Home / Romance / She Leaves / She Leaves 3: 6 Years Before The Engagement

Share

She Leaves 3: 6 Years Before The Engagement

Author: doravella
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Huling taon sa high school. Busy year. Halos kalimutan ko nang lumandi pero naisisingit ko pa naman sa schedule.

After Justine, I have five other flings in between Grade eleven and twelve years. Pero sa ngayon, wala muna, pass muna, focus muna sa mga requirements sa school.

Halos mapigtas ang bra ko kakabitbit nitong printer. Kailangan kasi naming magdala ng sariling printer para sa group project namin para madali na lang i-print ang mga kailangang i-print.

"Hoooh..."

Inilapag ko ang printer sa may bleachers ng gym. Dito kami tumatambay malapit sa outlet para madaling isaksak ang printer at laptop na dala namin.

"Gawa ba sa bakal 'tong printer mo, Theresa? Ba't ang bigat?" reklamo ko habang pinapahiran ng panyo ang pawis sa noo ko.

"Ang gaan kaya nito, MJ. Ang sabihin mo, masiyadong mapayat 'yang mga braso mo. Kumain ka kasi ng marami," sagot naman ni Theresa.

"This is what you call a sexy body, Ther, sexy," panggo-good time ko sa kaniya.

"Woy, tama na 'yan. Mag-print na tayo nang matapos tayo nang maaga," singit ni RV sa aming dalawa ni Theresa.

Sinimulan na nga namin ang mga requirements na kailangang tapusin.

Wala ni-isa sa mga kaibigan ko ang naging ka-grupo ko sa project na ito. Wala naman akong reklamo sa mga kasamahan ko ngayon, goods naman kami, pero alam n'yo naman siguro ang feeling na sana meron kang kaibigan sa groupmates mo. Para mas madali ang buhay, 'yung kaibigan mo na lang ang gagawa sa lahat.

Isang madugong maghapon ang iginugol namin sa project na ito. Bukas na kasi ang deadline kaya paspasan na ang pagtatapos namin ngayon at para na rin makapag-aral kami mamaya sa mga bahay namin kasi exam week din namin ngayon.

Mabuti na nga lang at natapos na namin ang lahat bago pa man kami pagsarhan ng school.

~

Kinabukasan, matiwasay naming na-ipasa ang hard copy ng aming group project. Nagsisilbi rin itong final examination namin sa isang subject namin.

Matapos makapagpasa, umupo kami sa isang sementong bench malapit sa canteen habang hinihintay ang iba pa naming kaklase na hindi pa nakakapasa sa project nila. Hindi rin kasi kami makakapag-exam sa next subject namin kung hindi kami kumpleto atsaka maaga pa naman kaya keri pa naming maghintay. Kasama ko ngayon ang groupmates ko na sina RV, Theresa, Karl, at Sherilyn.

Humikab ako habang tinitingnan ang isang tuyong dahon na nagpapaanod sa halinghing ng hangin. Malaya itong nagpapatianod sa bugso ng buhay, sa bugso ng hangin. Walang pakialam kung saan man siya dalhin ng pagkakataon. Lagas na dahon na siya. Para sa iba, wala na siyang silbi kasi patay na, tuyo na, kailangan nang itapon sa basurahan o 'di kaya'y kailangan nang sunugin. Pero para sa akin, habang nakatitig ako sa dahong iyon, napagtanto kong mas malaya pa ang buhay niya kesa sa kinabukasan ko.

Malaya siyang makakapunta sa kahit saang sulok ng lugar na ito dahil hindi na siya nakatali sa punong dating nagbibigay sa kaniya ng buhay. Binigyan nga siya ng puno ng buhay, hindi naman siya naging masaya. Sa tuwing hahangin, nagiging limitado ang kaniyang indayog. Pero ngayong malaya na siya, kahit saan, puwede na siyang pumunta.

Hindi ko maiwasang ikumpara ang buhay ko sa tuyong dahon na iyon. Mabuti pa siya, malaya... samantalang ako...

"MJ, anong kukunin mong course sa college? Nakapag-apply na ba kayo ng mga kaibigan at pinsan mo sa malalaking eskuwelahan sa kabisera?"

Natigil ako sa pagtitig sa inosenteng dahon na iyon at marahang nginitian si Sherilyn.

"Wala pa, e. Hindi ko pa kasi iniisip 'yan. Kayo ba?" pag-iiba ko kaagad sa usapan.

"Ako... nakapag-entrance exam na ako sa John B. Gustong-gusto ko talaga kasing maging isang Marine Engineer," unang sagot ni RV.

Sinulyapan ko siya at nakitang nakatingala siya sa payapang langit.

"Gusto mong maging seaman?" tanong ko pa sa kaniya habang nakatitig pa rin sa kaniya.

"Oo, katulad ni Kuya."

"Seaman...loloko?" agad na banat ko.

Agad siyang napatingin sa akin habang ang iba naming kaklase ay katulad kong nagpipigil na rin ng tawa.

"Biro lang, RV," pambabawi ko sa sinabi ko. "Ikaw Karl? Anong kukunin mo sa college?" ibinaling ko naman ang tingin ko sa pangalawang lalaki na member namin sa grupo.

"Ah, ako? Magpupulis ako, katulad ni Papa. Pero hindi ko pa alam kung saan... kung sa Uno-R o sa Nonescost ba. Aba bahala na," parang nagra-rap na sagot niya.

"Ako naman, gusto kong maging teacher kaya Educ ang kukunin ko sa college," masiglang sagot naman ni Theresa kaya napatingin kaming lahat sa kaniya.

"Secondary o Elementary, Ate?" kuryusong tanong ni Sherilyn.

"Secondary. Tapos major in TLE. Na-inspire kasi ako sa TLE natin, e, kaya gusto ko ring kunin iyon," maligayang-maligaya pa rin si Theresa habang sh-ine-share sa amin ang gusto niyang kunin sa college.

"Ikaw naman She?" tanong ko kay Sherilyn.

"Physical Therapy sa RCI," seryosong sagot niya.

"Bakit PT?" tanong ko rin.

Lumingon siya sa akin at ginawaran ako ng isang ngiti.

"My little sister inspired me that one kaya gusto kong kunin and also to help her na rin," seryosong sagot ni Sherilyn.

Hindi na lingid sa kaalaman namin kung anong meron sa kapatid ni Sherilyn kaya hindi na rin namin nilaliman ang pagtatanong.

Natahimik kami ng ilang segundo. Napatulala kasi ako.

Everyone of them has an inspiration of what to become someday. They have their role models and they are very sure of what they are going to take in college.

Ako? Hindi ko alam. Katulad ng dahong nakita ko kanina, siguro magpapatianod ako sa hangin ng buhay.

Kasi ang totoo? Hindi ko alam kung anong gusto ko. Kung anong gusto kong maging.

"Ikaw, MJ? Hindi ka pa rin ba nakakapag-decide sa kukunin mong course?"

Biglang natigil ang pag-iisip ko nang marinig ulit ang boses ni RV.

"Hindi ko alam. Wala pa namang sinasabi ang parents ko tungkol sa course ko," wala sa sariling sagot ko.

"Huh? Bakit? Ang mga magulang mo ba ang mag-aaral? Bakit sila ang pipili?" nagtatakang tanong ni Theresa kaya imbes na mairita sa sinagot niya, mas natuwa pa ako. She has a point.

"Hindi naman. Hindi ko kasi talaga alam kung anong kukunin ko sa college. I'm just waiting for their suggestions kaya hanggang ngayon wala pa rin akong maisip."

"Posible ba 'yon? Na hindi mo alam kung anong gusto mong maging? Siguro naman no'ng bata ka, meron kang naging pangarap?"

Napa-isip ako sa mga tanong ni Sherilyn.

Noong bata ako? Gusto kong maging isang sikat na mananayaw at manlalaro. 'Yon lang. Simpleng pangarap pero ang hirap pa lang abutin.

"I have no definite dreams when I was young. I don't even remember dreaming of a certain job, e. We were raised as pragmatics, me and my siblings."

Habang sinasabi iyon, napatingala ako sa payapang langit. Kulay asul at parang cotton candy ang ulap sa araw na ito.

"T-Talaga?" ani Theresa.

"Baka naman diretsong ikaw ang mamamahala ng kompanya niyo? Teka, ikaw ba ang magmamana? Hindi ba ang Kuya mo?" sunod-sunod na tanong ni Karl.

Umiling ako.

"Hindi ko alam. It's a corporation kasi. Lahat ng Osmeña may parte sa kompanyang iyon. Lahat sila may karapatang mamahala. Timing lang talaga na si Papa ang panganay at siya lang sa kanilang magkakapatid ang may interes sa kompanya kaya nasa kaniya ito ngayon. Hindi ko lang alam sa mga pinsan ko, baka may isa sa kanilang gustong mamahala," I said like it's really going to happen.

"Ang hirap talaga kapag mayaman, ano? Masiyadong confusing," natatawang sabi ni Theresa. "Akala ko talaga easy peasy na lang ang buhay ng mayayaman, wala nang ibang iisipin," dagdag pa niya.

Napa-iling na lang ako at pinagmasdan muli ang mga ulap na marahang gumagalaw.

Nag-iba ang kanilang usapan. Palitan sila ng kuro-kuro. Ako naman ay nakikinig lang at kung merong isasagot, sasagot ako.

Hanggang sa umabot sila sa isang topic na naririndi akong marinig kung mismong mga kaibigan ko ang magbabanggit. Pero noong sila? Parang naging interesante ako.

"Woy, kilala niyo ba si Darry?" may hand gestures pang sabi ni Theresa.

"Darry? Sino iyon?" tanong naman ni RV.

"Ah oo, kilala ko!" ani Sherilyn.

"Teka, ano nga'ng apelyido no'n? Nakalimutan ko, e, basta Darry 'yong pangalan," sabi naman ni Theresa.

"Siya 'yong two years ahead of us 'no? 'Yong mahaba ang buhok pero nerd? Batch nina Laika? Anong meron sa kaniya?" si Karl.

"Oo! Siya 'yon! 'Yong si Well-Groomed. May nasagap kasi akong balita," parang chismosang panimula ni Theresa. "'Di ba nasa Harvard na siya ngayon?"

Naging tahimik ang lahat kaya pasimple kong sinulyapan ang mga kasamahan ko at lahat sila ay nakikinig kay Theresa. Ako lang yata 'yong hindi.

"Narinig ko sa isang teacher kanina no'ng nasa faculty room ako, ang sabi nag-eexcel daw 'yon doon," dagdag na kuwento ni Theresa.

"Oh talaga? Hala ang bongga naman niya," komento ni Sherilyn.

"Kaya pala nerd 'yon, may tinatagong galing. Baka siya ang makaka-imbento ng gamot para sa cancer!" natatawang komento ni RV.

"Seryoso kasi RV. Matalino naman kasi talaga 'yong si Darry, e. Sa pagkakaalala ko lang naman," ani Sherilyn. "Two years na rin kasi ang nakaraan magmula no'ng grumaduate 'yon dito. Nasa Junior High pa lang tayo no'n," dagdag niya.

"Tapos heto pa..." may pambibiting sabi ni Theresa. "Siya lang naman ang ka-una unahang Pilipino na nakapag-present ng isang study sa Harvard at naaprubahan agad!"

"Huh? Baka naman may iba pang Pilipino. Imposibleng siya ang una," ani Karl.

"Oo marami nga pero siya ang ka-una unahang undergraduate na nakagawa ng isang study sa Harvard! Aba'y loko ang talino pala no'ng nerd na iyon!" natatawang dugtong ni Theresa na animo'y isang imposibleng himala nga ang kaniyang sinabi.

"Nag-eexist ba talag ang taong 'yan, Ther? Masiyadong idealist," at hindi ko na nga napigilan ang bibig ko sa pagsasalita.

Masiyado kasi talagang imposible ang mga na-achieve ng taong 'yon. Kung totoo man siya.

"Totoo talaga, MJ! Ibinalita pa nga 'yon sa news, e. Atsaka nag-trending din 'yon last week," manghang kuwento ni Theresa.

"That must be a pride of MCCEI then," sagot ko na lang habang nakatingin pa rin sa ulap.

"Proud na proud talaga! Maski si Sister, halos araw-araw daw tinatawagan 'yong si Darry para mangumusta," ani Theresa.

"Talaga, Ther? Mabuti hindi siya sinupalpal no'ng Darry tungkol sa mga pangungutya na natanggap niya sa mga kaklase at batchmates niya rati," natatawang komento ni RV.

"Haler RV, kilala mo naman si Sister... mapagpanggap!"

At sabay silang nagtawanan at may kasama pang-high five sa birong iyon ni Theresa.

Napa-iling na lang ako at pasimpleng ngumisi.

Isang private school itong school namin. A catholic private school. Ang principal namin dito ay isang Nun at ang presidente ng mismong school ay isang Priest. Ruled by the Carmelites. Kaya nga Mount Carmel College of Escalante, Inc. ang buong pangalan ng school namin.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat ng estudyanteng nandito kung gaano ka-strikto ang principal namin. Sanay na rin naman kasi kami. Ikaw ba naman mag-aral dito mula elementary hanggang high school, tingnan natin kung hindi ka magsawa at masanay.

Lumihis ulit ang usapan nila. Hanggang sa nagsidatingan na ang mga kaklase namin at sabay-sabay na naming pinuntahan ang classroom kung saan kami mag-eexam.

~

Dalawang oras. Dalawang madugong oras ang iginugol namin sa pakikipagbakbakan sa exams. Physics ang kalaban. Solving and everything. Plus electricity. Aba ewan.

Matapos ang exams ay nanlulumo akong pinuntahan ang mga kaibigan ko sa canteen. Halos lahat din ng mga kaklase ko nandoon. Mukhang idinaan sa pagkain ang stress dulot ng exams.

Nang makarating sa table ng barkada ko ay walang ka-poise poise kong isinalampak ang mukha ko sa lamesa at pinabayaan kung saan na napadpad ang sling bag ko.

"May pag-asa pa kaya akong mabuhay sa mundo?" nanlulumo pa ring sabi ko habang halos halikan ko na ang lamesa.

Ew MJ, por que wala kang ka-fling ngayon, ang lamesa na ang hahalikan mo? Cheapangga.

"Okay lang 'yan, MJ. May sasagupain pa tayong Math bukas," natatawang alu ni Jessa sa akin na mas lalong ikinalugmok ko.

Pero at least Math, madali na lang.

Dahan-dahan kong iginilid ang ulo ko para makita ang mga kaibigan.

"Nagugutom ako, anong merienda sa canteen?" wala sa sariling tanong ko. Para na rin akong hinihila ng antok.

Ubos na ubos na ang brain cells ko. 'Di ako makapag-function nang maayos. Punyemas.

"Sopas at camote cue. Anong gusto mo sa dalawa?"

Si Ressie 'yong sumagot pero patuloy pa rin ako sa pagpikit.

"'Yong dalawa," antok na antok na talaga ako.

"Sigurado ka, MJ? 'Yong figure mo, paano na 'yan? Choose one lang woy."

Naramdaman kong may tumapik sa balikat ko matapos magsalita ni Paulla.

"'Wag kang gahaman, mamili ka ng isa. Dali!" sabi naman ni Nicole.

"'Yong dalawa nga. Gutom ako. Ubos na ubos ang brain cells ko. Ang figure ko, maibabalik pa 'yan. 'Yong brain cells ko, mahirap nang ibalik kung walang pagkain," halos murmur kong sabi. Sana naman naintindihan nila 'yon.

Naghintay ako ng ilang segundo, probably umabot ng minutes, sa ganoong posisyon.

Hanggang sa nagising ako dahil sa bango ng sopas. Agad akong bumangon at napangiti sa pagkaing nasa harapan ko.

Camote cue at sopas. Sinamahan pa ng fruit drink! Naks naman talaga.

"Thank you! Sinong nagbayad?" takam na takam na tanong ko.

"Kaming lahat kaya kaming lahat din ang ililibre mo sa Chick 'n Belly, ha?"

Wala sa sarili akong napa-irap sa sinabi ni Lorene.

"Okay..." sagot ko na lang para manahimik na sila at makakain na ako.

Nasa kalagitnaan ako ng pag-ubos ng camote cue nang lumapit si Theresa sa table namin. Ngumiti muna siya sa akin na tinanguan ko naman bago niya itinuon ang atensiyon kay Lory or Lorene? Basta sa twins.

"Twins, may itatanong lang ako," panimula niya. "Kilala n'uo si Darry 'di ba?" diretsahang tanong ni Theresa na halos mabilaukan ako sa kinakain.

Hanggang ngayon, Darry pa rin? Anong klaseng tao ba 'yan?

"Ah oo. Si Kuya Darry? Bakit, Ate Ther?" si Lory ang sumagot.

"Napag-usapan kasi namin nina MJ kanina ang tungkol sa kaniya. 'Yong award na natanggap niya last week?"

At parang as if on cue ay nagtitili ang mga bruha at parang mga bulateng binudburan ng isang sakong asin. Parang sugat na pinatakan ng kalamansi para mangisay. Nakaka-ew.

"Ay oo! Alam na alam namin 'yon! Updated yata kami sa buhay ni Kuya Darry," proud na proud na sabi pa ni Jessa.

Napangiwi ako sa mga pinagsasabi nila. Parang hinid ko sila kaibigan. Hindi ko alam ang mga pinagsasabi nila.

"Have you seen his body lately? So different from two years ago, 'di ba?" excited na balita ni Paulla sa kanila.

At para na naman silang mga kitikiti. Shit.

"Bakit, Ther? Bakit n'yo nga pala napag-usapan ni MJ kanina?" pinasadahan pa ako ng tingin ni Nicole na parang nanunuya bago ibinalik kay Theresa ang tingin.

Wala sa sarili akong napa-irap kahit hindi naman kita ni Nicole.

Problem mo, Nicolane Grace Yanson?

"Ah, itatanong ko lang sana kung ano nga ulit ang apelyido no'ng si Darry? Nakalimutan ko kasi. Ang naalala ko lang talaga sa kaniya ay siya si Darry atsaka ang mukha niya, 'yon lang."

Nagpatuloy ako sa huling slice ng camote cue. Buo kong nilamon 'yon. Malambot naman kaya madali lang nguyain.

"Hindi ba sinabi ni MJ sa'yo? Alam ni MJ 'yon. Kilala niya si Darry," diretsahang sagot ni Ressie dahilan para halos mabilaukan ulit ako.

Imbes na inumin muna ang fruit drink, mas inuna ko pang sagutin ang paratang ni Ressie.

"Bakit ako? Wala akong alam d'yan. 'Di ko kilala 'yang si Darry. 'Di ko nga rin alam kung nag-eexist ba 'yan talaga," depensa ko naman atsaka uminom ng fruit drink.

"Ang defensive mo naman. Pa-demure ka pa, kilala mo naman talaga si Darry, e," kibit-balikat na sabi ni Jessa.

Nagpatuloy ako sa paglaklak ng fruit drink. Plano kong ubusin 'to.

"Lizares, Ther, Lizares ang apelyido ni Darry."

Naibuga ko nang bongga ang iniinom ko dahil sa gulat. Pero ang mas masakit no'n, walang nakapansin sa ginawa ko.

"Darwin Charles Lizares ang buo niyang pangalan."

~

They say college is fun. They say college is freedom. They say college is like walking in a park.

Except that the park is full of dinosaurs and wild animals and everything. O 'di ba, nakakita ka na ng real dinosaurs, nakapag-enjoy ka pang punyemas ka. Ang saya, ang saya-saya.

Punyemas naman. SIno ba kasing nagsabing madali na raw ang buhay sa college? Sabi nila okay lang daw na magpapetiks-petiks ka, makakapasa ka pa rin daw. E, inaaral ko na't lahat halos maibagsak ko naman ang prelim and midterm grades ko sa unang semester ng unang taon ko sa kolehiyo.

Is this about the school? Is this about the chosen course? Both? Or none of the above? Sana all? Hindi ko kasi alam kung anong problema. Maybe hindi ako masiyadong nag-exert ng effort para makapasa? I don't know. Dati naman noong nasa high school pa lang ako, nakakaya kong makapasa without the help of anyone. I am so sufficient in self-studying. Kaya I really don't know what happened?

Or in denial lang ako sa totoong rason kung bakit ako nagkakaganito?

Hindi rin nakakarating sa mga magulang ko ang naging grades ko for that first semester. I tried telling them pero masiyado silang busy preparing for Kuya's incoming engagement party.

Idagdag mo pa na lahat ng kaibigan ko ay sa labas ng ciudad namin lahat nag-aaral.

The twins, Lory and Lorene, went to PNU-V. To become teachers.

Ressie went for Uno-R to pursue her pre-law which is Psychology.

Nicole went to LCC-B to become a flight attendant through taking up Tourism Management.

Paulla went to CHMSC to pursue the Accounting Technology course.

Jessa wanted nothing but she ended up taking Aircraft Mechanic at ACA.

Vad and Maj went to Uno-R to become civil engineers.

And me? Up until now, I still don't know what to take up. I let my parents decide for me. My siblings and cousins were supportive but can't even help me to decide the what.

Instead of studying sa kabisera ng probinsiya, nagpa-iwan ako rito sa aming ciudad. I told you, I don't know what to do with my life.

I take up Business Administration Major in Financial Management sa college campus ng school na pinasukan ko noong high school at elementary. Hindi man kasing kilala at kasing dekalidad ng mga eskuwelahan sa kabisera o sa Manila, but still, the teachers teach us well.

Ako lang talaga itong may problema.

Ngayong araw na ito ang engagement party ni Kuya. Nasa isang sikat na hotel kami sa kabisera at halos lahat ng mga kakilala at ka-business partner ng kompanya ay nandito. Mga pinsan namin nandito, pati na rin ang pamilya ng mapapangasawa ni Kuya na mga Lim, nandito.

Kanina pa kami paggala-gala ni Ate para i-entertain ang mga kilalang bisita. Nagpapahinga na ako ngayon kasi sobrang sakit na ng paa ko.

"Ayos ka lang?"

Tinabihan ako ni Ate at agad nagtanong. Nilingon ko siya at agad nginitian.

"Anong oras ba magsisimula, Ate?" patungkol ko sa event.

Kanina pa kasi kami rito pero wala man lang paramdam kung magsisimula na ba o ano.

Bumalik ang atensiyon ko sa paghilot sa mga paa ko. No'ng mga ilang segundong wala man lang naging sagot si Ate, nilingon ko ulit siya.

Pagkatitig ko sa mga mata niya, nakita ko ang pag-aalinlangan.

"Si Y-Yosef kasi... umalis na ng bansa kaninang hapon."

Ha?

"What, Ate? Are you kidding? Tinuloy niya ang plano niya?" hindi makapaniwalang tanong ko na halos tayuan ko na sa sobrang gulat.

Akala ko, namin, na tuloy na siya sa pagpapakasal na ito. Akala namin payag na siya. Akala namin wala na ang plano. Akala namin nag-abort mission na siya. Akala ko tuluyan na siyang nakipaghiwalay sa girlfriend niya. Bakit ganito?

"Alam ba nila Mama 'to?" puno ng pagpipigil ang boses ko para hindi maisigaw na umalis na si Kuya at walang party na magaganap.

"Calm down, MJ. Alam mo naman ang plano ni Yosef, 'di ba?"

"Ha? Akala ko ba abort mission siya? Bakit ganito?" hinawakan ni Ate Tonette ang magkabilang braso ko, trying to calm me down.

"Yosef tried to give that girl a chance. You've seen him going out with her, right? But it failed kaya itinuloy ni Yosef ang plano niya. Masama ang ugali ni Charmaine, MJ."

Wala sa sarili kong tiningnan ang gilid ng stage kung saan nakatayo si Ate Charmaine, ang mapapangasawa sana ni Kuya.

"Tonette, nasaan si Yosef? Alam mo ba? Wala siya sa hotel room niya."

Nasa kalagitnaan kami ng pagdidiskusyon nang lumapit sa amin ang pinsan namin na si Ate Ada.

I know this isn't the right time to introduce Ate Ada but sorry for introducing her...

Ate Ada Osmeña. The first born of Tito Perl Osmeña, the fourth of Osmeña brothers.

"Ate Ada..."

"What?"

"Ate Ada, umalis si Kuya Yosef," ako na ang naglakas-loob na sabihin iyon kay Ate Ada dahil parang maiiyak na si Ate.

"What?!"

"Antonette! Nasaan si Josefino?"

Natigil ulit kaming tatlo nang marinig na namin ang malakas at halatang galit na boses ni Papa.

Napatayo kami ni Ate Tonette ng wala sa oras dahil sa kaba.

Hindi ko matingnan sa mata si Papa kaya iginala ko na lang ang tingin ko sa paligid ng venue. Halos lahat nagbubulongbulongan na. Ang side ng family ko naman kung saan si Mama ay kaniya-kaniyang alis at halata ring nagdidiskusyon na sila. Si Ate Charmaine naman, wala na sa puwesto niya.

"Pa... ayaw po talagang magpakasal ni Yosef kay Charmaine, Pa. Ayaw niya talaga," naiiyak na sabi ni Ate na halos umulit-ulit na.

Naibalik ko sa kanila ang atensiyon ko at halata sa sentido ni Papa ang mga ugat niya. Halatang nagpipigil ng galit.

"Where the hell is he, Maria Theodora Antonette? Where the hell he went?"

"P-Pa, u-umalis po ng ba-bansa si Kuya," nauutal at halatang takot na sabi ni Ate.

Wala akong ibang ginawa kundi ang manahimik at aluin ang Ate kong tuloy-tuloy ang pag-iyak.

"Bullshit! Talagang tinuloy niya ang banta niya?!" napa-iling si Papa at biglang nawala sa harapan namin.

Meron nang in-announce ang Masters of Ceremonies para sa na-udlot na engagement party. Nagsalita na rin si Charmaine Lim at tuluyan na niyang pinuputol ang engagement party between Lim and Osmeña.

Isang malaking kahihiyan ito sa pamilya namin. Halos isang linggo naming dinala ang kahihiyang iyon. Imagine, Anthonio Josefino Ricardo L. Osmeña called off his engagement party by running away, without giving us any explanations? Isang kahihiyan nga.

Ate Charmaine Lim is so fine. Ano pa bang hinahanap ni Kuya? Maganda naman 'yon, mayaman. Maganda rin ang pamilya ng mga Lim. Sobrang bait nila sa amin, pero bakit ganoon? Hindi ko kasi maintindihan si Kuya kung bakit ayaw niya. Hindi lang naman 'to para sa sarili niya, para na rin sa ikabubuti ng kompanya. Kaya bakit ganoon?

Mga dalawang linggo ulit kaming hindi pinansin ng mga magulang namin. I tried approaching them about my failing grades pero I can't kasi mas lalo nilang pinasan ang problema ng kompanya now that Kuya is nowhere to be seen, dagdagan pa ng kahihiyang ginawa niya.

Hindi naman talaga totally bagsak ang mga grades ko. Puwedeng-puwede pang hilutin pero isang kalabit na lang talaga, babagsak na. Lalo na ang mga major subjects.

I guess, another semester to carry the burden, huh?

~

"MJ, kumusta na ang pamilya mo? Nagparamdam na ba ang Kuya mo?"

Nakatunganga ako rito sa loob ng canteen nang kausapin ako ng isa sa mga classmates ko. Ka-coursemate na rin pala.

Mag-lilimang buwan na pero wala pa rin kaming balita kay Kuya. Hindi na rin naman siya hinanap ng mga magulang namin. He didn't even reach out to us by asking if we're fine, e. Hindi ko nga rin alam kung saang lupalop ng mundo siya napadpad. Hindi rin nagsasalita si Ate, pero feeling ko talaga meron silang communication na dalawa na hindi namin alam ng pamilya. Siguro nga siya rin ang unang nakaalam kung saan pupunta si Kuya matapos ang araw na iyon.

"As usual, wala pa rin," kibit-balikat na sagot ko habang napapatulala sa fruit drink na tanging minerienda ko.

Fruit drink. Mula yata no'ng unang tungtong ko sa eskuwelahang ito at hanggang ngayon, ganito pa rin ang ibinebenta ng canteen. Hindi ba sila nagsasawa?

Mabalik tayo sa totoong pinag-uusapan... Humupa na ang issue tungkol kay Kuya, months ago pa. Hindi lang talaga maiwasan ng mga taong nakakasalamuha ko araw-araw na magtanong tungkol sa kaniya. Kilala rin kasi 'yon sa ciudad bilang isang responsableng tao, actually siya ang pinaka-responsableng Osmeña. Kaya unusual sa kanila kung bakit naging ganoon ang reaction ni Kuya, kung bakit ganoon ang ginawa niya.

"MJ, hindi sa nanghihimasok ako sa mga desisyon mo sa buhay ha? Pero concern lang kasi ako sa mga grades mo. Ipagpapatuloy mo pa ba ang Business Ad sa susunod na taon?" tanong ng isa ko pang kaklase.

Isang malalim na buntonghininga ang ginawa ko atsaka umayos sa pagkaka-upo.

"Ewan ko. Hindi ko pa rin alam. Magpapadala na lang ulit ako. Wala rin naman akong magagawa," sinabayan ko ng ngiti ang sinabi ko para hindi nila maramdam na masiyado kong sineseryoso ang mga sinasabi ko.

"Ano ba talaga ang gusto mong course, MJ?"

Napaangat ako ng tingin sa kaklase kong nagtanong no'n. Now that she asked that...

Isang taon kong pinag-isipan ang tungkol doon. Sa loob ng isang taon ko sa kolehiyo, napag-isip isip at napagtanto ko na kung ano ba talaga ang gusto ko.

"Civil engineering," kibit-balikat na sagot ko like it was not big deal anymore.

"Woah! Bakit hindi 'yon ang kunin mo?"

"Magandang course 'yon, a?"

"Bagay din sa negosyo n'yo, 'di ba? Nagpo-produce kayo ng mga construction materials, 'di ba?"

Sunod-sunod ang mga naging tanong nila. Pero isang simpleng ngiti lang ang iginawad ko sa kanila.

"Hindi raw kasi bagay sa isang babaeng katulad ko ang maging isang Civil Engineer," kibit-balikat pa rin na sagot ko habang inaayos ang mga gamit ko. "Tara na? Next class tayo?" pag-aaya ko sa kanila.

Naging tahimik ang mga kaklase kong iyon sa mga sumunod na araw hanggang sa naging finals na namin.

~

Summer came and before I proceed to my summer vacation, nakuha ko ang mga grades ko. Like the usual, pasang-awa ang halos lahat ng major subjects ko. Matataas naman ang mga minor kaya pasado pa rin ako para sa semester na ito. Ang mga minor subjects lang naman talaga ang nagpapabatak ng mga grado ko pababa, e. Mas madali kasing intindihin kesa sa major subjects na ang hirap i-digest. Ewan ko ba, bobo lang siguro talaga ako.

I was sitting pretty in a hammock dito sa veranda na nasa pangatlong palapag ng bahay. Mula rito sa puwesto ko, tanaw na tanaw ko ang nagtataasang sugarcanes sa paligid namin. Tubo rin ang pangunahing yaman ng ciudad namin bukod sa pangingisda. Nasa mountain side kasi kami kaya maraming tubo ang makikita sa paligid.

Habang nagsi-siesta, nakatitig ako sa phone ko kung saan naka-appear ang schedule ng entrance examinations na binigay sa akin ni Maj at Vad.

Next week, magbabakasyon kami ng mga pinsan ko sa Palawan. Tatlong linggo kami roon at pagkatapos no'n ay ang schedule na ng entrance exam. Pero hanggang ngayon, nagdadalawang isip pa rin ako kung tutuloy pa ba ako. Hindi ko pa rin kasi nasasabi sa mga magulang ko ang tungkol sa gusto kong course, e.

Habang minememorize and schedule ay biglang nag-appear ang pangalan ni Vad. He's calling.

I immediately accepted the call while swaying in our hammock.

"Anong atin?" pambungad na bati ko.

Ni-loudspeaker ko na at inilagay sa tiyan habang nakatingin sa maberdeng tanawin. Off-season na ng milling company sa probinsiya pero nagsisitaasan na ang mga pananim na tubo sa paligid namin.

"Ano? Have you decided na ba?"

Mababakas ang excitement sa boses ni Vad nang itanong niya iyon.

"Not yet. I'll decide after we come back from Palawan," I swayed again and feel the afternoon breeze from the North West side of the island.

"So that's three weeks from now, right?"

"Yep."

I close my eyes and imagine every single thing that I really wanted in my life.

"'Wag ka nang mag-decide. Kumuha ka na kasi. Kami na ang bahala ni Major sa'yo. Gamay na gamay na namin ang engineering department."

Napangisi ako nang wala sa sarili nang marinig ang tono ng boses ni Vad. Hindi talaga ako nagsising ginawa kong kaibigan ang gagong ito.

"Parang ayoko na. Baka manipulahin niyo pa ang scores ko, hindi pa ako makapasa," nakapikit pa rin na sagot ko.

"Papasa ka! Matalino kang tao. Hindi lang talaga para sa'yo ang Business Ad."

Dahan-dahan kong idinilat ang mga mata ko at napatitig sa phone na nasa tiyan ko.

"Pakisabi nga 'yan sa mga magulang ko, Salvador the fifth."

"Kung puwede lang, Maria Josephina Constancia, kung puwede lang."

"Hashtag KPL."

Sabay kaming tumawa sa sinabi ko. Sa tinagal-tagal naming pagsasama nina Vad, may mga moments talaga kaming napag-uusapan na kami-kami lang din ang nagkakaintindihan.

"Sige na, alam kong nagsi-siesta ka. May summer class din kami ni Maj. See you this weekend."

"Sige..."

Narinig ko na ang beep na nagpapa-alam na tapos na ang tawag.

Nagpatuloy ako sa pag-iisip sa ganoong situwasiyon hanggang sa inakit ako ng antok.

~

After a week, pumunta kami ng Palawan. On our first week, sa Puerto Princesa kami. Pinuntahan namin ang mga usual tourist spot within that area. Baker's Hill, Underground River, Binuatan Creations, Immaculate Conception Church, the different kinds of Islands... We explored what that city can offer to us.

On our second week, sa Coron naman kami. Coron can offer islands and the refreshing sea.

On our third week, El Nido is the destination. Doon na rin namin c-in-elebrate ang nineteenth birthday ko.

Oh, I haven't told you pala... Last year was my eighteenth year and like the nakasanayan, nag-summer vacation kami sa Boracay. Wala akong debut, 'yong bongga talaga. Ayaw ko naman kasi ng mga formal debut. Hinayaan lang din naman ako ng mga magulang ko. Boracay was the place. That trip was basically the most wasted trip of my life. Kumpleto ang lahat ng mahal ko sa buhay, including my friends.

So back to El Nido...

Ang plano, mag-sstay kami sa isang private resort ni Tito Arm sa Amanpulo. Pupunta lahat ng pamilya namin, lalo na ang Lolo at Lola. Ganito rin 'yong ginawa nila noong eighteenth ko. Actually, every birthday nangyayari ito kasi nga summer vacation ang birthday ko. It's also the time to relax from everything.

Pero ang hindi ko inaasahan sa lahat ay ang extra'ng bisita. Sa lahat ng puwedeng imbitahan na pamilya, bakit sila pa?

"Thank you for inviting us, Tita Blake, Tito Rest," magalang na bungad ni Decart Lizares sa mga magulang ko.

Nakasandal ako sa dibdib ni Kuya Yohan habang pa-sakal naman niya inilagay ang braso niya sa ilalim ng baba ko.

Kuya Yohan Osmeña is the second son of Tito Arm. Magkapatid sila ni Kuya Clee.

Isa-isa kong pinasadahan ng tingin ang Lizares brothers. Sila lang, wala ang kanilang magulang.

"Do you know why they're here?" bulong sa akin ni Kuya Yohan habang nasa ganoon pa ring posisyon.

Nagkibit-balikat ako.

"Para makipag-close si Decart kay Ate? I don't know. Nagulat nga rin ako na nandito sila."

"But Tonette doesn't like Decart," sumingit sa usapan si Ate Fiona.

Ate Fiona Osmeña is the first born of Tito Ram. Ate siya ni Steve.

"Because Ada likes Decart," at may isa pang sumingit sa aming usapan.

Ate Die Osmeña. Only daughter of Tito Jov Osmeña, the fifth of Osmeña brothers.

Nangunot ang noo ko at mas lalong nagtaka sa rebelasyong sinabi ni Ate Die.

"Huh? May gusto si Ate Ada kay Decart? E, bakit hindi na lang silang dalawa ang magpakasal?" halos humiwalay pa ako sa pagkakayakap ni Kuya Yohan dahil sa gulat.

"You know naman Tito Perl, 'di ba? He's not a fan of that arrange marriage," sabi ni Ate Fiona.

"And remember the cousin code?" malaking ngising paalala ni Kuya Yohan.

Yeah, who would forget that? An Osmeña who forget that is a shame in the clan.

'Kapag gusto ng isang Osmeña, hindi ibig sabihin na gugustohin mo na rin.'

"So basically, Adaline Malou is just following the cousin code," kibit-balikat na sagot ni Kuya Yohan.

Hindi na rin ako nakasagot kasi ibinalik ni Kuya Yohan ang kaninang posisyon namin habang pinagmamasdan si Ate Tonette na bumusangot sa harapan ni Decart Lizares.

Busy pa rin sila sa pagbati kaya iginala ko ulit ang tingin sa ibang Lizares.

Huli kong tiningnan ang nakatingin na sa akin na si Sonny.

Itinaas ko ang isang kilay nang mapansing hindi siya direktang nakatingin sa mga mata ko. Nasa baba ang tingin niya, sa bandang braso ni Kuya Yohan na nakasakal sa akin.

Kanina ko pa siyang pinagmamasdan at kitang-kita ko ang unti-unting pagtaas ng kaniyang isang kilay habang ibinabalik ang tingin sa aking mata.

Anong problema mo, Sonny Lizares?

~

Kaugnay na kabanata

  • She Leaves   She Leaves 4: 4 Years Before The Engagement

    I was voted as the 'Most Likely To Get Pregnant Before The Age Of Eighteen' way back Junior High School.Now, I just turned nineteen years old. Still a punyemas virgin!Malandin man sa inyong paningin, marunong namang pahalagahan si muningning.Kidding aside, it's all in the past now. Hindi naman ako nagtanim ng hinanakit sa mga kaklase kong bumuto sa akin no'n. Hindi dapat ako magtanim ng galit kasi isa na sa mga nagsabi no'n ay mismong mga kaibigan ko. Isang patunay na ganoon ka-landi ang tingin nila sa akin kaya hindi ko sila masisisi.So anyways, heto na nga, nasa Amanpulo pa rin kami ngayon. Kakatapos lang ng family dinner namin with the Lizares brothers. Kaniya-kaniya na kami after. Ang mga matatandang Osmeña ay agad nagpalabas ng mga inumin sa kanilang table malapit sa dalampasigan. Kaming mga batang Osmeña naman ay na-isipang gumawa ng malaking bonfire sa buhanginan. Medyo malay

  • She Leaves   She Leaves 5: 2 Years Before The Engagement

    "And good job! Maganda! Sa tingin ko may laban ang College of Engineering. Am I right, Engineer Lizares?"Wala sa sarili akong napa-irap habang naglalakad papunta sa duffel bag ko.Tatlong rounds ng practice ang ginawa namin para sa final practice na ito. Una, 'yong kami-kami lang as a group. Pangalawa, pinapanood na kami ng aming supervising faculty. Pangatlo, ang Dean of College of Engineering na ang nanunood sa amin. Sa tatlong rounds na 'yon, nandoon lang sa isang sulok si Sonny. Tahimik na nakamasidsa bawat galaw namin. Oo. Namin. Ayokong mag-assume na ako lang ang tinitingnan niya kahit halata naman.Ngayon ay hiningan na siya ng komento ni Dean tungkol sa naging performance namin."Tama po kayo, Dean, magaling nga itong mga kasali sa pop dance ngayong taon."Napapikit ako nang mariin dahil nagsisi akong lumapit agad ako sa duffel bag ko bago pa man siya nagsalita. Sana pal

  • She Leaves   She Leaves 6: 11 Months Before The Engagement

    Dumaan ang birthday ko na hindi pa rin nagpaparamdam ang mga kapatid ko. Para sa akin, normal na lang 'yon.Naging abala rin ako sa OJT namin sa isang construction site. After no'ng party namin sa isang high end bar ay nagsimula rin ang OJT ko. Parte ito ng curriculum namin dahil incoming fifth year na kami.Sobrang na-enjoy ko ang experience kahit na palagi kaming nakabilad sa araw at kung minsan tinutulungan namin ang mga construction workers sa mga gawain nila, minsan nagbubuhat, nagmamasa ng semento, at kung anu-ano pang ginagawa nila. Meron din kaming experience na pinakita sa amin ng Engineer ng construction site na iyon kung paano nila ginagawa ang building na iyon through strategic planning.Dalawang buwan lang ang OJT namin doon kaya hindi na namin pinatapos ang paggawa ng building. Pero masaya naman, marami kaming natutunan, Be it life lessons or actual job of a certified civil engineer.Ka

  • She Leaves   She Leaves 7: 9 Months Before The Engagement

    Humigop ako sa mainit-init na sabaw ng tinolang manok. Ito kasi ang ulam ngayong pananghalian. Nasa canteen ako kasama ang mga engineering friends ko.Simula no'ng June, naging abala na ang buhay mag-aaral ko. Fifth year na kasi kaya kaliwa't-kanan na ang gawain. Meron pang project study na kailangang atupagin.Minsanan na nga lang din akong lumabas ng gabi at mag-party sa sobrang daming gawain. Ang huling party yata na napuntahan ko ay no'ng fiesta pa ng ciudad namin. Aba'y ewab, ayoko nang balikan ang gabing 'yon. Naiirita ako. Hindi ko kasi nakilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa sarili ko no'ng mga oras na 'yon. Siguro dahil sa nainom ko. Oo, dahil lang 'yon sa nainom ko. Walang ibang taong involve, sarili ko lang at ang iba't-ibang klaseng inumin na tinungga ko. Basta naiirita talaga ako."MJ, tapos ka na ba sa design mo para sa Transpo Eng?"Sa kalagitnaan ng panananghalian

  • She Leaves   She Leaves 8: 5 Months Before The Engagement

    Kumukuti-kutitap. Bumubusi-busilak. Kikindat-kindat. Kukurap-kurap.Ganiyan ang indak ng mga bombilya na animo'y pinaglalaruan ang ating mga mata.Funny how these little lights makes me stare at the at the moment. Funny how this big christmas tree that displayed at the condo building's lobby entertained for the mean time.Isang buwan na lang pala at pasko na. Ang bilis talaga ng panahon, parang noong isang linggo lang, nagha-halloween party pa kami ng mga pinsan ko, binista pa namin ang mga mahal namin na pumunaw na, tapos ngayon... lumalamig na ang simoy ng hangin, nagsisilabasan na ang mga palamuting pang pasko, naririnig ko na ang boses ni Jose Marie Chan, Mariah Carey, at ang station ID ng Abs-Cbn at iba pa.Sabagay, noong September pa lang nagsimula ang mga ganito, ngayon ko lang talaga nabigyan ng pansin."Ma'am MJ, nandiyan na po ang sundo n'yo."Natig

  • She Leaves   She Leaves 9: 4 Months Before The Engagement

    Nakauwi ako nang matiwasay sa gabing iyon. Wala na rin akong narinig na issue tungkol sa nangyaring paghigit sa akin ni Sonny. Hindi ko na rin masiyadong inisip.Pero isang buwan na ang nakalilipas, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang halik niya. Punyemas naman!I've kissed guys before, way hotter than that, way intense than that. Smack nga lang 'yong ginawa niya pero punyemas naman! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan.Siguro dahil na-guilty ako sa hindi ko malamang dahilan. Bakit nga ba ako nagi-guilty? Dahil ba isa siyang Lizares at ayaw ko sa kanila o dahil sa may nakakita sa aming dalawa? At sa lahat ng puwedeng makakita, bakit siya pa?I shake my head and stare at the ceiling of my room. Ilang minuto rin akong nakipagtitigan sa kisame. Umaga pa lang pero feeling ko ubos na ang energy ko.Mamayang gabi, makikilala ko na ang pamilyang pinili ng mga magulang ko para

  • She Leaves   She Leaves 10: 3 Months Before The Engagement

    Dumaan ang Pasko, kasal ni Ate Ada at Decart Lizares, at ang bagong taon na wala masiyadong ganap sa buhay ko.Maliban na lang sa pagiging makulit ng engkanto. Sa sobrang kulit, heto na nga siya o, palapit na sa akin.Sunday ngayon at nandito ako sa kabisera para simulan na naman ang panibagong linggo ng pagiging busy. It's the second week of January and ilang araw na rin magmula no'ng magpalit ang taon.I'm trying my best to be cool with Sonny since I knew the merging. I'm trying my best to do everything para lang makalimutan ang lahat ng pag-aming ginawa niya sa nakaraan. Sinubukan ko at hanggang ngayon ay sinusubukan ko pa rin.Gusto niya ako. May gusto siya sa akin. Kaya siguro masaya siya, masayang-masaya siya na kami ang ikakasal. I don't want to pop up his bubble. I'll let him be happy. As if people can be genuinely happy.I'm kind of good at acting pero sa loob ko, hindi

  • She Leaves   She Leaves 11: 2 Months Before The Engagement

    "Ready for hardbound!" Binasa ko ang maliit na note na nakalagay sa sandamakmak na papel na ipinasa namin kanina after ng defense. "Ready for hardbound na tayo!" Muling sigaw ko."'Yon o!""Nice!""Tara na! Pa-hardbound na tayo.""Waste no time, engineers!""Siguradong-sigurado na ba?"'Yan ang sari-saring reaksiyon ng mga project study mates ko nang sabihin ko ang magandang balita sa kanila."Oo nga! Ano? Tara na!" Natatawang sabi ko.Sobrang ingay namin ngayon, mabuti na lang at malapit kami sa field at malayo naman sa buildings. Baka napagalitan na kami dahil sa sari-saring sigaw namin. Sino ba kasi ang hindi matutuwa na ang halos isang taon mong pinaghirapan na project study ay makakapasa sa mga panel? Sinong hindi? Kaya dapat i-celebrate!First week of February, nagkaroon kami ng projec

Pinakabagong kabanata

  • She Leaves   She Leaves 30: The Board Exam

    Today is the day I will be judge. Today is the day that all my hardworks will be put into test. Today is the day. Today is the punyemas day!!!!Few days prior to this, everything about me and Darry were going smoothly. Hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa nangyaring iyon. Sa tuwing tinatanong niya ako, ang palagi kong sinasabi ay wala akong maalala dahil sa kalasingan. Hindi rin naman siya nagku-kuwento kung ano kaya pinapalabas ko na baka nga wala kasi parang wala lang naman.Mas lalo lang akong naging abala sa pagpi-prepare sa sarili ko sa papalapit na boards. Everything is sailing smoothly dahil walang mga problema akong natatanggap. Darry is treating me well, my family is constantly sending me messages and telling me to break a leg and everything, also my friends. Kaso ngayong araw, hindi na ako magbabasa ng mga message. Mas pinili ko kasing ilayo muna sa akin ang phone ko. Si Darry din mismo ang nag-suggest sa akin na lumayo muna

  • She Leaves   She Leaves 29: The Ardent Spirits

    "Hello Misis Lizares!" Maligayang bati ni Jessa sa akin nang makarating kami sa bar kung saan daw magkikita-kita ang mga kaibigan ni Darry at ang mga kaibigan ko. As usual, si Crisha, Maj, at Jessa lang ang nandito. Nasa probinsya na naman kasi ang iba.Nakipag-beso ako kay Crisha at Jessa, at bro hug naman ang kay Maj."Himalang nakalabas ka ngayon, bruha?"Matapos ang batian, agad akong inilapit ni Jessa sa sarili niya para yakapin. It's been a while since the last time we saw each other, masiyado talaga akong naging busy sa buhay reviewee ko."Katatapos lang kasi ng mock board at isinama lang naman ako ni Darry dito kaya tinawagan ko na kayo ni Maj." Kumuha ako ng isang shot ng tequila na nasa lamesa at diretsong tinungga.We meet again, ardent spirits!"Ay betsung si papa Darry, pinayagan kang mag-enjoy," puna ni Jessa."Mabuti nga si

  • She Leaves   She Leaves 28: The Truth Behind The Past

    Another month has passed after that quick vacation with my cousins sa Palawan. I just came back from Manila. Done with another round of diagnostic testing for this month and two months na lang din at board exams na namin. Mas pinagbutihan ko ang pagri-review, erasing and ignoring the negativity of life. Charot. Ignoring my heart and its consequences. Brain muna. Si brain naman.Actually, kahapon lang talaga ako bumalik and today is another day kaya naisipan kong mag-jogging na naman. Another two hours of burning some unnecessary fats.Airpods on my ears and the phone is just on my left arm. I rested for a while on a big mango tree. The morning air in this kind of environment is the air I want to breathe for the rest of my life. Malamig tapos sobrang fresh pa. I can also see some moist on the grass of the sugarcanes.Ang sarap talagang mag-jogging kapag nature ang iyong kasama. Unlike when you're in some big cities, na pu

  • She Leaves   She Leaves 27: The Exhibit

    Tinitigan ko ang gawa ko. Not so perfect in appearance pero pasang awa na! Wait till you taste it! Mapapasinghap ka sa sarap!Bahagya ko pang inamoy ang niluto ko at saka dahan-dahang pumihit patalikod para mailapag ito sa dining table. Partida nakapikit pa ako n'yan nang inamoy ko kaya noong paglingon ko na ay saktong dumilat ako.Punyemas."Punyemas naman, Darry! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Singhal ko sa kaniya. Gulat na gulat ako sa prensensiya niya kasi nang magdilat ako ng mata, mukha niya agad ang nakita ko. Nakasandal siya sa bukana ng kitchen at naka-crossed arms pa ang demunyu. Habang ako naman ay halos tahipin na ang dibdib ko dahil sa gulat at sa kabang naramdaman ko.Sunod-sunod ang naging paghinga ko. Mabuti na lang at hindi ko nabitawan ang bitbit kong pinggan ng speciality ko: Scrambled corned beef ala Maria Josephina Constancia Osmeña Lizares."You're cu

  • She Leaves   She Leaves 26: The Call

    Masakit ang sinabi ko. Masakit ang ginawa kong halos magmakaawa na kay Raffy para lang itigil na niya ang nararamdaman niya.Kung ako tinanong ng mga panahong namimili pa ng mapapangasawa sina Mama at Papa tungkol sa mga Javier, siguro tama si Raffy, papayag nga ako. Bukod sa wala na akong choice, mapapanatag ang loob ko dahil kaibigan ko ang ipakakasal sa akin. Siguro nga magiging masaya kami. Matututunan ko siyang magustohan. Baka nga.Pero ngayon ko nalaman, e, kaya ganito ang approach ko. I am not the same person as I am from last year. My perception did change after kong malaman na Lizares ang pakakasalan ko. Ibang-iba na. Kaya ko nasabi kay Raffy 'yon para hindi niya mas lalong sisihin ang sarili, para hindi na siya umasang meron nga kahit kaonti. Mas mahirap 'yon. Kaya sinabi ko sa kaniya ang mga salitang naka-base sa pangkasalukuyang nararamdaman ko.Hindi naging maayos ang pag-iwan ko kay Raffy sa fast food chai

  • She Leaves   She Leaves 25: The Review

    Hindi ko pinagsisihan ang halik ko sa kaniya. I did it freely and not against my will. But what it turned out is the thing I'm afraid of right now.After that night, Darry said to my parents na mas mabuting nandito ako sa Negros for the review para raw mas maka-relax ako. Since hindi na rin naman daw ako ang hahawak ng company kasi nandito na ang parents ko. Wala na rin naman daw akong gagawin sa Manila kaya mas mabuti raw na manatili ako rito sa Negros.I want to protest. Pero wala akong nagawa kundi ang sundin ang utos nila. Pinagbigyan ko, baka sakaling kailangan niya lang ng space dahil sa nangyari at sa mga nalaman. Kahit na hindi man lang niya inalam ang side ko. Hinayaan ko siya. Nagpaubaya ako.Unang dalawang linggong pananatili ko sa bahay ay puro review lang ang ginagawa ko. Merong pinagdidikitan ko ang buong dingding ng study room namin ng mga formulas para makatulong sa akin sa pagri-review.

  • She Leaves   She Leaves 24: The Birthday Party

    Paano mo malalaman kung may crush ka sa isang tao?'Pag napapangiti ka sa tuwing nakikita mo siya.Paano mo malalaman kung gusto mo na ang taong iyon?'Pag masaya ka sa tuwing nakikita mo siya at malungkot ka sa tuwing hindi mo siya nakikita.E, paano mo malalaman kung mahal mo na ang isang tao?Hoy teka, sandali, wait, MJ Osmeña! Anong mahal? Walang mahal! Ang mga bilihin lang ang nagmamahal, hindi si Maria Josephina Constancia! Hindi nagmamahal 'yon, nagmumura 'yon, e. Nagmumura ka! Hindi ka nagmamahal! Imposible 'yon!Masaya kong sinalubong ang pamilya ko nang makarating kami sa wakas sa birthday party ng pamangkin kong si Kansas. Airport ang theme ng party kaya punong-puno ang sikat na event center ng ciudad namin ng mga designs tungkol sa eroplano, airport, at iba pang may kinalaman sa aeronautics. Hindi ko alam kung anong trip ni Ate Tonette, hin

  • She Leaves   She Leaves 23: The Demunyu

    Kung dati, naging rason ang trabaho kung bakit nag-iiwasan kami ni Darry sa penthouse. Ngayon... ako na mismo ang umiiwas sa kaniya. Blessing in disguise din ang pagiging abala niya sa kompanya nila kaya hindi na rin niya ako binulabog pa. In short, wala kaming pansinan sa loob ng bahay.Laking pasasalamat ko na nga lang na hindi ko na kailangang magpanggap dahil uuwi na akong Negros ngayon at maiiwan siya sa penthouse kasama si Alice at Erna. Babalik din naman ako ng Monday morning. It's just a weekend with family dahil first birthday ni Kansas, na pangalawang anak ni Ate Tonette."Maligayang pagbabalik sa Negros, Ma'am MJ!" Pagkalabas ko ng airport, ang nakangiting si Manong Bong ang bumungad sa akin. Kinuha niya ang medium size luggage ko at saka pinasakay sa kotse ko na siya ang nag-drive."Hello Manong Bong! Kumusta ka na, Manong?" No'ng naisakay na niya sa likuran ang bagahe ay agad ko siyang binati.

  • She Leaves   She Leaves 22: The Husband's Other Friend, Part 2

    "Oh, hija!" Malawak pero may poise na bati ni Mommy (so awkward!) Felicity sa akin. Hinawakan niya pa ang magkabilang braso ko at hinarap ako nang mabuti.Wala na akong pakialam kung nanginginig na itong labi ko sa kakangiti dahil hanggang ngayon, kahit na nakahawak at nakaharap na ang mga magulang niya sa akin, ay hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Mas lalo lang nakadagdag sa bilis ng tibok ng puso ko ang maya't-mayang pagpisil niya sa kamay ko.Gaga ka talaga kahit kailan, MJ! Ang dami mo nang nahawakang kamay, ngayon ka pa talaga kakabahan? Ano ka ba? High school student? Teenager? Feeling teenager? Tanga!Nang bumeso si Mommy (hindi na ako ma-a-awkward sa susunod) Felicity sa akin ay saka lang bumitaw si Darry sa kamay ko. Halos ipatawag at pasalamatan ko ang sampung santong kilala ko dahil sa ginawa niya. Naging stable na rin ang ngiti ko kay Mommy (promise, last na) Felicity at nakapag-respond na nang maay

DMCA.com Protection Status