Habang ginagawa ko ang mga tinuro ni Manang kanina, nagmamasid na ako sa buong bahay. Gusto kong magawa nang mabilis ang trabaho ko para naman hindi ko na gawin 'yong bagay na 'yon. Iyon ang huling choice para makuha ko ang kailangan namin. Ang sabi sa impormasyon, isa sa pinakamayamang businessman si Tucker.
Ini isa-isa ko ang mga kwarto rito, 'yong iba may naglilinis na kaya agad akong umaalis. Siguro nasa kwarto ni Tucker ang hinahanap ko, pero hindi ko alam kung nasaan ang kwarto niya. Ito kayang magandang design ng pinto? Bumuntong hininga muna ako bago hawakan ang doorknob.
I was about to open the door nang may biglang nagsalita sa likod ko, gulat akong lumingon sa kaniya. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking kanina ko pa binabanggit sa isipan ko.
"Hindi ba nila ininform na bawal kayo pumasok sa kwarto ko?" hindi agad ako makapagsalita, ang sama ng tingin niya sa'kin, kulang na lang kainin niya ako ng buhay. Okay sana kung ibang kain gagawin niya edi gorabells.
"Ano, tatanga ka lang?" Agad akong yumuko, kunyari nahihiya kahit na ang sarap niyang pagmasdan.
"S-sorry po s-sir, akala ko kasi kailangan l-linisan." gusto kong umirap because of my acting shuttering, kung wala lang akong kailangan dito.
"Get loss," he said in a baritone tone, agad akong tumingin sa kaniya. "I said get loss, papasok ako sa kwarto ko." Hindi pa ako nakapagsalita nang agad niya akong tinulak. What the fuck? Bakit kailangan manulak, buset!
"Oh, bakit mo hinalikan 'yang pader?" isa pa ang katulong na 'to, nakalimutan ko na agad ang pangalan. Umayos ako ng tayo at humarap sa kaniya.
"Boyfriend ko na agad 'yong pader dito," I said at nilagpasan na siya. Lecheng lalaking 'yon!
"Mukha mo nakasimangot, natikman mo na ba agad ang kasungitan ni sir?" the other helper asked, ang dami naman kasi nila, nakakalimutan ko ang mga pangalan.
"Kupal 'yong amo ninyo rito, tinulak ba naman ako. Napaka ku—"
"What are you saying?" Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko na naman ang boses niya, bakit ba ang bilis niya sumulpot. Agad naman umalis ang katulong na kausap ko, takot ampota. Weak ka girl.
"Sir?" Nakaramdam na agad ako ng kaba nang tumingin na sa kanya. "Sabi ko po ang kuyot niyo po," I said at ngumiti sa kaniya, malay natin mahulog agad sa ngiti ko e'di tapos na agad ang trabaho ko.
"Don't smile, you look stupid. Manang, pakisabi sa isang 'to na bawal pumasok sa kwarto ko," he said habang sa'kin nakatingin. Napakunot ang noo ko sa kaniya.
"I'm going to shop in the mall, sumama ka sa'kin," he said pointing at me. "Magbihis ka na, pakibilisan," dagdag pa nito at tumalikod na. Eh? Mag-shopping na nga lang magdadala pa ng katulong.
"Diyos ko kang bata ka! Narinig mo ba ang sinabi ni Tucker? Isasama ka niya, bilisan mo magbihis," biglang sabi ni Manang. Nakasimangot ko siyang tiningnan.
"Manang, ang panget ng mga damit ko. Magmumukha akong katulong," sabi ko.
"Huh? Katulong ka naman talaga, bilisan mo na." awit naman. Pumunta na lang ako sa kwarto ko.
Grabe naman kasi 'tong si Alora, wala man lang taste sa mga damit. Nakangiwi ako habang namimili ng damit, inilagay ko rin sa iba't ibang parte ng katawan ko ang dapat kong dalhin. Iniligay ko rin ang maliit na earpiece sa tainga ko.
"Lalabas ako, kasama si Tucker," bangit ko. Alam kong naririnig ako ni Almina.
"Susundan ko kayo," rinig kong sabi niya. Agad akong lumabas patungo sa parking lot at agad ko rin nakita si Tucker na nakasandal sa kotse niya. Palihim akong umirap nang masama siyang tumingin sa'kin.
"Sorry po natagalan," I said. Papasok na sana ako sa likod nang hilahin niya agad ako, laking gulat ko nang muntikan na akong mawalan ng balanse kung hindi niya lang ako nahawakan. I gulped twice dahil sa tinginan niya.
Napakapit ako sa balikat niya at siya sa bewang ko, sobrang lapit ng mukha namin to the point na kunting galaw lang maghahalikan na kami. Pakitulak naman Mr. Kupido please. Para naman may silbi pana mo.
"Huwag mo akong gawing driver, sa harap ka," sabi nito, hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero bigla ko na lang siyang tinulak at nagmamadaling sumakay sa harap. Shit, bakit ako kinakabahan? Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Naramdaman kong sumakay na rin siya, nasa harap lang ang tingin ko buong byahe. Nakakahiya, ano ba kasi 'yong ginawa niya kanina?
"Shit," he cursed when the car stopped, nasubsob lang naman ako. "Bakit kasi hindi ka nag seatbelt, stupid." awit, nakalimutan ko. Hinimas ko ang noo ko nang maramdaman ang kirot, bakit ba kasi bigla siyang tumigil."Bakit po kasi tumigil ka agad?" tanong ko habang naghihimas pa rin sa noo. Ang sakit ah.
"I was trying to divert your attention but you didn't respond, baka kasi patay ka na habang dilat ang mata." Napangiwi ako dahil sa sinabi niya, hindi ko naman alam na nagsasalita pala siya. Pinakiramdaman ko lang 'yong kaba sa dibdib ko kanina.
"Golden rule, don't fall in love." Agad akong natauhan at umayos ng upo nang marinig iyon mula kay Almina. Shit, naririnig niya pala.
"A-ah, sorry po sir, nandito na po ba tayo?" I asked, kunyari tumingin sa labas para umiwas sa na makita ang mukha niya.
"Yeah, tara na." Nauna siyang lumabas. Sumunod naman agad ako sa kaniya.
Hindi ko talaga maisip na ganito ang suot ko, hindi ako maka-move on! Sa mall pa talaga.
"Ang hot pala talaga ni fafa Tucker ha." Nadiinan ko 'yong pag-irap ko nang marinig ko na naman ang boses ni Almina. Lumingon ako sa paligid para makita siya pero mukhang magaling talaga magtago ang gaga, ako lang naman 'to, nagtatago pa.
"I'm following you two, sumunod ka na sa kaniya," sabi niya, nasa malayo na pala si Tucker kaya binilisan ko ang paglakad para mahabol siya kaunti.
"Bilhan mo naman ako ng damit," bulong ko kay Almina, I just heard her laughed.
"Ano bang gusto mong damit?" Napa-awang ang labi ko at nanlaki ang mga mata nang si Tucker ang magsalita, potek narinig niya? Hala!
"P-po? Hindi po ikaw ang kausap ko sir," I said, his brows frowned at lumingon sa paligid, nagtataka ang kaniyang mukha.
"Then, who are you talking with?" he asked, shit. Oonga pala. Ngumiti na lang ako sa kaniya.
"Tara na sir, saan po ba tayo pupunta?" I changed the topic, sana naman hindi niya rin marinig ang boses ni Almina.
"I don't know, I will buy some gifts for my friends." eh? Sa tipo ng lakaking 'to bibili siya ng regalo? Sabagay mayaman.
"Ano po ba ang gusto nila o saan sila interesado sir para 'yon ang bibilhin mo." Nakangiti kong tanong. He just looked at me na naka kunot ang noo. Ano na naman bang problema nito?
"Let's go to the female shop," he said at naunang naglakad. Swerte naman ng bibigyan niya, babae pa. Nawa'y lahat kapatid.
Nang makarating kami sa isang shop na lahat ay pambabae, pinagtitinginan na agad kam— si Tucker lang pala.
"Asawa niya ba 'yan? Ang losyang naman." rinig kong sabi ng isang babae, sakalin ko kaya 'yong babaeng 'yon? Kung makalosyang sa'kin, hindi naman bagay sa kaniya ang suot niya.
"Choose." Taka kong tiningnan si Tucker nang umupo ito sa sofa.
"Huh?" I asked, gago ata 'to. Ako papipiliin para sa babae niya hindi ko naman alam 'yon.
"Choose your clothes," he said na parang wala lang, naka dekwatro pa ito.
"Ako po ba ang pipili para sa kaibigan n'yo? Hindi ko po alam ang gusto niya sir," sabi ko, ako pa ata talaga utosan ampotek.
"Idiot," he said at pinitik ang noo ko, masakit pota. "Choose your own clothes, I'll buy your things." huh? Hakdok.
Bigla ata siyang bumait? Wala pa nga akong ginagawa in love agad siya? Kung gano'n pinapabilis niya ang trabaho ko.
"S-sir?" I asked, nagmaang-maangan. Hindi naman siya ang kinausap ko kanina pero bibilhan niya talaga ako.
"Teh bilhan mo rin kami ah, alams na." Napapikit ako ng palihim nang marinig na naman ang boses ni Almina.
"Go, I'll wait here. Marami pa tayong bibilhin," sabi pa nito at nakatingin lang sa harapan niya. Hindi ako kumilos, kunyare pabebe muna ako pero deep inside gusto ko na agad pumili ng mga damit. Syempre part of the plan ang maging mahiyain.
"Nako s-sir huwag na po, nakakahiya. Sa mga kaibigan n'yo na lang po." Sumenyas pa na ayaw ko talaga pero sana huwag siyang pumayag na ayaw ko.
"Go ahead Alora," muntik ko nang makalimutan na si Alora pala ako. I sighed and nodded to him.
"Okay sir," I said. Ang dami kong kinuhang damit syempre sinamahan ko na ang apat, what friends are for right? Hindi ko naman pera.
"Ate wala na pong tao sa fitting?" I asked the saleslady. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa.
"Bibilhin mo ba 'yan lahat?" tanong niya pa, luh saksakin ko na kaya ang babaeng 'to ngayon na? Para naman may silbi tong kutsilyong dala ko.
Ngumiti ako kay ate girl."Yes ate, gusto mo ba bilhan din kita?" sabi ko pa at inirapan siya, nilagpasan ko siya at dumiretso sa fitting room. Ang mema ng babaeng 'yon ah, judger. Mas maganda naman ang katawan ko sa kanya.
"Saan ka?" rinig kong pagsasalita ni Almina.
"Fitting," sagot ko at sinuot ang naunang nakuha ng kamay ko.
"Uwi na ako, hinahanap ako ni boss. Mag-ingat ka," she said, I just bid my goodbye too, in-off ko na rin ang earpiece.
Pagkalabas ko sa fitting room, bumungad ang mukha ni Tucker na nakatingin sa'kin. He looked at me with serious eyes, from head to toe. Bigla akong nailang.
"You have a taste," he said. Inantay kong ngumiti ito pero nabigo lang ako. Kahit ngiti man lang ayaw ibigay, damot papi.
"Ayos lang ba sir?" I asked kunyari inosente at ignorante sa suot kong damit.
"Yes, you're beautiful." Oh damn!
"Do you think, my friends will like those?" tanong sa'kin ni Tucker. Grabe talaga ang isang 'to, ang dami niyang binili hindi man lang kayang tumulong. Mas nauna pa siyang maglakad sa'kin, bakit ba kasi ang dami kong kinuha para sa sarili ko, tapos siya unti lang naman talaga ang binili niya para sa mga kaibigan nito. "Kaya mo pa ba?" rinig kong tanong. Tanging tango na lang ang naisagot ko. "Magugustohan naman po siguro ng mga kaibigan mo sir," sabi ko. Sana pala walo na lang ang kamay ko. "Eh ikaw nagustohan mo naman ang mga kinuha mo?" he asked. Aba syempre naman kahit hindi mo ako tinulongan magdala. "Oo naman sir, pasensya na po kung marami. 'Yong iba kasi para sa mga kapatid ko, pakibawas na lang po sa sweldo." pero 'wag naman sana ibawas talaga. "Sige, mahigit binayad ko sa mga 'yan ay kalahati ng sweldo mo." Bigla akong nanlumo sa sinabi niya. Baka sa isang buwan wala akong sweldohin. Nakarating na kami sa kotse, nauna itong su
Isang buwan na ako rito sa mansyon pero hindi ko pa rin nahahanap ang bagay na 'yon. Sa laki ba naman kasi ng bahay na 'to paano ko 'yon mahahanap. "Ilang kwarto ulit nandito, Len?" tanong ko sa kasama kong naglilinis dito sa sala. Hindi naman siya huminto sa paglilinis at sinagot lang din ang tanong ko. "Kung kasama sa bilang ang mga kwarto natin, 25 lahat." grabe, ang yaman talaga, kahit isang buwan na ako rito hindi ko pa rin maiwasan mamangha sa katayuan nila Tucker. "May kwarto pa ba tayong hindi napapasukan maliban kay sir Tucker?" pasimple kong tanong. "Napasukan na natin lahat, kay Sir lang talaga hindi pa. Siya mismo ang naglilinis ng kwarto niya," sagot nito. "Bakit?" tanong niya pa. Umiling lang ako sa kanya bilang sagot.Kung gano'n, nasa kwarto niya ang hinahanap ko. Nang matapos ko ang trabaho ko, pumunta muna ako sa kwarto ko para tawagan si Almina. Baka kasi may isa na ang nakatapos sa trabaho. "Yoh bitch, how are yo
"Kapag nagising na siya pakainin mo na lang ha?" "Opo Manang, ako na po bahala sa kaniya." Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang makarinig ng ingay. Ang sakit ng ulo ko. Para akong galing sa hang-over na matagal mawawala. "Ay nako, Alora. 'Wag ka munang tumayo." Tiningnan ko ang babaeng nagsasalita. Si Lina. Tumingin din ako sa paligid at nagtataka kung bakit nasa kwarto na ako. Naalala ko ang nangyari kagabi, pinalayas ako at nakatulog sa ilalim ng malaking puno habang umuulan. "Kinuha niyo ako sa labas?" tanong ko. "Si Sir ang kumuha sayo." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Imposible! "M-masakit lang ang ulo ko Lina pero hindi ako lasing. Huwag mo akong lokohin." "Hindi kita niloloko, Alora. Siya nga ang kumuha sa'yo. Magpagaling ka na para pagbayaran mo ang ginawa mo sa kaniya." Mas lalong napakunot ang noo ko. Anong bayad? Ako na nga ang pinalayas at nabasa sa ulan ako pa ang magbababayad. Baka sa damit na sinabi niya o
"Good morning, Sir!" masayang bati ko nang makita siyang bumaba at bihis na bihis. Time to work niya na yata. "Breakfast po," aya ko pa pero hindi niya ako pinansin. Dire-diretso lang ang lakad niya na para bang wala ako sa harap nito. Sungit sa umaga! Sinundan ko pa rin siya, hindi ako nakapunta sa kwarto niya kahapon para raw alagaan kuno. Tinatamad ako maglambing, hindi ko naman siya jowa. "Sir, baka po may nakalimutan ka bago mag work?" malambing kong sabi. Wow Klai, ayaw mo maglambing ha! "What?" he coldly said. "Hindi ko po alam, baka lang naman po may nakali-" "Wala akong nakalimutan, umalis ka sa harap ko." Napahinto ako dahil sa biglaang paglingon niya sa akin,
"So, you have an additional mission? Exciting, isn't?" Hindi ako sumagot sa nakangiting Jersey. After the meeting with the organization, umalis kaagad kami. Why would boss will give us a mission na konetkado rin sa una kong mission? At bakit sinasabi niyang sila Tucker ang magpapabagsak sa amin in the future? Gano'n ba ka delikado si Tucker. "Hey, huwag mo muna isipin 'yon." Lumingon ako kay Fresha. I smiled at her. Of course, basic ang pumatay. Hindi na dapat isipin kung paano namin patayin si Tucker kasama ang mga kaibigan nito. "O to the M and to G, fucking OMG!" Napakunot ang noo ko nang tumili si Munique. We looked at her, waiting her to say something. "Look! Gosh!" Pinakita niya sa amin ang litrato ng mga lalaki. Napa-awang ang bibig ko at halos manlaki ng mga mata. Ulam, tangina! "Sure ba tayo na kaya nating patayin mga 'yan? Parang gust ko muna magpalahi bago putulin ang pangpalahi nil---" "Jersey!" "
"Where have you been?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses niya. Dahan-dahan akong lumingon, kinakabahan. Nang makaharap na siya, ngumiti ako ng napaka-tamis. "Magandang araw Sir. Umuwi lang po ako sa amin dahil kailangan po ako ng pamilya ko. Pasensya na po." sambit ko at yumuko. Ayaw ko siyang kaharap ng matagal, naiisip ko lang ang mission ko. "Really?" Nanlaki ang mga mata ko sa tono niya, tonong hindi naniniwala. Bakit niya ba ako pinapakaba lalo. "O-opo," sambit ko nalang. "Pasok na po ako." dagdag ko at mabilis nang naglakad. May kakaiba sa kanya ngayon. Dapat na ba talaga akong matakot sa kanya? Hindi, hindi dapat ako matakot. Dapat lang mag-ingat pa lalo. Kinabukasan, maaga kaming nagising lahat dahil kagabi ay sinabihan na kaming dapat kaming maghanda para sa welcome party ng isang tao na hindi ko kilala. Aligaga kaming lahat sa pag-aasikaso. Mamayang 7 PM pa
Napamulat ako nang may marinig akong mga boses. Nakita ko si Tucker at isang doctor."She's fine now, don't worry." sambit ng doctor.Ano ba ang nangyari? Nawalan ba talaga ako ng malay nang mangyari ang pagsabog? Damn you, Jersey!Dahan-dahan kong iginilaw ang aking mga kamay, kumikirot pa ang ito. Akma kong tatanggalin ang mga naka dikit nang may pumigil."What are you doing?" Tucker asked. Kinunotan ko siya ng noo. Buhay ba talaga siya? Paano ang mga kaibigan niya? Nagtagumbay ba sila Almina?"What are you looking at? Are you okay?" he asked again kaya binawi ko ang tingin ko."A-ano po bang nangyari?" I asked. Naalala kong siya ang huli kong nakita nang mawalan ako ng malay, siya rin ba ang nagdala sa akin dito?"Nawalan ka ng malay, sa sobrang daming usok ang napunta sa katawan mo." ang doctor na mismo ang sumagot. "Maiiwan ko muna kayo," dagdag nito at luma
Papunta na kami ngayon sa mansion ni Chairman. Kanina ay nagtagal siya dahil pinuntahan niya rin si Waylon pagkatapos kay Braxton. Habang inaantay ko siya kanina ay nag-usap pa kami ng matagal ni Erikiar. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi niya. Akala niya siguro ay boyfriend ko si Tucker, hindi ko nalang sinabi iyon dahil hindi naman mahalaga."Are you now okay?" Lumingon ako sa kanya.Bumabakas at bumabagay ang kanyang adams apple. At ang makinis na mukha nito ay kumikinang, ano kaya ang skin care niya? Wala manlang balbas sa mukha. Napakagandang lalaki."You're looking at me again," hindi ko siya pinansin. Paano ko kay 'to mapapatay? Sa sarap? Lagyan ko ng lason? Or diretsong saksakin? Kung ngayon nalang kaya? Guluhin ang pagmamaneho niya."You're scary, you know?" I know.Umiwas ako ng tingin sa kanya at umayos ng upo. "Ayos na po ako. By the way Sir, puwede po tayong dumaan sa bahay ninyo? Kukunin ko lan
After 9 months "Hindi ba bagay ito sa'yo?" "Buntis siya, Jersey! Paano siya magsusuot ng ganyan? Gusto mo bang patayin tayo ni Tucker? "Anong mali rito, Almina? Dati naman ay gsuto ito ni Klai e." "Dati iyon, Jersey. Hindi na ngayon na kasal siya at magiging dalawa na ang anak niya." Pinakinggan ko lang ang mga kaibigan ko habang namimili ng mga damit na para sa akin. Ngayon ang araw ng baby shower na plinano namin. Kaunting araw na lang ay manganganak na ako. Nagpakasal na nga kami ni Tucker pagkatapos kong punitin ulit ang sarili ko when Fresha died, totoong kasal na ang nangyari sa aming dalawa ni Tucker. Walang nangyaring masama dahil kahit ako ay pinapabantayan niya na hindi makakatakas. Akala siguro ng lalaking iyon ay uulitin ko na naman ang pagkakamali ko sa kanya. "What do you think, Klai?" Bumaling ako kay Munique na pinakita sa akin ang isang dress na pambuntis, kulay pula ito at halatang pang mayaman ang datingan. "Gusto ko iyan, bagay sa amin ng anak ko." Nakangiti
Nanghihina ako dahil sa narinig mula kay Almina. "You're lying..." "Klai...kahit kami nahihirapan---" "But you came here, smiling. How sure are you na pinatay niya ang sarili niya?" "Kasi naroon kami mismo sa harap niya! Hindi namin pwedeng i-spoil ang announcement ni Tucker. It's been days, nilibing na namin agad siya dahil iyon ang sabi niya. Nag-iwan siya ng sulat bago niya gawin sa harap namin. He killed herself using her gun..." Bakas sa boses ni Jersey na nahihirapan siyang magsalita. Ayaw kong maniwala pero sa pinakita nila sa akin ngayon, sa mga sinasabi niya. Nagtatalo ang isipan ko. "Pupuntahan ko siya. Hindi ko alam kung nagsasabi kayo ng totoo pero gusto kong dalhin niyo ako sa kanya." Hindi ko na maiwasan ang hindi umiyak. "Klai..." Bumaling ako kay Tucker, he hugged me. He knew. Hindi niya sinabi sa akin, hindi nila sinabi sa akin. "I'm sorry..." "Gusto ko siyang puntahan." Hagulhol ko. No, it can't be. Hindi pwedeng mawala siya, hindi pa kami nag-uusap. Sinuno
Nang umayos na ang pakiramdam ko, sinabi ko kay Tucker na bibisitahin ko ang mga kaibigan ko. Hindi na rin naman siya umepal pa at sinamahan na lang din ako. May pasok ang anak namin kaya nagkaroon kami ng oras na umalis, mamaya pa namin siya susunduin."Wala ka bang trabaho?" tanong ko sa kanya. Simula kasi noong nasa bahay niya lang ako, hindi ko siya napansin na lumabas. Panay utos lang sa mga tauhan niya."I am the boss of my company, kaya malaya akong mag-break from work kung gusto ko. And besides, naroon si East para maging substitute ko sa mga meetings." Walang ganang sabi niya.Hindi naman porket siya ang boss ay aalis na siya para rito. Huminga ako nang malalim at humarap sa kanya. "You know what? You should go, kaya ko naman na ako lang ang pupunta sa kanila.""No." Umiling siya. "Paano kung lapitan ka ng mga tauhan ni Alessandra na tumakas—""Oh Tucker. Tumakas nga e, hindi na babalik ang mga iyon dahil sa takot. Nakulong na rin naman si Alessandra, ako na lang ang aalis."
Nagising ako nang hindi alam kung nasaan. Bumungad sa akin ang puting kisame at ang maliit na kamay na nakahawak sa kamay ko. Bumaling ako roon at nakita ang anak kong natutulog, nagulat pa ako nang bahagya nang makita siya. I was about to wake him up but I stopped myself, hinayaan ko siyang naroon. I smiled, naalala ko ang nangyari sa akin kasama ang mga kaibigan ko sa mga kamay nila Alessandra at Celine. Paano kung may nangyaring masama sa akin at hindi ko na makita ang anak ko? Si Tucker? Nilibot ko ang paningin ko para hanapin siya and there, I saw him standing beside the window. Nakatitig din siya sa akin, naglalakad patungo sa kama ko."Kumusta ka? M-may masakit ba sa'yo?" Ang boses niyang napapaos. Umiwas ako ng tingin, ramdam kong nangingilid ang luha ko sa aking mga mata. Bakit ako nasasaktan nang makita siya ngayon, mahinahon ang boses at bakas na pag-alala. "Kukunin ko na ang anak natin, ayaw niyang umalis at inaantay kang magising kaso nakatulog siya." Dahil sa sinabi ni
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nakatingin lang ako sa matalik kong kaibigan na hanggang ngayon ay hindi pa rin inalis ang baril na tinutok niya sa akin. Pasimple akong bumaling sa iba kong kasamahan na tulad ko ay nagtataka sa ginawa ni Fresha."What the hell are you doing, Fresha?" Hindi makapaniwalang tanong ni Almina. Hindi siya sinagot ni Fresha, nakatingin lang siya sa amin na walang emosyon na tila ba matagal niya nang inaasahan na mangyayari ito. Bumalik ako kay Allesandra na masayang nakatingin sa amin, natutuwa siya sa nangyayari. She planned this?"See? Kahit kayo ay hindi inasahan na mangyayari ito. Kahit ako ay hindi ko inasahan na magagawa ito ni Fresha, ang kaibigan na pinagkatiwalaan ninyo at mas tahimik sa inyong lima." Natatawang sabi ni Allesandra. Lumapit sa kanya si Celine na masaya ring nakatingin sa amin. Ano bang nangyayari? Hindi pa rin ako makalayo kay Fresha, gusto kong marinig mula sa kanya kung ano ang naiisip niya bakit niya ito ginagawa? O b
Napaatras ako nang dahan-dahan palayo sa laptop. Anong nangyayari? Bakit nakuha nila ang mga kaibigan ko? Pero hindi ngayon ang oras para magtanong na alam kong hindi ko masasagot kapag hindi ako kumilospara iligtas sila. Huminga ako nang malalim at kinuha ang baril ko sa kwarto ko rito, I grabbed my motor bike too. Kailangan kong bilisan para makabalik din agad ako sa bahay at hindi mag-alala si Tucker at para pagkagising ng anak ko ay nasa tabi niya na ako kahit hindi ako sigurado na makakauwi agad ako. Alam ko naman kung nasaan sila, hindi naman umaalis sila Alessandra sa dating hide-out namin kaya alam kong nandoon sila Almina dahil na rin sa hitsura ng lugar. But before anything, I texted Tucker na hindi agad ako makakauwi. Pagkatapos ay binilisan ko ang pagmamaneho patungo sa organization ni Alessandra. Hindi pa rin nawawala sa isip ko kung paano sila nakuha. Kita ko sa screen na lahat sila ay nakagapos sa kanya-kanyang upuan habang pinalibutan ng mga tauhan ni Alessandra. Il
Dinala ako ng magulang ko sa bahay nila, iyong ama ko ay tuwang-tuwa kay Thrunder dahil may apo na naman daw sila. Nalaman ko rin nang ilang taon na paghahanap nila sa akin, nagka-anak sila ng dalawa. Mga bunso ko na sila, isang lalaki at babae. Ang babae ay may anak na samantalang ang kapatid kong lalaki ay wala pa dahil mas pinili niya raw na huwag munang mag-asawa, todo bigay raw ito sa kumpanya. Nalaman ko rin na siya ang CEO ng kumpanya ng pamilya ko. Hindi ko inasahan na sa kabila rin ng lahat ng pinagdaanan ng pamilya ko ay napunta sila sa buhay na marangya. It's just sad for me dahil hindi ko iyon naranasan na kasama sila ngunit alam kong hindi pa naman huli ang lahat, pwede pa akong bumawi na makasama sila tulad ng gagawin ko sa mag-ama ko na sina Tucker at Thrunder. Namangha ako sa bahay dahil sobrang laki nito. "Who is she, Mom, Dad?" Bumaling ako sa nagsalita, I bet he is my brother. Bumaling din ako sa right side, may babaeng nakatayo at kasama ang dalawang bata. Maybe s
Gaya ng sinabi ni Tucker na pupuntahin namin kung nasaan ang magulang ko, iyon ang ginawa namin ngayon. Kasama rin namin ang anak namin. Hindi ko maintindihan ang nararamdamdaman ko ngayon, ang daming tanong na pumapasok sa isipina ko. tulad ng, paano kung hindi sila maniwala na ako ang anak nila, paano kung hindi nila ako tanggapin once nalaman nila ang nakaraan ako. I am afraid. Ito ang pinaka-unang beses na makita at malaman ko na may pamilya pa pala talaga ako. Years ago, habang bini-build up ko ang sarili ko na maging malakas, hindi nawawala sa plano ko ang hanapin sila. And now, I can't imagine na mahaharap ko sila ngayon. Habang hindi pa kami umaalis kanina ni Tucker, sinabi niya sa akin na isa sila sa successful business owners sa mundo, hindi ako mahilig makinig sa industriya ng negosyo kaya hindi ko alam ang tungkol sa mundo nila but for me, today. the important ay makakausap ko sila. I have a lot of questions. We do research our family names years ago pero ang laging pumapa
Habang nasa biyahe ako pabalik sa bahay, hindi ko pa rin maialis sa isipin ko si Celine. Alam niya ba ang tungkol dito? Kilala niya ba talaga si Celine kung sino at anong klaseng tao ito? Limang taon nilang kasama ng anak ko si Celine at hindi ko alam kung ano na ang nagawang hindi maganda ni Celine sa mga panahon na iyon. Kaya siguro hindi na maganda ang kutob ko sa babaeng iyon noong una ko pa lang kita sa kanya dahil mayroon siyang tinatagong hindi maganda. Kahit na naawa ako sa kanya sa ginawa ni Tucker sa kanya ngayon ay mas lalo lang akong nainis sa kanya. I need to fin everything about her, kung bakit sila magkakilala ni Alessandra.I parked my car in the garage. Binigay ito ni Tucker sa akin para raw may gagamitin ako for emergency. Nasa akin pa rin naman ang motor bike ko pero ginagamit ko lang ito kapag kailangan kong magmadali sa mga bagay-bagay. Pumasok ako sa loob ng bahay at nakita ko si Tucker at ang anak ko na naglalaro. Halos manlaki pa ang mga mata ko nang makitang m