Beranda / Semua / She Leaves / She Leaves 4: 4 Years Before The Engagement

Share

She Leaves 4: 4 Years Before The Engagement

Penulis: doravella
last update Terakhir Diperbarui: 2021-04-12 22:28:57

I was voted as the 'Most Likely To Get Pregnant Before The Age Of Eighteen' way back Junior High School.

Now, I just turned nineteen years old. Still a punyemas virgin!

Malandin man sa inyong paningin, marunong namang pahalagahan si muningning.

Kidding aside, it's all in the past now. Hindi naman ako nagtanim ng hinanakit sa mga kaklase kong bumuto sa akin no'n. Hindi dapat ako magtanim ng galit kasi isa na sa mga nagsabi no'n ay mismong mga kaibigan ko. Isang patunay na ganoon ka-landi ang tingin nila sa akin kaya hindi ko sila masisisi.

So anyways, heto na nga, nasa Amanpulo pa rin kami ngayon. Kakatapos lang ng family dinner namin with the Lizares brothers. Kaniya-kaniya na kami after. Ang mga matatandang Osmeña ay agad nagpalabas ng mga inumin sa kanilang table malapit sa dalampasigan. Kaming mga batang Osmeña naman ay na-isipang gumawa ng malaking bonfire sa buhanginan. Medyo malayo sa puwesto ng mga matatanda. Sinama na rin namin ang Lizares brothers. Nakakahiya naman kasi kung hindi, e, bisita namin sila.

From oldest to youngest, ang makakasama namin sa bonfire na iyon ay sina: Ate Ada, Ate Fiona, Ate Tonette, Kuya Clee, Ate Die, Ate Chain, Kuya Yohan, Ate Teagan, Kuya Mikan, Breth, Steve, ako, at ang kaka-eighteen lang sa aming magpipinsan na si Lany at Hype.

Technically, si Kuya Yosef ang pinakamatanda sa aming Third Generation Osmeña, but since his engagement party, he was then labeled as MIA.

I also have other cousins na hindi kasama sa bonfire na ito dahil masiyado pa silang mga bata. Sina: Lourd, Jest, May, Fam, Shay, Rov, at ang bagong miyembro ng third generation na si Reg.

Kaya malaki ang bonfire na ginawa ng tagapangalaga ng private resort dahil sa dami namin, tapos dumagdag pa ang limang Lizares brothers. Nagmistulang batallion kami sa dalampasigan.

Sobrang ingay namin dahil kaliwa't-kanan ang usapan ng mga pinsan ko. Maski si Ate Tonette na tahimik pagdating kay Decart Lizares ay nagawang makipagsabayan sa trip naming magpi-pinsan.

Hindi rin halatang out of place ang Lizares brothers dahil kinakausap naman sila ng iba ko pang pinsan.

Kasama ko ngayon si Breth at Steve...

A little trivia about Breth: he's the third son of Tito Arm. Magka-edad sila ni Steve pero batchmates kaming tatlo. Ibang school nga lang ang gago.

Kakasunod pa lang namin sa bonfire dahil sinamahan pa namin ni Breth si Steve na kunin ang gitara ni Kuya Mikan. Gagamitin lang for jamming purposes though hindi namin forte ang mga solemn musical jamming. Maglokohan man kami ngayon, mas gusto naming magpipinsan ang bar at mga hype party kesa sa ganitong acoustic night. Kaso wala na kaming choice, e, wala namang puwedeng puntahang bar dito sa isla kaya we'll settle down with jamming. After all, nakaka-relax din naman 'yon.

Kaniya-kaniyang puwesto na ang mga pinsan ko. May tatlong espasyo akong nakita, magkakahiwalay, siguro para sa amin nina Steve and Breth kasi kami na lang talaga ang hinihintay, e.

Umupo ako sa isang espasyo na pinapagitnaan ng pinsan kong si Ate Teagan at ni Sonny Lizares. Nasa kanan ko si Ate Teagan, nasa kaliwan naman ang walang pakialam na si Sonny.

At siyempre, mawawala ba naman ang mga inumin? Siyempre, hindi. Ngayong nasa legal age na kaming lahat ay sari-saring inumin ang meron kami at lahat 'yon - hard liquor. 'Yung tipong magpapa-surrender ng atay mo sa sobrang hard.

Walang anu-ano ay sinimulan na ng mga pinsan ko ang usapan at ang jamming sa pangunguna ng musically inclined na pinsan namin at miyembro ng isang legit na banda na si Kuya Mikan, pangatlo at bunsong anak ni Tito Perl.

~

Matapos ang napakasayang gabing iyon ay may dalawang araw pa kaming natitirang panahon sa pananatili rito sa Palawan kaya nilubos-lubos na namin.

Sa huling araw namin sa Amanpulo, nilakasan ko na ang loob ko para maka-usap ang mga magulang ko.

Sinadya kong gumising ng maaga para makita ko si Mama at Papa. Sa lahat kasi ng matatandang nakasama namin sa birthday ko, silang dalawa na lang ang nagpa-iwan at sasama sa amin pag-uwi. Umuwi na kasi kahapon ang ibang Tito at Tita ko kasama si Lolo at Lola. Ang Lizares brothers naman ay nahati, umuwi kahapon si Decart, Tonton, at Siggy. Sasabay naman sa amin si Sonny at Einny.

Hindi naman ako nabigo dahil nakita ko silang nagkakape sa may dalampasigan at relax na relax na nakatingin sa mala-kristal na dagat.

Bitbit ang kapeng pinatimpla ko, dahan-dahan at buong ingat akong naglakad papunta sa puwesto nila.

"Good morning, Ma, Pa," bati ko sa kanila na sinabayan ko ng paghalik sa kanilang mga noo.

"Oh? Ang aga mo naman yata, mija? Hindi ka ba napagod sa water adventure n'yo kahapon?" nagtatakang tanong ni Papa dahil usually, hindi naman ganito ka-aga ang gising ko, puwera na lang kung may pasok.

"Hindi naman Pa. Ang ganda nga po ng tulog ko, e," umupo ako sa isang bangko na kaharap nila. Bali nakatalikod ako sa dagat.

"Nag-enjoy ka ba, anak?" may ngiti sa labing tanong ni Mama.

Agad kong sinuklian ng isang matamis na ngiti ang mga ngiti niyang iyon.

"Oo naman, Ma. Sobrang saya ko kaya salamat po," sinserong sabi ko.

Hindi ako masiyadong sweet na tao pero pagdating sa magulang ko, nagagawa kong maging sweet.

"Anything for you, anak," hinaplos ni Mama ang pisnge ko bago humigop sa tea na dala niya. "By the way, tulog pa ba ang mga pinsan mo? Ang Ate Tonette mo?"

"Yeah, Ma, sila nga po yata ang napagod kahapon, e."

Natawa silang dalawa sa sinabi ko.

Hinintay kong humupa ang kaligayahan nila bago ako tumikhim at inayos ang sarili. Humigop muna ako ng kape para dagdag sa lakas ng loob.

"Ma, Pa, may sasabihin po sana ako."

Hindi ako makatingin sa kanilang dalawa. Pinanatili ko ang tingin ko sa kapeng hawak ko.

"What is it, mija? May problema ba?" concern na concern na tanong ni Papa.

"Hmmm, meron po. May problema po sa grades ko," mas lalo akong yumuko nang sabihin ko na ang isa sa mga pakay ko.

Narinig kong tumikhim si Papa at gumalaw si Mama sa kaniyang upuan kaya nagkaroon ako ng lakas ng loob na i-angat ang tingin ko sa kanila.

"Nakita na namin ang grades mo, anak, and to tell you honestly? I'm quite disappointed with it."

Mas lalo akong nanlumo sa sinabi ni Mama.

"But don't make a fuss about it, anak. Hindi ka naman bumagsak kaya okay lang, bumawi ka na lang sa pangalawang taon mo."

Muli akong napayuko sa dinagdag na sabi ni Mama.

"'Yon na nga po Ma, e..." kumuha ulit ako ng suporta sa hangin, para tumatatag ang loob ko. "Malaking problema po sa akin ang mga grades ko. Malaking problema po sa akin kasi nahihirapan po ako sa mga subjects, lalo na po sa mga major."

Inangat ko ang tingin ko at nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa. Silang dalawa naman ay napatingin na sa isa't-isa.

Naghintay pa ako ng ilang segundo bago napatingin sa akin si Mama at bumuntonghininga.

"What do you want to do with that, then?" kalmadong tanong ni Mama.

Napakurap-kurap ako sa tanong niyang iyon. Hindi ko kasi inaasahan 'yon.

"M-Ma... P-Pa... gusto ko po sanang mag-shift ng course?" dahan-dahan akong yumuko para maiwasan ang kanilang tingin. Buong lakas ko na ang inilabas ko, masabi lang sa kanila 'yan.

Isang singhap galing kay Papa ang namutawi matapos ang ilang segundong katahimikan.

"What?!" hysterical na tanong ni Mama kaya isang segundo ko lang siyang tiningnan sa mata at agad akong umiwas dahil mababakas na sa kaniyang mga mata ang iritasyon nang narinig mula sa akin.

"Calm down, Blakelyn. Let's hear her out first before reacting," mas kalmadong sabi ni Papa kaya kahit papaano ay nakalma rin ang naghuhuramentado kong puso. "Speak, mija,"

Humugot ako ng isang napakalalim na hininga para mapakalma ang hysterical kong utak at kumakabog na puso. Dahan-dahan ko itong binuga sa maayos na paraan.

"Ma, Pa, gusto ko na po kasing mag-shift ng course. Base po kasi sa performance ko nitong nakaraang dalawang semester, sa tingin ko po, hindi para sa akin ang field ng business."

Nagpasalamat ako sa sampung santo na kilala ko nang mairaos ko ang unang bahagi ng aking pag-eexplain.

"You are expected to lead the Osmeña Business Empire, anak, kaya kailangan mo dapat pag-aralan kung paano magpatakbo ng isang business, isang kompanya, sa pamamagitan ng pag-aaral. Paano mo magagawa 'yon kung hindi mo man lang susubukan?"

No'ng mag-rebuttal na si Mama sa sinabi ko, bumalik sa chaos mode ang buong sistema ko.

I think it's a bad idea defending what I really want in life? Let's take note of this one, 'wag na nating pairalin kung anong gusto natin.

"Blakelyn!"

"Okay, okay, I am calming down," pagdidiin ni Mama kay Papa. "Anong course ba talaga ang gusto mo?" baling niya sa akin.

Heto na MJ... Take the risk or forever lose your chance.

"Civil engineering, Ma," nakapikit kong sabi. Expecting some slamming the table drama or throwing the mug away somewhere. Basta, something hysterical reaction man lang.

"What?" mababakas ang mangha sa mukha ni Mama. ''Di ba sinabi ko naman sa'yo na hindi ka bagay sa engineering, anak? Maganda ka at magagamit mo pa ang iba mong kakayahan sa ibang field-"

"Why civil engineering, mija?"

"Restituto Osmeña?!"

"Let's hear our youngest's side, Blakelyn, then we will decide after," nakatingin sa aking sabi ni Papa.

Dahil sa naging reaction ni Papa, nabigyan ako ng pag-asa.

"Mas gusto ko po kasi ang field ng engineering, Pa, Ma. Hindi dahil maraming math and solving, hindi dahil na-impluwensiyahan ako ng mga kaibigan ko, kundi sa kadahilanan na mas gusto kong pagtoonan ng pansin ang paggawa ng iba't-ibang klaseng gusali. Mas napupukaw po ang atensiyon ko sa paggawa kesa tutukan kung paano patakbuhin ang kompanya. Mas gusto ko pong ginagamit ang mga pino-produce nating construction materials kesa po sa ako ang mamamahala sa paggawa nito," huminga ako ng malalim. "Ma, last year pa lang alam ko na po na hindi para sa akin ang business ad, pero dahil 'yon po ang gusto n'yo para sa akin, pinagpatuloy ko kahit na nahihirapan po ako. Kasi wala naman po kayong ibibigay na ikakasira ko po, 'di ba?"

Nagpalipat-lipat sa kanila ang tingin ko. Tumango-tango si Papa habang nakikinig sa akin. Si Mama naman ay nakatutok lang talaga sa akin at parang hindi humihinga.

"Sa loob po ng isang taon ko sa kolehiyo, Ma, nagkaroon po ako ng chance na mag-explore ng iilang course by asking my friends about their chosen course. Meron pong binasa ko ang course syllabus ni Ressie sa field ng Pyschology. Sinubukan ko rin po ang Education na tine-take ng twins. Pati rin po kay Nicole, Jessa, at Paulla, sinubukan ko rin po ang mga course nila," panandalian akong napangiti nang maalala ang mga favor ko sa kanila. Mukha akong tanga no'n every week asking about their courses and whatever.

"Pero Ma, Pa, nang itanong ko na si Vad at Maj tungkol sa course nila, doon po ako na-hook. Unang subok ko pa lang sa mga activities nila, alam kong may future po ako sa field na iyon," I smiled dahil totoong napukaw ang interes ko nang malaman ang mundo ng engineering, specifically, the world of civil engineering."

Tumikhim ako para ipaalam sa kanila na tapos na ako sa aking side. Papa shifted from his seat and Mama just breathe heavily.

"Sigurado ka na ba, mija?"

Napatingin ako sa mga mata ni Papa nang marinig ang tinanong niya.

"Opo, Pa, sigurado po ako," puno ng pag-asang sabi ko. Determinado sa buhay.

Sana. Sana naman maantig sila.

Napasinghap si Mama kaya nabaling sa kaniya ang tingin ko.

"Mahirap ba talaga ang business, anak? Bakit nakaya naman ng Ate at Kuya mo?"

Pero ang pag-asang naipon ko kanina ay unti-unting natinag sa simpleng pangungusap na iyon ni Mama.

"Ma... alam naman po natin na first choice ni Kuya 'yan 'di ba?" napalunok ako ng todo dahil sa iilang buwang nakalipas, ngayon lang ulit binanggit ni Mama si Kuya. Hindi ko nga rin alam kung tama ba ang sinabi ko.

"Tapos si Ate naman... mas matalino sa akin si Ate Tonette, 'di ba, Ma? Lahat kaya ni Ate. Alam nating lahat 'yon, 'di ba po, Ma?" ngumiti ako, isang sinserong ngiti.

Wala naman talaga akong pakialam kung mas matalino sa akin ang mga kapatid ko. Hindi naman kasi ako nakikipagkompetensya sa kanila gaya ng akala ng iba.

Nagkatinginan ulit si Mama at Papa. Isang matagal na titigan, at parang sa titig sila nag-uusap.

Nang hindi nakatiis, lumapit si Mama kay Papa at may ibinulong. Isang matagal na pag-uusap. Tumikhim si Papa at ngumiti sa akin.

"Okay, we're giving you a chance."

What?

Talaga?!

Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Papa. Parang may nagpa-fireworks sa kalooblooban ko sa narinig.

"In one condition, anak."

Pero ang fireworks na naramdaman ko ay parang naging isang granada na sumabog. Pareho silang maingay, pareho silang paputok. Ang pinagka-iba lang: Ang fireworks, isang masayang putok. Ang granada, isang putok ng panganib.

"A-Ano po 'yon?"

"We will let you shift your course with the condition that we will be the one to choose who you will marry. Your marriage will be in our convenience, an arranged marriage, mija," ani Papa. "But we will give you another choice," dagdag niya.

"Isn't it the plan? Na kayo talaga ang mamimili ng mapapangasawa ko?" naguguluhang tanong ko pa sa kanilang dalawa.

"You see, anak, napagdesisyonan na sana namin ng Papa mo na hindi na namin ipipilit ang mga bagay sa iyo. Mga bagay na katulad nang ipinilit namin sa Ate at Kuya mo," ani Mama.

What?

"But since you brought up about having zero interest with the company... your Mama and I thought na siguro ipagpapatuloy namin ang unang napagplanuhan," sabat naman ni Papa.

Teka sandali, naguguluhan na ako talaga.

"What? So what's the other choice?"

"Kung ayaw mo namang kami ang mamili ng mapapangasawa mo, hindi ka puwedeng mag-shift ng course at titiisin mo ang course mo ngayon hanggang makapagtapos ka at hanggang pamahalaan mo na ang Osmeña Business Empire," with conviction na sabi ni Mama.

Napalunok ako sa mga conditiones nila at biglang napa-isip.

Ay sandali! Bakit ba ako mag-iisip? Kaya nga ako nakipag-usap sa magulang ko 'di ba para roon? Kaya bakit ko iko-consider ang second choice?

At isa pa... I've been conditioning myself ever since na wala akong say sa magiging buhay ko after college kaya how come biglang nag-iba ang isip nila? Did something came up? If ever yes, I can't back out with what I thought of, with what I grew up with. Matagal na akong handa at mukhang hindi na magbabago ang isipan ko.

"Ma, Pa, bata pa lang po ako, alam ko na po na kayo ang mamimili ng mapapangasawa ko para sa ikaka-unlad ng kompanya kaya wala na pong kaso sa akin kung sino man 'yon kaya pipiliin ko po ang unang condition niyo. Gusto ko pong i-pursue ang gusto ko kesa isipin ang mapapangasawa ko."

~

Dahil sa usapan namin ng mga magulang ko, natuloy ang entrance exams ko sa sumunod na linggo. Sinamahan din ako ni Vad at Maj.

On the first week of May, nakapag-enroll agad ako. Irregular student ang naging status ko kasu may mga na-take na akong minor subjects from my previous school na credited naman. But I can be a regular student with a regular schedule with the help of summer classes.

Now that I'm starting again with my chosen course. I can feel it na I will be sailing smoothly in my college years.

Let's get it on, college life.

~

First year as a Civil Engineering student!

Well, what can I say?

Hmm... it was all fun and everything. Sobrang na-enjoy ko ang engineering. Sobra!

Nang makat-transfer ako sa kabisera, ibinigay sa akin nina Mama at Papa ang condo unit ni Kuya sa O Residences. It has been almost a year since Kuya left and wala pa rin kaming balita sa kaniya. Hindi na rin siya hinahanap nina Mama at Papa. Hindi na rin ako nagtanong kasi malakas ang kutob ko na nasa maayos na kalagayan siya ngayon kung saang lupalop man siya napadpad.

Meron naman kaming bahay dito sa kabisera pero mas malayo kasi 'yon sa university na papasukan ko kaya pinili ko ang condo ni Kuya para mas malapit. Isang sakayan lang naman ng jeep kaya hindi masiyadong hassle.

I live independently. Hindi ko tinanggap ang offer ng mga magulang ko na bigyan ako ng kotse na merong driver kasi gusto kong mamuhay na parang isang normal na estudyante. They trust me naman kaya pinabayaan na muna ako.

So yeah, naging masaya ang buhay kolehiyo ko. Nag-aaral ako nang mabuti and at the same time I party harder.

E, anong magagawa ko? Nandito halos lahat ng mga kaibigan at pinsan ko sa kabisera kaya sinong makakatanggi?

My fling life bloom again. Hindi katulad ng dati na it lasted for weeks and a month, ngayon kasi, sa tuwing nagna-night out kami, saka lang ako nagkakaroon ng ka-make out and the next day, hindi ko na pinapansin.

Mas lalo akong naglaro nang malaman ko na kahit anong gawin ko, ang mga magulang ko pa rin ang magdedesisyon sa kung sino ang dapat kong pakasalan. Wala rin akong pinagsisihan na mas pinili ko ang gusto kong course kesa sa ako mismo ang pumili ng mapapangasawa ko. I'm indecisive when it comes to that kasi hindi naman ako naniniwala sa pag-ibig pag-ibig na 'yan. I've learned from my Kuya... nagpabulag sa pag-ibig para suwayin ang parents namin and I hate him for that.

"What?! You. Did. That. Maria Josephina Constancia?"

No'ng sabihin ko na nga sa mga kaibigan ko ang rason kung paano ko nakumbinse ang parents ko na piliin ang kursong gusto ko ay ganito na ang naging reaction ni Jessa. Actually nilang lahat talaga.

"Jesshane Alaina, I just chose the right choice," kibit-balikat na sagot ko sabay lagok sa tequila shot na hawak ko. Sinabayan ko na rin nang pagsipsip sa lemon na hawak ko rin sa kabilang kamay.

It's another night out for us. Friday night. Hind katulad ng previous night out namin, isang chiiling night out ang ginawa namin. Sa The Palms kami ngayon with some acoustic band playing some popular music as background.

"Sandali lang naman, MJ. Bakit naman ganoon? Mas pinili mo ang gusto mo kesa sa ikaw mismo ang mamili ng mapapangasawa mo? What kind of... ang gulo!" na-iiling naman na komento ni Paulla.

"That's why she's playing the hardest, Pau, kasi alam niyang at the end of everything, wala siyang magiging boses sa kung sino ang taong gusto niya," depensa naman ni Vad sa akin sabay akbay sa girlfiend niyang kanina pa tahimik.

"E, paano nga siya magkakaboses, e, mas pinili niya ang gustong kurso kesa sa siya ang hahawak ng sariling kapalaran sa kaniyang magiging husband," sinabayan pa ng irap na sabi ni Nicole.

"We're not saying na mali ang piliin ang gustong course, MJ, ha. Pero ano kasi, e, sana pinag-isipan mo muna, 'di ba? Mas complicated kasi ang pagpapakasal kesa sa pag-aaral," wika ni Ressie.

Lumagok ulit ako ng isang shot ng tequila. It's my favorite kasi. Jose Cuervo Silver.

"Look, I don't care who I end up with, okay?" I said like a matter of fact.

"Paano kung ayaw mo pala sa lalaking iyon?" si Jessa.

"Paano kung pangit?" nandidiri pang sabi ni Nicole.

"Paano kung mabaho atsaka bobo?" ani Paulla.

"Woy, grabe ka naman Pau... Paano kung masama ang ugali?" ani Ressie.

"Paano kung babaero?" ani Vad.

"Paano kung hindi ka naman gusto?" si Maj naman.

Na-iwan sa ere ang kamay kong may hawak na shot glass dahil sa pinagsasabi nilang lahat, lalo na sa huling nagsalita na si Maj.

Sampung segundo akong nanahimik at nasa ganoong ayos. Natulala ako sa sinabi niya. Literal.

Pero kailangan kong isawalang-bahala. Dapat lang. Dapat.

Pinagpatuloy ko ang pag-inom ng tequila at saka nagsalita.

"Still. I don't fucking care if he's like that or whatever. Masiyado kayong OA. Hindi naman siguro ako bibigyan ng parents ko nang ganoong klaseng lalaki, 'di ba? They want the best for their daughter, they want the best for me, so obviously, bibigyan nila ako ng lalaking guwapo, mayaman, matalino, at higit sa lahat... maalam sa negosyo ng pamilya namin, okay? 'Wag kayong OA!" and I ended the talk with another shot of tequila.

"Paano kung may mahal na iba?"

Punyemas!

Napapikit ako nang mariin nang sabay-sabay nilang sinabi 'yon. Inilapag ko ang shot glass at isa-isa silang tiningnan.

"I. Don't. Fucking. Care. I don't fucking care if he's with someone or sa isang daang babae pa 'yan. Wala akong pakialam. Problema na niya 'yon, not mine," pagtatapos ko na talaga sa usapan.

"Hey, MJ, madami ka nang na-inom, hinay-hinay lang."

Tatagay na sana ako ng isang shot nang pigilan ako ni Maj.

"Shut up, Major Gerardo, mas high ang alcohol tolerance ng atay ko kesa sa'yo," and I snapped him.

~

We continued on our usual days. School days. Every Friday... night out.

Hindi ko na rin isina-isip ang mga walang kuwentang pinagsasabi ng mga kaibigan ko sa gabing iyon.

One week before our University Week, nagkasabay kami ni Ressie mag-lunch sa canteen ng university na pareho naming pinapasukan. Sa sobrang busy ng schedule niya, mabuti na lang at na-isingit niya ako. Wala si Vad at Maj kasi pareho silang busy na. 'Yong isa, sa girlfriend niya. 'Yong isa naman, hindi ko alam, hindi siya nagsasabi. Atsaka nagkikita naman kami sa college building namin, e. We're in the same course kaya, with different level nga lang.

"Hi, MJ!"

"Yow, MJ!"

Waddup, MJ!"

"Hello!"

Naglalakad pa lang kami papunta sa table namin ni Ressie ay may bumabati na sa akin.

Pagkalapag ko ng tray ay meron na namang bumati sa akin. Lahat 'yon mga kaklase ko sa iba't-ibang subjects, so basically, mga lalaki.

"MJ... magtapat ka nga sa akin..."

Napataas ang isang kilay ko nang marinig ang sinabi ni Ressie. Senyales 'yon na magpatuloy siya sa kung anong sasabihin niya sa akin.

"Nag-take ka ba talaga ng engineering kasi gusto mo o dahil alam mong marami ang boys sa department na iyon?"

What the shit?!

Kung may itataas pa ang kilay ko, baka umabot na ito sa kisame ng canteen.

Tiningnan ko si Ressie. Naniningkit na ang malaki niyang mata habang nakaturo sa akin ang tinidor na hawak.

"What are you talking about, Ressie Linda Ledesma? You are accusing me of nonsene. Stop it. It's not funny," napa-iling ako sa pinagsasabi ni Ressie.

"Biro lang, MJ. Napapansin ko kasing ang daming nakakakilala sa'yo and most of them are boys pa," nagpatuloy si Ressie sa pagkalikot sa pagkain niya at ganoon din ang ginawa ko.

"Ngayon pa talaga nagtaka kung bakit kilala na ako ng mga boys? Siyempre, maganda yata 'to," ngumisi ako kay Ressie. A mocking smile.

"Ulol! Ang yabang talaga nito. Ikaw na maganda, e," umirap pa siya nang sabihin 'yon pero ako, tumawa lang.

Ang sarap kasing biruin ng mga kaibigan ko sa kayabanga ko.

"Pero sabagay... kung ang boys ang pinunta mo rito, no'ng midterms pa lang dapat ay bagsak na ang mga grades mo. At in fairness sa'yo ha, ang tataas ng mga grades, talagang gustong-gusto ang engineering. Hindi halata," ngumisi ulit si Ressie atsaka sumubo ng kanin na may ulam.

"Mukha lang akong barumbado pero nag-aaral pa rin naman ako, Res. Stop being judgmental, Psychology student ka pa naman."

Nagpatuloy kami sa pagkain nang may naalala ako.

"What's your ganap this U-week nga pala?"

Uminom muna siya ng tubig bago ako sinagot.

"As usual, katulad no'ng first year ako, ang psychological horror room pa rin ang ganap ko this year. Ikaw ba? Kasali ka sa cheerdance?"

Sinubo ko ang huling kanin at ulam na meron sa pinggan ko bago nagsalita.

"Nope. Pop dance 'yong sinalihan ko," sabi ko habang ngumunguya.

"Wow! So makikita na naman kitang sumayaw?" mababakas sa boses at mukha ni Ressie na excited siya sa nalaman mula sa akin. "Ay, teka? Okay lang ba kay Tita at Tito 'yan?"

"Oo naman. Hindi naman ako sumali sa dance troupe ng university, e. Sumali lang naman ako kasi nga isang competition atsaka para na rin sa grades ko, sayang din 'yon," natatawang sabi ko.

"Yie! Makikita na ulit kitang sumayaw!"

Wala sa sarili akong napa-irap sa inasta ni Ressie. Nang medyo humupa ang tuwa niya, iginala ko ang tingin ko sa kabuuan ng canteen at sa kakagala nito, napadpad at napako ang tingin ko sa left side ng canteen, ang left entrance ng canteen to be exact.

Sa kasawiang palad, nang matingnan ko ang left side ko, may nakita akong isang pamilyar na mukha. Naglalakad siya papunta sa gawi namin at kung hindi ako nagkakamali, sa akin nakatitig ang mga mata niyang malalim habang nakapamulsa. Hindi alintana ang mga usapan at titig ng ibang nandito sa canteen.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya para iwasan ang mga titig niya na hindi ko naman maintindihan. Isang blankong titig para sa akin.

Pero nang nakita kong wala sa akin ang atensiyon ng kaibigan ko, mas lalo akong napa-irap dahil siya naman ngayon ang nakatitig sa lalaking iniiwasan kong titigan.

"Hi, MJ..." isang malakulog na boses ang narinig ko sa kaliwang parte ng table namin.

Gusto kong itatak sa isipan ko na hindi ako ang pupuntahan niya pero nang narinig ko nang binati niya ako, sa tingin ko kailangan kong tanggapin na ako nga ang sadya niya ngayon.

Ano bang ginagawa ng isang 'to rito? Himalang hindi niya kasama ang isa sa kaniyang mga kapatid? Pero ano ba talaga ang sadya niya? Sa edad niyang 'yan, siguro naman graduate na siya, 'di ba? Kaya ano ang ginagawa ng isang tulad niya rito sa loob ng campus?

"Sonny Lizares..." malamig na bati ko atsaka ko siya dahan-dahang nilingon.

"Totoo pala ang balitang nandito ka na nga sa Uno-R."

Automatic akong napalipat sa bakanteng monobloc chair sa tabi ko nang bigla siyang umupo.

"And please, cut off the formality. You can call me Sonny. 'Wag na 'yong apelyido ko, please."

Psh.

"Anong kailangan ng isang Lizares sa isang Osmeña'ng katulad ko?"

"Hi! I'm Sonny..."

Pero imbes na sagutin ang tanong ko, mas inuna niya pang batiin ang kaibigan kong kasalukuyang nasa harapan naming dalawa, tulala, na parang nakakita ng isang apparation dahil sa pagkamangha. Para siyang nakakita ng liwanag. Psh.

"R-Ressie... my name is Ressie," na-uutal at may pag-abot pa ng kamay na sagot ni Ressie.

Okay, what is happening?

"Yeah! I know you. Ressie Ledesma, right? One of MJ's childhood friend."

Mas lalong tumaas ang isang kilay ko nang nagbaling ako ng tingin kay Sonny dahil sa sinabi niya.

Paano niya nalaman 'yon?

"Y-Yes... yes, tama. And ikaw naman ang Kuya ni Kuya Darry, 'di ba?"

That name. I never heard that name again after high school. Ngayon lang ulit.

"Oh? Kilala mo si bunso?" may mangha sa boses at mukha ni Sonny. Pareho kong iniwasan ang tingin ni Sonny at Ressie. Wala naman kasi akong contribution sa pag-uusap nila ngayon.

"Oo naman. Paanong hindi, e, ang laki nang naitulong niya sa amin no'ng nasa high school pa lang kami. Napalapit na nga kami sa kaniya no'ng nandito pa siya, e."

Hindi ko alam ang tungkol doon. Nakalimutan ko na nga kung ano ang dahilan kung bakit napalapit ang mga kaibigan ko sa Darry na tinutukoy nila. Matagal na panahon na kasi 'yon.

"So tinulungan ka rin pala ni bunso dati?"

Naramdaman ko ang titig ni Sonny sa akin kaya nilingon ko siya.

Tama nga ang hinala ko, ako nga ang tinitingnan niya.

"E, hindi naman siya sumasama sa mga group study namin, Kuya Sonny. Kaya hindi siya natulungan ni Kuya Darry dati."

Nang si Ressie na mismo ang sumagot, nagkibit-balikat na lang ako kasi sang-ayon naman ako sa naging sagot ng kaibigan ko.

Nag-iwas ulit ako ng tingin sa kaniya at iginala ang tingin sa kung saan basta hindi lang sa kaniya. May sinabi pa si Sonny kay Ressie pero hindi ko masiyadong naintindihan kaya hindi ko na lang pinakinggan.

Sakto namang may kumaway sa akin sa kabilang table kaya roon natoon ang pansin ko.

"K-Kuya S-Sonny?"

No'ng natapos ako sa pagpansin sa mga schoolmates na nagpapapansin sa akin, may panibagong boses na naman akong narinig kaya naibalik ko sa mga katabi ko ang atensiyon ko.

"Kuya Sonny! You're here!" mas maligayang dagdag na sabi ng isa sa mga kasamahan ko sa pop dance.

Anong ginagawa ni Jessela rito?

"Yeah. May inasikaso lang ako tungkol sa records ko kaya nandito ako ngayon atsaka courtesy call na rin kay Father Martin."

"Nasa labas pa lang ako ng canteen, may usap-usapan na nandito ka raw sa campus. Talagang totoo pala! Atsaka congrats nga pala Kuya, ha! Or shall I call you, Engineer Edison Thomas Lizares? Hahaha!"

"Wow, Kuya Sonny? You passed the board exam?" manghang tanong ni Ressie.

Maski ako, namangha na rin. Tama ang hinala kong graduate na nga ang isang 'to at base nga sa sinabi ni Jessela, nakapasa siya sa board exam. Atsaka Engineer?

"Naku, Ressie, hindi lang basta-bastang nakapasa! Siya lang naman ang top one sa Chemical Engineering Board Exams!"

Wow. As in wow! How did he do that? Bakit hindi ko alam?

Sabagay... umiiwas nga pala ako 'pag tungkol na sa mga Lizares.

"Wow talaga, Kuya Sonny! Beauty and brains talaga ang mga Lizares. Walang kupas! Congrats, Engineer Sonny Lizares," nakangising bati pa ni Ressie.

"Thank you, Ressie and Jessela. Mabuti pa kayo, nakapag-congrats na sa akin..." nabitin ang sasabihin niya sana nang lumingon siya sa akin.

"Congrats. Didn't know that one though," cool na sabi ko at ako na mismo ang nag-iwas ng tingin.

"Ay, nga pala... bago ko makalimutan ang sadya ko rito..."

Naagaw ni Jessela ang atensiyon ko kaya napatingin ako sa kaniya. Saktong nakatingin na rin siya sa akin.

"MJ, tapos ka na bang mag-lunch? May final practice raw mamaya mga one pm. Manunuod si Dean."

"Okay..." ngumiti ako kay Jessela at sinimulan nang ayusin ang duffel bag na dala ko. Alam ko kasing may practice kami ngayon pero ang hindi ko inaasahan ay ang part na may manunuod na higher rank sa amin.

"Anong practice 'yan, Jes? Para ba sa U-week 'yan?"

Habang ginagawa ang pag-aayos ng gamit ay narinig kong nagtanong na nga si Sonny sa kaniya.

"Oo, Kuya. Pop dance."

"Oh?" manghang tanong niya at nakita ko sa gilid ng mata ko na lumingon siya sa akin. "Kasali si MJ?"

Wala sa sarili akong napa-irap sa pinagsasabi at pinagrereak nitong si Sonny. Hindi ba siya nauubusan ng mangha sa reaction niya? Siya 'tong nag-topnotch, namamangha pa rin siya sa mga simpleng bagay lang? Pambihirang Lizares 'to, oo.

"Oo naman. Gusto mong manood mamaya?"

Please, Jessela, stop talking!

Napatingin ako kay Ressie to ask some back up or any attention man lang pero wala sa akin ang tingin niya. Nandoon sa dalawang nag-uusap.

"I was about to ask you that, Jes. So yeah, manunood talaga ako. Puwede naman 'di ba?"

Really, Sonny Lizares?

"Oo naman, yes! Ikaw pa. Matutuwa pa nga yata si Dean 'pag nakita ka, e."

"Um, MJ, mauna na ako ha? I still have class, e."

Laking pasasalamat ko na pinansin na rin ako sa wakas ni Ressie. Tumango ako sa kaniya bilang sagot.

"Sige, magkita na lang tayo mamaya. Gypsy," pasimple akong kumindat sa kaniya. Friday kasi ngayon, kaya alam na.

"Kuya Sonny, Jessela, sisibat na ako ha?" paalam naman niya sa dalawa. "Kuya Son, congrats ulit at paki-regards na lang din ako kay Kuya Darry. Pakisabi miss na miss na namin siya ng twins."

"Makakarating, Ressie. Ingat ka," kumaway pa siya sa akin bago siya nakalabas ng canteen.

"Sasabay ka ba sa akin, MJ, o mamaya ka pa?" tanong ni Jessela sabay tingin kay Sonny.

Oh, no Jessela. Mali ang iniisip mo.

"Sasabay na ako sa'yo. Wala rin naman akong ibang gagawin."

Isinukbit ko na ang duffel bag sa balikat ko saka ako tumayo. Sa kanang parte ng table ako lumabas, umikot ako para masundan na si Jessela kahit na hindi nililingon si Sony.

Kahit naman lingunin ko o hindi, susunod din naman ang isang 'yon.

Nakakairita lang kasi, hindi nga dapat ako nakikipaglapit sa mga Lizares, pero heto siya't winawaragwag ang pagmumukha sa harapan ko. Nagawa pa akong kausapin at may plano lang manood sa practice namin. Ang galing din naman, e.

Kahit anong gawin niya, mananatili sa isipan ko ang mga katagang...

The Lizares are still untouchables!

~

Bab terkait

  • She Leaves   She Leaves 5: 2 Years Before The Engagement

    "And good job! Maganda! Sa tingin ko may laban ang College of Engineering. Am I right, Engineer Lizares?"Wala sa sarili akong napa-irap habang naglalakad papunta sa duffel bag ko.Tatlong rounds ng practice ang ginawa namin para sa final practice na ito. Una, 'yong kami-kami lang as a group. Pangalawa, pinapanood na kami ng aming supervising faculty. Pangatlo, ang Dean of College of Engineering na ang nanunood sa amin. Sa tatlong rounds na 'yon, nandoon lang sa isang sulok si Sonny. Tahimik na nakamasidsa bawat galaw namin. Oo. Namin. Ayokong mag-assume na ako lang ang tinitingnan niya kahit halata naman.Ngayon ay hiningan na siya ng komento ni Dean tungkol sa naging performance namin."Tama po kayo, Dean, magaling nga itong mga kasali sa pop dance ngayong taon."Napapikit ako nang mariin dahil nagsisi akong lumapit agad ako sa duffel bag ko bago pa man siya nagsalita. Sana pal

    Terakhir Diperbarui : 2021-04-13
  • She Leaves   She Leaves 6: 11 Months Before The Engagement

    Dumaan ang birthday ko na hindi pa rin nagpaparamdam ang mga kapatid ko. Para sa akin, normal na lang 'yon.Naging abala rin ako sa OJT namin sa isang construction site. After no'ng party namin sa isang high end bar ay nagsimula rin ang OJT ko. Parte ito ng curriculum namin dahil incoming fifth year na kami.Sobrang na-enjoy ko ang experience kahit na palagi kaming nakabilad sa araw at kung minsan tinutulungan namin ang mga construction workers sa mga gawain nila, minsan nagbubuhat, nagmamasa ng semento, at kung anu-ano pang ginagawa nila. Meron din kaming experience na pinakita sa amin ng Engineer ng construction site na iyon kung paano nila ginagawa ang building na iyon through strategic planning.Dalawang buwan lang ang OJT namin doon kaya hindi na namin pinatapos ang paggawa ng building. Pero masaya naman, marami kaming natutunan, Be it life lessons or actual job of a certified civil engineer.Ka

    Terakhir Diperbarui : 2021-04-16
  • She Leaves   She Leaves 7: 9 Months Before The Engagement

    Humigop ako sa mainit-init na sabaw ng tinolang manok. Ito kasi ang ulam ngayong pananghalian. Nasa canteen ako kasama ang mga engineering friends ko.Simula no'ng June, naging abala na ang buhay mag-aaral ko. Fifth year na kasi kaya kaliwa't-kanan na ang gawain. Meron pang project study na kailangang atupagin.Minsanan na nga lang din akong lumabas ng gabi at mag-party sa sobrang daming gawain. Ang huling party yata na napuntahan ko ay no'ng fiesta pa ng ciudad namin. Aba'y ewab, ayoko nang balikan ang gabing 'yon. Naiirita ako. Hindi ko kasi nakilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa sarili ko no'ng mga oras na 'yon. Siguro dahil sa nainom ko. Oo, dahil lang 'yon sa nainom ko. Walang ibang taong involve, sarili ko lang at ang iba't-ibang klaseng inumin na tinungga ko. Basta naiirita talaga ako."MJ, tapos ka na ba sa design mo para sa Transpo Eng?"Sa kalagitnaan ng panananghalian

    Terakhir Diperbarui : 2021-04-21
  • She Leaves   She Leaves 8: 5 Months Before The Engagement

    Kumukuti-kutitap. Bumubusi-busilak. Kikindat-kindat. Kukurap-kurap.Ganiyan ang indak ng mga bombilya na animo'y pinaglalaruan ang ating mga mata.Funny how these little lights makes me stare at the at the moment. Funny how this big christmas tree that displayed at the condo building's lobby entertained for the mean time.Isang buwan na lang pala at pasko na. Ang bilis talaga ng panahon, parang noong isang linggo lang, nagha-halloween party pa kami ng mga pinsan ko, binista pa namin ang mga mahal namin na pumunaw na, tapos ngayon... lumalamig na ang simoy ng hangin, nagsisilabasan na ang mga palamuting pang pasko, naririnig ko na ang boses ni Jose Marie Chan, Mariah Carey, at ang station ID ng Abs-Cbn at iba pa.Sabagay, noong September pa lang nagsimula ang mga ganito, ngayon ko lang talaga nabigyan ng pansin."Ma'am MJ, nandiyan na po ang sundo n'yo."Natig

    Terakhir Diperbarui : 2021-04-23
  • She Leaves   She Leaves 9: 4 Months Before The Engagement

    Nakauwi ako nang matiwasay sa gabing iyon. Wala na rin akong narinig na issue tungkol sa nangyaring paghigit sa akin ni Sonny. Hindi ko na rin masiyadong inisip.Pero isang buwan na ang nakalilipas, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang halik niya. Punyemas naman!I've kissed guys before, way hotter than that, way intense than that. Smack nga lang 'yong ginawa niya pero punyemas naman! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan.Siguro dahil na-guilty ako sa hindi ko malamang dahilan. Bakit nga ba ako nagi-guilty? Dahil ba isa siyang Lizares at ayaw ko sa kanila o dahil sa may nakakita sa aming dalawa? At sa lahat ng puwedeng makakita, bakit siya pa?I shake my head and stare at the ceiling of my room. Ilang minuto rin akong nakipagtitigan sa kisame. Umaga pa lang pero feeling ko ubos na ang energy ko.Mamayang gabi, makikilala ko na ang pamilyang pinili ng mga magulang ko para

    Terakhir Diperbarui : 2021-05-05
  • She Leaves   She Leaves 10: 3 Months Before The Engagement

    Dumaan ang Pasko, kasal ni Ate Ada at Decart Lizares, at ang bagong taon na wala masiyadong ganap sa buhay ko.Maliban na lang sa pagiging makulit ng engkanto. Sa sobrang kulit, heto na nga siya o, palapit na sa akin.Sunday ngayon at nandito ako sa kabisera para simulan na naman ang panibagong linggo ng pagiging busy. It's the second week of January and ilang araw na rin magmula no'ng magpalit ang taon.I'm trying my best to be cool with Sonny since I knew the merging. I'm trying my best to do everything para lang makalimutan ang lahat ng pag-aming ginawa niya sa nakaraan. Sinubukan ko at hanggang ngayon ay sinusubukan ko pa rin.Gusto niya ako. May gusto siya sa akin. Kaya siguro masaya siya, masayang-masaya siya na kami ang ikakasal. I don't want to pop up his bubble. I'll let him be happy. As if people can be genuinely happy.I'm kind of good at acting pero sa loob ko, hindi

    Terakhir Diperbarui : 2021-05-06
  • She Leaves   She Leaves 11: 2 Months Before The Engagement

    "Ready for hardbound!" Binasa ko ang maliit na note na nakalagay sa sandamakmak na papel na ipinasa namin kanina after ng defense. "Ready for hardbound na tayo!" Muling sigaw ko."'Yon o!""Nice!""Tara na! Pa-hardbound na tayo.""Waste no time, engineers!""Siguradong-sigurado na ba?"'Yan ang sari-saring reaksiyon ng mga project study mates ko nang sabihin ko ang magandang balita sa kanila."Oo nga! Ano? Tara na!" Natatawang sabi ko.Sobrang ingay namin ngayon, mabuti na lang at malapit kami sa field at malayo naman sa buildings. Baka napagalitan na kami dahil sa sari-saring sigaw namin. Sino ba kasi ang hindi matutuwa na ang halos isang taon mong pinaghirapan na project study ay makakapasa sa mga panel? Sinong hindi? Kaya dapat i-celebrate!First week of February, nagkaroon kami ng projec

    Terakhir Diperbarui : 2021-05-07
  • She Leaves   She Leaves 12: 1 Month Before The Engagement

    "April seven is our graduation day!" Masayang sabi ni Ferlen habang binabasa ang nakasulat sa bulletin board. It's an announcement for the graduating students about the date of our graduation day.Sumandal ako sa pader na katabi lang ng bulletin board at in-i-relax ang likod ko habang ang mga kasamahan ko ay abala sa pagtingin sa bulletin board."That's exactly one month from now," ani Alvin."Grabe, grabe, grabe! Isang buwan na lang, graduate na tayo!" Masayang sambit naman ni Joemil kaya napatingin ako sa kaniya.It's our final week. Our last finals. My last examination in college. Pinaaga ang exams namin kasi nga graduating kami, and that's the usual schedule ng mga graduating students ng college.Dahil huling exams ko na, I challenged myself na hindi mag-aral at i-asa lahat sa stock knowledge. So, basically, hindi ako nag-aral para sa finals na ito. So far, so good, meron nam

    Terakhir Diperbarui : 2021-05-08

Bab terbaru

  • She Leaves   She Leaves 30: The Board Exam

    Today is the day I will be judge. Today is the day that all my hardworks will be put into test. Today is the day. Today is the punyemas day!!!!Few days prior to this, everything about me and Darry were going smoothly. Hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa nangyaring iyon. Sa tuwing tinatanong niya ako, ang palagi kong sinasabi ay wala akong maalala dahil sa kalasingan. Hindi rin naman siya nagku-kuwento kung ano kaya pinapalabas ko na baka nga wala kasi parang wala lang naman.Mas lalo lang akong naging abala sa pagpi-prepare sa sarili ko sa papalapit na boards. Everything is sailing smoothly dahil walang mga problema akong natatanggap. Darry is treating me well, my family is constantly sending me messages and telling me to break a leg and everything, also my friends. Kaso ngayong araw, hindi na ako magbabasa ng mga message. Mas pinili ko kasing ilayo muna sa akin ang phone ko. Si Darry din mismo ang nag-suggest sa akin na lumayo muna

  • She Leaves   She Leaves 29: The Ardent Spirits

    "Hello Misis Lizares!" Maligayang bati ni Jessa sa akin nang makarating kami sa bar kung saan daw magkikita-kita ang mga kaibigan ni Darry at ang mga kaibigan ko. As usual, si Crisha, Maj, at Jessa lang ang nandito. Nasa probinsya na naman kasi ang iba.Nakipag-beso ako kay Crisha at Jessa, at bro hug naman ang kay Maj."Himalang nakalabas ka ngayon, bruha?"Matapos ang batian, agad akong inilapit ni Jessa sa sarili niya para yakapin. It's been a while since the last time we saw each other, masiyado talaga akong naging busy sa buhay reviewee ko."Katatapos lang kasi ng mock board at isinama lang naman ako ni Darry dito kaya tinawagan ko na kayo ni Maj." Kumuha ako ng isang shot ng tequila na nasa lamesa at diretsong tinungga.We meet again, ardent spirits!"Ay betsung si papa Darry, pinayagan kang mag-enjoy," puna ni Jessa."Mabuti nga si

  • She Leaves   She Leaves 28: The Truth Behind The Past

    Another month has passed after that quick vacation with my cousins sa Palawan. I just came back from Manila. Done with another round of diagnostic testing for this month and two months na lang din at board exams na namin. Mas pinagbutihan ko ang pagri-review, erasing and ignoring the negativity of life. Charot. Ignoring my heart and its consequences. Brain muna. Si brain naman.Actually, kahapon lang talaga ako bumalik and today is another day kaya naisipan kong mag-jogging na naman. Another two hours of burning some unnecessary fats.Airpods on my ears and the phone is just on my left arm. I rested for a while on a big mango tree. The morning air in this kind of environment is the air I want to breathe for the rest of my life. Malamig tapos sobrang fresh pa. I can also see some moist on the grass of the sugarcanes.Ang sarap talagang mag-jogging kapag nature ang iyong kasama. Unlike when you're in some big cities, na pu

  • She Leaves   She Leaves 27: The Exhibit

    Tinitigan ko ang gawa ko. Not so perfect in appearance pero pasang awa na! Wait till you taste it! Mapapasinghap ka sa sarap!Bahagya ko pang inamoy ang niluto ko at saka dahan-dahang pumihit patalikod para mailapag ito sa dining table. Partida nakapikit pa ako n'yan nang inamoy ko kaya noong paglingon ko na ay saktong dumilat ako.Punyemas."Punyemas naman, Darry! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Singhal ko sa kaniya. Gulat na gulat ako sa prensensiya niya kasi nang magdilat ako ng mata, mukha niya agad ang nakita ko. Nakasandal siya sa bukana ng kitchen at naka-crossed arms pa ang demunyu. Habang ako naman ay halos tahipin na ang dibdib ko dahil sa gulat at sa kabang naramdaman ko.Sunod-sunod ang naging paghinga ko. Mabuti na lang at hindi ko nabitawan ang bitbit kong pinggan ng speciality ko: Scrambled corned beef ala Maria Josephina Constancia Osmeña Lizares."You're cu

  • She Leaves   She Leaves 26: The Call

    Masakit ang sinabi ko. Masakit ang ginawa kong halos magmakaawa na kay Raffy para lang itigil na niya ang nararamdaman niya.Kung ako tinanong ng mga panahong namimili pa ng mapapangasawa sina Mama at Papa tungkol sa mga Javier, siguro tama si Raffy, papayag nga ako. Bukod sa wala na akong choice, mapapanatag ang loob ko dahil kaibigan ko ang ipakakasal sa akin. Siguro nga magiging masaya kami. Matututunan ko siyang magustohan. Baka nga.Pero ngayon ko nalaman, e, kaya ganito ang approach ko. I am not the same person as I am from last year. My perception did change after kong malaman na Lizares ang pakakasalan ko. Ibang-iba na. Kaya ko nasabi kay Raffy 'yon para hindi niya mas lalong sisihin ang sarili, para hindi na siya umasang meron nga kahit kaonti. Mas mahirap 'yon. Kaya sinabi ko sa kaniya ang mga salitang naka-base sa pangkasalukuyang nararamdaman ko.Hindi naging maayos ang pag-iwan ko kay Raffy sa fast food chai

  • She Leaves   She Leaves 25: The Review

    Hindi ko pinagsisihan ang halik ko sa kaniya. I did it freely and not against my will. But what it turned out is the thing I'm afraid of right now.After that night, Darry said to my parents na mas mabuting nandito ako sa Negros for the review para raw mas maka-relax ako. Since hindi na rin naman daw ako ang hahawak ng company kasi nandito na ang parents ko. Wala na rin naman daw akong gagawin sa Manila kaya mas mabuti raw na manatili ako rito sa Negros.I want to protest. Pero wala akong nagawa kundi ang sundin ang utos nila. Pinagbigyan ko, baka sakaling kailangan niya lang ng space dahil sa nangyari at sa mga nalaman. Kahit na hindi man lang niya inalam ang side ko. Hinayaan ko siya. Nagpaubaya ako.Unang dalawang linggong pananatili ko sa bahay ay puro review lang ang ginagawa ko. Merong pinagdidikitan ko ang buong dingding ng study room namin ng mga formulas para makatulong sa akin sa pagri-review.

  • She Leaves   She Leaves 24: The Birthday Party

    Paano mo malalaman kung may crush ka sa isang tao?'Pag napapangiti ka sa tuwing nakikita mo siya.Paano mo malalaman kung gusto mo na ang taong iyon?'Pag masaya ka sa tuwing nakikita mo siya at malungkot ka sa tuwing hindi mo siya nakikita.E, paano mo malalaman kung mahal mo na ang isang tao?Hoy teka, sandali, wait, MJ Osmeña! Anong mahal? Walang mahal! Ang mga bilihin lang ang nagmamahal, hindi si Maria Josephina Constancia! Hindi nagmamahal 'yon, nagmumura 'yon, e. Nagmumura ka! Hindi ka nagmamahal! Imposible 'yon!Masaya kong sinalubong ang pamilya ko nang makarating kami sa wakas sa birthday party ng pamangkin kong si Kansas. Airport ang theme ng party kaya punong-puno ang sikat na event center ng ciudad namin ng mga designs tungkol sa eroplano, airport, at iba pang may kinalaman sa aeronautics. Hindi ko alam kung anong trip ni Ate Tonette, hin

  • She Leaves   She Leaves 23: The Demunyu

    Kung dati, naging rason ang trabaho kung bakit nag-iiwasan kami ni Darry sa penthouse. Ngayon... ako na mismo ang umiiwas sa kaniya. Blessing in disguise din ang pagiging abala niya sa kompanya nila kaya hindi na rin niya ako binulabog pa. In short, wala kaming pansinan sa loob ng bahay.Laking pasasalamat ko na nga lang na hindi ko na kailangang magpanggap dahil uuwi na akong Negros ngayon at maiiwan siya sa penthouse kasama si Alice at Erna. Babalik din naman ako ng Monday morning. It's just a weekend with family dahil first birthday ni Kansas, na pangalawang anak ni Ate Tonette."Maligayang pagbabalik sa Negros, Ma'am MJ!" Pagkalabas ko ng airport, ang nakangiting si Manong Bong ang bumungad sa akin. Kinuha niya ang medium size luggage ko at saka pinasakay sa kotse ko na siya ang nag-drive."Hello Manong Bong! Kumusta ka na, Manong?" No'ng naisakay na niya sa likuran ang bagahe ay agad ko siyang binati.

  • She Leaves   She Leaves 22: The Husband's Other Friend, Part 2

    "Oh, hija!" Malawak pero may poise na bati ni Mommy (so awkward!) Felicity sa akin. Hinawakan niya pa ang magkabilang braso ko at hinarap ako nang mabuti.Wala na akong pakialam kung nanginginig na itong labi ko sa kakangiti dahil hanggang ngayon, kahit na nakahawak at nakaharap na ang mga magulang niya sa akin, ay hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Mas lalo lang nakadagdag sa bilis ng tibok ng puso ko ang maya't-mayang pagpisil niya sa kamay ko.Gaga ka talaga kahit kailan, MJ! Ang dami mo nang nahawakang kamay, ngayon ka pa talaga kakabahan? Ano ka ba? High school student? Teenager? Feeling teenager? Tanga!Nang bumeso si Mommy (hindi na ako ma-a-awkward sa susunod) Felicity sa akin ay saka lang bumitaw si Darry sa kamay ko. Halos ipatawag at pasalamatan ko ang sampung santong kilala ko dahil sa ginawa niya. Naging stable na rin ang ngiti ko kay Mommy (promise, last na) Felicity at nakapag-respond na nang maay

Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status