahagya nang makita siya. I was about to wake him up but I stopped myself, hinayaan ko siyang naroon. I smiled, naalala ko ang nangyari sa akin kasama ang mga kaibigan ko sa mga kamay nila Alessandra at Celine. Paano kung may nangyaring masama sa akin at hindi ko na makita ang anak ko? Si Tucker? Nilibot ko ang paningin ko para hanapin siya and there, I saw him standing beside the window. Nakatitig din siya sa akin, naglalakad patungo sa kama ko."Kumusta ka? M-may masakit ba sa'yo?" Ang boses niyang napapaos. Umiwas ako ng tingin, ramdam kong nangingilid ang luha ko sa aking mga mata. Bakit ako nasasaktan nang makita siya ngayon, mahinahon ang boses at bakas na pag-alala. "Kukunin ko na ang anak natin, ayaw niyang umalis at inaantay kang magising kaso nakatulog siya." Dahil sa sinabi ni
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nakatingin lang ako sa matalik kong kaibigan na hanggang ngayon ay hindi pa rin inalis ang baril na tinutok niya sa akin. Pasimple akong bumaling sa iba kong kasamahan na tulad ko ay nagtataka sa ginawa ni Fresha."What the hell are you doing, Fresha?" Hindi makapaniwalang tanong ni Almina. Hindi siya sinagot ni Fresha, nakatingin lang siya sa amin na walang emosyon na tila ba matagal niya nang inaasahan na mangyayari ito. Bumalik ako kay Allesandra na masayang nakatingin sa amin, natutuwa siya sa nangyayari. She planned this?"See? Kahit kayo ay hindi inasahan na mangyayari ito. Kahit ako ay hindi ko inasahan na magagawa ito ni Fresha, ang kaibigan na pinagkatiwalaan ninyo at mas tahimik sa inyong lima." Natatawang sabi ni Allesandra. Lumapit sa kanya si Celine na masaya ring nakatingin sa amin. Ano bang nangyayari? Hindi pa rin ako makalayo kay Fresha, gusto kong marinig mula sa kanya kung ano ang naiisip niya bakit niya ito ginagawa? O b
Napaatras ako nang dahan-dahan palayo sa laptop. Anong nangyayari? Bakit nakuha nila ang mga kaibigan ko? Pero hindi ngayon ang oras para magtanong na alam kong hindi ko masasagot kapag hindi ako kumilospara iligtas sila. Huminga ako nang malalim at kinuha ang baril ko sa kwarto ko rito, I grabbed my motor bike too. Kailangan kong bilisan para makabalik din agad ako sa bahay at hindi mag-alala si Tucker at para pagkagising ng anak ko ay nasa tabi niya na ako kahit hindi ako sigurado na makakauwi agad ako. Alam ko naman kung nasaan sila, hindi naman umaalis sila Alessandra sa dating hide-out namin kaya alam kong nandoon sila Almina dahil na rin sa hitsura ng lugar. But before anything, I texted Tucker na hindi agad ako makakauwi. Pagkatapos ay binilisan ko ang pagmamaneho patungo sa organization ni Alessandra. Hindi pa rin nawawala sa isip ko kung paano sila nakuha. Kita ko sa screen na lahat sila ay nakagapos sa kanya-kanyang upuan habang pinalibutan ng mga tauhan ni Alessandra. Il
Dinala ako ng magulang ko sa bahay nila, iyong ama ko ay tuwang-tuwa kay Thrunder dahil may apo na naman daw sila. Nalaman ko rin nang ilang taon na paghahanap nila sa akin, nagka-anak sila ng dalawa. Mga bunso ko na sila, isang lalaki at babae. Ang babae ay may anak na samantalang ang kapatid kong lalaki ay wala pa dahil mas pinili niya raw na huwag munang mag-asawa, todo bigay raw ito sa kumpanya. Nalaman ko rin na siya ang CEO ng kumpanya ng pamilya ko. Hindi ko inasahan na sa kabila rin ng lahat ng pinagdaanan ng pamilya ko ay napunta sila sa buhay na marangya. It's just sad for me dahil hindi ko iyon naranasan na kasama sila ngunit alam kong hindi pa naman huli ang lahat, pwede pa akong bumawi na makasama sila tulad ng gagawin ko sa mag-ama ko na sina Tucker at Thrunder. Namangha ako sa bahay dahil sobrang laki nito. "Who is she, Mom, Dad?" Bumaling ako sa nagsalita, I bet he is my brother. Bumaling din ako sa right side, may babaeng nakatayo at kasama ang dalawang bata. Maybe s
Gaya ng sinabi ni Tucker na pupuntahin namin kung nasaan ang magulang ko, iyon ang ginawa namin ngayon. Kasama rin namin ang anak namin. Hindi ko maintindihan ang nararamdamdaman ko ngayon, ang daming tanong na pumapasok sa isipina ko. tulad ng, paano kung hindi sila maniwala na ako ang anak nila, paano kung hindi nila ako tanggapin once nalaman nila ang nakaraan ako. I am afraid. Ito ang pinaka-unang beses na makita at malaman ko na may pamilya pa pala talaga ako. Years ago, habang bini-build up ko ang sarili ko na maging malakas, hindi nawawala sa plano ko ang hanapin sila. And now, I can't imagine na mahaharap ko sila ngayon. Habang hindi pa kami umaalis kanina ni Tucker, sinabi niya sa akin na isa sila sa successful business owners sa mundo, hindi ako mahilig makinig sa industriya ng negosyo kaya hindi ko alam ang tungkol sa mundo nila but for me, today. the important ay makakausap ko sila. I have a lot of questions. We do research our family names years ago pero ang laging pumapa
Habang nasa biyahe ako pabalik sa bahay, hindi ko pa rin maialis sa isipin ko si Celine. Alam niya ba ang tungkol dito? Kilala niya ba talaga si Celine kung sino at anong klaseng tao ito? Limang taon nilang kasama ng anak ko si Celine at hindi ko alam kung ano na ang nagawang hindi maganda ni Celine sa mga panahon na iyon. Kaya siguro hindi na maganda ang kutob ko sa babaeng iyon noong una ko pa lang kita sa kanya dahil mayroon siyang tinatagong hindi maganda. Kahit na naawa ako sa kanya sa ginawa ni Tucker sa kanya ngayon ay mas lalo lang akong nainis sa kanya. I need to fin everything about her, kung bakit sila magkakilala ni Alessandra.I parked my car in the garage. Binigay ito ni Tucker sa akin para raw may gagamitin ako for emergency. Nasa akin pa rin naman ang motor bike ko pero ginagamit ko lang ito kapag kailangan kong magmadali sa mga bagay-bagay. Pumasok ako sa loob ng bahay at nakita ko si Tucker at ang anak ko na naglalaro. Halos manlaki pa ang mga mata ko nang makitang m