Chapter: Clouded Feelings 17: The TourNagising ang diwa ko dahil sa isang masigabong palakpakan na narinig ko. Napa-iktad ang buo kong katawan kaya wala sa sarili akong napa-palakpak na rin habang iginagala ang tingin sa paligid.Ano na ang nangyayari?Wala na ‘yung katabi ko pero may tao pa naman sa round table namin. Si Engr. Sonny lang talaga ‘yung wala.Itatanong ko na sana sa isang katabi ko nang bigla kong nakita siya sa may harapan ng venue. ‘Yung puwesto kung saan namamalagi ang mga speaker ng seminar na ito.Anong ginagawa niya roon?May ka-usap siya na isa ring lalaki pero ang direksiyon ng kaniyang ulo ay naka-direkta sa puwesto ko. Hindi ko lang alam kung sa akin ba talaga siya nakatingin pero parang, wala naman kasi sa ka-usap niya nakatuon ang kaniyang tingin, mukhang sa direksiyon ko talaga.O baka malabo lang talaga itong mata ko? Kaonting pagbababad sa computer
Huling Na-update: 2021-07-11
Chapter: Clouded Feelings 16: The SeminarHanda na ang mga gamit ko. Handa na ang sarili ko. At nasa airport na kami ngayon, kasama ko si Engr. Sonny.Halata namang may bahay talaga itong si Engr. Sonny sa Manila at puwedeng-puwede siyang ma-una sa akin sa pag-alis pero bakit sinamahan niya ako?Ah, para siguro hindi ako maligaw. Malaki ang Metro Manila. Oo nga naman, Ayla, kung anu-ano 'yang iniisip mo!“Is this your first time riding a plane?” biglang tanong ni Engr. Sonny sa akin habang nakiki-linya kami para raw sa check-in ng aming gamit at ticket. Air Asia ‘yong sasakyan namin kasi nga ‘yon ‘yong nakalagay sa plane ticket at itenerary ko.Tumango ako kay Engr. Sonny. Nasa likuran niya ako pero nakaharap ang katawan niya sa akin.“So I assume that it’s your first time sa Manila?” follow-up na tanong niya matapos kong tumango sa unang tinanong niya.
Huling Na-update: 2021-06-03
Chapter: Clouded Feelings 15: The FriendshipNagpatuloy ang buhay. At patuloy itong magpapatuloy habang-buhay.Ilang linggo ulit ang lumipas. ‘Yong trabaho namin, hindi madali. Pero the best thing that happened is nawala ‘yong chismis tungkol sa akin. Parang balik ulit sa dati, Aylana Encarquez does not exist again. And gusto ko ‘yon.“Ayla, pa suyo naman… pakidala naman ito sa office ni Engineer Sonny. Sabihin mo lang na papipirmahan lang natin. Okay lang ba? Kailangan ko pa kasing tapusin ‘tong ginagawa ko.” Lumingon si Shame sa akin at may inabot na isang folder.“Okay…” sagot ko sabay abot no’ng folder at iniwan sandali ang cubicle ko.Nang makalabas sa opisina, inayos ko nang bahagya ang buhok ko at kumatok sa opisina ni Engr. Sonny. Nang makapasok, agad kong nakita ang iilan sa staff ni Engr. Sonny na abala sa kani-kanilang mga trabaho, sa kani-kanilang table.&nbs
Huling Na-update: 2021-06-02
Chapter: Clouded Feelings 14: The Office‘Yong akala kong isang pagkakataon lang na maririnig ko ang ganoong mga salita mula sa ka-officemates ko ay biglang naging routine na sa loob ng dalawang linggo. Sa tuwing darating ako, sa tuwing makikita nila akong lumalabas ng opisina namin, sa tuwing nagla-lunch ako sa canteen ng central, nakikita kong napapatingin sila sa akin at biglang magbubulong-bulongan.Gusto ko mang palampasin, hindi naman maatim ng konsensiya ko ang mga naririnig kong salita na tungkol sa akin. Hindi ko gusto ang atensiyong nakukuha ko mula sa kanila.May ibang tao naman na nakikipag-usap sa akin pero hindi ko tuloy mawari kung totoo ba iyon o nangangalap lang ng impormasiyon.“Gusto mo, isumbong na natin sa HR dept. ito?”Napabuntonghininga ako sa sinabi ni Shame at pagak siyang nginitian nang lingunin ko siya.“’Wag na, mas lalala lang ang usapan kapag nagsumbong pa ako
Huling Na-update: 2021-05-29
Chapter: Clouded Feelings 13: The JobTrenta minutos na ang nakalipas, alas-otso na pero wala pa ring tao ang front desk na sinasabi ni manong sekyu. Maya’t-maya rin kaming napapatingin sa isa’t-isa nitong sekyung ito. Hindi ko alam, mukha kaming mga timang na dalawa, promise.Napapatingin ako sa kaniya kasi nararamdaman kong maya’t-maya talaga ang tingin niya sa akin. Ewan ko ba kay manong sekyu. Nakaka-intimidate talaga.Mahigpit ang naging hawak ko sa plastic envelope na dala ko, tiningnan ko ang mga empleyadong isa-isang nagsipasukan na sa loob. Sa tuwing titingin ako sa front desk, wala pa rin talagang tao.Hanggang ang trenta minutos na paghihintay ko ay naging isang oras. Tiningnan ko ang orasan sa aking cell phone.Eight thirty-eight A.M. na pero mukhang wala pa ring tao roon sa front desk.Maya-maya lang ay biglang umalingawngaw ang tunog ng telepono rito sa tabi ko. Tiningnan ko si manong
Huling Na-update: 2021-05-27
Chapter: Clouded Feelings 12: The SaviorNang hindi ko na makayanan ang tibok ng aking puso, ako na mismo ang umiwas ng tingin. Nilingon ko si Fabio at pinilit ang sariling ngumiti sa kaniya kahit hindi naman siya nakatingin sa akin. Nakatingala pa rin siya at pinagmamasdan ang fireworks.Habul-habol ang hininga, pinilit ko ang sarili kong tingnan ulit ang fireworks pero wala na roon ang isipan ko. Nasa kaniya na.Minsan lang akong kapusin ng hangin katititig sa isang tao. At sa minsang iyon, alam kong may kakaiba talaga sa nararamdaman ko.Pero imposible. Imposibleng-imposible. Hindi puwede. Paano si Fabio? Oo, si Fabio! Si Fabio Menandro Varca na naghihintay sa akin, na hinihintay ko. Paano? Mali. Hindi puwede. Imposible siya. Bawal.At kung anu-anong salita na lang ang itinatanim ko sa aking sarili. Kaya kinabukasan, habang pauwi ako sa amin, ‘yon pa rin ang laman ng isipan ko: ang titigan naming dalawa.Nilaba
Huling Na-update: 2021-05-26
Chapter: She Leaves 30: The Board ExamToday is the day I will be judge. Today is the day that all my hardworks will be put into test. Today is the day. Today is the punyemas day!!!!Few days prior to this, everything about me and Darry were going smoothly. Hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa nangyaring iyon. Sa tuwing tinatanong niya ako, ang palagi kong sinasabi ay wala akong maalala dahil sa kalasingan. Hindi rin naman siya nagku-kuwento kung ano kaya pinapalabas ko na baka nga wala kasi parang wala lang naman.Mas lalo lang akong naging abala sa pagpi-prepare sa sarili ko sa papalapit na boards. Everything is sailing smoothly dahil walang mga problema akong natatanggap. Darry is treating me well, my family is constantly sending me messages and telling me to break a leg and everything, also my friends. Kaso ngayong araw, hindi na ako magbabasa ng mga message. Mas pinili ko kasing ilayo muna sa akin ang phone ko. Si Darry din mismo ang nag-suggest sa akin na lumayo muna
Huling Na-update: 2021-07-11
Chapter: She Leaves 29: The Ardent Spirits"Hello Misis Lizares!" Maligayang bati ni Jessa sa akin nang makarating kami sa bar kung saan daw magkikita-kita ang mga kaibigan ni Darry at ang mga kaibigan ko. As usual, si Crisha, Maj, at Jessa lang ang nandito. Nasa probinsya na naman kasi ang iba.Nakipag-beso ako kay Crisha at Jessa, at bro hug naman ang kay Maj."Himalang nakalabas ka ngayon, bruha?"Matapos ang batian, agad akong inilapit ni Jessa sa sarili niya para yakapin. It's been a while since the last time we saw each other, masiyado talaga akong naging busy sa buhay reviewee ko."Katatapos lang kasi ng mock board at isinama lang naman ako ni Darry dito kaya tinawagan ko na kayo ni Maj." Kumuha ako ng isang shot ng tequila na nasa lamesa at diretsong tinungga.We meet again, ardent spirits!"Ay betsung si papa Darry, pinayagan kang mag-enjoy," puna ni Jessa."Mabuti nga si
Huling Na-update: 2021-06-03
Chapter: She Leaves 28: The Truth Behind The PastAnother month has passed after that quick vacation with my cousins sa Palawan. I just came back from Manila. Done with another round of diagnostic testing for this month and two months na lang din at board exams na namin. Mas pinagbutihan ko ang pagri-review, erasing and ignoring the negativity of life. Charot. Ignoring my heart and its consequences. Brain muna. Si brain naman.Actually, kahapon lang talaga ako bumalik and today is another day kaya naisipan kong mag-jogging na naman. Another two hours of burning some unnecessary fats.Airpods on my ears and the phone is just on my left arm. I rested for a while on a big mango tree. The morning air in this kind of environment is the air I want to breathe for the rest of my life. Malamig tapos sobrang fresh pa. I can also see some moist on the grass of the sugarcanes.Ang sarap talagang mag-jogging kapag nature ang iyong kasama. Unlike when you're in some big cities, na pu
Huling Na-update: 2021-06-02
Chapter: She Leaves 27: The ExhibitTinitigan ko ang gawa ko. Not so perfect in appearance pero pasang awa na! Wait till you taste it! Mapapasinghap ka sa sarap!Bahagya ko pang inamoy ang niluto ko at saka dahan-dahang pumihit patalikod para mailapag ito sa dining table. Partida nakapikit pa ako n'yan nang inamoy ko kaya noong paglingon ko na ay saktong dumilat ako.Punyemas."Punyemas naman, Darry! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Singhal ko sa kaniya. Gulat na gulat ako sa prensensiya niya kasi nang magdilat ako ng mata, mukha niya agad ang nakita ko. Nakasandal siya sa bukana ng kitchen at naka-crossed arms pa ang demunyu. Habang ako naman ay halos tahipin na ang dibdib ko dahil sa gulat at sa kabang naramdaman ko.Sunod-sunod ang naging paghinga ko. Mabuti na lang at hindi ko nabitawan ang bitbit kong pinggan ng speciality ko: Scrambled corned beef ala Maria Josephina Constancia Osmeña Lizares."You're cu
Huling Na-update: 2021-05-29
Chapter: She Leaves 26: The CallMasakit ang sinabi ko. Masakit ang ginawa kong halos magmakaawa na kay Raffy para lang itigil na niya ang nararamdaman niya.Kung ako tinanong ng mga panahong namimili pa ng mapapangasawa sina Mama at Papa tungkol sa mga Javier, siguro tama si Raffy, papayag nga ako. Bukod sa wala na akong choice, mapapanatag ang loob ko dahil kaibigan ko ang ipakakasal sa akin. Siguro nga magiging masaya kami. Matututunan ko siyang magustohan. Baka nga.Pero ngayon ko nalaman, e, kaya ganito ang approach ko. I am not the same person as I am from last year. My perception did change after kong malaman na Lizares ang pakakasalan ko. Ibang-iba na. Kaya ko nasabi kay Raffy 'yon para hindi niya mas lalong sisihin ang sarili, para hindi na siya umasang meron nga kahit kaonti. Mas mahirap 'yon. Kaya sinabi ko sa kaniya ang mga salitang naka-base sa pangkasalukuyang nararamdaman ko.Hindi naging maayos ang pag-iwan ko kay Raffy sa fast food chai
Huling Na-update: 2021-05-27
Chapter: She Leaves 25: The ReviewHindi ko pinagsisihan ang halik ko sa kaniya. I did it freely and not against my will. But what it turned out is the thing I'm afraid of right now.After that night, Darry said to my parents na mas mabuting nandito ako sa Negros for the review para raw mas maka-relax ako. Since hindi na rin naman daw ako ang hahawak ng company kasi nandito na ang parents ko. Wala na rin naman daw akong gagawin sa Manila kaya mas mabuti raw na manatili ako rito sa Negros.I want to protest. Pero wala akong nagawa kundi ang sundin ang utos nila. Pinagbigyan ko, baka sakaling kailangan niya lang ng space dahil sa nangyari at sa mga nalaman. Kahit na hindi man lang niya inalam ang side ko. Hinayaan ko siya. Nagpaubaya ako.Unang dalawang linggong pananatili ko sa bahay ay puro review lang ang ginagawa ko. Merong pinagdidikitan ko ang buong dingding ng study room namin ng mga formulas para makatulong sa akin sa pagri-review.
Huling Na-update: 2021-05-26