Agad akong nakarating sa hospital, nagpaalam din ako kina Jersey at Fresha kanina kahit na hindi ako kinakausap. Hindi ko na rin alam kung ano na ang nangyari sa mga bisita ni Jersey, tatawagan ko na lang sila at makikibalita kung maayos na ba ulit sina Fresha at Jersey. Hindi ito ang panahon na mag-aaway kami sa maliit o malaking bagay man. Hindi ko rin sinagot ang tawag ni Tucker kanina, dumiretso na ako pumunta sa hospital. Nang makarating ako sa floor kung nasaan ang anak ko, binilisan ko ang lakad ko patungo sa kwarto. Bumuntonghininga ako sa labas ng kwarto, hinawakan ang door knob at dahan-dahang binuksan, nagbabasakali na sana maayos ang madadatnan ko pero akala ko lang pala talaga iyon, dahil pagkabukas na pagkabukas ko, nakita ko si Celine na masayang kausap ang anak ko. I remained calm, kahit masakit sa dibdib na para ba akong sinaksak at sinamahan na binugbog.Wala na bang mas sasakit pa sa nakita ko, masaya ang anak ko habang kausap si Celine. Si Celine na hindi niya
Last Updated : 2022-05-16 Read more