Home / Romance / She Leaves / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of She Leaves: Chapter 1 - Chapter 10

31 Chapters

Simula: MJ Osmeña

MJ OSMEÑA  MJ OSMEÑA Hanggang saan mo kayang hawakan ang iyong kaligayahan? Hanggang saan mo kayang panagutan ang iyong responsibilidad? Hanggang saan mo kayang paligayahin ang mga taong nagmamahal sa 'yo? Hanggang saan ka ba tatagal sa agos ng buhay? Hanggang saan nga ba? Kasi ako, kaya kong gawin lahat alang-alang sa ikaliligaya nila. Kaya kong gawin lahat mapanatag lang ang kalooban nila. Kaya kong gawin lahat kahit na... Sumandal ako sa swivel chair, itinukod ang kanang siko sa arm rest, inilagay ang mga daliri sa aking pisnge at taimtim na tinanaw ang iba't-ibang klaseng gusali na sakop ng aking tanawin. 
Read more

She Leaves 1: 10 Yeaers Before The Engagement

"MJ! MJ!" Nakasandal ako sa malaking puno ng acacia nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Agad kong nalaman kung saan banda ang tumawag sa akin kaya nakangiti akong lumingon sa kaniya. "What?" "'Yo’ng dalawang manliligaw mo, nag-aaway sa CR ng mga boys," sumbong niya agad. "Sino?" tanong ni Ressie sa kaniya, mukhang hindi na napigilan ang maki-chismis sa narinig. Isa siya sa mga kaibigan ko at obviously kasamahan sa pagtatambay ngayon. "Si Vad at Maj," sagot naman no'ng schoolmate namin na nakalimutan ko ang pangalan. "Salvador Montero and Major Yap," sabay na sabi ng kambal ng tadhana na si Lory at Lorene na sinabayan pa ng nakaririnding hagikhikan. Tumingala ako sa mga dahon ng puno at pinagmasdan ito. "Hayaan mo na sila, wala rin naman akong sasagutin sa kanilang dalawa, e. Titigi
Read more

She Leaves 2: 8 Years Before The Engagement

Matapos ang isang pang malakasang sigaw at reaksiyon ni Ate kanina nang makita ang kausap ni Kuya, tumahimik na siya kaya nakapag-agahan kami. Mabuti na lang at huling pumasok si Mama at Papa kasama ang iba pang kapatid no'ng si Decart Lizares kaya hindi narinig ang OA na sigaw ni Ate sa kaniya. Nasa kabisera ng lamesa si Papa. Si Mama naman ang nasa right side niya. Sa left side si Kuya Yosef. Ang katabi naman ni Kuya Yosef ay si Ate Tonette, tapos ako. Ang nasa tapat ni Ate na mismong katabi ni Mama ay ang isa sa mga Lizares na si Tonton Lizares at ang katabi naman niya na kaharap ko mismo ay si Sonny Lizares, ang nasa kabilang kabisera na mismong tapat ni Papa ay si Decart Lizares. Tahimik ang bawat pagsubo ko. Ang tanging maingay lang sa aming lamesa ay sina Mama, Papa, at si Decart Lizares. Nairaos namin ang agahan na iyon kahit na nakabusangot si Ate. Kaya no'ng nasa kuwarto na kaming dalawa para makapaghanda
Read more

She Leaves 3: 6 Years Before The Engagement

Huling taon sa high school. Busy year. Halos kalimutan ko nang lumandi pero naisisingit ko pa naman sa schedule. After Justine, I have five other flings in between Grade eleven and twelve years. Pero sa ngayon, wala muna, pass muna, focus muna sa mga requirements sa school. Halos mapigtas ang bra ko kakabitbit nitong printer. Kailangan kasi naming magdala ng sariling printer para sa group project namin para madali na lang i-print ang mga kailangang i-print. "Hoooh..." Inilapag ko ang printer sa may bleachers ng gym. Dito kami tumatambay malapit sa outlet para madaling isaksak ang printer at laptop na dala namin. "Gawa ba sa bakal 'tong printer mo, Theresa? Ba't ang bigat?" reklamo ko habang pinapahiran ng panyo ang pawis sa noo ko. "Ang gaan kaya nito, MJ. Ang sabihin mo, masiyadong mapayat 'yang mga braso mo. Kumain ka kasi ng marami," sagot naman ni Theresa
Read more

She Leaves 4: 4 Years Before The Engagement

I was voted as the 'Most Likely To Get Pregnant Before The Age Of Eighteen' way back Junior High School. Now, I just turned nineteen years old. Still a punyemas virgin! Malandin man sa inyong paningin, marunong namang pahalagahan si muningning. Kidding aside, it's all in the past now. Hindi naman ako nagtanim ng hinanakit sa mga kaklase kong bumuto sa akin no'n. Hindi dapat ako magtanim ng galit kasi isa na sa mga nagsabi no'n ay mismong mga kaibigan ko. Isang patunay na ganoon ka-landi ang tingin nila sa akin kaya hindi ko sila masisisi. So anyways, heto na nga, nasa Amanpulo pa rin kami ngayon. Kakatapos lang ng family dinner namin with the Lizares brothers. Kaniya-kaniya na kami after. Ang mga matatandang Osmeña ay agad nagpalabas ng mga inumin sa kanilang table malapit sa dalampasigan. Kaming mga batang Osmeña naman ay na-isipang gumawa ng malaking bonfire sa buhanginan. Medyo malay
Read more

She Leaves 5: 2 Years Before The Engagement

"And good job! Maganda! Sa tingin ko may laban ang College of Engineering. Am I right, Engineer Lizares?" Wala sa sarili akong napa-irap habang naglalakad papunta sa duffel bag ko. Tatlong rounds ng practice ang ginawa namin para sa final practice na ito. Una, 'yong kami-kami lang as a group. Pangalawa, pinapanood na kami ng aming supervising faculty. Pangatlo, ang Dean of College of Engineering na ang nanunood sa amin. Sa tatlong rounds na 'yon, nandoon lang sa isang sulok si Sonny. Tahimik na nakamasidsa bawat galaw namin. Oo. Namin. Ayokong mag-assume na ako lang ang tinitingnan niya kahit halata naman. Ngayon ay hiningan na siya ng komento ni Dean tungkol sa naging performance namin. "Tama po kayo, Dean, magaling nga itong mga kasali sa pop dance ngayong taon." Napapikit ako nang mariin dahil nagsisi akong lumapit agad ako sa duffel bag ko bago pa man siya nagsalita. Sana pal
Read more

She Leaves 6: 11 Months Before The Engagement

Dumaan ang birthday ko na hindi pa rin nagpaparamdam ang mga kapatid ko. Para sa akin, normal na lang 'yon. Naging abala rin ako sa OJT namin sa isang construction site. After no'ng party namin sa isang high end bar ay nagsimula rin ang OJT ko. Parte ito ng curriculum namin dahil incoming fifth year na kami. Sobrang na-enjoy ko ang experience kahit na palagi kaming nakabilad sa araw at kung minsan tinutulungan namin ang mga construction workers sa mga gawain nila, minsan nagbubuhat, nagmamasa ng semento, at kung anu-ano pang ginagawa nila. Meron din kaming experience na pinakita sa amin ng Engineer ng construction site na iyon kung paano nila ginagawa ang building na iyon through strategic planning. Dalawang buwan lang ang OJT namin doon kaya hindi na namin pinatapos ang paggawa ng building. Pero masaya naman, marami kaming natutunan, Be it life lessons or actual job of a certified civil engineer. Ka
Read more

She Leaves 7: 9 Months Before The Engagement

Humigop ako sa mainit-init na sabaw ng tinolang manok. Ito kasi ang ulam ngayong pananghalian. Nasa canteen ako kasama ang mga engineering friends ko. Simula no'ng June, naging abala na ang buhay mag-aaral ko. Fifth year na kasi kaya kaliwa't-kanan na ang gawain. Meron pang project study na kailangang atupagin. Minsanan na nga lang din akong lumabas ng gabi at mag-party sa sobrang daming gawain. Ang huling party yata na napuntahan ko ay no'ng fiesta pa ng ciudad namin. Aba'y ewab, ayoko nang balikan ang gabing 'yon. Naiirita ako. Hindi ko kasi nakilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa sarili ko no'ng mga oras na 'yon. Siguro dahil sa nainom ko. Oo, dahil lang 'yon sa nainom ko. Walang ibang taong involve, sarili ko lang at ang iba't-ibang klaseng inumin na tinungga ko. Basta naiirita talaga ako. "MJ, tapos ka na ba sa design mo para sa Transpo Eng?" Sa kalagitnaan ng panananghalian
Read more

She Leaves 8: 5 Months Before The Engagement

Kumukuti-kutitap. Bumubusi-busilak. Kikindat-kindat. Kukurap-kurap. Ganiyan ang indak ng mga bombilya na animo'y pinaglalaruan ang ating mga mata. Funny how these little lights makes me stare at the at the moment. Funny how this big christmas tree that displayed at the condo building's lobby entertained for the mean time. Isang buwan na lang pala at pasko na. Ang bilis talaga ng panahon, parang noong isang linggo lang, nagha-halloween party pa kami ng mga pinsan ko, binista pa namin ang mga mahal namin na pumunaw na, tapos ngayon... lumalamig na ang simoy ng hangin, nagsisilabasan na ang mga palamuting pang pasko, naririnig ko na ang boses ni Jose Marie Chan, Mariah Carey, at ang station ID ng Abs-Cbn at iba pa. Sabagay, noong September pa lang nagsimula ang mga ganito, ngayon ko lang talaga nabigyan ng pansin. "Ma'am MJ, nandiyan na po ang sundo n'yo." Natig
Read more

She Leaves 9: 4 Months Before The Engagement

Nakauwi ako nang matiwasay sa gabing iyon. Wala na rin akong narinig na issue tungkol sa nangyaring paghigit sa akin ni Sonny. Hindi ko na rin masiyadong inisip. Pero isang buwan na ang nakalilipas, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang halik niya. Punyemas naman! I've kissed guys before, way hotter than that, way intense than that. Smack nga lang 'yong ginawa niya pero punyemas naman! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan. Siguro dahil na-guilty ako sa hindi ko malamang dahilan. Bakit nga ba ako nagi-guilty? Dahil ba isa siyang Lizares at ayaw ko sa kanila o dahil sa may nakakita sa aming dalawa? At sa lahat ng puwedeng makakita, bakit siya pa? I shake my head and stare at the ceiling of my room. Ilang minuto rin akong nakipagtitigan sa kisame. Umaga pa lang pero feeling ko ubos na ang energy ko. Mamayang gabi, makikilala ko na ang pamilyang pinili ng mga magulang ko para
Read more
PREV
1234
DMCA.com Protection Status