Home / Romance / She Leaves / She Leaves 6: 11 Months Before The Engagement

Share

She Leaves 6: 11 Months Before The Engagement

Author: doravella
last update Last Updated: 2021-04-16 21:54:03

Dumaan ang birthday ko na hindi pa rin nagpaparamdam ang mga kapatid ko. Para sa akin, normal na lang 'yon.

Naging abala rin ako sa OJT namin sa isang construction site. After no'ng party namin sa isang high end bar ay nagsimula rin ang OJT ko. Parte ito ng curriculum namin dahil incoming fifth year na kami.

Sobrang na-enjoy ko ang experience kahit na palagi kaming nakabilad sa araw at kung minsan tinutulungan namin ang mga construction workers sa mga gawain nila, minsan nagbubuhat, nagmamasa ng semento, at kung anu-ano pang ginagawa nila. Meron din kaming experience na pinakita sa amin ng Engineer ng construction site na iyon kung paano nila ginagawa ang building na iyon through strategic planning.

Dalawang buwan lang ang OJT namin doon kaya hindi na namin pinatapos ang paggawa ng building. Pero masaya naman, marami kaming natutunan, Be it life lessons or actual job of a certified civil engineer.

Kasalukuyan akong nakatingala sa mga dahon ng mangga na katabi lang ng sementadong bench na tinatambayan ko. Kasama ko ngayon ang mga kaklase ko sa CE at enrollment na naman kaya kami nandito sa campus.

"Pabor na pabor kay MJ 'tong Structural Design two na subject natin, o. Steel and Timber."

Natigil ang pagtitig ko sa mga dahon at nilingon ang mga kaklase ko. Hindi na ako sumagot kasi hindi naman nila inaasahang sasagutin ko 'yong sinabi ni Alvin.

Halos lalaki ang kasama ko ngayon sa pag-i-enroll. Kaonti lang kaming babae at sa group of friends ko, ako lang talaga ang babae.

"MJ, tahimik ka yata?"

Nagdaan ang ilang minuto, napuna na nga ng isang malapit kong kaklase, na kasali sa group of engineering friends ko, ang pagiging tahimik ko.

"Woke up on the wrong side of the bed lang, Louise," sagot ko na sabay ngiti para hindi na siya mag-alala pa.

"Wala kang tulog 'no? O 'di kaya'y kulang ka sa tulog," si Louise ulit.

"Kulang lang sa tulog. 'Wag mo na kasi akong alalahanin, Louise. Magpatuloy ka na lang sa pagsusulat d'yan."

Tapos na kasi akong magsulat ng enrollment form, silang boys ay hindi pa kaya hinihintay ko na lang sila para makapunta na kami sa cashier.

Hindi na ulit ako kinulit ni Louise kaya napa-isip na naman ako sa bumabagabag sa akin.

Kagabi, binisita ako ni Mama sa condo. Just a random visit on her remaining child lang, ganoon, at hindi sinasadyang may mapag-usapan kami.

Tungkol sa negosyo ng mga Lizares ang napag-usapan namin. On how their business is on the verge of the cliff. Na kaonting tapik na lang daw at baka bubulusok na sa ilalim ng bangin. Nasa alanganin daw ang sugar corporation nila. Siguro dahil sa bumababang presyo ng asukal na sinabayan pa ng pag-i-import ng gobyerno sa ibang bansa ng mga asukal. May isa ring rason kung bakit nasa alanganin sila, dahil sa isang bagong tayong milling company sa probinsiya. Mataas kasi ang bentahan nila ng asukal kaya na-i-engganyo ang mga sugarcane farmers na lumipat sa bagong milling company na iyon.

Maraming rason kung bakit nasa alanganin ang Lizares Sugar Corporation at ang sabi sa akin ni Mama, ang tanging solusyon lang daw para maging stable ulit ang kompanya nila ay ang mga bagong investors.

Noong unang sinabi ni Mama sa akin 'to. medyo nagtaka ako. Hindi man lang ba nalamatan ng ginawa ni Ate ang relasyon ng dalawang pamilya at kung bakit may communication pa rin ang pamilya ko sa pamilya nila?

Pero sabagay, isa nga pala sa mga investors ng Osmeña Steel Works ang mga Lizares and vice versa. At himalang hindi w-in-ithdraw ng mga Lizares ang stocks nila nang umalis si Ate at ipinahiya ang parehong pamilya.

Kung totoo ang sinabi ni Kuya Mikan na tuso nga ang mga Lizares, siguro dahil marunong silang tumupad ng usapan. Ganoon lang siguro 'yon. Kasalanan talaga ni Ate ang lahat. Kung hindi siya umalis, siguro hindi malalagay sa alanganin ang mga Lizares.

Nang sabihin sa akin ni Mama 'yon, hindi ko alam kung bakit binabagabag ako. Malakas talaga ang kutob ko na madadawit ako sa problemang ito, bilang solusyon.

Punyemas! Sana hindi naman. You knew how I loathe the Lizares brothers.

"Guys, alam n'yo na ba ang balita sa mga Lizares?"

Natigil na naman ang pagmumuni-muni ko nang magsalita ang isa pa naming kaklase na si Joemila. Nagsasalita siya habang sinusulutan ang form.

Kaya natatagalan ang pagfi-fill out nila, e, dinaig pa ang mga babae sa pag-uusap.

"Anong balita sa kanila? 'Yong tungkol sa bagong tayo na central sa Victorias?" tanong naman ni Alvin.

"Hindi. Tungkol sa pamilya mismo ng mga Lizares," si Joemil ulit.

"Ano bang meron sa kanila?" kuryusong tanong ni Louise.

Pero ako? Tulala pa rin at parang wala sa sariling nakikinig lang sa usapan nila na mahirap i-digest at ipasok sa utak kung may mas malalim kang pinag-iisipan.

"Umuwi na raw ang bunsong anak galing sa ibang bansa," ani Joemil.

"Oh?" tanong ni Alvin.

"Teka, may bunsong anak sila na nasa ibang bansa?" si Raffy.

"Oo, si Darwin Charles. Sa ibang bansa pinag-aral. Ngayong tapos na kaya heto't pinabalik na sa Pilipinas," si Joemil.

"Edi siya na ang magpapabalik sa kompanya nila sa pedestal?" ani Louise.

"Hindi pa naman masiyadong lugmok ang central nila. Papunta pa lang doon kung hindi nila aagapan sa madaling panahon," si Joemil.

"Bakit siya? Bakit hindi si Decart? 'Di ba siya naman talaga ang CEO ng central nila?" si Alvin.

"Bumaba kaya sa puwesto 'yang si Decart no'ng bigla siyang iwan sa altar no'ng si ano-"

"Raf!"

"Ay sorry, MJ."

"H-Ha?"

At doon ako natauhan, nang tawagin ni Raffy ang pangalan ko.

"Tapos na ba kayo? Tara na?" bahagya kong inayos ang sarili ko. Natulala na naman pala ako.

"Hindi pa kami tapos. Tinapik lang kita kasi tulala ka naman," ani Raffy na nginitian ko lang at nagpatuloy naman siya sa pagsusulat.

Nagpatuloy sila sa pag-uusap tungkol sa kung anong bagay. Naririnig ko ang pinag-uusapan nila pero hindi ko ma-sink in sa utak ko kung tungkol nga sa ano 'yon.

"Ano ba 'yang pinag-uusapan n'yo?"  inayos ko na ang sarili ko. So much for being too dramatic.

"Wala naman..." kibit-balikat na sagot ni Louise.

Nagkibit-balikat din ako atsaka ko sila tiningnan sa mga ginagawa nila.

Maya-maya lang din ay natapos na silang mag-fill out. Proceed agad kami sa mga other echoss ng enrollment.

Dapit-hapon na rin kami natapos dahil mga one pm lang din naman kami nag-start sa enrollment process. Mabilis lang talaga ang pag-i-enroll dahil nasa fifth year na kami at gamay na gamay na namin ang proseso. Natagalan lang talaga dahil sa mga kakilala na nakikita tapos chikahan galore.

Palabas na kami ng campus nang biglang nag-vibrate ang phone ko. Agad ko itong ch-in-eck and it's a call from Jessa.

"Ano, MJ? Uuwi ka na ba? Ihahatid na kita," ani Raffy na agad kong sinenyasan ng kamay para manahimik muna.

Napahinto ako agad sa gitna ng lobb at in-accept ang call. Ganoon din yata ang ginawa ng mga kasama ko.

"Yes, Jess?"

"Saan ka bruha? Nandito ako sa tapat ng school n'yo!"

"Huh? Anong ginagawa mo r'yan?"

"Hinihintay ka! May biglaang dinner sila Vad at Maj. Napaaga kasi ang pag-alis nila kaya biglaan din 'to."

Ipinihit ko ang katawan ko paharap sa mga kasamahan ko habang nasa tenga pa ang cell phone.

"Sige. Wait for me there, nasa lobb na rin naman ako."

"Ge..." at siya na mismo ang bumaba ng tawag.

"Sinong tumawag?" curious na tanong ni Alvin.

"Kaibigan ko. Nasa labas na, hinihintay ako. Pasensiya na Raf, maybe next time sasabay ako sa inyo. Sige na. Mauna na ako ha? Bye! See you next week!"

Kumaway-kaway pa ako sa kanila habang patakbong pinuntahan ang labas ng school. Nagtaka sila at nagulat sa bigla kong sinabi. Narinig ko pa nga si Joemil na sinabing baka raw ka-fling ko na naman ang kikitain ko kaya raw nagmamadali ako.

Wala sa sarili akong napangisi atsaka tuluyan nang lumabas ng exit gate. Nagpaalam pa ako sa guard bago namataan ang kotse ni Jessa. Isang Toyota Vios na kulay red. Firing red.

Walang katok-katok, agad kong binuksan ang front seat ng kotse niya.

"Bakit aalis sila agad? 'Di ba, next week pa naman ang alis nila pa Cebu?" pambungad na bati ko kay Jessa na sinabayan ko ng beso.

Minaneho muna niya ang kotse bago siya sumagot.

"Magliliwaliw daw muna kasama ang mga girlfriend nila bago magsimula ang review for the board exam."

"Asows. Akala mo naman nasa kabilang lupalop ng mundo ang Cebu, e, nasa kabilang isla lang naman 'yon."

Ngumisi lang si Jessa atsaka iniba ang usapan.

Nag-uusap kami tungkol sa trabaho hanggang sa makarating kami sa Cafe Bob's, kung saan daw kami magdi-dinner.

Pagkarating sa nasabing restaurant ay batian galore kami ng friendships ko. And again, kumpleto na naman ang barkada. Summer vacation pa kasi ngayon kaya nandito ang twins. Walang pasok sa school.

"Ano? Uuwi ba kayo sa fiesta natin sa makalawa?" tanong ni Lory sa kalagitnaan ng hapunan.

Kumakain na kami ngayon at hindi nga pala namin kasama ang girlfriend nilang dalawa. Exclusively for barkada lang ang dinner na ito.

"May trabaho ako. Sobrang busy sa opisina pa naman ngayon. Hindi rin ako pinayagang mag-leave," sabi ni Paulla.

"Ako... may schedule ako nang araw na 'yan," kibit-balikat na sagot ni Nicole.

"Same here..." sagot ni Jessa habang pinapa-ikot ang carbonara na in-order.

"Ano ba 'yan!" may pagmamaktol na sabi ni Lory. "Ikaw, bruhang MJ? 'Wag mong sabihing hindi ka rin makakauwi?" may pagtaas ng kilay na sabi ni Lory.

Ngumisi ako.

"Uuwi ako. Sayang naman kung hindi, e, 'di nawalan ng artista ang fiesta ng ciudad 'di ba?" preskong sabi ko sabay subo ng kanin.

"'Apakayabang mong bruha ka!" ani Lorene na tinawanan naman ng lahat.

"Basta kaming dalawa ni Maj, absent muna sa fiesta. 'Yan din ang araw ng alis namin, e," sabi ni Vad kaya natoon sa kaniya ang atensiyon namin.

"Good luck on your journey, Salvador the fifth and Major Gerardo. Take down some notes for me," natatawang sabi ko na sinang-ayunan naman nilang dalawa.

Pupunta kasing Cebu ang dalawa para sa six months review nila for the Civil Engineering board exams. Wala kasing review center dito sa probinsiya namin for that specific course kaya kailangan nilang pumunta either sa Cebu or Manila. Mas pinili lang talaga nila ang Cebu dahil mas gamay at kabisado na raw nila ang lugar.

Puro kuwentuhan, tawanan, at pagbabalik-tanaw ang ginawa namin nang gabing 'yon. Nag-bar hopping din kami after. Sinusulit ang mga oras na kasama pa namin ang dalawang boys ng barkada. Para na rin 'yong send-off party.

~

Makalipas ang dalawang araw, nasa bahay na ulit ako ngayon. 'Yong bahay talaga sa ciudad namin.

Gaya ng napag-usapan namin ng mga kaibigan ko, ngayong araw na ito ang annual fiesta highlights ng ciudad. Kaliwa't-kanan ang mga invites na kainan sa mga bahay ng mga kakilala ko. Hindi kami naghanda dahil malayo ang bahay namin sa mismong proper barangay ng ciudad. So bali, sina Tito Joven at Tita Lety, parents ni Ate Die, ang may malaking handaan dahil nasa proper barangay ang bahay nila.

Siyempre, parang naging mini-gathering na rin ng mga pinsan ko ang nangyari.

Matapos ang kainan, nagkayayaan kaming magpipinsan na manood ng street dancing competition na magaganap sa isang grounds ng isang public elementary school ng ciudad at sa mismong tapat ng shopping center ng ciudad.

Gala-gala lang ang ginawa naming magpipinsan. Sina Ate Teagan, Lourd, Lany, at Hype ang kasama ko. Busy na kasi ang iba naming pinsan at 'yong iba naman ay may ibang errands.

Nanood lang kami ng street dancing. Nakita pa nga ako ng mommy at daddy ni Vad, e. Binati ko rin sila at pinag-usapan namin panandalian si Vad. Si Tito Salvador Montero IV nga pala, ang City Mayor ng ciudad. At ang daddy naman ni Maj na si Tito Gerardo Yap ang congressman ng first congressional district ng province. Wala lang, sinasabi ko lang.

~

Kinagabihan, nasa plaza naman kami. Ang kasama ko ngayon ay ang twins at si Ressie, kasama rin ang iilang high school classmates namin.

"MJ, maglakad-lakad naman tayo. Parang gusto kong kumain no'ng corn on stick, e. Bili tayo!"

Sa kalagitnaan ng pagchi-chill namin sa isang table dito sa mga kiosk ay nag-aya nga itong si Ressie.

"Tara!" second the motion naman ni Lory na tinanguan pa ni Lorene.

Wala akong nagawa kundi ang sundin ang kung anong gustong mangyari ng mga bruha. Nagpaalam kami sa mga high school classmates namin atsaka nakipagsapalaran sa mga taong nandito sa plaza. Medyo sikipan na rin kasi maraming tao.

Nakarating kami sa isang kariton na may nagbebenta ng mga nilagang mais. Agad din na bumili ang tatlo. As for me, busog pa naman ako sa kinain namin kanina kaya hindi ako naengganyong bumili. May figure din akong kailangang alagaan.

Naghintay ako sa isang tabi, sa part na hindi dinadaanan ng mga tao. Marami-rami kasi ang palakad-lakad sa plaza kahit na hindi na ito mahulogan ng karayom sa dami ng tao.

"Ngayon pa lang magsisimula ang pageant?"

Nang makibili na sila, agad napuna ni Lory ang in-announce sa may bandang stage. May event kasi roon kaya maraming tao.

"Oo... may artista kasing manghaharana mamaya sa mga contestants," sabi naman ni Lorene.

"Sino naman?" curious na tanong ko.

Wala kasi akong alam sa program of activities sa fiesta'ng ito. Hindi naman kasi ako nakikialam. Atsaka wala rin si Vad para magbalita sa akin. Siya lang ang nakakaalam nang mga ganoon, e. Ikaw ba naman anak ni mayor.

"Si Daniel Padilla daw! 'Yong pinakasikat na matinee idol ngayon."

Tumango lang ako sa sinagot ni Lorene. Kilala ko na 'yan. Sino bang hindi? Sikat nga 'di ba? Pero personally, kilala ko talaga siya, pati 'yong girlfriend niya. Hindi sa nagmamayabang pero may mga kaibigan akong artista.

"At ang panghuli... ang punong hurado... Mister Darwin Charles L. Lizares!" anang master of ceremonies yata ng event.

"Oh my God!"

Makikinig pa sana ako sa sinasabi nang nasa stage kaso nagtititili ang tatlo kong kasama na sinamahan pa ng malakas na sigaw ng mga taong nasa paligid namin.

Weird.

"Oo nga pala! Nakauwi na nga pala si Kuya Darry!" ani Lory.

Si Lorene 'yong unang tumili kanina.

"Tara, manood tayo! Makakapasok pa tayo nito!" yaya ni Ressie. "Tara na, MJ."

Umiling ako.

"Kayo na lang. Pupunta ako sa rotunda. Doon na lang tayo magkita mamaya."

"Ay, oo nga pala. Hindi ka nga pala mahilig sa mga ganito," ani Lory nang may mapagtanto. "Sige, magkita na lang tayo sa rotunda. Didiretso na kami roon after ng pageant," dagdag niya.

Bumeso sila sa akin bago nawala sa paningin ko.

Ano bang meron?

Hindi ko rin pinatagal at naglakad na ako papuntang rotunda, kung saan magaganap ang rave party. Medyo malayong lakad 'yon mula sa plaza at sa highway ako dumaan para mas mabilis.

Maski sa daan, sa labas ng plaza, ang dami pa ring tao. Sabagay, nasa tapat kasi ng plaza ang carnival o peryahan na inarkila ng ciudad para sa fiesta.

Hindi ko na pinasadahan ng tingin ang peryahan na iyon at dire-diretsong naglakad papuntang rotunda.

Nang makarating ako roon, meron nang DJ na tumutugtog at kaonti pa lang ang nagsasayaw sa labas ng barikadang nilagay sa tapat ng stage. More on mga lasing na kabataan ang sumasayaw ang nasa labas ng barikada.

Psh, ang aga naman nilang nalasing? Alas-nuwebe pa lang ng gabi, a?

Naka-crossed arms kong iginala ang tingin ko sa stage at sa mga taong nasa baba nito. Sa mismog tapat ng stage ay merong malaking espasyo bago ang barikada. Mukhang para sa mga VIP 'yon. Wala namang ticket or admisison sa party na ito pero nilalagay ang barikadang iyon para sa mga anak ng mayayaman, sa alta sociedad ng ciudad. 'Yong tipong ayaw makipag-party sa mga ordinaryong tao ng ciudad. Katulad ng mga nagsasayaw ngayon sa labas ng barikada.

"MJ Osmeña!"

Kahit na sobrang ingay dahil sa music, nagawa ko pa ring marinig ang isang sigaw. Someone just yell my name!

Automatic akong napatingin sa may gilid ng stage, sa may baba nito. May barikada pa rin doon at medyo madilim kasi nasa harap lang ang mga ilaw. Pero naaninag ko naman na merong isang lalaki na kumakaway sa akin.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa puwestong 'yon para malapitan at makita ang mukha ng lalaking tumawag sa pangalan ko.

"MJ Osmeña, here!" sigaw niya ulit.

"Chuck?"

Nang tuluyang makalapit ay nakilala ko agad ang lalaking kanina pa tumatawag sa akin. Nasa loob siya at nasa labas naman ako. Pinapagitnaan namin ang bakal na barikada.

"Get inside, MJ. What are you doing there?" sinenyasan niya ang isang boyd guard para buksan ang barikadang 'yon para makapasok ako.

Napataas pa ang kilay ko nang mapagtantong body guard yata ito ng kaniyang amang gobernador.

"Ikaw! Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko habang papasok.

"Siyempre, nakiki-fiesta. Happy Fiesta, Escalante City!" hiyaw naman ni Chuck. Napa-iling na lang ako.

"Who's with you, Chuck?"

"I'm with some DJs from Bacolod, and since it's your hometown kaya sumama ako. Hindi nga ako nagkamali na makikita kita rito ngayon," pangisingising sabi niya.

Still remember the guy I licked the abs with? The governor's only son? Yeah, this is the guy. Chuck Francisco. We became friends after that incident and after I cut off our connection as flings.

"Oh? So sino ang special guest tonight?" patungkol ko sa DJ na special guest. Kasi ito ang inaabangan ng lahat. Every year, iba-iba, and it is expected na sikat ang magiging special guest.

"The DJ Siggy Lizares!"

What?

Literal na napahinto ako sa paglalakad dahil sa narinig ko mula kay Chuck.

Siggy Lizares?

"He's a DJ?"

Bakit hindi ko alam 'yon? Hindi ko rin naman siya nakikitang tumutugtog sa kabisera kaya bakit naging ganoon? Baguhan ba? Pero bakit special guest?

"Yep. Hindi nga lang siya tumutugtog sa Bacolod kasi sa Manila talaga siya sikat at madalas mag-gig," sagot ni Chuck.

Marami pa sana akong gustong itanong kay Chuck pero naudlot dahil sa mga bagong dating.

"Cousin! You're here!" pangisingising salubong ni Steve sa akin. Katabi niya si Breth at ang iba pa nilang barkada at ang nasa likuran ay siyang nagpatigil sa akin.

No, not again.

Bineso ko si Steve at Breth. Tinanguan ko lang ang mga kaibigan nila. Hindi ko na pinasadahan ng tingin si Sonny dahil hindi rin naman siya nakatingin sa akin.

"Nandito raw ang mga bata nating pinsan? Where are they?" tanong ko kay Breth at Steve nang nagkaroon ng chance na mabitiwan ako ni Chuck. Kanina pa kasi siya nakahawak sa baywang ko. Hindi naman ako naiirita kaya hinayaan ko na.

"Nandoon pa sa labas, kasama ang mga classmates nila. Papauwiin din 'yon nina Mommy. Then after ng pageant, diretso na rito 'yong iba," report ni Breth.

"Chuck Francisco, huh?" nakangising bulong ni Steve sa akin matapos magsalita ni Breth. Si Breth naman ay nakangisi rin habang lumalagok sa beer na dala.

"He's like your guy from last month, MJ. Nag-uulit ka na pala ngayon ng lalaki?" singit ni Breth.

Pareho ko silang inirapan.

"It's just a friendly gesture. Bisita siya sa ciudad natin kaya I need to be hospitable enough," walang ganang sagot ko.

"Okay. If you say so," pagtatapos ni Breth.

Nagtuloy-tuloy ang party. Napalitan na rin ang DJ. Ang mga tao sa labas ng barikada ay nagsisimmula nang dumami. Ang mga espesyal na tao naman ay unti-unti nang pumapasok sa VIP area. 'Yong ibang mga pinsan ko at mga kaibigan ay hindi pa nagagawi sa rotunda. Siguro hindi pa tapos ang pageant sa plaza.

Marami akong kinausap. Kaliwa't-kanan. Mga DJ na tutugtog, mga tropa ni Chuck, mga tropa ng mga pinsan ko, mga kakilala, at marami pang iba.

Napagod ako sa pakikipaghalubilo sa mga tao kaya sumandal ako sa barikada malapit sa lamesa kung saan nakalagay ang mga inumin. Walang nakaupo roon kasi nagsasayawan ang lahat. Wala ring tao sa likuran ko kaya nakasandal ako sa bakal na barikada.

"Are you tired? Gusto mong ma-upo?"

Napa-angat ako ng ulo nang merong kumausap sa akin.

Oh punyemas? Sa lahat ba naman ng puwedeng lumapit, bakit siya pa?

"No, thanks. I'm fine," isang panandaliang ngiti ang iginawad ko sa kaniya bago lumagok sa Heineken na bitbit ko.

Lumapit siya sa akin at ginaya ang position ko. Kalahating dipa ang layo niya sa akin, enough lang para magkarinigan kami.

Teka, bakit nga ba ako nag-i-expect na mag-uusap kami? Isa talagang gago 'to, e. Walang matinong magawa sa buhay.

"Chuck was your fling last month, right? Hanggang ngayon, siya pa rin?"

Napalagok ulit ako sa Heineken at hindi inabala ang sarili na lingunin siya.

"E, ano naman sa'yo kung siya pa rin?" wala sa sariling rebuttal ko sa tanong niya.

"So he's your boyfriend now?" seryosong tanong niya pero ewan ko sa sarili ko kung bakit ako natatawa.

Nakakatawa naman talaga. Ako? Si Maria Josephina Constancia Leonardia Osmeña? May boyfriend? At si Chuckie Fiorell Francisco, the governor's son pa? What the punyemas is that?

"E, ano naman ngayon sa'yo kung boyfriend ko siya?" pinipigilan ko ang sarili kong matawa sa sariling iniisip.

"Ah, oo nga pala. You don't do boyfriends. So, basically, hindi mo siya boyfriend. He's just another toy boy that lasted more than a month. Kawawang Chuck," he said it like it's a matter of fact.

Dahil sa sinabi niya, naibaling ko ang buong atensiyon ko sa kaniya.

"Sonny Lizares, ano ba ang gusto mong iparating sa akin? Ba't ba nangingialam ka sa buhay ko?"

Unti-unting gumuhit ang ngisi sa kaniyang labi kaya agad akong nag-iwas ng tingin para hindi makita ang ngisi niya. Naaalibadbaran kasi ako.

"Simple lang, MJ. I want you to stop playing around and be serious with your life before you regret everything."

What the shit?

Halos mabali ang leeg ko nang bigla akong lumingon sa kaniya. What the shit is he talking about?

"What would I regret? Atsaka ano bang pakialam mo? Seryoso ako sa buhay ko. Kasi kung hindi, matagal nang pariwara itong buhay ko, Sonny, kaya paano mo nasasabing naglalaro lang ako?"

He licked his lips and I stared at it for like point fifty seconds.

Punyemas, MJ! Mag-focus ka nga! Para kang tanga.

"So you're serious on playing someone's feelings, huh?"

Inilapag ko ang bote ng Heineken sa malapit na lamesa at tuluyan na siyang hinarap. Nakipagsukatan ng titig sa kaniya.

"I am not playing someone's feelings, Sonny. Wala akong pinaglalaruan dahil between me and my flings, may agreement kami na kami lang ang nakakaintindi. You're too judgmental to say na I'm just playing around. I am just enjoying my life."

Hindi ko na alam kung ang mga pinagsasabi ko. Isang bote pa lang ng Heineken ang nauubos ko pero nagkandabuhol-buhol na ang utak ko.

Punyemas, Sonny. Ano bang ginagawa mo sa akin?

"Kung hindi ka nga naglalaro, patunayan mo sa akin na seryoso ka talaga. Patunayan mo sa akin, MJ," may panghahamon sa tono ng kaniyang boses kaya inirapan ko.

"I don't need to prove you anything, Sonny," umiwas ako ng tingin. "Ano bang pakialam mo sa buhay ko? E, ano ba ngauon sa'yo kung hindi ako nagseseryoso? Ano ngayon sa'yo kung sinu-sinong lalaki ang kinakalantari ko? Wala naman akong tinatapakang ibang tao. Wala akong sinisirang relasyon. Wala. Kaya ano ngayon sa'yo, Sonny Lizares?"

"Because I like you! I fucking care for you because I like you, MJ!"

Punyemas?

Matinding singhap ang ginawa ko nang marinig ang sinabi niya. Hindi siya sumigaw pero may diin ang bawat salitang binitiwan niya na animo'y sumisigaw.

"And I am fucking jealous to all the boys who entered your life! Kasi mabuti pa sila, nabigyan mo ng pagkakataong makilala ka. E, ako? Kailan mo bibigyan ng pagkakataon? Bakit hindi mo ako kayang papasukin sa buhay mo?"

What are you talking about, Sonny?

"Alam mo na ang sagot sa mga tanong mo, Sonny. I said it three years ago," kalmado kong sabi.

Natahimik siya. Natahimik kaming dalawa. Isang singhap pa niya bago nagsalita.

"Paano kung hindi ako isang Lizares? Papapasukin mo ba ako sa buhay mo?"

Ayokong mag-isip! Leche, MJ! Umalis ka na sa harapan niya!

"Hindi rin. May girlfriend ka, Sonny, at hindi ako naninira ng isang relasyon. Alam ko kung hanggang saan lang ako."

Leche! Please, MJ!  Panindigan mo ang laging pinapaalala ng mga kapatid mo... The Lizares are still fucking untouchables for punyemas sake.

Hinarap ko ang direksiyon ng stage at sinalubong ang paparating na si Chuck. Nakangisi siya kaya nginisihan ko na rin.

"You want another beer?" tanong niya.

Bahagya akong nagpapasalamat na hindi niya napansin ang tensiyon sa pagitan namin ni Sonny.

"Sonny! Nandito na nga pala sina Siggy, hinahanap ka," nilingon naman niya ngayon si Sonny.

"Sige, thanks for informing me, Chuck."

Bigla siyang umalis without glancing at me. Good.

"You have tequila?"

Kinausap ko na si Chuck para hindi na niya sundan ng tingin si Sonny.

"Your favorite? Meron. Nandoon sa mga pinsan mo."

Tumango ako at nagsimula na kaming maglakad sa kabilang side ng stage para puntahan ang mga pinsan ko na tropa niya.

"Magsisimula na si Siggy in fifteen minutes," bulong niya kaya wala sa sarili akong napatingin sa relos ko.

Quarter to eleven na. Ang bilis ng oras. Hindi pa ako nalulunod sa inumin.

"Hey... did you know that Sonny and Beatrix broke up? Usap-usapan na meron daw nagugustohan na babae itong si Sonny. Pinagselosan ni Beatrix kaya sila naghiwalay."

Habang naglalakad ay biglang nagsalita ulit si Chuck. Ayoko sanang pakinggan pero nagtuloy-tuloy na siya sa pagsasalita.

Half of me wants to shut his mouth from talking. Half of me wants to hear everything. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito, a?

"Oh? So 'yong girl na 'yon ang girlfriend ngayon ni Sonny?"

"Nope. Hindi. 'Yon nga ang nakakapagtagtaka, e. Wala naman siyang ipinalit kay Beatrix kaya parang hindi rin kapani-paniwala na meron nga siyang nagugustohan. Siguro, alibi lang niya 'yon para makawala kay Beatrix."

I chuckled a bit.

"Bakit naman niya gustong kumawala sa isang Beatrix Gallardo? Jackpot na kaya siya. Maganda, makinis, mayaman, model, perfect catch na siya, a?"

"I don't know. 'Yon lang ang naririnig kong usapan, e," kibit-balikat na sagot niya at saktong nakarating na kami sa circle ng mga kaibigan niya at sa mga pinsan ko.

Agad akong binigyan ng isang shot glass ng tequila. Walang lemon o asin. Diniretsong tungga ko 'yon. Alas onse na pero ito pa lang ang naiinom kong hard drink.

"The twins and Ressie are here," medyo pasigaw na sabi ni Steve sabay turo sa puwesto kung saan ang tatlo.

Nilingo ko 'yon at saktong nakatingin si Ressie sa'kin kaya agad ko siyang kinawayan. Kumaway din siya sa'kin tapos kinalabit niya ang twins para mapansin nila ako. May kinakausap kasi ang kambal na isang lalaking hindi ko masiyadong makilala.

No'ng maagaw ni Ressie ang atensiyon ng kambal, agad silang kumaway sa'kin. Sumenyas pa sila na lumapit ako pero agad akong sumenyas na mamaya na nang mapansing malapit sila sa puwesto ng mga Lizares.

Ayokong makaramdam ng tensiyon. Ako na mismo ang iiwas.

Nagpatuloy ang party. Sayaw dito. Tagay doon. Batian dito. Halakhakan doon. Nagtipon-tipon na naman ang anak ng mga alta sa isang pribadong espasyo na pinapaligiran ng barikada, ang barikadang naghihiwalay sa aming mga alta sa mga ordinaryong tao ng ciudad na ito. Siyempre, nandoon na rin ang mga pinsan ko. Full-force yata ang mga Osmeña.

Nakahinga ako nang maluwag nang umalis si Chuck para siya naman ang magsalita sa gitna habang nagpi-play ang DJ.

"DJ Siggy!" sigaw niya na mas lalong nagpahiyaw sa lahat. Sa labas o loob man ng barikada.

Nagtatatalon na ang mga tao. Nag-i-enjoy at nagsasaya. Halatang may mga tama na. Maski si Steve at Breth, namumungay na ang mga mata at kung sinu-sinong babae na ang kinakausap. Ang mga babaeng pinsan ko naman ay panay na ang sayaw at twerk doon sa circle nila kasama ang ibang lalaking pinsan ko. Lahat napapa-indayog kahit na hindi pa nagsisimula si Siggy Lizares.

Kahit na nagkakagulo na ang nasa paligid ko, nagawa ko pa ring tumayo nang maayos sa gitna ng mga nagsasayawang tao. Bitbit ang isang bote ng paborito kong Heineken, pinagmasdan ko ang bawat galaw ni Siggy Lizares sa itaas.

Nagsimula siyang magmanipula ng mga gamit sa harap at unti-unti ring naging harmonika ang tugtog na ginagawa niya. Masarap sa tainga.

Para akong tuyong dahon na nagpapatianod sa hangin. Ang musikang naririnig ko sa naglalakihang speaker ng rave party ay nagsilbing hangin na dahilan ng aking pagpapatianod. Walang pakialam kung anong mangyayari dahil ako'y malaya.

Gusto kong kalimutan ang mga sinabi ni Sonny kanina. Gusto kong balewalain. Pero bakit kahit anong gawin ko, tumatatak sa isipan ko ang bawat salitang binitiwan niya?

Bakit nga ba ayaw ko sa mga Lizares? Ano ba talaga ang meron sa kanila at kung bakit off-limits sila? Mahirap ba talaga silang abutin? Suntok sa buwan ba talaga? Bakit ganoon, siya na mismo ang lumalapit sa akin? Bakit taliwas sa pinaniniwalaan ko ang mga ipinapakita niya sa akin? Ako lang ba talaga ang may problema?

Oo, ako nga yata. Hindi ako naniniwala sa kaniya, e. Hindi ako naniniwalang totoo ang nararamdaman niya. He likes me? E, bilang lang sa daliri ang mga pagkakataong nakakasalamuha ko siya. Imposible. Imposibleng-imposible.

No'ng una ko pa lang nakita si Sonny, alam kong may parte sa akin na humanga sa pisikal niyang anyo. Siguro dahil na-astigan ako sa mahabang buhok niya sa batok. At mas lalo akong namangha nang hindi lang sa pisikal na anyo ang labanan niya, maski sa utak, may panlaban siya. Pero hanggang doon lang 'yon. Pinigilan ko ang sarili ko kasi bawal. Bawal silang abutin.

"MJ!"

Napabalik ako sa realidad nang may humablot sa kanang kamay ko. Agad akong ngumiti nang makitang si Ressie 'yon.

'Halika, MJ!" at kinaladkad na niya ako papunta sa kung saan.

Nagpatianod lang ako. Isang tuyong dahon na hahayaan ang sariling umabot hanggang saan dalhin ng hanging ito.

"Bruha! For sure, nagsisisi na 'yong tatlo kung bakit hindi sila nag-leave para sa fiesta'ng ito!" tumatawang sabi ni Lorene nang makarating kami ni Ressie sa puwesto nila. Nasa may gitna sila, malapit sa edge ng stage.

"Ang saya!" sigaw ni Lory na sinabayan ng pagtalon. Pati ang ibang kakilala, nagwawala na.

Napa-iling na lang ako pero nasisiyahan naman sa pag-i-enjoy ng mga kaibigan.

Inilapag ko ang boteng hawak sa may edge ng stage at ini-angat ang sarili ko para makaupo. Mula sa puwesto ko, nakikita ko ang dagat ng mga tao na nagpapaindayog sa saliw ng musika. Kitang-kita ko hanggang dulo, hanggang sa kabilang street malapit sa tapat ng shopping center kung saan may isang stage para sa isa pang party.

"Make some noise, Escalantehanons!" sigaw ni Chuck sa microphone na hawak niya.

Mas lalong naging up-beat ang music at mas lalong nag-ingay ang mga tao. Sure ako, lahat ng taong nandito, may tama na.

"Wooooh! Sumayaw ka na, Kuya Darry!" sigaw ni Lorene tapos nilapitan niya ang isang taong nasa tabi ko lang pala.

Wala sa sarili akong napalingon sa katabi ko. Dahil sa ikot ng ilaw, hindi ko masiyadong maaninag ang mukha ng lalaking katabi ko. Naka-side view din siya kaya ang matangos na ilong lang niya ang nakikita ko. Mataas ang kaniyang buhok pero naka-manbun.

"Just enjoy there, Lorene."

Kahit na ma-ingay, narinig ko ang baritonong boses niya. 'Yong buong-buo.

I stared at that man. He's so familiar. Very familiar!

"MJ! Baba na r'yan. Let's dance!" si Lory naman ang nagsabi sa'kin no'n kaya naputol ang tingin ko sa lalaking 'yon at ngumiti kay Lory.

"Turn around, Lory!" natatawang sabi ko at hinawakan ang kamay niya tapos pina-ikot ko ito. Mas mataas kasi ako sa kaniya kasi nga nakaupo ako sa stage na mas elevated.

Napabitaw si Lory sa kamay ko dahil may humigit sa kaniya para magpa-picture. Natawa pa nga ako dahil halatang nagulat ang kaibigan.

"MJ!" may tumawag sa pangalan ko at agad akong inabutan ng isang shot glass.

Walang pag-aalinlangan kong inabot 'yon at b-in-ottoms-up. Bahagya pa akong napangiwi dahil sa tapang ng inumin. Natawa pa ang nagbigay sa'kin no'n at ang lalaking katabi ko. Pero pareho ko silang binalewala.

"MJ, shot!"

Kakabigay pa nga lang ng shot glass sa unang nag-abot sa akin ng tagay, may panibagong baso na naman akong nakitang nasa harapan ko. Ibang lalaki naman.

"Kaka-inom ko lang, e!" pabirong reklamo ko kay Koby. Isa sa anak ng konsehal ng ciudad namin.

"'Wag mong sabihing sumusuko na ang isang MJ Osmeña?" pagbibiro niya kaya wala sa sarili ko siyang inirapan atsaka inabot ang baso para i-bottoms-up. Hula ko, vodka naman itong pinainom sa'kin.

"Nice one, MJ!" nakangising sagot ni Koby atsaka biglang nawala sa harap ko.

"MJ, o! Tagay!"

Wala pang isang minuto, may baso na naman sa harapan ko. Galing naman ngayon sa pinsan kong si Kuya Yohan.

Aabutin ko na sana ang basong 'yon nang bigla akong naunahan. May ibang kamay ang kumuha no'n.

Parang nag-slow motion ang paligid ko nang sinundan ko ang nagmamay-ari ng kamay.

Punyemas?

Napakurapkurap ako ng ilang beses dahil sa gulat.

What the shit?

B-in-ottoms-up niya ang half full na baso at pati ang paglagok niya ay sinundan ko pa ng tingin.

"Darry!"

Saka lang naging normal ang takbo ng buhay ko nang marinig ang boses ni Kuya Yohan kaya napatingin ako ulit sa kaniya. Nasa kaniya ma ang baso.

"Gusto mo?" nakangising tanong ni Kuya Yohan sa'kin.

"Marami na s'yang nainom. Halu-halo na kaya pass muna siya, Yohan," isang baritonong boses muli ang narinig ko mula sa katabi ko kaya nakakunot-noo ko siyang tiningnan.

Tinitigan ko siya kahit na ang tingin niya ay nasa pinsan ko lang.

"Okay..." sabi ni Kuya Yohan.

But I'm too preoccupied staring at this raffish yet stunning man here beside me.

"Why did you do that?" singhal ko sa kaniya dahil nananaig sa akin ang inis dahil sa ginawa niya.

That shot was for me!

Hindi niya ako tiningnan. Nanatiling nasa harap ang tingin niya. Hindi ko tuloy makita ng buo ang mukha niya pero sobrang pamilyar niya talaga.

"I did that to save your liver from burning. Besides, you have Heineken by your side. 'Yan na lang inumin mo."

Woah!

Napasinghap ulit ako sa naging sagot niya. Gustong matawa pero hindi ko kaya. Naunahan ako ng pagka-inis.

"And who are you to save my liver from burning? Ikaw ba si Liveraid?" sarkastikong sagot ko na sinabayan pa ng isang bonggang irap.

Imbes na sumagot, bigla siyang lumingon at ngumisi sa'kin. Diretsong sa mga mata niya ako napatingin.

"Ang cute mo pa lang ma-inis?"

Punyemas. Punyemas. As in punyemas!

I knew it!

Bumuka ang bibig ko. Gusto kong magsalita pero bakit nawala ang mga salitang isasagot ko sa kaniya? Hindi ko alam, biglang nagkagulo sa puso ko o sa utak o sa tiyan... ewan! Nagkakagulo na ang nervous system, skeletal system, circulatory system, at kung anu-ano pang system, basta ang buong sistema ko nagkagulo na.

Hindi ako nagulat sa sinabi niya. Nagulat ako sa mukha niya.

"This rave party is brought to you by Councilor Einny Lizares and the Lizares brothers! Happy Manlambus Festival, Escalante City!"

Sabay nang pagsabog ng fireworks para sa fiesta'ng ito ay ang pagsabog naman ng fireworks sa loob ng sistema ko. Isang pagsabog na ang ibig sabihin ay kasiyahan.

This man right beside me is a Lizares.

He's not Decart, Einny, Tonton, Siggy, and most especially not Sonny. He's the youngest of the Lizares brothers and I don't even know his name.

Punyemas.

~

Related chapters

  • She Leaves   She Leaves 7: 9 Months Before The Engagement

    Humigop ako sa mainit-init na sabaw ng tinolang manok. Ito kasi ang ulam ngayong pananghalian. Nasa canteen ako kasama ang mga engineering friends ko.Simula no'ng June, naging abala na ang buhay mag-aaral ko. Fifth year na kasi kaya kaliwa't-kanan na ang gawain. Meron pang project study na kailangang atupagin.Minsanan na nga lang din akong lumabas ng gabi at mag-party sa sobrang daming gawain. Ang huling party yata na napuntahan ko ay no'ng fiesta pa ng ciudad namin. Aba'y ewab, ayoko nang balikan ang gabing 'yon. Naiirita ako. Hindi ko kasi nakilala ang sarili ko. Hindi ko alam kung anong nangyari sa sarili ko no'ng mga oras na 'yon. Siguro dahil sa nainom ko. Oo, dahil lang 'yon sa nainom ko. Walang ibang taong involve, sarili ko lang at ang iba't-ibang klaseng inumin na tinungga ko. Basta naiirita talaga ako."MJ, tapos ka na ba sa design mo para sa Transpo Eng?"Sa kalagitnaan ng panananghalian

    Last Updated : 2021-04-21
  • She Leaves   She Leaves 8: 5 Months Before The Engagement

    Kumukuti-kutitap. Bumubusi-busilak. Kikindat-kindat. Kukurap-kurap.Ganiyan ang indak ng mga bombilya na animo'y pinaglalaruan ang ating mga mata.Funny how these little lights makes me stare at the at the moment. Funny how this big christmas tree that displayed at the condo building's lobby entertained for the mean time.Isang buwan na lang pala at pasko na. Ang bilis talaga ng panahon, parang noong isang linggo lang, nagha-halloween party pa kami ng mga pinsan ko, binista pa namin ang mga mahal namin na pumunaw na, tapos ngayon... lumalamig na ang simoy ng hangin, nagsisilabasan na ang mga palamuting pang pasko, naririnig ko na ang boses ni Jose Marie Chan, Mariah Carey, at ang station ID ng Abs-Cbn at iba pa.Sabagay, noong September pa lang nagsimula ang mga ganito, ngayon ko lang talaga nabigyan ng pansin."Ma'am MJ, nandiyan na po ang sundo n'yo."Natig

    Last Updated : 2021-04-23
  • She Leaves   She Leaves 9: 4 Months Before The Engagement

    Nakauwi ako nang matiwasay sa gabing iyon. Wala na rin akong narinig na issue tungkol sa nangyaring paghigit sa akin ni Sonny. Hindi ko na rin masiyadong inisip.Pero isang buwan na ang nakalilipas, hindi pa rin mawala sa isipan ko ang halik niya. Punyemas naman!I've kissed guys before, way hotter than that, way intense than that. Smack nga lang 'yong ginawa niya pero punyemas naman! Hanggang ngayon, hindi ko pa rin makalimutan.Siguro dahil na-guilty ako sa hindi ko malamang dahilan. Bakit nga ba ako nagi-guilty? Dahil ba isa siyang Lizares at ayaw ko sa kanila o dahil sa may nakakita sa aming dalawa? At sa lahat ng puwedeng makakita, bakit siya pa?I shake my head and stare at the ceiling of my room. Ilang minuto rin akong nakipagtitigan sa kisame. Umaga pa lang pero feeling ko ubos na ang energy ko.Mamayang gabi, makikilala ko na ang pamilyang pinili ng mga magulang ko para

    Last Updated : 2021-05-05
  • She Leaves   She Leaves 10: 3 Months Before The Engagement

    Dumaan ang Pasko, kasal ni Ate Ada at Decart Lizares, at ang bagong taon na wala masiyadong ganap sa buhay ko.Maliban na lang sa pagiging makulit ng engkanto. Sa sobrang kulit, heto na nga siya o, palapit na sa akin.Sunday ngayon at nandito ako sa kabisera para simulan na naman ang panibagong linggo ng pagiging busy. It's the second week of January and ilang araw na rin magmula no'ng magpalit ang taon.I'm trying my best to be cool with Sonny since I knew the merging. I'm trying my best to do everything para lang makalimutan ang lahat ng pag-aming ginawa niya sa nakaraan. Sinubukan ko at hanggang ngayon ay sinusubukan ko pa rin.Gusto niya ako. May gusto siya sa akin. Kaya siguro masaya siya, masayang-masaya siya na kami ang ikakasal. I don't want to pop up his bubble. I'll let him be happy. As if people can be genuinely happy.I'm kind of good at acting pero sa loob ko, hindi

    Last Updated : 2021-05-06
  • She Leaves   She Leaves 11: 2 Months Before The Engagement

    "Ready for hardbound!" Binasa ko ang maliit na note na nakalagay sa sandamakmak na papel na ipinasa namin kanina after ng defense. "Ready for hardbound na tayo!" Muling sigaw ko."'Yon o!""Nice!""Tara na! Pa-hardbound na tayo.""Waste no time, engineers!""Siguradong-sigurado na ba?"'Yan ang sari-saring reaksiyon ng mga project study mates ko nang sabihin ko ang magandang balita sa kanila."Oo nga! Ano? Tara na!" Natatawang sabi ko.Sobrang ingay namin ngayon, mabuti na lang at malapit kami sa field at malayo naman sa buildings. Baka napagalitan na kami dahil sa sari-saring sigaw namin. Sino ba kasi ang hindi matutuwa na ang halos isang taon mong pinaghirapan na project study ay makakapasa sa mga panel? Sinong hindi? Kaya dapat i-celebrate!First week of February, nagkaroon kami ng projec

    Last Updated : 2021-05-07
  • She Leaves   She Leaves 12: 1 Month Before The Engagement

    "April seven is our graduation day!" Masayang sabi ni Ferlen habang binabasa ang nakasulat sa bulletin board. It's an announcement for the graduating students about the date of our graduation day.Sumandal ako sa pader na katabi lang ng bulletin board at in-i-relax ang likod ko habang ang mga kasamahan ko ay abala sa pagtingin sa bulletin board."That's exactly one month from now," ani Alvin."Grabe, grabe, grabe! Isang buwan na lang, graduate na tayo!" Masayang sambit naman ni Joemil kaya napatingin ako sa kaniya.It's our final week. Our last finals. My last examination in college. Pinaaga ang exams namin kasi nga graduating kami, and that's the usual schedule ng mga graduating students ng college.Dahil huling exams ko na, I challenged myself na hindi mag-aral at i-asa lahat sa stock knowledge. So, basically, hindi ako nag-aral para sa finals na ito. So far, so good, meron nam

    Last Updated : 2021-05-08
  • She Leaves   She Leaves 13: 23 Days Before The Engagement

    Mapakla akong ngumiti sa likuran ng aking isipan.I didn't even know he's on a business trip now. I thought it was last week. Wow.Sabagay, wala naman akong karapatang magreklamo kung hindi ko malaman ang whereabouts niya. Wala naman siyang responsibility sa akin, hindi pa naman kami engaged, hindi pa kami kasal, kaya wala akong karapatang magalit kung bakit hindi ko alam na wala pala siya rito. I really thought he's just there on their milling company, experimenting new chemicals for their sugar corporation or whatever the Chemical Engineer do in that kind of company! Wala akong karapatang magalit at magreklamo talaga! Wala talaga! Walang-wala! Punyemas naman, Sonny!Ni-text ba talaga ay hindi mo magawa? Kahit isang 'I'm out of town' message man lang, wala talaga? Wala? Sigurado na ba?Tahimik ako sa buong oras na kumakain kami ng pananghalian. Ang mga pulitiko lang ang ma-iingay, nag-uusap siguro s

    Last Updated : 2021-05-09
  • She Leaves   She Leaves 14: 8 Days Before The Engagement

    Unknown Number:Please, let's talk.MJ...I am not the father of Ayla's child. Please, let's talk, let me explain.Nakatitig ako sa tatlong sunod-sunod na mensaheng natanggap ko gabi nang mag-walk out ako sa Cabalen. Kagagaling ko lang sa isang panandaliang bakasyon sa Pennsylvania nang binasa ko ang mensaheng ito. It's been eight day since that happened, am I up for it? Kahit unregistered numberm alam ko kung kanino 'to... Darry.Siya lang naman ang pinaratangan ko na ama ng dinadala ni Ayla. So, siya ang nag-text. Alangan namang si Sonny... which will never gonna happen!E, sinong ama ng anak ni Ayla? Kung hindi si Darry at Sonny... sino at anong kinalaman ng mga Lizares? Anak ba ng kapatid nila? Sino naman?E, ano bang pakialam ko? Wala naman talaga akong kinalaman kay Ayla. Hindi ko naman siya talaga kaibigan, kakilala lang siya ng kakilala ko. Wala kaming ibang connection bukod ka

    Last Updated : 2021-05-11

Latest chapter

  • She Leaves   She Leaves 30: The Board Exam

    Today is the day I will be judge. Today is the day that all my hardworks will be put into test. Today is the day. Today is the punyemas day!!!!Few days prior to this, everything about me and Darry were going smoothly. Hindi na namin napag-usapan ang tungkol sa nangyaring iyon. Sa tuwing tinatanong niya ako, ang palagi kong sinasabi ay wala akong maalala dahil sa kalasingan. Hindi rin naman siya nagku-kuwento kung ano kaya pinapalabas ko na baka nga wala kasi parang wala lang naman.Mas lalo lang akong naging abala sa pagpi-prepare sa sarili ko sa papalapit na boards. Everything is sailing smoothly dahil walang mga problema akong natatanggap. Darry is treating me well, my family is constantly sending me messages and telling me to break a leg and everything, also my friends. Kaso ngayong araw, hindi na ako magbabasa ng mga message. Mas pinili ko kasing ilayo muna sa akin ang phone ko. Si Darry din mismo ang nag-suggest sa akin na lumayo muna

  • She Leaves   She Leaves 29: The Ardent Spirits

    "Hello Misis Lizares!" Maligayang bati ni Jessa sa akin nang makarating kami sa bar kung saan daw magkikita-kita ang mga kaibigan ni Darry at ang mga kaibigan ko. As usual, si Crisha, Maj, at Jessa lang ang nandito. Nasa probinsya na naman kasi ang iba.Nakipag-beso ako kay Crisha at Jessa, at bro hug naman ang kay Maj."Himalang nakalabas ka ngayon, bruha?"Matapos ang batian, agad akong inilapit ni Jessa sa sarili niya para yakapin. It's been a while since the last time we saw each other, masiyado talaga akong naging busy sa buhay reviewee ko."Katatapos lang kasi ng mock board at isinama lang naman ako ni Darry dito kaya tinawagan ko na kayo ni Maj." Kumuha ako ng isang shot ng tequila na nasa lamesa at diretsong tinungga.We meet again, ardent spirits!"Ay betsung si papa Darry, pinayagan kang mag-enjoy," puna ni Jessa."Mabuti nga si

  • She Leaves   She Leaves 28: The Truth Behind The Past

    Another month has passed after that quick vacation with my cousins sa Palawan. I just came back from Manila. Done with another round of diagnostic testing for this month and two months na lang din at board exams na namin. Mas pinagbutihan ko ang pagri-review, erasing and ignoring the negativity of life. Charot. Ignoring my heart and its consequences. Brain muna. Si brain naman.Actually, kahapon lang talaga ako bumalik and today is another day kaya naisipan kong mag-jogging na naman. Another two hours of burning some unnecessary fats.Airpods on my ears and the phone is just on my left arm. I rested for a while on a big mango tree. The morning air in this kind of environment is the air I want to breathe for the rest of my life. Malamig tapos sobrang fresh pa. I can also see some moist on the grass of the sugarcanes.Ang sarap talagang mag-jogging kapag nature ang iyong kasama. Unlike when you're in some big cities, na pu

  • She Leaves   She Leaves 27: The Exhibit

    Tinitigan ko ang gawa ko. Not so perfect in appearance pero pasang awa na! Wait till you taste it! Mapapasinghap ka sa sarap!Bahagya ko pang inamoy ang niluto ko at saka dahan-dahang pumihit patalikod para mailapag ito sa dining table. Partida nakapikit pa ako n'yan nang inamoy ko kaya noong paglingon ko na ay saktong dumilat ako.Punyemas."Punyemas naman, Darry! Papatayin mo ba ako sa gulat?" Singhal ko sa kaniya. Gulat na gulat ako sa prensensiya niya kasi nang magdilat ako ng mata, mukha niya agad ang nakita ko. Nakasandal siya sa bukana ng kitchen at naka-crossed arms pa ang demunyu. Habang ako naman ay halos tahipin na ang dibdib ko dahil sa gulat at sa kabang naramdaman ko.Sunod-sunod ang naging paghinga ko. Mabuti na lang at hindi ko nabitawan ang bitbit kong pinggan ng speciality ko: Scrambled corned beef ala Maria Josephina Constancia Osmeña Lizares."You're cu

  • She Leaves   She Leaves 26: The Call

    Masakit ang sinabi ko. Masakit ang ginawa kong halos magmakaawa na kay Raffy para lang itigil na niya ang nararamdaman niya.Kung ako tinanong ng mga panahong namimili pa ng mapapangasawa sina Mama at Papa tungkol sa mga Javier, siguro tama si Raffy, papayag nga ako. Bukod sa wala na akong choice, mapapanatag ang loob ko dahil kaibigan ko ang ipakakasal sa akin. Siguro nga magiging masaya kami. Matututunan ko siyang magustohan. Baka nga.Pero ngayon ko nalaman, e, kaya ganito ang approach ko. I am not the same person as I am from last year. My perception did change after kong malaman na Lizares ang pakakasalan ko. Ibang-iba na. Kaya ko nasabi kay Raffy 'yon para hindi niya mas lalong sisihin ang sarili, para hindi na siya umasang meron nga kahit kaonti. Mas mahirap 'yon. Kaya sinabi ko sa kaniya ang mga salitang naka-base sa pangkasalukuyang nararamdaman ko.Hindi naging maayos ang pag-iwan ko kay Raffy sa fast food chai

  • She Leaves   She Leaves 25: The Review

    Hindi ko pinagsisihan ang halik ko sa kaniya. I did it freely and not against my will. But what it turned out is the thing I'm afraid of right now.After that night, Darry said to my parents na mas mabuting nandito ako sa Negros for the review para raw mas maka-relax ako. Since hindi na rin naman daw ako ang hahawak ng company kasi nandito na ang parents ko. Wala na rin naman daw akong gagawin sa Manila kaya mas mabuti raw na manatili ako rito sa Negros.I want to protest. Pero wala akong nagawa kundi ang sundin ang utos nila. Pinagbigyan ko, baka sakaling kailangan niya lang ng space dahil sa nangyari at sa mga nalaman. Kahit na hindi man lang niya inalam ang side ko. Hinayaan ko siya. Nagpaubaya ako.Unang dalawang linggong pananatili ko sa bahay ay puro review lang ang ginagawa ko. Merong pinagdidikitan ko ang buong dingding ng study room namin ng mga formulas para makatulong sa akin sa pagri-review.

  • She Leaves   She Leaves 24: The Birthday Party

    Paano mo malalaman kung may crush ka sa isang tao?'Pag napapangiti ka sa tuwing nakikita mo siya.Paano mo malalaman kung gusto mo na ang taong iyon?'Pag masaya ka sa tuwing nakikita mo siya at malungkot ka sa tuwing hindi mo siya nakikita.E, paano mo malalaman kung mahal mo na ang isang tao?Hoy teka, sandali, wait, MJ Osmeña! Anong mahal? Walang mahal! Ang mga bilihin lang ang nagmamahal, hindi si Maria Josephina Constancia! Hindi nagmamahal 'yon, nagmumura 'yon, e. Nagmumura ka! Hindi ka nagmamahal! Imposible 'yon!Masaya kong sinalubong ang pamilya ko nang makarating kami sa wakas sa birthday party ng pamangkin kong si Kansas. Airport ang theme ng party kaya punong-puno ang sikat na event center ng ciudad namin ng mga designs tungkol sa eroplano, airport, at iba pang may kinalaman sa aeronautics. Hindi ko alam kung anong trip ni Ate Tonette, hin

  • She Leaves   She Leaves 23: The Demunyu

    Kung dati, naging rason ang trabaho kung bakit nag-iiwasan kami ni Darry sa penthouse. Ngayon... ako na mismo ang umiiwas sa kaniya. Blessing in disguise din ang pagiging abala niya sa kompanya nila kaya hindi na rin niya ako binulabog pa. In short, wala kaming pansinan sa loob ng bahay.Laking pasasalamat ko na nga lang na hindi ko na kailangang magpanggap dahil uuwi na akong Negros ngayon at maiiwan siya sa penthouse kasama si Alice at Erna. Babalik din naman ako ng Monday morning. It's just a weekend with family dahil first birthday ni Kansas, na pangalawang anak ni Ate Tonette."Maligayang pagbabalik sa Negros, Ma'am MJ!" Pagkalabas ko ng airport, ang nakangiting si Manong Bong ang bumungad sa akin. Kinuha niya ang medium size luggage ko at saka pinasakay sa kotse ko na siya ang nag-drive."Hello Manong Bong! Kumusta ka na, Manong?" No'ng naisakay na niya sa likuran ang bagahe ay agad ko siyang binati.

  • She Leaves   She Leaves 22: The Husband's Other Friend, Part 2

    "Oh, hija!" Malawak pero may poise na bati ni Mommy (so awkward!) Felicity sa akin. Hinawakan niya pa ang magkabilang braso ko at hinarap ako nang mabuti.Wala na akong pakialam kung nanginginig na itong labi ko sa kakangiti dahil hanggang ngayon, kahit na nakahawak at nakaharap na ang mga magulang niya sa akin, ay hindi niya pa rin binibitiwan ang kamay ko. Mas lalo lang nakadagdag sa bilis ng tibok ng puso ko ang maya't-mayang pagpisil niya sa kamay ko.Gaga ka talaga kahit kailan, MJ! Ang dami mo nang nahawakang kamay, ngayon ka pa talaga kakabahan? Ano ka ba? High school student? Teenager? Feeling teenager? Tanga!Nang bumeso si Mommy (hindi na ako ma-a-awkward sa susunod) Felicity sa akin ay saka lang bumitaw si Darry sa kamay ko. Halos ipatawag at pasalamatan ko ang sampung santong kilala ko dahil sa ginawa niya. Naging stable na rin ang ngiti ko kay Mommy (promise, last na) Felicity at nakapag-respond na nang maay

DMCA.com Protection Status