Nakasimangot ako rito sa loob ng kotse, una naming hinatid sina Munique at Jersey sa airport, sumunod naman si Fresha sa sakayan ng bus papunta sa lugar kung saan siya naka-assign. Ako ito, pabalik na kami ni Almina sa Manila dahil ako na ang susunod niyang ihahatid.
"Mukha kang patong iniwan ng jowa niya," she said. Tumawa pa ito at umiling. Sino namang hindi maiinis, pinasuot na agad ako ng losyal na damit.
"Wala ka talagang taste sa mga damit 'no?" sabi ko pa at padabog kong hinawi ang paldang suot ko.
"Ang ganda kaya n'yan." Tuwang-tuwa pa talaga ang gaga.
"Para akong nagkaroon ng sampung anak dahil sa suot ko eh," reklamo ko ulit, hindi ko kasi talaga gusto ang pinili niya.
"Don't mind that, masasanay ka rin. Magsawa ka naman sa ibang nasuot mo , that's your first time to wear that, right? Masasanay ka rin," she said, e'di wow. "Let's talk about your job." Natahimik na lang ako.
"Tucker Burton, he's going to be your amo. Mag-ingat ka, ang balita ko aroganteng lalaki 'yon, suplado at hindi lang suplado napaka demonyo pa."
Matatakot na ba ako kung karamihan sa naka-assign sa'kin ay mga demonyo rin. Tango lang ako nang tango sa kanya, walang pake-alam.
"Pupunta tayo sa mansyon nila ngayon, kunyari ikaw 'yong kinuha nila sa agency na katulong and yeah by the way patay na ang may ari ng mga damit mo ngayon." Gulat akong lumingon sa kaniya. "Pinatay ko na kaya nakuha ko 'yan, ang babaeng 'yon dapat ang magiging katulong. You will get her identity." walang prenong pagkukwento nito, ibang klase talaga!
"Ano ang magiging pangalan ko?" I asked, magbabago na naman ako ng pangalan.
"Alora, Alora Santos." I nodded at hinayaan ko na lang siya magmaneho pa hanggang sa huminto ang kotse sa harap ng malaking mansyon.
"So he's fucking rich talaga ah?" tanong ko nang nakatingin sa mansyon na kaharap namin.
"Yeah, oh wait." Lumingon ako kay Almina nang may kunin siya sa likod ng kotse. Inabot niya sa'kin ang maliit na bag. "Para makausap natin ang isa't isa and here." 'Iyong folder naman ang inabot niya. "That's your identity, baka maging tanga ka na naman at makalimutan mong hindi ikaw si Klailea Lyndsy Gatdula." Tumango na lang ako at binasa ang mga information tungol sa babae.
Alora Santos, 21 years old. Mas bata pa pala sa'kin, I'm 24 years old.
"Alam mo na ang gagawin mo 'di ba? Tatagal ka r'yan ng ilang buwan, kapag nagawa mo na ang trabaho mo, puwede ka nang umalis. Don't worry, magkikita naman tayong lima kapag kinakailangan," mahabang sabi niya."Yeah, I got it. Lalabas na ako." Akmang lalabas na sana ako nang pinigilan niya na naman ako.
"Klai, alam nating masama ang gagawin natin pero tandaan mo bawal tayong umatras dito. Buhay nating lima ang nakasalalay. Kilala natin si Boss, she won't hesitate to kill us kapag may magkakamali ang isa sa'tin."
Alam ko naman 'yon, wala kaming takas. Utang namin kay boss ang mga buhay namin at ang ibabayad din namin sa kaniya ay ang buhay namin.
Almina is like a big sister to the four of us, kapag nagkakamali ang isa sa'min inaako niya kaya hindi ako gagawa ng katangahan para hindi siya mapahamak o ang isa sa amin.
"I know Almina, we will do our best," I said and smiled. Yinakap niya ako.
"Please don't fall in love, ayaw kong masaktan ka." I smiled when she said that, ayaw niyang matulad kami sa kaniya na umibig at nasaktan.
"I won't, I promise. Papasok na ako," paalam ko at niyakap siya ulit. Lumabas na agad ako sa kotse, I waved my hand to bid my good bye to her. Umalis na rin naman siya.
Nakatingala ako sa harap ng malaking mansyon, ilan kaya ang nandito? Gaano kaya kalaki ang lilinisin ko sa bahay na 'to?
"Kayo po ba 'yong sa agency?" Tumingin ako sa babaeng kakarating lang, nakasuot ito ng uniform pang katulong. Don't tell me ganyan din ang susuotin ko?
I smiled to the girl and nodded. "Magandang araw po, ako nga po. Alora Santos," sabi ko nang may ngiti pa rin.
"Ay nako ija, bilis pasok! Galit na si Sir Tucker ang tagal mo raw." eh? Anong oras na ba? Tanghali pa naman ah. Agad akong sumunod sa babae, mas matanda siya sa'kin kaya siguro Manang na lang ang itatawag ko?
"Ako nga pala si Petra, Manang Petra ang itatawag sa'kin." Gusto kong matawa sa pangalan niya, bakit naman Petra? "Sa akin ka susunod kapag gawaing bahay, ako ang mag-a-assign kung ano ang gagawin," she added, tanging tango na lang ang sinabi ko. Nilibot ko ang paningin ko sa paligid, nasa garden pa ata kami. Ang laki naman kasi nito.
"May mga bisita si Sir, mga kaibigan niya kaya baka mamaya ka pa niya makakausa—"
"Manang!" Hindi natuloy ang sinasabi ni Manang nang may isang katulong na nagmamadaling tumatakbo. "Tawag ka ni Sir, nako galit na naman." Hinihingal pa siya, ang laki naman kasi ng lugar na 'to. Napasapo at umiling si Manang.
"Tara na Alora," she said at hinila ako. Nahihirapan akong dalhin ang dala kong bag, ang dami naman kasing dala ng babaeng 'yon. Akala niya siguro mabubuhay pa siya. Tinulongan naman ako ng isang katulong na dalhin ang gamit ko.
Pagkapasok na pagkapasok ko, napa-awang ang labi ko at nanlaki ang mga mata dahil sa nakita. Ang ganda ng bahay, ang dami rin katulong na nagkikilos.
"Ang yaman pala talaga ng boss natin Manang 'no?" sabi ko agad kay Manang, nagulat naman ako nang takpan niya bigla ang bibig ko.
"Huwag ka muna magsalita, baka magalit si Tucker sa'yo." eh, bakit naman magagalit 'yon, sabi ko lang naman ang yama—
"Ang tagal mong dumating, pa special." Lumingon ako sa nagsasalita, bigla akong natutulala sa kagwapohang taglay ng kaharap ko. Magkakaiba ba ng mukha ang nasa litrato at ngayon? Bakit parang mas lalong sumarap pagmasdan ang ulam na 'to.
"Ano? Tutunga ka lang? Manang, tell her what to do, akala ko naman masyadong importante para antayin pa," he said and by that tinalikuran niya ako, sinundan ko lang siya ng tingin. Potek pati likod ang sarap.
"Let's go guys, kailangan na natin magmadali." Agad nagsilabasan ang apat pang masasarap na ulam. Shit ang gwapo lahat.
"Close your mouth miss, makakakain mo kami." Halos manlaki ang mga mata ko nang hawakan ng isang lalaki ang baba ko at sinarado ito, agad akong napaayos. Nakakahiya.
Hindi rin naman nagtagal nawala na sila sa paningin ko. Napaka sungit ni Tucker ah, unang araw ko pa lang panget na agad ang simula. Akala mo talaga ang gwa— gwapo naman talaga siya pero ah basta masasakal ko 'yon. Humanda ka lang sa'kin, Tucker Burton.
"Ihahatid na kita sa magiging kwarto mo, lahat ng katulong dito may kanya-kanyang kwarto. Labing-lima kayong lahat at ako ang pang labing anim," paliwanag ni Manang, grabe ang dami.
"Hindi lang si sir Tucker ang amo natin, nandito rin ang mga magulang niya at dalawang kapatid, isang babae at isang lalaki." Nakikinig lang ako sa kaniya at nakasunod. Huminto naman siya at binuksan ang pinto na kulay puti.
"Nariyan na rin ang magiging uniform mo, ito ang susi ng kwarto. Pagkatapos mong magbihis pumunta ka sa kusina at doon ko ituturo ang lahat," she said, akmang aalis na sana siya nang pigilan ko ito.
Hindi ko alam kung nasaan ang kusina. "Saan po ba ang kusina?" tanong ko, sa laki ng lugar na 'to, baka hindi na ako makita dahil naligaw.
"Diretsuhin mo lang mula rito. Lahat ng kwarto natin ay pinakamalapit ang kusina at sala," she said tumango na lamang ako at tuloyan niya na akong iniwan. Pumasok na ako sa magiging kwarto ko, maliit lang ito sakto lang talaga sa isang tao. Magmumukha ata kaming mga boarders dito.
I was about to change my clothes nang biglang tumunog ang maliit na cellphone na dala ko, ito 'yong ginagamit namin para makausap ang lima.
"Ano kumusta? Nakapasok ka?" ayan agad ang bungad ni Almina sa'kin.
"Yeah, ang laki ng bahay nila ah. Paano ko mahahanap 'yong kailangan natin?" I asked, hindi ko alam kung makikita ko ba rito 'yong kailangan ko baka kasi wala pala rito.
"Don't worry, makikita mo rin 'yon. Remember what's inside in the folder para magawa mo ang lahat ng gagawin mo r'yan?" she asked, paano ko makakalimutan kung 'yon ang tumatak sa isipan ko bago ako pumunta rito.
I sighed.
"Tame him, let him fall in love and leave him."
Habang ginagawa ko ang mga tinuro ni Manang kanina, nagmamasid na ako sa buong bahay. Gusto kong magawa nang mabilis ang trabaho ko para naman hindi ko na gawin 'yong bagay na 'yon. Iyon ang huling choice para makuha ko ang kailangan namin. Ang sabi sa impormasyon, isa sa pinakamayamang businessman si Tucker. Ini isa-isa ko ang mga kwarto rito, 'yong iba may naglilinis na kaya agad akong umaalis. Siguro nasa kwarto ni Tucker ang hinahanap ko, pero hindi ko alam kung nasaan ang kwarto niya. Ito kayang magandang design ng pinto? Bumuntong hininga muna ako bago hawakan ang doorknob. I was about to open the door nang may biglang nagsalita sa likod ko, gulat akong lumingon sa kaniya. Halos manlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaking kanina ko pa binabanggit sa isipan ko. "Hindi ba nila ininform na bawal kayo pumasok sa kwarto ko?" hindi agad ako makapagsalita, ang sama ng tingin niya sa'kin, kulang na lang kainin niya ako ng buhay. Okay sana kung ibang kain g
"Do you think, my friends will like those?" tanong sa'kin ni Tucker. Grabe talaga ang isang 'to, ang dami niyang binili hindi man lang kayang tumulong. Mas nauna pa siyang maglakad sa'kin, bakit ba kasi ang dami kong kinuha para sa sarili ko, tapos siya unti lang naman talaga ang binili niya para sa mga kaibigan nito. "Kaya mo pa ba?" rinig kong tanong. Tanging tango na lang ang naisagot ko. "Magugustohan naman po siguro ng mga kaibigan mo sir," sabi ko. Sana pala walo na lang ang kamay ko. "Eh ikaw nagustohan mo naman ang mga kinuha mo?" he asked. Aba syempre naman kahit hindi mo ako tinulongan magdala. "Oo naman sir, pasensya na po kung marami. 'Yong iba kasi para sa mga kapatid ko, pakibawas na lang po sa sweldo." pero 'wag naman sana ibawas talaga. "Sige, mahigit binayad ko sa mga 'yan ay kalahati ng sweldo mo." Bigla akong nanlumo sa sinabi niya. Baka sa isang buwan wala akong sweldohin. Nakarating na kami sa kotse, nauna itong su
Isang buwan na ako rito sa mansyon pero hindi ko pa rin nahahanap ang bagay na 'yon. Sa laki ba naman kasi ng bahay na 'to paano ko 'yon mahahanap. "Ilang kwarto ulit nandito, Len?" tanong ko sa kasama kong naglilinis dito sa sala. Hindi naman siya huminto sa paglilinis at sinagot lang din ang tanong ko. "Kung kasama sa bilang ang mga kwarto natin, 25 lahat." grabe, ang yaman talaga, kahit isang buwan na ako rito hindi ko pa rin maiwasan mamangha sa katayuan nila Tucker. "May kwarto pa ba tayong hindi napapasukan maliban kay sir Tucker?" pasimple kong tanong. "Napasukan na natin lahat, kay Sir lang talaga hindi pa. Siya mismo ang naglilinis ng kwarto niya," sagot nito. "Bakit?" tanong niya pa. Umiling lang ako sa kanya bilang sagot.Kung gano'n, nasa kwarto niya ang hinahanap ko. Nang matapos ko ang trabaho ko, pumunta muna ako sa kwarto ko para tawagan si Almina. Baka kasi may isa na ang nakatapos sa trabaho. "Yoh bitch, how are yo
"Kapag nagising na siya pakainin mo na lang ha?" "Opo Manang, ako na po bahala sa kaniya." Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko nang makarinig ng ingay. Ang sakit ng ulo ko. Para akong galing sa hang-over na matagal mawawala. "Ay nako, Alora. 'Wag ka munang tumayo." Tiningnan ko ang babaeng nagsasalita. Si Lina. Tumingin din ako sa paligid at nagtataka kung bakit nasa kwarto na ako. Naalala ko ang nangyari kagabi, pinalayas ako at nakatulog sa ilalim ng malaking puno habang umuulan. "Kinuha niyo ako sa labas?" tanong ko. "Si Sir ang kumuha sayo." Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Imposible! "M-masakit lang ang ulo ko Lina pero hindi ako lasing. Huwag mo akong lokohin." "Hindi kita niloloko, Alora. Siya nga ang kumuha sa'yo. Magpagaling ka na para pagbayaran mo ang ginawa mo sa kaniya." Mas lalong napakunot ang noo ko. Anong bayad? Ako na nga ang pinalayas at nabasa sa ulan ako pa ang magbababayad. Baka sa damit na sinabi niya o
"Good morning, Sir!" masayang bati ko nang makita siyang bumaba at bihis na bihis. Time to work niya na yata. "Breakfast po," aya ko pa pero hindi niya ako pinansin. Dire-diretso lang ang lakad niya na para bang wala ako sa harap nito. Sungit sa umaga! Sinundan ko pa rin siya, hindi ako nakapunta sa kwarto niya kahapon para raw alagaan kuno. Tinatamad ako maglambing, hindi ko naman siya jowa. "Sir, baka po may nakalimutan ka bago mag work?" malambing kong sabi. Wow Klai, ayaw mo maglambing ha! "What?" he coldly said. "Hindi ko po alam, baka lang naman po may nakali-" "Wala akong nakalimutan, umalis ka sa harap ko." Napahinto ako dahil sa biglaang paglingon niya sa akin,
"So, you have an additional mission? Exciting, isn't?" Hindi ako sumagot sa nakangiting Jersey. After the meeting with the organization, umalis kaagad kami. Why would boss will give us a mission na konetkado rin sa una kong mission? At bakit sinasabi niyang sila Tucker ang magpapabagsak sa amin in the future? Gano'n ba ka delikado si Tucker. "Hey, huwag mo muna isipin 'yon." Lumingon ako kay Fresha. I smiled at her. Of course, basic ang pumatay. Hindi na dapat isipin kung paano namin patayin si Tucker kasama ang mga kaibigan nito. "O to the M and to G, fucking OMG!" Napakunot ang noo ko nang tumili si Munique. We looked at her, waiting her to say something. "Look! Gosh!" Pinakita niya sa amin ang litrato ng mga lalaki. Napa-awang ang bibig ko at halos manlaki ng mga mata. Ulam, tangina! "Sure ba tayo na kaya nating patayin mga 'yan? Parang gust ko muna magpalahi bago putulin ang pangpalahi nil---" "Jersey!" "
"Where have you been?" Napahinto ako sa paglalakad nang marinig ang boses niya. Dahan-dahan akong lumingon, kinakabahan. Nang makaharap na siya, ngumiti ako ng napaka-tamis. "Magandang araw Sir. Umuwi lang po ako sa amin dahil kailangan po ako ng pamilya ko. Pasensya na po." sambit ko at yumuko. Ayaw ko siyang kaharap ng matagal, naiisip ko lang ang mission ko. "Really?" Nanlaki ang mga mata ko sa tono niya, tonong hindi naniniwala. Bakit niya ba ako pinapakaba lalo. "O-opo," sambit ko nalang. "Pasok na po ako." dagdag ko at mabilis nang naglakad. May kakaiba sa kanya ngayon. Dapat na ba talaga akong matakot sa kanya? Hindi, hindi dapat ako matakot. Dapat lang mag-ingat pa lalo. Kinabukasan, maaga kaming nagising lahat dahil kagabi ay sinabihan na kaming dapat kaming maghanda para sa welcome party ng isang tao na hindi ko kilala. Aligaga kaming lahat sa pag-aasikaso. Mamayang 7 PM pa
Napamulat ako nang may marinig akong mga boses. Nakita ko si Tucker at isang doctor."She's fine now, don't worry." sambit ng doctor.Ano ba ang nangyari? Nawalan ba talaga ako ng malay nang mangyari ang pagsabog? Damn you, Jersey!Dahan-dahan kong iginilaw ang aking mga kamay, kumikirot pa ang ito. Akma kong tatanggalin ang mga naka dikit nang may pumigil."What are you doing?" Tucker asked. Kinunotan ko siya ng noo. Buhay ba talaga siya? Paano ang mga kaibigan niya? Nagtagumbay ba sila Almina?"What are you looking at? Are you okay?" he asked again kaya binawi ko ang tingin ko."A-ano po bang nangyari?" I asked. Naalala kong siya ang huli kong nakita nang mawalan ako ng malay, siya rin ba ang nagdala sa akin dito?"Nawalan ka ng malay, sa sobrang daming usok ang napunta sa katawan mo." ang doctor na mismo ang sumagot. "Maiiwan ko muna kayo," dagdag nito at luma
After 9 months "Hindi ba bagay ito sa'yo?" "Buntis siya, Jersey! Paano siya magsusuot ng ganyan? Gusto mo bang patayin tayo ni Tucker? "Anong mali rito, Almina? Dati naman ay gsuto ito ni Klai e." "Dati iyon, Jersey. Hindi na ngayon na kasal siya at magiging dalawa na ang anak niya." Pinakinggan ko lang ang mga kaibigan ko habang namimili ng mga damit na para sa akin. Ngayon ang araw ng baby shower na plinano namin. Kaunting araw na lang ay manganganak na ako. Nagpakasal na nga kami ni Tucker pagkatapos kong punitin ulit ang sarili ko when Fresha died, totoong kasal na ang nangyari sa aming dalawa ni Tucker. Walang nangyaring masama dahil kahit ako ay pinapabantayan niya na hindi makakatakas. Akala siguro ng lalaking iyon ay uulitin ko na naman ang pagkakamali ko sa kanya. "What do you think, Klai?" Bumaling ako kay Munique na pinakita sa akin ang isang dress na pambuntis, kulay pula ito at halatang pang mayaman ang datingan. "Gusto ko iyan, bagay sa amin ng anak ko." Nakangiti
Nanghihina ako dahil sa narinig mula kay Almina. "You're lying..." "Klai...kahit kami nahihirapan---" "But you came here, smiling. How sure are you na pinatay niya ang sarili niya?" "Kasi naroon kami mismo sa harap niya! Hindi namin pwedeng i-spoil ang announcement ni Tucker. It's been days, nilibing na namin agad siya dahil iyon ang sabi niya. Nag-iwan siya ng sulat bago niya gawin sa harap namin. He killed herself using her gun..." Bakas sa boses ni Jersey na nahihirapan siyang magsalita. Ayaw kong maniwala pero sa pinakita nila sa akin ngayon, sa mga sinasabi niya. Nagtatalo ang isipan ko. "Pupuntahan ko siya. Hindi ko alam kung nagsasabi kayo ng totoo pero gusto kong dalhin niyo ako sa kanya." Hindi ko na maiwasan ang hindi umiyak. "Klai..." Bumaling ako kay Tucker, he hugged me. He knew. Hindi niya sinabi sa akin, hindi nila sinabi sa akin. "I'm sorry..." "Gusto ko siyang puntahan." Hagulhol ko. No, it can't be. Hindi pwedeng mawala siya, hindi pa kami nag-uusap. Sinuno
Nang umayos na ang pakiramdam ko, sinabi ko kay Tucker na bibisitahin ko ang mga kaibigan ko. Hindi na rin naman siya umepal pa at sinamahan na lang din ako. May pasok ang anak namin kaya nagkaroon kami ng oras na umalis, mamaya pa namin siya susunduin."Wala ka bang trabaho?" tanong ko sa kanya. Simula kasi noong nasa bahay niya lang ako, hindi ko siya napansin na lumabas. Panay utos lang sa mga tauhan niya."I am the boss of my company, kaya malaya akong mag-break from work kung gusto ko. And besides, naroon si East para maging substitute ko sa mga meetings." Walang ganang sabi niya.Hindi naman porket siya ang boss ay aalis na siya para rito. Huminga ako nang malalim at humarap sa kanya. "You know what? You should go, kaya ko naman na ako lang ang pupunta sa kanila.""No." Umiling siya. "Paano kung lapitan ka ng mga tauhan ni Alessandra na tumakas—""Oh Tucker. Tumakas nga e, hindi na babalik ang mga iyon dahil sa takot. Nakulong na rin naman si Alessandra, ako na lang ang aalis."
Nagising ako nang hindi alam kung nasaan. Bumungad sa akin ang puting kisame at ang maliit na kamay na nakahawak sa kamay ko. Bumaling ako roon at nakita ang anak kong natutulog, nagulat pa ako nang bahagya nang makita siya. I was about to wake him up but I stopped myself, hinayaan ko siyang naroon. I smiled, naalala ko ang nangyari sa akin kasama ang mga kaibigan ko sa mga kamay nila Alessandra at Celine. Paano kung may nangyaring masama sa akin at hindi ko na makita ang anak ko? Si Tucker? Nilibot ko ang paningin ko para hanapin siya and there, I saw him standing beside the window. Nakatitig din siya sa akin, naglalakad patungo sa kama ko."Kumusta ka? M-may masakit ba sa'yo?" Ang boses niyang napapaos. Umiwas ako ng tingin, ramdam kong nangingilid ang luha ko sa aking mga mata. Bakit ako nasasaktan nang makita siya ngayon, mahinahon ang boses at bakas na pag-alala. "Kukunin ko na ang anak natin, ayaw niyang umalis at inaantay kang magising kaso nakatulog siya." Dahil sa sinabi ni
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero nakatingin lang ako sa matalik kong kaibigan na hanggang ngayon ay hindi pa rin inalis ang baril na tinutok niya sa akin. Pasimple akong bumaling sa iba kong kasamahan na tulad ko ay nagtataka sa ginawa ni Fresha."What the hell are you doing, Fresha?" Hindi makapaniwalang tanong ni Almina. Hindi siya sinagot ni Fresha, nakatingin lang siya sa amin na walang emosyon na tila ba matagal niya nang inaasahan na mangyayari ito. Bumalik ako kay Allesandra na masayang nakatingin sa amin, natutuwa siya sa nangyayari. She planned this?"See? Kahit kayo ay hindi inasahan na mangyayari ito. Kahit ako ay hindi ko inasahan na magagawa ito ni Fresha, ang kaibigan na pinagkatiwalaan ninyo at mas tahimik sa inyong lima." Natatawang sabi ni Allesandra. Lumapit sa kanya si Celine na masaya ring nakatingin sa amin. Ano bang nangyayari? Hindi pa rin ako makalayo kay Fresha, gusto kong marinig mula sa kanya kung ano ang naiisip niya bakit niya ito ginagawa? O b
Napaatras ako nang dahan-dahan palayo sa laptop. Anong nangyayari? Bakit nakuha nila ang mga kaibigan ko? Pero hindi ngayon ang oras para magtanong na alam kong hindi ko masasagot kapag hindi ako kumilospara iligtas sila. Huminga ako nang malalim at kinuha ang baril ko sa kwarto ko rito, I grabbed my motor bike too. Kailangan kong bilisan para makabalik din agad ako sa bahay at hindi mag-alala si Tucker at para pagkagising ng anak ko ay nasa tabi niya na ako kahit hindi ako sigurado na makakauwi agad ako. Alam ko naman kung nasaan sila, hindi naman umaalis sila Alessandra sa dating hide-out namin kaya alam kong nandoon sila Almina dahil na rin sa hitsura ng lugar. But before anything, I texted Tucker na hindi agad ako makakauwi. Pagkatapos ay binilisan ko ang pagmamaneho patungo sa organization ni Alessandra. Hindi pa rin nawawala sa isip ko kung paano sila nakuha. Kita ko sa screen na lahat sila ay nakagapos sa kanya-kanyang upuan habang pinalibutan ng mga tauhan ni Alessandra. Il
Dinala ako ng magulang ko sa bahay nila, iyong ama ko ay tuwang-tuwa kay Thrunder dahil may apo na naman daw sila. Nalaman ko rin nang ilang taon na paghahanap nila sa akin, nagka-anak sila ng dalawa. Mga bunso ko na sila, isang lalaki at babae. Ang babae ay may anak na samantalang ang kapatid kong lalaki ay wala pa dahil mas pinili niya raw na huwag munang mag-asawa, todo bigay raw ito sa kumpanya. Nalaman ko rin na siya ang CEO ng kumpanya ng pamilya ko. Hindi ko inasahan na sa kabila rin ng lahat ng pinagdaanan ng pamilya ko ay napunta sila sa buhay na marangya. It's just sad for me dahil hindi ko iyon naranasan na kasama sila ngunit alam kong hindi pa naman huli ang lahat, pwede pa akong bumawi na makasama sila tulad ng gagawin ko sa mag-ama ko na sina Tucker at Thrunder. Namangha ako sa bahay dahil sobrang laki nito. "Who is she, Mom, Dad?" Bumaling ako sa nagsalita, I bet he is my brother. Bumaling din ako sa right side, may babaeng nakatayo at kasama ang dalawang bata. Maybe s
Gaya ng sinabi ni Tucker na pupuntahin namin kung nasaan ang magulang ko, iyon ang ginawa namin ngayon. Kasama rin namin ang anak namin. Hindi ko maintindihan ang nararamdamdaman ko ngayon, ang daming tanong na pumapasok sa isipina ko. tulad ng, paano kung hindi sila maniwala na ako ang anak nila, paano kung hindi nila ako tanggapin once nalaman nila ang nakaraan ako. I am afraid. Ito ang pinaka-unang beses na makita at malaman ko na may pamilya pa pala talaga ako. Years ago, habang bini-build up ko ang sarili ko na maging malakas, hindi nawawala sa plano ko ang hanapin sila. And now, I can't imagine na mahaharap ko sila ngayon. Habang hindi pa kami umaalis kanina ni Tucker, sinabi niya sa akin na isa sila sa successful business owners sa mundo, hindi ako mahilig makinig sa industriya ng negosyo kaya hindi ko alam ang tungkol sa mundo nila but for me, today. the important ay makakausap ko sila. I have a lot of questions. We do research our family names years ago pero ang laging pumapa
Habang nasa biyahe ako pabalik sa bahay, hindi ko pa rin maialis sa isipin ko si Celine. Alam niya ba ang tungkol dito? Kilala niya ba talaga si Celine kung sino at anong klaseng tao ito? Limang taon nilang kasama ng anak ko si Celine at hindi ko alam kung ano na ang nagawang hindi maganda ni Celine sa mga panahon na iyon. Kaya siguro hindi na maganda ang kutob ko sa babaeng iyon noong una ko pa lang kita sa kanya dahil mayroon siyang tinatagong hindi maganda. Kahit na naawa ako sa kanya sa ginawa ni Tucker sa kanya ngayon ay mas lalo lang akong nainis sa kanya. I need to fin everything about her, kung bakit sila magkakilala ni Alessandra.I parked my car in the garage. Binigay ito ni Tucker sa akin para raw may gagamitin ako for emergency. Nasa akin pa rin naman ang motor bike ko pero ginagamit ko lang ito kapag kailangan kong magmadali sa mga bagay-bagay. Pumasok ako sa loob ng bahay at nakita ko si Tucker at ang anak ko na naglalaro. Halos manlaki pa ang mga mata ko nang makitang m